Vicerylle || To Hopianity and...

By hopianity

24.5K 503 41

More

Vicerylle || To Hopianity and Beyond
Something That We're Not
When Princess meet his Prince
Realization, Acceptance, Forgiveness and Love
The Bucketlist
I LOVE YOU
Till We Meet Again
Who you love
MOA
KUYA
...

When I Met You

2K 52 8
By hopianity

"1... 2... 3... clear!"  

"1... 2... 3.. clear!"

Lumabas ang isang doktor sa isa sa mga hospital rooms. "Doc, kamusta na ho ang anak ko?" tanong ng isang matandang babae. "Sa ngayon stable naman na ang lagay nya pero tatapatin ko ho kayo.. mahina na po talaga ang puso nya." sabi ng doktor. "Ano pong kailangang gawin para mapabuti sya? tanong ulit ng matandang babae na alalang alala sa lagay ng anak nya. "Sa ngayon inoobserbahan pa namin ang puso nya, may gagawin pa kaming mga tests. Kailangan nya din inumin ang mga inireseta kong gamot para sa kanya" sabi ng doktor. "Sige ho. Salamat po doc, pwede ko na po ba syang puntahan?" tanong pa ulit ng matanda. "Opo pwede na" doctor said.

------

Nagising ang lalaking galing sa mahabang pagkakatulog, babangon sana sya ng kaunti ng makita ang nanay nyang natutulog sa upuan sa tabi nya. "Nay.." mahinang sabi nito. Naalimpungatan naman ang matanda at agad pinabalik sa pagkakahiga ang anak nya. "Tutoy, wag ka munang gumalaw, mahina ka pa" sabi ni Nanay Rosario. Hindi naman na umangal si Vice at bumalik na sa pagkakahiga. "Hindi pa ba tayo uuwi? Sa bahay na lang tayo nay. Ayoko dito, magagastusan pa tayo ng malaki dito." sabi ni Vice. "Anak Tutoy, wag mong intindihin ang gastusin, ang dapat mong gawin ay magpahinga at magpagaling." sabi ni Nanay Rosario. "Hindi naman na ko gagaling" mahinang sabi ni Vice. "Ayokong sinasabi mo yan Tutoy, gagaling ka! Yan ang isipin mo." medyo may inis na sabi ng ina. Wala naman ng sinabi si Vice at bumalik na lang sa pagtulog.

------

Magiisang linggo na si Vice sa hospital, nababagot na sya gustong gusto na nya umuwi ngunit hindi pa daw pwede sabi ng kanyang doctor. "Lecheng sakit sa puso to! Panira ng buhay!" sabi nya. Narinig naman ito ng nurse na kasalukuyang nagchecheck sa vital signs nya. Nagulat man ang babae ay hindi na nya ito pinansin, "Sir, oras na po ng pag inom ng gamot nyo" sabi ng nurse. Hindi naman umimik si Vice. "Nang kukunin na ng nurse ang mga gamot sa maliit na mesa napansin naman nyang hindi bawas ang pagkain ng pasyente nya. "Ah Sir Vice, kumain na po ba kayo? Mukha po kasing hindi nyo ginalaw ang pagkain nyo hindi po kayo makakainom ng gamot hangga't hindi kumakain." sabi nung nurse. "Ayoko. Wala akong gana." mariing sagot ni Vice. Kinuha nung nurse ang pagkain at nilapitan ang pasyente para pakainin "Pero sir kailangan nyo po kumain, heto na po oh" sabi nya. "Ano bang hindi mo maintindihan sa wala akong gana ha!" galit na sabi nito sabay tabig sa pagkaing hawak ng nurse, na-out of balance naman ang nurse at sa kanya natapon ang pagkain. Nagulat naman si Vice sa nagawa nya, hindi naman kasi nya sinasadya .. "Sorry" sabi ni Vice na walang emosyon at hindi nakatingin sa natulak nya. Tumayo naman ang nurse at inayos ang sarili at ang pagkaing natapon "Pakuha na lang po ako ulit ng pagkain para makainom na din po kayo ng gamot." sabi nya sabay labas ng kwarto. 

-------

Padalawang linggo na ni Vice sa hospital, ganon pa rin bagot na bagot na sya at halos di mo makitang ngumingiti man lang. Galit sya sa mundo dahil sa sakit nya, hindi na sya nakikipagkaibigan, hindi na sya nakikipagusap masyado sa mga tao kahit pa sa pamilya nya. Feeling nya kasi wala na syang silbi sa lipunan dahil may sakit sya at anytime pwede na syang mamatay. "Sir Vice,  oras na po ng paginom ng gamot nyo." Nakangiting sabi sa kanya ng nurse. Tumingin naman ng blanko dito si Vice, ito ang unang beses na titingin sya sa mukha ng nurse na nagaalaga sa kanya  "Bakit mo ginagawa to?" sabi nya. "Ang alin po?" nagtatakang tanong naman ng nurse. "Ito. Inaalagaan ako" sabi ni Vice. "Nurse po ako. Trabaho ko po ang alagaan kayo" nakangiting sabi nya. "Pero nasigawan kita, nabastos kita pero ayan ka pa rin hindi mo piniling magpalit ng aalagaang pasyente." mahina nitong sabi. "Naiintindihan naman kita kung san ka nanggagaling, alam ko yung nararamdaman mo saka masaya akong ikaw ang inaalagaan ko" muling nakangiting sabi ng nurse. Natuwa naman si Vice sa narinig nya pero hindi nya ito pinahalata, tumingin sya sa nurse at napatingin sa name plate nito. Pinainom naman na ng nurse ng gamot si Vice at aktong palabas na ng kwarto ng magsalita si Vice "Salamat.... Nurse Karylle." Lumingon naman ang nurse at ngumiti dito. 

------

"Pwede ba kong lumabas kahit sa garden lang? Ang boring na kasi talaga eh." sabi ni Vice na halatang bagot na bagot na talaga. "Oh sige wait kuha lang akong wheel chair." sabi ni Karylle. "Uy wag na kaya ko namang maglakad eh" apela ni Vice. "Hindi kailangan mo mag wheel chair bawal ka mapagod dyan ka lang intayin mo ko." sabi ni Karylle sabay labas ng kwarto. Wala naman ng nagawa si Vice. Ilang minuto lang ay bumalik na si Karylle dala ang isang wheel chair.

"Haaaay. Nakalanghap din ng totoong hangin" Vice said habang itinutulak ni Karylle ang wheel chair na sakay sya. Natawa naman dito si Karylle. "Lalabas ka na ng hospital bukas" sabi ni Karylle. "Oo nga... sa wakas!" sabi ni Vice. Hindi naman nagsalita si Karylle masaya sya na makakalabas na si Vice sa hospital pero nalulungkot din sya at the same time, sa dalawang linggo't kalahati kasi ng pananatili ni Vice sa hospital ay naging malapit na din sila sa isa't isa kahit na hindi naging maganda ang simula nila. Itinaas naman ni Vice ang ulo nya para tingnan si Karylle  "Mamimiss mo ko no?" nakangiting sabi nito. Napangiti naman din ng malaki si Karylle sa kanya, "Bakit ganyan ka makangiti?" tanong ni Vice. "Wala. Ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti ng ganyan, alam mo gwapo ka pag nakangiti." sabi ni Karylle.

-----

Ngayon na ang labas ni Vice sa hospital. Masaya sya kasi makakauwi na sya sa bahay nila excited na syang makita ang mga kapatid at pamangkin nya. "Oh Vice, wag mo kalimutan ang mga bilin ko sayo, unang una bawal mapagod, at yung mga gamot mo inumin sa tamang oras okay? Magkita na lang tayo sa weekly check up mo." sabi ng doktor kay Vice bago ito lumabas ng hospital. "Opo. Ah doc, si Nurse Karylle po?" tanong ni Vice. "I think sa nurse station sya ngayon" sagot ng doktor. "Ah Nay, puntahan ko lang muna sya bago tayo umuwi." sabi ni Vice. Tumango na lang naman si Nanay Rosario na inililigpit ang natitirang gamit ni Vice. 

"Karylle" nakangiting tawag ni Vice. Napatingin naman si Karylle dito, "Oh Vice andito ka pa pala akala ko nakaalis na kayo" sabi ni Karylle. "Actually paalis na, pinuntahan lang talaga kita bago ako umalis." sabi ni Vice at napangiti naman dito si Karylle. "Alis na ko..." sabi ni Vice. "Sige, ingat kayo ha" nakangiting sabi ni Karylle at bumalik sa trabaho nya. Napansin naman nyang di pa umaalis si Vice kaya hinarap nya muli ito "Vice, may sasabihin ka pa ba?" tanong ni Karylle. "Ah, ano... okay lang ba kung kunin ko phone number mo?" nahihiyang tanong ni Vice. Kinilig naman si Karylle dito pero hindi nya pinahalata at ibinigay ang number nya. 

-----

Pagkauwing pagkauwi naman ni Vice ay tinext nya agad si Karylle..

To Karylle:

Hi! I just got home. Salamat ulit ah. :) 

-Vice

Matagal naman bago nakareply si Karylle dahil sa trabaho nya.

To Vice:

Hello! Mabuti naman. Oh wag kalimutan uminom ng gamot ha? Welcome and thanks too ;)


Napangiti naman si Vice ng makita ang reply ni Karylle sa kanya.

To Karylle: 

Yes Ma'am! See you sa weekly check up ko.

To Vice:

See you. O sige na may trabaho pa ko eh. Bye.

-------


It's been 3 months simula nung nakalabas si Vice sa hospital at hanggang ngayon magkaibigan pa rin si Vice at Karylle. Araw araw kinakamusta nila ang isa't isa. Nagkikita din sila every check up ni Vice, minsan nga kahit wala naman syang naka schedule na check up pupunta sya ng hospital para lang makita at kamustahin si Karylle. Minsan na din namang nabisita ni Karylle si Vice sa bahay nito. 

-------

"Oh kamusta check up mo? Anong sabi ni Doc?" tanong ni Karylle. Kakatapos lang ng check up ni Vice ngayon at kasalukuyan silang naglalakad sa garden break time din kasi ni Karylle kaya may time sila para magkwentuhan. "Okay naman daw ako, bumubuti naman daw." sagot ni Vice. "Good for you." nakangiting sabi naman ni Karylle. Sandali silang natahimik. "Uhm, Karylle pwede ba kong magtanong?" sabi ni Vice. "Oo naman. Ano ba yun?" sabi ni Karylle na nauunang maglakad. "Pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Vice na nakapagpatigil sa paglakad ni Karylle. "Ha? Anong sabi mo?" sabi naman ni Karylle na hindi pa rin humaharap kay Vice. "Pwede ba kong manligaw sayo?" pag-ulit naman ni Vice. Nakatalikod pa rin naman si Karylle at pinipigilan ang pag ngiti at kilig sa narinig. Nahihiya naman na si Vice kasi hindi sya hinaharap at sinasagot ni Karylle kaya kinuha nito ang braso ng dalaga at ihinarap ito sa kanya. "Huy Ka..." nakita naman nyang nakangiti si Karylle at kilig na kilig, napangiti naman sya sa nakita nya. "YES"

-------

8 months after ..

It's their 5th monthsary and they decided na mag date na lang sa park kung san ma-puno at sariwa ang hangin. Naglakad lakad lang sila then ng magutom naglatag sila ng mahabang tela sa damuhan tapos dun kumain. Picnic date. Kain. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Napansin naman ni Vice na may maliit na box na may ribbon na nakatago sa likuran ni Karylle kanina pa so triny nyang kunin ito at nagsucceed naman sya. Nakita naman ni Karylle ito, "Huuuy! Akin yan" sigaw ni Karylle. Nagaagawan na sila ngayon sa box. "Vice! Akin na sabi." pagmamaktol ni Karylle dahil ayaw ibigay ni Vice sa kanya yung box. "Habulin mo muna ako" sabi ni Vice at saka tumayo at tumakbo. Tumayo naman si Karylle para habulin ito, "Vice! Balik mo na kasi" sabi ni Karylle. "Ayoko. Habol" pangaasar pa ni Vice at iwinagayway sa taas ang box. "Vice tama na. Wag ka na tumakbo bawal ka mapagod" para namang walang narinig si Vice na patuloy sa pagtakbo. "Vice, isa..." Huminto naman si Vice. "Hay salamat tumigil din" sabi ni Karylle na palapit na ngayon kay Vice. Napahawak naman sa puso si Vice at biglang natumba. Agad naman lumapit si Karylle dito, "Vice! Vice wake up! Viceeeeee"

--------

"Anong nangyari?" tanong agad ni Nanay Rosario ng makarating sya sa hospital. "Tumakbo po kasi sya eh tapos bi-bigla na lang pong nawalan ng malay. Tita, so-sorry pinigilan ko naman po sya eh kaso makulit po eh. Sorry talaga Tita, sorry po." natataranta at umiiyak na sabi ni Karylle.

Bigla naman lumabas ang doktor at sabay lumapit si Nanay Rosario at Karylle, "Doc, kamusta ho ang anak ko?" sabi ni Nanay Rosario. "Sa ngayon, hindi sya okay. Mahina na ang puso nya, he's under observation pa. Hintayin na lang natin syang magising." sabi ng doctor. Agad naman pumasok sa kwarto ni Vice si Nanay Rosario at Karylle.

-------

Kinaumagahan na ng magising si Vice, nakita naman nya na natutulog sa sofa ang nanay nya at sa tabi nya naman ay si Karylle na nakahawak sa kanyang kamay. "Babe" mahina nyang sabi at ginalaw ang kanyang kamay. Nagising naman agad si Karylle, "Babe, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong ni Karylle. "Babe kalma, okay lang ako mejo nagugutom lang." sabi ni Vice. "Teka bibili ako ng pagkain mo gigisingin ko na din si Tita para..." naputol naman ang sinasabi nya ng hawakan ni Vice ang kamay nya at hilahin paharap ulit sa kanya, "Mahal na mahal kita, Babe" nakangiting sabi ni Vice. "Mahal na Mahal din kita" malambing na sabi ni Karylle at saka binigyan ng mabilis na halik sa labi si Vice. "Sige na bibili muna ako ng pagkain mo, gisingin ko na din sa Tita para makapagusap kayo." sabi ni Karylle dito.

-------

Kinagabihan umuwi si Nanay Rosario para kumuha ng ilang mga gamit para kay Vice kaya si Karylle na muna ang nagbantay dito.

"Babe" sabi ni Vice. "Hmm?" sabi lang ni Karylle na ngayo'y nakaupo sa dulo ng bed sa may ulunan ni Vice at magkahawak kamay. "Sorry ha dahil sakin nasira ang monthsary date natin." malungkot na sabi ni Vice. "Babe, hindi mo kasalanan. Wag mo na isipin yun. Magpagaling ka na lang okay?" Karylle said. "Ah Babe, pakikuha naman nung mahabang box dyan sa cabinet please" sabi ni Vice. Kinuha naman ni Karylle ang isang mahabang red na box at binigay kay Vice. "Ano yan?" tanong ni Karylle dito. "Para sayo. Buksan mo." inabot nya ulit kay Karylle ang box at binuksan ito, nagulat naman si Karylle sa nakita isa itong necklace na may heart pendant. "Nabubuksan yan, tingnan mo dali" makulit na sabi ni Vice. Binuksan naman ito ni Karylle at nakitang may picture ito nilang dalawa at may nakalagay na "Forever" naiyak naman si Karylle dito. "Suot ko sayo" sabi ni Vice. "Alam ko sabi natin sa isa't isa hindi tayo magreregalo ng materyal na bagay sa isa't isa pero hindi ko mapigilan eh." sabi pa ni Vice. Napayakap naman si Karylle dito sa sobrang saya. "Thank you" sinserong sabi nito. "Alam mo dapat kahapon ko to gagawin eh kaso eto nga panira yung sakit ko eh, ngayon ko na lang gagawin" sabi nito na hinawakan ang dalawang kamay ni Karylle at tumingin sa mga mata nito. Nagsimula naman kumanta si Vice ...

There I was an empty piece of a shell

Just mindin' my own world

Without even knowin'

What love and life were all about

Nagflashback naman sa kanila ang mga nangyari sa kanila simula nung una silang magkakilala. 

 "Sir, oras na po ng pag inom ng gamot nyo"

"Ah Sir Vice, kumain na po ba kayo? Mukha po kasing hindi nyo ginalaw ang pagkain nyo hindi po kayo makakainom ng gamot hangga't hindi kumakain."

 "Ayoko. Wala akong gana."

 "Pero sir kailangan nyo po kumain, heto na po oh"

 "Ano bang hindi mo maintindihan sa wala akong gana ha!" 

"Sorry"

 "Pakuha na lang po ako ng pagkain para makainom na din po kayong ng gamot." 

Then you came

You brought me out of the shell

You gave the world to me

And before I knew

There I was so in love with you

"Sir Vice,  oras na po ng paginom ng gamot nyo."

"Bakit mo ginagawa to?"

 "Ang alin po?"

 "Ito. Inaalagaan ako"

 "Nurse po ako. Trabaho ko po ang alagaan kayo"

 "Pero nasigawan kita, nabastos kita pero ayan ka pa rin hindi mo piniling magpalit ng aalagaang pasyente."

"Naiintindihan naman kita kung san ka nanggagaling, alam ko yung nararamdaman mo saka masaya akong ikaw ang inaalagaan ko"

"Salamat.... Nurse Karylle." 

You gave me a reason for my being

And I love what I'm feelin'

You gave me a meaning to my life

Yes, I've gone beyond existing

And it all began when I met you

"Haaaay. Nakalanghap din ng totoong hangin"

"Lalabas ka na ng hospital bukas"

"Oo nga... sa wakas!"

 "Mamimiss mo ko no?" "Bakit ganyan ka makangiti?"

 "Wala. Ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti ng ganyan, alam mo gwapo ka pag nakangiti." 

You taught me how to love

You showed me how tomorrow and today

My life is different from the yesterday

And you, you taught me how to love

And darling I will always cherish you

Today, tomorrow and forever 

"Karylle"

"Oh Vice andito ka pa pala akala ko nakaalis na kayo"

"Actually paalis na, pinuntahan lang talaga kita bago ako umalis."  "Alis na ko..."

"Sige, ingat kayo ha"

"Vice, may sasabihin ka pa ba?"

"Ah, ano... okay lang ba kung kunin ko phone number mo?"  

And I'm sure when evening comes around

I know we'll be making love like never before

My love, who could ask for more?

"Oh kamusta check up mo? Anong sabi ni Doc?"

"Okay naman daw ako, bumubuti naman daw."

 "Good for you."

"Uhm, Karylle pwede ba kong magtanong?" 

"Oo naman. Ano ba yun?"

 "Pwede ba kitang ligawan?"

 "Ha? Anong sabi mo?"

 "Pwede ba kong manligaw sayo?"

"Huy Ka..."

"YES"

You gave me a reason for my being

And I love what I'm feelin'

You gave me a meaning to my life

Yes, I've gone beyond existing

And it all began when I met you

When I met you... 

When I met you...

"I love you Ana Karylle Tatlonghari, thank you for coming into my life. Happy 5th Monthsary" sabi ni Vice at sabay hinalikan sa labi ang umiiyak ng si Karylle. "Kainis ka naman eh pinapaiyak mo ko." sabi ni Karylle kay Vice sabay hampas ng mahina sa braso nito. "Araaaay" pagkukunwaring nasaktan si Vice. "Ay sorry Babe" sabay smack sa lips. "I love you too." nakangiting sabi ni Karylle sabay tayo sa kama at waring may hinahalungkat sa bag nya. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Vice. Hindi naman nya pinansin ang sinabi ni Vice at patuloy sa paghanap "Ayuuun!" sabi ni Karylle ng mahanap nya ang hinahanap nya. Inabot naman nya ito kay Vice. "Buksan mo" K said. Binuksan naman ito ni Vice, ito yung box na pinaghahabulan nila nung nagde-date sila sa park. "Relo?" takang sabi ni Vice. "Oo. Relo kasi bawat oras na magkasama tayo trine-treasure ko, bawat oras, bawat minuto, at bawat segundo na kasama kita mahalaga sakin. At yan ang simbolo na marami pa tayong oras para gawin lahat ng gusto natin sa buhay. Happy 5th Monthsary. Mahal na Mahal na Mahal kita Jose Marie Viceral, wag mo ko iiwan ha? Gagawa pa tayo ng maraming memories." nakangiting sabi ni Karylle. Yumakap naman si Vice sa kanya ng mahigpit. "Aaah!" mahinang inda ni Vice. "Babe, bakit? Okay ka lang ba?" pagaalala ni Karylle. "O-okay lang ako Babe, medyo may kumirot lang pero okay na." pagsisinungaling ni Vice. "Siguro magpahinga ka na, ang drama na natin masyado eh, higa ka na ulit." sabi ni Karylle. Humiga naman si Vice at kumuha si Karylle ng upuan at umupo sa tabi ni Vice. Hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle, "Kantahan mo din ako" request ni Vice. Pinagbigyan naman ni Karylle ang hiling ni Vice.

There are times

When I just want to look at your face

With the stars in the night

There are timesWhen I just want to feel your embrace

In the cold of the night

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with

Anything in this world

You're all I need to be with forevermore


All those years I've longed to hold you in my arms

I've been dreaming of you

Every night, 

I've been watching all the stars that fall down

Wishing you would be mine

I just can't believe that you were mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with

Anything in this world

You're all I need to be with forevermore


Time and again

There are these changes that we cannot end

As sure as time keeps going on and on

My love for you will be forevermore

Wishing you would be mine

just can't believe that you were mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with

Anything in this world

You're all I need to be with forevermore

(As endless as forever
Our love will stay together)


You're all I need


To be with forevermore...


Exactly after the song, unti unting pumikit si Vice. Nawala ang higpit sa pagkakahawak ng kamay nila ni Karylle and....

*tooooooooooooooooooooooooooooot* 

Continue Reading

You'll Also Like

561K 49.1K 29
Taekook Fanfiction Jeon Kim Own creation
30.2K 2.9K 21
ဝိုင်.....🍷 မြည်းစမ်းရုံနဲ့ ရူးနှမ်းစေမယ့် ဝိုင်... ဦးကိုကိုရဲ့ နှုတ်ခမ်းက ချိုပေမယ့် အဆိပ်တွေနဲ့.. ဒါပေမဲ့ ကျွန်တော်ကြိုက်တယ်..။ ❗ZhanYi Fanfic 20...
584K 111K 119
කවුරුත් නැතිව උඹම උඹේ හිත සනස ගත් දවසට ඒහිත ඒ හේතුවටම කිසිදින නැවත නොවැටෙනු ඇත.........!!
170K 26.4K 21
"နွေအရောင်တွေဟာ ဝိုင်လိုပဲ..."