My Mate is A Rogue (Completed)

By TEUMES06

359K 10.8K 896

2nd Book of Unwanted Series Jacob Vansrod is the Alpha of Black Wolf Pack. He was ruthless and never did show... More

Authors Note
Prologue
🐺 Chapter 1 🐺
🐺 Chapter 2 🐺
🐺Chapter 3🐺
🐺 Chapter 4 🐺
🐺Chapter 5🐺
🐺Chapter 6🐺
🐺Chapter 7🐺
🐺Chapter 8🐺
🐺Chapter 9🐺
🐺Chapter 10🐺
🐺Chapter 11🐺
🐺Chapter 12🐺
🐺Chapter 13🐺
🐺Chapter 14🐺
🐺Chapter 15🐺
🐺Chapter 16🐺
🐺Chapter 17🐺
🐺Chapter 18🐺
🐺Chapter 19🐺
🐺Chapter 20🐺
🐺Chapter 21🐺
🐺Chapter 23🐺
🐺Chapter 24🐺
🐺Chapter 25🐺
🐺Chapter 26🐺
🐺Chapter 27🐺
🐺Chapter 28🐺
🐺Chapter 29🐺
🐺Epilogue🐺
Authors Note
Special Chapter

🐺Chapter 22🐺

6.8K 222 36
By TEUMES06

Hi!

GenizaBaby
user79959765
MaggiCuaresma2
user63716639
jhonasullo


❣°❣°❣°❣°❣

Hindi ako makapaniwalang naka titig ngayon sa aking Mate.

Dinig ang pag singhap ng ilan dahil sa ginawang pag atake sa akin ni Jacob.

''J-jacob?'' kahit hirap ay nagawa ko pang banggitin ang kaniyang ngalan.

Patuloy sa pag higpit ang kaniyang kamay na nakapalibot sa aking leeg, kinakapos na ako ng hininga ngunit hindi ko man lang magawang manlaban. Tila hindi maproseso sa utak ko ang mga ng yayari.

Agad na lumapit sina Blue at Clifford upang pigilan si Jacob.

Nailayo nila sa akin si Jacob at agad akong inalalayan nina Jenna at Chloe dahil kamuntikan na akong matumba.

Hindi ako nakapag salita, natulala lamang ako sa aking mate na masama ang tingin sa akin.

''Ano ang ng yayari? may nagawa ba akong kasalanan sa kaniya?'' tanong ko sa aking isip o baka naman isa lang itong masamang panaginip?

''Ano bang ginagawa mo! mate mo siya Jacob!'' galit na saad ni Aphrodite, ngayon ko lang siya nakitang magalit.

''Mate?! anong kalokohan ang pinag sasabi mo Ma! hindi mo ba nakikita? isa siyang Rogue at dapat sa kaniya ay mamatay!'' sigaw ni Jacob saka muli akong tinapunan ng matalim na tingin. Pilit siyang kumakawala kay na Blue at Clifford upang sugudin ako, lumapit na rin sina Bryan at Leonil upang tumulong sa pag pigil kay Jacob.

Kahit masakit ay pilit akong ngumiti sa kaniya.

''J-jacob... wag ka n-namang mag b-biro ng g-ganyan.'' naluluha kong saad, lumapit ako sa kaniya ngunit napa atras ako sa klase ng titig niya sa akin.

Hindi niya ako matandaan?

''Ako ang alpha ng pack na ito kaya irespeto mo ako mutt! wag mo akong matawag-tawag sa pangalan ko!''

Tuluyang dumaloy ang aking luha, maging ang mga naroroon ay hindi makapaniwala sa kinikilos ni Jacob.

''At anong ginagawa ng Rogue na yan dito! dapat ay patayin na-'' hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jacob ng suntukin siya ng kaniyang ama. Takang napa titig siya sa kaniyang ama.

''Dad! bakit niyo pinag tatanggol ang Rogue na yan!'' galit na tanong ni Jacob saka tumayo at pinahid ang dugong nasa kaniyang labi. Muli siyang hinawakan nina Bryan at Leonil.

''Tumigil ka na Jacob! sinasaktan mo ang sarili mong mate! at higit sa lahat ang ina ng iyong anak!''

Bahagyang napa tigil si Jacob at umiling.

''Imposible yang sinasabi mo dad! kung talagang mate ko ang Rogue na yan ay dapat may maramdaman akong koneksiyon para sa kaniya! ngunit wala! tanging poot lang ang nadarama ko para sa babae na yan! At paanong ako ang ama ng anak niya? ni hindi ko nga siya kilala at imposibleng mabuntis ko siya dahil kinamumuhian ko ang mga uri nila.''

Napaluhod ako saka umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako sa ginagawa ni Jacob pero higit akong nasasaktan para sa aking anak.

Hindi pa nga siya naisisilang sa mundong ito ay hindi na siya nais ng kaniyang ama.

''Ate.'' agad akong nilapitan ni Chloe at umiyak sa aking tabi.

''Kuya! bakit ka ba ganiyan? ano bang ng yayari sa'yo? Nangako ka pa kay Ate Ria na hindi mo siya hahayaang masaktan, bakit ngayon ikaw pa 'tong nanakit sa damdamin niya!'' sigaw ni Chloe sa kaniyang kapatid.

''Hindi ko kayo maintindihang lahat! bakit niyo ipinag pipilitan sa akin ang babaeng hindi ko kilala.'' Jacob said.

Naalala ko bigla ang aking marka. Nabuhayan ako ng loob dahil tiyak na makikilala niya ang kaniyang marka.

''Ito ang p-patunay na m-mate mo ako.'' saad ko saka tumayo at humarap sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo ngunit hindi siya nag salita kaya naman bahagya kong ibinaba ang manggas ng aking damit upang lumitaw ang pagitan ng aking leeg at balikat.

Nag hintay ako na mag bago ang kaniyang reaksiyon ngunit walang ng yari.

Napalingon ako kay Aphrodite na biglang umiyak.

''R-ria, wala na ang m-marka.'' nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Jenna.

Tiningnan ko at bumilis ang tibok ng aking puso ng makitang wala na ang marka ni Jacob.

''H-hindi, h-hindi maaari.'' mahina kong saad, paanong nawala ang kaniyang marka sa akin. Gayong kaninang umaga lang ay naririto pa iyon.

''Kita niyo na! nag sisinungaling ang babae na yan.'' saad ni Jacob, saka inalis ang mga kamay na naka hawak sa kaniya.

Lumapit siya sa akin, ang akala ko ay sasaktan niya muling ako ngunit wala siyang ginawa kung hindi ang tumitig sa akin.

''Pasalamat ka at buntis ka, hahayaan kitang mabuhay pero ayoko ng makita yang mukha mo sa teritoryo ko!'' he said in a dangerous tone.

Patalikod na siya ng hawakan ko ang kaniyang kamay.

I gasped.

Wala na nga ang mumunting kuryente na aking nadarama sa tuwing nag kaka hawak ang aming kamay.

Marahas niyang inalis ang aking kamay na naka hawak sa kaniya.

''Umalis ka na Rogue.'' mahina ngunit may diin niyang saad.

Tuluyan na siyang tumalikod at lumakad palayo. Agad sumunod sina Bryan at Leonil sa kaniya. Samantalang ako ay naka titig lamang sa aking mga kamay.

''Ria.'' napatingin ako kay Aphrodite na gaya ko ay may mga luha rin sa mga mata.

''Mama, anong ng yayari?'' wala sa sarili kong tanong.

Hindi siya sumagot at niyakap na lang ako ng mahigpit.

''Magiging maayos din ang lahat anak, babalik din ang alaala ni Jacob.'' saad niya.

''Aalamin ko kung ano ang tunay na ng yari.'' saad ni Blue, kumalas ako sa pag yakap kay Aphrodite saka humarap sa kaniya.

''Tutulong po ako.'' pursigido kong saad.

Umiling siya.

''Maiging mag pahinga ka na muna, babalitaan na lang kita.'' saad niya saka tumingin kay Clifford na tila malalim ang iniisip.

''Clifford, mag punta tayo sa lugar kung saan natagpuang walang malay si Jacob. Mag sama na rin tayo ng mga tracker.'' Blue said, agad tumango si Clifford. Bago umalis ay tumingin muna siya sa aking direksyon at tipid na ngumiti.

''Tama si Blue, maiging mag pahinga ka na muna. Masyado na kayong stress ng anak mo.'' malumanay na saad ni Mama.

Kahit di sang ayon ay tumango na lang ako.

Pag dating sa taas ay nilagpasan namin ang silid namin ni Jacob.

''Mas maiging sa dati ka munang silid tumuloy anak.'' saad ni mama ng mapansing naka tingin ako sa pinto ng kwarto ni Jacob.

Hanggang sa makapasok kami sa dating silid na tinutuluyan ko ay hindi ako kumibo.

''Mag pahinga ka na, kakausapin ko si Jacob.'' saad ni Aphrodite saka hinaplos ang aking buhok, tumango na lang ako saka nahiga sa aking kama.

Nang madinig ko ang pag sara ng pinto ay muling tumulo ang aking mga luha.

''D-dapat ay h-hindi na k-kita hinayaang u-malis kaninang umaga.'' saad ko habang umiiyak.

Hinaplos ko ang aking tiyan.

''Baby, magiging ma ayos din ang lahat.'' saad ko.

Jacob's Pov

Bago ako lumabas ay kumuha muna ako ng alak sa may kusina.

Hindi ko maintindihan ang nang yayari, bakit pilit nilang sinasabi sa akin na ang babae na iyon ang mate ko.

Wala nga akong maramdamang koneksiyon sa kaniya.

Tinungga ko ang hawak na alak, naramdaman kong hindi na ako nag iisa.

''Bakit ka nag kaka ganiyan? ano bang ng yari sa'yo ng puntahan mo si Mark?'' tanong ni Bryan, hindi ko siya nilingon at pinag patuloy lang ang pag inom ng alak.

''Natagpuan ko siyang patay at pag tapos non ay nagising na akong may Rogue sa loob ng pamamahay ko.'' aniya saka tumitig sa kawalan.

''Paano mong nakalimutan ang sarili mong mate?'' si Leonil naman ngayon ang nag salita, naka sandal siya sa isang malaking puno habang matamang naka titig sa akin.

''Pwede ba! wag niyo ngang ipag pilitang mate ko ang Rogue na 'yon-'' napa hinto ako sa pag sasalita ng muling maramdaman ang munting kirot sa aking puso sa tuwing may sinasabi akong masama sa babae na 'yon.

Hindi ko na lang iyon pinansin at pinag patuloy ang pag inom ng alak.

''Hindi mo ba naalala ang una niyong pag kikita?'' tanong ni Bryan.

''Tss, kanina ko lang siya unang nakita.'' walang gana kong sagot, bakit ba sila tanong ng tanong. Kung hindi ko lang sila matalik na kaibigan ay baka pinag babali ko na ang kanilang leeg.

''Ang pag atake natin sa mga kuta ng Rogue, si Zeus? si Lurecia? di mo ba iyon maalala?'' pangungulit ni Bryan, pag kabanggit niya sa mga iyon ay bigla na lang sumakit ang aking ulo.

''Arrggghhh!'' daing ko, napa hawak ako sa aking ulo ng sumakit ito.

''Jacob!'' mag ka sabay na saad ng dalawa saka lumapit sa akin, maya-maya ay nawala na ang sakit ng aking ulo kaya naman umupo na ulit ako ng maayos.

''Wala akong maalala sa mga pinag sasabi niyo! kaya pwedeng tigilan niyo na ako!'' sigaw ko sa kanilang dalawa.

Nag ka tinginan silang dalawa at tila nag uusap sa mindlink.

Hindi ko na sila pinansin pa at muling ipinag patuloy ang aking pag inom.

''Si Luke, anong sinasabi niya sa'yo?'' tila hindi sila apektado sa pag sigaw ko dahil muling nag tanong si Leonil.

Sasagot na sana ako ng maalalang hindi ko pa nga pala nakaka usap ang aking wolf ngayong araw.

''Luke?'' pag tawag ko sa kaniya, pero gaya ng inaasahan ay hindi siya sumagot. Nag kibit balikat na lang ako dahil sanay naman na akong tahimik ang lobo na yon.

''Ano na Jacob?'' naiinip na tanong ni Bryan.

''Wala rin siyang alam sa mga pinag sasabi niyo.'' pag sisinungaling ko ng manahimik na ang dalawang ito.

Hindi na sila muling nag salita na ipinag pasalamat ko dahil kanina pa sumasakit ang ulo ko sa mga tanong nila.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng Rogue na 'yon.

Ang maamo niyang mukha na lumuluha habang naka titig sa akin.

Umiling ako, hindi ko dapat pinag iisip ang Rogue na iyon.

Paano ba naka pasok ang Rogue na iyon sa aking pack?

Wala akong binubuhay na Rogue sa oras na pumasok sila sa aking teritoryo.

''Paano napunta ang Rogue na iyon sa aking pack? at bakit nasa bahay ko siya?'' di na ako naka tiis at tinanong na ang dalawa.

Nadinig ko ang pag buntong hininga nila.

''Hindi siya Rogue, siya nga ang mate mo!'' naiinis na saad ni Bryan. Hindi ko na lang pinansin ang aking Beta, sasakit lang ang ulo ko pag pinatulan ko pa siya.

''Anak siya ng dating beta ng Rainforest pack.'' maya-maya ay sagot ni Leonil, napa lingon ako kay Leonil.

''Bakit naaamoy ko sa kaniya ang pagiging Rogue kung totoo yang sinasabi mo.'' aniya, kumunot ang noo ni Leonil ng sabihin ko iyon. Habang masama naman ang tingin sa akin ni Bryan.

''Imposible, hindi siya ka amoy ng isang Rogue.'' mahinang saad ni Leonil.

''Hoy! naka droga ka ba ha!'' bigla na lang akong kinuwelyuhan ni Bryan, pag tingin ko sa kaniyang mga mata ay labis ang kaniyang galit.

''Ako ang alpha mo!'' may diin kong saad ngunit hindi natinag si Bryan.

''Wala akong pakialam kung ikaw ang alpha ko! sinasaktan mo ang aming Luna! Nandoon kami ni Chloe ng mangako ka kay Ria na pinag sisihan mo ang mga ginawa mong kasalanan! kaya bakit inuulit mo na naman ha! Ano nabagok ka tapos nag ka amnesia ka na? '' nag pupuyos niyang saad.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay saka siya itinulak, napa atras lang siya ng bahagya.

''Luna?'' tanong ko.

''Isang Rogue ang Luna ko? nadidinig mo ba ang sarili mo Bryan! alam mo kung gaano ko kinamumuhian ang mga kagaya niya, kaya paanong siya ang Luna niyo!''

Nabigla ako ng suntukin ako sa mukha ni Bryan.


''Kahit kaibigan pa kita ay hindi ko palalampasin ang kawalan mo ng respeto!''

Pag tayo ko ay susugudin ko na sana siya ng may maamoy akong kakaiba.

''Ano yon?'' tanong ko sa aking sarili, nag tatakang napa tingin sa akin si Leonil maging si Bryan na masama ang tingin sa akin ay nag taka sa sinabi ko.

Muling humalimuyak ang napaka bangong amoy.

''Mate.'' masaya kong saad saka tumakbo patungong kakahuyan kung saan ko nalalanghap ang mabangong amoy na iyon.

''Jacob!'' pag tawag sa akin ni Leonil ngunit hindi ko siya nilingon dahil ang atensiyon ko ay ang mahanap ang pinang gagalingan ng scent na iyon.

Naririto lang sa malapit ang aking mate.

Hanggang sa makarating ako sa hangganan ng pack.

Nakita ko ang isang babae na may itim na buhok ang naka higa sa lupa.

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at nakitang sira-sira ang itim niyang bestida. Nang mas malapit na ako ay nakita ko ang mga sugat sa kaniyang katawan.

Nang mahawakan ko siya ay naka ramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa aking katawan.

Binuhat ko siya at nakita ang napaka ganda niyang mukha.

''Mate.'' saad ko

❣°❣°❣°❣°❣

Inspired ako sa mga comments niyo 😍

Thank you guys :)

Continue Reading

You'll Also Like

43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1.9K 292 33
YOUR NIGHTMARES ARE REAL! Can your dreams predict the future events ?can they warn you about further happenings? Well this story is about adley! Who...
23.9K 2.3K 40
.....a punjabi kudi nandini with a handsome sweet but sometime angry guy manik ....nd there dramatic family ..... just enter inside the story ...u...
174K 3.3K 38
How would you feel when you got your beloved happy, overwhelmed right? But it is not in the case of vampire prince Xander. He met his beloved after w...