From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

46. Pangamba

14.4K 305 237
By hunnydew


Nakangiting lumapit si Nile kay Mason. "Dito na ako nag-aaral pero irregular student pa muna," anunsiyo nito na labis niyang ikinapagtaka.

Sa pagkakaalala niya noong dinalaw ng kaibigan ang may sakit na bunso noong nakaraang buwan, paakyat na ito ng Baguio dahil simula na noon ng pasukan. Ibig bang sabihin noon ay nagsinungaling ito? "Kailan pa?"

"Katatapos ko lang asikasuhin yung transfer papers ko nung dumalaw ako kay...sa inyo. Hindi ko masabi dahil siguradong maghihigpit ang mga kuya niyo sa pagbabantay kay Charlie."

Hindi na lamang umimik si Mason at nagsimulang maglakad habang sinasabayan ng kaibigan. Hindi na kailangang malaman ni Nile na pagkatapos dumalaw ng kaibigan ay pinabantayan ang kapatid kay Hiro. Kung isiniwalat nga nitong sa Maynila na ulit nag-aaral, baka hindi na makalabas nang walang kasamang kuya ang bunso.

"Sinusubukan kitang tawagan nung pasukan pero hindi kita ma-contact. Nagpalit ka ba ng number?" tanong nito.

Tumango si Mase subalit hindi pa rin napapalis ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit ka lumipat?"

"Sino bang ayaw mag-aral sa UP at hiranging Iskolar ng Bayan?" balik-tanong naman ng binata.

Kaya naman mas lalo pa iyong ikinaduda ni Mase. Sa pagkakatanda niya, kaya sa Saint Louis University sa Baguio nag-aral si Nile ay dahil half-scholar ito doon. May iba pa kayang pakay ang matalik na kaibigan sa paglipat nito sa UP? "Dahil ba kay Charlie?"

Muling ngumiti ang kaibigan subalit hindi umabot iyon sa mga mata nito. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi?"

"Nile--"

"Sa ngayon, 'yun ang totoo. Mas makakatipid kami sa gastusin. Tsaka parusa ang pag-akyat-baba kada buwan," pagppaliwanag nito. "Kaya pinilit kong maging Dean's Lister for two sems para makasigurong makakalipat ako dito."

Pinili pa rin niyang huwag umimik at hinayaang magsalita ang kaibigan. Batid niyang humahanap lang ito ng tiyempo para sa mga susunod na sasabihin.

"Bata pa si Charlie. Or should say, inosente pa masyado," pag-iiba nito. "Bukod sa pagbabanta ng mga Kuya niyo nung dumalaw ako, alam ko ring hindi pa ito ang tamang panahon para ligawan siya."

Sang-ayon si Mason sa sinabi ng kaibigan. Hanggang ngayon ay puro laro, pagkain at pag-aaral ang inaatupag ng kanilang bunso. Malayo pa ang isip nito sa pakikipagrelasyon. Isang bagay na hanggat maaari ay nais pa nilang manatiling gawin ni Charlotte sa mahabang panahon.

"Tsaka updated naman ako kay Charlie sa dami ng pino-post niya sa Facebook. Puro pagkain at anime pa rin. Mukha ring hindi naman niya napapansin yung kaklase niyang pumoporma sa kanya."

Nagsalubong ang kilay ni Mase sa tinurang iyon ng kaibigan. "May pumoporma kay Charlie?" gulat subalit kalmado pa rin niyang tanong dito. Bukod kasi sa wala siyang hilig sa social networking sites, wala namang naikukwento ang bunso sa kanila.

"Pare, sa bawat post ni Charlie, picture man o status message, may walang palyang nagla-like at nagko-comment. Kaklase niya yata sa ComSci," pagbabalita nito.

"Lalaki?"

Natawa si Nile sa tanong. "Oo pare. Hanggang ngayon ba may nagkakagusto pa rin sa kanyang babae? Sabagay, napaka-adorable nga naman ng kapatid mo. Di malayong maraming matuwa sa kanya, babae man o lalaki."

"Parang ikaw, natutuwa ka lang din sa kanya, diba?" di-maiwasang itanong ni Mase para lang mapatunayang walang malalim na nararamdaman ang matalik na kaibigan sa kanyang kapatid. Hangga't maaari, nais niyang maging malinaw ang kung anumang nararamdaman ni Nile para kay Charlotte nang malaman niya kung paano niya mapoprotektahan ang kapatid.

Tinitigan siya ni Nile sa mata. "Isang taon ako sa Baguio. Wala akong natipuhang babae. Sinusubukan ko pa dito sa UP baka sakaling maibaling ko pa sa iba ito. Ikaw ba?" baling nito sa kanya. "Mukhang naka-get over ka na kay Kwok ah."

Tinapunan naman niya ang kaibigan ng matalim na tingin. "'Wag mong pinapasa sa'kin ang usapan," pag-iwas niya. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Nile, batid nitong hindi magsasalita si Mason tungkol sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan.

Kaya naman itinuloy ni Nile ang pagsasalita. "Pero to be honest with you, nung dinalaw ko si Charlie nung may sakit siya, hindi na simpleng pagkatuwa sa kanya ang naramdaman ko."

"Alam mong galit sa'yo sina Kuya," paalala niya rito.

Tumango naman si Nile. "Kaya nga hindi ko siya ulit lalapitan. Hindi ako magpaparamdam. Mas malaki rin ang chance na magbago ang tingin ng mga Kuya niyo sa'kin kapag napatunayan ko ang sarili ko diba? I don't think matutuwa silang malaman na irreg ako kahit pa sa UP na ako nag-aaral."

"'Wag mo muna siyang guluhin, pare. Hayaan mo munang mag-aral siya," pakiusap niya rito.

Bahagyang ngumiti lamang ang matalik niyang kaibigan at muling nanumbalik ang pangamba ni Mason. Maaaring ngayon ay magagawa pa niyang pigilan si Nile na lapitan ang bunso nila. Pero paano kung tuluyan nang nagdalaga si Charlotte at mas lalong lumago ang nararamdaman ng binata? Ano ang gagawin ni Mason? Ng kanilang mga Kuya? Ni Charlie?

Naiintindihan naman niyang hindi kasalanan ng kaibigan nang magkagusto si Charlie rito noong high school. At hindi rin kasalanan ni Nile na naghiwa ang bunso ng sibuyas para lamang maiyak nang malamang may kasintahan pala ang binata. Sa katunayan, para kay Mason ay mas mainam nang ganoon ang nangyari noon. Paano na lamang kung walang kasintahan noon si Nile at noon pa lamang ay nahumaling na ito sa bunso?

Sa kabila ng mga napag-usapan nila ng matalik na kaibigan, hindi muna ibinahagi ni Mason ang nga nalaman sa kanyang mga kuya. Batid niyang kapag nalaman ng mga ito na abot-kamay na muli ni Nile si Charlie, tiyak na maghihigpit ang mga ito sa pagbabantay sa bunso. Lalo pa't hindi rin nila alam kung may gusto pa rin ba ang bunsosa binata. O kung wala na ay babalik ba ulit ag paghanga nito sa oras na magtagpong muli ang dalawa.

Mabuti na lamang at tapat na kaibigan si Nile at may isang salita ito. Subalit hindi maikaila ni Mason na kahit sinabi pang hindi nito lalapitan si Charlie, may pag-asa pa ring magkita ang dalawa nang hindi sinasadya. Malaki man ang Maynila, subalit kapag nakialam na ang tadhana, wala rin siyang magagawa.

Naghiwalay sila nang landas dahil may iba pang aasikasuhin si Nile samantalang napaunlakan naman ni Mase ang pangungulit ni Dexter na mag-ensayo para sa nalalapit na inter-college intramurals. Nasa bungad na siya ng locker room nang may marinig na usapan.

"Talaga?" Interesadong tanong ng isang tinig na batid niyang pag-aari ni Dexter.

"Oo pare. Sobrang hot. She speaks fluent English din. Pero sobrang pakipot," sagot ng di-kilalang tinig.

"Or...she just really hates your guts," tugon ng isa pa.

"I'm just confident," sagot ng nauna.

Hindi yata alintana ng mga ito ang pagpasok ni Mason sa locker room upang magpalit ng damit na pang-basketball. Itinuloy pa ng mga ito ang usapan. Kahit wala siyang balak na makinig sa palitan ng mga ito, umaalingawngaw ang mga boses ng ma lalaki.

"Confidence is different from being a douche, dude. Been there, done that."

"May pinanghuhugutan ka ba, Sai?" natatawang tanong ni Dexter.

"Wala. Hey, you, Jem. Careful with that girl. Apparently not all women dig confident basketball stars like us. Got to go. See you tomorrow morning b*tches," paalam ng lalaki na nakasalubong ni Mase matapos siyang makapagbihis. Tinanguan pa siya nito bago tuluyang nilisan ang locker room.

"Nobody turns down Jeremiah," pahayag ng kausap ni Dexter. "Sino ba naman ang aayaw sa gwapong tulad ko? EVERYONE likes hot and confident guys. Sooner or later, bibigay din si Louie--"

Kasabay ng pagbigkas ng pangalang iyon ay ang pagkasamid ni Mason kaya naudlot ang usapan nang sa wakas ay mapansin siya ng mga ito.

"Oy, Mase! Akala ko hindi ka sisipot eh," masiglang bati ni Dexter sa kanya. "Si Jeremiah nga pala. Player ng UP Men's Basketball team. Jem, si Mase," pakilala nito at tumango lamang si Mase sa binata. "Speaking of girls who possibly do not dig your types... Ayan si Mason, silent genius. You should see how the ladies look at him in class. Silent confidence works as well."

Tumaas ang mga kilay ni Mason sa sinabing iyon ni Dexter at magsasalita sana subalit naunahan naman siya ni Jeremiah na napasinghot sa tawa.

"Are you serious? He looks weak to me," saad ng lalaki at napasinghap si Dexter. "No offense meant, dude," pahabol pa nito.

Naglaho nang tuluyan sa gunita ang pangalang naging dahilan ng pagkasamid niya at tinignan sa mata ang lalaking nagngangalang Jeremiah. "None taken," tipid na sagot ni Mason kahit bahagyang napakuyom ang palad niya sa harap-harapang pang-aalipusta ng binata na nagpaalam na rin at nilisan ang locker room.

"Pagpasensiyahan mo na 'yun ha. Maangas lang talaga. Too much of a braggart for his own sake," paumanhin ni Dexter sa kanya.

"Sadyang maingay lang talaga ang mga latang walang laman," tiim-bagang tugon niya na siyang nagpahalakhak sa kasama bago sila sabay na lumabas ng locker room at tinungo ang court kung saan nagwa-warm up na ang iba pang manlalato ng CBA.

---

Simula nang magkita sila, madalas nang sumasama si Nile sa kanya kaya naman nakilala na rin nito ang mga bago niyang kaibigan pati na si Elay na datapwat hindi madalas kasundo si Clarisse ay tuwang-tuwa naman sa iba pa nilang mga kasama.

"Sigurado ka bang walang something sa inyo ni London girl?" minsang naitanong nito sa kanya habang naglalakad sila papunta sa Main Library kasama ng iba pa nilang kaibigan. Nasa bandang likod sila ng grupo at mahinang nag-uusap. "Nakita kong hinalikan ka niya sa cheeks, pare."

"Wala. Ganun lang talaga sila sa London," pagkumpirma niya. Hindi na kailangang malaman ni Nile ang kunwariang panliligaw na ginawa niya sa dalaga.

"Eh si Kwok? Na-sort out mo na ba ang feelings mo para sa kanya?" usisa nito.

Hindi umimik si Mason at naalala kung paano tinakpan ng dalaga ang mukha nang ipakausap ito ni Charlie sa kanya via Skype. Ngayon lamang niya napagtantong hindi niya gaanong pinag-isipan iyon. At ngayong naungkat ni Nile iyon, saka nagtaka si Mase kung bakit tila nahiya ang dalaga sa kanya. Dahil kaya hindi nito tinanggap ang alok niyang lumabas sila?

Naramdaman niya ang bahagyang pagtabig sa kanya ng kaibigan. "May umiiyak pare," puna nito.

Kumunot ang noo ni Mason at tinanaw ang direksiyon kung saan nakatingin ang kaibigan. Walang anu-ano'y tila kinabahan siya nang makita ang isang dalagang nakaupo sa ilalim ng puno ng akasya kung saan sila dati nagpahinga ni Louie noong kumuha ito ng UPCAT. Subalit kaiba sa anyo ng kasama niya noon, ang dalagang nakaupo doon ngayon ay may mahabang buhok at may hawak na mga papel. Gayunpaman, hindi niya makailang halos kapareho nito ng tikas si Louie na kasalukuyang nasa Canada.

Nang malagpasan nila ang punong iyon ay nilingon niya ulit ang dalaga upang makasiguro. Nagpupunas ito ng mata at saka niya nakitang binilot nito ang mga papel. Mukhang exam results ang hawak.

"Hindi mo ba lalapitan? Kawawa naman," usig ni Nile.

"Lapitan mo, baka siya na ang babaeng hinihintay mo," balik niya at naglakad na lamang papalayo.

Umiling lamang ang kaibigan. "Pero may hawig kay Kwok, 'no? Mahaba lang ang buhok," tila nanunuksong saad nito.

"Nasa Canada si Louie," maikling paliwanag niya rito. At kung sa UP man mag-aral ang dalaga, sigurado siyang hindi iiyak iyon sa isang lugar na maraming makakasaksi. At base sa hawak na mga papel ng babae kanina, nahinuha niyang umiiyak ito dahil siguro mababa o bagsak ang nakuhang grado sa isang subject. Isang bagay rin na tiyak niyang hindi rin mangyayari sa isang henyong tulad ni Louie.

"Dun na ba siya maglalagi? Hindi ba siya magbakasyon dito?" interesadong tanong nito habang paakyat na sila ng hagdan ng Main Lib.

Isang kibit-balikat lamang ang naisagot ni Mason.

"Bakit hindi mo tanungin si Charlie?"

"Hindi ako chismoso. 'Wag mo akong itulad sa'yo."

"Fine. Ako na lang ang magtatanong sa kapatid mo."

Agad na huminto si Mase sa paglalakad at mahigpit na hinawakan sa balikat si Nile. "Subukan mo lang lapitan siya, pare."

Itinaas naman ni Nile ang mga kamay bilang pagsuko. "Okay, okay," natatawang tugon nito. "Hindi ko lang alam kung napansin mo ang mabilis na pagshift ng mood mo 'pag si Louie ang pinag-uusapan."

Nagsalubong ang kilay ni Mason sa tinurang iyon ng kaibigan. "Ano?"

"Nung una ko siyang binanggit, umiwas ka sa topic. Kanina, may halong inis ang mga sagot mo. Ano ba'ng nangyari sa inyong dalawa? Nagconfess ka ba tapos nabasted?"

"'Wag mong ginagamit sa'kin ang mga natututunan mo sa Psych," tiim-bagang bakik niya at naglakad na sa pasilyo papasok sa library.

"See? Sumusungit ka talaga. Is that bitterness I feel? Did she dump you?"

Bumagsak ang mga balikat ni Mason at muling hinarap ang matalik na kaibigan. Suguro nga'y kailangan niya rin ng payo nito. "Inaya ko siyang lumabas."

"Talaga?!" gulat na reaksiyon nito. "Tapos?"

"Hindi sumagot," dugtong niya't ipinakita sa gwardiya ang student ID upang makapasok sa silid aklatan.

"No wonder bitter ka," puna nito at tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Paano mo ba inaya?"

"Text."

"Posibleng hindi niya natanggap ang message mo. Alam mo naman kung minsan, akala mo nasend pero for some reasons, hindi natatanggap nung isa," paliwanag nito. "O kaya namisplace ang telepono? O kaya nadukutan kaya nagpalit ng number kaya hindi niya nabasa ang text mo. 'Wag ka munang mag-assume na ayaw niyang makipag-date sa'yo."

Natawang muli si Mason at naalala ang Accounting principle na nauna na niyang nasabi noon kay Elay. Never assume unless otherwise stated. May punto nga naman si Nile.

"Sigurado namang uuwi pa 'yon para bisitahin sina Charlie at Chan-Chan. Dun mo tanungin ng harap-harapan. 'Louie, would you like to go out with me?' Lumuhod ka na rin, saka mo ilabas yung singsing--hahaha!" medyo malakas na pagtawa nito habang hinihimas ang batok na sinapak ni Mase, kaya nasita sila ng gwardiya.

Akala niya'y natapos na doon ang usapan. Subalit may idinagdag pa ang kaibigan. "Naiinggit ako sa'yo dahil kahit sino siguro ang ligawan mo, mapapasagot mo agad. Pati siguro pamilya nung babae magugustuhan ka. Ikaw na yata ang ideal guy ng mga ideal girls. 'Di gaya ng mga tulad ko. Me against the world para lang malapitan ang babaeng gusto."

"Nagpaparinig ka ba?" tugon ni Mase.

Ngumiti lamang si Nile. "Ang sinasabi ko lang, may advantage ka compared sa 95% siguro ng mga lalaki. 'Wag mong sayangin. Pero 'wag mo ring abusuhin," huling payo nito bago itinuon ang atensiyon sa pagsasaliksik ng takdang aralin.

Nais man ni Mason na pagnilayan ang mga sinabi ng kaibigan, pinili na lamang niyang mag-concentrate sa pag-aaral. Isa pa, wala sa priorities niya ang pakikipagrelasyon dahil nagiging distraction lamang ito. Kahit na noong high school graduation niya'y ipinahayag na ng mga magulang na tiwalang hindi maapektuhan ang pag-aaral niya sakaling magkaroon ng kasintahan si Mason, hindi niya magawang sumugal.

Marahil ay makabubuti nang nasa ibang bansa ngayon si Louie sapagkat pangalan pa lamang ng dalaga ang nababanggit ay nadi-distract na siya. Paano na lang kung magtagpong muli ang kanilang mga landas?

===

A/N: yehesss... Wagas maka-cross-over ni sai dito ah. Sinong nakakakilala sa kanya? Charr...Pagkatapos po ng pagpupulong nina green, red at black, napag-alaman naming mas bata ng isang taon sina SaiLem kay Chad. Isa pong pagkakamali na sina Charlie ang kaedad nina SaiLem :) sarreh.. Ibig sabihin..graduating na dito si chad, cyann at clementine :)

On the other hand, pwede na ba nating patayin si Jem? Pati si Mase talaga hindi nakaligtas sa matabil niyang dila ampotpot -_-"

Pero si Pareng Nile naman...natutuwa ako sa kanya dito :)

Opo.. Alam ko pong hindi ito ang hinihintay niyong eksena. Next na po un. Ang may karapatan lang magdemand ay ang mga may makabuluhan at mala-nobelang comment. HAHAHAHA.

Nga pala, pwede na kayong maghanda ng kaha-kahang C2 Red para sa susunod na UD. Baka kasi sabay na ang timeline ng mga Sapio :) huehue

Continue Reading

You'll Also Like

346K 23.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
48.6K 2.3K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...