Miss Always Rank #2

deliixx által

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson Több

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 42

8.7K 259 31
deliixx által

Kabanata 42

Drown

Napakurap-kurap ako habang nasa harap ng salamin. Wake up, Tiara! You're drunk! How can you imagine hearing his name in this kind of place? Nababaliw na ako

I remember years ago, I always imagine him staring at me pero pagkalingon ko ay wala naman. Madalas iyon noon pero nawala rin kalaunan.

Ilang minuto ang pinalipas ko sa loob ng wash room, fixed myself up and do some retouch. I don't want to assume pero kung siya iyon ay susundan niya ako dito at kakausapin kaya nasisigurado akong hindi siya iyon o baka talagang napadaan lang siya doon at hindi ako nakita?

Umiling ako at inayos ang aking gamit. Napatalon ako ng malakas na bumukas ang pintuan kasabay ng sunod-sunod na pagpasok ng mga kaibigan ko. They are all messed up when they entered, fresh from their dance. Kahit si Nick ay pumasok at agad akong hinanap sa loob

Hinawakan ako sa braso ni Maxxine at hinarap sakanya "Are you okay?"

"Oo. Bakit nandito kayo lahat?"

"Someone told us that you're here..." hindi makatingin si Bianca sa akin

"Who, B?" hinarap ko siya

"Just someone, Tiara..." si Shaira naman at hinawakan ang parehong balikat ko

"I think Johansson is here..." may nagmura sa sinabi ko. I can't focus my eyes but I know that Maxxine and Bianca looked at each other

"Shit..."

"You know what, Tiara? You're just drunk, halika na. Hahatid na kita." sabi ni Maxxine at siya na ang umalalay sa akin

"I can still walk." sabi ko at tumayo ng maayos nang mapagtantong lahat sila ay nakahawak sa magkabilang braso ko like I'm like a disabled person

The crowd we just left is still loud and wild, nagpapasahan ng tequila at beer. Nagpaalam si Nick sa mga kakilala at sinabihan na mag-enjoy. I have to tell them that I will go home but Maxxine and Bianca's hold are too firm for me to even look behind. Dirediretso kami pababa hanggang sa makalabas kami ng gusali. I saw a familiar man from afar, my sight is not focusing but I know he's staring at us, standing beside his car and talking to his phone.

"Is that..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinarangan ito ng sasakyan ni Maxxine. Lumabas si Austin at ipinasa ang susi kay Maxxine. Hinihila na ako papasok kaya kagit na gusto kong malaman kung sino iyong lalaki ay hindi ko magawa. They are too eager to get me inside the car.

"Good morning princess..." napapikit ako ng mariin nang tumambad sa akin ang sinag ng araw galing sa liwanag dahil sa pagkabukas ni Ate Xena. Bumangon ako pero agad ring humiga at napahawak sa ulo. God, my head hurts so bad.

"Tsk tsk. Not a good start for your day..." aniya at lumapit sa akin tska ako hinalikan sa pisngi

"Happy birthdday, baby sister." pagkasabi niyang iyon at bumukas ang pintuan kasama nang pagpasok ni Lauren at Dior na may hawak na cake, nasa likod si Mom and Dad na vinivideohan ang pangyayari habang ang mga kasambahay naman ay sumasali sa pagkanta

"Happy birthday to you... happy birthday to you..." iyon ang kanta ng karamihan

"Happy birthday mommy... Happy birthday mommy..." masayang kanta naman ni Lauren habang pinagmamasdan ang hawak na cake

Lauren and Dior helped me blow the candles and we had a massive breakfast celebration with the whole family kasama sina Manang. Masayang masaya ang dalawa lalo na noong nilapag sa mesa ang cake, they finished their meals fast para makain nila agad ng cake.

Nadulas si Mommy at nasabi niyang papunta sina Grandma and Grandpa dito, both sides. Napag-usapan kasi nila Daddy sa hapag ang tungkol sa reservation sa isang restaurant at natahimik nang napagtantong hindi nila dapat iyon sabihin sa aking harap. Sinabihan ako ni Mommy na magkunwaring walang alam, tumawa ako at tumango.

Buong hapon kong kasama ang mga bata, sinasamahan sila sakanilang playroom habang kachat ang aking mga kaibigan. I didn't invite them to my dinner celebration since it's for family though I want to introduce Lauren to them but tonight is not the time. Maybe when Lauren is ready or when I am ready.

Bago mag alas singko ay dapat nakaayos na kami, nauna na akong naligo at habang pinapatuyo ko ang aking buhok ay pinuntahan ko si Lauren sakanyang kwarto. She's in her robe while Rose is drying her hair, she shown me her cute smile and pointed her dress she picked when we went shopping.

Pinagayos ko na si Rose para sa dinner, sasama sila ni Rose mamaya para mag-alaga sa dalawa. Ako na ang nag-ayos kay Lauren, she keeps on insisting na siya na ang magbibihis sa sarili niya dahil hindi na daw siya baby. Umupo ako at hinayaan siya, natatawa ako dahil hirap siyang suotin ang sleeves ng kanyang kumplekadong flowy blush pink dress. At the end, she looked at me and asked if I may help her.

"See? You're still a baby." biro ko sakanya at nag-pout lang siya, tanda ng pagsuko. Her hair is still wet kaya hinayaan ko muna iyon at dumiretso na kami sa kwarto ko. She helped me with my hair, ginagaya niya ang mga ginagawa ni Ate Xena sa buhok ko but she gave up kaya sa huli ay sinuklay niya na lang ito habang ako naman ay nag-m'make-up

"What's your wish, Mommy?" hindi ko inaasahang tanungin iyon sa akin ni Lauren habang seryoso parin akong sinusuklayan

"Hmm.. Marami." sabi ko habang pinagiisipan kung ano ba talaga ang hiniling ko noong hinipan ko ang candles kaninang madaling araw at kaninang umaga.

"Like?" tumigil siya sa ginagawa at sinulyapan ako sa salamin na nasa harap namin

"That you will grow up a good girl."

"I am, what else Mommy?" tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin. She looks so attentive, gustong-gustong marinig ang mga hiling ko

"Are you going to grant them all?" mabilis siyang tumango. Napangiti ako, I know I've been wishing for it silently. To have a complete family for us at may sumagi sa isip ko na siguro nga si Lauren ang makakatupad ng hiling ko na iyon but it's too risky. Paano kung kunin siya sa akin ng ama niya? Umiling ako sa naisip.

"Just that baby. Will you make my wish come true?" malambing kong tanong at pinaupo siya sa aking hita

"Of course!"

I am also wearing the same color of Lauren's dress, it's also flowy but mine is revealing. It shows a bit of my cleavage at hanggang baba ito ng likod ko. Naglagay ako ng necklace sa leeg at ganoon din ang ginawa ko kay Lauren. It's a gold necklace that has a lettering of her first name, Francoise habang ang akin naman ay Tiara with a crown on letter 'i'.

We're on our way to a five star hotel in Pasay kung saan nauna na sina Mommy and Daddy doon and I should pretend that I don't know that both sides of my family will be there.

Hawak kamay kami ni Lauren nang pumasok kami sa hotel, greeted by their staff and assisted us to the room. Tinuro ni Lauren ang malaking hagdanan sa gitna ng hotel

"It's like in Cinderella, Mommy." aniya at nililibot ang tingin sa buong hotel. Nilagpasan namin ang restaurant, there's hallway papunta sa malaking private room. Nasa bandang dulo iyon at madaaanan namin ang casino, restaurant and coffee shop.

Glass wall ang divider ng hallway at restaurant, kung ano ang tinitignan ng anak ko ay titignan ko rin. Tumingin si Lauren sa loob ng restaurant kaya napatingin rin ako sa loob at laking gulat ko kung sino ang una kong nakita sa loob.

He's wearing a casual white longsleeves at may hawak itong menu. He's not reading it, nasa kanyang phone ang atensyon niya not minding the lady in front of him na tingin ko ay kinakausap siya. Nakatalikod ang babae sa akin pero alam ko na kung sino at hindi ko alam kung bakit ako napatigil. Maybe because I can't process it kahit na inaasahan ko na ito.

"Mommy?" hinihila na ako ng anak ko dahil nahuli kami

"Anything wrong, Ma'am?" tanong ng porter sa akin dahil sa pagkatigil ko. Napansin rin ni Ate Xena ang pagkatigil ko at tumigil na rin at binalikan ako

"Nothing, let's go." I hate that I made a scene here, I might get anybody's attention in that freaking restaurant.

Tumulong si Dior kay Lauren sa paghila sa akin. "Alright, alright. I'll walk." tawa ko at nagpahila na sakanila. I was all smile when I look inside the restaurant and to my dismay I saw him looking intently at me.

I don't know how should I react. I feel my body can't function anymore but with Lauren and Dior's help, I can still walk normally.

Wait, si Lauren! Tinignan ko ang anak kong masayang masaya sa ginagawa nila ng pinsan niya sa akin at bumalik ang tingin ko kay Johansson. He's only looking at me, ignoring the people I am with and the girl in front of him.

My heart never beats like this before, the last time is when I was a teenager. Iniwas ko ang tingin ko nang may ngiti sa labi, not changing my expression from the kids in front of me pero sa totoo lang ay gusto ko nang tumakbo papunta sa loob at sabihan ang mga porters na isarado ang pintuan at huwag magpapasok sa loob ng wala sa listahan.

I hate how long this freaking hallway is, parang walang katapusan. The kids are enjoying the elegant paintings and decoration from the left wall while my attention is on the restaurant at the right side, para akong nilulutang sa nararamdaman. I don't even know if I am still on the floor.

I can still feel his stare but I acted like I didn't see him hanggang sa nakapasok na kami sa loob. Confetti with a loud bang welcomed us. Nagulat ako hindi dahil sa nagkukuwari kundi dahil sa nangyari, bigla kong nakalimutan ang pakay ko dito, nakalimutan kong birthday ko at nandito ang buong pamilya ko! Oh my Gosh! What if Johansson is invited?

Niyakap ko si Grandma and Grandpa, they all look formal tonight. Ang perlas sa leeg bi Grandma ay agad pansin. Malaki ang ngiti niya habang hawak-hawak ang braso ko, I am guiding her to our relatives. Nakikipagkamustahan at kwentuhan about sa business. Sinulyapan ko ang anak kong pinagguguluhan ang chocolate fountain sa dessert station. Nasa kanyang likod si Rose, binabantayan at paminsan-minsan ay nililinis ang kamay at bibig dahil sa dumi ng chocolate.

"When are you going to help with your business, Tiara?" Tanong ni Tita Esme sa akin

"Next week, Tita. After the Francis and Francoise fashion show."

Pinagusapan namin kaninang umaga ang mangyayari sa fashion show. I asked Lauren if she wants to do it, mabilis itong pumayag at nagtanong kung anong susuotin niya. Ganoon din si Dior, ako lang itong kabado sa mangyayari sa event pero sa huli ay pumayag na ako. I don't think he is involve in fashion industry, malayong malayo sa business nila.

"Maglalakad sina Lauren at Dior doon, hindi ba?" Tumanga ako sa tanong ni Tita Diana

"Exposure for the fourth generation!" Anila at pinabahagi kung gaano sila kaexcited sa mga bata. Some of the young models are celebrities from the famous tv station, ang alam ko ay isang beses lang maglalakad ang dalawa at bandang dulo pa iyon. A well known manager and mentor from a famous modeling agency will guide the two in walking at invited siya ngayon. Nakikita ko siya ngayon na kausap si Mommy, para siguro sa event.

Kumuha ako ng flute galing sa isa sa mga waiter at nagpaalam sa aking mga Tita para mapuntahan sina Mommy. Habang papunta ay may mga bumabati kaya napapatigil ako at kinakausap sila saglit.

"Here comes the brilliant and gorgeous lady of the night." matamis ang ngiti ni Brenda sa akin at niyakap ako.

"Enjoying your night, dear?" lumapit sa akin si Mommy at hinalikan sa pisngi

"I am, Grandma and Grandpa are convinced that I was surprised." mahinhin siyang tumawa, kumuha siya ng flute ng champagne sa dumaang waiter at nag-toast kaming tatlo

"I didn't know na may lahi pala kayong kambal sa pamilya niyo." sinabi iyon ni Brenda sa gitna ng usapan namin tungkol sa fashion show, napatigil ako at tinignan na lamang si Mommy. Ayokong mabasa ni Brenda ang nasa isip ko. He's well known in showbiz and social media, marami siyang kakilalang paparazzi kaya kahit na sabihin na nating matagal ng kilala ni Mommy si Brenda ay maaaring isawalat niya parin ang nalaman.

Humarap si Mommy kay Brenda at ngumiti ito ng matamis, tila hindi naapektuhan sa tanong. Uminom muna siya ng champagne bago magsalita

"Actually, maganda nga iyon dahil gusto ni Keith ng lalaki habang babae naman ang gusto ko." nagpaalam na akong umalis. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako doon ay malalaman ni Brenda ang totoo.

Hindi ko alam kung sinabihan ba ang mga kamaganak namin na huwag pagsabi dahil wala akong naririnig sa mga tao tungkol sa pagiging pagkatao ni Lauren. Brenda and some of my parent's friends think that Lauren is Dior's twin sister. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon. I am not ashamed of my daughter but that's the only way to protect her.

Tinignan ko si Ate Xena, what about her? People know about her being a single mother of two. Hindi ba siya natatakot na malaman iyon ni Kuya Carreon? He's doing good in America, nanatili doon sina Tita Tracy at Tito Ivan para sakanilang citizenship at business at ang alam ko ay walang alam sina Tita tungkol sa apo nilang si Dior.

Iilan lang ang mga imbitadong mga kaibigan nina Mommy at Daddy, narito sina Tita Cielo at Tito Zander at si Tita Sofie na masaya sa tabi ni Tito Royce kasama ang kanilang anak.

Nilapitan ko sila sakanilang malaking lamesa, Dad is also there talking with his friends. Hinalikan ko si Dad sa pisngi pagkatapos ay kina Tita Cielo naman at nagmano naman kina Tito Zander.

"Congratulations on your graduation!" bati ng pinakamalapit kong Tita na si Tita Sofie. Niyakap niya ako at may nilahad na maliit na regalo.

"Mana talaga kay Shayne." sabi ni Tito Royce at ngumisi kay Daddy

"Are you saying that I'm dumb?" pagalit pero pabirong sinabi ni Daddy kay Tito Royce at nagtawanan silang lahat

"Chill, I'm just saying that Shayne graduated a suma, ganoon din ang mga anak niya. You should be proud, man!"

"Who says I'm not!?" nakangiting umiling si Daddy na para bang disappointed sa mga sinasabi ni Tito patungkol sakanya. Tumawa at nag-asaran ang nasa lamesa, tinignan ko si Devyn na sobrang ganda sakanyang dress, dalaga na siya.

"I miss you, Ate." niyakap niya ako ng mahigpit. I am happy for Devyn, she has a complete family now. Okay na ang kanyang Mommy at Daddy. Limang taon ang lumipas at limang taon din si Devyn nang magkaayos ang kanyang magulang and I am so happy for them. Halata kay Devyn ang saya kanina habang kausap ang kanyang Daddy, ganoon rin kaya ang mararamdaman ni Lauren kapag nakasama niya ang kanyang ama? What about Johansson, then? Kahit si Lauren na lang ang tanggapin niya, huwag na ako. Masaya na ako doon basta makitang masaya ang anak ko.

Nanatili ako doon, nakinig sa mga kwento ni Devyn kung paano nagkaayos ang kanyang magulang hanggang sa nakita ko si Rose at Percy na natatarantang naglalakad na para bang may hinahanap. Tumayo agad ako at nagpaalam saglit.

"Ma'am..." aligaga na si Rose sa harap ko at alam ko na agad kung ano ang nangyari

"Nag banyo lang po kasi kami ni Percy saglit, sinabihan naman po namin sila na doon lang sila sa lamesa nila pero pagkabalik namin ay hindi na po namin sila makita." By that, I start roaming the room. Ang mga bata ay nasa iisang malaking table lamang katabi ng dessert area. I looked at my parent's table, our table and everyone's table, wala ni anino ng dalawa!

Gusto kong pagalitan ang dalawa, na kung bakit silang dalawa pa ang sabay na pumunta ng banyo at bakit nila iniwan ang mga bata pero mas nangingibabaw parin ang kagustuhan kong makita ang dalawa. Una kong sinabihan si Ate Xena, she didn't panic like I did. Nagtawag lang siya ng waiter at sinabihan ang nangyari

"Don't tell our parents, it will cause a scene. Nandito lang ang mga iyon o baka nasa labas." pagkasabi niyang iyon ay mabilis akong lumabas. Agad akong nagtanong kung may nakita ba silang dalawang bata at sinabi rin kung ano ang suot nila

"Iyong kambal po ba, Ma'am?" bahagya akong natigilan at napaisip, tumango na lang ako bandang huli at sinabing nasa rooftop ang swimming pool.

Mabilis akong pumasok ng lift at agad sinarado iyon, walang sumunod sa akin. Siguro ay pinaghahanap sa garden o restaurant. Pinagpapawisan na ako habang pinagmamasdan ang numerong nagsasabi kung anong floor na ako.

They love pools so much kaya nasisigurado akong nandoon lamang sila but an image of kidnapper holding my child's mouth tight while entering an old van makes me want to cry. Please, huwag naman sanang ganoon.

Pagkalabas ko at mabilis akong tumakbo palabas, malamig na simoy ng hangin ang tumambad sa akin. My dress is so out of place on the guests' swimwear. Binalewala ko ang mga titig nila at nagsimula ng hanapin sina Lauren at Dior and to my horror, I saw Lauren coughing and dripping with water.

Nasa gilid niya si Dior , dalawang staff ng bar, security na hindi naman nabasa pero may isang lalaking nakaputing longsleeves na basa pero nakatalikod sa akin. Nanginginig ang tuhod ko habang lumalapit sakanila.

"Mama!" tumakbo sa akin si Dior at napalingon sila sa akin but the guy who I think saved my daughter didn't look at me. Nasa luhod siya at nasa kanyang mga braso ang anak ko na ngayon ay umiiyak.

Nagsimula na ring umiyak si Dior sa akin nang niyakap niya ako.

"W-what happened?" hindi ako makapagsalita ng maayos habang nilalapitan ang anak ko. Narinig iyon ni Lauren kaya kumalas siya sa estrangherong tumulong sakanya at yumakap sa akin

She's speechless and I know she's scared. Mabilis na may nagbigay sa akin ng tuwalya at pinalibot ko iyon sa katawan ng baby ko.

"May hindi sinasadyang nakatulak po sakaniya, Ma'am." paliwanag ng sekyu but I'm too busy comforting my poor child. She's sobbing and her cheek is bright red. Hinalikan ko siya sa noo at muling niyakap.

"Tiara!" narinig ko ang boses at mga yapak ni Ate Xena sa likod pero kalaunan ay tumigil ito.

"Mommy!" tumakbo si Dior papunta kay Ate and I'm too busy with Lauren. Narinig ko ang mura ni Ate, siguro ay nakita ang kalagayan ng anak ko. Sinisi niya ang staff at ang lifesaver ng pool.

"What if walang nakakita sakaniya na nalulunod? What if my child will save her? Edi silang dalawa ang nalunod? What are you going to do then?" sinigawan ni Ate ang mga staff kahit na iyong manager na kadadating lang.

"Your president will hear about this!" habang nagrereklamo si Ate ay patuloy parin ako sa pag-alo kay Lauren na tahimik na umiiyak sa balikat ko

"It's okay, Ate. Ang mahalaga ligtas ang mga bata."

"Mommy, let's go..." bulong ni Lauren at magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Ate

"You're tired na, baby? Let's go home." hinawakan ni Ate Xena ang ulo ni Lauren, tumayo ako at binuhat siya.

"Ako na po, Ma'am." umiling ako kay Rose, basa na rin ako at sa tingin ko ay hindi kakalas sa yakap si Lauren dahil sa takot kaya hinayaan ko na

Muntik ko na makalimutang magpasalamat sa sumagip sa anak ko, masyado kasi akong abala sa pag-alo sa aking anak kaya hindi ko na napansin ang lalaking nakatalikod sa akin kanina.

"Thank you for saving..." pagkaangat ko ng tingin ay napatigil ako at napaatras. I'm too stunned to even blink. Matalim ang tingin niya sa akin pagkatapos ay nilipat ang tingin sa dala kong bata, nakita ko kung paano umamo ang mukha niya nang tinignan niya si Lauren na nakatalikod sa kanya

"Mr. Johansson!" nagulat ang manager sa nakita at agad na lumapit dito

"Who's the lifesaver in charge? Fire him." iyon lamang ang sinabi niya pagkatapos ay umambang lalapit sa akin. Abot-abot ang kaba ko, I can't move not because I'm carrying Lauren but because of him.

Is he the president of this hotel? Napapikit ako ng mariin. Of course, he is! And he's staying in this hotel? With whom?

Napakagat ako ng labi sa naisip at hinawakan ang basang buhok ng aking anak. I'm sorry, baby.

"I want to go home, Mommy..." bulong ni Lauren sa akin pero alam kong narinig iyon ni Johansson dahilan ng pagkatigil niya sa paglalakad

"We will, baby." sabi ni Ate sa gilid ko at pumagitna sa amin ni Johansson. Nilingon ko si Johansson na palipat-lipat ang tingin sa aming apat ni Ate, Dior at Lauren. Confusion is evident on his face, nag-iwas ako ng tingin.

"Thank you for saving her. You don't have to fire the lifesa-"

"I will fire him." madiin at may pinal ang sagot ni Johansson, hindi tinatanggal ang matalim titig sa akin

Walang paalam akong umalis doon, iniwan ko si Ate Xena kausap si Johansson. I can't handle the situation right now. Sobra ang kaba ko na pakiramdam ko malalaman niya ang tungkol sa anak namin kapag nanatili pa kami doon. Pinagtakpan ako ni Ate doon, dahil patuloy akong sinasabihan ng Mommy ni Lauren at hindi ko alam kung naniwala ba si Johansson doon basta ang alam ko ay kailangan kong ilayo ang anak ko doon.

Mabuti naman at may dalang extra na damit si Rose para sa mga bata, mabilis kaming pumasok sa lavatory at binihisan si Lauren. She's not crying anymore but she's silent, taliwas sa jolly na Lauren.

"I'm sorry, baby..." niyakap ko ulit siya pagkatapos siyang bihisan

Tahimik na umiiyak ang anak ko kaya nanatili muna kami sa lavatory hanggang sa tumahan siya. Biglang bumukas ang pintuan kaya agad akong napatingin doon, nabunutan ng tinik ng makita si Ate Xena at Dior ang pumasok. Agad na dinaluhan ni Dior ang pinsan habang si Ate naman ay hinila ako palayo doon.

"Percy, tulungan mo si Rose na kumuha ng tubig." halata na iritado siya sa dalawa, pinabayaan nila ang mga anak namin kaya natural lang ang reaksyon ni Ate. Nag sorry ang dalawa pagkatapos ay nagmadaling lumabas para kumuha ng tubig

"Sa tingin mo napansin niya?" kahit na hindi ako magbanggit ng pangalan ay alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Umiling siya at niyakap ako

"Don't be paranoid, I indirectly showed him that I'm their mother. At noong umalis ka ay ilang beses kong binanggit na ako ang ina ng kambal but I can feel..." ilang sandali siyang tumigil "that he's not convinced. Pabalik-balik ang lakad niya habang kausap ko ang manager at mukhang problemado."

Olvasás folytatása

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
59.9K 2.1K 59
Brex Louie Ortegas is the most rude, harsh and foul-mouthed, U-Prince Ambassador from the faculty of Fine arts, who always rejected the love confessi...
260K 3.5K 61
Ito ay tungkol sa magbestfriend. Yung babae nainlove sa bestfriend nyang Lalake, Pero naignore sya or. May mahal na iba ung bestfriend nya , Then s...