IJL #3: O.C.C.L.

By JhingBautista

199K 7K 853

Corrine Gale Eusebio. More

Prologue
Obsessive
Compulsive
Love

Crazy

26.5K 1.2K 130
By JhingBautista

cra·zi·ness

ˈkrāzēnəs/

noun

-mad, wild, or erratic behavior or nature.

--

That was the start of our friendship. Toby, me, Femi and Rico. Hindi ko friend si Jasmine. Sabit lang sya. I don't really like her. Kung pwede nga lang na pagitnaan ko silang dalawa ni Toby eh! Ayaw kasing maghiwalay!

That went on for two years.

Two years akong nagpi-pretend na friendship lang ang habol ko sa kanya. Two years kong tinitiis yung landian nilang dalawa kahit gustong-gusto ko na burahin sa Earth si Jasmine para ako na lang ang landiin ni Toby.

Two years. Ang tagal na rin pala.

But then, that faithful day finally came.

Nakita kong nag-uusap yung dalawa sa isang area ng campus. I hid on one corner na dadaanan ni Toby mamaya. Alam kong do'n sya dumadaan for his next class. Syampre alam ko. Dakilang stalker nga ako, 'di ba? Plus, being his friend has its perks.

So eto na nga, nakatungo si Jasmine tapos parang may sinasabi. Wala naman akong marinig. Hello! Anlayo kaya! Then Toby's phone rang. He answered it.

Start na yata ng klase nya dahil pagkatapos ng tawag, nagpaalam na sya kay Jasmine. That's my cue. I backed away a couple of steps tapos tinaymingan ko yung paglalakad nya tapos kunwari magti-turn ako ng corner tapos nagkabungguan kami.

"Sorry—Corrine! Ikaw pala."

I immediately noticed his sad eyes.

"Toby! Okay ka lang?"

Umiling sya.

"Bakit? May nangyari ba?"

"Wala 'to. Sige." Nilampasan nya 'ko.

"Toby!"

Lumingon sya.

"Bakit?"

"Ano, if ever na gusto mo ng kausap, nandito lang ako, okay?" Kausap. Kalandian. New girlfriend. Pwedeng pwede ako. Iwanan nya na kasi si Jasmine ng happy ever after na lahat!

He smiled. Yung pilit. "Thanks." And he continued walking.

--

"Yo!" Sumulpot si Rico mula sa kung saan at umakbay sa 'kin.

"Pwede ba! Ang bigat ng braso mo!" reklamo ko.

"Suplada ka pa rin," naiiling nyang sabi.

"Di pa rin kita type, 'no."

"Mabuti na lang naka-move on na 'ko sa 'yo!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Huh? Sa ganda 'kong 'to—"

"Beauty is not the only thing that captures a man's heart, you know."

Wow. "Nilalagnat ka ba? Ano'ng nakain mo at nagpapaka-philosopher ka dyan?" Tinanggal nya 'yong braso nya sa balikat ko tapos hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako paupo sa isang bench.

"Gale..."

"O, ano? Pahawak-hawak ka pa ng kamay dyan." I must admit though, I learned to like this guy. Oo sa una, may pagka-presko at mahangin sya. E, kaya naman pala, mayaman kasi sya. But he's also funny, adventurous, and loving, especially towards his friends. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa syang girlfriend, e.

"Si Femi, nasaan?"

"Ewan ko. Baka nasa library. Bakit?"

He sighed. 'Yong tipong may pinaghuhugutan.

"Nami-miss na sya ng puso ko."

"Yuck. Wala ka na bang ikababaduy?" Noong una nagulat ako kase palagi nyang bukang bibig si Femi. Pero kapag wala lang 'yong isa. Kapag kasi kasama namin si Femi, natatameme sya.

He smiled. "Alam mo namang lakas ng tama ko sa best friend mo, e." Opo. Best friend ko na si Femi. Kase alam nyo, kahit anong pigil ko, kahit anong takwil at pahirap ang gawin ko sa babae na 'yon, 'di nya 'ko iniiwan. Alam na nga nyang patay na patay ako kay Toby, e, pero mabuti na lang safe pa rin ang secret ko sa kanilang dalawa ni Rico.

"Magtapat ka na kase."

Ang tagal nang may gusto ni Rico do'n. Magwa-one year na ata. Kaso wala, e. Takot ma-friendzone kaya ayan... nananahimik.

"Ang hirap kaya!"

"Ang torpe mo!"

"Bakit? Torpe ka rin naman, a?"

"Sira! Babae ako, 'no! Conservative ang tawag do'n."

Tumawa sya. "Conservative?! Ikaw? Lukohin mo lelang mo!"

"Tse!"

He laughed again. "Pero seryoso, Gale, magtapat ka na kay Toby. Mukhang nagkakalabuan na 'yong dalawa ni Jasmine, e."

"Talaga?!" Palakpak ang tenga ko do'n! May chance na! Yes!

"Ayun, o... ang lapad ng ngiti. Kapag ikaw nabasted!"

Sumimangot ako. "Panira ka!"

"Tell you what... let's make a deal."

"Okay. What deal?"

"Magtatapat ako kay Femi kung... magtatapat ka kay Toby."

"Deal. On one condition."

"Ano?"

"It should be on the same intensity."

"Huh?" Naito sya bigla sa sinabi ko.

"What I mean to say is kung drastic ang measure ko ng pagtatapat dapat gano'n din ang gawin mo."

Napaurong sya sa sinabi ko. Naduwag siguro. E, kasi ako yung tao na mahilig gumawa ng isang bagay na extreme. Kumabaga, walang pahinay-hinay sa 'kin. Go kung go. OA na kung OA. Basta gano'n ako.

"What? Naduduwag ka?" I smirked at him.

He gulped. "O-Okay! Kala mo magba-back out ako? Ha!"

--

A few days later, nalaman namin na break na talaga 'yong dalawa! Ang ngiti ko noon, abot langit! Kaso lang, ang hirap makahanap ng tiempo pagtatapat kay Toby. Palagi kase syang humihiwalay sa 'min.

Nagkaroon sya ng sariling mundo. Naging malungkutin. Ayaw nyang makipag-usap kahit kanino. Nakakainis. Ang laki talaga ng epekto sa kanya ni Jasmine!

Kaya naman, dumating na ang graduation at lahat, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya.

--

Graduation. Huling araw namin sa school bilang mga estudyante. And that was when, I did what I always wanted to do. Kumanta ako sa stage. Special number daw. Pero dahil si Rico ang president ng department namin noon, naisingit nya 'ko sa line up. Wala nga dapat special number sa graduation ceremony, 'di ba? Kaso nagawan namin ng paraan.

Wala namang nagreklamo. Sa ganda kong 'to! Magrereklamo pa sila?

Clad in heels and toga, I went on the stage, took a deep breath, and waited for my cue. May minus one na nakasalang.

"TOBY AHN LEGASPI? TOBY?!" I called.

I saw some students wave their hands and point to the apple of my eye. Nakita kong nakakunot ang noo ni Toby, probably wondering what this was all about.

I took another deep breath.

"Toby, I've been wanting to tell you this since the very first time I saw you, doon sa Timezone, four years ago."

Murmurs again. Mga tsismosa talaga mga tao.

"Hear my song. This is for you."

Sa tuwing ika'y nakikita, anong saya

Pag lumapit na, kausap sya, natutulala

Ibang iba ang nadarama

Anong kaba, aaminin ko na sa 'yo...

I smiled.

Lagi na lang. Lagi na lang.

Lagi kang nasa isip ko.

Lagi na lang. Lagi na lang.

Lagi kang nasa puso ko'y...

Iyong-iyo, wag hayaan na masaktan

Asahan mo di magbabago hanggang kailan

Ibang iba ang nadarama

Anong kaba, aaminin ko na sa 'yo...

They were cheering me on while singing. Kaya lumakas ang loob ko. At lumakas din nang lumakas ang boses ko. At the end of the song, I was almost shouting. I shouted my feelings for everyone in the auditorium to hear.

"Toby... I LOVE YOU."

Sigawan. Pyesta ang mga graduates. Napangiti ako. Toby... nagustuhan mo ba?

He stood up. Biglang kumabog ang puso ko. Is this the part na tatakbo sya papuntang stage to kiss me? I cannot contain my excitement!

Nandito pa naman sina mama, pati si Kuya, si Chuck, pati sina kuya France. Pati parents ni Toby nandito. Hiyang-hiya na siguro ang buong pamilya ko sa akin, pero wala, e. It's either go big or go home.

Pero biglang nawala ang ngiti ko. I imagined things going my way. They always do so why would today be any different? But sadly, he didn't to the stage. He didn't kiss me. He didn't tell me that he loves me too.

Sadly, he walked to the opposite direction, away from the hooting crowd

Away from me.

At unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

This was my last shot. Sadly... I missed again.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."
2.5M 87.4K 39
(U Series #1) Para kay Chino Alejandro, the best thing about life is its simplicity. Panatag ang loob niyang nakakakain ang pamilya nila tatlong be...
581K 58.8K 33
There's a lot of always in my life, but being trapped with you is my favorite...
202K 13.2K 16
Harper Esmeralda Gazellian