Trapped (Book 2)

By KnightInBlack

10.1M 347K 102K

TIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not onl... More

Work of Fiction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Trapped - Wakas

Kabanata 26

236K 9.4K 5K
By KnightInBlack

Kabanata 26: Devastated

I woke with my heart pounding abnormally and my lungs struggling to breathe. I pushed myself and leaned my back on the headboard of the bed. I shook my head.

"What a nightmare..." I whispered under my breath.

Tumayo ako at kinuha ang phone na umiilaw na nakapatong sa maliit na lamesa. One message from Tracy appeared on the notification.

"Good morning, girl. So... How was your sleep?"

I looked up at the clock hanging on the wall. It is already freaking 1 in the afternoon! Agh! Gano'n na ba ako kalasing para makatulog nang halos kalahating araw?

I immediately replied on her text before I got myself a towel and went in the CR. Mahina akong napatili nang dumampi sa hubad kong katawan ang malamig na tubig na ibinubuga ng shower.

I looked up and let the strong drops of water touch my face. In the midst of the cold water running down my face, I felt the strange warm one. It is no longer a foreign scene to me... I always feel the warm liquid coming unconsciously out of my eyes every day I wake up... With the same nightmare.


I wrapped the towel around my naked body before I got out of the shower room.


"Hey..." Napahawak ako sa dibdib ko nang may gumulat sa aking babae na naupo sa kama ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa harapan ng salamin. I can feel Tracy's eyes following my every move.

Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. I glanced at Tracy's reflection on the mirror and found her with her eyes glued on phone.

"Anong oras na kayo nakauwi kagabi?" Tanong ko sa kanya.

Sandali itong tumingin sa akin bago ibinalik ang atensyon sa kanyang phone. In-unplugged ko na rin ang blower ko nang matuyo na ang aking buhok.

"Hmmm... Almost three na rin," she answered without throwing a gaze at me.

I stood up and roam my eyes inside the closet. Kinuha ko ang regular na suot ko sa trabaho since wala naman kaming uniform. I am currently working as a call center agent in a travel agency. Ang sched ko ay 2:00PM to 10:00 PM.

Matapos kong makapagbihis sa loob ng CR ay lumabas na rin ako. Nadatnan ko si Tracy sa kaninang pwesto niya pa rin.


"Hindi ka papasok?" I asked her.


"Not just me..."


Lumapit ito sa akin at hinawakan ang buhok ko. Madiin akong umiling bago inalis ang kamay niya sa buhok ko. Mukhang alam ko na kung ano ang pakay niya sa pagpunta dito sa apartment ko.


"Hindi na ako pumasok kahapon, I will lose my job."

"Then resign..." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

Nakangisi ang kanyang labi. Muli na lang akong napailing muli. Ano pa ba ang aasahan ko sa isang Candava? Anak ng gobernador dito sa Cebu. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nakilala... Basta nakilala ko siya sa isang bar. The typical brat.


"Hindi ako mayaman katulad ninyo, Tracy Candava. I need to work to earn money."

I heard her frowned. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at susi ng apartment.

"Hmmm... Who is Leibniz?" Natigilan ako sa tanong niya. Umawang ang kanyang bibig nang makita ang aking reaksyon. "You mentioned that name last night... Malamang na lasing ka na kaya hindi ko maalala."

Matagal na rin naman kaming magkakilala pero kahit kailan ay wala akong nabanggit na pangalan sa kanya. Masyado siguro akong nadala kagabi.

"Hindi mo na dapat malaman..."

"What? Hindi pa ba kaibigan ang turing mo sa akin?"

"Come on, Tracy. Aalis na ako..." Sinenyasan ko siyang lumabas na dahil ikakandado ko na ang pinto.


Tumayo ito mula sa kama nang may ngisi sa kanyang labi. Iniwasan ko rin na magtama ang mga tingin namin.


"Lalaki ba 'yon?"

I rolled my eyes again.

"Yes," I answered.

Tumingin ako sa kanya para makita ang kanyang reaksyon. Gulat ang bumungad sa akin.

"Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit ka napadpad dito sa Cebu? You escaped from him!"

Madiin akong napapikit.

"Bahala ka riyan... Pakikandado na lang ang pinto kapag lumabas ka na."

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang humarang siya sa daan ko. Halata ang pagkamangha sa kanyang mukha.

"I am all ears for that story," she grinned.

I shook my head. "May pasok pa ako..." Lumabas na rin siya pagkalabas ko kaya kinandado ko na ang pinto.

Nakasunod siya sa akin. Dinig na dinig sa tahimik na pasilyo ang tunog mula sa yapak ng mga heels niya.

"Who is Leibniz in your life?"

I didn't bother to answer her. Sa bungad ng exit ay nahagip ng mata ko ang mga guard ni Tracy. Mabilis na sumunod ito sa amin nang makalabas na kami. Mas lalo akong nairita kahit na si Tracy naman talaga ang sinusundan nila.


"Hey... It's lunch time," Tracy uttered.

I glaced at my phone's screen. I stopped from walking and turned my head to her. Nakataas ang dalawa niyang kilay. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pumunta kami sa isang malapit na resto. Gutom na rin naman ako. Naiwan sa exit muli ang dalawang guard ni Tracy. Hindi katulad ng madalas ay ako ngayon ang nagbayad ng pagkain namin.

"When I first saw you... You looked devastated."

I remained silent while eating.

"There was something in you that time... I knew that time you have an interesting story..." Mukhang mahilig ang babaeng ito sa mga story.


Binusog ko muna ang sarili ko habang nakikinig sa mga tanong niya na mabilis nasusundan kahit na wala namang sagot. Pinunasan ko ang labi ko ng tissue nang matapos na ako. Hindi man lang niya nagawang galawin ang kanya.


"I am waiting, Miss Vellarde. Come on," she uttered in a thrilled voice.

"Ryde is my boyfriend," pag-uumpisa ko.

"Ryde... Leibniz?"

I nodded my head.

"Oh my god! His name is already damn hot what more... Tell me more about him, please..."


Sinabi ko sa kanya ang mga dapat lang niyang malaman at hindi ang mga bagay na nangyari sa akin. Namamangha ang kanyang mukha habang nagsasalita ako. Para siyang batang uhaw na uhaw sa kwento ng ibang tao.

"So... Kayo pa?" Sa tanong na iyon ako natigilan.

Kami pa ba? Siguro... Kami pa rin. Mahal ko pa rin siya... Kahit na apat na buwan na rin ang lumipas nang huli kaming magkita ay walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. At isang buwan na rin ang lumipas nang... Mangyari ang bangungot na iyon.

Tumango ako na sinamahan ko ng konting ngiti.

"Then why are you here without him?"

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa gitna ng counter. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Male-late na ako..."

Ngumuso ito bago tumango. Iniwan ko siya na puno pa rin ng tanong.

Pumasok na ako sa trabaho ko. Dito rin naman nagtatrabaho si Tracy pero sa mas mataas na posisyon. May mga kilala na rin naman ako rito pero hindi ako gaanong bukas sa kanila.

I don't know but I am scared right now. Parang lahat ng taong mapapalapit sa akin ay magagawan ko ng hindi maganda.

Matapos ang ilang tawag ay nagpahinga muna ako. Naisip ko na naman ang sinabi ni Tracy. Tama siya... Nagtatago ako. Tinataguan ko sila.

Natatakot ako... Hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa pero hindi ngayon. Time heals the wounds of the past... But when? When will I fully recover from that devastating part of my life?

Ilang araw pa ang lumipas at mas lalong naging curious si Tracy tungkol kay Ryde. Binalaan ko na rin naman siya na huwag gagamit ng kung anong kapangyarihan nila para malaman ang nakaraan ko. Alam kong kung gusto niyang malaman ang tungkol sa akin ay kaya niya... ng mga tauhan ng gobernador.


Isang gabi ay bumisita muli sa apartment ko si Tracy na may dalang iba't-ibang klase ng mamahaling alak. Tuwang-tuwa ito habang inaayos ang mga iyon sa lamesa.


"Tumakas ka na naman sa inyo..." Pinaningkitan ko siya ng mata na ikinatawa na lang niya.

Malimit siyang tumakas sa kanila. Hindi ko naman siya masisisi dahil nakakasakal nga naman ang klase ng buhay na meron siya. Bantay-sarado sa mga lalaking inatasan ng gobernador para bantayan ang kanyang anak.


"Wala ka bang balak na umuwi?" Tanong ni Tracy.


Kinuha ko ang shot glass at ininom ang laman no'n. Ramdam ko ang mga nanunusok na tingin sa akin ni Tracy at ang paghihintay ng sagot.


"Hindi ko pa alam kung paano..."

"May tinatakasan ka nga?"

Napatango na lang ako. "I still need time for myself... And maybe... Enough courage too. Hindi ko pa sila kayang harapin."


"May ginawa ka bang masama?"

I looked at her, straight from her confused eyes.

I gulped.

"I killed---"

"Shit! Oh my god..." Napaatras ito sa akin. "You killed someone that's why you escaped?!" She was exaggerating with those ideas.

Napangiti na lang ako dahil inaasahan ko na rin na gano'n ang magiging reaksyon niya. Mas natatakot tuloy akong makita ang reaksyon nila pag nalaman nila ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko bang makita na sila na mismo ang magtataboy sa akin.

"Why? Sino ang pinatay mo?"

"My baby... Ryde's baby... Our baby. Hindi ako naging maingat. Miscarried."


Nakita kong natigilan ito sa sinabi ko. Dumaan ang lungkot sa mga kanina ay masaya niyang mata.

"I am sorry..." She whispered.

Ngumiti na lang ako bago muling nagsalin ng alak sa baso at diretsong nilagok 'yon. Inalis ko na rin ang blouse ko dahil kami lang namang dalawang babae rito.


"Hindi pa nila alam?" Muli niyang tanong sa isang malungkot na boses.

Tumango na lang ako bago muling lumagok ng alak. Gusto ko sanang purihin ang lasa ng alak na dinala niya pero parang uhaw na uhaw pa ako para walang magawa kundi ang uminom lang nang uminom.

"Hindi mo kasalanan, Chelsea. That's life..."

"Life has never been fair to me..." Mapait kong sabi.

"Hindi rin siguro. Why don't you look at the positive things that life has given to you? Your family... Ryde."


Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. Umilaw ang phone kong nakapatong sa gilid ko. Mula lang naman sa isa kong katrabaho ang text. Wala na rin naman akong communication sa kanila dahil pinutol ko lahat.



Sumandal ako sa upuan nang magbadya ang luha sa aking mata. Oh gosh. Umiiyak lang ako kapag ako lang mag-isa, ayokong may nakakakita sa akin sa pinakamahina kong parte.

"Are you going to cry?" She asked.

"Am I not allowed?"

"Uh... Hindi naman. But I have no idea how to comfort you when you cry..." Ngumiwi ito.

Natawa ako kasabay ng pagbagsak ng mainit na likido mula sa aking mata.

"I miss him so much..." I bit my bottom lip. "Oh god... Miss na miss ko na siya."


Hinila ni Tracy ang kanyang upuan palapit sa akin.

"I will hold your hand..." Pagpapaalam niya bago 'yon ginawa. "I hope this will make you feel better..."

Gamit ang isa kong kamay ay pinunasan ko ang luha sa aking mata.

"Natatakot ako... Paano kapag nalaman niyang wala na ang anak namin?"

Kung ako ay hanggang ngayo'y hindi pa rin matanggap ang bagay na iyon, paano pa kaya siya?

"Base sa pagkakakwento mo sa kanya... I know he will understand you. Trust him..."

"Marami ng nagawa para sa akin si Ryde. Mga sakripisyo na hindi ko inakalang magagawa niya. Pero ba't ako walang magawa? Binigo ko pa siya..."


Naramdaman kong mas humigpit ang hawak sa akin ni Tracy kaya napatingin sa ako sa kanya. Gusto kong matawa kasi maging siya ay umiiyak.


"May maitutulong ba ako sa'yo? Just tell me, Chelsea."

Umiling na lang ako. Ilang minuto kaming umiiyak dalawa bago humupa ang mga luha namin. Katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng ilang minuto bago ko napagpasyahan na kunin ang phone ko.


I opened my gallery. Tinignan ko ang mga picture naming dalawa ni Ryde. Mga imahe na parang nabura na sa isipan ko.


"Shit!" Nabigla ako nang kinuha ni Tracy sa akin ang phone ko.

Napanganga ito habang nakatingin sa phone ko.


"What? Do you know him?"

She looked at me with her lips slightly parted.

"I saw him last night... Staring at you."

Continue Reading

You'll Also Like

313K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
12.7M 20.6K 1
Tamad. Feeling gangster. War freak. Kontento na si Pierce Useda sa magulong takbo ng buhay niya. Bigla lang itong nagbago nang magkrus ang landas nil...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...