ONLY A MEMORY AWAY (Unedited...

By anrols

64.7K 1.3K 93

Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan la... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10

Chapter 9

5.4K 116 4
By anrols


Kinabukasan din ay pinuntahan ni Nicka ang piitan kung saan nakakulong ang ama niya. Naunang makipag-usap ang ate niya sa Daddy nila para ipaliwanag ang sitwasyon niya, nang sa gayon ay hindi na ito mabigla.

Nagpaalam agad ang ate niya na mauuna na itong umalis dahil may aasikasuhin pang trabaho. Kaya mag-isa niya na lang tinalunton ang daan papasok sa loob.

Marahan siyang pumasok sa visiting area ng mga preso. Mabigat ang pakiramdam niya. Nakaupo na roon ang isang matandang lalaki. She could tell that it's her Daddy. Kahit nakatalikod ito sa kanya, may bahagi ng puso niya na nagkukumpirmang ito ang ama na matagal niya nang pinananabikang makita at makasama.

Marahil ay naramdaman nito ang pagtitig niya sa likod nito kaya lumingon ito. Nagsalubong ang mga mata nila. Parang may sariling isip ang mga paa niya na tumakbo palapit dito.

She threw herself on his arms. Parang tulad noong bata pa siya, tuwing nagpapakarga siya rito. Hilam na hilam ng luha ang mga mata niya. Her cry became more audible. Nakita niya pa sa sulok ng mga mata niya na nakamasid sa kanila ang jail warden but she doesn't mind.

"Anak." Iyon lang ang tanging nasabi ng Daddy niya habang yakap niya ito.

"It's so unfair. It's so unfair," paulit-ulit na sabi niya.

Right at that moment, she realized something. Masakit pala ang magkaroon ng amnesia. Why did she have to go through all of these things again? Pinagdaanan niya na ito noon. The pain. The heartbreak. The depression.

Sigurado siyang nangyari na ang lahat ng ito. Tiyak na umiyak na rin siya ng walang patid noong unang beses niya itong makita sa ganoong kalagayan. Bakit kailangang maulit ang sakit? It really is unfair.

"Sinabi na sa akin ni Nancy ang lahat ng nangyari sa iyo. Are you okay? May maitutulong ba ako sa iyo?" he asked.

Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Bakit siya pa ang inaalala nito? Ito ang nakaranas ng matitinding pagsubok. Ito ang binawian ng kalayaan. Ito ang nakulong para sa kasalanang hindi naman nito ginawa. She should be the one asking him those questions.

"I-Im okay," napapasigok na sagot niya.

Pinagmasdan niya ang lalaking siyang dahilan kung bakit siya nasa mundong ibabaw. Payat na payat ito. Maputla. Walang buhay ang mga mata. Puting-puti na ang mga buhok. His hands seemed lifeless. Parang napipilitan na lang itong mabuhay. Wala na ang dating matikas na anyo nito.

"Nicka, anak, hindi mo dapat ginawa ang ginawa mo kay Ernesto," malumanay na sabi nito.

She can't believe she's hearing those words from him. "But why? Masamang tao siya. He deserved to be treated that way."

"Kaya ko lang naman sinabi sa iyo ang totoo na matagal naming tinago ng ate mo ay para maunawaan mo na hindi ko kayo iniwan. Na hindi ako naging masamang ama. Iyon lang, wala ng iba."

"Pero paano ang nangyari kay Mommy? Paano ang nangyari sa inyo? Higit sa lahat, you are my only concern. Mom cheated on you. You suffered a lot."

Parang maluluha ang mga mata nito nang ipaalala niya ang mga pinagdaanan nito. "Pareho kami ng ate mo ng pananaw. Naniniwala kami sa karma. I heard that Ernesto is suffering from a terminal illness. Sapat na iyong kaparusahan sa kanya."

"But Dad -" protesta niya.

"My princess..." Iyon ang tawag nito sa kanya noong bata pa siya. "Don't worry about me. Nasanay na ako rito. You have a good life ahead of you. Intindihin mo ang sarili mo. Bata ka pa. May anak ka pa na naghihintay sa iyo."

Bahagyang nagliwanag ang mga mata niya nang maalala niya si Odess. Gusto niya na ulit makarga ang anak niya. Sa gitna ng mga pinagdadaanan niya ngayon, ito ang tiyak na makakapawi sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. Her innocent smile, her small hands.

"Gusto kong kasama ko kayo. I can never be complete again without you. I swear, gagawa ako ng paraan para mailabas kayo rito." She made a solemn promise.

"You have your own family. Doon ka mag-focus ngayon. Maayos naman ako rito kaya 'wag ka ng mag-worry," patuloy ito sa pagtutol na tulungan niya ito.

"Hindi kayo maayos dito. Napansin ko ang supply ninyo kanina ng pagkain. Halos hindi iyon aabot sa bituka ninyo dahil sa sobrang konti. Admit it, Dad. It's miserable here. I'm very much determined to get you out of here. Marami akong perang nakuha kay Ernesto."

"Hindi mo naman magagamit ang perang iyon para mailabas ako dito sa kulungan. Lifetime imprisonment na ang hatol sa akin. Gumawa ng paraan ang ate mo. Kumuha siya ng abogado na magdedefend sa akin. Kumuha siya ng mga ebidensya pero wala pa ring nangyari." Malungkot na malungkot ang boses nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay iyon sa pisngi niya. She felt the warmth of his wrinkled skin. "I'll make the wheels of justice keep turning. And this time, sa atin na papanig ang batas."

"Do you think so?" tila nabuhayan ito ng pag-asa sa determinasyong pinapakita niya.

"Yes," tipid na sagot niya. Sa isang salita na iyon, alam niyang naipahatid niya na sa ama ang mensahe na hindi niya ito bibitawan kahit anong mangyari.

Marami pa silang pinag-usapan nito. Bawat topic na binubuksan niya ay puro tungkol lang sa masasayang sandali nila. Umaasa siya na napagaan niya ang pakiramdam nito kahit paano.

Bago siya tuluyang magpaalam dito, hinawakan siya nito ng mahigpit sa mga kamay niya. Parang ayaw nitong pakawalan siya. She could hold him tight in return but she didn't. Mas magiging mahirap sa kanya ang tumalikod at umalis sa lugar na iyon kapag ginawa niya iyon.

Malalaking patak ng ulan ang sumalubong kay Nicka paglabas niya sa presinto. Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kalsada pagkatapos niyang makita ang ama niya. Wala siyang pakialam kung mabasa man siya. Wala na rin siyang mailuha, pagod na siya.

"Mabuti na lang at nagdala ako ng payong." Malinaw na narinig ni Nicka ang tinig na iyon.

Pagtingala niya, si Oscar ang nakita niya. Pinapayungan siya nito. Kaya pala nagtataka siya kung bakit biglang nawala ang tubig na tumutulo sa mukha niya. Paano nito nalaman na naroon siya? Alam na kaya nito ang tungkol sa pamilya nila?

Inabot nito ang isang kamay sa kanya. Tinitigan niya lang iyon.

"Ano ang ginagawa mo rito?" aniya. Naroon ang coldness sa boses niya. She knew very well that it was the coldness from within, not from her soaked clothes.

"I'm here to say sorry," anito. Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakalahad ng kamay nito sa kanya.

"Ayokong makita ka. Just leave me alone." Hindi niya ito tinitingnan. Galit siya rito. Masama ang loob niya dahil sa nangyari sa party. Kapag naaalala niya iyon, gusto niyang sapakin ito nang sa gayon ay mabawasan ang sakit sa dibdib niya.

"Look, sorry kung nahusgahan kita. Hindi ko alam na may mabigat na dahilan ang ginawa mong pakikipag-uganayan kay Ernesto. Kung nalaman ko lang agad -"

"Ano ang gagawin mo kung nalaman mo agad? You would change your mind and you wouldn't destroy me?" panunumbat niya rito.

Pagtingala niya rito, nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Mukhang wala itong alam sa sinasabi niya. Ngunit sari-sari ang emosyon ngayon na nasa dibdib niya para mapagtuunan pa iyon ng lubusang pansin.

Bago pa muling makapagsalita ang lalaki, diniretso niya na ito. "Umalis ka na, hindi kita kailangan."

"Hindi kita pwedeng iwan. Let's talk. Alam ko na ang lahat, ang buong katotohanan. Narinig ko ang usapan ninyo ng ate mo kagabi. Nakalimutan ninyong isara ang pinto ng bahay ninyo."

Matalim ang tingin na iginawad niya rito. "So you were eavesdropping?"

"Hindi ko sinasadya. Sinubukan ko lang namang tingnan kung nasa apartment ka. Hindi ko akalain na bukas pala ang pinto. Okay, sorry. Partly ay intentional eavesdropping nga iyon."

"Kung gayon, narinig mo rin ang sinabi ko na galit ako sa iyo? Bakit narito ka pa rin kahit alam mong ayaw kitang makita?"

Umiling ito. "Hindi ko narinig ang first part ng pag-uusap ninyo. I assume, iyon ang tinutukoy mo na tungkol sa galit mo sa akin. Still, I felt the need to talk to you and say sorry. I misjudged you before."

Narito na ito ngayon sa harapan niya at humihingi ng sorry. Naiisip niya na mahalaga ang pagpapatawad at pagpapalaya sa mga hinanakit. But now, she just can't do it. Time will come na magagawa niya rin iyon. Kailangan lang na hayaan niya ang panahon. Time will heal the wounds.

Nabawasan na ang talim ng dila niya nang muli siyang magsalita. "I'm a normal person. Nasasaktan din ako at nagagalit. I'm very vocal with my feelings. Sana naman ay respetuhin mo ang nararamdaman ko sa ngayon. I'll talk to you when this feeling subsides."

Nakakaunawang napatango ito. Yumuko ito para maging magkapantay sila. Nilagay nito ang jacket nito sa likod niya at nilagay sa kamay niya ang hawak nitong payong. "Didistansya muna ako sa iyo. Basta, huwag ka ng magpabasa ulit sa ulan. Umuwi ka na para mapanatag na ako."

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Parang lumambot ang puso niya sa isang simpleng pag-aalala lang na pinakita nito.

Ang sumunod niya na lang na namalayan ay paalis na ito. This time, ito na ang naglalakad sa ilalim ng ulan.

Masasabi ni Nicka na unti-unti nang nagiging maayos ang buhay niya. For two weeks, payapa ang buhay niya. Magkasama na ulit sila ng kapatid niya sa apartment nila. Kasama pa nila si Odess. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Oscar kaya ibinigay nito sa kanya ang anak nila. Kung permanent na iyon o temporary lang, hindi niya tiyak.

Maaari ngang tapos na ang madilim na sandali ng buhay niya. Pati ang panahon ay tila ngumingiti na rin sa kanya. Hindi na maulan. Sumisikat na ulit ang araw para bigyan siya ng panibagong pag-asa.

"May bulaklak na namang pinadala sa iyo ang prince charming mo," nanunuksong bungad sa kanya ng ate niya. Kasalukuyan niyang pinapaarawan si Odess sa bakuran nila.

"Sinong prince charming?"

"Sus! Nagmamaang-maangan ka pa. Sino pa ba? Sa loob ng dalawang linggo, si Oscar lang naman ang walang sawang nagpapadala ng roses sa iyo." Nanunudyo ang tinig nito.

Umingos siya. "Akala niya ay makukuha niya ako sa ganyang style? Hah! Hindi na ako babalik sa kanya pagkatapos niya akong ipahiya sa party."

"Nicka, baka naman nabubulagan ka lang. Baka naman hindi siya ang may kagagawan niyon. Alam naman nating masama ang ugali ni Ernesto. Baka siya ang may kagagawan niyon."

"Ate, kinikilingan mo ba si Oscar?"

"Hindi. Nasa gitna lang ako. Pero ang totoo niyan, kinausap niya ako noong isang araw. Nasabi ko sa kanya ang dahilan ng galit mo. Sabi niya, si Ernesto daw talaga ang may kagagawan ng nangyari sa party."

"Naniwala ka naman? Syempre, magdedeny iyon." Bahagyang napalakas ang boses niya.

Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko sa inyong dalawa. Siguro naman, time na para kausapin mo siya. Ayusin ninyo ang problema ninyo. He has given you enough time already. Tingin ko naman ay diretso na ang takbo ng isip mo ngayon."

Natahimik siya. May point ang ate niya. Paano nga kung masyado siyang binulag ng galit niya at naging bingi na siya sa katotohanan? Paano kung wala palang kasalanan sa kanya si Oscar? Pagkatapos kasi niyang makita ang mga larawan na nagdulot sa kanya ng kahihiyan, dali-dali na siyang umalis sa hotel. Baka nga mali siya. Maybe she missed something else.

"Dapat puntahan niya ako rito kung talagang gusto niyang makipag-ayos," patuloy pa rin siya sa pagdadahilan niya.

"Hindi pa ba sapat na katibayan itong mga bulaklak na hanggang ngayon ay hindi ka pa niya sinusuko? Aba'y pwede na tayong magtayo ng flower shop nito." Tila nangangarap na inaamoy-amoy ng ate niya ang isang bouquet na red roses na hawak nito.

"Pag-iisipan ko kung ano ang dapat kong gawin." Iyon na lang ang sinabi niya para tumigil na ito sa kauudyok sa kanya na makipag-ayos sa lalaki.

Natigil ang pag-uusap nilang magkapatid nang may dumating na lalaking nakasakay sa motorsiklo. May dala itong envelope. Ang ate niya ang kumuha niyon.

"Kanino galing iyan?" tanong niya sa kapatid nang makalapit ito sa kanya.

"Sa kartero," pilosopong sagot nito.

"Nakakatawa, Ate." She rolled her eyes.

"Baka galing kay Oscar. Pangalan mo kasi ang nakalagay dito. Baka love letter niya ito sa iyo. Bilis buksan mo na," anito.

Ipinasa niya muna rito si Odess para mabuksan niya ang envelope na hawak nito. Walang return address iyon. Kaagad niyang binuksan iyon at binasa.

"O, natahimik ka na diyan. Ano ang nakalagay sa sulat? Nagpo-propose ba siya?" Tila kilig na kilig ito habang hinihintay na magsalita siya. "O baka naman bills lang natin iyan."

"Nakalagay dito na patay na si Ernesto," mahinang turan niya habang nakatulala sa papel na nasa harap niya. Hindi niya na napansin ang pagbibiro ng kapatid.

"Ha?" Mukhang nagulat din ang ate niya. "Sino ang nagpadala niyang sulat?"

"Abogado niya ang nagpadala nito."

"Abogado? You mean, gusto niyang kasuhan ka sa ginawa mong pagkuha sa pera niya kahit pa patay na siya?"

"It's the other way around. May nakaipit pa dito na mismong sulat ni Ernesto sa akin bago siya mamatay."

"Ano ang nakalagay sa sulat ni Ernesto? Mas curious akong malaman kung ano ang mga huling sinulat niya bago siya pumanaw."

Binasa niya sa kapatid ang eksaktong mga salita na nakasulat doon. "I'm sorry, Nicka. Sobrang dami ng kasalanan ko sa inyo. Hindi ko akalain na ikaw ang anak ni Rafael. We never had a chance to meet before. Kung nalaman ko lang na ikaw iyon, buong-puso kong ibibigay sa iyo ang lahat ng properties ko, na sa inyo naman talaga. Ibibigay ko iyon ng buung-buo. No questions asked. Kung alam ko rin na isa kang Esteban, hindi ko gagawin ang ginawa kong pamamahiya sa iyo sa party ni Oscar Zapanta. Ngayon ko lang kasi iyon nalaman, too late. Ako na yata ang pinakamakasalanang tao. Nagpatalo ako sa galit." She paused. She ran her finger down that piece of paper.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng sulat. "Now, in my deathbed, I'm alone and I'm slowly realizing the things I've done. Imbes na magsisi ako sa mga kasalanan ko, like a dying man should do, mas nakagawa pa ako ng kasalanan. I hope that even in the smallest part of your heart, you can find a space for forgiveness. Words are not enough but please believe me for the last time."

Nagkomento agad ang ate niya pagkabasa niya sa sulat. "That's the best thing he did. His repentance will set us all free."

"Wait, ate. May karugtong pa ang sulat niya. Let me read it aloud." Huminga muna siya nang malalim, then she resumed reading his words. "P.S. To make things right and to prove how sorry I am, ibinilin ko na sa abogado ko na ibalik sa inyo ang lahat ng kinuha kong pag-aari ninyo. Iniwan ko na rin ang mga ebidensyang magpapatunay na ako ang salarin sa pagkamatay ng ina ninyo. Your father will soon get out of jail."

Nakita niya ang pagliliwanag ng mukha ng kapatid niya bago ito nagsalita. "Let's forgive Ernesto so that his soul may rest in peace. Makakapagsimula na ng bagong buhay si Daddy. 'Can't ask for more."

Napatango siya bilang pagsang-ayon dito. May closure na ngayon ang nakaraan nila. "That's the thing I need to let go and to move on. Forgiveness."

pagka��9o�$

Continue Reading

You'll Also Like

32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
78.2K 1.5K 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabala...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...