ONLY A MEMORY AWAY (Unedited...

By anrols

65K 1.3K 93

Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan la... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

4.8K 113 7
By anrols


"This day has marked the achievement of our company -" Naputol ang panimula ng speech ni Oscar dahil may bagay na nakaagaw ng pansin niya.

Biglang nagliwanag ang giant screen sa gilid ng stage. Noong una ay inakala niyang technical error lang iyon kaya sinubukan niyang balewalain.

Kaya lang, hindi pa rin nawala ang liwanag na iyon sa screen. Mas lalo pang naging bright. Nasilaw siya sa dulot na liwanag niyon. Totally distracted na siya.

Sa pag-aakalang ang presentation niya iyon, bumaba siya para bulungan ang lalaking assistant niya na mamaya pa ilabas ang pictures na may kinalaman sa achievements ng kompanya.

"Pero Sir, hindi ako ang naglabas ng pictures na iyan. At hindi iyan tungkol sa kompanya." Sa screen nakatingin ang assistant niya habang nagsasalita.

Sinundan niya ang tinitingnan nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. May sumabotahe sa presentation at speech niya! Slideshow iyon. Puro pictures ni Nicka at Ernesto ang naroon. Ang bawat litrato ay may nakalagay na caption. May nakalagay na: Nicka is a real slut. Relationship of Nicka and Ernesto. A gold digger. A prostitute.

Narinig niya ang pag-ugong ng usapan ng mga tao sa paligid. Sa pagkakataong iyon, hindi ang sarili niya ang naisip niya. Si Nicka lang at wala ng iba ang concern niya sa mga oras na iyon.

Wala ang babae sa kinauupuan nito kanina.

Muli niyang inilibot ang paningin niya. Agad niya naman itong nakita. Saglit na nagtama ang mga mata nila. Para itong itinulos sa kinatatayuan nito.

Inutusan niya ang assistant niya na hanapin ang source ng slideshow na iyon. Sa tingin niya ay nakakonekta iyon sa ibang device. Nasa harapan kasi ang LCD projector at laptop at naka-off pa ang mga iyon kaya siguradong nakadistansya ang source noon.

Nang lumipas ang ilang segundo na hindi pa rin nakikita ang source ng paninirang iyon, tumakbo siya patungo sa switch ng kuryente. He had no other choice. Pinatay niya ang buong power supply.

Nanulas sa bibig ng mga bisita ang pagkagulat. Tipikal na reaksyon ng mga tao kapag biglaang nawawalan ng kuryente.

Kahit paano ay nakapag-damage control pa siya. Hindi niya na mababawi ang paninirang nagawa kay Nicka but at least he tried everything to help out.

Nang muling buksan ng hotel staff ang kuryente, wala na ang nakakaasar na images sa screen. Wala na siyang pakialam sa mga tao. Kahit ang tingin ng mga magulang niya na nanghihingi ng paliwanag ay hindi niya pinagtuunan ng pansin.

Hindi pa siya lubusang nakakarecover sa nangyari ay may narinig na siyang nagsalita sa likod niya. "Masaya ba ang sorpresa ko sa inyo, Zapanta?"

Paglingon niya, si Ernesto ang nakita niya. Kahit paano ay inaasahan niya na iyon. Ito ang tiyak na mastermind sa ginawang pagsabotahe kanina kaya siguradong naroon din ito sa party.

"Ganyan ba ang gawain ng mga tulad mong malapit ng mamatay?" Naikuyom niya ang mga kamao niya. He gritted his teeth.

Nagpakawala ito ng nakakalokong tawa. Nakatungkod ito at halatang mahina na. Hindi maipagkakailang may sakit ito tulad ng nabanggit ni Nicka. Pero nag-effort pa rin itong pumunta roon bilang gatecrasher .

"Ganitong kahihiyan ang bagay sa mga taong tulad ni Nicka," nang-aasar na sagot nito.

Nagpanting ang tenga niya nang marinig ang pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Hinawakan niya ito sa kwelyo ng damit nito. Kasunod niyon ay isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito.

Hindi niya mahahayaang basta na lang ganunin si Nicka ng kahit na sino. He always felt the desire to save her, to look after her. Kung totoo man na nagkamali ito sa kanya, still, hindi pa rin ito deserving na yurakan sa harap ng maraming tao.

Napatumba niya ang matanda sa isang igkas lang ng kamao niya. Kahit maysakit ito, wala na siyang pakialam. Ito ang nagsimula ng tunggaling iyon kaya tatapusin niya.

Sa bilis ng pangyayari, wala ng nakasingit sa kanila para umawat. Kung may kasama man itong mga tauhan na nag-gate crash sa party na inihanda niya, hindi siya natatakot.

Hinihingal siya nang pakawalan niya ito. Kung patuloy pa itong magsasalita ng against kay Nicka, God knows what else he could do. He could beat him to death.

Walang lingon-likod na naglakad siya para puntahan si Nicka sa pwesto nito kanina. Kailangan siya nito.

Ngunit paglapit niya roon, wala na ang babae. Wala na kahit ang anino nito.

Lakad-takbo ang ginawa ni Nicka matapos niyang makalabas sa hotel. Wala siyang tiyak na direksyon na patutunguhan. Hinubad niya na rin ang suot niyang high heels. Naglakad na lang siya ng nakayapak. She didn't care kahit nakikita niyang tumataas ang kilay ng mga nakakasalubong niya dahil sa ayos niya.

Hindi siya makapaniwala sa naganap. Naging laughingstock siya sa gitna ng party. So, ito pala ang sinasabi ni Oscar na sorpresa nito sa kanya, she assumed. He planted and executed his plan well. Sino pa ba ang pwedeng gumawa niyon? Si Oscar lang naman ang may control sa buong presentation sa stage. Kung ito ang ganti nito sa mga naging pagkakasala niya, nanalo na ito. Naiwan na siyang nakalugmok ngayon.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang isang kamay na humawak sa braso niya. Hinila siya nito papasok sa loob ng isang taxi. She was too weak to pull her arm from that grasp.

Nasa loob na sila ng taxi nang makilala niya ang taong humila sa kanya. Walang iba kundi ang Ate Nancy niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.

Hindi ito nagsalita. Hinawakan lang nito ang dalawang kamay niya at hinayaan siyang umiyak habang umaandar ang sasakyan.

Sa apartment nila humimpil ang taxi. Alam niyang doon ang tamang lugar para makapag-usap silang magkapatid nang maayos.

Pagkapasok nila sa loob ng bahay, hindi na nila naisarado man lang ang pinto dahil halos maglupasay na siya sa tindi ng sama ng loob.

"Nakita mo ba ang dinanas ko sa party, Ate? Naroon ka ba?"

Tumango ito. "I was there. I was invited."

"Paano ito nagawa sa akin ni Oscar? Gusto niya lang pala akong gantihan kaya niya ako pinakisamahan. Lahat ng ginawa niya ay palabas lang pala. May plano pala siya na ilugmok ako ng ganito." Wala siyang tigil sa pag-iyak. Gusto niyang ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. She felt betrayed by Oscar.

Naramdaman niya ang paghaplos ng Ate Nancy niya sa likod niya. "Huwag mo ng isipin iyon. Stressed ka na sa lahat ng nangyari. Lalo kang hindi makakarecover kapag hinayaan mong talunin ka ng emosyon mo."

Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid niya. Sa paraan ng pagsasalita nito, natitiyak niyang alam na nito ang tungkol sa amnesia niya. Sa ngayon, ito na lang ang makakapitan niya. Pinagkaisahan na siya ng buong mundo. Tinapak-tapakan siya at iniwang mag-isa. Kumbaga sa giyera, siya ang casualty.

"Ate, ipaliwanag mo naman sa akin ang lahat. Makasalanan ba talaga ako? Gulung-gulo na ako. What really happened between me and that Ernesto?"

Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap sa kanya ng kapatid. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.

"Aaminin ko, sumama din ang loob ko sa iyo dati," panimula nito.

"Alam ko. Halata naman. Pero salamat at hindi mo ako natiis ngayon."

"Hindi naman ako tuluyang lumayo. Lumipat lang ako ng bahay. Pero constant ang communication natin. Kumbaga nagpapalamig lang ako," paliwanag nito. "Kaya lang naman sumama ang loob ko sa iyo ay dahil ayaw mong magpaawat sa plano mo. Alam mo ba na ang pinakamasakit para sa katulad kong nakakatandang kapatid ay 'yung hindi ka pakinggan at balewalain lang ang mga salita mo?"

"Naiintindihan kita, Ate. Kahit saang anggulo tingnan, mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat kinuwartahan si Ernesto."

"Kinuwartahan mo lang naman siya dahil sa kagustuhan mong makalaya si Daddy."

Napaawang ang bibig niya sa pagkabigla.

"Paanong napasok si Daddy sa usapan? Matagal na siyang wala sa buhay natin. Matagal niya na tayong iniwan, simula pa noong namatay si Mommy." She felt a sudden throbbing pain on her head.

"Hindi totoong bigla na lang nawala si Dad. I don't know how to start this story all over again." Nangingilid na rin ang luha nito habang nagsasalita.

Confession time is really difficult. Hindi lang iyon simpleng pagsisiwalat ng katotohanan. Nakapaloob doon ang lahat ng damdamin na matagal na inipon at itinago.

Halos isang oras silang nag-usap na magkapatid. Sinabi nito ang lahat - ang buong history ng pamilya nila. Duweto pa sila sa pag-iyak. Mabuti na lang at may supply siya ng tissue sa bahay.

Ayon sa Ate Nancy niya, nagkaroon ng relasyon ang Mommy nila kay Ernesto. Fifteen lang siya noon at ang ate niya naman ay twenty-three na. Natuklasan ng Daddy nila ang kataksilan ng Mommy nila pero huli na ang lahat. Nakagawa na si Ernesto ng paraan para mapasakanya ang lahat ng kayamanan ng pamilya nila.

Later on, natagpuan ang katawan ng Mommy nila na wala ng buhay. Si Ernesto ang pumatay dito para lubusan nang hindi makapaghabol ang ina nila sa mga kayamanang nakamkam ng lalaki. And to make the plan work out well, ginawan nito ng paraan na makulong ang Daddy nila. Pinalabas nitong ang ama nila ang pumatay sa sariling asawa nito.

Ngayon, naiintindihan niya na kung bakit pagkamatay ng Mommy nila ay bigla na lang nawala ang Daddy nila. She interpreted that as abandonment. Nagtataka rin siya kung bakit walang nanagot sa pagkamatay ng ina nila. Iyon pala, ang ama nila ang nagbayad ng kasalanang hindi naman nito ginawa.

Bukod doon, naghirap din sila. Sa matagal na panahon, iginapang ng Ate niya ang pag-aaral niya. Marami silang pinagdaanang hirap para lang makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Hindi niya alam na sa loob ng maraming taon, nasa kulungan lang pala ang Daddy nila. Nagdudusa ito samantalang ito ang tunay na biktima. The powerful Rafael Esteban is spending his precious time in jail for almost a decade now.

"Ate, paano kong nalaman na nasa kulungan si Daddy? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" Hindi niya yata kayang isipin na nagkaroon ng tagpo na nadalaw niya ang ama niya at nakita ito sa ganoong sitwasyon.

"Natuklasan mo ng hindi sinasadya. Sinundan mo ako minsan dahil curious ka sa whereabouts ko kapag wala ako sa trabaho o sa bahay."

"Nakita ko siya mismo?"

"Oo. Unawain mo sana na kaya ko lang inilihim sa iyo ang totoo ay dahil na rin sa request ni Dad. Teen-ager ka noon. Nasa stage ka na kinikilala mo ang sarili mo at gumagawa ka ng sariling identity. Ayaw namin na makaapekto sa iyo ang mga nangyari sa pamilya natin."

"But I still deserve to know the truth."

"Yes, you do. I'm sorry."

"Ano na ang itsura ni Dad? Gusto ko siyang makausap ngayon," biglang sambit niya.

"Not now. Lalo ka lang masasaktan. Just calm down for now. Sa ibang araw natin siya bibisitahin. Gabi na rin, tapos na ang visiting hours."

Sinubukan niyang kalmahin ang sarili niya. "Pagkatapos ba naming magkita ni Dad noon, nagbago na ako?"

"Ganoon na nga. You plotted a major plan - iyon ay ang pabagsakin si Ernesto. You changed. From a sweet person, naging matigas ka. Pati ang mga taong hindi dapat makatanggap ng ganoong treatment mo, nadamay."

"You mean, si Oscar at Odess?"

"Yes. Masaya ang relationship ninyo. Alam kong mauuwi na kayo sa kasal dahil magkakaanak na kayo. Bukod doon, obvious naman na mahal ka niya but -"

"But I turned him down." Siya na ang tumapos sa statement nito.

"Yes again. Desidido kang pumasok sa buhay ni Ernesto, akitin siya at limasin ang kayamanan niya. You were running out of time. Nalaman mong may taning na ang buhay ni Ernesto kaya minadali mo ang plano mo. Kaya lang ay nabulilyaso dahil sa pagbubuntis mo."

"Iyon siguro ang dahilan kaya hindi ako naging lubusang masaya sa pagsisilang ko kay Odess." Napapagdugtung-dugtong niya na ang mga pangyayari.

"Ganoon na nga. You were pre-occupied with hatred, vengeance and all the negative feelings."

"Won't you do the same if you were in my place?" she decided to ask.

"I'm sorry pero hindi ko gagawin ang ginawa mo. Naniniwala ako na wala sa mga kamay natin ang pagpaparusa kay Ernesto. Sapat ng kaparusahan ang pinagdaraanan niyang karamdaman ngayon."

"Magkaiba nga tayo. Kahit na nagka-amnesia ako, ipagpapatuloy ko pa rin ang paniningil kay Ernesto."

"Hindi mo na kailangang ipagpatuloy ang nasimulan mo. Maraming pera na ang nakuha mo sa kanya. Sa akin mo ipinatago ang mga pera. Since kilala ka niya bilang Nicka Corpuz imbes na Nicka Esteban, hindi mo nagawang maipalipat sa pangalan mo ang mga ari-arian niya. Ang ginawa mo, hiningi mo ang ATM card niya at nilimas mo unti-unti ang pera niya. Of course, with his consent. He was also very generous to give you a lot of cash."

Na-shock siya sa narinig niya. "Really?" Kaya pala nakikita niya sa balintataw niya ang maraming pera at ATM card na galing kay Ernesto. Hindi niya akalaing ganoon siya katuso. Kapag nga naman ATM card, pin code lang ang kailangan. Hindi nito malalaman na Esteban ang tunay na apelido niya. Hindi nito malalaman na kadugo siya ng mga taong niloko nito.

"Totoo ang sinasabi ko. Successful ang pang-aakit mo sa kanya," pagko-confirm ng ate niya.

"But... Did I really have an intimate moment with him?" She felt her throat constricted.

"Maswerte ka dahil wala. Natatandaan mo ang sinabi ko sa iyo na may terminal stage siya ng cancer? That is prostate cancer. Kaya impotent siya at walang kakayahan sa kama. You knew that even before you seduced him. Of course, iniingatan mo pa rin ang sarili mo."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito.

"Paano ko siya nauto?" muling tanong niya. Hindi na yata siya mauubusan ng tanong.

"Inalagaan mo siya. Tumira ka sa bahay niya. Pinaramdam mo sa kanya na mahalaga siya. Iyon ang weakness ng mga taong helpless and dying without a family hindi ba? Masasabi ko na caregiver ang mas angkop na tawag sa iyo kaysa sa girlfriend niya," she assured her.

There. Nasagot na ang lahat ng tanong niya. Nalinawan na siya. Marahil, ito ang dahilan kaya nagka-memory loss siya, bukod sa pagkakahulog niya sa hagdan. Ito ang painful memories na nais niyang takasan.

"Ate, salamat." Muli niyang niyakap nang mahigpit ang kapatid niya.

Hindi niya na namalayang hindi nila naisara ang pinto ng bahay bago sila mag-usap. Hindi niya rin napansin man lang ang pag-alis ng isang taong nakarinig sa usapan nilang magkapatid.

:"Times��9'��$

Continue Reading

You'll Also Like

54.4K 853 10
"Ikaw na rin ang nagsabi na kahit ano'ng gawin ko, I will always miss something in life. And I don't want that 'something' to be you." Kulta na ang u...
64.4K 1.2K 10
Supermodel No. 4 Benjamin Salazar, ang "Papa Ben-tot" ng TMA
17.4K 491 10
* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong...
68.1K 1.1K 12
Naniniwala ba kayo sa sumpa? Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kuwento ng anim na dalagang naisumpa ng matanda nang guluhin nila ang kasal ng...