ONLY A MEMORY AWAY (Unedited...

By anrols

64.7K 1.3K 93

Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan la... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 7

4.8K 115 2
By anrols


Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik sa ala-ala ni Nicka ang parte ng nakaraan niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat sa panaginip na iyon.

Totoo nga ang sabi-sabi na ang panaginip ay representasyon ng unresolved conflicts.

Her memories were coming back in random. Kung pwede nga lang, hindi na siya pipikit. Hindi na siya matutulog. Sa tuwina ay nasa oras siya ng pagtulog tuwing dinadalaw siya ng anino ng nakaraan. Duwag yata ang lost memory niya dahil umaatake ito tuwing wala siyang kalaban-laban, kung kailan wala siyang control dahil watcher lang siya sa panaginip niya.

She sighed.

Siguro, all or nothing na lang ang pipiliin niyang laban ngayon. Kung makakaalala siya, sana ay lahat na. As in, buong detalye. Para kasi siyang isang pulubi na nilimusan ng tinapay na may kagat na. Nakaalala nga siya, kulang-kulang naman. Maraming detalye ang nawawala. Maraming tanong ang hindi pa nasasagot.

Paano, saan at kailan niya nakilala si Ernesto? Bakit siya nagkainteres sa kayamanan nito gayung hindi naman siya materialistic na tao? Bakit nakikita niya ang pigura ng sariling ama niya gayung teen-ager pa siya nang lisanin nito ng walang paalam ang buhay nila ng Ate Nancy niya?

O kung hindi naman siya makakaalala, okay na rin. Basta, forever na sana siyang walang maalala sa mga nalimutan niya. Mas madali pa sigurong magsimula na lang ulit. Sa totoo lang, mas nadadalian pa nga siyang mag-adjust ngayon sa set up nila ni Oscar. Mas nagiging considerate ito sa kanya dahil sa amnesia niya.

Hindi niya sinabi sa lalaki na nakakaalala na siya ng mga bagay na may kinalaman sa panganganak niya at sa hayagang pagtataboy niya rito at kay Odess. Wala siyang lakas ng loob para i-spoil ang magandang samahan nila ngayon.

Ang tanging nasasabihan niya ng improvement sa memory niya ay si Dr. Reyes. Regular niya na itong pinupuntahan para sa checkup niya.

Aalamin niya muna siguro ang buong katotohanan bago siya tuluyang maglumuhod sa harapan ni Oscar at hingin ang kapatawaran nito.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang sumulpot si Oscar sa harap niya. Kumurap-kurap pa siya dahil akala niya ay isang prinsipe ito sa kakisigan nito. Nakasuot ito ng black wool blazer with white poloshirt underneath at single-pleat black pants.

"Mukhang malalim ang iniisip mo," puna nito sa kanya.

"H-Hindi naman," natatarantang sagot niya. "Aalis ka ba? Sunday ngayon, wala kang pasok di ba? At pagabi na."

Pinisil nito ang pisngi niya na tila naaaliw sa kanya. "Sobra na ang pagkamakakalimutin mo. Ngayon ang twenty-fifth anniversary ng company. May party akong hinanda to welcome another fruitful year. Naaalala mo na?"

"Ngayon na ba iyon? Hindi ko alam. Medyo disoriented yata ako." Nawaglit talaga sa isip niya ang tungkol sa party samantalang ilang araw ng paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Oscar ang mga detalye tungkol doon.

In fact, noong isang araw pa nakahanda ang evening dress na binili ni Oscar para isuot niya.

Big event iyon. Kitang-kita niya sa mukha ng lalaki ang hindi matatawarang kasiyahan at excitement dahil sa loob ng twenty-five years ay nanatiling matatag ang oil company at furniture business na pinaghirapang itayo ng mga magulang nito.

"Magbihis ka na at samahan mo na ang gwapong escort mo." He flashed a boyish smile.

"Opo na, mag-aayos na ako." Nginitian niya rin ito kahit na may bumabagabag pang mga alalahanin sa dibdib niya.

Iniwan niya na ang lalaki sa sala at doon siya sa silid nito nagbihis.

Satin spaghetti halter na may ruffled slit ang red evening dress niya. Nang maisuot niya na iyon, halos hindi pa siya makapaniwala sa repleksyong nakita niya sa salamin.

Beautiful. Iyon lang ang tanging angkop na salita sa nakikita niya. Hindi iyon pagbubuhat ng sariling bangko. Noon niya lang kasi nakita ang sarili niya na ganoong kasopistikada. Branded ang suot niyang damit.

Sa buhay kasi nila ng Ate niya simula ng mawala ang mga magulang nila, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng ganoong kamahal na damit. Puro simple at pamasok sa opisina lang ang mga damit nila. Kadalasan ay sa ukay-ukay o sa Divisoria lang sila namimili.

Itinaas niya lang ang mahaba at makintab na buhok niya. May pagka-modern hair knot iyon. At naglagay lang siya ng light make up. Ayaw niyang maging sobrang kapansin-pansin sa gabing iyon. Sapat na ang striking na kulay ng damit niya.

"Nicka, tapos ka ng -" Napatigil si Oscar sa may pinto nang makita siya sa gayak niya. Napatulala ito.

Natuwa siya sa reaksyon ng lalaki. At least, mukhang nagandahan ito sa kanya.

"Gusto mo ba ng autograph ko?" biro niya rito.

"Hindi ko kailangan ang autograph mo. Iba yata ang kailangan ko ngayon. Parang ayoko na yatang tumuloy sa party." Lumapit ito sa kanya.

"You and your dirty mind!" natatawang ibinato niya rito ang lip gloss niya. Nasalo nito iyon.

"Bakit ba kasi ganyan ka kaganda? Kahit minsan ba ay hindi kita makikitang pumangit?"

"You're funny. Nambola ka pa." Nag-spray siya ng pabango sa leeg niya.

"Palitan mo na nga iyang pabango mo," anito.

Paglingon niya ay nasa likod niya na ang lalaki. "Bakit naman?"

"I get addicted," sabi nito saka siya biglang ginawaran ng mabilis na halik sa leeg.

Tawa siya ng tawa sa ginawa nito. Ganito sila ng lalaki sa mga nakaraang araw na magkasama sila. Malambing sila sa isa't isa. Wala munang sinuman sa kanila ang umuungkat ng tungkol sa naging problema nila, ng tungkol kay Ernesto. They just live one day at a time.

"Teka, nasaan nga pala si Odess?" Noon niya lang napansin na wala ang anak nila sa crib nito. Naglagay na sila ng crib sa silid nila para hindi na maulit ang tagpo na nagising ang bata sa tabi nila while they were in the middle of their uplifting romance.

"Kinidnap ng Mama at Papa. Nami-miss na raw kasi nila ang apo nila. Sila na ang magdadala kay Odess sa party," nakangiting paliwanag nito.

"Nagpunta rito ang Mama at Papa mo? Bakit hindi ko sila nakita?" Napakunot ang noo niya sa pagtataka.

"You were taking a bath when they arrived. Hindi naman na sila nagtagal dito. Nagmamadali na silang umalis."

Seryoso niyang tiningnan ang lalaki. "Tell me, dahil ba sa akin kaya nagmamadali silang umalis ng walang paalam?"

Mukhang nasukol niya ang lalaki. Hindi agad ito nakakibo.

"Alam nila ang ginawa kong pagtataksil sa iyo?"

"Well, uhm..."

"Bakit hindi ka makasagot?" patuloy na pagpapaamin niya rito.

"Alam nga nila. Open book sa kanila ang buhay ko. Of course, they are my parents. Makakapaglihim ako sa kanila but not for so long. Kilala nila ako mula noon hanggang ngayon. At isa pa, sila ang nag-aalaga minsan kay Odess noong nawala ka sa buhay namin."

Sa tono ng pagsasalita ng lalaki, parang wala na siyang mahimigang hatred o anumang negative feelings. Hindi katulad noong una na nagbabago ang mood nito at facial expression kapag nababanggit ang tungkol sa nagawa niyang kasalanan.

Gusto niya yatang maiyak sa narinig niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na masisira ang make up niya, kanina pa siya bumunghalit ng iyak. Totally embarrassing. Alam na yata ng buong mundo ang ginawa niyang kagagahan. Siguro ay kasingliit na lang na langgam ang tingin sa kanya ng mga magulang ni Oscar.

"Ano ang reaksyon nila sa ginawa ko? Ano ang sabi nila nang malaman nila na dito na ako nakatira ulit?" nate-tense na tanong niya.

"Hindi ko alam. Hindi namin pinag-uusapan. Walang sinuman sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na ibring up ang topic na iyon. Hinahayaan lang nila ako sa diskarte ko. Kaya cheer up." Hinawakan nito ang baba niya.

"What if they don't forgive me?" Naibulalas niya ang isa pang fear niya.

"Darating din tayo sa panahon na iyan. Nagustuhan ka na nila dati. Magagawa rin siguro ulit nila iyon alang-alang sa apo nila."

"Na-meet ko na sila? Bakit hindi ko maalala?"

"May I remind you, may memory loss ka."

"Oscar, wala yata akong mukhang ihaharap sa kanila mamaya. 'Wag na lang kaya akong sumama sa party?"

"Iyan ang huwag mong gagawin. May sorpresa ako sa iyo mamaya. Hindi mo iyon pwedeng ma-miss, okay?" Nakakapagpalakas ng loob ang paraan ng pagsasalita nito. Pinisil nito ang kamay niya. Parang ito na lang ang mahuhugutan niya ng lakas.

Kung anuman ang tinutukoy nitong sorpresa, kailangang malaman niya. Sa aura nito na mukhang masaya, hindi siya ang magiging dahilan para masira iyon.

Tuluyan na siyang napahinuhod sa pag-aaya nito.

Sa hotel ang ginawang venue ng party. Three-room suite iyon na binuksan para maging isang malaking bulwagan. Marami ng tao nang dumating sila ni Oscar doon.

Ang ibang nadadaanan ng paningin niya ay kilala niya pa dahil nakatrabaho niya ang mga ito noon. Ang iba naman ay pamilyar lang. And the rest, totally stranger.

Sa bawat madaanan nilang panauhin, pinapakilala siya ni Oscar bilang kasintahan nito. Hindi niya alam kung bakit ginawa iyon ng lalaki. Wala iyon sa usapan nila. Hindi kaya nito naiisip na baka pagtawanan ito ng mga tao sa paligid?

Lagi pa itong nakahawak sa bewang niya. Kung tunay silang couple, iisipin niya na ipinagmamalaki siya nito - na gusto nitong ianunsiyo sa buong mundo na pag-aari siya nito. Kaya lang, ayaw niya ng mag-assume na naman ng kung anu-anong bagay. Not now.

Naglalakad sila papunta sa mesa nila nang makita niya si Odess na karga ng isang may-edad ng babae. Ang hula niya ay iyon ang Mama ni Oscar. Nag-aatubili siyang lumapit dito.

Ngunit hindi niya na kinailangang gumawa ng move para makalapit sa babae dahil ito na mismo ang sumalubong sa kanila.

"Good evening ho," bati niya rito nang nasa harap na nila ito.

Nakangiti ang babae. Mukhang hindi naman ito galit sa kanya. That was weird. Ang inaasahan niya ay iirapan siya nito o kaya ay sisimangutan ng todo.

"Magandang gabi din," sagot nito.

Sumingit si Oscar sa usapan nilang dalawa. "Nicka, siya nga pala si Yaya Auring. Siya ang nagpalaki sa akin."

Napapahiyang napatingin siya sa lalaki. Mabuti na lang pala at hindi niya isinatinig ang pag-aakala niya na ito ang Mama ni Oscar. Kaya naman pala maganda ang pagsalubong nito sa kanya. Kung nagkataon, isang malaking kahihiyan iyon. Gusto niya na yatang isumpa ang memory niya.

"Nameet ko na ba siya dati?" bulong niya kay Oscar.

"Yeah. Nag-stay siya sa bahay natin para alagaan ka noong buntis ka pa. Mga two months siguro kayong nagkasama."

Kaya naman pala mukhang mabait ito sa kanya ay dahil nagkasama sila sa iisang bubong. Nakakahiyang hindi niya ito nakilala at kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin maalala ang participation nito sa buhay niya.

"Nasaan ang mga magulang mo?" muli niyang bulong sa lalaki.

"Alam mo, hindi mo na kailangang bumulong. Alam naman ni Yaya Auring na may amnesia ka. Maiintindihan niya kung hindi mo sila maalala."

Pagtingin niya sa babae ay tila nakakaunawang tumango ito.

"Hayun sina Mama at Papa." Tinuro sa kanya ni Oscar ang mga magulang nito sa di-kalayuan. "Halika, puntahan natin sila."

"Oscar, 'wag na lang kaya. Nakakahiya."

"Ako'ng bahala sa iyo," he assured her.

Pakiramdam niya, para siyang teen-ager na first time ipapakilala ng boyfriend sa mga magulang nito. Hindi siya mapakali. Nati-tense siya. Mabuti sana kung teen-ager siya na may busilak na kalooban. Kaya lang sa sitwasyon niya, may bad record na siya.

Iniwan muna nila si Yaya Auring habang buhat nito si Odess para malapitan nila ang mga magulang ni Oscar.

"Pa, Ma, narito si Nicka," ani Oscar nang makaharap nila ang mga magulang nito.

"Nice to see you, hija," bati sa kanya ng Papa ni Oscar.

Natatandaan niyang Owen ang pangalan nito dahil nabasa niya iyon sa company profile noong bago pa lang siyang empleyado sa kompanya ng mga ito.

Ang Mama naman ni Oscar na natatandaan niyang Lilia ang pangalan ay tumango lang sa kanya.

Natatandaan niya ang pangalan ng dalawa pero ang pagkikita nila ng personal sa past life niya, hindi niya maalala. Sa buong panahon naman kasi na nagtrabaho siya kay Oscar, as far as she could remember, never na dumalaw sa opisina ang dalawang matanda.

Gusto niya na sanang umalis sa harap ng mga ito kaya lang ay natatakot siyang masabihan na bastos.

Ipinaghila siya ni Oscar ng upuan kaya lalo siyang nawalan ng dahilan para umalis doon. Dahan-dahan siyang umupo, hindi siya makatingin ng diretso sa mag-asawa.

Tinupad naman ni Oscar ang sinabi nito na ito ang bahala sa kanya. Ang lalaki ang nagsilbing tulay nila. He did most of the talking, kumbaga ay icebreaker.

Sa ama ni Oscar ay wala siyang nakikitang problema. Mukhang katulad ng ugali ni Oscar ang ugali nito. Makwento rin ito at mukhang maunawain. Ang matandang babae na lang ang problema niya. Hindi kasi ito kumikibo masyado.

Lalo pa siyang nabalutan ng tensyon nang magpaalam si Oscar na may ieentertain lang na bisita na bagong dating.

"Pwede bang dito ka na lang?" Hinawakan niya sa kamay ang lalaki. Obvious na pinipigilan niya ito.

Ngumiti ito at inilapit ang bibig sa tenga niya. "Babalik agad ako."

Lumakad na ito. Nakatanaw lang siya rito habang palayo ito.

Ito ba ang sinasabi ni Oscar na sorpresa nito sa kanya? Ang ilagay siya sa hot seat? Ito ba ang gusto nitong maranasan niya kaya siya isinama sa party? Hindi niya pa masasagot iyon. Itatanong niya na lang mamaya sa lalaki pagbalik nito sa tabi niya.

Oscar couldn't help but stare at Nicka. Kinakausap siya ng kaibigan niya na isang business tycoon pero wala sa mga sinasabi nito ang isip niya pati ang mga mata niya. Gusto niya ng bumalik sa upuan niya para makasama ang babae. Ganoon ang epekto nito sa kanya, tila ayaw niya na ulit mawalay dito.

Kung makukumpirma ng mga taong nakakaalam ng buong kwento ang ginawa niyang muling pagtanggap sa babae sa kabila ng ginawa nitong kasalanan sa kanya, tiyak na mapagtataasan siya ng kilay at mahuhusgahan. Naiinis din naman siya minsan sa sarili niya. Damdamin ang pinapairal niya pagdating kay Nicka.

Alam niya sa sarili niya na hindi ang katawan nito ang dahilan kaya pumayag siya na makasama ulit ito. It's more of the desire to wake up in the morning and see her face, to simply be with her once again.

Sa totoo lang, napatawad niya na ito. He just let bygones be bygones. Right now, he felt the need to protect her. Masaya na siya sa buhay niya ngayon. Kahit walang pangako ang bukas para sa kanila, ayos lang.

Naeenjoy niya ang boses nito kapag kinakantahan nito ng sweet lullaby si Odess gabi-gabi. He loved the way she wiped his sweat everytime he worked out. Ito rin ang nagtitiyagang mag-shave sa mukha niya kapag tinutubuan na siya ng balbas. Her smile warmed her heart. And he couldn't live without the sweetness of her mouth.

Had Nicka Esteban cast a spell on him?

Kung ililista niya ang lahat ng magandang naidudulot nito sa buhay niya ngayon, matatabunan noon ang isang kasalanan nito sa kanya. Definitely.

Ngayon nga, umaasa siya na hindi matatapos ang gabi at magkakaayos na sila ng tuluyan. Nahanap niya na ang Ate Nancy nito. Ito ang tiyak niyang nakakaalam sa katotohanan sa pagitan nina Ernesto at Nicka. Noon niya pa ito gustong kausapin kaya lang ay wala siyang number nito. Mabuti na lamang at naisipan nitong kusang tumawag sa opisina niya. Hindi raw kasi nito macontact ang kapatid dahil unattended na ang cell phone ni Nicka, so she called him instead.

Ito ang sinasabi niyang sorpresa kay Nicka. Inimbita niya si Nancy sa party. Mamaya ay magkakaharap-harap na sila at matutuldukan na ang maraming mga tanong.

Paulit-ulit na nag-eecho sa isip niya ang boses ni Nancy nang makausap niya ito sa telepono.

May mabigat na dahilan si Nicka kaya niya nagawang makipag-uganayan kay Ernesto. Maiintidihan mo siya kapag sinabi ko na sa iyo ang lahat, I swear. Iyon ang sinabi nito nang sabihin niya ang pinagdaraanan nila ni Nicka.

If he would read between the lines, alam niyang maaabswelto si Nicka sa kasalanan nito sa kanya. Or rather mapapatunayan na inosente talaga ito.

Natigil siya sa pag-iisip niya nang tawagin na siya sa sinetup na stage para ideliver ang anniversary speech niya.

Continue Reading

You'll Also Like

53.1K 1.1K 11
Isa sa pangarap ng bawat fangirls ay mapansin ng kanyang iniidolo. Minsan, mas mataas pa sa "mapansin" ang pangarap natin, dahil ang totoo, gusto nat...
39.1K 795 10
Sa kagustuhang mailayo sa kapahamakan ang natitirang mahal sa buhay, napilitan si Paula na sumunod sa gusto ni Wilbert. Akala niya ay wala na siyang...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
260K 7.4K 23
This is the raw and unedited file of my PHR novel NARITO AKO.