ONLY A MEMORY AWAY (Unedited...

By anrols

64.7K 1.3K 93

Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan la... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

4.7K 111 1
By anrols


Hindi nagkamali si Nicka sa sapantaha niya na mapapapayag niya si Oscar sa inihain niyang deal. Well, kasama niyang inihahain ang katawan niya kaya sinunggaban agad nito ang offer niya. Kaya lang, may pakiramdam siya na hindi lang ang katawan niya ang dahilan. There must be a deeper reason, she guessed.

Naaappreciate niya talaga ang pagiging considerate ng lalaki. Although nagbibigay pa rin ito sa kanya ng maaanghang na salita minsan, understandable naman iyon. Hindi naman madaling kalimutan ang kasalanan niya.

Hinakot agad ni Oscar ang mga gamit niya mula sa apartment para doon na siya sa bahay nito tumira. Mukhang hindi naman na ikinagulat ni Aling Mila ang muli niyang pag-alis sa apartment nito. Gaya nga ng sabi nito, madalas siyang hindi umuuwi roon.

"Our night together starts now," anunsyo ni Oscar. Kauuwi lang nito sa bahay nito pagkagaling sa trabaho. At siya ay tila isang ideal housewife na naghihintay sa pagdating nito. Unang gabi niya iyon sa bahay nito bilang bahagi ng 'happy family' nito.

"Kumain ka muna. Ipaghahain kita," pag-iwas niya sa sinabi nito. Mukha kasing may halong seduction ang titig nito sa kanya.

Bukod doon, siya na ang official na nag-aasikaso rito at sa anak nila. Pinagbakasyon muna kasi nila ang maid ni Oscar.

Nagsimula siyang kumuha ng mga pinggan.

Kahit nasa puso niya ang anticipation sa maaaring maganap sa kanila sa gabing iyon, tila pa rin siya isang virgin sa sobrang kaba. Nabura kasi ang lahat ng ala-ala niya na may kinalaman sa intimate moments nila. Ang saklap! Ngayon tuloy ay para siyang nangangapa sa dilim.

Hinawakan siya nito sa kanang braso niya bago siya tuluyang makapaghain. "Not now, sweetheart. Hindi pa ako gutom sa tunay na pagkain."

Kinilig siya sa ginamit nitong term of endearment sa kanya pero hindi niya pinahalata. "Gusto mo na bang matulog?" Alam niya naman ang pinapahiwatig nito pero mas pinili niyang magkunwari para mabawasan ang tensyon niya.

"I want to take a shower with you." Idinikit nito ang mga labi sa tenga niya. This time, ang tinig naman nito ang nang-aakit.

She felt her skin burning. Para siyang lalagnatin sa simpleng pagkakadikit pa lang nila.

"Nakaligo na ako. Kahit amuyin mo pa ako, mabango na ako," aniya.

Huli na nang ma-realize niya na mas binigyan niya ng motibo ang lalaki na dumikit sa kanya. Ang layunin niya lang naman sa pagsasabi niyon ay para hindi na siya nito kulitin na sabayan itong maligo.

"Naaamoy ko nga ang natural na bango mo, pati ang shampoo at sabon na ginamit mo." Pumikit si Oscar at dumako ang ilong nito sa leeg niya.

Nakiliti siya sa ginawa nito kaya bahagya niya itong tinulak. "Oscar naman! Maligo ka na nga."

Natatawang dumistansya ito sa kanya. "Pagkapaligo ko, dapat ay naroon ka na sa loob ng kwarto. On my bed."

Dahil sa pagtawa nito, hindi niya malaman kung seryoso na talaga ito. "Serious?"

"Oo, seryoso ako." Nakangiti pa rin ang mga mata nito.

"Naroon si Odess sa kama. Baka magising siya." Ang anak naman ang naisipan niyang gamiting dahilan.

"Kaya kong diskartehan 'yun," anito. Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang tumalikod.

Hindi na lang siya umimik. Mukhang wala na talaga siyang lusot. Bahala na!

Nasapo niya ang dibdib niya nang mag-isa na lang siya. Maya-maya lang, kailangan niya ng umakyat para samahan ang lalaki sa silid nito - na mukhang magiging silid niya na rin... ulit.

Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya kumilos. Parang may sariling isip na kusang humakbang ang mga paa niya paakyat sa hagdan. Tinalunton niya ang daan patungo sa silid nito at sa kama nito.

Tinabihan niya si Odess habang natutulog ito sa kama. Bahagya niya pang inusod ito sa gilid at nilagyan ng unan na pangharang para hindi ito mahulog.

Isang click ang narinig niya. Tunog iyon ng pagpihit ng seradura ng pinto. Tiyak niyang nakalabas na ng banyo si Oscar.

Nang tingnan niya ang direksyon na pinagmulan ng tunog, nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Nahigit niya ang paghinga niya.

He looked like a very hot creature. Pwede itong ihilera sa male models. He was only wearing a small white towel on his waist. Water from his hair was dripping all over his chest.

"Wag mo akong titigan na parang hinuhubad mo na ang twalya sa katawan ko," sabi nito. A soft laughter escaped from his mouth.

Isang irap ang isinukli niya rito.

Lumapit si Oscar sa kanya. Humiga ito sa tabi niya. Bahagya siyang nag-move sa gitna para mabigyan ang lalaki ng space sa kama.

Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa kahit na nababalot ng kaba ang dibdib niya.

Agad siyang pinagkalooban ng lalaki ng mainit at makapugtong-hiningang halik. Naroon ang pagkasabik sa bawat kilos nila. He gave her teasing strokes.

The next thing she knew, wala na siyang damit. Wala na siyang pakialam kung mayroon man siyang slight stretchmarks sa tiyan niya. Oscar's movements made her feel like she was the most beautiful woman in the world. Kaya natabunan ang insecurity niya.

Then, he was on top of her, kissing her neck and her breast and conquering her womanhood.

Nasa kalagitnaan sila ng magical moment na iyon nang biglang umingit si Odess. Gumalaw-galaw ito.

Pareho silang natigilan ni Oscar. Kita niya sa ekspresyon ni Oscar na hindi nito malaman kung ano ang dapat gawin - kung dapat ba itong umalis sa pwesto nito at itigil ang ginagawa o kung dapat bang ipagpatuloy lang nito ang nasimulan.

"Anak naman, makisama ka kay Daddy kahit ngayon lang," bulong ng lalaki sa bata. Hindi ito umaalis sa pwesto nito.

Nicka did the first thing that came into her mind. Tinapik-tapik niya ang bata. Ayaw niya ring gumalaw sa pwesto niya. She couldn't let go of Oscar's body over her.

Sabay pa silang nagpakawala ng sigh of relief nang makisama nga ang anak nila. Hindi ito tuluyang nagising. Muli itong nabalik sa mahimbing na tulog nito.

Natatawang pinagpatuloy nila ang ginagawa nila.

Humupa na ang nagbabagang damdamin nila. Nakahiga si Nicka sa ibabaw ng braso ni Oscar. Kapwa sila nakatingin sa kisame ng silid.

"That was great," komento ni Oscar. Ito ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila. A sexy smile curved in the corner of his mouth.

"Next time, ilagay na lang natin si Odess sa nursery room. Masyado pa siyang bata para ma-pollute ang utak niya," aniya. Nilingon niya ang bata sa tabi niya at ibinalik ang kumot nito na bahagyang natanggal.

"Wala pa naman siyang muwang sa mga ganyang bagay. Mas maganda nga kung kasama natin siya sa pagtulog para magampanan natin ang sinasabi mong happy family kuno."

May sundot sa puso niya ang sinabi ng lalaki na 'happy family kuno.' It only means na malayo silang mapunta sa pinapangarap niyang happy ending. Talagang pinagbigyan lang nito kung ano ang hiniling niya.

"Oscar, may mga plano ka ba para sa atin?" biglang tanong niya rito.

"Dati, marami. Honestly. Ngayon, hindi ko pa alam. Hanggang hindi ka pa nakakaalala, hindi ako magiging panatag sa mga magiging desisyon mo at sa lahat ng pinapakita mo."

Lalo niyang isiniksik ang sarili niya sa dibdib ng lalaki. Sana, sa paraang iyon ay habambuhay niyang maalala ang mga sandaling kapiling niya ito. Sana maiparamdam niya rin dito na malinis ang intensyon niya sa pagbabalik niya sa piling nito.

"Tama ka, walang kasiguraduhan ang mga bukas natin. Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang nakaraan ko," tugon niya habang unti-unti nang sumasara ang talukap ng mga mata niya.

Being close to him felt like she was being cradled slowly. Panatag ang kalooban niya at pwede na siyang pumikit ng walang inaalala na anuman.

Bago tuluyang lamunin ng karimlan ang kamalayan niya, narinig niya pa ang tinig ni Oscar. "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita."

Hanggang sa tuluyan na siyang nahulog sa isang malalim na pagtulog. If she had been given a warning that she would be dreaming of a painful past, she could have chosen not to even close her eyes.

Kaya lang, huli na. Nakatakda ng masagot ang ilan sa mga tanong niya...

Nicka was inside a time capsule. Tinatangay siya nito sa direksyon na hindi niya tiyak kung saan. Nang matapos ang paglalakbay niya, iminulat niya ang mga mata niya.

Nasa silid siya ng bahay ni Oscar. Nakahiga siya sa ibabaw ng kama nito. Ang sumunod niyang namalayan ay ang matinding contractions sa tiyan niya. Napasigaw siya sa matinding sakit.

Pagtingin niya sa pinagmumulan ng sakit, nakita niya ang malaking tiyan niya. Manganganak na siya!

"Nicka, what happened?" Natatarantang pumasok si Oscar sa silid.

"Humihilab na ang tiyan ko. Dalhin mo na ako sa ospital." Naramdaman niya ang paggitil ng pawis sa noo niya.

Walang inaksayang oras ang lalaki. Agad siyang binuhat nito para itakbo sa ospital.

Nang madala na siya nito sa pagamutan, hindi ito umaalis sa tabi niya. Sa tuwina ay gagap nito ang mga kamay niya. Nakasuporta ito sa kanya sa kabila ng matinding sakit na pinagdadaanan niya.

Naghalu-halo ang boses ng mga doktor at nurse sa paligid niya. Kung anu-anong mga salita ang narinig niya na hindi niya lubusang maunawaan. Ten centimeters dilated. Bag of water broke. Normal fetal heart tone. Contractions intensify. Push a little more.

Ang tanging naunawaan niya ay ang nag-iisang lenggwahe na kayang intindihin ng mga ina - ang iyak ng sanggol niya.

Then something went black.

Muli siyang nagmulat ng mga mata. Nasa loob na siya ng isang private room. Nakangiting mukha ni Oscar ang bumungad sa kanya. Hawak nito ang sanggol na inilabas niya sa mundo.

Inilapit nito sa kanya ang bata.

Umiwas siya. Bumaling siya sa kabilang direksyon ng higaan.

"Akala ko ay magkakaayos na tayo pagkatapos mong manganak, kapag nakita mo na ang baby natin." Malungkot ang boses ng lalaki.

Nagsalita siya habang hindi humaharap dito. "Hindi mo ako naiintindihan at hinding-hindi mo ako maiintindihan."

"Paano kitang maiintindihan kung hindi ka nagpapaliwanag?"

"Wrong timing ang pagkakaroon natin ng anak. Kung hindi siya dumating, dati ko pa naisakatuparan ang mga plano ko. I regret having her now."

"Iyan ba talaga ang nararamdaman mo? So, totoo nga ang hinala ko na may ibang lalaki na sa buhay mo?" Unti-unting humina sa pandinig niya ang boses na iyon ni Oscar.

"Ikaw na muna ang bahala sa anak natin. I have to move out of your house," deklara niya. Hindi niya hiningi ang opinyon nito. Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin nito.

"Kahit ba sandali ay hindi mo man lang siya hahawakan or ibi-breastfeed?" tukoy nito sa anak nila. Wala siyang mabakas na galit sa tinig nito. Tila pinipilit nitong maging normal ang pagsasalita nito. Para bang kapag ginawa nito iyon ay magagawan nito ng paraan na maayos pa ang lahat.

"Hindi. I'll do something to stop my milk from flowing," tipid na sagot niya. Kinuha niya ang bimpo sa sidetable. Binuhusan niya iyon ng malamig na tubig at inilagay sa ibabaw ng dibdib niya. Then she explained the reason behind that cold compress.

"Hindi na ikaw ang Nicka na nakilala ko. Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo. Simula ngayon, wala ka ng anak. Wala ka na ring babalikang trabaho sa opisina. Out ka na sa buhay namin." Buung-buo na sa boses nito ang pait at panunumbat na kanina lang ay iniiwasan nitong ipahalata.

Narinig niya ang papalayong yabag ni Oscar. Hindi niya na ito hinatid man lang ng tanaw.

Alam niyang malaking pagkakamali ang ginawa niya. Ngunit kung hindi niya iyon ginawa, hindi niya maisasakatuparan ang plano niya na makipagrelasyon kay Ernesto San Jose.

Nakaplano na ito ilang na buwan na ang nakararaan. Nabulilyaso lang dahil sa biglaang pagbubuntis niya. Iyon ang dahilan kung bakit pumayag na rin siya na makipag-live in kay Oscar. Itinago niya sa loob ng bahay nito ang pagbubuntis niya. Kailangang walang masyadong makaalam. Hindi maaaring malaman ni Ernesto na nagbuntis siya sa ibang lalaki.

Ngayong nakapanganak na siya, hindi niya hahayaang humadlang ang guilt niya at ang pagmamahal niya sa mag-ama niya. May isa siyang misyon - iyon ay ang makuha ang kayamanan ni Ernesto. Paiikutin niya ito sa mga kamay niya at paiibigin.

Sa ngayon, kailangan niya munang magtiis. Kapag kasi nalaman ni Oscar ang plano niya, tututol ito at gagawin ang lahat para mapigilan siya, natitiyak niya iyon. Sino nga ba namang nasa matinong isip ang papayag sa gagawin niyang hindi katanggap-tanggap?

Hindi niya kailangan ng hadlang ngayon. Sinubukan ng Ate Nancy niya ang humadlang pero hindi pa nito nagagawang baguhin ang pag-iisip niya. Ganoon siya kadesidido sa plano niya. Alam niyang maaayos din ang lahat kapag tapos na ang misyon niya.

Titiisin niya muna ang anak niya. Babalikan niya ito sa takdang panahon.

Nang masigurado niyang wala na si Oscar sa paligid, kinuha niya ang breastpump sa side table. Ieexpress niya ang gatas sa dibdib niya para tuluy-tuloy pa rin ang milk production niya. Hindi niya hahayaang tuluyang tumigil iyon kagaya ng nais niyang palabasin sa harap ng lalaki kanina.

Darating ang panahon na gagampanan niya ang pagiging ina niya, sigurado siya roon.

Naramdaman niya ang paglalandas ng luha sa mga mata niya. Agad niyang pinunasan iyon.

align:jus��9��$

Continue Reading

You'll Also Like

64.9K 1.4K 10
Date Published: March 2014 This is my first published work under PHR. :) -- "You transformed me into something I never thought I can be. I was such a...
65.2K 1.1K 11
"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is standing in front of me now. It's you." Lih...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.8K 153 11
Jaco need not say a word. One smile from him and you have no other choice but to fall for him. Magaling na journalist si Jaco. Bukod pa roon, guwapo...