Boyfriend Corp. Book 2 : Afte...

By iamKitin

23.3M 463K 202K

PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfr... More

Boyfriend Corp. 2
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight part 2
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Author's Note
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Last Chapter
Random Questions (UPDATED)
PUBLISHED UNDER POP FICTION

Chapter 48

259K 6.9K 3.4K
By iamKitin

Chapter 48

Same day

Agad kaming lumabas ni Gatorade sa kwarto matapos ng tawag sa'kin ni bebs. Naabutan naming nagkukulitan sina Lean at Andrei. Biglang tumakbo sa'min si Andrei nang makita niya kami. I was expecting him to be playful to him pero alam namin ang sunod na mangyayare.

Binuhat niya si Andrei at ibinigay 'to kay Lean. I want them to be playful since ito ang pinakauna na talagang nag-bonding sina Lean at Andrei pero it can't happen.

"What's happening?" At saktong saktong nasagot ang tanong ni Lean nang may padabog na kumatok sa main door.

"Gatorade," tinawag ko siya pero umiling lang 'to at lumapit sa main door.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan, walang ano anong tinulak niya si Gatorade palayo para makapasok sa loob ng bahay. Inikot niya ang mata niya sa paligid at tumigil siya sa'kin. She's angry... no, worse than that.

Pinigilan siya ni Gatorade pero walang ano anong sinugod niya ako at umakmang sasampalin ako ulit.

I was waiting for the stingy feeling on my cheek pero wala.

"Bitawan mo ako!" nakita ko siyang hawak hawak ni Gatorade at pinipigilan na makalapit sa'kin, "Bitawan mo ko, Lance!!"

Sinubukan kong umurong pa pero parang napako ang paa ko sa lupa at hinayaan lang siyang panuorin habang nagpupumiglas siya para makawala sa pagkakahawak ni Gatorade.

Nilingon ko sina Lean nung narinig kong umiiyak si Andrei. Mukhang naintindihan na niya kung bakit pinahawak sa kanya ni Gatorade si Andrei. Katulad ni Lovely, pinipilit din ni Andrei na makawala sa pagkakabuhat sa kanya ni Lean.

"Kinuha mo na si Lance pati ba naman anak ko ha!" sigaw niya. "Ano bang ginawa ko sa'yo at sinisira mo ang buhay ko!"

Isinangga ko ang braso ko nang nagawa niyang makawala kay Gatorade. Naramdaman ko ang sakit pero wala akong nagawa kung hindi tanggapin yun, "Ano ba ha!"

"Tama na, Lovely!" inawat ulit ni Gatorade si Lovely. Sinubukan niyang ilayo siya sa akin. "Tama na. Wag sa ganitong paraan!"

"At anong paraan?!" itinulak niya sa Gatorade. "Anong gusto mo, ngumiti pa ako at maging kalmado lang sa lahat ng nangyayare ha!"

Tinulak niya si Gatorade ng paulit ulit na parang ito ang may kasalanan ng lahat. Naririnig ko ang tawag ni Andrei sa mommy at daddy niya at ang pagpapatahan ni Lean dito.

Please, wag sa harap niya.

"You want me to be calm, prim and proper? Is that what you want, Lance?" tumawa siya ng mapait. "Gusto mo akong maging kalmado dahil edukada ako at hindi ganito ang paraan ng mga katulad ko, ganun ba?! Bullshit, Lance! How can I be calm while watching my family to be torn apart because of this girl!"

Sinubukan niya ulit akong saktan at laking gulat ko nung tumakbo na si Lean at humarang sa unahan ko. Para akong batang nagtago sa likod niya. Tinakluban ko ng kamay ko ang bibig ko, trying my best to control my tears. Gusto kong dumaing ng sakit at sa takot.

"You want me to do that? Stand in the middle of the war and let them kill me without putting up a fight?! Ganun ba ha!" Natakot ako nung pinilit niyang makalampas kay Lean, "Gusto mo akong maging edukada?!"

"Lovely, tama na!"

"It was already planned! We were on the process of fulfilling that! Pero dumating ka sa eksena."

That picture of her happy family. Naaalala ko pa nung nakita ko yun sa homescreen ni Gatorade. Yung naging dahilan para aminin ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Dumating lang ako sa eksena...

"I'm sorry," naiiling kong iyak. Tama na,

"Alexa!"

"Why are you stopping her?! I deserve that! I need and deserve an apology!" Pumiglas siya sa pagkakahawak ni Gatorade. "After what this family had been through, I need that!"

"No, you don't!" Nagulat ako nung biglang hinawawakan ni Gatorade si Lovely sa magkabilang balikat. "Dahil kung pagbabasehan kung sinong deserving makatanggap ng apology, ako yun! I need an apology from you and to those damn people who took me for granted!"

Naalarma ako nung nakita kong nasasaktan na si Lovely sa hawak ni Gatorade, "Wala ding ginawang masama sa'yo si Alexa kaya sino ka para humingi ng isang bagay na hindi naman dapat?!"

"La-lance,"

"Hindi ako ang ama ni Andrei at hindi kita girlfriend! There's no family to begin with! And what we have now is not a mistake. Wala kang karapatan!"

"Lance!" Pipigilan ko na sana si Gatorade nung nakita kong lumapit na si Lean sa kanila at hinawakan ang kamay na nasa balikat ni Lovely. "Bitaw."

Nakita ko ang hesitation sa mata ni Gatorade pero sinunod pa din niya ang kapatid niya. Napapikit ako nung nakita ko siyang sinuntok ang pinakamalapit na pader sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagalit siya.

Pagkababa ni Lean kay Andrei, agad na lumuhod si Lovely para yakapin ang anak niya. Sinabayan ni Lovely ang iyak ng bata. At dun ko nakita ulit ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magtanim ng galit o inis sa kanya. Kung paano niya hawakan si Andrei,

I was never mad at her.

Alam kong sinaktan niya ako pero hanggang ngayon wala pa rin akong makitang sapat na dahilan. Wala siyang kasalanan. Kung tutuusin, siya ang nauna. Naunang mabuo ang ang pinaplanong pamilya ni Lovely at bigla kaming nagkakilala.

Then, it happened.

Alam kong emosyon ni Lovely ang naging dahilan kung bakit niya nagagawa 'to. She just want to protect the family she thought she could have, those people na inaakala niyang makakasama niya hanggang sa huli. Naiintindihan ko yun.

"Please, wag niyong kunin sa akin si Andrei." hinigpitan niya ang hawak sa anak. "He is all I had left... please."

Naalala ko ang plano nila Lean at Gatorade na kukunin nila kay Lovely si Andrei. Naunahan sila ni madam at hinayaang mangyare 'to.

"Fine," sagot ni Lean na ipinagtaka ni Lovely. "Hindi na namin kukuhanin si Andrei."

Nakuha ni Lean ang atensyon ni Gatorade. And as if on cue, bumukas ang main door at pumasok sina bebs at Marcus. Magsasalita pa sana si Dom pero tinakpan agad ni Marcus ang bibig niya nung maintindihan niya ang atmosphere.

"Under one condition, marry me."

"What?" hindi makapaniwalang sagot ni Lovely kay Lean.

"Marry me." ulit ni Lean na parang isang casual statement yun na sinasabi araw araw. "I know it's kind of weird since I should be doing the kneeling part but I think it's more awkward kung pareho tayong nakaluhod."

"You want me to marry you?" she asked completely ignoring Lean's weird statement.

"You want a happy family, right? As far as I know a happy family is composed of a happy child or children, a happy mom and a happy dad." tumingala siya na parang may iniisip. "Andrei is the kid, he's yours so you're the mom. He's also mine and if you marry me, that'll make me 'the' dad."

Magsasalita pa sana si Lovely pero may dinagdag pa ulit si Lean, "And the very cool thing about it is you don't have to worry on explaining about if he's adopted, bakit wala syang daddy o kung bakit iba ang daddy niya." Inilagay niya yung daliri niya sa baba niya, "Pretty nice logic, huh?"

Sinabi niya yun na parang walang kakaiba sa sinabi niya, na parang okay lang yun at normal sabihin yun. Out of this drama and crying..

"How can I marry you?"

Napahawak siya sa dibdib niya, "Mag-'I do' ka lang kay Father, okay na—"

"How can I marry an abnormal..."

"You call me abnormal? Eh pagiging blue nga ng buhok ng kapatid ko, hindi mo tinawag na abnormal?!"

Nakuha na nilang pareho ang atensyon namin. I can see Gatorade peeking as if walang nangyareng sigawan, galit o pagsuntok sa pader. Si Dom at Marcus, pinipilit i-sink in ang nangyare. At ako at si Andrei, when did we stop crying?

"No, no." iling niya. "You're immature, careless and I don't even see or feel any sense of responsibility within you," tumayo siya at binuhat si Andrei.

"How can you say that!!" nagpapadyak siya ng paa na parang nagtatampo at naiinis siya sa sinabi ni Lovely. "I got you pregnant for Pete's sakes!"

I literally dropped my jaw. Kahit si Lovely natigilan sa sinabi ni Lean pero mukhang seryoso siya dito. Muntik ng mapairit si bebs at buti nalang tinakpan ulit ni Marcus ang bibig niya.

"Look, marry me then let's try that happy family you wanted... well, minus the happy-word." he shrugged. "I'm not quite sure about that part but the family will be guaranteed. I swear, I'll try but don't expect too much! At wag kang masyadong umasa sa'kin because I have to agree with the immature part. Okay?"

Zamora...

You really have weird genes.

*****

Wala naman talagang nage-expect ng isang Lovely Alicaway sa loob ng apartment namin. At alam kong kahit sino sa'min, gusto na nandito siya. But we want to try. After those screaming, crying and him getting mad, we still wanted to try. Si bebs sinubukan siyang kausapin pero wala talaga. Kahit si Lovely aware na aware ngayon sa atmosphere. I bet, kahit siya, ayaw niya dito.

After that weird proposal, mas dumoble ang heavy aura sa paligid. No one dared to talk at buti nalang nagreklamo si Andrei. Si Gatorade, hindi pa rin umiimik simula pa kanina. Yes, he's there. Para lang masabi na nandyan siya pero wala siyang ginagawa.

Tinawagan namin si Lorenzi para sunduin sina Lovely at Andrei. Lean insisted pero humindi si Lovely. It was quite unreasonable pero sabi niya immature talaga si Lean.

Napatingin ako sa likod ko noong may naramdaman akong humihigit sa dulo ng shirt ko. Nagulat ako nang makita si Gatorade dun. Hindi ko siya napansin. I want to ask him pero hindi niya ako tinintingnan sa mukha. Ilang ulit niyang hinigit yung dulo ng shirt ko. Nung hindi ako umiimik, hinigit niya yun with enough strength para makalapit ako sa kanya.

"Bakit?"

Pero wala, hawak hawak niya lang ang t shirt ko. Binitawan niya yun at pumasok sa kwarto. Napalingon ako sa may living room at nakitang nakatingin sa'min si Lovely pero umiwas na siya agad. Sumunod na ako kay Gatorade.

Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko si Gatorade na nakasandal sa window frame. Still, hindi niya ako nililingon. Iniwan kong nakabukas ang pinto saka lumapit sa kanya.

"Gatorade,"

"Ayaw mo na sa'kin siguro,"

"Ha?" mas tumungo siya nung sinubukan ko siyang tingnan sa mukha. Kinuha niya ulit ang dulo ng shirt ko at pinaglaruan yun.

"Takot ka na ba...Na baka saktan din kita?"

Yung ginawa niya kanina kay Lovely. Oo, nakita ko na siyang nagalit dati pero iba pa rin yung kanina. Nandilim ang paningin niya na parang nakalimutan niya na si Lovely ang hawak hawak niya at kaya niya 'tong saktan.

"Nawala ako sa sarili ko," nakita ko yung pagsilip niya sa'kin na parang naninigurado siya kung nakikinig ba ako sa kanya,

"Sasaktan mo ba ako?" this caught his attention. Bigla siyang umiling. "Kelangan ko bang matakot?" umiling siya ulit. "So...?"

"Pero," napaurong ako nung binitawan niya yung t-shirt ko at bigla niyang ginulo ang buhok niya. "I'm sorry."

Gusto kong sabihin sa kanya wala siyang dapat ika-sorry. Alam kong galit siya pero naintindihan ko lahat ng sinabi niya. 'And what we have now is not a mistake.'

Napangiti ako nung naramdaman ko na yung kamay niya sa palad ko. Dahan dahan niyang pinagtama ang mga daliri namin at sinara yun, "I'll try my best not to hurt you."

"Okay."

Dumating agad si Lorenzo dito sa Batangas. Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko agad siya nakilala. Why? Payat siya, this time. Tatanungin ko sana siya pero nabasa niya ata agad ang nasa isip ko at sinabing: 'Two things: bossy at ayaw sa fats.' And I think he's pertaining to Lovely.

Alam ni Lorenzo ang nangyare. Biniro niya na susuntukin niya si Gatorade at Lean. Kelangan daw may moment kung saan dapat maging Kuya siya sa kapatid niya, though mukhang mas matanda sa kanya si Lovely.

"I hope, I'm doing this right." lumapit sa'min ni Gatorade si Lean. "I know it sounded crazy pero dun naman kasi dapat ang bagsak naming dalawa ni Lovely di ba? And I know, I know, ang tanga at duwag ko dahil natakot ako at hinayaang kitang akuin ang kasalanan na dapat sa akin."

"Oo, tanga at duwag ka."

"Ouch," napahawak siya sa dibdib niya. "Hearing them from you is more painful."

"Truth hurts."

"I'm sorry, L.A. Hindi ako mabuting kuya." umiling siya at lumingon na kung nasaan si Lorenzo. May balak daw siyang kausapin ang future brother-in-law. "Let's be a good daddy to Andrei. I'm still immature and need a lot of training."

"Kaya mo?"

"Kinaya mo nga, e."

Napailing na lang si Gatorade at sumunod din kay Lean. Napatingin ako sa kabilang dulo ng sofa. Dun nakaupo si Lovely habang kalong kalong ang natutulog na si Andrei. Wala na dito sina bebs, nasa kwarto na siya kasama si Marcus. Nakailang iwasan at tingin kami ni Lovely at kunwaring nakikinig sa makulit na usapan ng tatlong lalaki hindi kalayuan sa amin.

"I still don't like you," Tumungo ako. Para siyang si Justine. Well, halos lahat naman ng ex clients ni Gatorade, ayaw sa akin. "Bigyan mo ako ng time. I'm not like you."

Tumango ako. Still finding the right words to say.

"I know that you're not really expecting me to say sorry and besides, ayokong sabihin yun kung hindi ako sincere." napangiti ako. "But I want you to know na katulad ng sinabi ni Gatorade, what I did and have now was and is never a mistake for me."

"Ginawa mo lang yung sa tingin mo ay tama." tumango siya. Naiintindihan ko.

"Maybe this is where 'sorry not sorry' fits."

Siguro nga.

Natigil kami paguusap nang biglang umupo si Lean sa tabi ni Lovely at inakbayan ito, "Marry me?"

Tumingin si Lovely dito at inalis ang pagkakaakbay sa kanya, "Fine."

"Well, that's not really the yes I was expecting."

Napangiti ako.

A really weird proposal.

Inihatid na namin sina Lorenzo paglabas. Pati si Lean, nagpaalam na din at kelangan daw niyang ipaalam kay Tito Anthony a.k.a Pops kung anong inabot ng tapang niya also known as kabaliwan. Umuna na si Lorenzo at binuhat si Andrei papunta sa sasakyan.

Nagpaiwan si Lovely at lumingon kay Gatorade, "So this is the ending of our story."

Hindi sumagot si Gatorade.

"It may still sound insincere but," ngumiti siya, "I'm really sorry, Lance."

Tumalikod si Gatorade at pumasok sa loob na parang walang sinabi si Lovely sa kanya.

Sinubukan niya ulit ngumiti, "maybe I still sound insincere."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa sasakyan.

A very unexpected way to end their story.

I wonder... yung sa amin kaya ni Gatorade?


Continue Reading

You'll Also Like

100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...
30.1K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
23.5K 1K 97
Internet Love | epistolary with narration.
15M 193K 86
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito...