Aseron Weddings-Anywhere For...

By DreamGrace

111K 1.1K 64

Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. But that did... More

Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4

CHAPTER 5

10.2K 216 8
By DreamGrace


ANIMO SI MOSES NA PINAGHIHIWALAY ANG RED SEA na nahawi ang mga empleyadong nasa hallway at kasalukuyang nasa break ng mga ito nang magkasamang lumabas ng opisina sina Simoun at Menchie.

Malinaw sa mukha ng lahat ang hindi pagkapaniwalang hanggang ngayon ay siya pa ring reaksyon ng mga ito sa kaalamang nobya na ng istrikto nilang amo ang reyna ng palpak na empleyadong alagang ubusin ang pasensya nito.

"This is really starting to piss me off," komento ni Simoun kay Menchie habang lulan sila ng sasakyan nito.

As usual sa restaurant sila kakain ng pananghalian.

Magkasama tulad ng iginiit nito mula nang unang araw ng pagpapanggap nila. Sa likod nila ay kasunod nila ang sasakyan ng mga bodyguard nitong hindi nawawala sa likod nito.

"Hmm?" untag niya dito habang abala sa paglilista ng mga bibilhin niyang groceries mamaya pag-uwi niya.

"Their reaction. Bakit ganoon sila makatingin sa iyo? Sa akin? Na parang nagdududa sila sa katinuan nating dalawa. Ganoon ba kaimposible na maging tayo at para silang laging nakakakita ng aparisyon kapag dumaraan tayong magkasama?!" wika nito sa tinig na may bahid ng pagka-inis.

Hindi kasi nito maunawaan kung bakit para silang mga exotic animals kung tignan ng mga empleyado ng Circe tuwing makikitang magkasama sila. Tulad ng prediksyon niya, lumikha ng malaking ingay sa buong kompanya ang tungkol sa pagiging magnobyo nila.

Animo sunog sa gitna ng mainit na panahon ng El Nino na kumalat ang tungkol sa kanila nito sa buong opisina. Kaya naman ngayon ay hindi maaring hindi lumipas ang isang buong araw na hindi siya napag-uusapan ng mga katrabaho niya. Noong una marami ang nagdududa at nang-iintriga na pakana lang niya iyon.

Tinukso pa nga siya ng mga katrabaho nang makita ang

singsing na suot-suot niya. Dahil kung totoo daw si Simoun ang nagbigay niyon sa kanya, ibig sabihin ay kuripot pala daw ang binata.

But personally she loves the simple yet elegant ring. Hindi iyon masyadong magarbo o malaki, simple lang tulad ng simpleng personality lang din niya.

Kahit si Tessie tinignan siya na para bang inamin niya ditong alien siya mula sa Pluto nang sabihin niya dito ang tungkol doon. Subalit nabura ang lahat ng pagdududa ng mga katrabaho niya nang makita ng mga ito ang pag-iiba ng trato ni Simoun sa kanya.

Maya't maya kasi ang pagtigil nito sa harap ng cubicle

niya para makipag-usap sa kanya. At dahil hindi na sa dating kritikal na paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya iyon, masasabi na talagang major improvement iyon.

Isali pa ang hindi maikakailang araw-araw na pagsasabay nila ng binata sa pagdating at pag-alis ng opisina. Dahil sinusundo at ihinahatid siya nito sa apartment niya.

At ang pinaka-nakakumbinsi sa mga katrabaho niya na

sila na nga ng binata ay ang pagbibigay nito ng iba't ibang klase ng bulaklak sa kanya. Mga bulaklak na araw-araw ay nadaratnan na lamang niya sa ibabaw ng mesa niya. Ang kasama niyong mumunting cards ay may pirma lang nito. Wala ni anumang mensahe.

Bagay na kung tutuusin ay pinaka-romantiko nang maggagawa nito. Dahil kung ito lang ang masusunod, hindi daw talaga nito ugaling magbigay ng bulaklak sa mga nobya

nito. mas gusto naman daw kasi ng mga iyon na alahas o designer bags, shoes at clothes ang ibigay nito.

Hindi nagpapakita ng paglalambing si Simoun sa kanya

sa harap ng mga empleyado ng Circe. Anito ay mas mabubuko sila kung gagawin nito iyon. At sang-ayon siya doon.

Kapag kasi may dumadalaw man na mga nobya nito dito sa opisina noon, hindi talaga nila ito nakikitang nakikipaglambingan sa nobya. Kontra ito sa ideya ng public display of affection.

Bagamat kapag magka-agapay silang lumalakad papasok o pauwi mula opisina ay laging naka-alalay sa likod niya ang kamay nito. Hula niya, iyon na ang version nito ng holding hands.

"Ganoon ba kaimposibleng magustuhan mo ako sakaling

niligawan nga kita ng totoo?" untag nito.

Eksasperadong naiikot naman niya ang mga mata.

"Natural ang reaksyon nila, Sir---"

"Simoun," kunot-noong pagtatama nito sa kanya.

Tila mas nadagdagan ang pagkayamot sa anyo sa muli niyang pagkakadulas sa pagtawag ng Sir dito. Bagamat amo pa rin niya ito, hindi nito gustong patuloy na tawagin niya itong sir. Tinulungan din siya nitong mawala ang nerbiyos at kaba niya sa tuwing nasa paligid nito.

Paano? Simple lang.

"Just think of me picking my nose so you'll forget your nervousness whenever you're with me. Believe me, taliwas sa paniwala ninyong lahat, hindi ako naglalakad sa ibabaw ng tubig o nakakaggawa ng ginto sa isang pitik lang ng mga daliri ko," ang payo nito sa kanya habang kino-coach siya kung paano siya aakto bilang nobya nito.

Bago iyon ay inalam din nito lahat ng mahahalagang bagay ukol sa kanya. Mga impormasyon na kung totoo nga niya itong nobyo ay dapat alam daw nito.

At habang iniisa-isa niya ang pagsagot sa tila slum book nitong pagtatanong at paglilista ng mga bagay ukol sa kanya, gayundin naman ito ukol sa mga bagay na anito ay dapat alam din niya ukol dito.

"Talaga? Allergic ka sa hipon? Too bad, paborito ko pa namang pagkain iyon," bulalas nito.

"Alam ko," wala sa loob na nasambit naman niya.

Kusang umarko ang mga kilay nito. nagtatanong na napatingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

"Um, nabanggit kasi iyon minsan ni Lola Dorinda. Sabi niya kayang–kaya mo daw umubos ng tatlong kilong hipon sa isang upuan lang," pag-amin niya dito.

Hindi na niya binanggit na bukod sa mga paborito nitong pagkain, inumin, kulay, damit, sports team, nilalarong sports noong college ay ultimo bilang ng mga arwards at medalyang nakamit nito noon ay alam niya. Salamat kay Lola Dorinda na hindi itinago sa kanya ang pagnanais nitong siya ang gusto nitong maging nobya ng apo.

Marahang tumangu-tango naman ito.

"I see. Well, seems like you know quite a lot about me but I know so little about you. Kung gayon ay ipagpatuloy mo na ang pagsagot mo sa mga ito. Ano ang paborito mong sports?"

"Um, nakakain ba iyon?" pabirong tugon niya.

Umarko naman ang isang kilay nito.

"Meaning wala kang hilig sa sports?" anito.

"Natumbok mo. Kasi naman, hawakan ko lang kahit pingpong ball, naaksidente na ako. Kaya payo nina Kuya at ng mga tiyuhin ko, huwag ko na daw pangarapin pang matuto ng kahit anong sports kung ayaw kong mabaldado bago pa ako tumuntong ng beinte noon."

Sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito.

"I can very well understand their worries. Wala pa akong nakikilalang tao na sing lapitin ng disgrasya tulad mo. But I think, kulang ka lang sa pagiging alerto sa paligid mo. Napansin ko kasi, mabilis kang ma-distract. Para kang bata sa loob ng toy shop. Kung saan-saan nakatingin," iiling-iling na palatak nito.

Hindi naman niya malaman kung maiinsulto o ano sa sinabi nito. Hindi naman kasi mapangutya ang tono nito. Bagkus ay tila naaaliw pa nga.

''At sa palagay ko, kulang ka lang rin sa pagkakataong mahasa ang pisikal na mga abilidad mo kaya ka laging nadidisgrasya. Sorry to say this, pero lampa kang sobra," dugtong pa nito.

"But we'll soon fix that. I'll teach you some sports I know. I'll train you how to be flexible, agile and quick on your feet so you won't get into too many accidents."

"Kung jackstones at chinese checkers iyan, sige lang.

Pero kung hindi, maghunus-dili ka. Dahil malamang ikaw naman ang madisgrasya dahil sa pagkalampa ko," pabirong aniya.

Pilit ikinukubli ang kilig niya at tuwa sa kaalamang handa itong magbigay ng oras para turuan siya. Nangangamba siya. Subalit mas nakakalamang pa rin ang kasabikan at kagalakan.

So what if she's starting to find out things about him that makes him more attractive to her eyes? Ito lang ang tanging panahon niya para maging ganito kalapit dito. Lulubus-lubusin na niya ang pag-iipon ng magagandang alaala na kasama niya ito.

Nang sa gayon, sa katapusan ng palabas nila, kahit papaano may maiimbak siyang mga alaala na maari niyang balik-balikan kapag wala na ito sa buhay niya.

"Kailan ka ba masasanay na tawagin akong Simoun lang? Kahit isang beses ka lang madulas sa harap ni Lolo, tiyak ko, mapapag-isip na iyon. Stop thinking of me as your boss and start convincing yourself that I'm your fiancee, okay?" wika nito.

"Sorry. Simoun. Balik sa sinasabi ko, natural talaga na hindi makapaniwala ang mga taga-Circe na ako na ang nobya mo ngayon. Ikaw ang big boss namin tapos bigla, malalaman

nilang tayo na pala.

"I mean, it's like nasa ganitong level ka," aniya na itinaas ang kanang kamay para ipakita ang taas nito na tinutukoy niya bago niya muling ibinaba ang kamay para naman tukuyin ang sarili.

"Tapos ako nandito lang. Natural hindi sila makapaniwala. Lalo pa at sobrang inis ka pa sa akin noong una," dugtong niya sa sinasabi.

Kunot-noong sinulyapan siya nito.

"Will you stop putting yourself down? I'm not a snob," anito na hinuli ang kamay niya at ipinatong iyon sa hita nito, tinapik-tapik na para bang inaalo siya sa mababang self-

esteem niya.

Pero totoo ang sinabi nito. Hindi naman kasi talaga ito mapagmataas bagamat ubod ng yaman at taas ng posisyon nito. Isa pa iyon sa mga katangian nitong nagustuhan niya dito.

He may be cold and aloof most of the time. But he was that way too even with his top executives. Hindi lang sa mga mabababang empleyado ng kompanya. Parte lang talaga ng personalidad nito na hindi agad inilalapit ang sarili sa ibang tao.

Pero sa sandaling makuha mo na ang tiwala nito, willing

na itong maging bukas at maluwag ang pagtrato sa iyo. Patas din ito sa pagtrato nito sa lahat ng mga tauhan nito. Hindi ito basta-basta naninigaw o nang-iinsulto. Kitang-kita niya iyon sa kaswal na pakikipag-usap nito sa mga bodyguards nito at kay Sir Andy na matagal na nitong kasama.

Iba nga lang sa kanya dahil mula't sapul naman talaga

ay puros palpak na ang ipinapakita niya dito. But that has now changed. Tulad din ng pagbabago na ng pagtrato nito sa kanya.

"Alam ko. Pero para kasi talagang fairy tale ang idea na tayo nang dalawa. Kaya siguro hirap silang maniwala," aniya.

"Why can't they just think that the trouble we had between us before was an interesting start to our relationship. Lots of couples don't start out liking each

other a lot."

Naiikot na naman niya ang mga mata. Isinilid niya sa bag niya ang notebook na sinusulatan niya ng mga bibilhin

niya. Saka hinarap ito.

"Siguro. Pero hindi sila si Simoun Aseron at Menchie Makisig. Kaya huwag ka nang magulat kung nakikita mong hindi makapaniwala ang mga taga-Circe tungkol sa ating dalawa.

"Sa sobrang opposites natin, pwede nang sabihing

nakatira tayo sa magkaibang galaxy, '' aniya bagamat sa loob-loob niya ay hindi niya alam kung ang mas gusto niyang kumbinsihin at paalalahanan ng sinasabi niya.

"Opposites attract."

"Kung magnets tayo. Pero tao tayo. At kadalasan kapag masyadong magkaiba ang dalawang tao, asahan mong puros pagtatalo at away lang ang mangyayari sa inyo," aniya dito.

Bakit ba nila pinagtatalunan ito? It's not like they really are a couple! At bakit tila ayos lang dito kahit magkaiba sila gayong ayon nga mismo kay Lola Dorinda ay na-disillusion ito sa ideya ng kasal at seryosong relasyon dahil sa nasaksihan nito sa relasyon ng mga magulang nito?

"Or it could be that we'll balance each other out. I'm cool to your hot. Sane to your---"

Napasinghap siya.

"Insane?! Tinatawag mo ba akong insane?!" kunway

nainsultong bulalas niya dito.

At tulad ng nais niyang mangyari, muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Ngiting minu-minuto ay sinusubukan niyang palitawin sa mukha nito. Ngayong lampas na siya sa pagkawindang niya sa presensya nito at hindi na ito nagsusuplado sa kanya masyado, natuklasan niyang may nakakatuwang sense of humor din pala ito.

It was easy to make him laugh but he makes her laugh a lot too. Lalo pa at may mga hirit ito na hindi niya aakalaing mabibitawan nito. Tiyak niya, iisipin ng mga katrabaho niya na nababaliw na siya sakaling ipaalam niya sa mga ito na ang kadalasan ay pormal at istrikto nilang amo ay may pagka-komikero din pala.

"Saan ka usually nago-grocery?" biglang pag-iiba nito ng usapan.

Nasa loob na sila ng paborito nitong restaurant. Kinambatan nito ang waiter para umorder.

Sinabi naman niya dito ang supermarket na madalas niyang puntahan.

"Sasamahan kita sa pamimili mo mamaya," anunsyo nito.

Mulagat na napatingin naman siya dito. Saan ka naman nakakita ng soon-to-be CEO ng isang malaking kompanya na nagu-grocery? Pero kahit anong tanggi niya ay hindi ito

nagpapigil sa kanya.

Hindi sa ayaw niya itong makasama nang mas matagal pa pero alam kasi niyang ipipilit nitong ito na naman ang magbayad ng mga bibilhin niya.

Nalulula na nga siya sa dami ng mga gamit na ipinamili nito para sa kanya na anito ay gagamitin niyang props sa pagpunta nila sa islang tinitirahan ng pamilya nito. Kaya

kahit ayaw niyang tanggapin ang mga iyon ay hindi maari.

Hindi niya gustong dagdagan pa ang mga bagay na ipinapamili nito para sa kanya lalo pa kung hindi naman kasali sa palabas nila. At kahit ano pa ang sabihin nito, wala siyang balak tanggapin lahat ng mamahaling alahas, gamit, designer clothes at shoes na ibinigay nito. Sa sandaling matapos na ang palabas nila, ibabalik niya ang mga iyon dito.

Dahil sa opinyon niya, sapat nang kabayaran na nawala ang bigat na dalahin ng pamilya niya patungkol sa utang nila. Pinaka-bonus na nga niyang maituturing na makasama ito at maituring na kaibigan nito kahit papaano. Libu-libong saya na ang dulot niyon sa kanya.

Hindi na niya kailangan pa ng materyal na kabayaran. Her tastes had always been simple. At isa pa, paano naman niya ipapaliwanag sa pamilya niya sakaling tanggapin niya nga ang karagdagang perang ipinangako nito sa katapusan ng palabas nila pati na ang mga bagay na ibinibigay nito?

Ni hindi nga niya balak ipaalam pa sa pamilya niya ang kalokohang ito na pinasok niya. Ang alam ng mga ito ay inutang niya kay Lola Dorinda ang perang ipinadala niyang pambayad ng utang nila.

Hindi niya mapigilan ang mapailing habang minamasdan ang matipunong likod nito habang nasa loob sila ng grocery.

Parang hindi bagay dito ang magtulak ng pushcart at tumingin-tingin ng iba't ibang brands ng pagkain na naka-display sa mga shelves.

Dapat ay mamayang uwian pa siya mamimili. Pero iginiit nitong mag-half day na lang sila pareho at dumiretso na sa supermarket.

Bagay na labis niyang hindi mapaniwalaan. Dahil hari ito ng workaholic pero kusa ito ngayong hindi papasok ng buong araw? Himala!

"Here, this tuna is good. And hey! Look! Meron pa palang ganitong brand ng liver spread. Paborito ko itong papakin noong bata ako. Bumili tayo nito," ani Simoun habang sige sa pagdampot ng kung anu-anong maibigan nito sa loob ng grocery.

Daig pa nito ang makulit na batang lahat na lang ng titserya at kending makita sa loob ng supermarket ay nais ipabili sa ina. Tuloy ang dapat sana ay kasya lang sa basket niyang groceries niya, ngayon ay nasa pushcart na at tulak-tulak nito. Pero ang mas masama pa ay halos three-fourths niyon, puros junkfoods!

"Simoun, hindi ko kailangan ng ganito kadaming pagkain. Nakalimutan mo na ba? Mag-isa lang ako sa apartment ko. Baka taghukom na hindi ko pa ubos ito. At hindi ko alam kung sino ang nagturo sa iyong mamili pero ang titserya at mga pang-dessert hindi dapat mas marami sa mga matitinong pagkain," eksasperadong aniya dito.

"Sorry. Na-carried away lang ako. Ang mga iyan kasi ang madalas kong kinakain sa bahay ko."

Napamulagat siya dito.

"Junk foods lang ang kinakain mo sa bahay mo?!"

"Hindi ako marunong magluto eh. Ayoko namang kumuha pa ng cook para lang ipagluto pa ako. Kadalasan kapag gusto ko ng lutong pagkain, sa labas na lang ako kumakain o kaya nagpapa-deliver ako."

Napapalatak siya.

"Buti hindi ka nagkakasakit sa ginagawa mo. Puros vetsin at preservatives ang laman ng mga kinakain mo. Ang mabuti pa, tuturuan na lang kitang magluto. Hindi sa pagmamayabang pero masarap akong magluto."

"Eh di huwag mo na kaong turuang magluto. Ipagluto mo na lang ako mismo. Sa bahay mo na lang din ako kakain ng hapunan gabi-gabi. May kasama ka pang uubos ng mga ito," kaswal na wika nito na inginuso ang sandamakmak na groceries sa pushcart nila.

Kusang inimbita na nito ang sarili sa bahay niya.

"Seryoso ka?!" bulalas niya dito.

Sinulyapan naman siya nito mula sa sulok ng mga mata.

At hindi niya malaman kung kalkulasyon o bahid ng hiya ang nakita niyang ekspresyong mabilis na dumaan sa mga mata nito.

"I'm tired of eating out every night. Sawa na rin ako sa take-out foods. Pero kung makaka-abala ako sa iyo sakaling sa bahay mo ako makikikain, hindi bale na," kaswal na anito na sinundan pa ng pagkibit ng mga balikat.

Pero hindi naman itinago ang bahagyang pagsimangot nito na animo batang nagtatampo dahil hindi pinayagang sumali ng kalaro sa laro niyon. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapingiti.

"No, no. Ayos lang. Sawa na rin naman akong kumain mag-isa pag-uwi ko sa gabi,'' wika niya.

Agad namang lumiwanag ang anyo nito. Lumapit ito sa kanya at ikinawit ang braso sa baywang niya.

"Great! So what's our dinner later?" untag nito.

"Pritong pork chop at chopsuey. Kaya kumuha ka na ng reployo, sayote at iba pang gulay doon," tugon naman niya. Itinuro niya dito ang vegetable section. "Pupunta ako sa meat section. Kukuha ako ng prok chops."

"Okay. Anything else I should get?"

"At ice cream para sa dessert natin. Bahala ka na sa

flavor."

"Yes, ma'am!" saludo nito sa kanya.

Humakbang na ito patungo sa section ng mga gulay. Pero ilang hakbang pa lang ang layo nito sa kanya ay tumigil itong muli. Bumalik sa kanya at walang babalang kinintalan ng magaang na halik ang napa-awang sa gulat na mga labi niya.

"A-ano---para saan iyon?" gilalas na sambit niya.

"Nothing," tila nabigla din naman sa sariling tugon nito saka muling tumalikod para sundin ang utos niya dito.

Habang hinahabol niya ito ng tingin, pakiwari niya ay isang malaking pagbabago sa sitwasyon nila ang ipinahihiwatig ng masuyong halik nitong iyon.

That was the second time he kissed her. And though she would never forget the taste of passion he first gave her, that sweet innocent kiss felt more meaningful than the first time he kissed her. Kung bakit hindi niya mawari eksakto.

'DAMN, YOU'VE LOST IT, BOY!' gigil na kastigo ni Simoun sa sarili habang nakatitig sa hilera ng mga carrots sa harap niya. Bakit nga ba niya hinagkan si Menchie? Hindi naman kailangan. Wala naman silang kailangang kumbinsihing audience para sa palabas nila.

But somehow, it just felt...right somehow. Para kasi

silang tunay na mag-asawa na nagu-grocery. Lalo na nang ibilin nito sa kanya na kumuha din siya ng ice cream para sa dessert nila.

Ang totoo, hindi niya rin mapangalanan kung ano ang emosyong nagbunsod sa kanyang hilingin ditong sa bahay na siya nito kakain ng hapunan gabi-gabi. Naalala lang kasi niya ang pag-aatubili niya na iwan ito matapos niya itong ihatid sa bahay nito kagabi.

He had a lot of things left to do at the office. Kaya kailangan pa niyang bumalik doon at ituloy iyon. Pero nang mga sandaling iyon ay tila mas gusto niyang makasabay sa hapunan si Menchie imbes na ang mga papeles niya.

Kung nagkataong hindi lang sila umaarteng may relasyon nito, malamang may kasama na siyang ibang babae sa isang romantikong dinner date nang mga oras na iyon. Subalit kakatwang imbes na imbitahan niya ang isa sa mga karaniwan niyang nakaka-date na mga babaeng alam na kaswal na relasyon lang ang maibibigay niya sa mga ito, mas gusto niyang si Menchie ang makasama.

Maari niyang idahilan sa sarili na dahil iyon sa

kagustuhan niyang mag-ingat na may makakita sa kanyang nakikipag-date pa sa ibang babae gayong ang palabas nga niya ay engaged na siya.

Subalit hindi niya ugaling magsinungaling sa sarili. Kaya alam niyang kahit posible namang maitago niya sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa pakikipag-date niya ibang babae, hindi niya ginagawa dahil ayaw niya. Dahil mas gusto niyang kasama ngayon ay pekeng fiancee niya.

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...