Aseron Weddings-Anywhere For...

By DreamGrace

111K 1.1K 64

Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. But that did... More

Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5

CHAPTER 4

8.2K 185 0
By DreamGrace


SIMOUN FELT all kinds of fool as soon as those threatening words were out of his mouth. At nang makita niya ang tila pangingilid ng mga luha sa magagandang mata ng dalagang kaharap ay agad niyang

ninais bawiin ang mga sinabi.

Bakit nga ba niya ito pipilitin sa gusto niya kung malinaw na hindi ito sang-ayon sa binabalak niya? If he needed any more proof about her inherent honesty and trustworthiness, this was it. Ang punong dahilan kasi nito kaya ayaw nitong pumayag ay dahil ayaw nitong lokohin nila

si Lola Dorinda.

Para na rin daw pagtatraydor iyon sa mabait na matandang nagbigay dito ng magandang trabaho. Dahil tuloy doon, bahagya din siyang nakadama ng guilt sa binabalak niya. Pero mas lalo din siyang nakumbinsi na ito ang pinakamatang kandidata para maipakilala niyang fiancee niya sa lolo niya.

The old man would definitely like her. At tiyak, mabilis pa sa pagkurap na babaguhin nito ang opinyon nito na si Camille ang nababagay sa kanya.

Alam niyang malaki ang atraso niya sa dalaga. But needs, must, ika nga. Babawi na lamang siya dito sa ibang

paraan.

Isang talunang buntung-hininga ang pinakawalan nito.

At sa mga mata nito ay naroon ang pagtanggap. Marahang tumango ito.

"Great! Here. Wear this. It used to be my mother's ring," aniya nang dahan-dahang isuot sa daliri nito ang singsing.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang singsing. Namilog ang mga labi sa paghanga.

"Ang ganda! P-pero hindi ka ba nakokonsensyang ginagamit mo ang singsing ng mama mo sa pekeng

engagement na ito?" kastigo nito sa kanya.

Pinukol pa siya nito ng masamang tingin bago muling ibinalik ang namamangha nitong tingin sa singsing.

Napangiti sa nakikitang pagkagusto nito sa singsing na tumango siya. Yes, she is indeed perfect. Camille hated his mother's simple ring. At dahil doon batid niyang nadismaya din ang tradisyunal na lolo niya. Pero ngayon, makikita nito sa daliri ni Menchie ang singsing ng kanyang ina. And if that does not convince the old man of his engagement, then nothing will!

"It looks beautiful on you," aniya.

Kagyat namang namula ang buong mukha nito. Dahil doon, natukso tuloy siyang gawin ang isang bagay na hindi niya binalak gawin nang maisipang ibigay dito ang singsing. Marahang sinapo niya ang baba nito at iniangat ang mukha nito. Namilog sa gulat at panggigilalas ang mga mata nito nang mahulaan ang gagawin niya.

Lumapat sa dibdib niya ang mga kamay nito. Nagtatangkang itulak siya palayo. Pero hindi niya alintana iyon. Dahil bagamat itinutulak siya ng mga kamay nito, inaanyayahan naman siya ng mga mata nitong hindi nito maialis sa papalapit na ditong mga labi niya.

He kissed her. Gently at first. But at the first touch of

his lips against hers, he knew he could not be gentle for

long.

Dahil nanghihingi ng mas malalim na pananaliksik ang tamis at init na natagpuan niya sa mga labi nito. Sinapo niya ng isang kamay ang likod ng batok nito habang ang isa pang kamay niya ay masuyong humahaplos sa kaliwang pisngi nito. Kinailangan niya iyong gawin dahil bagamat nararamdaman niya ang pagnanais nitong tugunin ang halik niya, salat naman ito sa kaalaman kung paano gagawin iyon.

He had never before been intrigued by innocent girls. Hell, he was scared them that's why he avoids them. Batid kasi niyang ang mga inosenteng dalaga ay umaasam pa ng happily ever after. Hindi tulad ng mga mas kinasanayan na niyang makamundong mga babae na alam na wala siyang ibang ipapangako sa mga ito maliban sa panahong kasalukuyang ibinibigay niya sa mga iyon.

But somehow, the knowledge that Menchie is an innocent and most probably is a virgin thrilled him instead of scaring him.

"Open your lips, baby..." anas niya sa tapat ng mga labi nito.

Masunuring ibinuka nga nito ang mapupulang mga labi nito. Her breath smelled and tasted like chocolate. Marahil kakainom lang nito ng chocolate drink o kaya ay kakakain

lang ng chocolate bar. And he had always loved chocolate.

'NANANAGINIP BA AKO?' iyon ang naisaloob ni Menchie habang ninanamnam ang halik na iginagawad ni Simoun sa kanya.

Hindi na niya makayang isipin pang si 'Sir Simoun' ito. Dahil hindi siya hahagkan ni Sir Simoun ng ganito. Halik na para bang gusto nitong ariin ng buong-buo siya. Halik na tila kahit matagal nang matapos ay hindi na mabubura pa sa mga labi niya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila at humihingal na magtama ang mga mata nila, batid niyang nakarehistro sa anyo niya ang kalituhan niya. Masuyong dinama ng hinlalaki nito ang mamasa-masa pang pang-ibabang labi niya.

"Engaged couples kiss all the time, Menchie. So I can't promise you that that will be the last time I kiss you," wika nito na hind niya malaman kung paghingi ng tawad nito sa kapangahasan nito o pagpapaliwanag sa dapat niyang asahan mula ngayon.

"A-alam ko. Pero sa harap lang ng ibang tao tayo

engaged. Iyon ang usapan. Kaya walang dahilan para halikan

mo ako ngayon," aniya na sinikap lagyan ng anghang ang boses.

Kahit pa ang totoo ay mas gusto niyang hilingin ditong hagkan siya nitong muli. Tumayo siya pero hindi nakahakbang palayo dito. Mahigpit kasi nitong hinawakan ang braso niya.

"That was just practice. Don't worry, hindi na iyon mauulit kapag wala tayong audience. And remember our agreement, Menchie. No one else is allowed to know about it. Kahit sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, engaged tayo,'' mariing bilin nito.

''Pero hindi tayo basta papaniwalaan ng mga narito sa opisina. Noong isang buwan lang hindi mo nga ako halos kinakausap kung hindi mo rin lang ako sesermunan o kaya pagbabantaang sesantihin!"

"Maybe. Maybe not. Everyone knows how much I get irritated with everything you do. That I always go out of my way to check you everyday to know if you've been involved in new mishaps.

"Maari nilang isipin na ang tunay na dahilan niyon ay

dahil nilalabanan ko ang atraksyon ko sa iyo. Pero sa huli ay hindi ko rin nakaya," saad nito.

"Ano ang sasabihin ko kapag may nagtanong sa akin? At

si Lola Dorinda! Ano'ng sasabihin ko sa kanya kapag

tumawag siya?" sunod-sunod na tanong niya dito.

Hindi siya sanay magsinungaling. Pakiramdam niya maibubuko niya silang dalawa dahil sa kawalan niya ng

husay na takpan ang tunay na damdamin niya.

"Leave Lola Dorinda to me. As for the others, wala kang dapat ipaliwanag sa kanila. Just tell them I'm courting you. We have two and half more weeks before we have to meet my family at Isla Fuego. Ang lolo ko ang mas dapat nating kumbinsihing may relasyon tayo at nagbabalak na akong pakasalan ka."

Mulagat na napatingin siya dito.

"Ganoon lang? Sasabihin ko lang sa mga tao dito na nililigawan mo ako pero sa pamilya mo na ikakasal na tayo?!"

"Hindi naman mag-iimbestiga si Lolo dito at tatanungin ang bawat isang empleyado kung paano na-develop ang relasyon natin. Besides, what do they care? I don't pay them to meddle in my affairs!" anitong napakunot-noo pa.

Mariing napapikit naman siya. Maaring ito nga walang

pakialam sa sasabihin at iisipin ng mga kapwa niya empleyado, amo nila ito. Ano nga naman bang pakialam nito sa opinyon ng mga tauhan nito sa lovelife nito? Pero siya ay

araw-araw na nakakasalamuha ang mga kapwa niya

empleyado.

Ano na lang ang mangyayari oras na kumalat nang may relasyon sila ng big boss ng kompanya? Tiyak magbabago

ang pakikitungo ng mga iyon sa kanya. Iyon o iisipin ng mga ito na ginayuma niya o hindikaya ay bina-blackmail ang amo nila.

"Don't worry about them, okay? Just act the way you normally act. Now, get your bag, sasamahan kita sa bangko. Ipadala mo na sa kuya mo ang perang ipambabayad ninyo sa utang ninyo."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
81.8K 1.7K 19
"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that ther...
81.6K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...