Fall For You

By AkiHaru14

4.8K 322 609

Mikaela Garcia is the current student council president of one of the most prestigious academy in the world... More

Author's Note
*Chapter 1*
*Chapter 2*
*Chapter 3*
*Chapter 4*
*Chapter 5*
*Chapter 6*
*Chapter 7*
*Chapter 9*
*Chapter 10*
*Chapter 11*
*Chapter 12*
*Chapter 13*
*Chapter 14*
*Chapter 15*
*Chapter 16*
*Chapter 17*
*Chapter 18*
*Chapter 19*
*Chapter 20*
*Chapter 21*
*Chapter 22*
*Chapter 23*
*Chapter 24*
*Chapter 25*
*Chapter 26*
*Chapter 27*
*Chapter 28*
*Chapter 29*
*Chapter 30*
*Chapter 31*
*Chapter 32*
*Chapter 33*
*Chapter 34*
*Chapter 35*
*Chapter 36*
*Chapter 37*
*Chapter 38*
*Chapter 39*
*Chapter 40*
*Chapter 41*
*Chapter 42*
*Chapter 43*
*Chapter 44*
*Chapter 45*
*Chapter 46*
*Chapter 47*
*Chapter 48*
*Chapter 49*
*Chapter 50*
*Chapter 51*
*Chapter 52*
*Chapter 53*
*Chapter 54*
*Chapter 55*
*Chapter 56*
*Chapter 57*
*Chapter 58*
*Chapter 59*
*Chapter 60*

*Chapter 8*

99 6 23
By AkiHaru14

=Mikaela=

Nasa school na ako. I'm feeling better now. Uminom na rin ako kanina ng gamot.

Buti na lang walang klase ngayon. Ganun talaga every after sportsfest-- the following day, walang klase.

Pero I still have to come to school kasi as I said, hindi nawawalan ng trabaho sa student council.

"Mikaaaaa! Okay ka na ba?" Shanna went to me as soon as I entered the office. She even held my forehead.

"Okay na ako," I told her.

"Mabuti naman."

I went to my desk and saw the pile of papers na napirmahan ko kahapon. I should take these to the different departments. Akmang bubuhatin ko na yung mga paper but Nari popped out in front of me.

"Ako na, President," he said as he carried the papers at lumabas na siya ng office.

Hinayaan ko lang siya. And then, naalala ko na kelangan ko pa palang pumunta sa office ng principal. May kelangan pa kasi akong papirmahan sa kaniya. As I was about to go out, hinarangan ako ni Rania.

"Ako na, Mika. Palabas din naman ako, eh," she said.

"Okay, sige."

Since wala naman akong magawa, bumalik na lang ako sa seat ko.

"By the way, natapos niyo na ba yung kani-kaniyang reports niyo sa assigned activity niyo nung sportsfest?" I asked them.

"Oo, Ate Mika. Nasa flashdrive na, ipriprint na lang."

"Yung sa'min malapit na matapos."

"Yung sa'min naman, Ate Mika, ipriprint na lang din."

"Okay, good. Yung nakatapos na, ibigay niyo sa akin yung copy. I'll print it sa labas para masimulan na ng school press ang pag-eedit since iprepresent 'yan sa board."

"Ay Mika, ako na magpriprint, di naman ako masyadong busy eh," pagvovolunteer ni Sol.

Now this is getting weirder.

All morning, hindi nila ako pinapabuhat ng kahit ano. Kung may kelangang puntahan sa labas, may nagvovolunteer na pumunta instead na ako ang lalabas. Sa tuwing tatayo ako, nararamdaman kong nakatingin sila sa akin. Kaya napabuntong-hininga ako.

"I'm completely okay, guys. Wala na akong lagnat. You don't have to worry anymore. So let me work normally, people," I said. "And also...ba't andito ka sa loob ng SC office, Mr. Kevin Chan?" I asked as I faced the guy na nakaupo sa sulok with a lollipop sa bibig niya. Kanina pa siya dyan at katulad ng iba, tinitingnan niya bawat kilos ko.

"Eh kasi Mikaaaa, natatakot lang namin kami baka mahimatay ka ulit eh," sagot ni Shanna.

"Oo nga, Mika," dagdag ni Rania.

"That's not gonna happen again," I told them.

"Exactly. Us letting you overwork yourself to the point na ma-overfatigue ka is so not gonna happen again. Kaya hayaan mo na kami mag-worry sa'yo. Lalo na ngayon at kaka-recover mo pa lang sa lagnat," Shanna said.

"Shanna's right, Prez," Kevin Chan said as he approached me. "I was worried sick when you fainted. I'd never let that happen again," he whispered to my ear.

I wasn't able to answer back. Instead, umupo na lang ulit ako sa seat ko. Kevin Chan sat on my table, facing me.

"You need to go out, Kevin Chan. Bystanders are not allowed here," I told him.

"Ayoko."

Hindi ko na siya pinilit. Ayoko talagang mamilit ng mga taong hindi naman nakikinig. One word is enough for a wise man, ika nga. So why would I tire myself reprimanding?

Kaya hinayaan ko lang siya. Nagbabasa lang siya ng school magazine habang nasa table ko pa rin umuupo.

Well....ang weird din naman kasi kung wala siya. It seems like I'm getting used of his company.

And I hate to admit that.

=Bianca=

I was walking down the corridors at usap-usapan ng mga tao yung Artistri. They had the crowd going kagabi. Kumanta sila ng tatlong kanta dahil na rin sa request ng mga students. Supposedly, one song lang yung kakantahin nila.

Lumiko ako sa may corner when someone running from there bumped into me. May dala-dala siyang gitara na nakapasok sa case nito at nakakabit sa likod niya.

"Sorry," he said as he looked at me the moment we bumped into each other.

Wait, is this guy...

"AAARRRTTTT!!!!!!Hintayin mo kamiiiii!!!!!"

Napakamot sa ulo si Art as he was making that annoyed face. Napatingin siya sa akin tapos hinila niya ako papasok sa isang room at sinara niya ang pinto.

"Hey, bakit mo ako hinila papasok dito?" I asked him with a demanding tone.

"Pasensya na. Tinatakasan ko lang yung mga babae na yun. Baka kasi tanungin ka nila, tapos ituro mo kung nasaan ako."

"Like I would do that," I said.

I went to the door para sana buksan ito pero nakalock yung door.

Wait. Nakalock yung door!!!!

I tried to open it again.

"Bakit?" tanong niya. He went to me and tried to open the door. "Tokwa naman oh."

"Huwag mong sabihing nalock tayo dito?"

"Mukhang ganun na nga," he answered.

"Ano? Bakit naman tayo malolock? May naglock mula sa labas?"

"Mukhang ganun na nga."

"Anong mukhang ganun na nga? Wala ka bang ibang masagot maliban dun? Hindi ka ba nag-aalala sa nangyayari?"

Natataranta na ako. May party kasi ang team ngayon dahil sa pagkapanalo namin kahapon. Hindi ako makakapunta. But most importantly, ayokong malock sa isang room kasama ang isang lalaking hindi ko naman kaano-ano o lubos na kilala. Baka naman pakana niya 'to. After all, I'm Bianca Montecillo. Baka isa itong manyak na patay na patay sa akin.

"Of course nag-aalala ako. May gig kami mamaya. But being hysterical won't do anything. I have to remain calm. And remaining calm, for me, means keeping my thoughts inside my mind and solving the problem there."

Hindi ako nakasagot. He sounds like a guy version of Mikaela Garcia. He could shut you up gamit ang mga salitang on point lahat.

He then grabbed his phone at may tinawagan siya.

"Hello, Just. Nasaan ka ngayon?..........Tss. Bakit nga ba ikaw pa una kong tinawagan? Bye."

Binaba niya yung phone at may tinawagan na naman.

"Tristan," he said. "Alam ko di ka busy, nalock ako sa stockroom na malapit sa accounting...................Basta mahabang storya.........Salamat," he said then binaba niya yung phone at tumingin sa akin. "Wag ka na mataranta. Help is coming."

After he said those, isinuot niya yung hood niya tapos umupo sa isang sulok habang nakasandig sa wall. Itinabi niya yung gitara niya. Nakataas ng bahagya ang ulo niya habang nakasandig ito sa wall din. Tapos, pumikit lang siya.

Narealize ko na mali pala siguro yung inisip ko sa kaniya.

"A-Ako nga pala si Bianca Montecillo."

"Alam ko," he said, not bothering to open his eyes.

Tss. Sungit.

Hindi na lang ako nagsalita at napaupo na lang rin habang hinihintay yung tulong.

=Art=

I tried to calm myself down.

Tokwa talaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Umupo na lang ako at pumikit para pakalmahin yung tila ba nagwawala kong puso.

She's in front of me. The girl who is the subject of my music.

Kung bakit ko ba kasi siya hinila dito. Eh kasi naman, baka sabihin niya dun sa mga babaeng humahabol sa akin kung nasaan ako. Hindi naman kasi pwedeng tumakbo lang ako nang tumakbo.

"A-Ako nga pala si Bianca Montecillo," she softly spoke. Probably kumalma na sa pagkataranta niya kanina.

"Alam ko," I said.

Nakapikit pa rin ako hanggang kumalma ang puso ko. Iniisip ko rin kung anong gagawin ko pagkadating ni Tristan. Alam ko kasing pag nakita niyang kasama ko si Bianca dito, siguradong maiintriga yun.

Alam kasi nila na matagal na akong may gusto sa babaeng ito na nasa harapan ko. Hindi naman ako torpe eh, humahanap lang ako ng tamang tiyempo. And I know now isn't the right time. Alam ko kasing may gusto siya kay Kevin Chan, na ace ng basketball team. Alam kong hindi pa siya naka-move on sa pagreject ni Kevin sa kaniya. Ayoko siyang guluhin.

Alam ko rin na wala akong laban compared to Kevin Chan. Sikat si Kevin dito sa school ever since freshmen pa lang kami. Ako, sumikat lang ako dahil sa Artistri. Wala namang pumapansin sa akin noon nung hindi pa ako kasali sa Artistri, eh. Kasi hindi naman ako ganun kagwapo. Pero hindi rin naman ako pangit. Err, sa tingin ko. Haha.

Biglang bumukas yung pinto at tumambad sa harapan namin si Tristan. Kaya napatayo na kaming dalawa ni Bianca. Pagkakita ni Tristan kay Bianca, nanlaki agad ang mga mata niya at tumingin siya sa akin.

"I told you, mahabang storya," I said bago pa siya makapagreact ng di tama.

Pinagalitan kami ng guard na kasama ni Tristan. Bakit daw kasi kami pumasok kahit alam naming half day lang ang lahat ng offices ngayon at magsasara na ang mga ito.

After kaming pagalitan, naghiwa-hiwalay na kami. Binigyan ako ng nakakalokong ngiti nitong si Tristan.

"Uuuuy. Bakit kayo magkasama dun ha? Don't tell me, nag-confess ka na sa kaniya. Ayos din ha? Sa stockroom mo talaga naisipang magtapat?"

"Walang pagtatapat na nangyari," paglilinaw ko. "Basta tinakasan ko lang yung mga babaeng hinahabol ako kanina. Nabangga ko siya at hinila dun sa stock room para di niya sabihin sa mga babae kung nasaan ako."

"Suus. Kunwari ka pa, eh sinadya mo siguro yun para masolo siya no?"

"Baliw," na lang ang naisagot ko tapos lumakad na kami.

"So kelan mo sasabihin sa kaniya?"

Natigilan ako sa tanong ni Tristan. Oo nga, Art. Kelan mo planong sabihin sa kaniya? Hanggang kelan ka maghihintay? Hanggang sa makamove on na siya nang tuluyan kay Kevin Chan? Kelan yun? Bukas? Sa makalawa? Sa susunod na buwan? O baka naman sa pagputi ng uwak?

"Ewan."

=Bianca=

Habang papunta ako dun sa kung saan iheheld yung party namin, may nadaanan akong mga students sa may gate. Pinag-uusapan din nila yung Artistri.

"Ang gwapo talaga ni Tristan oh. Alam mo ba, kakabreak lang daw nila ng gf niya na taga ibang school," sabi ng isa sabay turo sa picture niya sa phone.

"Hindi kaya, mas gwapo si Justice. Kaso may gf na daw yun. Maganda pa, wala tayong pag-asa."

"Kay Art na lang tayo. Single pa tapos ang ganda ng boses. Gwapo din naman siya eh, di lang marunong pumorma. Pero pwede na. Ang cool din kasi niya kumanta at maggitara. Yiieee."

Napailing ako.

Hay naku. Kung alam niyo lang kung gaano kasungit yang Art Sanchez na yan, naku, ewan ko lang kung masasabi niyo pa yang mga bagay na 'yan.

Habang naghihintay ako ng taxi, nakita ko sa di kalayuan si Kevin. Kasama si Mikaela.

Nakita kong inilapat ni Kevin yung palad niya sa noo ni Mikaela. Tapos ngumiti lang siya habang si Mikaela tinabig yung kamay niya.

Biglang kumirot yung dibdib ko. Hindi pa nga siguro ako nakaka-move on. Mahirap din naman kasing kalimutan ang limang taon na feelings. Di yun ganun kadali.

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanila.

I shouldn't be torturing my heart.

=Art=

Papunta kaming gate nina Justice at Tristan. May gig kasi kami eh. Buti nga nakahabol itong si Justice at pinayagan ng gf niya na umalis. Palagi kasing silang nag-aaway ng girlfriend niyang si Lisa. Eh paano kasi, nagsama ang dalawang parehong seloso at selosa. Kaya ayun, nagka-clash.

"Hello? Ano sabi mo? Pupunta ka sa bahay ng classmate mo?" rinig naming sabi ni Justice dun sa phone niya. "Sinong classmate? Lalaki?"

Tss. Sabi sa inyo, eh. Maselosin 'tong si Justice. Kung gaano kaseloso itong drummer namin, ganun din kaselosa yung gf niya.

"Hindi ka pwedeng sumama. Kahit pa para yan sa group work. Kapag nalaman kong pumunta ka doon, makikipaghiwalay ako sa'yo. Bye."

Napailing na lang kami ni Tristan. Makaraming beses niya 'yang sinabi kay Lisa pero ano? Hindi pa rin sila naghihiwalay. Kahit pa sinusuway siya ni Lisa, hindi naman niya tinototoo ang pakikipaghiwalay niya. Kaya malamang di na yan matatakot si Lisa.

"Alam mo 'tol, makailang beses mo na yung ginawang panakot sa kaniya. Di mo naman tinototoo kaya syempre sasama yun," Tristan pointed out.

"Oo nga. Dapat sabihin mo, kapag sumama siya, makikipaglandian ka sa ibang babae. Sus, sigurado ako, hinding-hindi yun sasama. Pupuntahan ka pa nun dito para siguraduhing hindi ka makikipaglandian," suhestiyon ko.

"Tama si Art, tol."

"Oo nga no?" pagrerealize niya. "Haha. Selosa nga pala yun," sabi niya.

"Tss. Nagsalita ang hindi seloso," sabay naming sabi ni Tristan.

Nang nasa gate na kami, agad nahagilap ng mga mata ko si Bianca. Nakatingin siya sa isang direksyon. She looks hurt. Nang tiningnan ko kung saan siya nakatingin, naintindihan ko na why she has that look on her face.

Napabuntong hininga ako.

Gusto kong tanungin siya kung di ba siya napapagod. Palagi siyang nakatingin kay Kevin Chan, noong una pa. Bago ko pa man siya nagustuhan, gusto na niya si Kevin. Kaya nga, naisip ko, wala talaga akong laban. Sabi nga nila, mahirap kalabanin ang first love. Pero ang first love niya na yun, may iba rin namang gusto.

Bakit ka ba kasi naghahabol pa, Bianca? Bakit hinahayaan mo lang ang sarili mong masaktan?

Pwede ka naman kasing lumingon sa likod mo.

=Mikaela=

Half day lang ang offices today. Kaya nagsiuwian na yung mga officers ng SC. After magligpit, I closed and locked the office's door.

"Why're you still here?" I told the guy beside me.

"Kasi nandito ka pa, obvious ba?"

"Tss. Ewan ko sa'yo."

Lumakad na ako then he also followed.

"Tara labas tayo," he said.

"Saan?"

"Really? You're asking where?" pagtatanong niya.

"Saan? Kasi kahit saan pa 'yan, di ako sasama."

"Tch. Sige naaa," he said like pleading me to go with him. "Para naman makapagrelax ka."

"Magrerelax ako sa bahay."

"You'll just be lonely there," sabi niya which made me stop. "Sorry, did I step into a mine?"

"Nope. Not really. Tama ka naman eh. Malungkot sa bahay," I said as we continued walking.

"Kaya nga lalabas tayo. So you could enjoy the rest of the day. Minsan ka lang hindi busy and this day is supposed to be a day when the students could relax. Even the student council. Even you, Prez. "

"Okay."

"Okay as in payag ka na?"

I nodded.

"Yun oh! Hehe," he smiled sheepishly.

Wala rin naman kasi akong importanteng gagawin. Isa pa, kung uuwi ako sa bahay, tama si Kevin Chan, malulungkot lang ako.

Sanay na kasi ako na gabi na umuuwi. So pagkadating ko sa bahay, kakain lang, gawa ng assignment tapos matutulog. Sa tuwing half day lang ang klase, hindi muna ako umuuwi. Instead, tumatambay ako sa library kasi nga malungkot sa bahay. Pero ngayon, pati yung library sarado.

Nasa tapat na kami ng gate para maghintay ng taxi. Inilapat na naman ni Kevin Chan yung kamay niya sa noo ko. Tinabig ko na ito kasi sa araw na ito, makailang beses na nyang ichineck kung mainit pa ba ako.

"Wala na nga akong lagnat. I'm feeling fine."

"Sinisigurado ko lang," he said.

"Sa'n tayo pupunta?"

"Hmm. Sa'n mo gusto?"

"Hindi ako yung tipo ng tao na lumalakwatsa so I know nothing about good places to go," I honestly said which made him laugh a bit. "What's funny?"

"I'm just amused."

"Amused about what?"

"Na pumayag kang maglakwatsa ngayon kahit na you're not the type to do so," sabi niya.

"This is just because I have nothing else to do," I said.

May nakita na akong taxi at pinara ko na ito.

"Sa KC Pharmacy po kuya," Kevin Chan said to the taxi driver as we went inside, making me wonder.

"Pharmacy?"

"Yup."

"Anong gagawin natin dun?"

"Well, you'll know when we get there."

I didn't bother asking anymore. Instead, napatingin na lang ako sa labas.

"Nga pala, nasaan yung motor mo?"

"Na kay Brix. Siya muna pinagdrive ko kasi hinatid kita kahapon via taxi, remember?"

Oo nga pala. He was the one who brought me home yesterday after I fainted.

The taxi stopped in front of a pharmacy. Bumaba na kami then Kevin Chan held my hand at hinigit niya ako papasok sa naturang pharmacy.

He opened the door and a woman at around 30s was standing at the counter.

"Hi Ate Venice! Si Mama?"

"Oh aga mo ah. Nandun sa loob," sagot ng babae kay Kevin Chan. Then nailipat ang tingin nung babae sa akin. "Uuuy. You must be her," she said.

"Sssh," Kevin answered as we continued to a door.

Behind the door is a sala. And there in the sala was a woman at around 40s sitting on the couch. May hawak siyang tungkod as she was smiling while listening to the sound of the radio.

Kevin Chan went to the woman and gently kissed the woman's cheek.

"Hi, Ma."

So she's Kevin Chan's mother.

"Oh anak, andito ka na pala," the woman said as he held Kevin Chan's arm.

"Ma, may ipapakilala po ako sa inyo. Kasama ko po siya ngayon."

"Sino? Si Ms. Prez?"

E-Eh? Did her mother just call me Ms. Prez?

"Kumusta ka, hija?" the woman greeted me with all smiles but she wasn't looking at me.

It was then when I realized his mom's condition.

"Ako nga pala ang mama nitong si Kevin. Ako si Kelly. Tawagin mo na lang akong tita, Tita Kelly."

"P-Po?"

"Kahit hindi kita nakikita, alam kong napakaganda mong bata. Eh palagi kang dinedescribe nitong si Kevin eh. Ang dami nga niyang kwento tungkol sa'yo."

"Ma naman. Wag mo naman akong ibuking," Kevin Chan shyly said at napakamot pa ng ulo. "Sige Ma, may kukunin muna ako sa kwarto. Lalabas kasi kami nitong si Prez. Prez, wait lang ha?"

I just nodded. Then, Kevin Chan jogged up their staircase.

"Upo ka dito, hija," her mom told me as she signaled me to sit next to her.

My feet seemed to move by itself. Her mom's soft voice must be the reason why I became obedient.

Mrs. Chan smiled at hinawakan niya yung kamay ko with her two hands. I remember Kevin Chan holding my hand this way too nung nasa clinic kami. I guess namana din ni Kevin Chan yung ngiti niya sa mama niya.

"Sabi sa akin ni Kevin, ikaw daw yung student council president."

"Ah, opo. Tama po yun," sagot ko.

"Mahirap ba yun? Yung maglead sa lahat ng students?" she asked.

I know her mom is making me feel comfortable with her by setting topics for us to discuss. Pero hindi na naman niya kelangan pang gawin yun. Because I already became comfortable just as when she smiled at me.

"Hindi naman po ganun kahirap."

"Mmm. Ganun ba? Palagi kasi 'yang nag-aalala si Kevin eh. Masyado ka raw kasing busy at nagpapagod."

"Hindi naman po."

"Eh kasi OA din 'yan minsan eh. Madali lang 'yan mag-alala. Isa pa, makulit 'yan."

"Oo nga po."

"Alam mo ba, akala ko noon, bakla 'yang anak ko eh," Mrs. Chan continued. Muntik na akong matawa but I was stopped by what she added, "kasi hindi pa siya nanliligaw o nagkakagirlfriend noon. Pero nung kuwento nang kuwento siya tungkol sa'yo, that was when I felt relieved. Hindi dahil hindi pala bakla ang anak ko, kundi dahil natuwa ako na may iba na siyang pinaglalaanan ng pansin niya maliban sa akin."

I let Mrs. Chan. continue as I was also curious about what she is implying.

"Simula kasi nung nabulag ako, tila ba umikot na yung mundo ng anak ko sa akin at sa pag-aalaga sa'kin. Maliban sa basketball, wala na siyang ibang pinagkakaabalahan. Hindi siya sumasama sa kateammates niya o sa barkada niya sa tuwing may lakad sila. Instead, umuuwi siya agad and he takes care of me here. Muntik na nga siyang magquit sa basketball nung panahong yun pero sinabihan ko siya na huwag ituloy at kukuha na lang ako ng magbabantay sa akin. Kaya nung kuwento nang kuwento na siya sa akin tungkol sa'yo, I was amused and happy that my son was finally able to find someone he's interested with aside from doing basketball. Sabi niya sa akin, masungit ka nga daw at di pinapansin yung pagpoporma niya. Pero hindi naman ako nag-aalala. Eh kasi kapag nagmahal 'yang anak ko, lubus-lubos. Hindi 'yan susuko agad."

Tama si Mrs. Chan. That guy, Kevin Chan, does not know a thing about giving up.

"Hindi naman kita pipilitin to feel the same way for my son, hija. Pero sana, hayaan mo lang muna yung anak ko sa pangungulit niya sa'yo. Kasi, ikaw lang din ang mapapagod eh. Sobrang kulit kasi niyan," she giggled.

"Mama! Baka kung anu-ano na ang sinasabi mo kay Prez ha?" Kevin Chan inserted as he was walking down the stairs, bringing two pairs of skates.

"Wala naman akong sinasabing ikakahiya mo, anak. Haha."

"Tch. Sure kayo ha? Prez, lika muna dito, isukat mo 'tong skates. Baka kasi di magkasya sa'yo."

Binitawan na ni Mrs. Chan yung kamay ko at sinabihan niya ako na pumunta na sa anak niya.

"Here," Kevin Chan uttered at yumuko siya. Isinuot niya yung paa ko sa skates. "Kasya naman pala eh."

"Mabuti kung ganun. Pareho lang pala tayo ng size ng paa, hija," tugon ng mama niya.

"Sa inyo po 'to?" I asked.

"Oo, kay Mama 'to ipapahiram muna namin sa'yo," sabi niya at ipinasok na sa paper bag yung pairs of skates. "Wait lang ha?"

Pinuntahan niya yung mama niya and I find what he did to his mom sweet. Itinali niya yung buhok ng mama niya into a ponytail.

"Di ba sabi ko sa inyo magtali kayo palagi ng buhok? Para po hindi kayo mainitan."

"Oo na. Oo na, anak. Nakalimutan ko kasi kung sa'n ko nilagay yung tali. Hindi ko makapa kung nasaan."

"Tch. Ang kulit niyo talaga. Isuot niyo sa braso niyo para hindi mawala," pagpapaalala niya. "Lalabas po muna kami Ma, ha? Huwag kayong lalabas ng kayo lang mag-isa. Kapag gusto niyong magpahangin sa labas, tawagin niyo si Ate Venice."

"Opo," sagot ni Mrs. Chan.

"Tara na, Prez," he said as he grabbed the paper bag. "Alis muna kami, Ma," he said to his mom after kissing her on the cheek again.

"O sige. Ingat kayo."

"Uhm, thank you po. It was nice meeting you," I said before we got out.

"Sige, hija."

~~***~~

"Hindi ako marunong magskates," sambit ko as soon as we stepped into the rink dito malapit lang sa bahay nila.

"Tuturuan kita. Huwag kang mag-alala."

"Marunong ka ba?"

"Tuturuan ba kita kung hindi? Expert ako. Palagi kaming nagske-skates ni Mama nung bata pa ako."

Nagsimula siyang magskates at nang makalayo na siya ng konti sa akin, humarap siya.

"See?"

Yeah, he's actually good at this.

Nilapitan niya ulit ako na nakahawak lang sa rails sa gilid.

"C'mere," paglalahad niya ng mga kamay. I took his hands at hinanap yung balance ko. "Easy, easy," he softly spoke. "Igalaw mo yung paa mo alternately sa sides."

I did what he said. Binibigyan niya ako ng instructions kung pa'no nga mag-skates at inalalayan niya ako para di matumba.

Then eventually, after like 30 minutes of him tutoring me, nakuha ko na yung technique.

Kevin Chan let me skate by myself pero nasa tabi ko lang siya.

"Woah. Fast learner ka nga siguro sa lahat ng bagay, Prez," he said.

Hindi ako sumagot. Instead, I just continued skating.

"Sige nga. Habulin mo ako," he said as he was circling around me.

"And why would I do that?"

"Ay oo nga pala," he stopped, "ako nga pala yung naghahabol sa'yo."

There was silence for about three seconds or so.

"Wala ka man lang bang reaksyon sa banat ko?"

"I don't know what exactly that means," I said and continued to skate pass him. Sumunod naman siya and we continued skating together.

"Uy wait lang, Prez! Dinededma mo lang ba ang mga sinasabi ko o sadyang hindi ka lang talaga tinatablan?"

"Ng ano?" I plainly said.

"Hay naku. Minsan talaga iniisip ko ang dali mong makakuha at matutunan ang mga bagay-bagay pero yung palagi kong ipinaparamdam at sinasabi sa'yo di mo makuha-kuha."

I know about it, Kevin Chan, I just don't let it affect me.

I'm a girl, after all. Receiving this much of attention from a guy, hindi mo maiiwasan na maapektuhan ng kahit konti.

And I don't want it to happen. I don't want to be greatly affected by you, Kevin Chan, to the point that I can't get a hold of myself anymore.

Dinedma ko lang ba o hindi lang talaga ako tinatablan?

Well, siguro my answer would be.....dinededma ko para di ako matablan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 119 25
COMPLETED | UNEDITED A Collaboration Euphony Series Installment 1 of 6 Never in Tessia Hera Tuzon's life that she'll be in love with someone, and tha...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
156K 5.7K 52
Continue or stop? Make or break? Will I find a way . . . or choose to completely fade away? Find a Way or Fade Away Copyright © by pixieblaire
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...