LOVELY MESS (MIKA REYES AND K...

By _HiraethSol

41.9K 1.3K 701

GWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notori... More

PROLOGUE
Mess I
Mess II
MESS III
MESS IV
MESS V
MESS VI
MESS VII
MESS VIII
MESS IX
MESS X
MESS XI (restricted)
MESS XII (restricted)
MESS XIII
MESS XIV
MESS XV
MESS XVI
MESS XVII
MESS XVIII (restricted)
MESS XIX
MESS XX
EPILOGUE
Special Chapter
Fin
Sequel: All I ask
Ask I
ASK II
Ask III
Ask IV
Ask V
Ask VII
Ask VIII
Ask IX
Ask X

Ask VI

683 30 2
By _HiraethSol

RAVEN AUREA

Nagising ako sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa balat ko, gagalaw sana ako nang maramdaman ko yung hita ni Makoy na nakapatong sa akin.

"Ang likot mo talaga matulog." bulong ko habang nakanguso, pinagmasdan ko naman ang mukha niya. Suddenly, I remember the night I kissed him. Hindi ko naman yun sinasadya pero kasi, naakit ako sa mapupulang labi niyang nagsasalita at dala na rin ng hormonal imbalance dahil buntis ako ay nagawa ko siyang halikan. Mabuti nga't maginoo 'tong bestfriend ko't wala naman kaming kinahantungan. Mabilis na nag-init ang pisngi ko lalo na noong matitigan ko yung labi niya, jusko Raven! Pinagnanasaan mo ang bestfriend mo?! It's a big No!

"Sana maging kamukha mo yung baby natin." bulong ko habang pinapalandas ang daliri ko, hindi mo talaga makikitaan ng pagiging bata 'tong si Makoy. He act like a matured man. He's very responsible at pinagsisihan kong kinuwestyon ko yun.

Napataas naman ang kilay ko noong may mapansin ako sa kanya, hindi pala siya gaanong kamukha ni Augustus. Oo, sa unang tingin pero kapag tinitigan mo siya nakuha niya kay Tita Kylie ang pilikmata nito't mga labi. Iyong hugis din ng panga niya. Pinaghalong genes talaga ng Reyes at Verzosa. Perpekto, iyon lang ang mailalarawan ko sa kanya which is hindi naman na nakakapagtaka pa.

"Ang gwapo mo!" nanggigigil na bulong ko saka sumubsob sa matipunong dibdib niya, ang bango-bango pa niya!

"Pinaglilihian mo na naman ako." nanlaki naman yung mata ko nung marinig yun, sumilay ang ngisi sa labi nito. Doon, masasabi kong kamukha niya si Augustus. I really should stop this!

"Wala kasi akong choice." nakangusong sagot ko sa kanya dahilan para mabura ang ngising iyon. Napailing naman siya.

"Pagtyagaan mo na lang hanggang sa paglabas ni Baby, ayaw mo nun perpekto siya. I'm Makoy Reyes and perfectness runs in my blood." Kinurot ko naman yung ilong niya.

"Ang yabang mo!" asik ko, nagkibit balikat naman siya. Akmang magsasalita 'to nang matigilan siya't bumagsak ang emosyon sa mukha niya. Hindi pa rin niya nagagawang magkwento kung anung nangyari sa kanila at natatakot din naman akong tanungin dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkatampuhan sila.

"Breakfast na tayo." yaya ko sa kanya. Tumango naman siya saka inalalayan akong tumayo.

"Dahan-dahan lang." bulong niya habang nakasuporta sa likod ko't nakahawak sa aking mga kamay.

"Buntis ako hindi baldado, Makoy." pananabla ko sa kanya, hinalikan niya lang ako sa noo saka siya umiling.

Pagbukas nito ng mga cabinet namin ay wala siyang nahagilap na pagkain, ganun din sa refrigerator na puro tubig lang ang laman at ilang nabulok na gulay.

"Mukhang naubusan tayo ng stock." bulong niya habang umiiling, napalabi naman ako.

"Sorry, Makoy." sambit ko sa kanya dahil kasalanan ko 'to. Unti-unting nawawala yung marangyang pamumuhay niya kung saan makukuntento na lang siya sa kung anung meron kami, idagdag pa na sa tingin ko'y nagastos na niya lahat ng ipon niya dahil sa pagpunta namin sa Ob-Gyne at sa mga pangangailangan ko.

"Sorry." bumuhos ang munting mga luha sa mata ko, mabilis naman siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Anu bang sinasabi mo? It's not your fault kung bakit tayo naubusan ng stock. Hindi lang talaga ako nakapamili."

"Kasi wala na tayong pera. Pasensya na't naubos mo yung ipon mo sa akin. Dapat hindi na lang ako umalis sa bahay, dapat hi-" he placed his finger to stop me from talking.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, natural lang 'tong nangyayari." pinunasan niya yung mga luha ko sa mata saka ngumiti.

"Magagawan ko 'to ng paraan, pinapangako ko sayo." Napabuntong hininga naman ako, anung gagawin niya? Wala naman siyang trabaho, hindi naman siya pwedeng magtrabaho dahil menor de edad pa siya.

"Lalapit ka sa magulang mo? Hindi ba't nahihiya kan-" Umiling naman siya.

"Hayaan mo ako sa problemang 'to, huwag mong i-stress masyado si Baby." saka siya lumuhod at hinaplos yung tiyan ko. Binigyan niya 'to ng mumunting halik.

"Maligo ka muna, hahanap lang ako ng paraan. Don't worry babalik din ako agad." Hinagkan niya ako sa ulo saka ngumiti, nangangamba naman akong tumingin sa kanya.

Natatawa siyang tumingin sa akin.
"Don't worry hindi ako gagawa ng illegal." hindi ko naman binitawan yung mga kamay niya.

"Mag-iingat ka, Makoy." tumango naman siya.

"Babalik din ako agad." saka siya nagmamadaling lumabas hawak-hawak yung susi ng kotse niya.

Napabuntong hininga na lang ako, kung may maitutulong sana ako sa kanya kaso wala. Wala akong naipon dahil alam kong hindi ko naman iyon kailangan, alam ko naman kasing hindi ako papabayaan ng magulang ko pero sa mga pagkakataong ganito kung saan kailangan mong tumayo mag-isa, nakakapang-sisi pala na iwinaldas mo lang ang mga pera na sana'y makakatulong sayo sa hinaharap.

"Pagpasensyahan mo na si Mommy, baby. Don't worry, magtatanda na ako." bulong ko habang hinahaplos yung tiyan ko, naramdaman ko naman yung konting paggalaw niya.

***********

"Saan ka kumuha ng mga ipinambili mo?" tanong ko sa kanya, bumalik 'to na may dala-dala ng stock namin na sa tingin ko'y pang-dalawang linggo na. Dinalhan niya din ako ng paborito kong agahan na tapsilog.

"Nanghiram muna ako sa kaibigan ko." Wala akong alam sa ibang personal na buhay niya pero alam kong si Volt ang pinakamalapit sa kanya.

"Kumain ka na, baka nagugutom na si Baby."

"Sabayan mo ako." sagot ko saka tumayo para kumuha ng mga kubyertos namin.

"Salamat." sambit niya, niyakap ko naman siya.

"Maraming salamat, Makoy."

"Para sa inyo yun ni Baby." habang kumakain kami ay nabanggit niya na pupunta daw kami sa hospital for check-up, isinuwestyon ko nga na huwag muna't pwede kaming magskip pero masyado siyang mapilit.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Maayos naman ang lagay naming dalawa."

"Raven, kailangan niyo pa rin ng monthly check-up. Isa pa, pwede na nating malaman yung gender ni baby."

"Pwede namang surprise iyon, itago na lang natin yung pera." ngumiti naman siya saka hinawakan yung kamay ko.

"Huwag mong problemahin yun, akong bahala sa inyo diba?" wala akong nagawa kundi tumango dahil alam kong kahit anung pakiusap ang gawin ko'y hindi siya makikinig.

"Nasaan yung relo mo?" tanong ko sa kanya noong nagmamaneho siya, nasa kalagitnaan kami ng trapiko sa Maynila.

Umalon naman yung adam's apple niya't naglikot ang mga mata.

"Hindi ko ba nasuot? Mukhang naiwan ko ata sa kwarto." mabilis naman akong nagduda dahil hindi niya basta-basta iniiwan ang relo niya. He's a time conscious person, he always checked time dahil organize ang lahat sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin, ibinenta mo ba yun?" umaling naman siya.

"Isinanla ko lang, mababawi ko din yun."

"Pero regalo yun ni Tita Kylie sayo!" asik ko sa kanya at alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang bagay na yun.

"Mas mahalaga kayo Raven, mas mabuti ng maubos lahat ng pag-aari na meron ako basta masigurado ko lang na matutugunan ko lahat ng pangangailangan niyo."

"Makoy." sambit ko. Gusto ko siyang sampalin dahil hindi ko talaga deserve ang lahat ng 'to lalong lalo na siya.

"Nandito na tayo." sambit niya, tahimik niya akong inalalayan.

"Sorry." bulong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa Valdez Hospital. Kung nandito lang sana sina Tito Aly sa Pilipinas ay malilibre sana kami, too bad they settled down na sa US. Hindi na rin siya ang humahawak ng hospital.

"Ayos lang." nagulat naman siya noong yakapin ko siya. Mali ang ginawa ko, hindi ko na dapat siya kinuwestyon at inaaway dahil ang laki-laki na ng sinasakripisyo niya sa amin.

"Salamat Makoy, salamat talaga."

MIKAEL ALEXANDER KOEUS

"Raven Aurea." sambit niya doon sa information desk para ma-check yung monthly schedule namin. Inalalayan ko lang siya, hindi naman maiwasan na mapapatingin ako wrist ko. Nanghihinayang ako sa isa sa pinakamahalagang regalo sa akin ni Mommy noong graduation ko pero wala akong magagawa. I need to sacrificed my things para masurvive namin 'to. Hindi naman pwedeng tumakbo ako sa magulang ko, sariling pamilya ko na 'to at dapat gumagawa ako ng paraan sa sariling pagsisikap ko.

"Makoy? Mikael Alexander!" napatingin naman ako sa pinagmulan noon, I found woman wearing a white lab coat tapos may mask sa mukha niya. Noong una ay hindi ko siya matandaan but then I realized saka napatingin din ako sa plate niya. "Dra. Katarina Sonja Rodriguez" Isa siya sa mga kaibigan ni Mommy, I heard from them na naging ex din 'to ni Papa. (Tirador ng beauty queen si Mikaelo!😶)

"Tita Katarina." nakangiting bulalas ko, inalis naman niya yung lab mask niya saka ngumiti.

"It's been a long time, Makoy." sambit niya, bumeso naman 'to sa akin.

"Oo nga po, hindi na rin po kasi ako masyadong napapadaan dito." sagot ko sa kanya. Although hinanap ko talaga siya dahil isa siya sa kilalang OB-Gynecologist dito sa Hospital.

"Hindi na kasi buntis ang Mommy mo, buti nga't humina din sa pagShoot yung Tatay mo." umiiling na sagot nito, napabulalas naman ako ng tawa. Mahilig talaga magbiro si Tita Katja.

"Tumangkad ka na lalo and you looked matured, hindi kita nakilala." ngumiti naman ako.

"Mas lalo po kayong gumanda, mukhang maganda po ang epekto ng Maldives sa inyo." natatawa naman siyang umiling.

"Bolero, manang-mana ka sa Tatay mo! Bakit ka nandito sa Valdez, don't tell me buntis na naman ang Mommy mo?" umiling naman ako, sasagot sana ako nang marinig ko yung pagtikhim sa gilid ko. She possesively wrapped her hands around my arm.

"Tita Katarina, this is Raven. The mother of my child." napakunot naman ang noo niya't napataas ng kilay. Maya-maya ay napabuntong hininga siya.

"Manang-mana ka nga talaga sa Tatay mo, bakit pati iyon minana mo." nakangusong sambit niya saka binatukan ako. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"I'm Dra. Katarina Rodriguez, I'm a Gynecologist." pakilala niya dito, Nakipagkamay naman si Raven sa kanya.

"Raven Aurea Gonzaga po." napatango pa 'to saka kumunot ang noo.

"Bibingwit ka, Gonzaga pa. Buti buhay ka pa." nakangising sambit ni Tita Kat, napailing na lang ako. Niyaya naman niya kami sa ward niya, siya na daw ang titingin kay Raven. Nagpaalam muna 'to saglit para kunin yung records nito.

"I thought you're flirting with her." nakangusong sambit ni Raven habang nakahiga siya, pumalatak naman ako ng tawa. Sabagay, hindi din naman kasi mahahalata kay Tita Katarina. Mukha pa rin siyang bata and body goals pa rin ang katawan. Naalala ko nga dati na sumasama ako kay Mommy para sa check-up just to see her. Crush na crush ko si Tita Katja.

"Selos ka naman." sambit ko pero syempre pang-aasar lang, ayoko naman na magExpect dahil magugulo lang nun yung mga magagandang bagay na nasisimulan na namin. Kahit nga yung paghalik niya sa akin, alam ko kasing dala lang yun ng hormonal imbalance niya.

"Hindi ako, si Baby. Sumipa siya kanina nung nawala ka sa tabi namin." ngumisi naman ako.

"Talaga?" inirapan niya ako.

"Ikaw kaya sipain ko!" asik niya, bumulalas naman ako ng tawa. Natigil lang ako ng may bumatok sa akin which makes Raven laugh.

"Tawa kayo ng tawa, gusto niyo na bang mag-asawa?" asik niya sa amin. May tinignan lang siya dun sa records tapos nilapitan na niya si Raven, marami siyang tinanung about sa mga nararamdaman nito, nag-run din siya ng some test then lastly ay nagpahid na siya ng jelly substance sa tiyan nito.

"This is your cutie little fetus, formed na mostly ng mga body system niya kasama yung genitalia." paliwanag niya sa amin, itinuro niya pa iyon. Madami pang sinasabi si Tita Katarina na sinasabayan niya ng sermon. Napahigpit naman yung hawak ni Raven sa akin and I know na naa-amaze din siya habang nakatingin sa baby namin.

"Tita Kat, anung gender ng baby namin?" excited na tanong ko. Ngumuso naman 'to saka ginalaw yung device sa ibaba ng tummy ni Raven.

"Medyo mahirap makita pero it's a boy." nakangiting sagot niya. She suggests na i-print namin yung picture ni Baby kaya muling nawala si Tita Kat.

"It's a baby boy, Raven." excited na sinabi ko sa kanya, hindi naman matanggal yung ngiti sa labi niya.

"Ang gwapo-gwapo niya." bulong nito sa akin, sumang-ayon naman ako.

"Thank you, Makoy." hinalikan ko naman siya sa noo.

"I love you, Raven." bulong ko, tipid naman siyang ngumiti sa akin at sapat na iyon para sa puso ko.

"Huwag na huwag mong papabayaan si Raven kung gusto mo pang mabuhay, nasa crucial stage siya ng pagbubuntis niya. Always take the vitamins, veggies and fruits. Lintek ka, lalo na ang stress." paalala niya sa akin. Tumango naman ako't sinabing noted na iyon.

"Maganda rin na may exercise kayong dalawa, para naii-stretch yung birth canal ni Raven at mas madali ang paglabas ni Baby."

"Tita Katarina!" namumulang bulalas ko, hindi ko tuloy magawang tignan si Raven. Binatukan naman niya ako.

"Jusko, ang aarte! Parang hindi nakabuo ng bata." bulalas niya, humigpit naman yung paghawak ko sa kamay ni Raven.

"Oh siya, magpapaalam na ako. Ikamusta mo ako sa Mommy at Papa mo." bumeso na siya sa amin saka pinanlakihan ako ng mata.

"Kapag may kailangan ka o may problema lalo na kapag nagspotting si Raven, tawagan mo lang ako." tumango naman ako saka nagpasalamat sa kanya.

"Pasensya ka na kay Tita Katja." hinging paumanhin ko habang naglalakad kami pabalik sa kotse. Umiling naman siya saka tumawa.

"Natural na advice lang yun, binanggit niya nga rin kanina na madalas nga daw akong makaramdaman ng pisikal na pangangailangan." napailing na lang ako.

"Hayaan mo na si Tita, ganun lang talaga yun." napangiti naman siya't tumango.

*********

"Makoy!" narinig kong sigaw niya mula sa itaas, napakunot naman yung noo ko.

"Makoy!" sigaw niya ulit and this time ay kinabahan na ako kaya nagmamadali akong tumakbo paitaas.

"Raven, what happened?!" bulalas ko, I found her na nakaupo sa kama habang may hawak na notebook at ballpen.

Matamis naman siyang ngumiti.

"I finally got a name for our baby." bulalas niya, lumapit naman ako to checked it.

"Rios Alexus Vladimir Ibarra Gonzaga Reyes" sambit ko. Tumango naman siya.

"Yes, Baby Ravi. Iyon ang itatawag natin sa kanya." sagot niya. Matamis akong ngumiti saka yumuko para halikan yung tiyan niya.

"Welcome to our world, Baby Ravi."

XxxxX

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
47K 1.5K 53
Loving her is a new feeling to her. Loving her awakened her fear-filled heart. Loving her made her even more afraid of herself. To love her is a sinn...
49K 1.1K 20
GWAPA SERIES #2 Joven Odysseus Vladimir Segobre Gonzaga (J.O.V.S Gonzaga) Jovs Gonzaga an Ex-Military Army. He committed his life for the country and...
64.9K 1.6K 33
Sinong mag aakalang ang jackass, womanizer, notorious playboy na si Kol ay mahuhulog sa isang babaeng... . . . . WAIT!!!! . . . . Babae nga ba???? - ...