The Gangster Queen

By jmsanx26

11.1K 349 24

May mga bagay na nakakapagpabago sa isang tao. Ganito ang nangyari simula nang may matuklasan si Avery Caden... More

Chapter 2 - Meet My Enemy Gray
Chapter 3 - Additional Hatred
Chapter 4 - My New Classmates
Chapter 5 - Someone Knows
Chapter 6 - Stefan's GF and Gray's Sister
Chapter 7 - Why Him?
Chapter 8 - Six Letters C-H-E-R-R-Y!
Chapter 9 - Another One
Chapter 10 A Close One
Chapter 11 Unexpected Trip
Bonus Chapter - Stefan Cruz
Chapter 12 - Goodbye!
Chapter 13 - Let Him Go
Bonus Chapter - Gray Fernandez
Chapter 14 - Now What
Chapter 15 - M.A.S.K.S.
Chapter 16 - Women Without M.A.S.K.S.
Chapter 17 - More Enemies
Chapter 18 - Her Happiness
Bonus Chapter - Cloud Villegas
Chapter 19 - Truth Be Told
Chapter 20 - Move On From The Past
Bonus Chapter - Date Night
Chapter 21 - When Jealousy Strikes
AUTHOR'S NOTE
Bonus Chapter - Cherry Fernandez
Chapter 22 - Kiss and Make Up
Bonus Chapter - David Caden's POV
Chapter 23 - One of THEM
Chapter 24 - The End of the Line?
Chapter 25 - Gray Fernandez and Avery Caden's POV

Chapter 1 - It Starts Right Now

1.6K 40 4
By jmsanx26

Chapter 1

PAPUNTA ako ngayon sa office ni Dad. Malungkot kasi si Mom ngayon dahil bihirang umuwi si Dad sa bahay nitong mga nakaraang araw. Madami daw kasing problema sa kumpanya. Kaya naman naisipan kong puntahan siya at piliting isali sa plano ko na surpresahin si Mom sa birthday niya. Malapit-lapit na din kasi ito.

"Tatay Jun, bilisan niyo pa po." Masiglang sabi ko kay Tatay Jun. Matagal na siyang driver sa pamilya namin. Dalaga palang si Mom ay si Tatay Jun na ang nagmamaneho para sa pamilya nila. At ngayon nga ay ako na ang ipinagmamaneho niya, ang naghahatid-sundo sa akin sa eskwelahan.

"Excited ka naman masyado, Avery. Hayaan mo at makakarating din tayo doon." Sabi niya na nakatingin sa salamin at nginitian ako. Nagkwento naman muna ako kay Tatay Jun ng plano ko para naman hindi ako mainip sa byahe. Natuwa naman siya dito.

Napatingin ako sa labas ng bintana. May babaeng tumatakbo. Umiiyak siya. Kasunod naman niya ang isang lalaki na matangkad at gwapo. Maganda din naman ang babae. Hahawakan niya sana yung babae kaso naunahan siya ng malakas na sampal nito.

Nagulat ako dun at napatakip ng bibig. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa totoong buhay. Kung ano man ang dahilan, hindi ko maintindihan. Love is supposed to be the best thing in the world, right? At isang example ay ang Dad at Mom ko. Grabe paibigin ni Dad every day si Mom. To the point na parang nagliligawan pa din sila after all these years. I know I've been stuck up in finding a love like that forever kaya ang sakit makita na nag-aaway yun dalawa kahit hindi ko sila kilala. Sana magkaayos sila.

Bumuhos naman ang malakas na ulan. Bumilis na din ang takbo ni Tatay Jun kaya hindi ko na nakita pa kung ano ang nangyari. Maya-maya ay nakadating na din kami sa kumpanya ni Dad. Ibinaba ako ni Tatay Jun sa may entrance at siya naman ay dumiretso sa parking lot.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko agad si Ms. Stella, receptionist siya dito. "Avery, it's nice to see you again." Bati niya sa akin kasabay ang isang matamis na ngiti. "Ah right timing, he has no meeting now. Just go up. You know the way." Sabi niya sa akin at tumango naman ako. Pumunta na ako sa elevator.

Nang nasa loob na ako ng elevator ay napatingin ako sa repleksyon ko. Naka-uniform pa ako dahil nanggaling ako ng eskwelahahan. Napangiti naman ako sa pink na ribbon sa ulo ko. Bigay ito ni Dad. Noong bata kasi ako hindi ako mahilig magtali ng buhok pero palagi akong naiinis kasi humaharang sa mukha ko ito. Ayaw ko talaga mag-ponytail. Kaya naman binigyan ako ni Dad ng ribbon at nagpakita din siya ng ilang hairstyles na pwedeng gawin gamit ito. Kahit ilang taon ko na itong ginagamit ay wala akong pakialam dahil galing ito sa kanya.

Bumukas naman ang elevator at may pumasok na babae at lalaki na parehong nakasimangot. Mas galit nga lang ang ekspresyon ng mukha ng babae. "You're so immature Tyler. How could you forget something important?" Sabi ng babae dun sa Tyler.

"Hindi ko nga nakalimutan, Meghan. May tinapos lang akong report." Pagdadahilan ni Tyler.

"Eh bakit naman nandun pa siya? Kasama ba siya sa report mo?" Sagot ni Meghan. Hindi sila naghaharap habang nagbabangayan.

Nahihirapan naman akong kumilos kasi nahihiya ako sa kanila. Nag-aaway sila as if walang ibang tao dito sa loob. Nagkunwari akong umubo at doon lang napansin ang presensya ko. Nagulat naman sila nang makita ako. Siguro dahil nakilala nila kung sino ako.

"Ahm, sorry Ms. Avery." Sabi ni Meghan.

Umiling naman ako. "Hindi po. Walang problema. Ayaw ko lang po na may nag-aaway." Nginitian naman niya ito. "Sana po mag-usap kayo ng maayos. Wag niyong hayaang masira kayo ng isang maling pagkakaintindihan."

Tinitigan naman ni Meghan si Tyler na nakangisi. "Oo na." Sabi ni Meghan dito. Lumabas naman na sila pagkabukas ng elevator sa 20th floor. Ngunit bago ito sumara ay may hinabol si Meghan, "Thanks Ms. Avery."

"Avery na lang. And no problem." Ngumiti ako sa kanila hanggang sa sumara na nang tuluyan ang elevator. Ang sarap lang sa pakiramdam na makatulong sa kanila. Sana maging maayos sila hindi tulad ng nakita kong couple kanina.

Kaso nakakalungkot lang kasi parang ang daming babaeng nasasaktan ngayon. And dami ko kasing naencounter. Ganon ba ang love? It made me ponder about it until the elevator doors open. Nadating ko din ang floor ng office ni Dad.

Usually nakikita ko agad si Ms. Andrea, ang secretary ni Dad, pagkalabas ko palang ng elevator. Kaso ngayon wala siya. Naisip ko tuloy na baka nag-break lang. Dumiretso nalang ako sa office ni Dad. The door was slightly ajar. Papasok na sana ako kaso may narinig ako na hindi ko inaasahan. At ang makita ito ay ang nakapagpatunay ng narinig ko.

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo. Hindi naman nila ako napansin. Upon reaching the lobby, I run across the room and bolt out of the door. Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Stella. Tumakbo lang ako even though I don't know where I will go. Nagpadala na lang ako kung saanman ako mapadpad ng mga paa ko.

Madami din akong tao na nakakabangga na naiinis sa akin. Umuulan pa din kasi at bukod sa naabala ko sila ay nababasa din sila. Pero kahit ano pang bunggo at masasakit na salita ang marinig ko, wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Ito ang mapaniwala sa isang malaking kasinungalingan dahil lang sa paghanga ko. Hindi ko agad nakita.

Lumiko ako sa isang kanto at tumakbo na ulit. Kailangan kong makalayo. Nang napagod na ako, tumigil ako. Napansin ko na lang na masyadong madilim na ang lugar na napuntahan ko at hindi pamilyar sa akin. Malabong mapuntahan ito ng mga pangkarinawang tao nang basta-basta lang. Hindi ko nga alam kung nasaan ako.

Pinahid ko na ang luha ko pero hindi mawala ang kirot sa puso ko. At hindi ko na alam kung ang sakit na ito ay maghihilom pa. Niloloko lang pala ni Dad si Mom. How could he? I always looked up to him but seeing what he had done, I don't know if I even want to see him ever again.

Nakarinig naman ako ng mga yabag. Lumingon ako at nakitang napapaligiran na pala ako ng madaming lalaki. Biglang bumukas ang isang ilaw ng poste kaso hindi maliwanag ang sinag nito para mamukhaan ang mga nakapaligid sa akin.

"Sino ka at tumapak ka sa teritoryo namin?" Sabi ng lalaki na nangunguna sa lahat. He has a lot of piercings on his face and tattoos sa braso. And I think he is a gangster. I already heard of them from my friends at school. Madami na din ang naka-encounter sa kanila. They said nakakatakot daw sila.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Hindi ako gumalaw. He seems like five years older than me, from the looks of it. "Sasagot ka ba o ano?" Tanong nito sa akin. Nakapalibot naman ang mga kasamahan niya na nasa mga labinlima.

"I walked here. And please leave me alone. Madami na akong problema para isama pa kayo." Sabi ko sa kanila. Sa puntong ito wala akong kinatatakutan.

Humigpit ang hawak niya sa akin. He looks like I violated him with my words. Tumawa naman ang iba niyang kasamahan. Yung iba naman parang naaawa pero matigas pa din ang mga eskpresyon ng mga mukha nila.

"Akala mo hindi kita papatulan dahil babae ka?" Sasampalin na sana niya ako kaso pinigil ko iyon gamit ang kanang kamay ko.

"I said don't mess with me right now. But I guess you deserve this." Inikot ko para baliin ang kamay niya na hawak ko. Pagkatapos ay sinipa ko siya dahilan para masalampak siya sa lupa.

Tumahimik naman ang paligid namin. Hindi ko alam kung paano ko nagawang matalo ang lalaking ito. Bukod sa nag-aaral ako ng martial arts, judo, at aikido, adrenaline at galit ang naging lakas ko.

Hindi naman magtigil sa pag-inda ng sakit yung pinatumba ko. Nakatingin lang siya sa akin. Tinapunan ko lang siya ng tingin at tumalikod na para umalis. Wala na akong kailangan pang gawin dito.

But as expected from gangs, hindi ako hahayaang makaalis ng mga ito ng walang laban. Ginamit ko na lahat ng nalalaman ko. My Dad insisted that I take the classes. Disadvantage ng pagiging heiress sa isang malaking kumpanya ay ang maging target ng kidnappers. At least I could defend myself without any help if needed. Or to buy time for escape kung sakali man.

They might think I'm weak pero nagkakamali sila. Hindi dahil babae ako ay mahina na agad. Without a sweat, I managed to defeat them. Halos lahat sila nakahiga na maliban sa isang hawak ko sa may batok. Nakatingin lang silang lahat. May ginawa ako sa kanya dahilan para bumagsak na lang siya at maiwang walang malay. Pressure points are helpful to paralyze someone.

Nagulat naman sila dito. I looked at them with disgust. "Kayo na ba ang mga gangster na sinasabi nila?" Umiling na lang ako. It was good that I saw them. At least nailabas ko na ang ten percent ng galit ko.

Hindi naman sila makaimik. May mga dumating pa na iba na sa tingin ko ay members din nila. I think nakita na nila ang buong pangyayari. With an unexpected move, they all bowed in front of me. Pati yung mga natalo ko na iniinda pa ang sakit ay ginawa din ito.

"Please be our Gangster Queen!" Sabi nila ng sabay-sabay.

Pride. First time to use my skills in actual and it turned out like this. Mayroon na akong gang.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

283 2 8
Ang Istoryang to ay kathang isip lang ng isang bored na VA. Kung bored ka din basahin mo. :) Atasha never believed in love mas maniniwala pa nga ata...
7.7K 100 63
Nasaktan ka, pagkalaunay masasaktan din siya. Vice versa lang ika nga. Ganun naman kasi yun eh, kung sino ang nahulog at hindi sinalo, siya yung talo...
156K 3.3K 41
Caden Sydell Angela Park- Laging nakangiti kahit nasasaktan siya. Laging nakangiti na parang wala siyang problema. Wala siyang ibang ginawa kondi ang...
841K 18.9K 34
This story has a 'mix' genre. Note: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a complete opp...
Wattpad App - Unlock exclusive features