You heal my broken heart

By jhanhettes

69.7K 1.3K 125

"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang puso... More

You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
you heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart

You heal my broken heart

1.8K 31 2
By jhanhettes

Part 16

Napabuntong hininga si Janna sa nasabi ni Jaeyoung. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng banggitin sa binata, Kaya pautal utal siyang tumugon dito..

*bakit gganun mo lang kkadaling ssabihin yan?! (banggit nito na biglang bumaling ang tingin sa gilid)

agad namang nagwika si Jaeyoung..
*wala namang nakakaalam kung kailan ka maiinlove ng husto eh, ikaw na kasi ang laman ng puso't isipan ko Janna. I really, really like you a lot and that's why i fall in love with you.

Sabay lapit pa nito kay Janna, na siya namang ikinanerbyos ng husto ni Janna.

Lumapit,
nang lumapit
ang mukha ng binata
sa kanya,
na siya namang
ikinabog ng husto ng dibdib niya,
At bigla siyang napasinok sa kaba,
na siya namang ikinangiti ni Jaeyoung, at nagwika...

*Masiyado na ata kitang pinakaba. Siguro ang mabuti pa magpahinga ka na at lumalalim na rin ang gabi (sabay distansya na nito sa dalaga)

Napabulong naman si Janna sa sarili..

*Sa tingin mo makakapagpahinga ako ng matiwasay sa ginawa mo?! hmm" feeling ko parang bibigay na ang puso ko sa ginawa mo!

sabay dahan dahang inilihis ang tingin sa binata at inilagay na nga ang bitbit bitbit na plato at baso sa lababo. Pagkaraa'y lumakad papalayo kay Jaeyoung, at umakyat sa hagdan. Na siya namang ikinangiti ni Jaeyoung na pinigil si Janna sa pag-akyat.

*Janna sandali!
antayin mo ko.

*Ha?! at ba't naman kita aantayin no!
(sabay hakbang muli nito at nagbanggit ng mahinang kataga)
grabe siya, bwisit! hay nako"

*naka lock pa yung kwartong tutulugan mo.
(pangiting tugon nito)

Napahinto namang muli sa paghakbang si Janna, at humarap sa kinaroroonan ni Jaeyoung..

*bbakit! masama bang antayin ka sa taas?!

*dito ka muna sa baba Janna at manood ka muna ng TV, sabay na tayong umakyat mamaya at huhugasan ko muna tong pinagkainan natin.

sabay bulong ni Janna sa sarili..
*nako! oo nga pala! nakakahiya! dapat pala ako ang maghuhugas! kaasar kasi tong lalaking 'to! (banggit nito sa sarili)

Pagkaraa'y nagwikang muli si Janna rito..
*Ako nnang maghuhugas diyan! ikaw ang maupo at manood ng TV!
(sabay duro nito kay Jaeyoung) Wag mo kong subukang kontrahin! maliwanag!

*mukhang nasindak mo ko sa duro mo ah,
ok, di kita kokontrahin. masusunod ang gusto mo. (sabay pacute pang ngumiti ito sa kanya)

Sabay baba ni Janna sa hagdan at lumakad na nga ito papuntang lababo na napasimangot pa. Samantalang si Jaeyoung naman ay nakangiting nakatitig sa deretsong tingin nang dalaga.

Pagkaraan nga'y binuksan na nga ni Jaeyoung ang TV sa sala at naupo sa sofa.

Nang matapos si Janna sa paghugas ng mga pinagkainan ay pasilip silip pa itong pinapansin ang nakaupong si Jaeyoung. Pagkaraa'y napakagat na naman ito sa kuko niya, habang naiilang na punahin si Jaeyoung upang umakyat na sila.

*parang kinakabhan akong tawagin siya! bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko!!
ano bang nangyayari sa 'kin?!!

Pagkaraa'y huminga ito ng malalim at bumuga,
Sabay lakas loob siyang nagpahagusgos ng boses sa kanyang lalamunan,
at humakbang ng tatlong beses..

*Khmm!
(ika nito, sabay tingin nito sa hagdan at pagkaraa'y sumulyap kay Jaeyoung)

Agad namang nakaagaw pansin 'yon sa binata,
kaya'y pagkaraan ay agad siyang kinausap nito..

*Tapos ka na pala. Tara at umakyat na tayo! (nakangiting wika nito)

Agad namang naunang umakyat si Janna, na siya namang ikinangiti ni Jaeyoung na sumunod dito.

Nang makaayat na ay agad na itinuro ni Jaeyoung ang kwartong tutulugan ni Janna. Pagkaraan ay agad na nagsalitang muli si Jaeyoung..

*Saglit Janna, papasok lang ako sa may kanang kwarto at kukunin ko yung susi.

*ook, sige (tugon ni Janna)

Nang makuha ni Jaeyoung ang susi sa may drawer malapit sa kama ay agad itong lumabas, at tumungo sa nakatayong si Janna sa tapat ng kabilang kuwarto.

Nang makarating na ay nakangiti muna itong tumingin kay Janna, pagkatapos ay binuksan na nga ang kwarto. Pagkaraa'y pumasok na nga si Janna na napaikot pa ang matang namangha sa linis at ganda ng kwarto.

Samantalang napansin naman ni Jaeyoung na unan lang ang nakapatong sa kama, at wala itong kumot. Kaya agad ay muling kinausap niya si Janna..

*Janna, saglit at babalik ako uli at kukunin ko lang yung kumot. Siguradong tinabi ni Toshi yung kumot dito sa may kabilang kwarto.

*ah-- ook, sige (pautal na wika ni Janna)

Agad namang nagtungo si Jaeyoung sa kabilang kwarto at hinanap ang kumot doon.
at nang makita'y
agad na nagtungo sa kinaroroonan ni Janna.

Pangiti pa itong pumasok na nagpailang kay Janna. Sabay wika ng dalaga sa kanya..

*Ssalamat (ika nito)

agad namang tumugon si Jaeyoung sa kanya..
*walang anuman Janna.
Ako na ang mag-uunat nito para sayo. (sabay unat nito ng kumot sa pagkakatupi)

agad naman 'yong pinigilan ni Janna at hinawakan din ang kumot..

*Ako na Jay! kaya ko na yan!

*ayos lang Janna, ako na
(kontra nito)

*Ako na! (wika ni Janna)

Nagpatuloy ang pag-aagawan nila sa kumot, hanggang sa natapakan ni Janna ang dulo ng kumot at napadulas, samantalang napatid naman si Jaeyoung na kinahantungan sa pagbagsak nila sa may kama, na ikinagulat din nilang pareho..

Yun din ang naging dahilan ng pagsasalubong ng magkalapit na mga mata nila na tumagal ng ilang sandali.

Bigla namang bumukas ang TV, dahil nakapatong pala ito sa may kama na naipindot ng kamay ni Jaeyoung dahil sa pagkakabagsak.

Sabay silang
napatingin dito
at nagulat sa nakita.

dahil nakita nila na ang palabas dito
ay isang TVdrama na biglang naghalikan, na sakto
naman na katulad din sa palabas sa TV ang sitwasyon nilang dalawa.

Kaya agad na tumayo si Jaeyoung at napapagpag pa sa kanyang pantalon, at si Janna naman ay biglang upo at napahawak sa kanyang leeg.

Sabay pautal na nagsalita si Jaeyoung.

*hhindi ko sinasadya yyon, mabuti nnga siguro ikaw nang bahala sa kumot mo.

*kung bakit nakipag-agawan ka pa kasi ssa akin eh!

Pagkaraa'y naibaling nilang pareho ang mga mata sa TV na ikinailang nilang pareho, dahil naghahalikan parin ang Palabas sa TV. Kaya agad na kinuha ni Janna ang remote at tyaka pinatay agad ito. Sabay nagwika..

*Aano pang ginagawa mo, ok na, llumabas ka na. magpapahinga nako!

Agad namang sumagot ang di mapakaling si Jaeyoung..
*ah- eh, sige lalabas na ko sorr--!

paputol na banggit nito nang biglang nagsalita si Janna

*Wwag ka nang magbanggit ng kung anu ano~! sige na, pumunta ka na sa kwarto mo! (hindi komportableng wika ni Janna)

*Ook, sige. ggoodnight Janna (banggit ni Jaeyoung)

Pagkaraa'y nakalabas na nga ito at isinara ang pinto..

Nang makapasok na ito sa kanyang kuwarto ay agad na nagsalita si Jaeyoung..

*grabe! bakit kasi nakipag agawan pa 'ko! ano ba kasing ginagawa ng remote ng TV sa may kama! kung bakit kasi nakakalat yon doon!
(sabay napakamot ito sa ulo)
asan naba yung remote ng aircon?! ang init init naman!! (sabay halungkat naman nito sa drawer)

Samantalang
si Janna naman ay di mapakaling
napapakagat sa kanyang kuko at nagwika..

*ba't kasi kontra siya ng kontra! ako naman itong nakipag-agawan pa eh!! grabe talaga!! makapanood nga!

Pagkabukas ng TV ay muling ganun na naman ang eksenang nakita niya, sabay takip ng mukha sa pagkagulat at napasinok pa.

*Ano ba naman 'to!!! di pa rin kayo tapos!
(Asar na banggit nito)

Sabay inis na lipat nito ng channel...

-END OF PART 16-

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...