Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

By DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... More

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 26

62.9K 1.3K 122
By DyslexicParanoia

Helga's P.O.V.

Really? Narinig lang niya ang pangalang Maria, eh namutla na siya? Nang dahil doon ay kumalas ako mula sa kanya. Humalukipkip ako habang taas-kilay ko siyang tinititigan.

"Sinong Maria 'yon, ha?" Nagseselos ako. Yes, nagseselos ako!

"H-ha?" Mas lalo pa siyang namutla.

"Sino sabi si Maria eh?!"

Tiningnan muna ako sandali ni Jason na para bang nag-aalala. Hindi ko tuloy malaman kung natatakot ba siya o nag-aalalang mabubuking ko siya na may ibang babae pala siya.

"Na-Naaalala mo ba 'yung kaklase kong si Hector? 'Y-'Yung s-sinundan natin noon t-tapos nahuli natin na may katalik sa madilim na classroom...t-tapos y-'yung babae nag-iba ng anyo at pi-pinatay siya? 'Y-'Yung b-babae, y-'yun si Maria!"

What?! Takot much na naman ang beauty ko!

"Ha? Pero paano niya nalaman ang bahay nati—"

"Aswang nga siya, hindi ba?"

"Sabihan mo si Benj... Sabihin mo huwag papasukin!"

Waaa... Gusto ko pang mabuhay! Sa ganda kong ito, sayang naman kung aswang lang pala ang manginginain sa flawless skin ko!

"Oo, sandali." At dali-daling tinungo ni Jason ang pintuan at pinagbuksan si Benj. Nakatayo pa rin ito sa labas ng kwarto namin kaya naman hinatak ito ni Jason papasok.

"Oh, bakit?" Nagtataka siguro si Benj sa pagkaaburido namin.

"Huwag mong papasukin si Maria!" agad na sabi ni Jason.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta!"

"Eh..." Kakamot-kamot si Benj.

"Eh ano?" kunot-noong tanong ni Jason.

"Eh pinapasok na ni Jon. Alam mo naman 'yun basta chick na maganda, welcome agad. Hayun nga at kausap na niya sa salas!"

"Ha? Naku, Benj...paalisin mo! Bilis!" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng pinto.

"Bakit naman? Mukha namang ok siya ah! Nagseselos ka ba?" Nakangisi pa ang impakto.

"Tange!" sabay hataw ko sa balikat niya.

"Eh bakit nga? Eh mukhang maba—"

"Isa siyang aswang, Benj," mahinang sabat ni Jason.

"Ha? Eh paano mo nala—"

"Basta! Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo, basta kailangan nati—"

Naputol ang sinasabi ni Jason nang nakita naming paparating si Art. Papunta na marahil siya sa kwarto niya. Tumingin lang siya sa amin, ngumiti, at saka dire-diretsong pumasok sa kanyang silid. Hindi pa man kami nakaka-recover sa pananahimik nang...

"Jason! May bisita ka sa salas," nakangising pagtawag ni Jon. "Harapin mo na please, may gagawin pa ako eh," 'yun lang at namataan na namin siyang pumasok sa kwarto niya.

"Nasaan si Mitch?" bulong ko kay Benj.

"Nasa banyo, naliligo." Medyo natatakot na rin ang kanyang itsura. "Pero mukhang kailangan mong harapin ang bisita mo, Jason. Parang hindi ako kumportable na pabayaan lang natin siya doon. Paano kung biglang mag-transform 'yun at kainin tayong lahat dito?"

"Sandali," sagot ni Jason sabay alis para kumuha ng kung ano. "Mabuti na ang handa!" sabi niya pagbalik bitbit ang botelya ng langis, asin at abong ibinigay sa amin ni Luke. Ilang sandali pa, isinilid niya ang mga iyon sa kanyang bulsa. "Tayo na!" sabay hila niya kay Benj.

"Teka, sama ako!" sabi ko.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Dyan ka na lang sa kwarto, Helga. Huwag kang lalabas dyan. I-lock mo ang pinto," may awtoridad niyang bilin sa akin bago dali-daling umalis kasama si Benj.

Ako si Helga. Hindi ako si Flor de Luna. Natural susuway ako, 'no?!

Pero teka... Handa na ba ako? Handa na ba akong makain ng Aswang? Oh no-no!

I can't take this!

I can!

I can't!

I can!

I can't!

I CAN!

I CAN'T!

"Halikayo, sumama kayo sa akin!"

'Yun ang bumungad sa akin na sinasabi ni Maria kay Benj at Jason habang ako naman ay nagtatagong nakasilip sa likod ng ornamental plant. Sobrang ikinagulat ko naman nang parang tulalang sumusunod lang ang dalawang engot kay Maria.

Oh no... Are they being hypnotized?

Papalabas na sila ng pinto at akmang susugod na sana ako nang biglang lumabas naman si Mitch na nakatapis pa ng tuwalya. Balot din ng tuwalya ang kanyang buhok.

"Hoy! Saan kayo pupunta!" sigaw ni Mitch.

Dahil doon ay tila natauhan ang dalawang engot. Tiningnan nila ang kanilang mga sarili na para bang hindi nila alam kung anong nangyari at kung paano sila nakarating doon.

Nakatago pa rin ako sa aking kinaroroonan nang biglang humarap si Maria sa dako ko. Nakatalikod siya sa main door. Maya-maya pa ay nilingon niya si Mitch at saka niya pinahaba ang kanyang super long tongue pupunta sa direksyon ng dalaga!

Sa sobrang takot ay hindi na nakapagsalita si Mitch. Para siyang isang istatwa sa kanyang kinatatayuan dahil sa sobrang pagkagulat. Iniharang ni Benj ang kanyang sarili kay Mitch habang si Jason naman ay susugurin sana si Maria kung hindi lang siya nito hinawakan sa leeg at iniangat gamit lamang ang kaliwang kamay.

Nanginginig ako sa takot. Hindi ko malaman kung lalabas ba ako o magtatago na lang sa aking kinaroroonan. Nakita kong tumusok ang super long na lengua ni Maria sa pinaghuhugpungan ng braso at katawan ni Benj habang si Jason naman ay nagpupumiglas sa kanyang pagkakaangat.

Alam kong nasasakal na ang mahal ko. Parang kaunti na lang talaga ay malalagutan na siya ng hininga. Samantala, si Benj naman ay halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Sa tantya ko, ilang sandali na lang ay lalampas na ang dila ni Maria sa likod na bahagi ng kanyang braso.

Nakita kong kinuha ni Jason ang botelya ng abo sa kanyang bulsa. Dali-dali niya iyong binuksan at isinaboy kay Maria. Bakas sa mukha ng lahat ang pagtataka nang hindi umepekto ang abo. Dahil sa ginawa ni Jason, nainis lang ito sa kanya kaya naman mas lalo siya nitong iniangat.

Hindi naman sumuko si Jason. Kinuha niya ang plastic ng asin, binuksan iyon, at muling isinaboy kay Maria. Umusok ang bahagi ng katawan ni Maria na tinamaan ng asin subalit hindi niya iyon ininda. Nasaktan lang siya nang kaunti pero wala namang iba pang pinsalang naidulot ang asin sa kanya.

Lalong nagalit si Maria kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal kay Jason. Kitang-kita ko namang itinaas ni Jason ang maliit na botelya ng langis na ayon kay Luke ay kukulo raw kapag may aswang sa paligid. Hindi naman kumukulo iyon. Dala marahil ng inis at desperasyon, itinapon na lang iyon ni Jason kay Maria subalit hindi naman niya ito tinamaan.

Wala na, mukhang papatayin na talaga ng Aswang na ito ang Jason ko. Pero kung mangyayari man iyon, mas gugustuhin ko pang idamay na rin niya ako. Hindi ko na kayang mabuhay pa nang wala ang Love ko. Mas mabuti pang ma-dedo na rin ako kung sakali mang paslangin siya ng pangit na aswang na ito.

"Bitiwan mo sila!" sigaw ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magtapang-tapangan na lamang. Tumayo ako nang diretso habang nakatikom ang aking mga kamaong kasalukuyang nasa magkabilang gilid ko.

Nakapagtataka namang parang nagulat ang Aswang sa akin. Pinaikli niya ang kanyang dila kasabay ng pagbitaw niya kay Jason.

"Ahhhh!" impit na daing ni Benj nang mapagmasdan ang kanyang sugat. Nakadalo naman na sa kanya si Mitch.

Samantala, si Jason naman ay namimilipit sa sahig habang uubo-ubo at hawak-hawak ang kanyang leeg dala marahil ng mahigpit na pagkakasakal sa kanya ni Maria.

Nakipagtitigan ako sa Aswang na para namang gulat na gulat na hinagod ako ng tingin na tila nanunukat; na parang sinisipat ang bawat detalye ng aking pagkatao. Hindi siya gumagalaw. Natigilan siya sa kanyang kinatatayuan.

"M-Marietta?" nanginginig na tanong sa akin ni Maria. Muli siyang nagbalik sa kanyang magandang anyo.

Marietta? Sinong Marietta? Pero kung sino man ang Marietta ang tinutukoy niya, mukhang takot na takot siya rito. Kaya hala sige, magpapanggap ako. Kunyari ako si Marietta!

"Oo, ako nga si Marietta! Aalis ka ba dito sa bahay ko...o papatayin kita!?" sabay pakita ng aking kanang kamao.

Wala pang tatlong kurap ay dali-dali nang tumakas ang takot na takot na bruhang impakta! Ang mga ikinilos niyang iyon, imbes na bigyan ako ng kapayapaan ay mas lalo lang nag-iwan sa akin ng mas maraming katanungan at pagkabagabag.

Sino si Marietta? Bakit niya ako tinawag na Marietta? Bakit inakala niyang ako si Marietta? Bakit siya natakot sa akin? Kamukha ko ba si Marietta? Aswang din ba ang tinutukoy niya kaya takot siya rito?

Oh no! Mukhang pang-aswang pa yata ang beauty ko? Waaa...

[Itutuloy]

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 509 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
494K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
832K 33.7K 49
King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Socce...
4.7K 1.2K 43
COMPLETED || An angel who was looking for her lost wings, that the only one who could help her to find is a man who was lacking decency.