The Fan

By DorchaLuna

74.7K 3.1K 1K

A famous celebrity worshipped by all... A shadow who is obsessed with the star... Will the shadow be a foe... More

CHAPTER ONE
Chapter Two
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
A/N
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
CHAPTER 34

CHAPTER THREE

2.6K 99 18
By DorchaLuna

Kulang na lang ay paliparin ng driver ang sasakyan sa bawat utos ni Celine na bilisan ang pagmamaneho. Ni isang salita ay walang sinabi ang anak na kasama sa nakakagimbal na balitang inihatid sa kanila. Nagiba ang kanilang mundo. Halos kakabangon pa lang nila sa pangungulila sa ama, at ngayon naman...

***Bakit nangyayari ito? Anong dahilan? Bakit?***  tanong nito sa kanyang isipan.

Hindi pa man din ganap na humihinto ang kotse ay humangos na palabas ang ina at kapatid patungo sa pinaglalagakan ng panganay na anak. Halos hindi sila makadaan dahil sa dami ng mga reporters at supporters ng sikat na artista. Hindi makaya ng mga security guards ang paghawi kaya't ang administrasyon ng ospital ay nagpatawag na ng pulis.

"Mrs. Howell, ako po si Alma. Manager po ni Maxine. Ako po ang iniassign ng network nung tumira na kayo sa UK," isang babae ang tumawag sa pansin ng humihingal ng ina at anak.

"Nasaan ang anak ko?!" halos pasigaw nitong tanong.

"Kumalma po muna kayo, mam," sambit nito habang inaalalayan.

"Huwag mo akong pakalmahin. Dalhin mo ako sa anak ko!"

Wala mang anak ang babaeng lumapit, naintindihan nito ang nararamdaman ng ina ng kanyang alagang artista. Hawak ang kamay ng ina ay iginiya niya ito sa isang saradong kwarto habang kasunod ang bunsong anak na hindi pa rin nagsasalita.

Tanging ang echo ng kanilang mga paghinga at yabag ang maririnig sa pagpasok nila sa malinis at maputing kwarto. Tanging isang mahabang metal na lamesa ang nasa gitna na natatakpan ng isang puting tela. Dahan-dahang lumapit ang mag-ina. May takot sa kanilang mga dibdib at panalangin na sana'y hindi ang taong inaasahan nila ang makita nilang nakatalukbong.

Sa malamig na hanging nagmumula sa aircon, nakadagdag sa kanilang pangangatog ang kaba. Nanginginig ang kamay ni Celine ng iniangat ang kumot.

"Diyos ko!!" humaulgol ang ina ng makita ang panganay na anak na wala nang buhay. "Maxine!!! Maxine!! Anak ko!!!" paluhod itong bumagsak sa sahig na tumangis na sinalo ng babaeng kasama nila. Nakatayo lamang ang bunsong anak na tila shocked na makita ang ate niyang maputla ang kulay, sarado ang mga mata at hindi na humihinga.

"Anong nangyari sa'yo anak ko!? Anong nangyari sa anak ko!?!"

"Mrs. Howell..." hindi malaman ni Alma ang sasabihin. Kahit sino namang ina o kaanak na namatayan ay magiging ganito ang reaksyon. Wala mang magawa kaya't umiyak na lang din ito kasabay ng naulila ng kanyang alaga.

Lumakad paikot sa kabilang side ang bunsong anak habang nakatitig pa rin sa kapatid. Ang kamay niya ay ipinatong sa malamig na noo habang hinihimas ang buhok.

"A...a...te..." mahina nitong tawag na umaasang sana'y tulog lang ito. Isang mahimbing at malalim na pagtulog na maya-maya'y gigising din at masusorpresa dahil nakauwi na sila ng kanyang ina.

Ang kanina pang luha na pinipigilan niyang tumulo ay umapaw sa kanyang mga mata. Seeing her older sister on that cold, hard metal bed slowly sinking in her brain. Ayaw man niyang maniwala pero ito ang katotohanan. Gustuhin man niya isipin na isa itong masamang panaginip, but she is aware that she's not sleeping. Solid ang kanyang nahahawakan. Mismong ang kanyang kapatid na huli niyang nakasama nung inihatid nila sa huling hantungan ang namayapang ama.

Dahan-dahan siyang yumukod upang ibalot ang kanyang mga bisig sa katawan ng kapatid. Doon niya ibinuhos ang damdaming pinipigilan dahil habang binabagtas nila ang daan papuntang ospital, hindi pa siya naniniwala sa balita hangga't hindi niya pa ito nakikita. At ito ngang nasa harapan niya ito, para siya sumali sa ice bucket challenge.

----------

It was all over the news, local and international. The most popular celebrity of the Philippines found dead inside her condo unit in BGC. Local officials handling the case found out that the victim, Maxine, was stabbed on her chest penetrating her lungs that instantly cut her life. There was no forced entry at walang mamahaling gamit ang nawala maliban sa life sized portrait nito na nasa kanyang kwarto.

Nireview ng SOCO ang log book kung saan pumipirma ang mga bisitang lumalabas at pumapasok sa building, maging ang cctv cameras. Isang nagngangalang Gerald Cuenca ang huling bumisita sa sikat na artista na isa umanong delivery man. Tinignan nila ang nakasulat na oras sa log book at hinanap ito sa time stream ng cctv. Isa lalaki nga ang nakita nila na nakasuot ng stripe blue shirt at maong pants ngunit ang hawak nitong bouquet ay nakaharang sa kanyang mukha. At kahit gaano man ka- high definition ang camera, hindi nila maaninag kahit saglit ang mukha ng lalaki. Tila alam nito ang bawat sulok kung saan may cctv sa bawat hallway na madaanan. Makailang beses nilang pinagaralan ang kuha ng camera. Ilang beses nirewind at pinplay ng slow motion upang makahuli kahit saglit na walang harang ang kanyang mukha, pero wala ni isang segundo.

Nang makarating ang lalaki sa harap ng pinto ng unit ni Maxine, maayos naman nitong iniabot ang bulaklak pero nang hindi kinuha ng artista ang kanyang dala, pumasok ito at isinara ang pinto.

Isa pang footage ang ipirinsinta sa mga pulis. Footage na nanggaling sa loob mismo ng unit. Makikitang pumasok ang lalaki dahil sa ang kamay ni Maxine ay may pintura. Nagpapainting ito.

Nagkalat ang mga pintura at broadsheets sa sahig. Bumalik si Maxine sa kanyang canvas habang ang delivery man ay nagtungo sa kalapit na lamesa upang ilapag ang dineliver nitong bulaklak. Tumambad ang mukha nito ngunit natatakpan ng visor ng suot nitong baseball cap.

Hindi muna ito agad lumabas. Lumapit pa ito sa may likuran ng artista at mukhang kinakausap ito. May ilang beses na napapangiti si Maxine habang abala ang kanyang kamay sa pagpipinta. Isa sa mga nagiimbestiga ang nakapansin na walang sapatos na suot ang lalaki nang ito ay yumuko na tila kinakamot ang kanyang paanan.

Nanlaki ang mga mata ng mga imbestigador ng biglang inundayan ng saksak ng lalaki ang sikat na artista ng kutsilyong nanggaling sa kanyang paanan. Kaya pala ito yumuko ay para kuhanin ang murder weapon na nakatago sa kanyang medyas.

Makailang ulit na sinaksak ng lalaki si Maxine hanggang sa ito ay bumagsak sa harapan ng suspect. Dahan-dahan niya itong inihiga sa sahig, maging inalalayan ang kanyang ulo. Nakakapagtaka pang hinimas ng lalaki ang mukha ng kanyang biktima at hinagkan ang labi na tumagal ng ilang minuto. Pinunasan niya ng dulo ng kanyang damit ang labi ni Maxine bago ito tumayo at nagtungo sa loob ng isang kwarto. Paglabas ay tangay na nito ang isang malaking frame. Ang nawawalang portrait ng kanyang biktima.

Pagkatapos mapanood ang footage mula sa loob ng unit, sinunod nila ang kuha ng cctv camera sa hallway ng building kung saan dumaan ang delivery man. Iba ang dinaanan nito. Imbes na sa front entrance dumaan, sa fire exit ito lumabas hanggang sa makatakas.

Muling binalikan ng mga forensic ang crime scene. Wala silang ginalaw sa mga orihinal na pwesto ng mga gamit, maging mga papel na nakalatag sa sahig. Ayon sa video, nang lumapit ang suspect sa biktima, wala itong suot na sapatos. Inisa-isa nila ng maigi ang mga papel kahit ang mga hindi nilakaran ang pumatay ay matamang inusisa sa maaring marka na naiwan ng lalaki.

"Sir!" tawag ng isa sa mga foresic sa kanilang leader. Nakaluhod ito  isang dipa mula sa marka kung saan eksaktong natagpuan ang katawan ng biktima. Itinuro ang isang natuyong pinturang matingkad na berde na may halong tuyong dugo na parang marka ng daliri sa paa.

"Gupitin ang part na yan at ilagay sa evidence plastic. We'll perform DNA kung kaninong dugo yan," utos ng superior na sinunod ng kanyang tauhan.

Nagperform din ng mahigpitang paghahanap paikot vicinity ng lugar na may layong tatlong kilometro mula sa building ng pinangyarihan ng krimen. Halos ang buong Pilipinas ay nakaantabay sa progress na paglutas sa krimeng nangyari sa kanilang idolo.

Sa isang madamong lugar, habang naglalakad ang isang grupo ng kabataan, nakita nila ang isang black plastic bag. Dahil sa inaakalang may makukuha silang kapakipakinabang, binuksan nila ito at nakita ang isang set ng damit, pitaka na naglalaman ng mga ID at kutsilyo na agad nilang isinurender sa kalapit na barangay hall. Mabilis namang nakipagcommunicate ang chairman sa mga pulis upang ipaalam ang nakuha ng mga kabataan. Nang ito ay ipinasa sa mga forensic, napagalaman na iyon ang damit at murder weapon na ginamit sa pagpatay sa sikat na artista. Natagpuan sa isang madamong lugar patungong Antipolo.

----------

Dahil sa muling pagguho ng mundo ng mga naiwan ng actress/singer, ang manager na si Alma ang nagasikaso sa wake ng yumao. Mula sa damit hanggang sa paglalagakan nito. Ang nais ng pamilya ni Maxineay i-cremate ito at iyon ang nasunod.

Dagsa ang mga nakiramay. Gabi-gabi ay may mga dumarating na mga kaibigan, kasama sa industriya at mga tagahanga ang dumadating. Ang iba sa miyembro ng fansclub nito na Maxie Followers ay nagoovernight. Celine and her youngest daughter was amazed by the numbers of people who love Maxine. Nasorpresa pa sila dahil may mga taong nagsasabi na sila ay tinulungan ni Maxine behind camera. Hindi man mismo ang idolo nila ang personal na nag-abot ng tulong, alam nilang taos sa puso nito ang ibinigay sa kanila. Sa bawat pagyakap ng mga nakikidalamhati, sa mga salitang nagdidescribe sa yumaong idolo, damang-dama ng mag-ina ang kanilang pagmamahal.

"Mrs. Howell, ang mabuti siguro'y magpahinga na po muna kayo. Mukhang wala pa kayong pahinga since dumating kayo ng Pilipinas," sambit ni Alma sa ina ng kanyang alaga, pangalawang araw ng burol.

"Alma, bakit ang anak ko pa? Ang daming masasamang loob na nagkalat sa buong mundo, bakit sa ganitong paraan pa kami iniwan ni Maxine?" muli itong umiyak at tinititigan ang larawang nasa ibabaw ng casket.

"Mam, hindi ko ko po kayo masasagot sa tanong na iyan. Kahit po ako ay nagtatanong rin. Sobrang bait po niyang si Maxine. Walang araw na hindi niya kami napapatawa. Minsan nga op kahit malungkot yan dahil miss na daw niya kayo ng kanyang kapatid, bigla na lang yan magbibiro. Ang sabi niya nung huling nakapag-usap kami ay magkakasama na daw kayo kapag nakagraduate na ang inyong bunso,"

"Ang sakit-sakit. Kakabangon lang namin sa pagkawala ng daddy nila, tapos wala pang halos dalawang taon, si Maxine naman. Ano bang ginawa ko para parusahan ng ganito? Dapat hindi ko na lang iniwan si Maxine. Dapat umuwi na lang ako kasama ng kapatid niya,"

"Wag n'yo pong sisihin ang sarili ninyo. Wala pong nakakaalam na mangyayari ang ganito. Ipasa-Diyos na lang po natin ang lahat. Mahuhuli rin po ang gumawa nito at mapaparusahan,"

"Sino ba ang nakakita sa anak ko nung araw na yun?"

"Actually po, ako. Maaga ko siyang tinawagan para po ipa-remind sa kanya ang pagsundo sa inyo. Alam ko po kasi na pag yan excited, hindi nakakatulog. Eh hindi po siya sumasagot sa tawag ko kaya akala ko nakatulog siya. Then two hours before po ng arrival ninyo tinawagan ko siya ulit. Hindi pa rin po siya sumasagot, so inisip ko po na nag-take siya ng sleeping pills or nag-shot para makatulog. Nung dumating po ako po, hindi niya binubuksan ang pinto. Ilang beses akong kumatok. Kahit may sarili po akong susi, hindi ko po ginagamit. Ayaw niya po kasi yung bigla na lang akong pumapasok. Pero nung time na yun, ginamit ko na po kasi hindi siya bumabangon. Hindi po agad ako nakakilos nung nakita ko siyang...." hindi nito naipagpatuloy ang kwento dahil naunahan na ng luha ang kanyang mga salita.

"Mum, better get some rest. You can no longer open your eyes," sambit ng bunsong anak na na nakaupo sa  likuran ng ina, nakikinig sa kwento ng naka-assign na manager ng kapatid. Napansin nitong inihilig ng ina ang ulo sa balikat ng kausap.

"Hija, hindi rin ako makakatulog ng maayos. I can't stop thinking of what happened to your sister,"

"Atleast try mum. Baka bumagsak ang katawan mo. Please mum, listen to me just this once," pakiusap nito.

Napabuntong-hininga ang ina. Tama rin naman ang anak nito dahil mula ng dumating silang mag-ina ay kahit isang minuto ay kapwa sila walang tulog. 

Tumayo si Celine at nagpaalam sa manager ng yumaong anak. Siya namang pagpasok ng tatlong nakaunipormeng pulis na sa kanila lumapit.

"Goodevening Mrs. Howell. Nakikiramay po kami,"

"Thank you officers. May bagong progress po ba sa kaso ng anak ko?" ito agad ang itinanong ng ina na may malakas na kaba sa kanyang dibdib, maging ang pangalawa nitong anak na nakikinig.

"Maari po bang sa ibang lugar tayo mag-usap?" suhistyon ng pangalawang pulis.

"Follow me officers," pagyaya naman ng bunsong anak patungo sa pantry. Sumunod ang ina,  nagpaiwan naman ang manager upang harapin ang mga bagong dating na kaibigan ng lumisang artista sa industriya.

Maayos namang pinaalis muna ng mga pulis ang mga nag-aasikaso sa loob ng pantry upang bigyan sila ng privacy. Hangga't maaari ay ang pamilya muna ang dapat makaalam sa bagong development ng kasong kanilang hinahawakan.

Nang masiguradong wala nang iba pa na makakarinig at sarado ang pintuan, pinaupo ng mga pulis ang mag-ina.

"Na-trace na po namin ang hinihinalang suspect. Isang black plastic bag ang isinurender sa amin na nakuha sa isang lugar patungong Antipolo ng isang grupo ng mga kabataan. Naglalaman ito ng mga damit, ID at kutsilyong may tuyong dugo. Gumawa kami ng DNA test sa dugo at nagmatch ito kay Ms. Maxine Howell. We traced the name of the man on the ID, Gerald Cuenca,"

"You caught him? Where is he? I want him dead! Gusto kong masentensyahan siya ng kamatayan! Buhay ng anak ko ang kinuha niya, buhay rin ang dapat niyang ibayad!"

----------

If you would notice po, pinalitan ko po ang names ng ibang characters. Uneasy po kasi sa pakiramdam yung mismong mga real life people ang gagamitin ko sa story tapos madedeadz sila. Pano na lang kung nagbabasa ang ating mga lablab tapos.. tapos... NGIIIII!!!! ninerbyos tuloy ako kia kailangan ko pong palitan ang kanilang mga pangalan. 

Curious po ako. Ano po naramdaman ninyo sa chapter na ito?

Vote and comment para malaman ko kung interesting sa inyo ang isang RaStro suspense story. Mejo hindi pa lalabas ang ating rakista. pero malapit na po.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 59 12
Philanthropist and plant genius Jade Del Fuego a.k.a. Julia Alcazar lives happily with her wife Althea in their beautiful home in Punta Fuego. Meanwh...
31.3K 1.7K 32
Being a star is a dream for so many, it can be very beautiful, a passion, but it can also bring troubles, and that's what happened with the younger s...
214K 9.6K 59
Orm Kornnaphat's feelings for Lingling Sirilak have undergone a transformation over time. Initially, at the age of 11, Orm held an unromantic, platon...
2.1M 57.7K 95
On the twelfth hour of October 1st, 1989, 43 women gave birth. It was unusual as none of them had been pregnant since the first day they started. Sir...