“Andito na ko.” sigaw ko sa buong bahay dahil sa sobrang saya ko na nakauwi ako na hindi nagagantihan ng Chris na yun. Behlat na lang ang sa kanya!
Papasok ako ng kwarto ko ng lumabas si Kian sa kwarto nya na kaharap lang ng akin. Sumunod sa kanya ang isang lalaking may bulak sa ilong at masama ang tingin sakin. Patay!
Binigyan ko sila ng mabilis na ngiti at agad pumasok sa kwarto ko at naglock.
Pano ako magdidinner nito? Nakakaiyak namin kasi magoovernight ata sila dito kasi wala namang pasok bukas dahil may tour yung mga prof namin sa araw na yun.
Huminga ako ng malalim at hindi na inintindi pa ang Chris na iyon. Agad kong chineck ang phone ko para tignan kung may Bryle ba na magpapakilig sakin pero sa kasamaang palad ay wala. Facebook, my last resort for tonight para kiligin ako.
Malas siguro ang araw na to dahil wala ding chat galing sa kanya. Online sya, pero di nya ako chinachat. Sinisigurado ko namang naka appear as online ako sa kanya eh pero bakit di nya ako pinapansin. Panay din ang pagpost ko ng status pero di nya man lang ito nilalike. Nakakainis!
Halos maibato ko ang iPad ko sa sobrang inis sa kanya. Online sya, online ako. Naks! Pareho kaming may connection. Boset!
Tumunog ang cellphone ko at agad kong sinagot yung tawag. It was Celest.
Kinakamusta ko sya palagi nitong mga nakaraang araw pero hindi sya nagrereply sakin.
“Hi Kist! I saw you punch C-Chris kanina sa labas ng sc-school. W-what happened?” wag nya sabihin saking mahal pa rin nya ang kupal na Chris na iyon.
“Mahal mo pa rin ba yun?” iritado kong sabi sa kanya ignoring what she just asked me. Alam ko namang hindi ko na kailangang ipamukha pa sa kanya ang totoong kwento nya at ni Chris dahil nasabi na rin yun sa kanya ni Mira pero parang gusto nya atang sabihin ko ulit at isampal sa kanya ang katotohanan na hindi sya minahal ng Chris na yun
“Uh. No no. Hindi. I just want to say 'Thank you'. And, I'm leaving for England in 2 days. Gusto ko sanang makipag meet sa inyo ni Mira bago ako umalis para pormal na magthank you.” ah yun naman pala.
Binaba ko na ang tawag matapos kung um-oo sa gusto nyang lugar at sa kung anong oras.
Hindi ako makatulog sa sobrang inis at depression.
Lumabas ako sa kwarto sa sobrang depression sa ginagawang pang iignore sakin ni Bryle. Patay na ang lahat ng ilaw kaya naman madilim akong naglakad papuntang kitchen para kumain dahil ginugutom na ako. Hindi ko na rin ito binuksan pa para hindi ko na magising ang ibang kasambahay namin.
Cakes and Sandwhiches lang ang nakita ko sa ref. Pagkasara ko ng ref ay may tumulak saakin kaya napasandal ako sa sink. Hindi ako makaalis dahil nakakulong ako sa dalawang braso nya na parehong nakapatong sa sink.
Oh no! Akala ko ay umuwi na si Chris dahil kanina pa tahimik ang kwarto ni Kian.
Aamba akong sisigaw pero nilagay nya ang index finger nya sa bibig ko at, “Shhh.”
Nanliit ang mga mata ko sa kung bakit ako pinapatahimik ng lalaking ito. “Ch-Chris?” tanong ko para sana kumpirmahin kung talaga bang si Chris ito. Bago pa ako ulit makapagsalita ay dumampi na sa labi ko ang isang malambot na labi ng isang diko kilalang lalaki! Fakineng!
Sandali lang iyong kiss na yun pero paralyzed pa rin ang buong katawan ko hanggang sa bitawan nya ako. Bisit! Siguro magnanakaw ito! Letse. Magnanakaw ng halik! Mamaya ay isang bungal na magnanakaw pala ito! Aba nga naman at nakaswerte pa sya ng halik sa akin!
Tinulak ko sya pero masyado syang malakas at hinawakan nya ang braso ko at hinalikan pa ulit ako ng isang beses. Mas matagal kesa sa una at mas madiin na para bang lalamunin ako ng hindi ko kilalang labi na iyon. “I missed you baby” mahinahon nyang bulong. His voice, alam kong narinig ko na ito minsan. Pero kanino?
Agad syang bumitaw sakin at iniwan akong paralyzed sa kawalang hiyaang ginawa nya. Hindi man lang tumama ang liwanag ng buwan sa pwesto naming dalawa para sana ay namukhaan ko sya.
“SIGURADUHIN MO LANG NA GWAPO KA PARA HALIKAN MOKO NG DALAWANG BESES HA?!” sigaw ko na para bang nakatayo ako sa pinakamatayog na bundok dahil pagkalakas lakas nun.
Pero masarap yun. Bisit! Nasarapan pa ako sa kiss ng isang stranger. Imposibleng ordinaryong magnanakaw iyon dahil napakalambot ng labi nya at ang kanyang mga bisig ay hindi kelanman mapapasakamay ng isang pangit na ordinaryong magnanakaw! At ang boses nya na medyo husky ay nababagay sa isang gwapo at hindi sa isang panget na magnanakaw!
Bumukas ang lahat ng ilaw sa bahay at nagsilabasan yung mga kasambahay namin at sina Kian na pareparehong mga gulat sa lakas ng sigaw na ginawa ko. Mukha silang kahuhugot pa lang sa malalim na pagkakahimlay sa pagtulog.
Nakita ko ang paglabas ni Chris at ng iba pang kaibigan nya sa guestroom na hindi naman ganun kalayo sa kwarto ni Kian. So it's not Chris kasi mukha pa syang antok na antok at kakagising lang? Pero bakit ba si Chris ang naisip kong gagawa nun sakin. Galit sya sakin kaya bakit nya ako hahalikan.
Anong oras na ba? Sinulyapan ko ang relo sa kitchen at nakita ko ang nagliliwanag na alas 3 na pala ng madaling araw. Shet!
Humingi ako ng pasensya sa kanilang lahat at agd rin naman silang nagsibalikan sa kaninkanilang tulog. Tinignan ko ang pinto palabas ng bahay pero hindi naman yun nabuksan dahil nakalock pa rin ito mula sa loob. Wala ring malalabasan sa garden maging sa pool area.
So ibig sabihin, ang 'kiss thief' ko ay isa lang sa mga andito sa bahay ngayon. Shet! Mga nakainom ba sila Kian. Leche! Kahit na ba nasarapan ako dun sa kiss, mali pa rin yun dahil hindi ko sya kilala! Ugh! Bwisit!