Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 233

809K 28.5K 31.3K
By eatmore2behappy

A/N: Sa dami ng gusto kong i-author's note. Nakakalimutan ko na yung iba. Hahahaha... Wala na naman ako sa sarili.

Anyway, sa Fb page na po ako mag-post ng link for UD. Thanks.

And thank you so much for this cover JasmKaye

Thank you din po dito ItSMissDoLLy



Tren

Jay-jay's POV

Tulala! Walang kibo!

"Mukang mulala."

Mukang mula—sinong mukang mulala?! Agad kong tinignan ng masama yung nagsabi non. Si Ci-N na may subong ice cream ang bumungad sakin.

"Ako ba sinasabihan mo?"

Umiling sya. "Ayun! Yung magkapatid."

Si Felix at Percy ang tinutukoy nya. Palabas na kami ng kainan ng may bumati sa kanila na kakilala daw ng parents nila. Ayun, napakwento pa ang mga luko.

Nauna kami dito sa parking at hinihintay sila. Tanaw namin sila mula dito dahil sa glass window.

"Grabe ka. Sila na nga nanlibre sayo." Sabi ko sabay cross arm.

Nagpatuloy sya sa pagkain ng ice cream. Tumatapon-tapon pa yon sa gilid ng labi nya. Tumingin ako ng tissue sa bag ko at mabilis na pinunas sa muka nya.

Kalat kasi kumain!

Kinuha nya yon mula sa kamay ko. "Ako na."

Hinayaan ko sya at bumalik ako sa ginagawa ko. Ang pagtitig sa kawalan.  Kanina ko pa kasi iniisip yung mga sinabi ni Felix. Yung nga sinabi nya, parang totoo pero mahirap paniwalaan. May trust issue na yata ako kaya ganito ako mag-isip.

"Jay, penge ulit tissue." Sabi ni Ci.

Binuksan ko ulit ang bag ko at kinuha ang hinihingi nya pero napatigil ako ng may mapansin ako sa loob. Merong kulay pink na sobre.

Inabot ko muna sa Batang Kumag yung hinihingi nya bago kunin yung sobre. Meron pang disenyo ng puso. Pamilyar sakin ang itsura non na para bang nakita at nahawakan ko na rin dati.

De javu na naman.

Binuksan ko yung sobre. Obvious naman na para sa akin yun. Hindi naman siguro mapupunta sa bag ko to kung hindi. Kinuha ko yung laman na mukang stationary.

Isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ng penmanship! Babae'ng-babae.

'Dear Jay-jay,

          Hindi ito isang love letter. Mas tamang sabihin na friendship letter.'

Itinigil ko ang pagbabasa at ibinalik yun sa sobre. Ang korni kasi ng laman. Para akong aantukin na hindi ko maintindihan. Pero kabog na kabog ang ganda ng sulat.

Napatingin ako sa pintuan ng kainan ng lumabas ang magkapatid. Nakasimangot ang Percy pero nakangiti naman si Felix.

"Kainis! Bakit kasi ang gwapo ko?!" Inis na sabi nitong Baliw na Blue eyes.

Yung totoo?! Naiinis ba talaga?!

Salubong na salubong pa ang kilay nya habang kinakapa ang susi ng kotse sa bulsa nya. Napapailing nalang si Felix habang tumatawa.

"Bakit?" Tanung ni Ci-N.

"Pinipilit kasi sya nung Kumare ni Mama na makipag-date sa anak nya." Tinapik nya sa balikat ni Percy na mabilis naman nitong sinage. "...interesado daw kasi sa mga Zombie yun."

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Felix at Ci-N. Mabilis silang tinignan ni Percy ng masama. Kahit ako natatawa na rin sa ideya na Zombie si Percy. Luko din pala ang Kumare ng Mama nila.

"Gusto nyo maglakad pauwi?" Banta ni Percy sa dalawa at unti-unti naman silang tumigil.

Napailing nalang ako. Binuksan nya ang pinto ng kotse kaya agad na rin kaming sumakay. Nay panaka-naka parong pagtawa yung dalawa.

"Tara na Zombie lord." Pang-aasar ko.

Padabog nyang sinara ang pinto. "Hindi ako zombie! Hindi mo ba gets? Ang gwapo ko para maging zombie!"

Pigil ang tawa ko sa backseat. Ipipilit talaga nya yung salitang 'Gwapo sya'. Lakas maka-luko! Baliw talaga sya.

"...Kapag naging zombie ako, marami'ng babae ang papakagat sakin dahil sa kagwapuhan ko!" Pagpapatuloy nya habang kinakabit ang seatbelt.

"Ang lakas ng aircon!" Parinig ni Ci at kuwaring tumapat sa aircon ng kotse habang nakatawa.

"Gusto mong bumaba?" Sarcastic na tanung ni Percy sa kanya. "...nang aano ka eh! I haven't start the engine! Ang lakas ng aircon ka diyan!"

Hindi yan aircon! Bagyo yan, bagyo!

Pinaandar nya ang kotse at halatang inis na inis pa rin. Samantalang kaming tatlo may panaka-nakang tawanan. Lalu na ng umarteng zombie si Ci-N.

Tumitirik-tirik pa ang mata nya sabay lawit ng dila. Kinagat ko na ang labi ko para lang wag matawa ng malakas. May pagkakataong lumilingon samin si Felix at pasimpleng pagtatawanan si Ci.

"Anu yan?! Bakit kayo nagtatawanan?!" Inis na tanung ni Percy.

"Wala. Mag-drive ka nalang." Nakatawang sagot ni Felix.

Sandaling huminto ang kotse dahil sa traffic light. Napatingin ako sa labas ng bintana. Para kasing iba ang daan na tinatahak namin. Ang alam ko kasi uuwi na kami.

Hala! Saan naman kami pupunta?

"Akala ko ba uuwi na? Bakit parang ibang direksyon to?" Tanung ko habang patuloy sa pagtingin sa labas.

"Sinong may sabing uuwi na?" Sabi ni Felix at ngumiti sakin. "...hindi pa kaya tapos date natin."

Napangiwi ako. Ang tindi ng taong to! Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko kanina ko pa sya minura.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Isang text message ang dumating galing kay Yuri.

From: Pres.Yuri
Message: Kamusta? Enjoying ur date with Felix?

Inedit ko na nga pala ang pangalan nya. Dinagdagan ko na ng 'Pres.' ibig sabihin President. Kasi nga sya ang Presidente ng club namin. Nag-type agad ako ng reply sa kanya.

To: Pres.Yuri
Message: ays lng. Hnd maxdo. Kasma nga pla namin sila Ci-N at Percy.
(Ayos lang. Hindi masyado. Kasama nga pala namin sila Ci-N at Percy.)

Wala pang isang minuto ng sumagot sya.

From: Pres.Yuri
Message: Hindi ka enjoy dahil may kasama kayo? 😲😲

Muntik na kong matawa dahil don sa emoji nya na parang gulat na gulat nga sya. Nakangiti akong nagreply sa kanya.

To: Pres.Yuri
Message: Hnd yn! Naiilang ksi ako.
(Hindi yun! Naiilang kasi ako.)

From: Pres.Yuri
Message: ahh... Akala ko naman dahil may kasama kayong dalawa. Nag-seselos na nga ako ih. 😧😧

Umiling ako habang nakangiti. Feeling jowa ang luko. Kaya din siguro nagtext sya dahil hindi sya mapakali.

Yureng seloso...

To: Pres.Yuri
Message: Tsk! Pra mtahimk ka, si Ci-N ang ktabi ko ngyon.
(Tsk! Para matahimik ka, si Ci-N ang katabi ko ngayon.)

From: Pres.Yuri
Message: 😥😥

To: Pres.Yuri
Message: 😒😒

From: Pres.Yuri
Message: 😙😙

Magt-type na sana ako ng irereply sa kanya ng may naramdaman akong presensya ng tao sa balikat ko. Tinignan ko ng masama si Ci-N na kasalukuyang nakiki-basa ng message sa cellphone ko.

At mukang hindi pa nakakahalata ang luko. Nakadungaw pa rin sa hawak ko. Sinubukan kong ilayo ang cellphone ko pero nakasunod pa rin ang mata nya.

Ang tindi ng bata'ng to! Solid sa pakiki-usyoso.

Sa inis ko, dinukdok ko yung phone sa mismon muka nya.

"Ayan na! Kingina! Saksak mo sa mata mo! Nakakahiya sa pakiki-usyoso mo!" Inis na sabi ko.

Nakatawa naman sya sakin ng alisin ko ang cellphone sa muka nya. Ngumu-nguso-nguso pa sya habang naka-peace sign sa daliri.

Sarap kutusan minsan.

"Sino ba kasi yang katext mo?" Tanung nya pa.

Napatingin ako sa rearview mirror at sakto namang nakatingin din dun si Percy. Umiwas ako agad at bahagyang umubo para iklaro ang lalamunan ko.

"Wala."

Hinawakan ko ng mahigpit ang phone ko. Ayaw nga pala ni Percy na nababanggit si Yuri. Habang tumatagal parang lalong tumitindi ang galit nya sa dating kaibigan.

Sinusubukan kong alamin ang tunay na dahilan pero naging mailap lang syang sakin. Kundi iiwas o iibahin ang usapan, magagalit sya na parang kinasusuklaman nya pang banggitin ang katotohanan.

Pero kung hindi nya sasabihin, hindi ko maiintidihan.

Pakiramdam ko hindi lang to basta issue nung sa kanila ni Freya. Alam ko, higit pa don. Kung anu man yon, sana hindi maging dahilan yon ng bagong kaguluhan saming lahat.

Muling tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Yuri ulit ang nagtext sakin pero ibang pangalan na ang bumungad sakin.

From: GagongBaliw
Message: busy?

Muka mo busy!

Eto pa isang misteryo sa buhay ko. Malakas ang kutob ko! Sobrang lakas ng kutob ko! Malakas ang kutob ko na ang taong to ay konektado sa Hari ng mga Ulupong.

Hindi ko sya nireplayan. May mga ilang bagay akong hinihintay na gawin ng bwisit na to. Yung mga bagay na yon ang magbibigay daan para mahuli ko sya.

"Andito na tayo!" Announce ni Felix.

Tinignan ko yung tinitignan nila sa labas ng kotse. Ang isa sa pinaka-malaking Arcade dito sa lugar namin.

Game House!

Pinarada ni Percy ang kotse sa harap ng building. Halatang excited ang Batang Kumag. Nauna pa kasi sya'ng bumaba at parang kilig na kilig habang nakaturo sa building ng Game House.

"Tara na! Pasok na tayo! Egzoyted na me!" Sabi nya.

Kamot batok ako habang palabas ng kotse. Lumalabas na naman kasi ang pagiging bata nya. Nag-birthday na sya dapat +1 na rin ang utak nya pero parang naging -1.

"Bakit ba kasi natin sinama yan?" Bulong ni Percy.

"Ayaw mo ba? Sige. Uuwi na kami." Banta ko at agad naman syang umiling habang nakangiti.

"Joke lang yun. Joke."

Inirapan ko sya bago maglakad palapit kay Ci na kasalukuyang nasa entrance na. Nakadikit na ang muka nya sa glass door. Hinawakan ko sya sa ulo at inaya ng pumasok.

Atat na atat ang luko muntik pa syang makatama ng pinto. Buti nalang naka-iwas yung lalaki. Humingi nalang ako ng pasensya para wala ng usap.

Malaki ang lugar na nahahati sa tatlo. Playground para sa mga bata, arcade para sa matatanda at bilihan ng mga pagkain, laruan at damit.

Bangis! Langit ang lugar na to para sa mga dakilang tambay.

"Wow! Ang laki pala." Komento nila Felix na nasa likod ko.

"Jay-jay!" Tawag sakin ni Ci-N habang kumakaway. "...sakay tayo dito!"

Naglakad ako palapit sa kanya para makita ang tinuturo mo. Yung train na ginagamit sa mga mall para makapasyal ang sinasabi nya. Pero hindi na yon pwede samin—hindi na kami kakasya.

Nakatingin samin ang ilang kabataang sasakay sa train. Nagtataka siguro kung bakit gusto pa naming sumakay don kahit ang laki namin.

Muka kaming ewan pagnagkataon.

"Ci... Anu... H-hindi kasi tayo pwede dyan." Alanganing sabi ko.

Agad na nag-iba ang expression ng muka nya. Bagsak ang balikat nyang nakatingin sakin.

"Hala... Mukang iiyak yung bata." Dinig kong pang-aasar ni Percy na nasa malapit lang.

"Kawawa naman..." Gatong ni Felix.

Agad ko sila dinuro at tinignan ng may pagbabanta. Ang lakas nilang mang-asar eh kung tulungan kaya nila akong ipaliwanag kay Ci-n yung salitang hindi pwede.

Hinarap ko ulit si Ci at ganun nalang ang gulat ko ng makita nangingilid na ang luha nya. Nakanguso pa na para talagang bata. Confirm!

Umurong talaga ang pag-iisip nya.

"Ci-N. Ang tanda mo na para—." Hindi ko na natuloy ang sasabihim dahil paghikbi nya.

Haizt! Hindi ako makapaniwala na gagawin ko to. Pero hindi naman pwede na ako lang ang magmukang ewan dito.

"Oo na. Oo na. Sasakay na." Bored na sabi ko.

Nagpapalakpak pa sya sa sobrang tuwa habang nagtata-talon. Napapailing nalang ako.

"Sa isang kondisyon." Dagdag ko na nagpatigil sa kanya. "...dapat kasama din sila."

Tumingon sa gawi ng dalawang luko-luko. Nangungulangot pa si Percy ng tumingin din sila sa gawi namin. Sinenyasan ko silang lumapit.

"Bakit?" Tanung nya sabay pitik sa daliri na ginamit nyang panungkit ng mahiwagang kayamanan sa kweba.

Sala-ola naman!

"Sasakay TAYO, dito." Pinaka-diinan ko talaga yung salita'ng tayo.

"Wala namang Tayo." Sagot ni Felix.

"Gusto mong sikmuraan kita?" Banta ko.

"Sakay na tayo! Dali! Aalis na!" Pangungulit ni Ci.

"Ikaw nalang. Wag mo na kami isama!" Sabi ni Percy.

"Gusto ko kasama Jay-jay."

"Eh gusto ko kayong kasama." Patukoy ko sa dalawa.

Hinarap ni Percy si Felix at tinapik sa balikat. "Samahan mo na."

Nagsalubong ang kilay ni Felix at tinignan ng masama si Percy. "KAYO daw. Ibig sabihin hindi lang isang tao."

Patuloy sa pagtatalo yung dalawa. Binulungan ko si Ci na bumili na ng ticket para sa aming apat. Nang makahanap na sya ng pwesto mabilis akong pumwesto sa likod nung dalawa at buong lakas silang tinulak.

"T-teka lang! Hindi kami sasakay dyan!" Reklamo ni Percy.

Pilit ko silang tinutulak papasok sa bagon ng tren. Wala silang nagawa dahil sa sikip ng entrance. Nang makapasok sila sa loob don lang din ako sumakay at pumwesto malapit sa dalawa para hindi sila maka-takas.

Baka kasi bigla nalang silang tumalon. Akala ko kasama namin si Ci-N pero ng hanapin ko sya, nasa tabi sya ng driver sa harap namin. Mukang walang nagawa yung lalaki sa kanya. Kamot ulo nalang kasi ang nagawa nito habang nakatingin sa Batang Kumag.

"Bakit kasi kasama pa kami?" Inis na sabi ni Felix.

"Sino ba nagpasimula ng date na to?"

"Nakakahiya kaya sumakay dito. Pang-bata lang to."

"Bakit nga ba kasi dito nyo kami dinala?"

"Sabi ni Percy.... Gusto mo daw yung sa Arcade."

Mabilis kong tinignan si Percy na kunot ang noo. "Sino may sabi na gusto ko sa Arcade?"

Sa halip na sumagot ngumiti lang ng malapad sakin ang Gago. Gusto ko sya sikmuraan ng matindi.

Saan naman kaya nya nakuha ang ideyang yun?

Narinig namin ang malakas na pagtunog ng bell. Indikasyon na aandar na yung tren. Natawa pa ko dahil si Ci-N ang nagpapatunog non.

"Aandar na!" Sigaw nya.

Halos sabay-sabay kami nila Felix at Percy na yumuko. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao kasabay ng pagtatawanan. Hindi ko naman sila masisisi. Nakakahiya talaga ang mga itsura namin.

"Kasalanan mo to Jay." Sabi ni Percy sakin sabay takip ng kamay sa muka.

"Kasalanan nyo! Alam nyo'ng may kasama tayong bata tapos dito nyo kami dinala!" Inis na sagot ko.

Ang masakit pa nito saksakan ng bagal ang takbo ng tren. Mas mabilis pa yata akong gumapang.

Gapang na! Bilis!

Matapos na sana ang kahihiyan na to. Buti pa si Ci-N enjoy na enjoy dun sa tabi ng driver. May pakaway-kaway pang nalalaman. Dinaig pa ang artistang may pa-motor-trade.

Mas lalu kaming lumubog sa kahihiyan ng dumaan kami sa Arcade. Puro mga highschool student ang andon. Mabilis kaming pinag-tinginan at pinagtawanan.

Bwisit! Kainis!

May ilang minuto pa kaming nakayuko bago huminto ang tren. Kanya-kanya kami ng talon palabas ng bagon. Bahagya kaming lumayo at halos sabay-sabay na nag-cross arm.

Hinintay namin si Ci-N na tuwang-tuwa at parang ayaw ng bumaba.

"Isa pa!" Bungad nya samin.

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi."

"Ay. Isa nalang. Please!"

"Tama na." Inis na sabi ni Felix. "...Baka mawalan na kami ng dignidad."

Kamot batok naman si Ci habang nakanguso. Naglakad na kami papunta sa Arcade dahil yun naman daw talaga ang dapat na pupuntahan namin at hindi ang pagsakay sa lintik na tren na yan.

Si Percy ang bumili ng card para samin. Pinalagyan na rin nya ng load yun na gagamitin namin pambayad sa mga games.

Nakasimangot sya'ng inabot samin ang mga card. Pati sya meron din.

Mabilis na pinuntahan ni Ci-N yung mga games na ticket ang premyo. Iipunin daw nya kapalit ng stuffed toy na nakita nyang nakadisplay.

Maraming games na pwedeng pagpilian pero pinuntahan ko agad yung basketball. Puro mga lalaki ang naglalaro pero wala akong pakialam. Hindi naman sila ang pinunta ko don.

Paki ko sa inyo!

Sinwipe ko ang yung card at sinumulang maglaro. Panay ang bato ko ng bola. Nasa second round na ko ng may mapansin ako sa gilid ko.

Yung grupo ng mga kalalakihan na naglalaro kanina panay ang tawanan habang nakatingin sakin. Bahagya akong lumingon sa kanila. Ganun nalang ang inis ko ng makita kong ginagaya nila ang dibdib ko.

Aarte silang may dibdib din gamit ang kamay at kuwaring tatalbog yun. Magtatawanan sila habang tinuturo ako. Napailing ako sa inis.

Hindi gulo ang pinunta ko dito pero mukang yun ang makukuha ko.

Akmang isho-shoot ko na ang huling bola ng umarte akong dumalas sa kamay ko yon, pero pasimple kong binato sa kanila yung bola. Tumama dun sa muka nung isa.

"Ay sorry... Hindi ko sadya." Kuwaring paghingi ko ng pasensya.

"Mag-ingat ka naman!" Inis na sabi sakin nung isa.

Binalik nila sakin yung bola. Ngumiti naman ako sa kanila at nagpasalamat. Hindi pa ko nakaka-balik sa pwesto ko kanina ng muli silang magsalita.

"Type mo yata kami eh!" Sabi nung isa at nagtawanan sila.

Type?! Parang babaliktad ata ang sikmura ko.

Tinaasan ko sila ng isang kilay. "Excuse me?"

"Wag ka na magpakipot. Sabihin mo nalang kung gusto mo isa sa amin."

Natawa nalang ako sa sinabi nila. Mala-Percy din pala ang mga to pero panget na version sila.

"Ang galing. Nahulaan nyo." Nakangiting sabi ko.

Kamag-anak nila si Madam Auring.

Mabilis na nagngitian ang mga luko sabay apir ng kamay sa isa't-isa. Mahigpit ang naging hawak ko sa bola.

"Sino ba samin? Turo mo na." Mayabang na sabi nung isa.

"Type ko kayong lahat..." Nawala ang ngiti ko. "...Type kong basagin ang mga muka nyo!"

Buong lakas kong binato ang bola sa isa sa kanila. Sapul sa muka! Mabilis na nagkagulo ang mga tao at pinagtinginan kami.

"Gago ka!" Mura nung isa sakin.

Nilapitan nila ang kasama nila'ng nakahiga na sa sahig. Pinilit nila syang itayo. Ganun nalang ang taranta nila ng makitang puro dugo ang kasama nila.

"Shit Pre! Ang daming dugo!" Sigaw nung isa.

"Tang'na mo! Anung problema mo?!" Sigaw sakin nung isa.

Akmang lalapit na sya sakin pero mabilis na humarang sa kanya ang isang malaking katawan. Masyado'ng matangkad si Felix para sa kanila.

"Nagagalit ka sa ginawa nya sa tropa nyo? Eh panu yung pangbabastos nyo sa kanya?" Panunumbat ni Felix.

Kanina pa sya dyan? Pati yung pang-ba-bastos alam nya.

Hindi nakapalag yung mga lalaki, lalu na ng lumapit si Percy sa tabi ni Felix halos magkasing laki ang dalawa. Magkasing-angas at halos parehas ng dating.

"May problema ba dito?" Kuwaring tanung ni Percy.

Unti-unti'ng umiling yung mga lalaki. Taranta silang binuhat yung kasama nila at umalis sa harap namin. Narinig ko pang nagtawanan ang tao sa paligid.

Hinarap ako nung dalawa. "Ayos ka lang."

Nag-nod ako at napatingin kay Felix. Nakangiti sya sakin na parang nagsasabi na okay na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero kusa din akong napangiti sa kanya.

"S-salamat." Sabi ko sabay yuko.

Naramdaman ko ang kamay nya na pumatong sa ulo ko. "Lakas mo magsimula ng gulo."

Natawa nalang ako bigla dahil sa sinabi nya. Ganun din sya. At sa simpleng tawanan namin na yon, parang bahagyang gumaan ang lahat samin.






++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 54.8K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
114K 5.7K 73
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
554K 20.3K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...