Tina's POV
pagdating ko sa bahay, naabutan ko si bes na nanunuod ng TV. wow feeling madam ah.
"hi bes!" bati niya sa akin na hindi tumitingin dahil focus na focus sa panunuod ng SPONGEBOB SQUAREPANTS! favorite niya talaga yon.
"hello, ba't ka nandito? anong meron?"-tanong ko
"wala. overnight again! kase non nag-overnight ako didto, iyak ka ng iyak kaya hindi tayo nakapag-bonding! ^.-
"ah ganon! punta tayo sa taas. patayin mo na yang TV, marami akong i-chika sa yo"-sabi ko
pumanhik kami sa kwarto ko saka nag-ayos. Umupo kami dalawa sa kama ko saka nag-kwentuhan.
"bes, alam mo ba niyaya ako ni Niel mag-picnic bukas :)("-ako
"e ba't masaya ka na parang nalulungkot?"-tanong niya
"syempre, gusto ko na siyang iwasan tapos masaya naman ako dahil niyaya niya ako."-sagot ko
"ah ganon? so ano update nyo ni Ian?"-bes
"wala. nanliligaw lang sya."-ako
"nanliligaw LANG? may LANG pa talaga?"-bes
"oo, kasi saq katunayan nga marami akong manliligaw pero hindi naman nagpapakita, kaya sanay na sanay na ako sa mga ganung bagay!"- ako
"wow feeler much ang peg mo? marami daw manliligaw. manliligaw ba ang hindi nagpapakita? baka sabihin mo NALIGAW hindi MANLILIGAW!"-sabi ni bes
"k.fine. paano na yan bes? anong gagawin ko bukas?"-ako
"wala lang. sumama ka lang sa kaniya. tapos i-chika mo sa akin yung nagyari ha."-bes
"ok. sige tulog na tayo! goodnight bes"-sabi ko
"night rin"-bes.
welcome to my dreamworld again!! kung saan masaya ako. walang hadlang :) :) excited na ko. goodnight!!!
ZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!!!!
---
"bie?" - tawag ko kay Niel
"bie? bie nasan ka?"- tawag ko ulit. naglalakad lang ako ng biglang may nakabangga sa akin. pagkalingon ko..
"IAN??"-sigaw ko ba't sya nandito?
"nasan si bie?"-tanong ko sa kaniya
"bakit siya yung pinili mo Tina? minahal kita at mahal pa rin kita? bakit siya pa?"-sabi niya sa akin habang pumapatak yung luha nya.
"mahal ko sya! at hindi ikaw ang mahal ko! hindi ikaw Niel! umalis ka dito!"-sigaw ko sa kaniya
"wala akong pakealam kung siya yung mahal mo! ang sa akin lang, walang sinuman ang pwedeng mang-agaw ng babaeng mahal ko, at ikaw yun Tina! ikaw yun!"-sabi ni ian at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit
"BIE! BIE! BIE! BIE TULO--"
---
"BES! GISING BES!"- sigaw ni bes sa akin
"bes anong nangyari sa yo? ba't sigaw ka ng sigaw? at sino si Bie?" tanong ni bes
"bes! huhuhuhuhuhu bes! si bie! nawawala! bes!"-sabi ko kay bes habang humahagulgol sa pag-iyak.
"bes nananaginip ka lang! wag kang mag-alala nandito ako!" -bes
huhuhuhuhuhu. nawawala si bie! at bakit nandon si ian sa panaginip ko? akala ko pa naman masaya na ako sa dreamworld ko! yun pala may epal! kainis naman oh!!!
---
"bes gising na! mag-aalas syete na! bes!" -bes
"uhmmmm"-ako
"bes nagtext na si Niel sa yo oh!"-sabi niya at dali-dali naman akong bumangon.
"anong sabi?"-tanong ko
"aba malay ko? may password cellphone mo eh!"-sagot niya
-
FROM: NIEL <3
Tina sa park. 5:00 sa hapon. :)
TO: NIEL <3
Ok. :)
---
Niel's POV
malapit ng mag-alas singko. pumunta na ako sa park at hinanda ang mga pagkain. after 15 mins, dumatng na si Tina. sayang lang talaga, hindi si Mauleen ang kasama ko. hayaan na nga! at least may kasama ako.
"hi tina! salamat sa pagsama sa akin :)" bati ko sa kaniya
"hi din :) NP" bati niya rin. maganda rin si tina. naka-simple t-shirt lang siya at naka-jeans.
"upo tayo"-ako
"uhm tina, tungkol kay Mauleen, hindi ba siya mahilig sa dates?" tanong ko
"ewan ko" mataray niyang sagot. aba! mataray din pala toh?
"mataray ka din pala minsan? hahahhaha"-sabi ko
"eh sino bang hindi magiging mataray kung ang topic lang naten ay si Mauleen, kakadating ko lang, Mauleen agad! hmp!"-may binulong siya hindi ko marinig.
"ano?" tanong ko
"wala sabi ko, MASANAY KA NA!"- grabe nakakatawa yung mukha niya.
"anong nakakatawa?"-tanong niya
"eh kararating mo lang, init agad ng ulo mo!"- ako
"hmp! sige na nga. mabait na po ako! SORRY PO!" sabi niya at ginaya niya pa si chichay sa G2B.
"nakakatawa ka rin pala! hahahahhahahahha!"-ako
"kay pine! uhm. Niel ba't ba gusto mong magpasama?"-tanong niya
"mood swings? kanina mataray, ngayon mabait? okay seryoso na. kase gusto ko sanang panoorin yung sunset kasama si Mauleen pero bawal siya, edi ikaw kasama ko."-sagot ko
"ah. kung gusto mo pilitin ko si mauleen MO! at uuwi na lang ako!"-sabi niya
"huwag na nandidto ka rin naman eh. enjoy lang naten toh!"-ako
"sige kain na tayo! ano gusto mo?" - yaya ko sa kaniya
"sandwich na lang saka tubig"-siya
"okay. eto oh" sabi ko sabay abot ng sandwich
habang kumakain kami, hindi ko mapigilang tumingin sa kaniya. ganda niya pala! ang haba ng pilik mata ang tangos ng ilong tapos ang labi niya.... mapula pula! ay! ano ba yang sinasabi ko! palubog na ang araw. ang ganda ng feeling.
"ang ganda noh?!" sabi niya. napatingin ulit ako sa kaniya habang tumitingin siya sa araw. grabe ang ganda niya talaga. tumingin rin siya sa akin. mas gumaganda siya kapag nakangiti :) hindi ko namalayan palapit ng palapit na ang mukha namin.... hala! ano tong ginagawa ko. ititigil ko na sana ngunit pumikit sya. na-te-tempt na naman ako. at paglapit ko sa kaniya hinawakan ko lang ang kaniyang mukha sa ipinaglapit ang aming mga labi. ang sarap ng labi niya! ang lambot lambot pa. inilagay niya ang kaniyang kamay sa batok ko at gumanti ng halik.. saka pinalapit ko pa siya sa akin.
hanggang sa natauhan siguro siya, itinigil niya ang halik at umiwas ng tingin >_>
"sorry! sorry tina! hindi ko sinasadya!"- hingi ko ng tawad sa kaniya
"..."-tina
"tina, galit ka ba sa akin?"-tanong ko
"..."-tina
"kung galit ka, sampalin mo ko, sabunutan. sorry talaga tina!"-sabi ko
sa wakas at nagsalita na siya. "Niel ba't mo yun ginawa?"-tanong niya
"sorry talaga Tina! hindi ko naman sinasadya. at hindi ko rin alam kung ba't ko yun ginawa."-pagdadahilan ko.
"sorry rin kung gumati ako."-tina
"no tina! it's my fault. i'm so sorry."-ako
"eh pano na kung malaman to ni Mauleen na nililigawan mo?"- tina
"sa totoo lang, sabi niya si Ian and gusto niya, hindi ako. nasaktan nga ako nung sinabi niya yon sa akin. ok lang, hindi naman ako titigil sa kaniya."-sabi ko
"ah. ganon ba? sa totoo lang Niel. uhmmm ano--"-tina
"ano?"-tanong ko
"Ikaw yung gusto ko."-sabi ni tina na umiiwas ng tingin >_>
huh? ako? gusto niya? kailan? paano? bakit?
"ako talaga?"-ako
"oo kaya nga sobrang nasaktan rin ako nung sinabi mong si Mauleen yung gusto mo :("-tina
grabe pala. gusto ko si mauleen, gusto ni mauleen si ian, gusto ni ian si tina tapos gusto ni tina ako?? parang cycle lang ah! >_<
"sorry tina kung nasaktan kita." sabi ko
"ok lang. nasaktan karin naman eh" -sabi niya habang pumapatak na luha luha. hindi ko na napigilan pinunasan ko yun gamit ang daliri ko saka ko siya tiningnan. ang ganda niya pa rin kahit umiiyak :) kiniss ko yung mga luha niya na pumapatak.
"Tina, sorry talaga. pwede pa rin ba tayong maging friends na walang awkward feeling?"-tanong ko
tumango lang siya. umiwas na ako ng tingin kase na-te-tempt ulit akong halikan siya. pero hinawakan ni tina yung mukha ko saka ko siya tiningnan.
"kahit anong mangyare ikaw pa rin ang gusto ko"- sabi niya sabay halik sa akin. hinwakan ko ang kaniyang bewang saka gumanti ng halik.
pagkatapos non. umalis na si Tina habang tumatakbo.
sorry tina....
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
umamin na si Tina!!! abangan po kung ano ang mangyayari sa lovelife nila!
happyending? maybe.
comment and vote po kayo
love yah
_babeskienulada_