Her Mystery Man

By jazlykdat

6.1M 133K 2.5K

"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..."... More

Her Mystery Man
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty-Five
Chapter-Twenty Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty-Eight (1)
Chapter Thirty-Eight (2)
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
EPILOGUE (1)
EPILOGUE (2)
Zachia Randall's Story

Chapter One

214K 3.9K 121
By jazlykdat

"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..."

I flipped the picture at biglang nanindig ang mga balahibo ko.

It's a picture of a teenager playing a violin. Nakapikit ito. At kahit nakapikit, alam kong ako yun. I know kuha iyon nung violin recital namin nung high school.

Lumabas ako ng room hawak-hawak ang litrato. Sakto namang pagdating nina papa na may kasamang mga trabahador para ilabas ang mga kasangkapan sa loob ng bahay.

"Dad, kanino niyo nabili ang bahay na to?"-agad kong tanong. Nagtatakang tingin naman ang ipinukol nina mama at kuya.

"Mr. and Mrs. Jose Villacorta, Why?"-ganting tanong nito.

"How old are they?"

"In their early 70's, I guess..."

"Bakit kasi?"-singit naman ni Kuya.

"Uhm," I looked at the picture na hawak ko. Nagulat ako dahil inagaw ito ng kuya ko.

"What's this?" tinitigan niya ang picture at nagulat ng makilala ito.

"Ikaw ito ah...wow! Saan mo nakita?" bulalas niya.

"Sa loob ng room"-sagot ko naman. Tiningnan din ito nila Mama at Papa.

"Baka naman may crush sayo dati yung anak nila, lil sis!"- tudyo ni kuya. Inirapan ko naman ito. Wala naman kasi akong kakilalang Villacorta. At wala akong maalala na may naging classmate akong ganun ang apelyido.

"Ang alam ko matatanda na ang mga anak nila, baka apo nila."-dagdag ni Papa.

"Dapat makilala natin ang may-ari niyan lil sis, malay mo siya pala ang destiny mo."

"Kuya naman eh!"

"Pabayaan mo nga yang kapatid mo Niccolo para kang bata. Pero dad kontakin natin sila itanong natin kung kaninong kwarto yun para naman magkalove-life na itong si Nicasia."-dagdag ni mama at humagikhik pa.

"Ma, naman eh!"

"Oh bakit? Isang taon ka ng walang boyfriend hanggang ngayon ba di ka pa rin nakakamove on?"

"Ihhh, naman eh!" Lumabas na lang ako sa bahay at nagpahangin sa labas dahil alam kong hindi na naman ako titigilan nina Mama at kuya. Sa kanya nagmana yun ng pagiging sutil eh. Alam ko pag di ako umalis makikisali rin si papa. Ganun talaga kami or sila lang.hehehe

Ang tinutukoy ni Mama ay si Jed, yung ex-bf kong walanghiya. Minahal ko kasi iyon, binigay ko lahat pati pera't kaluluwa ko pero minsan nahuli ko siyang may ka-sex sa condo niya. Pero wala na yun sa akin. Naka-move on na ako, wala namang saysay kung iipunin ko ang galit ko. At least, I'm wiser now, ayoko na sa mga tulad niyang puro kayabangan at sex lang ang alam. Actually, mabait at sweet naman si Jed dati kaso nung isinuko ko na ang inaasam-asam niya bigla na lang siyang naging cold. Pinagsabihan na ako dati ng Bestfriend kong si Zebedee pero di ko siya pinakinggan.

I looked at the picture. Kanino nga kaya ito? Wala talaga akong classmate nun or batchmate na Villacorta eh. Icheck ko na lang sa Annual book ko nung high school.

Maya-maya lumabas na rin sila at nagpasya kaming bumalik na ng Maynila pagkatapos pagplanuhan ang lahat. Si Kuya na lang ang bahalang magpadala ng mga workers para masimulan na ang construction by tomorrow.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Ba't ka sumunod dito?"-tanong ni Papa nang lumabas ako ng kotse. Sumunod kasi ako sa kanila sa condo nila. Napangiti naman ako.

"May kukunin lang po." sagot ko naman at nauna ng naglakad papasok sa elevator. Pagkarating namin sa unit, agad kong hinanap ang Annual book ko sa cabinet.

"Sige ma, una na ako."

Nagtatakang tingin naman ang ipinukol nila sa akin pero nginitian ko lang sila at tuluyan ng lumabas ng condo.

Pagpasok ko sa kotse, agad kong binuksan ang Annual book ko. Wala talagang ganun ang apelyido sa kahit na sinong batchmate ko.

"Hmp! Bakit ko ba pag-aaksayahan ng panahon yan!"-bulong ko sa sarili sabay ipit ng litrato sa libro at ibinato sa may upuan sa likod ng kotse ko.

Nagpasya akong pumunta na lang ng shop ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Good Morning Beautiful!!!" nakangiting bati ni Zebedee papasok dito sa maliit na office ko sa music shop.

"Hi, Morning Bebe!" Ang guwapo talaga nitong si Zeb kaso he's gay. Matangkad, matangos ang ilong, mapangusap na mata parang si BB Gandanghari noong lalaki pa siya. He has been my bestfriend since college. We were classmates at dahil bubbly siya, madali akong napalapit sa kanya. Pero lalaki pa rin siyang pumorma dahil hindi tanggap ng family niya lalo na ng lolo niya. Kahit sa Amerika nakatira ang grandparents niya, takot pa rin siyang baka may makakita sa kanya at isumbong siya.

I call him bebe, dati zebe kaso dahil bading siya mas bet niya ang bebe. Hehehe

"Dumaan ako kahapon, wala ka naman."-nakapout nitong sabi.

Napatawa naman ako.

"Huwag ka ngang magpout, hindi bagay...ang guwapo mong tingnan tas ganyan ka."

Mas lalo naman itong nagpout.

"Hindi ako guwapo 'no, maganda! Maganda okay!" at pinandilatan pa ako ng loka at umikot pa na parang model.

Napatawa na lang ulit ako.

"Haha, ang sagwa bebe!"

"Heh! Tumigil ka nga!"-irap niya

"Ok, bakit ka napadaan?"

"Well, about that, I wanna celebrate kasi tuloy na ang pagpapatayo ko ng isa pang branch ng restaurant ko."

"Really?! Wow good for you!"-businessman din kasi ang isang to pero sariling sikap niya lahat, mayaman ang family nila pero ayaw niyang umasa sa kanila para pag dumating ang time na ilalabas niya ang totoo niyang gender preference, wala silang maaring isumbat sa kanya.

"Yup! Magiging busy na rin kasi ako kaya kailangan ko ng energy, sister!"

"Alam ko na naman yang balak mo, ipapain mo na naman ako sa mga lalaki."

Napangiti lang ito at hinaplos ang mga kamay ko na nakapatong sa table. Alam ko kapag ganyan yan naglalambing na naman.

"Sige na sis, payag ka na matagal na akong walang lovelife eh."

"Hmm, alam mo namang ayaw ko nang pumasok sa bar di ba?"

"Sige na sis..."nagpuppy eyes pa ito.

"Ikaw talaga!" I pinched his nose.

"Ouch! Kung ayaw, hindi mo naman ako kailangang saktan!"-pag-iinarte nito.

"Bakit hindi naman masakit ah."-depensa ko.

"Kala ko ba nakamove-on kana? Bat ayaw mo nang magparty-party?"

"Ayoko lang kasi dun, ang ingay-ingay."-paliwanag ko

"Hmp! Dati naman gustung-gusto mo, nagbreak lang kayo ng Jed na yun, ayaw mo nang pumunta sa lahat ng pinupuntahan niyo dati."

"Ok na, oo na, dami mong sinabi!"

"Really, wow thanks!" napapalakpak nitong sabi sabay halik sa pisngi ko.

"Oh, natotomboy ka na naman sa akin!"biro ko.

"Like, ewww! Kita nalang tayo mamaya, tawagan kita pag andun na ako tas sunod ka ha..."

Tuluyan na itong lumabas. Kung hindi lang talaga siya bakla, malamang nain-love na ako sa kanya. Sa katunayan pag may pinupuntahan kaming ibang lugar pinagtitinginan siya ng mga babae na kalaunan ay iniirapan lang niya.

Napapailing na lang akong ibinalik sa binabasa kong libro ang mga mata ko. Hahaha Wala kasi akong magawa. Basa-basa lang muna.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
39K 1.3K 30
Silent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama
989K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.