A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

26. Devastated

17.2K 488 62
By skycharm24

Sana kapag masasaktan tayo may warning. Yong tipong " hoyyy gago bukas masasaktan ka!" para kahit pano alam natin at prepared tayo at ang puso natin.

Pero sinong tanga ba ang nakakaalam na masasaktan kana pala? Mahal n'yo naman ang isa't isa pero may eepal at eepal na kagaya ng gagong si Ethan.

Who prepares you for this sudden change? Na ang akala mo na masaya at almost perfect na relation ay bigla nalang matatapos. How do you wake up the next morning knowing the person you love won’t be in your life anymore?

" Hoooo! Tang ina! ang sakit!" buong hapong uminom si Zaide. Kung kanina ay bumili lang ito ng alak at sa kotse naglalasing ngayon ay nasa loob na ito ng Bar at panay ang laklak ng alak. Mabuti nalang at kasama neto ang mga kaibigan at ang pinsang si Chester..

" Tama na yan Bro! Nakakarami kana.." pigil ni Dustin sa kaibigan.

" Ano ka ba bro..ni hindi nga ako nalalasing eh, ni hindi nga mawala wala ang sakit. Hoooo!! Tangina!" pagkatapos ay nilagok neto ang hawak na bote ng alak..

" Kaya ayokong maninlab eh, tignan mo ang ginawa ng pagibig may Zaide, wasak! " binatukan ni Chester si Jarred.

" Tssss itikom mo nga yang bibig mo..hindi ka nakakatulong." iling iling na tinignan niya ang pinsan.

Alam niya kung gaano neto kamahal si Chloe. Nilunok neto ang pride para sa babaeng minamahal, sabi kasi nya noon hinding hindi siya maiinlove kay Chloe pero wala din..nahulog padin ito at ngayon ay nasasaktan.

" Bro, alam naman nating walang kasalanan si Chloe, baka nilasing lang yon ng gagong si Ethan, huwag pagpapakita sa'kin yon bubugbogin ko ang hayop na yon!" si Jarred.

Tinapik ni Chester si Jarred sa balikat at winarningan..baka ano pang maisip ng pinsan nya.

Nagulat siya kanina ng tawagan siya ng Mommy ni Zaide at sabihing tignan ito at kung maaari ay samahan muna nila..

" Langyang buhay to! Nagmahal lang naman ako' tapos masasaktan lang pala, abah matindi! " hindi alam ni Chester kung maaawa o matatawa sa pinsan.

" Hoy! Kanina ka pa ah! Daig mo pa ang babae' ang ingay mo eh!" lumapit kay Zaide ang isang lalaking mukhang nakarami narin at hinawakan siya sa balikat.

Bigla nalang itong sinapak ni Zaide. Natumba ito at agad dinaluhan ng binata.

" Hoy karin! Wag mokong pinapakialaman baka samain ka sakin." akmang susuntukin niya ito pero sinipa siya ng lalaki.

Umawat na kami pati narin ang bouncer ng Bar..

Kahit panay ang pagpupumiglas ni Zaide ay nailabas ito ng Bar at naipasok ng mga kaibigan sa kotse at pinagitnaan ng dalawa. Si Chester naman ang nagdrive. Sa Condo ng binata nila ito dinala. Alam ni Chester iyon dahil madalas silang tumambay doon.

" Inom pa tayo! ang sakit tang ina! Mahal na mahal ko si Chloe pero bakit ang sakit sakit." halos paulit ulit lang ang sinasabi nito hanggang sa nakatulog ito.

Tinawagan naman ni Chester ang Mommy ni Zaide para ipaalam na huwag na mag alala. Bukas pa ang dating neto ng Cebu..

Samantala sa Bahay ng mga Rosales..

Alexa Isabelle

" Mom! I'm home.." tila tahimik ang bahay namin, nakita ko na may bulaklak at stuffed toy sa sala namin. Alam kong sa Ate ko ang mga iyon. Ang haba talaga ng buhok ng kapatid ko.

" Anak, nandito kana pala." joker talaga ang Mommy ko. Akala niya ba sa akin picture? " Gusto mo bang sa bahay ka din ng Lolo at Lola mo matulog? Nandoon si Xhan. Si Ian naman ay nakitulog sa kaibigan dahil may tatapusing project sa school." teka' pinapaalis ba ako ni Mommy?

" Mom dito lang ako. Tinatamad ako umalis. Kay Ate tong mga to diba? Ibig sabihin nakauwi na si Kuya Z?" baka kasi nalulungkot si Ate Chloe lately dahil wala madalas si Kuya.

Bago pa makasagot si Mom, mabilis na akong umakyat bitbit ang bulaklak at stuffed toy. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin, nagbihis muna ako saka pumunta sa kwarto ni Ate..

" Ate! Yuhooo!" ang taas ng energy ko gaya ng madalas ko na ginagawa pag kinukulit siya.

Naka upo ito sa bed at hawak ang picture nila ni Kuya Z. Hindi nakaligtas sa'kin ang mga mata n'yang namumugto at alam kong dahil yon sa pagiyak.

" Ate what's wrong?" nilapag ko sa ibabaw ng dresser niya ang bulaklak at sa tabi niya ang teddy bear. " Sinong namatay?"

" Pwede bang yakapin mo nalang si Ate?" agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nagagawa ko pang magbiro.

Ramdam ko ang paghikbi niya. Alam kong may nangyayari. Dad and Mom are rarely talking maging sila ni Dad. Medyo nangangalay na ako ng bumitaw siya.

" Salamat sa yakap Isha. Iwan mo nalang muna ako' gusto ko mapag isa." labag man sa loob ko ay sinunod ko nalang muna siya.

I need to know kung anong nangyayari. Si Mom.. pinuntahan ko si Mommy sa kwarto..

" Mom what's happening? Bakit nagkakaganon si Ate?"  tinapos ni Mom ang paglalagay ng mga damit sa kabinet bago ako sinagot.

" Isha..hayaan mo nalang muna ang Ate mo." hayaan?

" Mommy naman, hindi ako manhid para hindi maramdaman na may hindi magandang nangyayari." para kasing wala silang balak sabihin sa amin ang nangyayari..

" Ikakasal na ang Ate mo, sa Kuya Ethan mo.." ano daw?

" Wait! What?! Bakit? Paano? Saka kay Kuya Ethan? Mom joke ba yan?" pero seryoso akong tinignan ni Mommy. Pagkatapos ay sinabi niya sa akin ang mga nangyari.

" Mayghadd Mom! At pumayag kayo? We all know na si Kuya Z ang mahal ni Ate. What's wrong with Dad?" all this time...kaya pala ilang araw ng wala sa sarili si Ate.

" Anak, kilala mo naman ang Daddy mo, mahirap baliin ang mga
desisyon nya lalo na kung tungkol sa inyong magkakapatid." yeah right.

" No Mom! buhay ni Ate ang pinaguusapan dito, patapos na nga ang 2017. Hindi porket may nangyari sa kanila ay dapat n'yo na silang ipakasal, meron nga d'yan naglilive in pero hindi naman kasal."

" Nagaalala ang Daddy mo na baka mabuntis ang Ate mo at malagay sa kahihiyan ang pamilya natin.." crap! mas inaalala pa ni Dad ang kahihiyan?

" Mom, ano naman kung mabuntis si Ate, hindi pa tayo naghihirap para alalahanin yon! At kung tungkol sa kahihiyan? Kelan pa naging issue kay Dad ang kahihiyan?"

" Walang nanghihingi ng opinyon mo Alexa Isabelle! Masyado ka pang bata para sa usaping ito!" nagulat ako sa pagdating ni Dad.

" Dad I'm 17, hindi na ako bata tulad ni Xhan. You are not going to let Ate marry that Ethan, hindi niya mahal ang lalaking yon. Ipapakasal n'yo siya sa lalaking maaring lumapastangan sa kapatid ko, dapat don kinakasuhan ng rape! " nababaliw naba sila?

" Shut up Isabelle! Wala kang alam. Go to your room." no! Hindi ako papayag na gawin nila to kay Ate.

" I can't believe you Dad! Hindi mo ba naisip na baka sinadya ni Ethan ang lahat ng ito, alam naman nating lahat na may gusto siya kay Ate. Huwag kang magbulag bulagan dahil lang anak siya ng bestfriend mo, anong klase kang ama? " sasampalin dapat ako ni Dad pero humarang si Mom..

" No! hindi mo sasaktan ang anak mo Alexander. " hinila ako ni Mommy palabas ng kwarto nila.

Hindi ko alam na nangiginig  na pala ako. Dad almost hit me..na sa tanang buhay ko ay hindi ko naranasan.

" Hindi mo dapat sinagot ang Daddy mo ng ganon, muntik kapa  tuloy  masaktan." si Mommy na niyakap ako.

" Hindi siya si Dad' Mom. Kahit gaano kagalit ang Daddy na kilala ko hindi niya ako pagbubuhatan ng kamay at hindi niya hahayaang magdusa si Ate. Huwag kang pumayag Mommy, huwag kang papayag na pilitin nila si Ate sa kasal na yon." tuluyan na akong napaiyak.

Hindi ako sumabay sa hapunan. Mabuti nalang at hindi nila ako pinilit. Hindi pweding wala akong gagawin para sa Ate ko.

Minsan niya ng niligtas ang buhay ko nong baby pa ako at hindi ko hahayaang sirain nila ang buhay niya. Kung siya nga nagawa niya akong iligtas na bata lang siya noon, alam ko na may magagawa din ako para sa kanya. Dinalhan ako ni Ate Juvy ng pagkain ang kasambahay namin.

" Ate Juvy, si Ate Chloe po?"

" Nasa kwarto niya yata Isha..kaunti lang ang kinain ng kapatid mong iyon." Kumain muna ako saka binaba ang tray sa kusina.

Pinuntahan ko ulit si Ate Chloe  sa kwarto niya.

" Alam ko na ang totoo Ate. At hindi ako pumapayag na magpakasal ka sa Ethan na yon." nakatayo siya at nakatanaw sa labas ng bintana..

" Wala narin namang dahilan para tumutol pa Isha. Wala na kami ni Z. " teka' anong sinasabi niya? " Mahal ko siya pero narealize ko na hindi na ako karapat dapat pa sa kanya."

" Ate hindi naman siguro ganon kababaw ang pagmamahal sayo ni Kuya Z." ano naman kung may nangyari sa kanila ni Ethan. Isang beses lang naman yon.

" Tinanong ko siya.." her voice broke
" tinanong ko siya kung kaya ba niya akong akong tanggapin sa kabila ng nangyari pero hindi siya sumagot Isha' nakita ko ang pag aatubili sa mga mata niya. Pero sino nga namang lalaki ang gugustuhin ang babaeng nakuha na ng iba." hindi na mahalaga ang bagay na yon lalo na sa panahon ngayon.

" Ate maraming lalaki ang nagmamahal ng hindi ginagawang batayan ang virginity. At naniniwala akong isa sa kanila si Kuya Z.  Marahil ay nasaktan lang siya sa nalaman niya pero bigyan mo siya ng kaunting panahon at makikita mo maliliwanagan din yon." nakita ko na mahal nila ang isa't isa. Yong klase ng pagmamahal na meron kay Dad at Mom...

" Hindi ko alam Isha' huwag na nating ipilit. Susundin ko nalang ang gusto ni Dad para wala ng gulo." hindi ako makapaniwala sa naririnig ko kay Ate.

Pwes ibahin nila ako, hindi ko sila susukuan ni Kuya Z dahil alam kong magiging masaya sila sa piling ng isa't isa.

Kinabukasan...

Pagkagaling ko sa practice ng Volleyball team namin ay hinanap ko si Ryan, pinsan siya ni Kuya Zaide at sa iisang school kami nag aaral.

" Nicole nakita mo ba si Ryan?" tanong ko sa kaibigan ko..

" Ryan Christopher Ventura? Bakit mo naman siya hinahanap?" malamang kasi hindi ko makita. Minsan talaga slow tong si Nicole..

" May kailangan lang ako sa kanya, nakita mo ba?"

" Bakit nga?" Ayssst naiinis na ako. Tama ba namang sagutin ng tanong ang tanong ko.

" Dibali na nga! " iniwan ko si Nicole.

Nagpunta ako ng gymnasium. Kasali ito sa varsity ng basketball team namin. 

Hindi nga ako nagkamali nakita ko siya..

" Ventura!" napatingin siya sakin pati na mga teammates niya. Kinantyawan siya ng mga ito..

" Pare hanap ka ng syota mo." sabi ng isang team  mates niya. Nilapitan ko to. Saka ako ngumiti.

" Kapag ba hinanap ng babae ang isang lalaki syota na agad?" Sinipa ko ang isang paa niya. Nasaktan yata. Buti nga sa kanya.

" Hoy Amazona! kapag daw na shot mo tong bola, kakausapin ka ni Ryan." ahh hinahamon nila ako..

" Deal! " kinuha ko ang bola saka nagdribol. " Watch me!" baka akala nila uurungan ko sila, nakikipaglaro kaya ako ng basketball kay Xhan.

Walang kahirap hirap na nae shot ko ang Bola. Nagpalakpakan sila.

" Anong kailangan mo sakin?" suplado talaga ng isang to.

" Alam mo ba kung nasan si Kuya Z? Kailangan ko siya makausap, wala siya sa bahay nila." napasimangot ito.

" Anong tingin mo sakin yaya niya? Malay ko kung nasan yon." hinampas ko siya sa braso.

" Kapag kinakausap ka ng maayos' sumagot ka din ng maayos." pinagiinit niya ang ulo ko.

" Oh di maayos!" pinandilatan ko siya.

" Ikaw ang liit liit mo kung maka asta ka' hindi ko nga alam! baka nasa condo niya!" Akala niya naman porket tangkad niya..

" Saan yon? Samahan mo ako.." nagsalubong na naman ang kilay niya. Sa hilata ng mukha niya mukhang hindi siya papayag!

" At bakit ko naman gagawin yon?" Ngumisi ako. Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

" Samahan mo na ako' kung ayaw mong isumbong kita kay Mrs. Reyes. Alam ko kung anong ginawa n'yo sa kotse niya." namutla ito. Nagkataon lang naman na nakita ko ang kalokohan nila ng barkada niya sa sasakyan ni Prof. Teror kasi ito.

" Akala mo naman may naniniwala sayo!" mas lalo akong napangisi..kaya pala naisip ko videohan ang pag eespray nila ng pintura sa kotse ni Mrs.Reyes. Mapapakinabangan ko pala.

Kinuha ko ang cp ko at pinakita sa kanya ang video..muli itong namutla. Dapat lang..

" Ano? Sasamahan mo ba ako sa condo ng pinsan mo' oh e uupload ko sa Facebook ang kalokohang ginawa n'yo ng mga kaibigan mo?"

" Letse kang Amazona ka! Oo na." mabuti naman at madali siyang kausap.

" Bukas.." aangal na naman ito.

" Walang pasok bukas baka nakakalimot ka!" baliw ba siya mas maganda nga yon mas marami akong oras para kausapin si Kuya Z.

" Hoy payatot! Kung akala mong makakalusot ka no way! Bukas..sunduin mo ako, dito' sa harap ng school."

" Oh!" binigay ko sa kanya ang cp ko. " Ilagay mo ang number mo d'yan." ngumisi ito.

" Kunyareh ka pa' gusto mo lang pala makuha number ko." abat! Inapakan ko nga ang paa niya.

" Amazonang to..Ang brutal mo eh noh!" binalik niya na sa'kin ang cp ko pagkatapos niya ilagay number niya.

" Buti alam mo! " saka ako umalis.

Hindi pwedeng pabayaan ko nalang na masaktan ang Ate ko.

Itutuloy.....

Ano kayang gagawin ni Isha para sa Ate Chloe niya? Palagay n'yo?

Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

830K 28.5K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8M 179K 59
[MJS BOOK 1] He's the prodigal son. She's the good daughter. He's a gangster. She's the good girl. He's her nightmare. She's his obsession. How can t...
2.2M 63.8K 58
"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take wh...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...