Seducing My Cousin's Boyfriend

By HowToBeABadBitch

975K 12.3K 621

[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karuma... More

Seducing My Cousin's Boyfriend
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
The Seduction Series #2

Kabanata 17

14.7K 178 5
By HowToBeABadBitch


Kabanata 17

Hindi ko lubos mapaniwalaan ang mga sinabi niya sa akin kaya tinanong ko siya ulit. Pakiramdam ko kasi nasa isang masayang panaginip lang ako sa mga sandaling ito. This is all too good to be true.

"A-Ako? Gusto mo akong sumama sa'yo sa New York?" nauutal kong tanong ulit. He nodded slowly, his lips pressed together. "But why? Bakit mo ako gustong...isama?" puno ng pagtataka ko siyang tinitigan sa mga mata.

He sighed heavily and close his eyes for a brief moment. When he opened his eyes and take a look at me again, I almost shiver because of the way he stares at me.

Ang mga mata niyang katulad ng sa lobo ay parang biglang naging mga mata ng isang maamong tuta na ngayon. His eyes were pleading, like he was directly looking at my soul. Para bang sa pamamagitan ng kanyang mga mata, naipapahayag niya ang gusto niyang sabihin. It is too much to take.

"Because I want you to be with me during the happiest days of my life. I need you there, Elora. Mas magiging masaya ako kung kasama kita." He finally said with so much tenderness on his voice. It took my breath away.

Tell me... is he was just being a nice friend? May kaibigan ba talagang katulad niya? Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang pwedeng dahilan niya sa lahat ng ito. Kung kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin...bakit ganito 'yung mga sinasabi't pinapakita niya?

Nagbukas sara ang bibig ko pero hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unang itanong sa kanya. Silence crept between us. We could only hear the noise of crickets. Pareho lang kaming nakatitig at nananantya sa isa't-isa.

Hanggang sa nakalma ko na ang sarili ko at nagkaroon na ako ng guts para tanungin siya. "Pa-paano mo nasabing mas magiging masaya ka kapag kasama mo ako, Deo? I mean...kaibigan mo lang naman ako. H-Hindi sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay mo, kailangang nasa tabi mo ang isang...kaibigan." I pointed out but I was so afraid to hear his respond.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong marinig na sagot mula sa kanya. Either way, aalis pa rin naman ako at magiging isang magandang alala na lang siya sa buhay ko. It's either, ako lang ang masaktan o parehas kaming masasaktan sa huli.

"But you're not just a friend to me..." he huskily breathed. He caressed my face as his eyes become softer. Para akong malulunod sa klase ng titig niya. Napagtanto kong ang mga mata niya ang kahinaan ko. Ang mainit niyang kamay na humahaplos sa pisngi ko ay tinutupok naman ang lamig na bumabalot sa katawan ko.

"You just don't get it, do you?" he trailed as he sighed again. "I like you, Elora." He softly said that I almost couldn't believe that I really heard it from him.

Halos kapusin ako ng hininga dahil sa mga katagang binitawan niya. Napaatras ako sa pagkamaang, sanhi para malaglag ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa pisngi ko. Bumagsak ang tingin ko sa paanan namin. Ngayong narinig ko na ang mga salitang akala ko ay hanggang panaginip ko na lang...hindi ko naman ngayon ito mapaniwalaan.

"A-Ano?" parang tangang tanong ko nang muli akong tumingala sa kanya. "A...Anong sinasabi mo, Deo?" I literally stuttered infront of him. I just couldn't fathom what I really feel right now. Dumagdag pa sa tensyon ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"I like you, Elora. I like you since the night I laid my eyes on you at the bar..." he said, getting all serious. Namumungay ang kanyang mga mata habang ang akin ay nanlalaki dahil sa pagkawindang sa kanyang ipinagtapat.

He like me since that night? At ako? Hindi ko alam... ang natatandaan ko lang ng gabing iyon ay muntik na rin akong magpatangay sa kanya. I remember how his eyes hypnotized and instantly drugged my senses.

"D-Deo, that's...impossible." iling ko kahit mismong sarili ko ay niloloko ko. "We...barely know each other for a few weeks. Paano mo malalaman—" tanong ko pa sana pero maagap siyang sumagot.

"I didn't know why, Elora, but when I saw you in that bar...I feel like I've known you for a long time. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit sa'yo." Napapaos ang boses niyang sinabi.

Lumapit nga siya sa'kin nung gabing iyon pero nauwi naman siya sa pakikipaghalikan sa ibang babae. And take note, sa harap ko pa mismo.

"Yes... I remember that you even asked me to go out with you pero nag-iba agad ang isip mo then you kissed another woman...infront of me. How can you explain that?" I confusingly asked. Parang asido ang mga salitang iyon sa dila ko. I don't want to sound bitter but I just can't stop myself.

"I didn't want it and it meant nothing to me. Rash is so wasted that night that I can't stop her. She was so devastated about her break up kaya sinamahan ko siya noon sa bar. Wala siya sa tamang wisyo noon kaya niya nagawa iyon." marahang paliwanag niya.

"W-Wala kayong naging relasyon ni Rash?" halos pabulong kong tanong.

Umiling siya. "Kaibigan ko lang siya. She's like a little sister to me. Hanggang doon lang ang nararamdaman ko para sa kanya." sagot niya.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. I'm lost for words. Nanatili na lang akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Since that night that I've met you and the following days that we've been together...I just can't deny to myself that I really felt something special for you." He confessed. His words were spoken with such sincerity that it almost feels dreamlike.

I didn't say anything. Nanatiling tikom ang bibig ko. Tumingala ako sa kalangitan at nakitang mas dumami na ang mga bituin sa kalangitan. Lumalalim na ang gabi at hindi na namin namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras. If only I could wish that this night would never end.

But I know that my wish won't ever happen. This night will eventually come to an end...but the memories I had with him this evening will never be forgotten. Sigurado akong tatatak ang gabing ito sa puso at isip ko at kahit saan pa man ako dalhin ng tadhana, bitbit ko ang alaalang ito.

I love him... I was so sure about that but he came along at the wrong place, at the wrong time of my life.

"I'm sorry, Deo." I whispered, finally breaking free my train of thoughts.

"What?" naguguluhan niyang tanong. May bakas ng takot sa kanyang mukha.

"I-I'm sorry...Hindi ko kayang pagbigyan ang hiling mo. I can't come with you." pumiyok ang boses ko. I slightly bowed my head, trying to hide the pooling tears in the corner of my eyes.

Siguro ito na ang paraan ng tadhana para tuluyan na kaming maghiwalay ng landas. Alam ko namang mangyayari din iyon pero hindi ko inakalang mas mapapaaaga pala sa inaasahan ko.

"But why?" malungkot niyang tanong.

"May mga kailangan kasi akong gawin dito. Hindi ako pwedeng umalis ng bansa" rason ko. Pakiramdam ko'y nagkakasala ako dahil sa mga kasinungalingan ko. Pero kailangan kong magsinungaling...this is the only way I can refuse him even thought I don't want to.

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt nang makitang lumungkot ang mukha niya.

"Okay. I understand." Buntong hininga niya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. Alam kong dismayado siya, pero ganoon din naman ako. Kung pwede ko lang sana sabihing pareho kami ng nararamdaman.

"Pasensya na talaga, Deo. Kahit gustuhin ko man, hindi talaga pwede eh." Hingi ko ulit ng paumanhin. Tumango lang siya pero hindi pa rin nawawala ang lungkot sa kanyang mukha. "Hindi man ako makakasama, gusto kong malaman mong masaya ako para sa'yo at sinusuportahan kita." Dagdaag ko.

Bahagyang lumiwanag ang mukha niya pagkatapos ng sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya para pagaanin ang loob niya at sa tingin ko'y nagawa ko naman. He gave me a warm smile and I just feel my heart melts.

Kung pwede ko lang sana siyang kunan ng litrato ngayon. Gusto ko sanang magkaroon ng larawan niya, para kahit sa paglipas ng mahabang panahon...makita ko pa rin ang ngiting ginawad niya sa'kin ngayon.

"Will you wait for me then?" he asked all of a sudden. Napamaang ako. "H-Ha?"

"Can you promise me you'll wait for me until I come back? I want to know if you feel the same for me." Determinadong saad niya.

"W-What do you mean?" nanliit ang mga mata ko.

"Gusto ko ring malaman kung ano ang totoong nararamdaman mo para sa'kin. Aalamin ko ang sagot mo sa pagbabalik ko." aniya habang ang mga mata niya'y puno ng pag-asa.

Parang may ilang libong karayom ang tumutusok ngayon sa puso ko. How could I possibly do that when I already left him at that time? Ang buong akala niya'y ako ang iiwan niya dito, but it was the other way around. Ako nga dapat 'yung magpapaalam sa kanya ngayon 'diba? Pero hindi ko na masasabi sa kanya iyon.

Naghihintay siyang mangako ako pero hindi ko kayang mangako sa isang bagay na alam kong hindi ko naman tutuparin. So instead of making a fake promise, I just held his face on my hands and tiptoed to kiss him.

Ramdam ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko pero nagpatuloy pa rin ako. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at ninamnam ang bawat sandali. I swiftly move my lips to savor his warm and dainty lips. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na din ang pagtugon niya. I gasped when he pulled me closer and wrapped his arms around my waist.

He deepened our kiss until we're both struggling for air. His breath on my lips warm and moist. Lumuwag ang pagkakapulupot ng mga kamay niya sa bewang ko hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan. Unti unti akong kumalas sa halikan namin at nang buksan ko na ang mga mata ko, nasilayan ko agad ang namumungay niyang mga mata.

His smile grew bigger like he was so happy. I feel like a bad person even more.

"Good night, Deo. Ingatan mo ang sarili mo at mag-iingat ka sa biyahe mo, okay?" I faked a smile. Tumango siya at hindi na maalis ang malaking ngiti sa kanyang labi.

If he only know that, that kiss was my way to said farewell to him. Nagpaalam na ako sa kanya at nauna na akong umalis doon. Pagtalikod ko pa lang sa kanya, bumuhos na ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Sa maikling panahong nakasama at nakilala ko siya...marami na din kaming mga magagandang alaala na magkasama. Pero ang gabing ito? Ito ang hindi ko pinaka makakalimutan sa lahat. I will remember every details of this night until the last day of my life.

Ngayong ubos na ang oras na inilaan para sa aming dalawa, kailangan ko nang harapin ang reyalidad. Siguro hindi ito ang tamang panahon para sa amin. If we ever met again, I will make sure that I'm already the better version of myself that time.

***

As expected, Deo left the next morning. Maaga siyang umalis dahil babiyahe pa siya patungong Manila. Tanghali nang tumawag siya sa aking paalis na siya sa condominium. Sinadya ko kasi talagang umalis sa unit ko dahil alam kong pupuntahan pa niya ako doon kung sakaling magpapaalam siya.

Hindi ko na kasi kaya kung magpapaalam pa siya sa'kin ng personal. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at maging emosyonal ako sa harapan niya.

"Where are you? Kanina pa ako kumakatok sa unit mo." tanong niya nang tumawag siya sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at pinilit kong patatagin ang boses ko. "Ha? Wala ako dyan eh... May importante akong pinuntahan." Pagsisinungaling ko.

"Ah. Ganun ba? Sayang hindi kita naabutan." he sounds disappointed. "I just want to say goodbye. Pabiyahe na ako papuntang Manila." Saad niya.

"Oh! Ngayon na? Naku, sayang talaga! Paano ba 'yan? Mag-ingat ka nalang sa biyahe ah?" kunwari'y tunog nanghihinayang din ako kahit na sa totoo'y palihim na umiiyak na ako sa mga oras na iyon.

"I will." I could hear him smiling. "Take good care of yourself as well while I'm not around. Eat on time at huwag kang masyado magpapakapagod, okay?" bilin niya.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil muntik nang kumawala ang hikbi ko. I took a few deep breaths, trying to get control of myself.

How could he do this to me? Bakit ba ginagawa niyang mas komplikado ito para sa'kin?

"Umm. Okay, sir!" I laugh with tears in my eyes.

Naramdaman ko ang paglipad ng hangin sa buhok ko. I was looking at the calm sea in front of me. Tanging ang paghampas ng mga alon ang maririnig sa paligid. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon dito. Malaya akong makakaiyak at maisisigaw ang mga hinaing ko.

"I'll hang up now. I'll call you again later, okay?" hindi ko namamalayang nagpapaalam na pala siya.

Isang malalim na buntong hininga pa ulit ang ginawa ko bago ako sumagot. "O-Okay. Bye..." I responded before it finally ended.

Nanghihina kong nabitawan ang phone ko pagkapatay ng tawag. Hindi ko akalaing hanggang dito na lang kami. Dahil iyon na talaga ang huli naming pag-uusap. Puputulin ko na ang komunikasyon namin. It is better that way. He will eventually forgot about me...

How I wish I can do the same.

***

Nakalipas ang dalawang araw mula nang umalis siya, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto ko at walang ibang gagawin kundi ang isipin siya. Minsan, natutukso akong buksan ang phone ko para tawagan siya at kamustahin ang kalagayan niya.

Nami-miss ko ng pakinggan ang boses niya. Nami-miss ko na 'yung mga nakagawian naming gawin ng magkasama. Nami-miss ko ng kumain na kasama siya. Nami-miss ko na 'yung mga mata niya. Nami-miss ko na ang lahat lahat sa kanya.

I really miss him already and it's killing me inside pero hindi na talaga pwede.

"What is this mom?" I asked my mom when she visit me in my unit and handed to me a small envelope.

"Open it." Nakangiting utos niya kaya ginawa ko naman. Napaawang ang bibig ko nang makitang passport at plane ticket pala ang laman niyon at nakapangalan sa akin. Binasa ko ang detalye ng plane ticket ko at napasinghap nang makitang dalawang araw nalang bago ang flight ko.

"My, bakit napaaga yata ang flight ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya pagkatapos.

She shrugged. "The earlier, the better." deklara niya. "Tsaka nagdududa na rin kasi ang daddy mo na tinutulungan kita kaya sa lalong madaling panahon, dapat ay maialis na kita rito."

Nalaglag ang balikat ko. "Kinamumuhian ba talaga niya ako? So what if he found out that you're really helping me? Anong gagawin niya?!" hindi ko maiwasang makaramdam ng galit para sa sarili kong ama. Sobra na din kasi eh.

Napabuntong hininga si mommy pagkatapos ay hinaplos niya ang mukha ko. "Huwag mo ng isipin... Ang mahalaga, makakaalis ka na dito. Kalimutan mo na ang mga masasamang alaala dito. You can start a new life in Australia. Tutulungan ka ng tita mo. You will prove to your father what he lost. But I want you to remember this, darling. You are not doing this for him...gawin mo 'to para sa sarili mo. At the end of the day, you have no one to hold on to but your own self. Hmm?" saad niya saka niya dinampian ng halik ang aking noo.

Hindi ko mapigilang mapaluha. I was really grateful for having her as my mom. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko kung pati siya nawala din sa'kin?

I nodded before I envelope her to a warm hug. "Thank you so much, my. Thank you so much for not giving up on me." My voice broke. Hinaplos naman niya ang buhok ko at mahigpit akong niyakap.

"I'm proud of you, Elora. No matter what happened, always remember that I am so proud that you're my daughter. I love you." she whispered. We embrace each other like there's no tomorrow.

Pagkalipas ng ilang oras, umalis na rin si mommy. Nakahiga na ako sa sofa habang tinititigan ko ang plane ticket ko papuntang Australia. Ang daming tumatakbo sa isip ko nang mga sandaling iyon.

Hindi ko gustong umalis pero napagtanto kong tama si mommy. Gagawin ko ito para sa sarili ko. Successful people do whatever has to be done whether they like it or not.

Makalipas ang ilang minuto, tumayo na ako. Tsaka ko lang napansing naiwan pala ni mommy ang mga dala niyang dokumento dito. Kaya tinawagan ko siya gamit ang bago kong simcard para sana ipaalala sa kanya ang naiwang gamit niya. Nakailang ring muna ako sa phone niya bago niya tuluyang sinagot ang tawag ko.

"My, nasaan ka na? Naiwan mo po 'yung mga dala mo dito." sabi ko at hinintay kong sumagot ito pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Nagtaka ako kaya kinausap ko siya ulit pero wala pa ring umiimik hanggang sa pinatay na lang nito ang tawag ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 12.2K 172
Matagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero s...
2.7M 61.9K 41
Si Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rod...
330K 7.9K 51
Andrea Morales is living in a poor family. Dahil sa kahirapan nagawa ng magulang niya ang mag nakaw sa pinagtatrabuhuan ng mga ito. Ngunit hindi nila...
944K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.