Playing Cards

By BadBloodEmpress

20.3K 890 2.8K

"ᴄᴏᴍᴇ ɪɴ ᴄʟᴏsᴇ, ᴄʟᴏsᴇʀ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴛʜᴇ ᴍᴏʀᴇ ʏᴏᴜ ᴛʜɪɴᴋ ʏᴏᴜ sᴇᴇ. ᴛʜᴇ ᴇᴀsɪᴇʀ ɪᴛ'ʟʟ ʙᴇ ᴛᴏ ғᴏᴏʟ ʏᴏᴜ." revised version More

ᴛʀᴀɪʟᴇʀ
ʟɪsᴛ ᴏғ ᴄʜᴀʀᴀᴄᴛᴇʀs
••
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜʀᴇᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғᴏᴜʀ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sɪx
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sᴇᴠᴇɴ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴇɪɢʜᴛ
•••
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ɴɪɴᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴇɴ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇʟᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜɪʀᴛᴇᴇɴ
ᴡᴀᴛᴄʜ ᴏᴜᴛ!
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғᴏᴜʀᴛᴇᴇɴ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪғᴛᴇᴇɴ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sɪxᴛᴇᴇɴ

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴇʟᴇᴠᴇɴ

598 34 182
By BadBloodEmpress

sᴇñᴏʀ

AFTER the dinner, ako na ang nag-volunteer na mag-ligpit ng pinagkainan. Hindi naman nakipag-agawan si Suriel sa gagawin at sinabi na lang nitong, gusto nya ng umuwi. Hindi ko na sya pinilit na manatili kahit isang oras o di kaya dito na sya magpalipas ng gabi. Tumawag na lang ako sa guard na magpahatid ng isang taxi papasok dito sa subd. Para naman safe itong umuwi. After she exited, I decided to go upstairs. Napahinto na lang ako sa tapat ng kwarto ni Harley at napangiti sa naisip. Matagal-tagal na namin hindi ito nagagawa kaya naisipan kong bukas ang pinto.

Nakita kong straight syang nakahiga at nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang tiyan. Napa-face palm ako sa nakita. Hanggang ngayon parang patay parin matulog. Naka-suot si Harley ng itim na pajama kaya labas na labas sa balat nya ang pagka-puti nya. Sayang lang di na-expose sa pajama na iyon ang maganda nyang katawan.

I giggles.

Napailing na lang ako. I smirked. Pumunta ako sa kanyang kama at tumalon-talon kaya laking gulat nya na makita ako.

"Ang sarap talunin ng kama mo, Kuya" natatawang sambit ko habang naka-kunot na ang kanyang noo. Mas tinaasan ko pa ang pagtalon-talon kaya hindi ko na napigilan na tumawa ng malakas ng makita ko kung paano sya nahulog mula sa kama.

"Stop that, Hailey!" his irritates voice makes me want to stop. Mukhang inis na inis na sya sa ginagawa ko dahil ramdam na ramdam ko sa boses nya ang malamig at pagkairita nya.

But because I'm too stubborn to take him seriously. Hindi ako sumunod. I pouted lips at nagpa-awa kahit gusto kong humalakhak ng malakas.

"Ayoko" and with that, galit syang tumayo at aakmang hihilahin nya na ako palabas ng kwarto kaya mabilis akong umiwas at sya ang hinila ko patumba sa kama nya.

"Hailey!"

Ngumisi lang ako at tumalon talon ulit. Sorry, Harley ngayon lang kita makukulit ng ganito dahil sa susunod hindi ka na naman uuwi dito.

"Titigil ako in one condition"

He rise his eyebrows, "Ano?"

"Tabi tayo matulog?" I wiggles my eyebrows and smile sweetly.

Hindi sya kumibo at tumalikod na lang sya sa akin at nagtaklob ng kumot. Huminto ako sa pagtalon at napangisi. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng pajama. Dinala ko sa kwarto nya ang isang unan at kumot ko. Tumabi ako sa kanya at sinipa ang likod nya.

"Usog Harley. Ang sikip"

Umusog sya at di ako pinapansin. Napangisi na lang ako sa naisip. Sinipa ko ang unan ko kaya nahulog ito sa sahig at bigla kong binagsak ang ulo ko sa braso nya. I heard him groans and curse.

"Hailey! Fuck!" galit na singhal nya. Pilit inaalis ang ulo ko sa braso nya kaso mapilit ako, "Pagod ako Hailey wala akong oras sa kalokohan mo"

I pouted my lips, "Namiss lang kita"

I heard him hissed. Napangisi ako ng inalalayan nya ang ulo ko paalis sa braso nya at umayos sya ng higa. Hiniga nya ang ulo ko sa braso nya at niyakap ako.

I tickles him, "Yiee, namiss din ako" kumunot ang noo nya habang nakapikit at nagulat ako ng ipitin nya ang ulo ko gamit ang braso nya, "Ack! Stop it Harley!"

"That's for being stubborn" habang iniipit nya ako gamit ng isang braso nya ay pinagbuhol buhol nya ang kumot ko na nakabalot sa katawan ko bago ako pinakawalan, "Ssh, matutulog na ako" at sinandayan pa ako.

Wala na ako magawa dahil halatang pagod na pagod sya. Mga ilang minuto ay narinig ko na ang mabigat nyang hininga. Tulog na sya. I blew out a breath and shut my eyes close. Sana maging maayos na ang lahat.

Kina-umagahan ay wala na si Harley sa tabi ko. Nagising na lang ako na hindi na nakabuhol ang kumot sa akin at maayos ang pagkaka-higa ko. Mukhang ilang linggo ko na naman sya hindi makikita. Bumangon ako mula sa kama nya at iniligpit ang mga hinagaan namin. Napatingin ako sa orasan na nasa wooden cabinet katabi ng flat screen TV. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang unang klase ko. Binilisan ko ang kilos ko at hindi na kumain ng almusal. Nagpatawag na lang ako sa guard ng gate na magpahatid dito ng taxi.

Mabilis naman ako nakarating sa University. As usual, agaw pansin na naman ang buhok ko na kulay pula. Tumingin sa wrist watch ko at dalawang minuto na lang ay mala-late na ako. Binilisan ko ang mag-lakad ngunit napa-hinto ako sa kalagitnaan ng daan. Nakahawi ang mga estudyante at lahat sila ay nasa gilid habang ako ay nagi-isang natira sa gitna. Napa-awang ang bibig ko ng makita ko si LV kasama ang tatlong lalaki. Malamig itong nakatingin sa akin. His presence is really intimidating. I gulped so hard. Naku, naalala ko na naman ang halik nya sa akin.

Nang sa wakas ay makarating sila sa aking harapan ay agad silang huminto. LV stared at me coldly at hindi man lang sya kumukurap.

"Sumama ka samin" aniya.

"Ha?"

Hindi na nya ako muli pinansin at tumalikod na ulit sila papunta sa kabilang building. I frowned.

Ano naman ang kailangan nya?

I heard some gasped and words from the crowd. Mukhang di sila makapaniwala na kinakausap ako ni LV.

"Who's that girl?"

"Exchange student lang sya dito diba?"

"Ang cool ng hair nya"

"So totoo pa lang naririnig natin chismis na baka may relasyon silang dalawa ni LV"

"Kinakausap din sya diba ni LV sa room?"

"Diba may fiancée na si LV from Fine Arts Dept?"

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig ko. Mga tsismosa talaga! Umismid na lang ako hindi sumunod sa LV na 'yun. Hayaan mo syang manigas.

Mga limang minuto akong nalate sa klase kaya binigyan ako ng first warning ng prof ko. Bwiset na LV na yun nagkaroon na tuloy ako ng record!

Habang nagdi-discuss ang professor namin about evolution of humans ay naantala iyon sa pamamagitan ng katok mula sa labas ng pinto.

"Excuse me, class" binuksan nya ang pinto at nakita kong may kinakausap syang estudyante mula sa labas. Ilang minuto ay pumasok na sya kasama ang isang lalaki na matangkad. Nasa 6 ft. Nakasalamin ito at nasa hitsura nito na hindi ito pala-ngiti. He have this aura na medyo kapareho din kay LV. Intimidating.

"I personally excuse Ms. Flare from her classes. Pinapatawag sya ng head mistress" he coldly said, "Follow me, Ms. Flare" sabay tingin nito sa akin.

Wala na akong nagawa. Kinuha ko ang bag ko at sumunod sa lalaking ito. Hindi nya ako kinakausap kaya tahimik lang ako nakasunod sa kanya mula sa likod.

Bakit kaya ako pinapatawag ng headmistress? May violation ba akong nagawa?

Nang makarating kami sa opisina ng headmistress ay umarko agad ang kilay ko nang makita ko si LV na nakaupo sa harapan ng head mistress habang may isang lalaking nakaitim na suit sa likod nya. Wala na yung tatlong kasama nyang lalaki kanina.

"Thanks for bringing her, Helios" nakangiting sabi ng Headmistress sa lalaking nasa harapan ko. Tumango lang ang lalaki at agad na umalis pero nagulat ako ng may ibulong ito sa akin, "Finally, I saw you" he smirks.

I wry smile. Weird.

Nang makarating ako sa harapan nila ay ngumiti ako sa headmistress, "May kailangan po kayo?"

"Sa totoo lang, wala akong kailangan sayo pero si Mr. Montague meron"

Humarap sa akin ang lalaking nakaitim na suit at yumuko ito, "Señor Vitro wanted to see you, Ms. Flare"

Ha? Ano daw?

"Gusto kang makita ni Señor Vitro kaya iniimbitahan ka nyang dumalo sa bahay nya ngayon, Ms. Flare" sabat ng headmistress, "Pinakilala ka na ni LV as his girlfriend" ngumiti ito.

"Ha? Wait? Ano?" nabingi ata ako. Iniimbatahan ako? Nino? Señor Vitro? Sino yun?

"Don't worry, excuse ka ngayong araw sa lahat ng klase mo" dagdag pa nito.

"Let's go, Ms. Flare" the man with black suit said, "Señor Vitro is master Lourd Venedict's grandfather"

As he said, nanlaki ang mata ko at napatingin kay LV na matiim na nakatingin sa akin. Wtf?!

•••

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
3.4M 114K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
1.6M 63K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...