Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 43

1.6K 68 3
By iamsayaallego

KABANATA 43




When I opened my eyes, I found myself floating in a very dark place.

"Ren? Kulas? Jep? Nasaan kayo?" Tawag ko pero walang ni isang sumagot.

Bigla akong pinanlamigan at agad na niyakap ang sarili.

"Ren? Saan ka?" Muli kong tawag ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.

Bigla akong kinabahan. Baka iniwan nila ako sa bundok na iyon.

"Ren! Ren! Huwag mo akong iwan dito! Ren!" Sigaw ko habang pilit na tumatakbo pero hindi ako gumagalaw. Dumoble ang takot na naramdaman ko. "Ren!"

"Sinungaling." Biglang may nagsalita.

I turned around and saw Reign standing there with his hands in his pockets.

"Ren!" Sigaw ko at pilit na pinuntahan siya pero hindi pa rin ako makausad.

"Ayoko sa mga taong sinungaling," malamig nitong tugon, kasing lamig ng mga titig na ipinupukol nito.

"I'm sorry I lied. Hindi ko lang mahanap ang tamang tiempo para sabihin sa iyo. Natakot din ako na baka hindi mo ako matanggap kapag nalaman mo ang totoo," mangiyakngiyak kong sabi.

"Binigo mo ako."

"No!" Alma ko nang bigla itong nagbago ng anyo at naging si Jepoy.

"Pinagkatiwalaan ka namin!"

Pagkatapos ay muli na naman itong nag-iba at naging si Cecilia.

"Binigo mo kami!"

Nagpalit na naman ng anyo at naging si Kulas.

"Binigo mo kami, Yan."

Muli na naman itong nagbago at naging si Mikoy. Tapos si Nonoy. At pagkatapos ay si Kaloy. Pero iisa lang ang kanilang sinasabi, "Binigo mo kami."

"No! No! No! Please, I didn't mean to lie. Don't leave me like this!" Sigaw ko habang pilit pa ring nilalapitan ang mga kaibigan.

Nagbago na naman ito ng anyo at naging isang bata. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang batang iyon.

"K-K-Kirsten?"

Itinuro nito ang isang daliri sa akin bago nagsalita,"Witch! Little devil Arianne! We'll burn you at the stake!"

"No!" I screamed on top of my lungs as I covered my ears.

"Binigo mo ako, Princess."

I woke as a start. I was sweating so much from the dream I just had. Kaagad kong nilibot ang paningin at agad na nag-panic nang ang tangi ko lang nakita ay ang kadiliman.

Babangon na sana ako para hanapin ang mga kasama nang maramdaman ang isang nakaharang na bagay sa aking dibdib. Nang aking tingnan, nakita kong nakadagan ang isang braso sa ibabaw ng nakatakip sa aking jacket.

Agad akong napatingin sa aking katabi at laking ginhawa ko nang makita ang natutulog na anyo ni Reign.

He's still here.

Tumagilid ako para mas mapagmasdan pa ang kanyang mukha. Despite the cold temperature, he's sleeping so peacefully.

"Binigo mo ako." Bigla kong naalala iyong napanaginipan ko. My heart constricted at the memory.

I need some air. I thought as I slowly untangled his arm from my shoulder so I could get up.

Dahan-dahan akong lumabas para hindi magising iyong dalawang taong natutulog pa sa loob. Sinalubong ako nang napakalamig na hangin. Madilim pa rin ang paligid at napapaligiran ng hamog ang buong lugar.

I walked over to where we were seated last night and sat on the log as I crossed my arms to shield myself from the cold.  I nearly fell on my seat when someone suddenly spoke.

"Ang aga mo namang nagising. Alas kuatro pa lang," napapaos nitong sabi.

"Sorry, nagising ba kita?"

"Tss, nilalamig ka na," sabi lang nito bago lumapit at isinuot ang jacket sa akin, "Bakit mo kasi iniwan ito sa loob?"

"Sorry," sabi ko, "Papaano ka? Lalamigin ka rin," I added, noting that his shirt wasn't thick enough to repel the cold.

"Okay lang ako. Gusto ko ang ganitong lamig," ang sagot niya bago hinila ang isang bangkito at inupuan ito sa harap ko, "Hindi ka ba nakatulog nang maayos?"

"Hmm... nakatulog naman," maikling sagot ko at biglang nahiya nang biglang naalala ang posisyon namin nang magising ako kanina. I played the ends of his jacket to hide my embarrassment.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanyang binangungot ako kaya maaga akong nagising. Ayaw kong isipin niyang mahina ako at naduduwag ng dahil lang sa isang masamang panaginip.

"May problema ba?"

Nag-angat ako ng tingin. Nakatanaw sa akin ang kanyang mga mata, tila nangungusap at may hinahanap.

Please stop prying!

"Wala naman," agap ko matapos mag-iwas ng tingin.

Ilang sandali kaming natahimik nang muli siyang magsalita.

"Sorry kung pakiramdam mo nakikialam na naman ako sa personal mong buhay."

Napasinghap ako sa narinig at mabilis siyang hinarap.

"You're not--"

"Pero kung kailangan mo ng kausap o tagapakinig man lang, gusto kong malaman mong nandirito lang ako palagi," he said.

His eyes were still as strong but there was gentleness in them too that soothed my aching soul. I opened my mouth to say something but found none. Isinarado ko na lang iyon at saka tumango.

Ilang sandali kaming naging tahimik habang pinagmamasdan ang aming kapaligiran. Walang masyadong nakikita dahil sa kapal ng hamog. I looked towards the sky and was glad when I saw the last of the stars that were saying goodbye to the night.

"Ang ganda talaga ng langit kapag nakikita mo ang mga bituin. Sayang at sa gabi lang natin sila nakikita," wala sa sarili kong sabi.

"Hmm?" Tumingala rin ito at nakita ang ibig kong sabihin, "Hindi iyan totoo."

"Ha? Anong hindi totoo? Ang mga bituin?"

"Na sa gabi mo lang sila nakikita," he scoffed.

"Totoo naman, hindi ba? Hindi mo sila nakikita sa umaga kasi masyadong maliwag ang langit para makita sila," I argued.

"Makikita mo sila kahit sa umaga," giit nito at agad na kumunot ang aking noo.

"Hindi nga?"

"Oo nga!"

"Paano naman mangyayari iyon, e, nasasapawan ang kinang nila ng araw?"

"Nakikita nga!" He insisted and I was running out of patience.

"Saan ka nakarinig ng star gazing sa umaga, abir? Sa gabi lang ginagawa iyon kasi iyon lang ang panahon para makita mo sila! Kailangan ng dilim para makita mo ang mga bituin!"

Umiling ito bago tumawa nang mahina.

"Ang magandang tanong diyan, hinahanap mo ba sila sa umaga?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi at biglang napaisip. Sa gitna ng aking pagmumuni, bigla itong tumayo at nag-unat sa aking harapan.

"Halika, may ipapakita ako sa iyo," he said all of a sudden.

"Ano?"

Lumingon siya sa akin nang may malaking ngiti sa kanyang mukha. The cold wind was blowing and it numbed my skin, but those glimmering marbles and big smile of his warmed me all over.

"Ipapakita ko sa iyo ang pinakamagandang bituin!"

Ilang minuto pa lang mula ng magsimula kaming maglakad sa makapal na hamog ay nagreklamo na ako. Wala akong makita at ilang beses na akong natisud at muntikang natumba dahil sa malalaking ugat at bato sa aming daan.

"Ren, malayo pa ba?"

"Sandali na lang," sabi niya na naman, pangatlong beses na simula kanina.

"Ang sakit ng paa ko, Ren. Naka-tsinelas lang ako," reklamo ko na naman.

"Konti na lang talaga. Bilisan natin para maabutan natin iyong bituin na sinasabi ko," anito at muli na namang nawala sa hamog.

Bigla akong kinabahan nang kahit binilisan ko na ay hindi ko siya matagpuan.

"Ren? Ren? Nasaan ka?"

"Nandito ako!"

Sinundan ko ang boses niya pero hindi ko pa rin siya mahanap.

"Binigo mo ako." I remembered the dream and then panic started rising up inside me.

"Ren! Ren!" I screamed while blindly running through the thick fog, "Ren... ah!"

Nadulas ako at nadapa nang natisud ako ng isang nakausling ugat. I could feel the stinging pain on my knees. But I didn't mind them as I got back up to search for Reign. I was already trembling in fear and I could feel my tears threatening to fall.

"Ren!" I called once more before two strong hands held me by the shoulder. Lumingon ako at nakita ang nakasimangot na mukha ng hinahanap.

"Saan ka ba nagpunta? Hindi ka na nakasunod sa akin."

"Ang bilis mo kasing maglakad. Sabi ko nga naka-tsinelas lang ako. O, tingnan mo tuloy, nadapa ako!" Hindi ko napigilang ibulalas habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Nagulat ako nang bigla na lang itong lumuhod at hinawakan ang mga tuhod ko.

"Uy! Okay lang ako!" Mabilis kong sabi.

"Tss. Hindi ka kasi nag-iingat," sabi nito matapos.

"Anong hindi nag-iingat? Ang bilis mo kayang maglakad! Siyempre madulas iyong daan, tapos kailangan ko ring bilisan para makahabol sa iyo. Ayan, nadulas--"

Natahimik ako nang kunin nito ang aking kamay at saka hinila.

Magkahawak ang aming mga kamay habang nilalakad ang makapakal na hamog. Sinasalo niya ako sa tuwing natitisud na naman ng mga ugat. Pinapayuhan niya rin kapag may naapakan siyang maaaring makatisud sa akin.

His hand is so warm. I smiled and thought that I wouldn't mind even if we get lost in this fog forever.

Kaya naman nang huminto ito at bitawan ang aking kamay ay bahagyang nalungkot ang aking puso.

"Nandito na tayo?" Tanong ko na lang para pagtakpan iyon at agad na tumingala para hanapin iyong tinutukoy niyang bituin.

"Hindi pa."

"Ha? Saan pala?"

"Aakyat pa tayo roon!" Sabi niya sabay turo paitaas.

Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin dahil masyado pang makapal ang hamog sa paligid namin.

"Ha?"

"Doon!" Muli niya itong tinuro.

I squinted my eyes to see what he was talking about in this darkness. Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata nang makita ang tinutukoy nito.

"We're going to climb that?"

"Oo. Bilisan natin para maabutan mo pa siya!"

"H-ha? E..."

Pareho kaming napatingin sa suot kong tsinelas. Puno na ang talampakan nito ngayon ng putik. Nagkatinginan kami at alam kong nakuha na niya agad ang inaalala ko. Pero ngumisi lang ito at saka muling kinuha ang aking kamay. My heart literally jumped at the contact.

"Humawak ka lang sa akin. Hindi kita pababayaan," sabi nito at dumoble na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ilang beses akong muntikang nadulas sa mga nalumutang bato habang inaakyat namin ang matarik na daan. Gaya nga ng pangako niya, inalalayan niya ako sa pag-akyat nang hindi binibitawan ang aking kamay.

Nang sa wakas ay narating namin ang tuktok, pinagpapawisan na ang buo kong katawan. I moved to take his jacket off me nang pigilan niya ito.

"Huwag mong hubarin. Lalamigin ka niyan mamaya."

"Pero--" Sasagot pa sana ako nang muli na naman niya akong hinila.

"Dito ka maupo," sabi nito at pinaupo ako sa isang batong malapit na sa pinakagilid ng bundok. Naupo naman siya sa isang malaking bato sa harap ko habang hawak pa rin ang kamay ko.

Para hindi ko masyadong isipin ang magkahawak naming kamay, saglit akong napatingin sa baba. Akala ko ay malulula ako sa lalim pero wala akong ibang makita kundi ang makapal na hamog na nag-anyo ng ulap. Iginala ko pa ang aking mata sa tanawin. It was peaceful and quiet and calm.

Ang ganda!

"Huwag ka masyadong tumagilid at baka mahulog ka."

Ibinalik ko sa kanya ang aking paningin at isang mapaglarong ngiti ang aking nasilayan. Tsaka ko lang natandaan ang dahilan ng pagpunta namin sa lugar na iyon. Tumingala ako at nagsimulang maghanap.

"So, where is it? Nasaan na iyong pinakamagandang bituin na sinasabi mo? Baka iyong planet Venus ang ibig mong sabihin? Iyong morning star?"

Napabaling ako sa kanya nang bigla na lang itong natawa.

"Bakit? Biro lang ba iyon?" Tanong ko na medyo nagtatampo.

Saglit pa itong tumingin sa akin bago tumayo at lumapit. Muli akong kinabahan nang pumunta ito sa aking likuran at marahang hinahawakan ang aking leeg. His touch sent electrical signals all over my body. I bit my lower lip when I felt that foreign, tingling sensation. But then he slid his hand towards my jaw and carefully directed my face in front.

Napasinghap ako nang maramdaman ang pisngi nito sa buhok ko.

"Ituon mo lang ang mata mo sa direksyon na iyon at makikita mo ang bituing tinutukoy ko," bulong nito at agad na nagsipagtindigan ang mga balahibo ko.

Pagkatapos noon ay iniwan na niya ako at bumalik sa dating puwesto. I did not dare look at him to see what expression he was wearing. For if I did, he would surely see the embarrassing expression I had at the moment. Kung kaya, kahit nakakangalay, nanatili ako sa ganoong posisyon habang sinisikap na makita ang sinasabi nitong bituin.

"Alam mo bang napulot lang ako ng aking mga magulang?"

What?

"Diyan ka lang. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa direksyon na iyan," pigil nito nang lilingunin ko sana siya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang kagustuhan at agad na itinuon ang paningin sa aking harapan. Pero ang atensiyon ko ay nasa karugtong noong sinabi niya.

"Apat na taong gulang ako nang mapulot ako ni Nanay sa isang kartong kasama sa mga basura. Iyak daw ako ng iyak nang makita niya ako. Wala akong naalala. Kung anong pangalan ko, o sino ang tunay kong mga magulang o kung saan ako galing..."

He paused and for a second I was tempted to see the look in his face. Pero katulad ng pagtiyaga niya upang alalayan akong makaakyat, isinantabi ko muna ang pansariling kuryusidad. I straightened my back and kept my eyes on the horizon up ahead as I waited for him to continue.

"Mabait iyong babaeng kumupkop sa akin. Inaalagaan niya ako, binihisan at pinakain. Pero kung anong ibinait nito, siya namang ikinasama ng ugali ng kanyang asawa."

Another pause.

"Araw-araw nitong sinisigawan si Nanay. Araw-araw ding binubugbog. Kapag hindi ko nagawa ang gusto niyang mangyari, ipinapasok niya ako sa isang sako at saka isasabit iyon sa isang puno hanggang maggabi."

I gasped at his revelation. He had that kind of experience?

"Hanggang sa isang araw, hindi na nakayanan ni Nanay. Iniwan niya kami. Sa mga panahong iyon, ako na ang palaging pinagdidiskitihan ni Tatay. Inuutusan ng kung anu-ano para magkapera. Kapag wala akong naiuwi, bugbog ang aabutin ko sa kanya."

Bigla kong naalala si Gene. Kahit ampon niya lang ako, ni minsan, hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat ako. Lagi niyang sinisigurong hindi ako masasaktan o mapapahamak. Ginagawa niya ang lahat para alagaan at protektahan ako. Nang iwan siya ni Mimi, hindi nabawasan ang pagmamahal na iyon. Hindi man lang niya ako sinisi kahit alam kong ako naman talaga ang dahilan kung bakit nagkaganito ang pamilya niya.

"Kaya nga tinutulungan ko iyong mga batang palaboy sa kalye na mabago nila ang pananaw sa buhay. Hindi nila kailangang mamalimos o mangalkal sa mga basurahan para lang may makain. Hindi nila kailangang mang-snatch o magnakaw para lang magkapera. Hindi nila kailangan ang rugby para maging masaya at panandaliang matakasan ang hirap ng buhay."

Kinuyom ko ang aking mga kamao nang maisip ang isang batang Reign na nangangalkal sa isang basuran, gutom na gutom at kinakain ang kahit anong pwedeng kainin.

"Walang perpektong daanan ang buhay. At hindi sa lahat ng panahon nagbibigay ito ng warning signals para mapaghandaan natin ang mga pwedeng mangyari. Masasaktan tayo nang maraming beses. Matitisud. Madadapa. Madudumihan. Mahuhulog. Masusugatan. Mangangapa."

Ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha sa kanyang mga sinabi.

"Pero okay lang iyon. Normal lang iyon. Ang importante ay buhay pa rin tayo. Humihinga. Lumalaban pa rin at hindi sumusuko. Umaasa nang mas magandang bukas."

I bit my lip as the reality of his words hit me so hard in the chest.

"Minsan naitanong ko sa sarili kung bakit pa ako ipinanganak para lang humantong sa isang basurahan."

Isang butil ng luha ang nakatakas sa kanyang sinabi.

"Nakahiga ako noon sa isang malamig at maruming semento ng eskina nang sumagi ang tanong na iyon sa aking isipan. Magkahalong pagod, gutom at sakit ng katawan ang tangi kong naramdaman sa mga panahong iyon habang hawak ang isang maliit na supot na may lamang rugby. Wala akong nahanap na sagot. Tanging kadiliman lamang ang nakikita ko sa mga panahong iyon."

Napasinghap ako sa narinig. I felt as though it was my life he was describing to me just now. Dark. Cold. Filthy. Another tear fell from my eyes.

"Hanggang sa nagising ako isang araw na sawa na sa buhay na mayroon ako."

When the next cold air brushed my face, the memories of that night flashed before my eyes. I bit the wall of my cheek to stop myself from screaming when I saw those pair of dead eyes staring straight at me.

No!

Gusto kong pumikit para iwala ang mga imaheng nakikita pero kapag ginawa ko iyon, malalaman ni Reign ang lihim ko. He'd hate you for sure!

"Sinungaling."

No!

"Binigo mo ako."

No!

"Sa huli, tayo pa rin ang makakatulong sa sarili natin."

Ha?

Unti-unting nawala ang mga hamog sa paligid at doon ko lang napansin ang isang manipis na guhit ng liwanag sa aming harapan.

"Na-realize ko na walang ibang magtuturo sa akin kung paano ko palalakarin ang buhay ko. Kung sasayangin ko lang iyon sa isang tabi o pagbubutihin para paggising ko kinabukasan baka maiba naman ang estado nito."

Mas lumapad pa ang manipis na guhit na iyon at unti-unting bumubuka sa isang magandang liwayway.

"I want you to see the many colors of life! Feel them, Princess! They're beautiful."

Isa-isang nagsihulog ang mga butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

Rekka, I'm sorry I failed you. I was stupid and weak and couldn't get pass myself. I was selfish. I hated my life. And because of that hate, I keep on hurting the people who really cared for me.

"Pinatawad ko na ang sarili ko. Nagkamali man ako noon, hindi ko na iyon mababago pero hindi ko rin iyon ikinakahiya. Ipinagmamalaki kong naging bahagi iyon ng buhay ko dahil matagumpay ko iyong nalagpasan."

Tuluyan ng nagpakita ang haring araw at bumalandra sa amin ang ganda ng tanawin.

"Smile for me, Princess."

"Hindi ba't ang ganda niya?"

Mariin akong pumikit habang dahan-dahang nilalagyan ng hangin ang aking baga at dahan-dahan rin iyong ibinuga. Kahit na naluluha, ngumiti pa rin ako sa abot ng aking makakaya.

"Maganda nga."

"Uh..."

"Hoy, ano iyan?!" Biglang sumulpot si Jepoy at nakaturo ang isang daliri sa aming dalawa.

"Ang daya niyo! Iniwan niyo kami!"

"Hindi niyo man lang kami ginising?!"

Hindi ko maintindihan pero parang biglang gumaan ang loob ko. Bigla akong natawa.

Ilang sandali silang napatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng sungay pero hindi ko iyon inintindi. Ang alam ko lang masarap ang pakiramdam ko ngayon.

"Uy, masaya si Ian, o! Siguradong masaya ka rin sa birthday mo, King?"

Ha? Natigilan ako nang marinig iyon. Sakto namang siniko ni Reign si Kulas at saka inipit ang ulo nito sa kanyang kilikili. Pero hindi naman ito galit. Medyo namumula lang ang mukha at leeg dahil na rin siguro sa lamig.

Wait a minute.

"Birthday mo?!" When reality suddenly hit me in the chest.

"Nakalimutan mo, Yan?" Mapang-asar na tanong ni Kulas habang minamata ang kaibigan.

"H-ha? A..." Anong petsa nga uli ngayon? Shit!

"Uy, ang ganda ng view, o! Perfect para sa isang groufie! Tara, picture tayo!" Biglang anyaya naman ni Jepoy habang inilalagay sa isang make-shift na selfie stick ang kanyang cellphone.

Mabilis namang nagsilapitan ang iba para magkasya sa screen.

"Palit tayo, Jep!" Biglang sigaw ni Reign.

"Hindi pwede, King! Ako ang may hawak ng kamera. Kailangang nasa gitna ako para kita tayong lahat."

"Ako na ang hahawak sa kamera. Diyan ako."

Walang nagawa si Jepoy kung hindi ang pagbigyan ang kanilang hari. Lumipat ito sa tabi ni Kulas at agad namang tumabi iyong isa sa akin matapos kunin ang cellphone ng kaibigan.

"O, ready?"

"King, hindi kami kita sa screen!" Reklamo ni Kulas.

"Tss." Inayos uli ng kanilang hari ang pwesto ng kamera, "Lapit ka pa ng konti, Ian, para makita ka sa screen," sabi pa nito sabay akbay sa aking balikat.

"Kita naman si Ian, King! Kami iyong hindi kita, o!"

"Kalahati lang ng mukha ko iyong kita!"

"Ako nga leeg lang!"

"Buhok ko lang iyong nakuha, o!"

"O, sige na!" Sabi nito nang hindi pinapakinggan ang reklamo ng mga kababata, "One, two, three..."

"Uy!"

Magrereklamo pa sana sila pero wala na silang nagawa nang napindot na ng kanilang hari ang button.

Makalipas ang ilang sandaling kwentuhan, nagpasya na kaming bumaba para kumain ng agahan. Naunang bumaba ang polboron boys at sumunod naman si Kulas.

Saglit ko pang tinignan ang bughaw na langit.

"Tara?"

Napabaling ako at nakita ang nakabukas na palad ni Reign, hinihintay na tanggapin ko iyon para makababa na rin kami.

"Uh, sorry. Nakalimutan kong birthday mo pala."

"Okay lang. Naiintindihan ko naman. Saka hindi na importante iyon. Huwag mo masyadong isipin," sabi nito habang nagkakamot ng batok.

Even when he said that, nahihiya pa rin akong wala man lang akong naibigay na regalo sa kanya. He's given me a gift for Christmas -- a gift that was more than I could ask for. Muli kong hinawakan ang manipis na kadena ng pulseras.

"Hindi man lang kita nabigyan ng regalo," halos pabulong kong tugon.

"Hmm..."

Nang akin siyang nilingon ay nakapangalumbaba ito at tila may iniisip.

"Gusto mo talaga ako bigyan ng regalo?"

Dahan-dahan akong tumango.

"Kung ganoon, pumikit ka," nakangiti nitong tugon.

"H-ha?" Muli akong binalikan ng kaba.

"Pikit na, dali," giit nito.

"A... S-sige," sagot ko at agad na ipinikit ang mga mata.

Ilang sandali kong pinakiramdaman kung anong gagawin niya.

Hindi niya naman ako gugulatin ng kung ano, hindi ba? O, hindi kaya naman ay bigla na lang itulak sa bangin? O, hindi kaya naman... I remembered the way his green eyes lit that night in my room as his face neared mine. Lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko nang maisip na baka ganoon uli ang nangyayari ngayon.

O baka naman ay iniwan ka na niya.

"R-ren—" I gasped when I felt his hands over the the sleeves of his denim jacket I was wearing.

Gently and torturously slow, he slid them towards my shoulders. Pigil ang hininga ko nang maramdaman kasunod noon ang paglapit ng katawan niya sa katawan ko habang dahan-dahang pumulupot ang kanyang mga bisig sa akin.

His manly musk immediately invaded my senses and made they haywire! Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

Unti-unting humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Kasabay noon ang kanyang pagsinghap sa buhok ko.

Wait. Did I wash my hair yesterday? Hala, noong isang araw pa iyon!

Lalayo na sana sa takot na baka ma-offend siya sa amoy ng buhok ko nang bigla kong naramdaman ang isang maingat at mainit na dampi ng isang malambot na bagay sa aking noo. Ilang saglit ay humiwalay na ito sa akin.

"Thank you sa regalo!" Sabi nito.

Hindi ako nakagalaw o nakaimik man lang habang pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga kulay sa kayang mga mata. His hair and shirt were a mess. His cheeks had some smudges of earth. And he had a carefree smile pasted on his lips. Yet somehow, I found this image of him, the most beautiful picture I have ever seen.

Rekka, can you hear that? That's my heart beating so wild. It wouldn't be long until it completely falls off my chest. But even if it does, I don't think I would mind.

Rekka, I'm glad I'm alive.

Continue Reading

You'll Also Like

681K 41.5K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...
6.6K 200 5
Make sure to read this first if you want to read my stories in order! Cover by @Geksxx ugly ✨
650K 27K 48
Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gustong-gusto ni Ana ang trabahong pinasok...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...