Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

10 | ten

19.2K 842 1.4K
By pilosopotasya


Ang ilang reyalidad talaga sa buhay ay maaaring pumasok sa kategoryang fantasy. (Hindi dahil walang katotohanan, okay? Pero. . .) Ito ang mga reyalidad na sa sobrang sandali lang, parang hindi na totoo. Sa sobrang siksik ng mga ganap at tila nakulong sa isang happy bubble, puputok ito bigla. Ang katahimikang naririnig, maglalaho. Mag-iingay ang paligid. Gagalaw at mawawala ang maliit na mundo.

Ito ang nangyari kay Rayne.

Malay niya kay Kaye.

Ngumiti si Rayne at yumuko bago pumasok sa Ministop. Isang indikasyon ng pagpapaalam. (Bakit pa patatagalin, maghihiwalay rin naman?) Pagkapasok, tahimik ang lahat pwera sa babaeng may katawagan sa phone na nasa may counter, maingay ang boses.

"Ba't kayo naglasing?" anito, naghihintay ng mga binili. "Anong hindi lasing? Naririnig mo ba sarili mo, Dos? Asheyashiya na sinasabi mo! Wait, kumakanta ba ng leron-leron sinta si Dondon?" Natahimik "Isa pa, ba't niyo ako iniwan? Ako na si Vans? Ako na maganda? Ako dapat ang kino-console niyo about sa summa cum laude kong tatay, eh!"

Pansin ni Rayne ang nangingiting babae sa cashier, mukhang natatawa doon sa babaeng tinawag ang sarili na Vans.

"Wala akong paki kung wala kang date—"

Nawala ang ingay nang lumabas na ito. Nagkangitian si Rayne at ang babaeng crew sa cashier.

Ginusto tuloy ni Rayne hatakin ang babae kaninang si Vans para magkwento sa kagandahan nito. At gusto rin niya malaman kung anong mayroon sa summa cum laude nitong tatay. Mas gusto niya ng ingay kaysa ganito. Kailangan niyang maaliw.

Ang sakit ng katahimikan, masyado ata siyang nasanay sa boses niya at ni Kaye na nag-uusap ng kung anu-ano lang.

Hay, Rayne. Move on na.

Dumiretso siya sa mga ref, gusto na lang niyang pumasok sa loob at doon manirahan para mahimasmasan na sa kahibangan. Kumuha siya ng bote ng tubig saka lang niya na-realize na wala nga pala siyang dalang pera o cellphone o kahit ano man lang for survival purposes.

Napasandal siya sa pinto ng ref.

Paano siya makakauwi? Nasa 5YNCO bar pa kaya ang mga kaibigan niya? O makiki-text na lang siya? Makikitawag siguro sa telepono ng store para mapa-grab car siya ng Mama niya mula rito papuntang bahay?

Ano ba kasing iniisip niya't hindi pa siya sumama kanila Xanne at MJ kanina?!

Ah, bahala na.

(Pero, ugh, nalulugmok talaga siya.)

Ibabalik na sana niya ang bote ng tubig nang biglang may humawak nito. Napabitaw siya bigla dahil halos nahawakan din ang kamay niya. Dahil sa mabilis na reflex, nasiko niya agad ang halos nakahawak ng kamay niya – only to see her.

Kaye freaking Cal behind.

Nakahawak ito sa tadyang, hinihimas. Mukhang nasaktan.

Napakurap si Rayne. Totoo ba? Hallucination?

Anuna?

"Ah-K-C-Hala, sorry!" Pakiramdam ni Rayne, nasiko rin niya ang sarili sa puso dahil parang may biglang tumambol na malakas. Napahawak siya sa tadyang ni Kaye. "Ayos ka lang? Ba't ka nandyan?!"

"Beh," natatawang anito. "Ang tulis ng siko mo."

"Sorry! Bakit mo kasi hinawakan agad? Dapat hinintay mong bitawan ko bago mo kuhanin! Bakit ka ba nandito?"

Tumawa si Kaye. "Okay lang, sige." Mukhang nag-isip pa ito kung kukuhanin ang cola na nasa ref, pero kinuha pa rin naman. Hinihimas nito ang tadyang na nagpunta sa cashier para magbayad.

Biglang nahiya si Rayne. Napatitig lang siya kay Kaye na nagbabayad ng coke in can at bote ng tubig.

Aalis na ba siya? Anong gagawin niya? Shit. Nakakaloka.

Nagkunwari siyang nagtingin-tingin sa paligid. Binalingan niya ang isang babaeng nakaupo sa isang gilid, may hawak na phone, at may paiyak pang ganap. Akala niya may problema pero nang lumapit kaunti, nanonood pala ng kdrama.

Bumubulong pa ito ng, "Oppa. . . Ji Chang Wook oppa."

Akala niya may sinasabing incantation.

Dumagdag pa sa bulong nito ang, "Okay ka lang, London. London, makakaya mo 'tong sakit. Oppa. . . Noooo~" Mukhang pinapapatatag ang sarili.

"Here."

Nagulat si Rayne sa malamig na dumapo sa mainit niyang pisngi. Bote ng tubig. Paglingon, si Kaye ang may hawak.

"Ano 'to?"

"Tubig tawag d'yan, 2 parts Hydrogen, 1 part oxygen—iniinom."

"Sira. Bakit mo binili?"

Ngumiti si Kaye, binuksan ang coke in can at uminom. "As far as I know, wala kang money at binalak mong bilhin 'yong tubig."

"Hindi ah! Gusto ko lang titigan!"

"Sige, Rayne, naniniwala ako sa 'yo."

Napatulala sandali si Rayne sa pagtawa ni Kaye.

"Sa 'yo na 'yan, my treat."

"Ah, ano. . .okay. Thanks?"

Sobrang unsure na si Rayne sa buhay niya, grabe. Totoo pa rin ba 'to? Sobrang hindi na nga makatotohanan 'yong nangyari the past few hours, ngayon pa kaya?

"Uhm. . ."

"So. . ."

(Shit. Awkward!)

"Paano ka nga pala makakauwi?" pagbasag ni Kaye sa awkward atmosphere.

Muntik na silang ma-suffocate, buti na lang.

"Pwede akong mag-taxi."

"Sa ganitong place at time?"

"Teka lang, ba't ka nandito? Hindi ba uuwi ka na?"

(Galing-galing ni Rayne mag change topic. Wew.)

"Usapan natin magcha-charge ako ng phone, right? Bigla-bigla kang pumasok dito, 'di mo na ako hinintay."

"Pero aalis ka n—"

"Magcha-charge pa ako ng low batt kong phone."

Nginitian siya ni Kaye hanggang sa sinilip na niya ang labas kung nasaan ang kotse – dapat – kaso wala na ito sa labas.

"'Yong manager mo. . ."

"Kinausap ko lang saglit. Babalik siya kapag natapos na charging ng phone ko. Ko-contact-in ko siya."

"Pwede ka naman mag-charge sa kotse, ah? Or sa bahay na lang—"

"Tara, d'on tayo. Babantayan ko 'yong phone."

Ang maliit nilang bula na pinutok na ni Rayne, unti-unting hinihipan muli ni Kaye pabalik sa dating laki. Unti-unti na namang tumitigil ang paligid. Ang mga ingay ay humihina hanggang si Kaye at siya na lang ang naririnig ng tainga.

Naupo sila sa tabi ng charging station.

Nakatulala si Rayne sa labas, nakatitig sa ilang sasakyang dumaraan. Kung ano mang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Kaye, sobrang sasabog na ang puso niya.

At siguro, it's about time na malaman na ni Kaye ang katotohanan. Mga katotohanan.

"May confession ako."

"Agad?" natatawang ani Kaye.

Pabiro niyang sinamaan ito ng tingin. "'Yong nasa cubicle kanina sa 5YNCO. . . kaibigan ko 'yong dalawang 'yon."

"Oh?" anito, uminom sa hawak na coke. "Lesbian sila?"

"Ha? Hindi. Ano ba 'yang iniisip mo!"

Natawa si Kaye. "Sensya naman."

"Nagtago sila sa cubicle para hindi mo makita."

"Bakit?"

"Natatakot na baka lumayo ka dahil magfa-fangirl panigurado, lalo na si MJ."

"Ay, gan'on?"

"Hindi ba't gan'on naman talaga. . . kapag nilalapitan ka, nagre-repell 'yong nilalapitan," aniya. "Kaya nga kapag may crush ka, hindi ka crush."

Tigil.

"Ay, nalungkot naman ako d'on." Nilingon siya ni Kaye. "Hindi rin ako crush?"

"Uhm, ewan ko sa 'yo, I mean, itanong mo? Err-depends siguro?"

Ngumisi si Kaye. "Gusto ko 'yan."

Naguluhan pa sandali si Rayne ngunit biglang nag-click ang pagiging assumera niya at sana ay hindi na lang niya naintindihan o nag-a-assume para mas masaya.

Eh, wala. Assumera.

"May isa pa akong confession," tuloy na lang niya.

Huminga nang malalim si Kaye. Hinimas ang gitna ng ribs. "Natatakot na ako sa mga confession na 'yan."

"Kilala talaga kita."

Kita ni Rayne sa repleksyon ng salamin ng Ministop ang paglingon sa kanya ni Kaye. Nanlalamig na ang mga kamay niya at kumakabog ang dibdib. Sobrang weird dahil animo'y nagtatapat ng matagal nang pag-ibig sa halos isang estranghero.

"Kilala mo talaga ako. . ."

Hindi ito tanong, mas napupunta ito sa tonong. . . confirmation.

Sinundan ng tingin ni Rayne ang isang bata sa labas na may hawak na kumpol ng rosas, kumakalabit sa ilang mga taong dumaraan.

"Oo. Kilala kita. Alam kong ikaw si Kaye. Karen Jade Cal, dating vocalist ng Ezra Band kasama sila Nor, Jester at John. Ngayon, solo artist ka na under Star Music, managed by Ms. Ad," diretso niyang sabi.

Nakatitig lang sa kanya si Kaye.

"Birthday mo 6 days ago, February 11. Kaparehas ng birth year si Taylor Swift. Birthday celebration concert mo 'yong event sa Le Chandelle kanina. At oo, nanood ako. Nasaksihan ko 'yong announcement na magkaka-album ka internationally. Nakinig ako sa buong set niyo. Sa 'yo."

Yumuko si Kaye, humagod sa buhok patalikod.

"Sa totoo n'yan, nilibre ko sila MJ at Xanne para samahan akong panoorin ka nang live for the first tim—"

Natigil si Rayne sa tuloy-tuloy na pagsasalita nang hawakan siya ni Kaye sa braso. "Wait."

"B-Bakit?"

"Masyadong maraming impormasyon. Baka sumabog ako."

Humigpit ang hawak ni Kaye sa braso niya. Pumikit ito at napainom sa coke bago huminga nang sobrang lalim.

"I know," bulong nito.

"Alam mo?"

"Oo, alam kong kilala mo ako. Not to that extent but I just know you knew me."

"P-Paano?"

"Sa buhok mo ba namang 'yan, sinong hindi makakakita sa 'yo?" Hinawakan ni Kaye ang buhok ni Rayne. "N'ong nasa stage ako kanina, naalala ko 'tong puting buhok. Nakaupo ka sa may aisle, right? Nag-click na lang bigla habang kumakain tayo sa Japanese resto na ikaw pala 'yong nakita ko sa crowd."

"Isa talagang give away 'yong buhok ko, no?" Mahinang natawa si Rayne. "Alam mo ba dati n'ong umalis kami ng. . . ng kaibigan ko papuntang ibang lugar tapos may tour with tourist guide – green pa buhok ko n'on, ginagawa akong tagpuan, eh."

Natawa si Kaye. "Makes sense. You stand out."

"In a good way ba 'yan o bad way?"

Ngumiti si Kaye. "Baka ikatuwa mo 'yong answer ko."

Tumawa si Rayne. "Baka lumobo 'yong ulo ko, pumutok."

"Yikes!" Ngumiwi si Kaye. "That mental picture."

Tawanan.

"Bakit pala 'di mo sinabing alam mo na?" ani Rayne.

"Sabi mo nga, ako si Kaye, ikaw si Rayne. 'Yon lang ang importante. And mukhang ayaw mong alam kong kilala mo ako so. . . I played the part. Pwede na ba akong maging actor?"

Tumawa lalo si Rayne. "Baka kasi mag-panic ka; nagpa-panic ka na n'on sa CR, eh."

"May chance, buti hindi." Hinimas ni Kaye ang dibdib, sa gitna. Ngumiti. "Alam ko naman na talaga but iba pa rin pala pag sa 'yo na nanggaling."

"Nanggaling ang alin?"

"That confession."

"Bakit naman?"

"Wala lang. Ang overwhelming?"

"Overwhelming?"

"Hayaan mo na nga ako," natatawang ani Kaye. "So, you're a fan."

Tumawa si Rayne. "Hindi ko masabing fan, okay. Wala naman akong shirts at merch mo. Tinitigan ko nga lang 'yong binebentang shirts sa labas ng venue kanina, eh."

"Pero nakikinig ka ng music ko?"

"Nako, ah. Lumalaki ang ulo."

Tumawa si Kaye, ngiting-ngiti pa pagkatapos. "Gusto ko lang malaman."

"Oo na." Pabirong umirap si Rayne, tumingin sa labas ng glass wall. "Since PGT days naman, eh. Wonderful Tonight pa lang. Sa katunayan, nagkita na talaga tayo noon."

"Seriously?"

Tumango si Rayne. "2010. Sa Intramuros. May photoshoot kami tapos nandoon ka, namamasyal ata kayo nung dalawang babaeng kasama mo. Tap—"

"Wait, photoshoot para saan? Anong ginagawa mo sa shoot?"

"Wala. Nag-model-m—"

"Model ka?"

"Hindi! Inaya lang ako ng mga kaklase ko para mag-shoot, kunwari model, ganern. Teka nga, hindi 'yon ang point, eh. Basta, parang garden na nalimutan ko na ang tawag. Nakita ka ng mga kaibigan kong lalaki, iniisip kung ikaw ba si Kaye Cal galing PGT. Hindi ko mapalagpas na umalis ka, sinigaw ko 'yong pangalan mo, inalam kung lilingon ka."

"Lumingon ako?"

"Oo! Napasigaw ako ng, 'Si Kaye nga!' tapos nagulat lahat, nagfangirl pati 'yong mga kaibigan naming lalaki. Natatawa nga ako kasi panay ako sigaw ng, 'si Kaye! Picture tayo kay Kaye!', hinihila ko 'yong mga photographers kasi nga nag-shoot kami. Ayon, nag-group picture tayo, ako 'yong katabi mo sa picture."

"Talaga? Ini-imagine kita as energetic yet kalma ka lang ngayon."

"Sabi ko nga sa 'yo," aniya. "Hindi mo lang alam nangyayari sa loob."

"Sumisigaw ba?" nangingiting ani Kaye.

"Drop dead na, kanina pa."

Natawa si Kaye roon.

"Tapos, ginawa kong DP sa Facebook 'yong picture nating 'yon, agad-agad. Cropped 'yong mga kasama ko. Kaso tinapalan ko ng cute na emoji 'yong mukha ko kasi di ako maganda d'on," ani Rayne, inaalala ang lahat, nangingiti. "Brown pa nga ata buhok ko n'on, tapos mga lagpas dibdib 'yong haba. Mala-Hua Tze Lei hairtstyle ka pa noon."

"Wait, what do you mean?! Hindi talaga puti natural hair color mo?"

Bigla silang nagtawanan. That was unexpected.

"Na-disappoint ka ba na hindi ako ang akala mong ako?"

"Actually, I'm. . .anong tawag d'on? Shookt?"

Humagalpak si Rayne ng tawa to the point na napatingin sa kanya ang babaeng nanonood ng kdrama sa kabilang parte ng Ministop. Namumula ang mga mata nito, mukhang galing na naman sa pag-iyak session.

May fresh batch of tears, eh.

"Shookt saan?" ani Rayne. "Na hindi pala ako natural white hair?"

"Isa 'yon, but more on na ang tagal mo nang fangirl."

"Wow," ang nasabi niya. "Hindi ako religiously na nanonood na parang sinasamba na kita, ha," natatawa niyang sabi. "Ilang taon na nga rin kitang nakalimutan, eh."

"Ouch!"

"Seryoso. Hindi nga rin kita nasubaybayan d'on sa contest sa TV. 'Yong tatlo kayo?"

"We Love OPM?"

"Hindi ko 'yon pinanood."

"Ang sakit pala marinig 'pag sa 'yo galing."

Ngumiti si Rayne. "Pero may isang pangyayari na nagpabalik sa akin, hindi ko maalala kung ano, basta napa-search lang ako sa Wonderful Tonight version mo na sobrang go-to ko sa mga kanta mo, then Runaway. . . Walang Iba. . . hanggang sa napakinggan ko 'yong mga covers mo sa Youtube. Tapos napunta ako sa Facebook mo, pinanood ko mga videos tapos napunta ako sa isang gig video mo. . . kinakanta mo 'yong Tuloy Pa Rin."

"Hmm. . ."

Tumawa si Rayne. "Ang weird ba pag sinabi kong naiyak ako?"

"Saan? Sa Tuloy Pa Rin?"

Tumango siya. "Ang weird, eh. First time lang din nangyari sa akin 'yon. Hindi naman nakakaiyak 'yong kanta pero madaling araw na 'yon, nanonood lang sa sobrang labong video, tapos naiyak ako. Parang tanga, promise!"

"Nakaka-relate ka sa kanta?"

"Hindi! Wala naman talaga akong paki sa mga lyrics ng kanta noon, eh. More on melody lang, tapos hindi naman ako relate sa lyrics, ang upbeat p—"

"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko. . ."

"Hala! Ba't mo kinakanta 'yan!"

Nakangiti si Kaye habang kumakanta. Lagi na lang (shet). "Nagbago man ang hugis ng puso mo."

Ngiti. Kagat labi. Ngiti ng mata.

"Kaye. . ." may pagbabanta sa boses ni Rayne, kaso pagbabanta saan?

"Handa na 'kong hamunin ang aking mundo. 'Pagkat tuloy pa rin." Tumigil ito. "Hindi ka naman naiiyak."

"S'yempre hindi! Ba't naman ako iiyak! Tsaka. . . tsaka, please naman, 'wag ka ngang ngumiti nang ganyan. Distracting, eh."

"Ngumiti nang alin?"

"Nang ganyan!"

"Anong mayroon sa smile ko? Ganito naman talaga smile ko since kanina."

"Mas may pang-asar ngayon."

Tumawa si Kaye. "Hindi, ah. Sabi mo nga kanina, imagination mo lang 'yan," anito, tinapik pa ang balikat ni Rayne, kinopya ang ang ginawa niya kanina. "Then. . . after that, nalaman mong birthday concert ko ngayon?"

Tumango siya. "Spur of the moment lang. First time ko rin pupunta sa isang concert. Baguhan talaga ako n'ong bumili ako ng tickets, wala akong inaasahang kahit ano. Habang hinihintay ko itong araw, siguro halos isang buong buwan naka-replay 'yong Why Can't It Be sa Spotify ko."

"Ikaw pala dahilan kung bakit maraming plays 'yon sa Spotify?!"

"OA!" natatawang ani Rayne.  "Baka kalahati lang."

"Gusto ko 'yan," nangingiting sabi ni Kaye.

Pinipigilan ni Rayne ang kahihiyan na nararamdaman kahit gusto na talaga niyang magpalamon sa sahig. Nakaya nga niya the past few hours, eh. Ngayon pa kaya?

(oh god.)

"Magda-download nga dapat ako ng Walang Iba kaso hindi mo version 'yong nasa Spotify. Akala ko ayos lang sa akin dahil crush ko dati 'yong kumanta pero hindi natutuwa 'yong tainga ko. Iba 'yong sa 'yo, eh. Gusto lang nito," turo niya sa tainga, "boses mo lang pakinggan."

"Gusto ko 'yan." Mahina ang pagtawa ni Kaye, mukhang pinipigilan ang pagtawa pero hindi napipigilan. "What if hindi mo pala na-trip-an pakinggan mga covers ko. . ."

"Malamang wala ako rito."

"Buti na lang."

Nagkatinginan sila. Nakangiti.

"Buti na nga lang talaga."

"Ang stalker mo pala."

Pinalo niya ito. "Hindi, ah. Nagkataon lang kaya. Baka destiny."

"Naniniwala ka sa destiny pero hindi sa soulmates?" pagtataka ni Kaye.

"Wala akong sinasabing hindi ako naniniwala sa soulmates."

"Kanina lang—"

"Hindi mo naman ako tinanong kung anong say ko sa soulmates?"

"Ngayon, tinatanong na kita. Naniniwala ka sa soulmates?"

"Ang bilis naman, hindi ako prepared!"

"Dali na." Chineck sandali ni Kaye ang phone niya, charging pa rin naman. "Soulmates."

Napainom ng tubig si Rayne. "Eh di 'yong dalawang taong destined together, sila 'yong soulmate."

"Ang soulmate ba sa 'yo ay. . . para sa babae at lalaki lang?"

"Alam mo, hindi ko alam, eh," aniya. "Sa totoo lang, hindi ko 'yon masyadong pinag-iisipan talaga. Basta dalawang tao lang na nakatadhana siguro?"

"Thank you."

"Thanks saan?"

"Salamat lang, bawal na mag-thank you?"

Natawa si Rayne. "Eh 'di you're welcome, ba't galit ka agad?"

Tawanan. Katahimikan.

"Thank you rin," aniya.

Nagtaka si Kaye. "Para saan naman?"

"Sa maraming libre," ani Rayne, natatawa. "Akala ko kasi ako pa manlilibre sa mga kaibigan ko ng dinner kasi pinilit ko sila ngayong gabi, eh. Akalain mong ako pa pala ang nalibre. Busog na busog ako, napainom pa ng alcohol."

"Tinamaan ka na ba?" tanong ni Kaye.

"Ha? Ng alin?" pagtataka ni Rayne saglit. "Ay, oh. Ng ininom natin?" 

Kinagat niya ang labi, napaisip. Pinakiramdaman ang sarili. Namumula pa rin siya, medyo mainit pa rin ang pakiramdam. May kaunting hilo pero kaya naman.

"Mahihimasmasan din ako maya-maya."

Tumango si Kaye. "Sana huwag."

"Huwag ang alin? Mahimasmasan?!"

"Wala."

"Ang labo!"

Tawanan.

Lumapit sa kanila mula sa labas ang batang may hawak na mga rosas, glass wall ang pagitan, nakatingin sa kanila. Namamalimos ito.

"Madaling araw na, namamalimos pa siya," ani Rayne. "Ano kayang gagawin niya sa mga rose?"

"Mukhang binebenta, eh. Baka dahil Valentine's?"

"February 17 na. 18 na nga, eh. 4 days ago pa 'yong Valentine's."

Tumawa si Kaye. "Sabi nga n'ong lasing kanina sa bar, kahit kailan pwedeng mag-celebrate ng love, hindi lang sa Valentine's day talaga."

Panay ang katok ng bata sa glass wall na tapat nila.

"Wait lang, pabantay ng phone ko."

"Teka, wait—"

Tumayo't lumabas si Kaye. Pinanood ni Rayne ang pakikipag-usap nito sa bata. . . at bumili ng tatlong rose? At wow, mayroon naman pala itong cash. O baka bigay ng manager niya?

Kaso, bigla siyang kinabahan. Gusto niyang tumingin sa kung saan pero napatitig lang siya nang kumatok si Kaye sa glass wall at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito, nagpa-cute at kunwaring namamalimos din.

Nang umiling siya, at mapagbirong sinenyasan na umalis - nagpameywang si Kaye, hawak ang balakang, nakasimangot.

(Nagpapa-cute.)

Pinanliitan niya ito ng mata. Sabay silang tumawa. Narinig niya sa tainga ang tawa nito kahit may pagitan sila na glass wall, na para bang nasasanay na ang pandinig sa tawang ito.

(Oh, no.)

Pagpasok sa loob, may hawak na itong tatlong rosas.

Naupo muli si Kaye sa tabi niya at nilapag ang mga rosas sa lamesa. Nakita na naman niya ang singsing nito sa kaliwang daliri. Walang nagsalita sa kanila. Natahimik. Nang magdesisyon basagin ni Rayne ang katahimikan, nagsalita rin si Kaye kaya sabay silang natahimik ulit.

"Ikaw muna," ani Rayne, iniiwas ang tingin sa mga rosas.

"Lady's first."

"Babae ka rin naman."

"Mas babae ka."

"Wow parang kanina, ginagamit mo pagkababae mo. . ."

Tumawa siya. "Gan'on talaga. Advantage ng half-half."

Pabirong umirap si Rayne. "Walang kwenta 'yong sasabihin ko – sobrang random lang talaga."

"Ayos lang ang random, anong sasabihin mo?"

"Naisip ko lang bigla nung high school ako, nagtanungan kami kung what if maging lalaki kami sa isang buong araw, anong gagawin namin. Kasi alam mo 'yon, mas may freedom at superiority ang mga lalaki kaysa sa atin? O. . . sa amin lang?"

"Sa atin." Payapang ngumiti si Kaye. "Anong answer mo?"

"Sobrang matu-turn off ka siguro kapag nalaman mo. Sure ka na ba? Baka biglang ma-full charge 'yong phone mo para makauwi na't lumayo na agad sa akin."

Tumawa ito. "Grabe 'yon. 'Di naman siguro. Ano ba gagawin mo?"

"Naisip ko noon na pag naging lalaki ako, makikipag sex ako—"

"Rayne!"

"Bakit?!"

"Wala man lang filter? Kinakabahan ka ba?"

Tumawa si Rayne. "Sorry! Wala talagang filter kadalasan bibig ko. Kabado man o hindi."

Napahawak sa tainga si Kaye. "Nakakabigla 'yon."

"Hindi na nga."

"'Di, sige. Nabigla lang talaga ako. Tuloy mo na."

"Ano na?" Natatawa nasi Rayne. "Nag-full charge na ba 'yong phone mo para makalayo na sa akin?"

Tumawa si Kaye. "No, no, sige. It's just weird, actually, nicely weird, na the deeper the night, mas dumarami 'yong nalalaman ko sa 'yo."

"Na ano? Kaya kong sabihin ang sex nang diretso?"

"Mygahd, Rayne! Ituloy mo na 'yong kwento mo."

"Sorry," natatawang aniya. "Ayon, kung magiging lalaki ako, makikipag ano ako sa maraming babae tutal wala namang mawawala sa akin. Di ako mabubuntis tapos magiging cool pa ako. Nagbibilang ng babaeng mahuhumaling sa akin. Parang bad boy, playboy."

Biglang tumawa si Kaye na mala eskandalong tawa kaya napatingin sa kanila 'yong nasa cashier. Ang sama na rin ng tingin sa kanila n'ong babaeng nanonood ng kdrama sa isang tabi.

"Anong klaseng reaksyon 'yan!"

"Hindi ko in-expect!" natatawa pa rin nitong tugon.

"Dati 'yon, ha? Ang lakas ng feeling ko na nag-rub off sa akin 'yong mga kaibigan ko n'ong highschool dahil puro pagka-green minded everyday topic. Tsaka alam mo 'yon, high school - baka gan'on ako ka-hormonal as a guy if ever. . . Tama na pagtawa, hala ka."

"Sorry." Pinipilit huminahon ni Kaye, uminom sa coke. "Nabigla lang talaga ako. Hindi ko ma-imagine na 'yon 'yong maiisip mo. HIV labas n'yan."

"Hindi ko pa alam HIV n'on, sorry naman," natatawa na ring ani Rayne. "Ikaw ba, kung maging lalaki ka—"

"Nasabi ko na sa 'yo—"

"Kapag isang araw lang."

"Magpapakamatay siguro para mamamatay akong lalaki."

Nawala ang ngiti ni Rayne. "Weh?"

"Char lang." Tumawa si Kaye. "Too dark ba? But seriously, wala. Kung isang araw lang, para akong nag-joke time. Babalik at babalik pa rin ako sa kung sino ako, balik problema lang. Tanggapin ko na lang self ko, right?"

"What if lang! Ang daya oh, sinabi ko sa 'yo 'yong kahihiyan ko tapos ikaw. . ."

"Hmm, okay. Kapag naging guy ako for a day, pupuntahan ko siguro 'yong. . .parents, and I'll say hi, tunay na lalaki na ako. Pwede na ba ako sa daughter niyo just for a day? Cause apparently, may time limit lang."

Napatitig lang si Rayne kay Kaye for a moment. Napahawak siya sa dibdib sabay bulong ng, "Aray."

Payapang ngumiti si Kaye. "But then again, ayos na ako sa ganitong ako. Much better kung wala na lang kung sa dulo, wala rin namang patutunguhan. It's hard to invest feelings na kalaunan, problema lang pala ang lahat."

Nang may ire-react pa si Rayne, inunahan na ito ni Kaye.

"Actually, I have a question. Kailangan ko na talagang itanong bago pa lumihis ang topic natin."

"Ano?"

"'Yong mga kaibigan mo ba, iniwan ka na? Pupuntahan mo sila? Or pupuntahan ka nila?"

"Hindi ko sure, eh. Wala akong way para ma-contact sila."

"Phone ko?"

"Ayon. Kaso charging ka pa."

"I, actually. . ."

"Hm?"

"Gusto ko sanang ihatid ka pauwi."

Suntok sa puso. Paru-paro sa tiyan. (Dyusko.)

"Hatid?"

"Yeah. Delikado at madaling araw na. Mag-early morning na nga. Gusto ko sanang masiguradong safe kang makakauwi."

"Mag-ga-grab or uber na lang ako. Sa ganung paraan din naman kami nakapunta rito, eh."

"It's not safe."

Nilingon niya si Kaye, mapagbirong nakataas ang kilay. "Kailan ka pa nag-care sa safety ko, Kaye Cal?" Muntik na niyang masabi ang beh, buti napigilan.

"Since n'ong nalaman ko pangalan mo? Rayne."

"Wow, mukhang nung sa CR pa 'yon, ah. I feel so cared." Tumawa siya. "Kaya ko na sarili ko, pramis. Actually, ko-contact-in ko na lang mga kaibigan ko, kitain ko sila half-way. Or something."

"What if nakauwi na sila?"

"Papabalikin ko sila para masundo ako."

"Rayne. . ." Tila nagmamakaawa.

Tumayo siya at tinapik ang balikat ni Kaye. "Okay lang talaga. Dapat nga umalis ka na, kailangan mo pang matulog. Magpahinga. May gagawin ka pa mamaya, anong oras na ba?" Tiningnan ni Rayne ang screen ng phone ni Kaye. "Ayan, oh. 4 na. Mag-5 na! Pwedeng pa-open? Makikitawag lang?"

Nag-alinlangan pa si Kaye nang buksan ang phone, nakatitig sa kanya habang pinipindot ang pass code. May pagmamakaawa sa mga mata nito ngunit hindi pinansin ni Rayne. Tinawagan ang sariling phone, at nang sumagot si MJ na nagtititili sa kabilang linya ay sinabi niyang magkita sila para makauwi na.

Good thing nasa 5YNCO bar pa ang mga ito, nagtatamang kwentuhan.

"Okay na," ani Rayne. "Pupunta na lang ako s—"

"Hatid kita."

"'Wag na nga."

"Kahit sa bar?"

"Hala, delikado."

"Mas delikado sa 'yo. Mukha naman akong lalaki."

"Pero mas mukha kang mayaman sa akin."

Tumawa si Kaye at tumayo, hawak ang mga rosas. "Sa tingin mo, hindi ka agaw pansin sa itsura mo?"

"Mukhang adik."

"Grabe 'yon, hindi ah. Ihahatid kita, at least let me do this. Hanggang 5YNCO lang."

"Sige na, tara na. Napapa-English ka na naman, eh."

Tumatawa silang lumabas, pinagbuksan pa siya nito ng pinto. (Lumulubos na ang plus points sa pagiging gentle(wo)man, grabe!) Nang maglakad na, napansin ni Rayne ang phasing nila.

Magkasabay, hindi tulad kanina na may nauuna paminsan, may nahuhuli.

Mas mabagal kaysa normal.

Mukhang parehas na ayaw magmadali.

"Pagkatapos nito, ano nang gagawin mo?" tanong ni Kaye.

"Uhm, uuwi?"

"I mean, after ng buong event, this talking, this walking – anong mangyayari sa 'yo?"

"Mabubuhay? Syempre, back to reality."

"This night. . ." Tumingala si Kaye sa kalangitan. "Sobrang layo sa reality natin."

"Ang out of way," nakangiting ani Rayne, ngunit alam ng lahat ng hindi ito ngiting masaya. "Ang daming first times."

Tumango si Kaye. "Ano bang reality mo?"

"School."

"College?"

"Sobrang weird kung SHS pa rin ako hanggang ngayon," natatawang ani Rayne. "I mean, gets kong may potential ako pero 'di ba?"

Tumawa si Kaye, umiling. "Pwede namang graduate school dahil 23 ka na, right?"

"Ouch!" Napahawak sa dibdib si Rayne, ginaya ang actions ni Kaye. "Hinay-hinay lang naman po sa mga 7 years na sa college, master in Pahinga Muna sa Bahay."

Tumawa si Kaye. "7 years ka na sa college?"

"Oo, eh. Pero hindi dahil repeat, ah." (Defensive.) "More on, lipat school tapos may mga patigil-tigil ng isang taon, isang term. Na-burnout, gan'on."

"Burnout? Bakit?"

"Kasi, ganito 'yan. . .ehem, ehem—teka nga, bakit panay ang tanong mo sa akin?"

"Kilala mo na ako, right? Marami kang alam sa akin. Gusto ko namang dumami ang alam ko sa 'yo, o pwede ba kitang ma-google?"

"Yabang nito, oh. Porke't searchable ka sa google."

Nagtawanan sila.

"So, tell me. Bakit ka na-burnout?"

"Hmm, may thinking lang akong mala-all or nothing," aniya. "Kapag half-baked, hindi ko gagawin. Tapos, 'yong kasabayan ko sa thesis, tinatamad na rin. Eh, mostly, ako 'yong taga motivate sa amin na gumawa, pumasok sa school, magpasa. Hindi ko rin alam 'yong gagawin ko sa thesis ko. Napagod ako."

"Then you stopped schooling?"

"Yup. Iyak ako nang iyak n'on kasi walang tumigil sa pamilya namin, ang failure ng dating, 'di ba?" natawa siya, pero dati, todo iyak. "Alam mo 'yong feeling na ikaw ang laging positive pero paano kung napunta ka na sa point na nilamon ka rin ng negativity, sinong magpapabalik ng positivity sa buhay mo kung ikaw ang tumutulong sa iba?"

"Baka you just needed rest. Thesis din 'yon, ah. Hindi biro. Sabi mo nga, ayaw mo ng half-baked."

"Sa tingin ko rin. Natutunan ko ring kahit gaano pa karami ang gusto ko gawin at once, huwag kong gagawin 'yon kasi mao-overwork ako. Dapat one step a time lang. Napagod talaga ako sa buhay, eh."

"Buti hindi napagod-napagod?"

"Tumigil lang sa school pero hindi tumigil mundo ko. Kaso nagalit din sa akin 'yong kasabayan ko kaya dagdag heart break 'yong friendship break up namin," ani Rayne. 

"Anong. . .bakit nagalit?"

"Hindi ko rin alam, eh. No idea pa rin ako hanggang ngayon. Ang daming posibleng dahilan na hindi ko malalaman kasi ayaw rin niyang sabihin kahit itanong ko pa o kahit ngumawa pa ako sa harap niya."

"That's ouch."

"Medyo. Siguro kasi mas pinili ko 'rin yong pagsusulat ko n'ong time na 'yon kaysa school, kaysa sa kaibigan ko, kaysa maging positive na kakayanin ko 'yong thesis," aniya. "Pero kahit na gan'on, feeling ko mas nagkabuhay ako n'ong nakaalis ako sa school nang isang taon."

"Bakit naman?"

"Siguro mas nag-grow ako sa labas ng school which is normal lang naman talaga kasi real world ang totoong laban, eh." Tuloy-tuloy ang kwento ni Rayne, tuloy-tuloy din ang kagustuhan ni Kaye na mas lumapit pa sa kanya na hindi tinutuloy. "Ang hirap kasi na paint, brush at canvas ang kaharap mo pero wala kang ideya kung anong ipipinta dahil 'yong utak mo, gumagala sa kung anong gusto mo talaga, in my case, pagsusulat."

"Pagsusulat? Paint? Fine arts ba course mo?"

"Multimedia Arts."

"Oh, kaya pala. It's like visuals vs words?"

"Hirap!" natatawang sigaw ni Rayne. "Ayoko na nga pag-usap 'yon. Kailangan mag-move on!"

Tumawa si Kaye, pinilit ibahin ang topic. "Malapit din pala course natin, slight. Ma-arts. Interior Design ako last time."

"I know."

Napangiti si Kaye. "Ang stalker."

"Tawa na lang ako," aniya. "Magaling ka ring mag-drawing, 'di ba? Mahilig ka mag-design? Decorate?"

"Pwede. . .but technically, magkaiba ang interior designer at decorator. I'm more on sa designer."

"Paano—ha?"

"Pwede maging 'decorator' ang lahat kapag mahilig mag-design. Ang 'interior designer' naman, dapat nag-aral. History of design. Building codes. Ethics. Blueprints. Autocads. Kasama na rin 'yong pag-aaral ng psychology of design."

"May psychology sa interior designing?"

It's a good thing na gumagaan na ulit ang usapan nila.

"Oo naman. Isa 'yon sa mga paborito kong subjects. Ang red at yellow, nag-i-stimulate ng hunger, colors na appetizing tingnan," sabi ni Kaye. "Kapag sa mga tulugan, nakakapagpaantok ang blue, serene ang mapaparamdam sa mga makakakita. Pwede rin ang earthy colors kung gusto ng relaxation."

"Oh, wait. Kaya ba red at yellow mostly ang Mcdo at Jollibee?"

"Yes."

"Eh, bakit ang burger king – more on blue at earthy colors kung mas okay pala 'yon sa tulugan?"

"Baka mas gusto nila maging relaxed ang customers? Red is also a color of aggression kaya kung mapapansin mo, busy ang surroundings ng Jollibee at Mcdo, while sa Burger King, medyo calm."

"Woah. Oo nga 'no?!"

"May 'pandadaya' ring tinatawag nila na kapag may small space, preferable na may wall mirror para magmukhang maluwag sa mata. Nagkaka-depth imbis na masikip dahil nagba-bounce 'yong lights sa paligid. Mas lumiliwanag 'yong surroundings."

"Pinag-aaralan niyo rin 'yan? Sumasabog utak ko."

"Ang sarap pag-aralan ng mga designs at kung paano makakatulong ang simpleng kulay o hugis o space sa tao. But then again, tumigil din ako na sa tingin ko alam mo rin ang dahilan."

"Music."

Natawa si Kaye, tumango.

"And alam mo rin na if ever babalik ako sa school. . .?"

"Music na ang kukuhanin mong course," sagot ni Rayne.

"Yiee, pwede ka na palang gumawa ng biography ko, eh. Nagsusulat ka kamo?"

"Kainis! Sa mga interviews mo kasi, don't judge me!"

Tumawa si Kaye, tinulak ni Rayne. Hinawakan nito ang balikat ni Rayne at hinigpitan ang hawak. Ayaw kumawala.

"Ikaw, nag-drop ka dahil sa burnout at pinili mo ang pagsusulat, right? Published author? May book ka?"

"Hmmm, more on sa online ako nagsimula."

"Fiction ba or travel? Nonfiction? Blog? Autobiography ko?" pagbibiro ni Kaye sa dulo.

"Ha. Ha," ani Rayne. "More on fictional stories. Sa isang writing platform na hindi ko sasabihin."

"Wattpad?"

Nagkibit-balikat si Rayne, hindi sinasagot ang tanong.

"May nabasa akong fanfiction doon."

"Hulaan ko: Tungkol sa 'yo?"

"Paano mo nalaman?"

Nagkibit-balikat ulit si Rayne. "Feeling ko lang na ang babasahin mong libro, tungkol sa 'yo."

"Uy, grabe 'yon!" Tumawa si Kaye. "Nagbabasa kaya ako ng books. Mahilig nga ako sa romance at kilig, eh! I think I'm offended!"

"Pero tumatawa ka."

"Ang straight forward, eh. Hindi ko carry." Sinuklay ni Kaye ang buhok nang mahimasmasan. "You're a writer. Imaginative ka pala."

"Siguro? Feeling ko nga na-overdose na ako sa pag-i-imagine kasi nagmumukha kang totoo."

Tumawa si Kaye at tinigil si Rayne sa paglalakad. Hinawakan nito ang kamay niya at inilapit sa pisngi nito.

"Nararamdaman mo ako?" Medyo nakayuko pa dahil sa tangkad, inalalayan ni Kaye ang kamay ni Rayne sa pagtapik sa pisngi nito.

Nag-aalinlangang tumango si Rayne, nahihiyang nakadampi ang palad niya sa pisngi ni Kaye. Hindi niya deserve. Isa pa, napapasmado na siya!.

"Mukha pa rin bang imagination?"

Alinlangang tango.

Ngumiti si Kaye. "Walang char o charot, totoo 'to."

Napapikit ito sa pagtapik ni Rayne sa pisngi.

"Oo na, sige na."

Naunang maglakad si Rayne at napatakip sa mukha. Gusto niyang sumigaw pero huminga lang siya nang malalim. Gusto niyang sumalampak na lang sa lupa.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Hinga.

Pagdilat, naglalakad na sa gilid niya si Kaye.

"Ngayon, bumalik ka na sa school?"

"Kababalik lang this January. Struggling ang peg nang makatapos na't mamuhay na nang payapa."

"Paano 'yong pagsusulat mo?"

"Syempre nase-set aside. Isasakripisyo mo talaga ang isang bagay para maka-focus sa isa pa."

"Hirap talaga mamili sa kung anong gusto at kung anong kailangan," ani Kaye.

Tumingala sa langit si Rayne. "Actually, wala na talaga akong pakialam sa graduation. Tinutuloy ko na lang talaga—"

"—para sa magulang."

"Yeah."

"Kung papipiliin ka?" tanong ni Kaye.

"Same tayo." Nilingon niya ito. "Pipiliin ko 'yong gusto ko, paulit-ulit, over sa kailangan ko."

"Lahat naman talaga ata," nangingiting ani Kaye. "But kaya nga kailangan dahil kailangan natin 'yon kahit hindi natin gusto."

"Feeling ko nga kaya kong mabuhay sa pagsusulat kasi nagkaroon ng ng opportunity para makapag-publish ng libro," ani Rayne.

Nakinig lang si Kaye.

"Feeling ko rin kaya mas naging passionate ako i-hone writing skills ko dahil sa opportunity na binigay sa akin. Kasi kung wala 'to, baka dire-diretso lang ako sa school. Siguro ngayon, nagta-trabaho na ako as a multimedia artist somewhere."

Tumingala si Rayne sa kalangitan. Ang daming what ifs.

"Eh, wala. Pinagbuksan ako ng gate sa publishing world at nakapag-publish ako ng libro. Ayan, nagkanda-leche-leche tuloy school life ko." Tumawa siya. "Ikaw, minsan ba naisip mo na kaya lang tayo nagkaka-passion dahil nabibigyan tayo ng siwang na liwanag?"

Napaisip d'on si Kaye.

"I have a feeling na nangyari na sa akin sa PGT days 'yan. That big opening na binigay sa amin ng PGT na nakakasilaw 'yong liwanag ng spotlight – literal," natatawa nitong ani. "Marami akong gustong gawin o dreams sa buhay like drawing, animation, designing interiors. . . But then, sa dami ng gusto ko, tinupad sa PGT 'yong love ko sa music kaya gustong-gusto kong ginagawa dahil nari-reach ko na."

"'Di ba?!" ani Rayne. "Marami talaga tayong gusto pero dahil nabigyan ng pagkakataon 'yong isang hobby, doon mafo-focus at ma-a-adik na tayo d'on t'as magiging passion na natin!"

Tumango si Kaye.

"Hobby ko lang dati ang pagsusulat noon, eh. I mean, sige, gusto ko maging book ang sinulat ko pero hindi ko super pinush talaga. Nagsulat lang ako. Tapos ngayon, naaadik na ako dahil nakapag-publish na ako ng libro, na para bang wala akong ibang buhay kundi pagsusulat at paggawa ng libro."

"But then," ani Kaye. "Kahit burning passion, kung hindi pala magiging para sa atin 'yong gusto nating makuha, you'll eventually give up."

"Dapat hindi! Dapat laban lang!" ani Rayne. "Alam mo, mula sa sobrang bias kong desisyon, kayo pa rin ang tingin kong dapat manalo noong PGT days niyo." Nag-rock sign siya sa kamay. "Ezra band ftw. Don't stop believing!"

Ngumiti si Kaye. "Then again, hindi rin naman natin kailangan manalo para makuha natin 'yong gusto natin. Iba lang ang direction ng pathway, and I never stopped believing kaya nandito pa rin ako."

"Baka masyadong lang ding diretso ang daan ni Jovit sa PGT days, no?"

Tumawa si Kaye.

Tumingin si rayne dinaraanan, sa mga paa nila. Magkasabay na humahakbang kahit hindi pinipilit ipagsabay. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Cool.

"Kailangan lang din siguro natin ma-experience 'yong siwang para maka-make sure sa magiging passion," dagdag ni Rayne. "Pero may mga pagkakataon ding mapapatanong ka na lang kung kaya mo ba talaga?" patuloy niya. "Tapos may second question na, sure ka na ba talaga? At may susunod na bubulong ng, ows?"

"Parang kanina lang, laban lang ang sinasabi mo, ah?" natatawang sabi ni Kaye. "Nagiging phase ang passion if hahayaan nating mawala 'yong fire within us. 'Di ba nga, the more you talk and think about it – the more it becomes real to you. The more passionate you become."

"Sure?" tanong ni Rayne. "Mayaman ako. Mayaman ako. Mayaman ako—bakit ka tumatawa?"

"Need din ng action." Umiling si Kaye, natatawa. Ngunit nawala ito nang mapatingin sa harap, pumikit sandali saka dumilat. Bumulong. "Nganong kinahanglan man gud mahuman ni ba?"

"Gugustuhin ko bang malaman kung anong ibig sabihin n'yan?"

Sumimangot si Kaye, humarap sa kanya. "Bakit kung kailan ayaw kong matapos, kailangan matapos?"

Tumitig si Rayne sa papalapit na 5YNCO bar. Bakit ba parang ayaw na niyang makita pa ito samantalang kanina, nag-e-enjoy siya rito?

Bumuntonghininga siya.

"Sabi mo nga, gan'on talaga. Kailangan. Kahit hindi gusto."

"We can still stay here if you wan—"

"Kailangan mo na umalis, 'di ba may ganap ka pa mamaya?"

"Ikaw ba? Wala kang gagawin? School?"

"Matutulog lang, kailangan ko mag-recharge. Masyado akong na-expose sa mga tao ngayon," natatawang sabi ni Rayne. "Enough socializing for the month."

"Gusto ko mag-stay," bulalas ni Kaye.

"Thanks sa share?"

"Ikaw?"

"Hindi mo kailangan mag-stay, Kaye. Kailangan mo na umalis."

Naririnig na nila ang kaunting tugtugan mula sa bar. Malapit na sila sa katotohanan.

"Nakakainis," ani Kaye. "Bakit ngayon pa?"

"Kailan ba dapat?" tanong ni Rayne.

Palapit sila nang palapit, ngunit pabagal din nang pabagal ang paglalakad. Tila ba parehas silang naghahanap ng excuse para mas bumagal ang oras.

(Walang nang excuse. Ubos na.)

Walang humaharang para hindi sila makarating sa patutunguhan. Wala nang mini stops na nagtatagal. Wala nang kailangang i-charge na phone para maging excuse.

"Rayne. . ."

"Hmm?"

"Magkikita pa ba tayo ulit?"

"Sa tingin mo?"

Bumuntonghininga si Kaye.

"Ako na ang sasagot," ani Rayne. "May chance, pero mostly hindi."

Walang ngiti sa mukha ni Kaye. (Kahit naman din kay Rayne. Same-same lang.)

Napapikit si Kaye at napahimas sa mukha. Isinuklay rin niya ang buhok patalikod. Hingang malalim.

"What if gagawan ng paraan?"

Tumigil si Rayne sa paglalakad nang maaninag na sila MJ at Xanne na mukhang hinihintay siya. Mahal niya ang mga kaibigan niya pero may parte sa kanyang ayaw niyang makita ang mga ito sa ngayon. Haist.

"Siguro mas mabuting huwag. Mas magiging disappointing kapag pinipilit, eh."

"Napipilitan ka ba?"

"Hindi."

"Hindi rin naman ako."

Ngumiti si Rayne. "Eh 'di masaya."

"Then, can we meet again?"

"Ba-bye."

Nauna na si Rayne kahit hindi siya magaling sa pamamaalam. Siya ang unang tumalikod, patawid na nang tawagin siya ni Kaye at habulin, hinawakan siya sa braso.

"Ibibigay mo na ba sa akin—?" natigil siya sa pagsasalita.

Naramdaman niya ang mga tangkay ng rosas sa palad. Nilingon niya si Kaye at ibinalik ang dalawang rosas na kinagulat nito.

"Isa na lang," aniya, nakangiti. "'Wag tayong gumaya sa mga rom-com na tatlo lagi ang binibigay."

"Rayne. . ."

May binulong si Kaye ngunit salamat lang ang narinig ni Rayne bago siya tumawid nang tuluyan papunta sa mga kaibigan.

Hindi niya naririnig ang ibang bagay o tao, kahit ang tili ni MJ sa tabi niya, dahil nasa loob pa rin siya ng bula nila ni Kaye.

Pumikit siya, ilang sandali, mas matagal dahil sa takot ng mabilis na kurap. Pinakiramdaman ang tangkay ng isang rosas na hawak – totoo. Hindi panaginip.

Bakit kailangan pang magkaroon ng isang bagay na kakapitan niya para maniwalang totoo nga ang lahat ng nangyari?

Pagdilat, gumalaw ang nasa paligid. Narinig ang ingay ni MJ at Xanne. Maingay ang bar. Sa kabilang dulo ng kalsada, nakatayo si Kaye. Parehas silang may hawak ng rosas, sa kanya ay isa, kay Kaye ay dalawa. Hindi naman ito kumikilos sa pwesto ngunit pakiramdam ni Rayne ay malayo na si Kaye sa kanya.

Ang layo na ulit nila sa isa't isa.

Balik na ulit sa dati, pumutok na nang tuluyan ang mumunti nilang bula.


  

END OF PART ONE


Hi!  

Thank you for reading LS4N1! 

How was the first part of LS4N1? Para sa mga bago lang sa gxg, musta? Para naman sa mga laging nagbabasa ng gxg, musta? Para sa mga readers ko sa ibang stories, how was it? Para sa mga first time ko lang na readers, okay ba? Para sa mga team kaye cal na nabasa ito kahit hindi ko alam kung paano niyo nalaman ang existence, is Kaye in this story Kaye Cal enough? Hihi.

This is my first time writing a full-blown LGBTQ+ romance, lesbian edition. Keri lang po ba?

Sa lahat - musta po ang Kaye x Rayne chemistry, nagwo-work ba? Hindi ba nagwo-work? Cringe ba o unexpectedly, hindi siya cringe at ~*kilergz pala*~ o pwede ring saktuhan lang? May kirot ba o parang wala lang? Gusto mo pa bang malaman kung anong susunod na mangyayari sa kanila? Are you enjoying their convos? Their time together? The jokes? The ~angst~? or wala pa ba? Sige, lagyan natin soon. Jk. Masyado ba silang mabilis o mabagal o sakto lang? Kapani-paniwala ba? Musta ang build up ng characters? Smooth? Rough?

Ano ang favorite chapter(s) / part(s) mo so far sa part 1 at bakit?

I'd love to know your overall opinions and reactions, let me know by commenting below, yay?

Thank you!

PS: Sa mga interested makita ang 2010 photo nila Kaye at Rayne (na una nilang pagkikita na kwento ni Rayne), you can go to instagram and search for #LS4N1 hashtag. You'll know it's the picture when you see it.

Part 2 will be updated soon. 
Stay tuned.


11/28/17 EDIT:
PART TWO POSTED!
continue tnext page.

Heterosexual

● Hindi kasali sa LGBTQ+ community

She kapag babae, He kapag lalaki.

● Attracted sa opposite sex. Babae is to lalaki, vice versa.

other term: straight

 

Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random gif of the chapter ⚢


featured edits by @iyahgtrrz | twitter:

by @_Nadyacprs | twitter:

by @unreachablegurl | twitter:

You can search the photos sa #LS4N1 hashtag sa twitter.

Thank you sa mga edits / manipulation! Ankyut ng efforts niyo! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
4.7K 441 27
In which Sonnet likes Margot who is Paige who likes Misty who is also Sonnet that doesn't like Paige who is also Margot that doesn't like Sonnet. The...
Diplomat Hotel By briangggg

Mystery / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...
16K 1K 28
Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds crumble down upon meeting Chord, a tortu...