Love Songs for No One

By pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

05 | five

17.3K 810 463
By pilosopotasya


"Bakit white buhok mo?"

"Ikaw, bakit dark brown buhok mo?"

Tiningnan ni Rayne ang buhok ni Kaye. Shaved sa gilid, makapal sa taas. Panglalaki. Napangiti siya nang hawiin ni Kaye ang buhok na tila na-conscious. Ayos na ayos ang buhok nito patalikod, mukhang naka-wax pa nga.

"Grabe 'yon." Tumawa ito. "Nag-ask lang naman ako. Galit ka na agad?"

"Hindi ako galit!" natatawang sabi niya. "Nagtatanong lang din."

"Normal naman ang dark brown, ah."

"Normal lang din naman ang white hair."

"Kung 75 years old ka na—"

"Shh!"

"Bakit?"

"Baka malaman nila totoong age ko."

Lumingon-lingon pa si Rayne sa paligid para maganda ang aktingan. Wala namang ililingon dahil walang ibang tao pwera sa mga waitress at waiter na nakatambay sa may counter. At sa kanila na nasa gilid. May sariling mundo.

Hindi nawawala ang ngiti ni Kaye. "Ilang taon ka na nga ba?"

"75."

"Ay, ows?"

"12."

Tumawa si Kaye. "Ang gulo mo talaga."

"Hindi pa ba obvious sa buhok ko?"

"Na magulo ka?"

"Hindi! 'Yong age ko!" natatawang sabi ni Rayne at sumubo ng pagkain. Sumabay si Kaye. Parehas na ngumuya. "Pero pwede na rin. Laging magulo buhok ko, eh."

"Hulaan ko age mo, 17?"

Muntik mabulunan sa kinakain si Rayne. Napainom siya para mahimasmasan. Kamuntik pang lumabas 'yong kinakain niya sa ilong, ramdam niya 'yong pagguhit.

"Seryoso ka sa 17?"

"Malay ko, ah."

"Hindi ako 17." Natatawa siya sa usapan. Ang simpleng edad ay ginagawa pa nilang pahabain bilang topic, kunwari napaka interesting. "Sakit ng ilong ko, nabigla ako d'on."

"Hmmm, 16?"

"Niloloko mo na ba ako?"

"Gusto ko lang malaman kung underage ka pa ba," ani Kaye sabay subo ng kanin.

"Alam mo, tunog D. O. M. ka na."

"Hindi naman ako technically a man."

Hindi nga man pero unang tingin dito ay lalaki agad ang maiisip na kasarian. Paano, suot lalaki. Tindig lalaki. Mukhang lalaki. Boses lalaki pa. Mas matatag pa nga ata sa pagkatao ni Kaye ang chivalry kaysa sa ilang totoong lalaki.

Isa pa, kaunti na lang, mapapasabi na si Rayne ng, stop that keshe nemen eh, sabay tuck in ng hibla ng buhok sa likod ng tainga dahil panay ang ngiti ni Kaye. Hindi nga man pero nakakakilig?! (Nekekeheye men, mey kenteng keleg telegeng remdem se Reyne key Keye, hihi. Pero kaunti lang, ha?)

"Dirty old lang?"

Isinuklay ni Kaye ang buhok patalikod saka ngumiti nang papogi, kulang na lang sumali ito sa Mr. Pogi 1999. "Ako, Dirty?"

"Old?" aniya. "Ilang taon ka na ba?"

"Grabe 'yon, 'di mo pa nga sinasagot kung ilang taon ka na, change topic agad?"

"Hindi naman 'yon change topic, eh. Change of focus lang."

"Eh, ayaw ko!"

"Ayaw?"

"Ayaw kong mag-change focus. Sa'yo lang."

Natawa si Rayne at tinutukan ng chopstick si Kaye, pinanliitan ng mata pero hindi siya nagsalita. Nagtaas lang si Kaye ng kilay, kunwari inusente.

"Ipapakulong kita," aniya.

"Ako?" tanong ni Kaye. "Bakit?"

Kumain ng chicken. Napaisip kung pwede nga bang magpakulong for excessive smiling and for making her heart flutter. Kainis, eh.

"Wait. Naiiba na talaga topic natin," biglang sabi ni Kaye. "Anong age mo na? Tell me."

"Hulaan mo nga," sabi ni Rayne.

"Mas matanda ka na sa 19?" Nang hindi sumagot si Rayne, tinuloy ni Kaye ang pag-usisa. "20? 21? 22?"

"Plus one."

"23 ka na?"

Tumango si Rayne saka tumuloy sa pagkain.

"Hindi halata. Mukha kang bata."

"Talaga ba?"

"Oo, mukhang 22 ka lang." Tumawa si Kaye nang batuhin ng tissue ni Rayne. "And a half." Tigil. "Char lang."

"Char lang?" Si Rayne naman ang tumawa. "Ang cute naman."

"Ko ba?"

"Ang lala ng pagka-conceited!"

"Nahawa na ata ako sa'yo. . . charot!"

Lalong lumakas ang tawanan.

"Bakit nga cute?" pagpilit ni Kaye matapos mahimasmasan, nilalaro ang chopstick na hawak.

"Nagsasabi ka ng char at charot."

"Bawal ba?"

"Hindi naman. Pero kasi, 'di ba?"

"Ano?"

"You know."

"Na-a-allergic ka ba sa salita?"

"Oy!" Natigil sa pagkain si Rayne. "Hindi, ah. Baka lang sensitive topic pala sa 'yo. Ayoko namang idiin or something kasi 'di ba, offensive 'yon sa iba? I think."

"Okay lang naman," sabi ni Kaye at sumubo ulit ng pagkain. Ngumuya. Ngumiti. "Lesbian ako, gan'on lang kasimple."

Tumango si Rayne. Dahan-dahan pa siyang tumingin sa pagkain. Sumubo muli at nasamid nang magsalita ulit si Kaye.

"Naiilang ka ba sa akin dahil ganito ako?"

"Hindi naman. Hindi lang ako entitled malaman personal life mo so. . .ayon. Ang weird kapag sa akin mo sinasabi."

"Sinasabi ko naman 'to sa lahat ng nagtatanong."

"Kahit na. Hindi mo naman din ako kilala so baka hindi dapat itanong. Ang stranger ko kaya sa 'yo."

"Magiging offensive lang once hindi pa accepted ng sarili mo mga sinasabi nila. Ang tagal ko na ring accepted sarili ko kaya hindi na ako na-o-offend. Matured na yata ako," pabirong pagmamayabang ni Kaye, tinapik pa ang sariling dibdib. Nakatingala ang ulo, kunwari gangster. "Isa pa, we will only be strangers kung hahayaan nating maging strangers sa isa't isa."

Nang hindi magsalita si Rayne at panay lang ang tango, nakaramdam na ng ilang si Kaye.

"Ginagawa ko na bang awkward conversation natin? Sorry, marami talagang naiilang kapag sexual orientation ko na pinag-uusap—"

"Sorry!" Yumuko si Rayne at tinakpan ang mukha. "Nahihiya talaga ako pero hindi dahil sa orientation mo o ano. Mahiyain lang talaga ako, hindi lang talaga halata!"

Natigilan sandali si Kaye bago siya tumawa muli. "Hindi nga obvious."

Sumilip si Rayne mula sa mga daliri, nakatakip pa rin halos ang buong mukha. Nag-iinit ang kanyang pisngi. Malamang namumula siya sa hiya. (Kahihiyan naman talagang aminin na nahihiya, hindi na lang i-keep it cool sana.)

She's too honest for her own sake; kaya napapahamak. Lagi na lang.

Pagkatapos nilang maubos ang kinakain, inilapag ni Kaye ang chopstick sa gitna ng lamesa.

"Ano 'yan?" pagtataka ni Rayne.

"Maglaro tayo. Iikot ko 'to. Kapag sa 'yo tumama 'yong manipis na part, ikaw magbabayad ng food natin."

Napababa ng kamay si Rayne at lumayo sa lamesa. "Weh? Seryoso ka ba? Wala akong pera!"

"See? Hindi ka nahihiyang magpalibre sa akin tapos sasabihin mong nahihiya ka talaga?"

Ang lawak ng ngiti. Sarap takpan ng mukha para hindi na kabahan si Rayne. Masyado nang napapatagal ang pag-upo nila sa tapat ng isa't isa. Masyado nang dumadami ang titigan nila. (Mga lagpas benteng 1 second titigan gaming—pramis, hindi binilang ni Rayne.) Hindi na niya maarok kung may katotohanan pa ba sa mga nangyayari o masyado lang ata siyang pinagpala para managinip.

Ang tagal nga lang niyang magising, ano?

Wait, gusto pa ba niyang gumising?

"Sige na, hindi na ako mahihiya. Libre mo pa rin 'to, ah. Wala akong pera."

"Ayan. Gusto ko 'yan."

"Bili ka na rin ng sushi para maabuso ko na."

Agad naman tinaas ni Kaye ang kamay para tawagin ang waiter. Nag-panic bigla si Rayne at pinigilan si Kaye.

"Bakit? Huwag ka nang makaramdam ng hiya, my treat, promise."

"Oo nga, wait lang," ani Rayne, kinuha ang iniwang menu sa gilid ng table at binuksan. "Maghahanap na rin ako ng dessert.  Mahilig ka ba sa chocolates? Cake? Ice cream?"

Biglang natawa si Kaye saka umiling. Pagkatapos mag-add ng sushi sa order at ipa-serve later ang dessert, natahimik ulit sila.

Bumuntonghininga si Rayne bago nagsalita, kinakapalan na ang mukha. Matatapos na rin naman ang gabi nila ni Kaye, siguro lubusin na rin kahit papaano. Habang kumakain ng sushi.

"Gusto mong tinatawag kang Sir, no?" tanong niya.

Ngiti. Na naman! Ano ba naman itong si Kaye, oh. Walang pakundangan.

"Ayaw mo bang tinatawag kang Ma'am?" tanong niya muli.

Tumalon ata saglit ang puso ni Rayne nang ngumuso si Kaye at kumunot ang noo, nakatitig sa kanya. Sa pagkailang, napatingin sa kisame si Rayne, napunta sa labas ng bintana tapos sa ibaba, sa pinagkakainan niya tapos kay Kaye ulit na nakanguso pa rin.

Ba't naman ang cute. Kaazar.

"Ayos sa akin kahit anong tawag ng kahit sino. Pero ayos din talagang Sir."

"May validation?"

"Oo. Ang saya kaya n'un. Nagiging edge ko rin kahit papaano."

"So, mas gusto mong sinasabihan ka ng pogi?"

"Why not?"

"Paano kapag ganda?"

"Uhm, okay lang?" nag-alinlangang anito.

"Uy ganda!" tawag ni Rayne.

Ngumisi si Kaye, mukhang kinilig, pero iba pala ang dahilan. "'Wag mo naman tawagin sarili mo."

Malakas na natawa si Rayne. "The heck?!"

"Ayos ba?"

Napakamot ng mata si Rayne. "Tantanan mo na ako, please. Pero promise," dire-diretso niyang sabi, iniiba na ang usapan. "Mukha ka talagang lalaki, eh. Kahit ako mawi-weird-uhan sa sarili ko if ever tawagin kitang ma'am. Pwede siguro Sir Pogi."

"Gusto ko 'yan."

Pumapalakpak na ang tainga ni Kaye, obviously. Masyado na itong nakangiti, nasisilaw na si Rayne pero nakatingin pa rin siya.

"Masarap ba?"

"Food natin? Oo—"

"Hindi. I mean, masarap ba 'yong pagpapakain ko ng ego mo? Mukhang lasap na lasap mo na, eh."

Dahil umiinom si Kaye, muntik nitong mabuga ang soda. Buti napigilan dahil diretso sigurado ito sa mukha ni Rayne kung nagkataon. Tumulo ito kaunti sa bibig ni Kaye, naagapan naman agad ng table napkin.

"Grabe 'yon!" natatawa nitong sabi. "Rayne naman!"

"Bakit!" mo na naman tinatawag ang pangalan ko gamit ang boses mo? Ang gusto talaga itanong ni Rayne.

"Ang kulit mo!"

Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Hala, tuwang-tuwa siya, oh."

"Too obvious na ba ako?"

Tumawa si Rayne para itago 'yong kilig. Kulang na lang paluin niya ang braso ni Kaye at mag-beautiful eyes. (Cringe.)

"Obvious na tuwang-tuwa kang kasama ako?" mapagbiro niyang ani.

"Oo?"

"Siguro pigilan mo lang ng onti," ani Rayne. Sumenyas pa siya sa daliri, pinagdikit ng ilang millimeters ang hintuturo at hinlalaki. "Onti lang, para 'di ko na ma-obvious."

"Aw, paano 'yan?" ani Kaye, tinataas pa ang nakarolyo na niyang long sleeves at suit. "Hindi ko mapigilan? A—"

And then, it happened.

May pinatugtog sa buong restaurant na kanta. Umpisa pa lang, pamilyar na agad. Mukhang pinaparinig talaga mismo sa kanila. 

"Uy!" Nanlaki ang mata ni Kaye pagkarinig ng intro.

Pamilyar. Masyadong pamilyar.

Sabay silang tumingin sa mga waiter at waitress na tila may nakakatuwang pinag-uusapan. Nagkatinginan muli sila Kaye at Rayne.

Say it's true. . .

Boses ni Kaye. Pinapatugtog sa resto.

Sa dinami-dami ng bersyon nito. Sa dami ng kumanta at nag-record. . .Bakit hindi na lang 'yong original na kumanta na The Corrs?! Ba't kailangan 'yong version pa ni Kaye Cal?!

Keshe nemen, eh.

Napalunok si Rayne nang sabayan ni Kaye ang pagkanta.

"There's nothing like me and you," kumakanta ito, diretso ang mata kay Rayne. "I'm not alone, tell me you feel it too."

Oh, shit. Masyadong gwapo ang mababa at malamig na boses. Oh, no, no, no! Hindi maaari ito. Gustong iiwas ni Rayne ang tingin. Kahit saan, kahit kanino, basta huwag kay Kaye! Dapat bang mag-cr siya? At least kung marinig man niya ang pagkanta, hindi sa ganitong abot kamay lang niya ang nagmamay-ari ng boses. Tumingin siya kay Rave the waiter, okay, may itsura naman pero si Kaye. . .

. . . ang boses.

Huwag, please.

Binibigo siya ng mga mata. Kahit wala siyang salamin kaya malabo ang paningin, hindi man lumilinaw si Kaye, alam niya sa sariling kay Kaye lang talaga siya nakatingin. Kay Kaye lang siya nakatitig. Kay Kaye lang siya naka-focus.

(Shit. Hindi talaga maaasahan ang mata niya kapag nahuhumaling. Isama pa ang taingang ayaw na makinig pero tutok na tutok sa boses.)

"And I would run away," pabulong na kanta ni Kaye. "I would run away, yeah. . .yeah."

At dahil feelingera si Rayne; iniisip niyang nakabulong ito dahil gusto ni Kaye na sa kanya lang iparinig. (Ayun, pati utak niya, nagdedeliryo na rin. Ang feeling, eh no.)

I would run away, patuloy ng background music, hindi na sumasabay si Kaye ngunit nakangiti sa kanya. I would run away with you. Coz I, have fallen—

Gustong pumikit ni Rayne. Gusto niyang pigilan ang pagngiti ng sariling labi. Gusto niyang huwag kiligin ang sistema niya. Sa nangyayari sa kanila. Sa kantang naririnig. Sa lyrics na naiintindihan. Sa boses. Sa ngiti. Kay Kaye.

Ang tanging tanong lang talaga: paano pigilan?



Queer

● Umbrella term para sa buong LGBTQ+ community, they can call themselves queer as long as they want to be called as one.

● A personal choice ng individual kung gusto nilang itawag o i-consider ang sarili as queer instead of other lgbt terms lalo na kung tingin nila hindi nagfi-fit para sa kanila ang terms ng iba.

● Can still be an insult to some so dapat 'queer' ang label nila sa sarili bago itawag sa kanila ang term na ito.

see also: genderqueer


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random gif of the chapter ⚢

Continue Reading

You'll Also Like

874 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...
16.5K 1.5K 39
[COMPLETE] Ajero Luis Marfori and Yxiena Monroe Dalawang pinagtagpo ng tadhana, dahil sa isang aksidenteng halik na binigay ni Ajero kay Xiena dahil...
37K 1.2K 32
Kung nalaman ko lang na s'ya yung magiging fiancé ko, dapat hindi na lang ako sumang-ayon kahit inalok nila ako ng milyon. It's not worth my life. Th...