Label: Best Friends

By jglaiza

162K 3.3K 232

That moment when you're in love with each other but fate doesn't want you to be together. ** "Everything Has... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Epilogue

Six

4.2K 106 3
By jglaiza

Chapter 6
Court

**

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok ng kung sino sa kwarto ko. Napakunot-noo ako. It’s Saturday. They all know that I don’t have work today. Who the hell is that?

Kinuha ko ang isang unan sa gilid ko at saka iyon itinakip sa tenga ko. Sana naman ay ma-realize ng kung sino mang iyon na inaantok pa ‘ko at ayokong maistorbo ang pagtulog ko.

Pero mukhang hindi yata marunong makiramdam ang taong iyon dahil narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Pagkatapos no’n ay naramdaman ko naman ang paglundo ng kama hudyat na mayroong umupo roon.

“Ate Bea, gising na,” dinig kong sabi ng kapatid ko. So, Eunice is the one who decided to ruin my morning. Ugh.

“I don’t have work today, Eunice. Besides, it’s too early,” I replied.

“I know you don’t have work today, Ate, but you need to wake up already. Just so you know, it’s already two o’clock in the afternoon.”

Hindi ako gumalaw. Pero nang tuluyan nang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya ay agad akong napabalikwas nang bangon. Agad din akong natigilan at napapikit nang maramdaman ko ang kirot sa ulo ko. Fuck! My head hurts like hell!

“Hangover? Bumaba ka na para makakain ka. Mom prepared food for you. Bumaba ka na raw kasi kanina ka pa nakahilata diyan,” aniya bago tumayo para lumabas. Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto ay pinigilan ko siya.

“Wait, Eunice,” I said. Nilingon niya ako. “Paano ako nakauwi?”

Napakunot-noo siya. “You don’t remember anything? Kuya Angelo brought you home. Tulog ka na noong dumating kayo kagabi. Siya ang nagdala sa’yo rito sa kwarto mo.”

Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas. Saglit akong pumikit para alalahanin ang nangyari kagabi.

I remember urging Angelo to dance with Lara. Then, I started dancing and drinking, too. After that, wala na ‘kong ibang maalala kundi ang paghila sa akin ni Angelo para umuwi na. Nakatulog yata ako sa loob ng sasakyan niya pagkatapos no’n.

I sighed. Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong tumayo para maligo bago bumaba.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko si Mommy sa baba na kasalukuyang nanonood ng TV. Napansin kong wala roon si Eunice. Maybe she’s with her friends again.

“Mabuti naman at bumaba ka na. Kumain ka na roon. Magpahain ka na lang kay Manang,” sabi ni Mommy nang makita niya akong bumaba sa hagdan. Tumango lang ako bago dumiretso na sa kusina.

I followed what my Mom said. Mga ilang sandali lang ay kumakain na ako matapos akong ipaghanda ng katulong namin. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text. Tiningnan ko agad iyon.

I creased my forehead when an unknown number appeared. Because of curiosity, I decided to read the message.

From: +639*********
Hi, Bea! This is Jay.

Jay? Where did he get my number? Agad kong isinave ang number niya bago ako nag-type ng reply sa kanya.

To: Jay
Hi? Where did you get my number?

From: Jay
Got it from Lara. I’m sorry if I asked for it without your permission.

So, he got it from Lara. I sighed. As if namang may magagawa pa ‘ko, ‘di ba? Hindi na ako nag-reply pagkatapos no’n dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya. I’m wondering why he asked for my number, though but I decided not to ask him that.

Natapos na akong kumain nang maka-receive naman ng tawag galing sa kanya. Nakakunot-noong sinagot ko iyon.

“Hello?”

“Um… hi?”

Naglakad ako palabas ng bahay at nagpasyang tumambay sa garden. Umupo ako sa isang upuan doon bago ko siya sinagot.

“Yes? Napatawag ka?” tanong ko.

“Uh, wala lang. Hindi ka na kasi nag-reply.”

Napakurap ako. “Oh. Sorry. I didn’t know you were waiting for my reply. Wala na kasi akong sasabihin. Um… ikaw? Baka may gusto kang sabihin kaya ka tumawag?”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. Napakunot-noo ako nang maramdaman kong parang naghe-hesitate siya sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

“Um… k-kasi…”

“Yes?” I asked, urging him to continue.

“I want to date you!” sigaw niya. “There. I said it.”

Napakurap ako. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sigaw niyang iyon. Nang mag-sink in naman sa utak ko ang sinabi niya, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

I can’t believe he wanted to date me. Is this for real?

“Um… h-huh? You want to date me?”

“Y-Yes.”

I cleared my throat. “But why? I mean, nakakagulat naman na biglang gusto mo akong i-date. Is there a specific reason?”

“Isn’t it obvious? I… I like you. And if possible, I want to court you.”

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. I like Jay, too but as a friend. May iba akong gusto at naalala kong kagabi lang ay nalaman niyang si Angelo iyon.

But even though he knows it, why is he telling me that he likes me and that he wanted to date and court me? Bakit gusto pa niyang ligawan ang isang katulad kong may iba namang mahal? Tanga ba siya?

“You do know that I’m in love with someone else, right?” I asked.

“Yes. But he’s not in love with you, right?”

Ouch. Bakit naman nangri-realtalk ‘to? Masakit ‘yon, ah. Napabuntong-hininga ako at hindi na sumagot dahil alam kong alam na niya ang sagot.

“I want to help you forget about him. I want to divert your attention. Imbes na sa kanya ka mag-focus, bakit hindi na lang sa’kin? Maybe I can help you move on from him.”

Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi. Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Hindi ba’t parang pagpapakatanga na ang gusto niyang gawin? He knows that I’m in love with someone else. Hindi ba siya aware na pwede ko siyang masaktan sa gusto niyang mangyari?

I sighed. “I’m sorry, Jay, but I refuse to use other people in order for me to move on. I’m sorry but I can’t date you. Hindi ako ganoon. Kung sa’yo okay lang iyon, sa akin hindi.”

Biglang natahimik sa kabilang linya. Kung hindi ko lang naririnig ang paghinga niya, iisipin kong binabaan na niya ako. Marahil ay nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang gawin o sabihin.

Ayokong umasa siya sa’kin dahil si Angelo ang gusto ko. At hangga’t siya ang gusto ng puso ko, wala akong balak mag-entertain ng manliligaw.

“Okay. If you don’t want to date me, then I won’t force you. But I’m still going to court you.”

Nagulat ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan iyon. Bago pa man ako makapagprotesta ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.

“Alam kong sa ngayon ay wala pa ‘kong pag-asa para sa’yo pero wala akong pakialam. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa isang babae kaya hindi ko na papalampasin ‘to. I’m still going to court you whether you like it or not. I’m still willing to wait until you’re ready. And even if the end you still love Angelo, then I’ll back off. Pero hindi ako susuko nang walang laban.”

Hindi ako nakasagot. I can hear the determination and finality in his voice. Para bang kahit anong sabihin ko ay hindi na niya pakikinggan. Desidido na talaga siya at tingin ko ay wala na akong magagawa.

I sighed. “Binalaan na kita, Jay. Huwag mo lang sana akong sisisihin kung sa huli ay wala kang mapala sa akin.”

“I know what I’m getting myself into, Bea. Just please let me do this.”

Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita. Kung talagang desidido na siya, wala na akong magagawa. Besides, I admire his effort to confess to me. Mahiyain si Jay at alam kong kinailangan niya ng lakas ng loob para umamin sa akin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpasya akong mag-open ng Facebook account. I saw Jay, Luis, and Lara’s friend request. I accepted it all before scrolling my newsfeed. Wala namang masyadong balita kaya sa huli ay ini-log out ko rin iyon.

**

Pagdating ng Lunes ay tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Angelo habang nakatingin sa labas. Tahimik din naman siyang nagmamaneho at wala rin naman akong sasabihin kaya hindi ako nagsasalita.

Pero mukhang hindi yata siya sanay nang hindi ako kinakausap dahil maya-maya lang ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kasunod no’n ay ang pagsasalita niya.

“You’re unusually quiet. Do you have a problem?” he asked.

I shook my head. “Nothing. Wala lang akong sasabihin kaya ako tahimik.”

“How was your weekend?”

“It was fine. I spent some time with my family yesterday,” I replied. Bigla ko namang naalala ang pag-uusap namin ni Jay noong Sabado kaya napaisip ako kung dapat ko ba iyong sabihin sa kanya. Should I tell him that Jay is going to court me?

I think I should. Siya na rin naman ang nagsabi noon na dapat kong ipaalam sa kanya kapag may nagbalak sa akin na manligaw. Hindi naman dahil kilala rin niya si Jay ay hindi ko na iyon ipapaalam sa kanya.

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya iyon? Pipigilan niya kaya si Jay na manligaw sa’kin tulad nang ginagawa niya sa mga nagbalak na manligaw sa akin noon? Unlike my past suitors, Angelo knows Jay.

Bago pa man ako makapag-decide ay nakarating na kami sa office. Dahil doon ay nagpasya akong huwag na munang ipaalam sa kanya. Maybe later after work, I can talk to him about it.

Naroon na si Luis nang makarating kami. Nang makita niya kami ay agad siyang bumati.

“Good morning!” bati niya bago makahulugang tumingin sa akin at ngumiti nang malawak. Napakunot-noo ako.

“Good morning,” bati ni Angelo sa kanya bago umupo sa sarili nitong upuan.

“Uh… good morning,” simple kong bati habang nagtataka pa rin sa reaksyon niya. Kahit nang umupo ako ay hindi ko pa rin maiwasang isipin kung bakit ganoon ang tingin niya sa akin. That’s weird. It’s like he knows something.

Wait a minute. Jay and Luis are close. Did Jay tell Luis that he’s courting me? Well, there’s a possibility.

Natigilan ako sa pag-iisip nang may mapansin ako sa ibabaw ng table ko. There was a cup of coffee in front of my computer. Mayroong note na nakadikit doon kaya kinuha ko iyon at binasa.

Smile :)
- Jay

Nang mabasa ko iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti. It was a simple note yet it made my heart flutter a little bit.

“It’s good to see you smiling. Good morning,” I heard someone say from behind. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko si Jay na may tipid na ngiti sa labi. Umupo siya sa upuan niya na nasa tabi lang ng mesa ko.

“Good morning. Thank you for this,” I replied.

Napalingon kami sa likuran namin nang makarinig ng pagtikhim. Si Luis iyon na kasalukuyang nakatingin sa amin habang nakangiti nang malawak. Confirmed. He definitely knew that Jay is courting me.

“So ano, Jay? Nakapagpaalam ka na ba kay Angelo?” tanong niya. Dahil doon ay bigla namang napalingon si Angelo sa amin.

“Huh?” he asked.

“Jay is courting Bea. What can you say?” Luis asked him.

Nagulat ako dahil sa diretso niyang pagsasabi no’n kay Angelo. Napatingin naman si Angelo sa akin bago bumaling kay Jay. Walang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung ayos lang ba sa kanya iyon o hindi.

Tumikhim si Jay kaya napatingin kami sa kanya. Nakatingin naman siya nang diretso kay Angelo. Both of them look serious.

“I really think this is not necessary but for Bea, I’ll do it. I just want you to know that I’m going to court her whether you like it or not,” Jay said. Nakakagulat nang sabihin niya iyon nang buong tapang. Pero nang tingnan ko ang kamay niya ay pansin kong bahagyang nanginginig iyon.

Looks like he’s just forcing himself to be brave in front of Angelo.

Hinintay naming magsalita si Angelo. Sa isip ko ay inaasahan kong pipigilan niya si Jay sa balak nitong panliligaw sa akin. But what he said next was not what I expected.

“Sure. No worries,” he simply said before glancing at me. Ngumiti lang siya nang tipid bago tumalikod sa amin.

At that moment, another question crossed my mind. Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko pinapamigay niya na ‘ko? But then, hindi naman niya ako pag-aari. Wala kaming karapatan sa isa’t isa dahil magkaibigan lang kami.

Pero bakit naman ang sakit?

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
938K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
12.1K 295 20
Jianna Astrid never asked for something else, all she wanted was for Russel to be true to her. She trusted and loved him the way she could never imag...