What Love Is

By tyraphr

90.7K 1.6K 49

Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER FOUR

6.9K 147 2
By tyraphr

DAHIL sa walang humpay na pangungulit sa kanya ng mga anak na panuorin nila ang laban sa pagitan ng Azkals at LA Galaxy, wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Simula kasi nang mapanuod ng mga ito sa telebisyon ang isa sa mga laro ng Azkals naging masugid ng tagahanga ng nasabing football team ang mga anak niya. Kaya naman nang malaman ng mga ito na magkakaroon ng isang exhibition match sa pagitan ng Azkals at ng isang sikat na koponan mula sa ibang bansa, hindi na siya tinigilan ng mga anak hangga't hindi siya pumapayag na manuod sila ng live.

Kaya heto sila ngayon, nakapila sa labas ng football stadium at naghihintay na makabili ng ticket at makapasok sa loob. Hawak-hawak niya sa magkabilang kamay ang mga anak. Tiningnan niya ang mga ito at napangiti nang makita ang hindi maitagong excitement sa mukha ng mga ito.

"Sobrang excited na ba kayo?" Tanong niya sa mga ito.

"Opo Mommy!" Halos magkasabay na wika ng dalawa.

"Gusto ko nang mapanuod na maglaro ang Azkals. Sana manalo sila." Wika ni Raji.

"Pwede kaya kaming humingi ng autograph Mommy?" Tanong naman ni Riku.

"Hindi ako sigurado anak e." Pero tiyak niyang mahirap makakuha no'n. Pagpila pa nga lang sa pagbili ng ticket pahirapan na. Paghingi pa kaya ng autograph?

"Anise? Is that you?" wika ng isang pamilyar na tinig.

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nagulat talaga siya nang makita si Cain na papalapit sa kanila. Nakatali ang mahaba nitong buhok pero ang ilan sa mga hibla no'n ay kumakawala mula sa pagkakatali nito. Nagmukha lang tuloy itong wild na mas lalo lang nakadagdag sa appeal nito.

"Hindi ko akalaing makikita kita dito. Of all places." Wika nito nang makalapit sa kanila.

"Oo nga e."

"Maybe fate's trying to tell us something." Nakangiting wika nito na parang may ibang pinapakahulugan.

"Or maybe this is fate's idea of a joke... if you believe in that king of thing." Wika na lang niya. Sa ilang lingo nilang pagsasama ni Cain sa mga meeting, nasasanay na siya sa mga hirit nito sa kanya.

"Siguro nga." Lumipat ang tingin nito sa dalawang bata na kanina pa nakatingin dito. "Hindi mo sinabi sa 'kin na meron ka palang dalawang boyfriends."

"Hindi niya kami boyfriends." Wika ni Raji. "She's our Mom."

"Talaga?" wika ni Cain na umakto pa na parang nagulat. "Hindi pa kasi siya mukhang nanay e. You must be..."

"Rajiel Guvarra." May pagmamalaking wika ng anak. "But you can just call me Raji."

"Nice to meet you Raji." Nang ilahad nito ang kamay ay tuwang-tuwang tinanggap 'yon ni Raji. "I'm Cain Ledesma, katrabaho ako ng Mommy niyo."

"Architect ka rin?"

"Nope. I'm an engineer."

"'Di ba sila yung gumagawa ng buildings na dine-design ng mga architect?" wika naman ni Riku.

"Parang gano'n na nga. You're very smart little man. Ikaw naman si..."

"Rikuel Guevarra. My nickname is Riku." Pinunasan pa nito ang kamay bago nakipagkamay kay Cain. "And we're twins!"

"Hindi nga? I would've never known."

Pareho namang napangiti ang kambal niya.

Hindi naman niya mapigilang humanga dito dahil mabilis lang nitong nakuha ang loob nga mga anak niya. "I didn't know you had kids." Pagbibiro niya dito.

"I don't."

"Then napakadami mo sigurong pamangkin. You're a natural."

"Actually, my parents were each married a number of times. Kaya sandamakmak ang stepbrothers at stepsisiters ko. At sandamakmak rin ang mga anak nila na kapag nakikita ako ay wala nang ibang ginawa kundi kulitin ako. Kaya sanay na rin ako sa mga bata."

Gusto naman niyang mapangiti sa ideya ng ilang mga bata na umiikot-ikot dito at kinukulit ito. "Ano namang madalas na ginagawa nila?"

"Lagi nilang hinihiling na dalhin ko sila sa go-cart race track and then magkakarera sila na para bang wala ng bukas."

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng mga anak dahil sa sinabi nito kaya mabilis niyang binigyan ng warning ang mga ito. "'Wag niyo nang isiping gawin 'yon dahil hindi ko kayo papayagan."

"Aww. Mom."

Natawa naman si Cain dahil sa reaksyon ng kambal. "'Wag na kayong pumila d'yan. I have spare tickets gamitin niyo na lang since wala naman akong ibang kasama." Pagbabago nito sa usapan.

"Naku 'wag na. Nakakahiya naman."

"Ano ka ba, okay lang. Kesa naman pumila pa kayo d'yan. C'mon."

"Hay. Sige na nga." Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang alok nito. Mahaba pa kasi ang pila at alam niyang nananakit na rin ang paa ng mga anak niya dahil sa kakatayo.

Nagulat siya nang hawakan nito ang isang kamay ni Riku. Mukha tuloy silang isang buong pamilya na masayang naglalakad papasok sa loob ng football stadium. Agad naman niyang pinalis ang isiping 'yon.

Stop thinking like that Anise!

Bahagya pa siyang nagulat nang dalhin sila ni Cain sa reserved seats na nasa unahan. Ibig sabihin kasi ay hindi lang pang-general admission ang ticket na ibinigay nito sa kanila. Inilibot niya ang paningin sa paligid, karamihan sa mga taong nando'n at kasama nilang nakaupo sa unahan ay pawang mga kilalang personalidad. May mga artista, reporters at meron ring mga sportsman. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Dapat siguro ay hindi na lang niya tinanggap ang ticket na inalok nito.

"Avid fan ka ba ng Azkals?" Naisipan niyang itanong dito dahil na rin sa ticket na meron ito.

"Hindi naman. Actually kaibigan ko yung isa sa mga players ng Azkals. He's the one who gave me the tickets. Magsama daw ako ng mga kakilala ko. Kaya lang wala naman akong nahatak para manuod kaya pumunta na lang akong mag-isa." Wika nito pagkatapos ay binigyan siya nito ng makahulugang tingin. "And I'm really glad I did. Dahil kung nagkataon na may kasama ako, hindi ko maibibigay sa inyo yung extrang tickets."

Napatango na lang siya sa sinabi nito. Kaya pala pang-reseved seats ang tickets nito ay dahil kaibigan nito ang isa sa mga Azkals.

"How about you, fan ka ba ng Azkals?"

"Nope. Pinilit lang ako ng dalawang chikiting na 'to na manuod. Gustung-gusto kasi nila ang Azkals. Hindi talaga nila ako tinigilan hangga't hindi ako pumapayag na dalhin sila dito."

Tiningnan nito ang mga anak niya na kanina pa titig na titig sa mga tao sa paligid. "I can only imagine."

"Pero sa totoo lang meron pa talagang isang dahilan kung bakit nila ako napapayag. Gusto mong malama kung ano?"

"Ano?"

Inilapit niya ang mukha sa tenga nito at bumulong, "Gusto ko kasing makita si David Beckham."

Bigla naman itong napatawa sa sinabi niya. "Seryoso?"

"Oo. Gusto ko kasing malaman kung kasing gwapo ba talaga siya ng mga picture niya sa magazine."

"Alam mo kung naghahanap ka ng gwapo, nandito naman ako e. You can stare and look at me anytime you want. And take note, wala pa yung bayad."

Hindi naman niya mapigilang mapangiti sa sinabi nito. "'Wag na lang no. Kay David Beckham na lang ako."

"Ouch naman." Wika nito na umarte pa na parang nasaktan. "Wala ba talaga akong appeal sa 'yo?"

Kahit na alam niyang nagbibiro lang ito, hindi pa rin niya inaasahan ang tanong na 'yon. Ngumiti na lang siya at umarte na parang nag-iisip. "Hmm. Meron naman kahit konti." Yeah right. E di ba nga, you find him extremely appealing. Napailing na lang siya. But, there's no reason for you to tell him that. Right?

At umarte pa ito na parang mas lalo pang nasaktan. "Grabe. Wala ka ba talagang pakialam sa feelings ko?"

"Para kang sira."

At pareho na lang silang nagkatawanan.

NAPAKALAKAS ng hiyawan ng mga manunuod nang magsimulang lumabas ang mga manlalaro. Lalo lang lumakas ang hiyawan nang magsimula na ang laro.

Laking pasasalamat ni Cain na pumunta siya ngayon do'n para manuod ng laro. Wala talaga kasi siyang balak na pumunta ngayon do'n. Mabuti na lang at nagbago ang isip niya. Dahil kung hindi, hindi niya sana kasama ngayon si Anise at ang mga anak nito. Tiningnan niya ang kambal, unang kita pa lang niya sa mga ito alam na agad niya na magkakasundo sila. Halata kasing makukulit ang mga ito at mahilig gumawa ng kalokohan.

Muli na naman niyang narinig ang hiyawan ng mg manunuod. Tumingin siya sa field, mukhang naka-score na naman ang mga kalaban. 2 – 0 na ang score, pabor sa kalaban at malapit nang matapos ang first half.

"Dapat subukan na ng Azkals na maka-goal. Walang masyadong defender sa left field dapat do'n nila papuntahin ang bola." Narinig niyang wika ni Anise.

Nagulat naman siya dahil sa sinabi nito. "Wow. May alam ka sa football?"

"Konti lang. Mahilig kasing manuod ng football league yung mga college friend ko dati."

"So you know your stuff?"

"I'm no expert, but yeah, I know enough to know what's going on."

"Good. Then gusto mo bang makipagpustahan sa 'kin?"

Napataas naman ang isang kilay nito dahil sa sinabi niya. "Ano namang klaseng pustahan?"

"Kapag ginawa ng Azkals yung play na sinabi mo tapos naka-goal sila, then you win. Pero kapag hindi, e di ako ang panalo."

"Ano namang kailangan gawin ng matatalo?"

"Nothing too serious. Kung sino ang matatalo bibili ng snacks for the four of us. Tutal malapit na naman ang half-time. Okay ba yun sa 'yo?"

"Okay."

Ilang minuto pa lang ang lumipas ay nakita nila na pumunta sa left field ang isa sa magkapatid na Younghusband. Ipinasa ng isa sa mga mid-fielder ang bola dito. Nang makuha nito ang bola ay agad nitong sinipa ang 'yon. Goal!

Nakakabingi ang mga naging hiyawan ng tao pero ang atensyon niya ay nakatuon lamang kay Anise. Tuwang-tuwa ito at agad na niyapos ang mga anak. "Nakita niyo ba 'yon? It's a goal kids!" Tumingin ito sa kanya. "Looks like I won the bet."

Napangiti na lang din siya habang tinitingnan ang nakangiti nitong mukha. Tumatalon-talon ito na parang isang bata. She had no idea how cute she was. Hindi niya tuloy magawang alisin ang tingin dito. She may be a thirty year old mother of twins pero sa mga mata niya ay para lang itong highschool cheerleader.

"Oo nga." Tiningnan niya ang kambal na kagaya ng nanay ng mga ito ay hindi maitago ang kasiyahan dahil sa pag-score ng Azkals. "Magaling pala sa pustahan 'tong nanay niyo."

"Magaling talaga sa pustahan si Mommy." Wika ng isa sa kambal.

"Lagi nga niya kaming talo e."

"Nakikipagpustahan ka sa kanila?" Hindi niya makapaniwalang wika.

"We only bet on little things. Kagaya ng kung sino ang makakatakbo ng pinakamabilis o kung sino ang makakatalon ng pinakamataas. Kapag nagpatuloy sa paglaki 'tong mga 'to, tiyak na mapag-iiwanan na nila ako."

Napakadali lang para sa kanya na isipin ito at ang mga anak nito na masayang naghahabulan. Mabait na ina si Anise at malinaw pa sa sikat ng araw na mahal mahal ito ng kambal. Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung nasaan na kaya ang tatay ng mga ito? Sinabi sa kanya ni Anise na iniwan ito nung lalaki bago pa man makasal ang mga ito. Naging maayos kaya ang paghihiwalay ng mga ito o hindi? Mahal pa kaya nito yung lalaki? Kung oo, then she wasn't as smart as he thought she was.

The man had to be a fool. Iniwan nito ang isang napakainteresanteng babae at wala man lang siyang ideya kung paano nito nagawa 'yon. Because he wasn't even involved with her and he was finding it harder and harder to keep his distance.

Napabuntong-hininga na lang siya. "So kids, anong gusto niyong snack?"

"Hotdogs!" Magkasabay na wika ng kambal.

"How about you?" tanong niya kay Anise.

"Coke-in-can na lang."

"Two hotdogs and a coke-in-can coming right up."

Tumayo na siya at hindi na niya napigilang mapailing. You got it bad man. Nag-usap na kayo 'di ba? Sinabi mo na sa kanya na magiging magkaibigan lang kayo. Ano 'yon? Lip service lang?

Napasimangot na lang siya. Hindi, hindi 'yon lip service lang. Aminin man niya o hindi, naiiba si Anise sa lahat ng babae na nakilala niya. Mas matanda ito sa kanya for pete's sake at meron na rin itong mga anak! Kahit kailan ay hindi pa siya na-involve sa isang babae na may anak na and he'd never thought he'd wanted to. Not that he was involved with her. He just liked her... a lot. 'Yan inamin na niya at ngayon kailangan na lang niyang magdesisyon kung ano ang gagawin niya tungkol dito.

SIX-TO-ONE. Yun ang final score. Panalo ang LA Galaxy. Hindi na naulit pa ang goal na ginawa ng Azkals sa first half. Sa second half kasi ay pumasok na sa laro ang ace player na si David Beckham.

Pabor na pabor sa mga ito ang laban. Pero hindi na rin naman siya umasa na mananalo ang Azkals. Isang international team na nanalo sa isang major soccer league ang kalaban ng mga ito. Malaking bagay na nga na naka-score ang Azkals sa mga ito e.

Madami sa mga tagahanga ang nalungkot dahil sa resulta ng laro. Kasama na do'n ang kambal niya. Para mapagaan ang loob ng mga ito, dinala ni Cain ang mga ito sa locker room ng Azkals. Hindi na siya sumama at naghintay na lang siya sa labas ng stadium. Pagbalik ng mga ito ay agad niyang napansin ang malaking ngiti sa labi ng mga anak. Parehong may hawak-hawak na bola ang mga ito.

"Mom! Nakahingi kami ng autograph!" Masayang balita ni Riku.

"Really? Nag-thank you ba naman kayo?"

"Opo!"

Tiningnan niya si Cain. "Thank you ha?"

"Wala 'yon. So, uuwi na ba kayo?"

"Oo."

"Hay. Kung wala lang akong gagawin after nito, yayain ko sana kayong kumain sa labas." Disappointed na wika nito.

"Mabuti na lang at may gagawin ka. Hindi rin naman kami makakasama dahil may gagawin rin ako." Hindi niya maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng disappointment sa isiping maghihiwalay na sila. Hindi naman sila pumunta do'n ng magkasama, nagkita lang sila do'n by chance. So bakit pakiramdam niya, she's walking away from a date? Nababaliw na talaga siya. "Well, I guess this is goodbye then. Salamat sa lahat. Sobrang nag-enjoy 'tong mga chikiting ko."

"I hope you did too."

"It was fun." Matapat niyang wika dito. "Then, kita na lang tayo sa susunod na meeting."

"Yeah."

Akay-akay ang mga anak, nagsimula na silang maglakad papunta sa nakaparada niyang kotse. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman kung nando'n pa rin ba si Cain sa kinatatayuan nito. Because she could feel the warmth of his gaze with every step she took.

Continue Reading

You'll Also Like

158K 2.5K 12
"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always...
166K 2.6K 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kaila...
56.5K 1.5K 31
When Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa...
62.9K 1.2K 13
Southern Fever Band Book 4 Sequel to LOVE WAS MADE FOR US. This is Kristoff's story. First published by PHR (Precious Pages Corporation)