What Love Is

By tyraphr

91.3K 1.6K 49

Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What... More

CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER TWO

8.9K 167 0
By tyraphr

MASUSING pinagmamasdan ni Cain ang bawat kilos ni Anise habang pini-present nito sa kanila ang scale model na ginawa nito. Hindi siya masyadong nakikinig sa mga sinasabi nito bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya sa maganda nitong mukha.

Napailing siya. Mukhang kailangan niyang paalalahanan ang sarili na hindi siya yung tipo na nagiging interesado sa mga katrabaho niya. Hindi niya kailangan ng komplikasyon na kasama no'n. So why the hell was Anise Guevarra so distracting? It's not as if she was trying to attract his attention. Sa katanuyan nga hindi man lang ito natingin sa direksyon niya. Dapat niyang ipagpasalamat 'yon pero sa halip ay natagpuan niya ang sarili na lihim na humihiling na sana ay tumingin ito at ngumiti sa kanya.

Hindi siya nagsisinungaling nung sinabi niya dito kanina that she could charm her way out of a dire situation. Kakaiba kasi ang taglay nitong ganda. 'Yon bang tipong hindi mo pagsasawaang titigan. Matangkad din ito at malaman. Pero hindi yung malaman na mataba kundi yung malaman na sexy. Parang tuloy ang sarap nitong yapusin.

But there was more to her than that. There was that stubborn chin that would challenge a man at every turn and the wariness that peeked out of her midnight-black eyes. Kakaibang kombinasyon. Nakita niya kanina kung gaano kabilis itong ngumiti at kung gaano din kabilis nawala ang ngiting 'yon.

He would bet there'd been a time in her life when she'd been more spontaneous than she allowed herself to be now. Kung gano'n, ano kayang posibleng nangyari na nagpabago dito?

"So what do you think Cain?" tawag pansin sa kanya ni Mr. Santos.

Hindi man lang niya napansin na tapos na palang magsalita si Anise. Tinitigan niya muna ang scale model na nasa harapan bago nagwika, "I like the design. Very modern and classy. May mga kaunting details lang na gusto kong ipabago para sa mas lalong ikagaganda nito. Have you been to the site?"

"Hindi pa ako nakakapunta. Sa pictures ko lang nakita yung land area." Sagot nito.

"I think it would be really helpful kung makakapunta ka do'n. Baka makaisip ka pa ng bagong ideas na pwedeng idagdag."

"Well, I guess I'll leave the talking to you guys." Nakatayo nang wika ni Mr. Santos sabay baling sa kanya. "Cain, I'll trust your judgement on this one kaya ikaw na ang bahala."

"Yes Sir." Malaki na ang tiwala sa kanya ng matanda, siya rin kasi ang head engineer sa ilan pang mga branch ng hotel.

At kampante na sila nitong iniwan. Nang masiguro niyang nakaalis na si Mr. Santos ay saka niya muling hinarap si Anise.

"I hope you realize I was only teasing earlier." Paunang wika niya. "At first, hindi ko naman talaga alam na ikaw yung architect na ka-meeting ko. Sorry if I made you uncomfortable. That certainly wasn't my intention."

"Apology accepted. Pero mas maganda pa rin kung nagpakilala ka kaagad nung malaman mo na ako pala yung architect na ka-meeting mo."

He couldn't argue with that. Nang malaman niya kung sino ito dapat ay nagpakilala siya kaagad. And he certainly should not have flirted with her. Hindi niya 'yon dapat ginawa. Aside from the fact na hindi niya dini-date ang mga nagiging katrabaho niya, nung isang linggo lang, nangako siya that he was through with women. Paano ba naman kasi, every women he dated for the last six months wanted a husband. At alam niyang hindi niya 'yon maibibigay sa mga ito.

Hindi pagkatapos niyang makita ang ama na ilang beses na magpakasal at ilang beses ring magpa-annul. Para sa kanya sinisira lang ng kasal ang pagmamahalan ng dalawang tao, making them despised each other. Ayaw niyang maging parte ng gano'ng klaseng bagay.

Then why was he so drawn to her?

"You were already upset dahil late ka na sa meeting mo. Ayoko namang pasamain pa lalo ang mood mo by telling you who I was. I thought you would feel embarrassed kapag nalaman mo na pinagpalit mo ng gulong yung taong dapat ay ka-meeting mo." pagdadahilan niya. Kahit na ang totoo, gusto lang talaga niyang makita ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya nito sa loob ng meeting room.

That sounded good, pero ina si Anise ng dalawang makukulit na bata and she knew a line of bull when she heard one. "That sounds like something my sons would say."

Kung gano'n ay may mga anak na pala ito. "Hindi ka naniniwala?"

"Ano sa tingin mo?"

"Damn. And I thought I was being smart." Lumapit siya dito. "Bakit hindi na lang tayo magsimulang muli?" inilahad niya ang palad dito. "I'm Cain Ledesma, I hope that we can work well together."

Inabot nito ang nakalahad niyang kamay. "'Yan din ang hiling ko."

KANINA pa nakaalis si Anise sa Liberty Hotel pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga pangyayari, simula nung ma-flat-an siya ng gulong hanggang sa matapos ang meeting niya. Buong akala niya ay wala nang epekto sa kanya ang mga lalaki but Cain Ledesma just proved her wrong. Sa isang ngiti lang nito ay agad na nabuwag ang lahat ng depensang binuo niya sa loob ng maraming taon simula nung iwan siya ni Gino.

At isa yung bagay na hindi niya dapat ikatuwa. Dahil ang ibig sabihin lang no'n ay attracted siya dito. Sa isang lalaki na ngayon lang niya nakilala. Sa isang lalaki na alam niyang sanay na sanay na magpaikot ng mga babaeng kagaya niya.

Marahas siyang napailing. Hindi. This is only happening because for such a long time you haven't met a man as handsome or as charming as he was. Natural lang na maging ganyan ang reaksyon mo. Lihim na lang niyang pinagalitan ang sarili. Unang pagkikita pa lang nila ay kakaiba na agad ang epekto nito sa kanya. At alam niyang hindi 'yon dapat magpatuloy pa.

She can't continuously be charmed by him. Habang maaga pa lang kailangan na niyang protektahan ang kanyang sarili. At isang desisyon ang nabuo sa isip niya.

The next time we meet, it will be purely business. Nothing more, nothing less.

Sana lang mapaninidigan niya ang desisyong 'yon.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nasa tapat na siya ng architectural firm na pinagtatrabahuhan. Ang Polaris Architectural Firm. Isang maliit na building lang ang inuokupa ng Polaris. Tamang-tama lang para sa kakaunti nitong empleyado. Para kasi sa boss nilang si Sheila, quality is better than quantity. Mapili din ito pagdating sa mga projects na kinukuha nila. Kaya naman for the past five years since naitayo ang Polaris, masasabi niyang unti-unti na rin silang nakikilala.

Malaki talaga ang pasasalamat niya kay Sheila. Itinuturing niya nga itong anghel na ipinadala ng langit sa kanya. Nung mga panahon kasing walang-wala siya ay ito ang tumulong sa kanya.

She was seven months pregnant back then. Nag-resign siya sa trabaho niya because Gino told her na ito na ang bahala sa lahat. Nakapasa kasi ito sa licensure exam for doctors. Full-pledged doctor na ito at sinabi nito sa kanya na oras na para ito naman ang mag-alaga sa kanya. Napakasaya niya nang sinabi nito 'yon but then the next morning, nagising na lang siya na wala na ito. He left her just like that. Ni wala man lang itong iniwan na sulat o kahit na ano.

She cried and cried until all her tears dried up. But life continues to go on. At kailangan niya ring ipagpatuloy ang buhay niya. Sinubukan niyang bumalik sa dating pinagtatrabahuhan pero hindi na siya tinanggap pang muli ng mga ito. Nag-apply rin siya sa iba pang architectural firm pero walang gustong tumanggap sa kanya dahil na rin sa kanyang kondisyon. And that's when she met Sheila.

Pagkakita nito sa designs na ginawa niya ay kinuha siya nito agad. Hindi lang 'yon, pinayagan pa siya nitong gawin ang trabaho niya sa kanyang bahay. On the note na dapat ay lagi niyang maipasa sa tamang oras ang mga design at scale models na pinapagawa nito. Double purpose 'yon para sa kanya dahil nagagawa na niya ang trabaho niya ay naaalagaan pa niya ang mga anak niya.

Kaya kahit siguro alukin pa siya ng trabaho ng ibang naglalakihang architectural firms ay hinding-hindi siya aalis sa Polaris.

Pagpasok niya sa loob ng building ay agad niyang nabungaran ang isa sa mga secretary ni Sheila.

"Nasa loob ba ng office niya si Sheila?" tanong niya dito.

"Opo Ma'am Anise. Pumasok na lang po kayo."

"Okay. Thanks."

Pumunta siya sa opisina na nasa may pinakadulo ng corridor. Nang nasa tapat na siya ay hindi na siya nag-abala pang kumatok. Binuksan na lang niya ang pinto at pumasok sa loob. "Hey Shei." Bati niya sa kaibigan na kasalukuyang nakasubsob sa pagbabasa ng ilang papeles.

Tumunghay ito at tumingin sa kanya. "Anise. Kumusta ang meeting mo kay Mr. Santos?"

Naupo siya sa upuan na nasa tapat ng table nito bago sumagot. "Ayos naman."

"Kung ayos naman pala, e bakit mukha kang namumroblema d'yan?"

"Mukha akong problemado?" takang tanong niya dito.

"Yes."

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya akalaing halatang-halata pala sa itsura niya na pinuproblema niya ang mga naganap kanina.

"Well, are you going to tell me about it?" tanong ni Sheila na nakatuon na ang buong atensyon sa kanya.

"It's nothing important. It's just that, the head engineer he kind of flirted with me. And the worst part of it was, I got affected."

"That's serious."

"I know."

"My dear Anise, I don't know if this is any kind of consolation pero wala naman atang babae sa mundong 'to ang hindi maaapektuhan kay Cain Ledesma."

Nagulat naman siya sa sinabi nito. "Kilala mo siya?"

"Syempre naman. Nasabi sa 'kin ni Mr. Santos na siya ang magiging head engineer para sa project na 'to. His family owns one of the biggest construction firms here in the Philippines. He's rich and..." tiningnan muna siya nito na makahulugan bago nagpatuloy, "A certified ladies' men. You should be careful."

Nagtaka naman siya sa huling sinabi nito. "Bakit naman?"

"Dahil base na rin sa mga naririnig ko, he's very partial to beautiful woman."

Hindi naman niya malaman kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ng kaibigan.

ALAS-NUEBE na ng gabi pero ngayon lang nakauwi sa ng kanyang condo unit si Cain. Padabog niyang binato sa sofa ang suot na leather jacket. Hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman niya. Paano ba naman kasi, pagkaalis niya sa Liberty Hotel bigla na lang tumawag ang kanyang assistant at sinabing nagkaroon ng problema sa isa pang project na hina-handle ng firm nila. Inabot na siya ng gabi sa pag-aayos ng problemang 'yon.

Papasok na sana siya sa kanyang kwarto para mag-shower nang biglang tumunog ang telepono. Inis na sinagot na 'yon. "Who's this?"

"Looks like someone's not in a good mood." Wika ng nasa kabilang linya.

Napabuntong-hininga na lang siya nang makilala ang tinig ng kausap. "Dad."

"May problema ba kayo ng girlfriend mo?"

"I don't have a girlfriend Dad."

"Ah, so that's the problem. Dapat sinabi mo sa 'kin kaagad. Pwede kitang ipakilala to some socialites I've met. O baka naman you like models better?"

Napasimangot naman siya sa tinuran ng ama. Wala siyang duda na kayang-kaya siyang ipakilala ng ama sa napakadaming babae- he'd been married four damn times and probably dated all the high class women in the Philippines over the age of thirty-five! Kaya naman ito ang pinakahuling tao na hihingan niya ng advice tungkol sa mga babae.

"Salamat na lang Dad. But meeting women is not the problem. I can get my own dates." Pagkawika no'n ay may bigla siyang naalala. "Hey, 'di ba naka-schedule ang flight niyo ni Rica sa Las Vegas today? 'Wag mong sabihing tumatawag ka sa loob ng eroplano dahil hindi talaga ako maniniwala."

"Nagdesisyon kaming 'wag na lang pumunta."

Nagulat naman siya sa sinabi nito. "Why? May nangyari ba?"

Matagal itong natahimik. Pero bago pa ito makapagsalita alam na niya kung ano ang susunod nitong sasabihin. "We're getting an annulment."

"Dammit, Dad!"

"Some things just aren't meant to be."

"Yeah at lahat sila ay may pangalan. Gusto mo bang isa-isahin ko pa sila?" sarkastiko niyang wika na ang tinutukoy ay ang mga babaeng pinakasalan nito.

"I was hoping for a little sympathy. Hindi dahil sa pang-apat na annulment ko na 'to ay hindi na ito masakit para sa 'kin."

"Sorry Dad. Hindi ko lang kasi maintindihan why you keep on doing this to yourself."

"What? Getting married... or annulled?"

"Both! Masyado ka nang matanda for this. Hindi mo naman dapat pakasalan ang lahat ng babaeng gusto mong ikama."

"Alam mo ba how cynical you sounded?"

"Dahil hindi ko ginagawa ang ginagawa mo sa sarili mo?" ganting wika niya dito. "C'mon Dad. Wala namang masama with enjoying a woman, then letting her go. Hindi mo kailangang gawing komplikado ang buhay mo by marrying her."

"You're talking about sex."

Hindi naman niya 'yon itinanggi. "So? Ano namang masama do'n?"

"Dahil meron pang mas mahahalagang bagay kesa do'n."

Napangiwi naman siya sa snabi nito. Alam kasi niya kung ano ang tinutukoy nito. "There you go again Dad, talking about love. Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin na-re-realize, it doesn't exist. That's why marriage doesn't work. You let your raging hormones convince you you've found your soul mate and while you're under the influence of it, you make everything nice and legal. Tapos kapag nawala na yung magic, you'll lose half of everything to a woman you no longer 'love'. Kailangan mo na 'tong tigilan Dad."

Nag-aalala na kasi talaga siya para sa ama. Pero alam din naman niyang hindi rin siya nito pakikinggan. Dahil alam niyang hindi pa rin ito nadadala sa apat na failed marriages na pinagdaanan nito.

"Ikaw ang dapat tumigil sa pag-iisip ng ganyan anak. Ilang taon ka na ba? Twenty-six?"

"Twenty-eight." Pagtatama niya dito.

"Almost thirty." Wika nito. "Tapos hindi ka pa nagkakaro'n ng seryosong relasyon, ni hindi ka pa rin na-i-in-love. And that worries me. Kapag pinagpatuloy mo 'to, you're just going to miss what life is all about. At 'wag mong sabihin na ang pagmamahal ay dahil lamang sa raging hormones because it's more than that. It's about finding someone you can share not just your bed but your life as well. Hindi ka ba nalulungkot?"

"Stop it Dad. Hindi 'to tungkol sa 'kin. Tungkol 'to sa 'yo. So don't turn things around. I'm just seriously worried about you."

"I know son and I'm telling you, you don't have to be. Malalampasan ko rin 'to."

Yeah. At pagkatapos, magpapakasal ka ulit to some woman na kakikilala mo pa lang. Hindi na lang niya isinatinig ang iniisip. "Dadalawin kita one of these days tapos lumabas tayo."

"Of course. Pero anak, 'wag mo sanang kakalimutan yung mga sinabi ko sa 'yo."

Pagkatapos nilang mag-usap ay isang marahas na buntong-hininga na lang ang kanyang pinakawalan. At naalala niya ang mga sinabi nito tungkol sa pag-ibig.

No way Dad. There's no way I'd believe love exists.

Pero sa hindi malamang dahilan, he suddenly thought of the beautiful architect he met earlier.

Continue Reading

You'll Also Like

52.1K 1.1K 12
Isa sa mga dakilang playboy ng campus si Rieley Anderson Lovino kaya hindi na gugustuhin pa ni Jamaica ang mapasama pa sa listahan ng mga tagahanga n...
972K 43.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
150K 2.4K 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nag...
1.5M 33.2K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content