CHAPTER 7: Wag naman Sana
ALYJA’S POV
Hello sa inyo. Kilala niyo na ba ko? Well.. kung hindi pa, magpapakilala na me. Im ALYJA CYNDRUTH WILSON. 17 years old. Incoming Senior High. Blanche Colleene Eisler and Jorgelyn Clancy Arison are my bestfriends. NBSB ako katulad ni Jorgelyn. Pero napakarami kong crush. Mwehehehe. Okay na siguro yan noh? Hehe
Kakaalis lang sa bahay ni Colleene. 5pm na din. At alam niyo ba na kagabi pa ko namomoblema sa kanya!π_π Kagabi pa ko di mapanatag dahil dun sa kwinento niya. Kahit di niya aminin sakin, malakas na tama niya kay.. ano nga pala pangalan ni cute guy? Nakalimutan kong itanong lintyak! Basta si Cute guy. Lately kasi parang walang ibang nakikitang gwapo toh si Colleene eh. Eh dati pag nakakakita ng gwapo yan, 20-15 ang na s-spot na pogi eh kada isang araw tas ngayon wala na. Siguro type niya nga lang talaga si Cute guy. Masyado pa naman kasing maaga para sabihin niyang mahal niya na. Pero di malabong ma inlove siya kay Cute guy noh. Napaka gwapo niya as in. Kung nakita niyo lang siya baka sabihin niyong perfect siya. Grabe kasi promise! Kung titignan niyo parehas si Colleene at si Cute guy parehas silang perfect. Walang maipintas sa kanila. Kaso si Colleene kasi medyo sablay sa ugali xD Bipolar yung impaktang yun eh  ̄ε  ̄ pero kahit ganun yun love na love ko yun. Ayieeee ﹋o﹋ Lol XD
Feeling ko talaga ma i-inlove si Colleene kay Cute guy. Ilang years na din naman na nakalipas simula nung lokohin siya pero parang ang sakit parin sa side niya. Sino ba naman matutuwa na yung boyfriend mo eh makipag halikan dun sa ex niya? Hayss.. Kung tutuusin napaka swerte ni Terrance kay Colleene eh. First boyfriend ni Colleene si Terrance kaya lahat lahat talaga binigay niya. Nawalan na nga siya nun ng time sa studies kaya yung pagiging Top one niya naging Top three na lang. Nung nag break sila, grabe talaga. Awang awa ako kay Colleene. Everynight tatawag sakin yun hagulgol. Minsan nga pag dadalawin ko yun madadatnan ko na lang sa kwarto niya na tulala. Di rin siya nun naglalabas ng bahay. At higit sa lahat, nagbago talaga siya ng sobra. Good girl gone Bad kumbaga.
Pero kung sakin okay lang na mag mahal ulit si Colleene. Wala namang masama pag nagmahal right? Wag nga lang sobrang sobra. Kahit naman sa gamot at pagkain eh, pag sobra nakakasama. As her bestfriend ayoko na makita ulit siyang masaktan. Pero mas lalo naman na ayokong makita siyang matandang single. Duhh!! Pero grabe playgirl na yan si Colleene simula nung maka move on kay Terrance eh. Sa isang araw lima nagiging boyfriend. Hahaha! Meron pa nga one time na talagang tawang tawa ako sa ginawa ni Colleene eh.
×FLASHBACK×
Lunchbreak na. Papunta kami ni Colleene sa Canteen nang may biglang humatak kay Colleene at sabay hawak sa bewang. At eto namang impaktang toh walang reaksyon. Bigla namang nag salita yung panget na lalaki.
“Hi Colleene! Can you be my girlfriend?” sabi ni panget. Bigla namang pumalibot samin yung mga tao.
“Sure no problem!” sagot ni Colleene na kinagulat ko. Ewww! Ganyan na ba ang taste niya sa lalaki?! Gross!! Magsasalita na sana ko kaso naunahan ako ni Colleene.
“Break na tayo.” sabihin ni Colleene in a cold way.
“Huh? Ambilis naman ata?”
“Dun din naman mapupunta yun. Mag be-break at mag be-break din tayo.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Bulag ka ba or tanga? Di mo ba nakikita na masyado akong maganda para maging girlfriend mo at masyado kang panget para maging boyfriend ko?”
“Anong----”
“Can you stop shouting?! Damn it! Its annoying!! Naging girlfriemd mo na ko kaya wag ka ng mag inaso dyan.”
“Hoy! Kala mo napakaganda mo huh?!”
“Alam kong maganda ako. Kaya alamin mo din na panget ka!” sabi ni Colleene at bigla akong hinatak papuntang canteen.
×END OF FLASHBACK×
Grabe. Nakakahiya na at the same time nakakatawa nung nangyari yan. Yung panget na lalaki biglang tumakbo nun. Grabe mapahiya ka ba naman sa napakaraming tao eh. Pero serves him right! Masyado siyang mahangin.
Magsisimula na sana ko mag ayos dito sa kwarto ng may narinig akong nag doorbell kaya napahinto ako. Hmmm. Baka si Colleene lang yun. May nakalimutan siguro. Nagsimula na din akong mag pulot ng kalat. Walang mangyayari pag ini-stock ko lang sila dito. Nagwalis na din ako.
After ko mag linis. Na isipan ko ng maligo. Pawis na din kasi ako.
Naliligo na ko. At after ilang minutes eh tapos na ko. Di ako kasing kupad maligo ni Colleene noh. Pero kahit mabilis ako maligo, ligong pambabae parin ako.
Papunta na ko sa kwarto para magbihis. Napansin ko naman na bukas yung tv sa sala ko. Pero hinayaan ko na lang si Colleene lang siguro yun.
Tapos na ko mag bihis at mag ayos. Papunta na ko ngayon sa sala. At ng makarating ako sa sala...
*JAW DROOOOOPPPP!!!!*
“Miss me, Impakta?” sabi ni....... Jorgelyn. Kyaaaaahhhh!!!
“KYAAAAAAAAHHHHHH!!!! I MISS YOU IMPAKTAAAAAAAAAA!!!”
“Chill lang Impakta. Oh. *abot ng cake* sorry yan lang dala ko. Biglaan lang kasi alis ko sa London kaya di na ko namili. Tyaka nakakatamad noh!”
“Kyaaaah!! Okay lang yan Impakta. Mas gusto kita kesa sa pasalubong. Huhuhu” teary eyed na ko π_π huhuhu.
“Natats naman ako dun Impakta. Huhuhu”
“I love you Impakta.” sabi ko sa kanya. I miss this bitch. Huhuhu
“Ewwww Alyja! Umalis lang ako naging ganyan ka na?!!” walanjo talaga toh kahit kelan panira po siya ng moment ╰( ̄▽ ̄)╭
“Ah ganyanan na pala Jorgelyn ah.” mag wa-walkout na sana ko kaso hinawakan niya yung braso ko.
“Eto naman di mabiro. Syempre I love you more Impakta.” sabi niya.
“Ayieeeeee. Keneleg nemen eke den Empekte (^▽^)” pang aasar ko sa kanya.
“Tama na nga langgamin na tayo dito.” sabi niya.
“Pero teka nga, bat ka pala nandito sa Pilipinas? Kelan ka pa umuwi? Alam na ba toh ni Colleene?”
“Wow ah. Di ka naman atat mag tanong noh? Sabi ko kay Mom and Dad na dito muna ko dahil di pa naman nag uumpisa klase ko dun tyaka habang bakasyon dito. Kakadating ko lang kahapon. Di pa alam ni Gaga toh. Balak ko nga siyang i-surprise eh.”
“Abnormal ka talaga. Bukas na lang ng maaga natin siya i-surprise. Yung tipong pag mulat na pagmulat ng mata niya tayo ang una niyang makikita. Bwahahaha!!” ang bad kong bestfriend XD
“Ay gusto ko yan. For now, mag MoA muna tayo.” sabi niya.
“Ayoko nga. Di ako binigyan ni Mom and Dad ng panggala. Ayoko gastusin pera ko.”
“Hanggang ngayon ba naman Alyja kuripot ka pa rin? Enebeyen... Fine!! Its my treat!” sabi niya kaya naman nag twinkle ang aking beautiful eyes.
“Kaya love na love kita Impakta eh. Hihihihihi!!”
“Lul. Mag ayos kana bilis!”
Gaya ng command ng balik bansa na si Impakta, nag ayos na ko.
Dark blue vans, black jeans, plain dark blue v-neck shirt, dog tag, cap...... Tadahhhh!!! Im ready! Im ready! Im ready!
Boyish style ampeg ko ngayon. Wag na kayo kumontra! Sapakin ko kayo eh! XD
Nandito na kami sa car ni Jorgelyn. And yeah, wala pa siyang lisensya kaya kasama namin si Manong Edgar. Baka kasi mahuli kami. Baka mapauwi nang wala sa oras toh si Impakta.
Ilang oras at nakarating na kami sa MoA. Inaaya namin si Manong Edgar pero sabi niya mag iintay na lang daw siya dun sa hintayan.. ewan kung ano tawag dun eh. Hahahaha!
Una naming pinuntahan ay Kfc. Favorite kasi namin yung flavor ng chicken dito. Pati yung brownies. Mwihihihi.
Nandito kami sa Egg. Bumili kami ni Jorgelyn ng tig isang shoulder bag, sling bag, bracelet at wallet. Next, Mossimo.
Habang tahimik kaming naglalakad. Nagsalita na ko. Di ko na kaya katahimikan eh.
“Hoy Impakta. Ang tahimik mo ata? May problema ka ba?”
“Wala naman. Iniisip ko lang kung saan tayo pupunta bukas nila Colleene eh. Dapat kasi maganda para bongga.” dami talagang alam neto  ̄ε  ̄
“Aha! Mag EK na lang tayo para masaya!”
“Oo nga noh. Di ko naisip yun Alyja ah.” sabay yakap niya.
“Hahaha! Wala ka naman kasing isip noh!” binatukan naman niya ko at umalis na sa pagkakayakap  ̄﹏ ̄
“Makabatok ah.” sabi ko sakanya. At aba, nang irap lang ang Impakta.
At yun na nga, nag punta na kami sa Mossimo. Pagkatas nun kung saan saan pa kami namili. Di ko namalayan na 8pm na pala. Buti na lang may narinig akong nag usap about sa time. Kaya eto pauwi na kami. Lagot ako neto kina Mom and Dad. Di pa man din ako nag paalam. Huhuhuhu!!
Ilang oras at naka uwi na ko. Buti na lang wala pa sila Mom and Dad. Si Jorgelyn naman, mag s-sleep over dito. Seriously, mukha na bang sleep over house tong bahay namin?!  ̄ω ̄
Nandito kami ni Jorgelyn sa kama ko. Nagkukwentuhan. Naalala ko na naman yung napg usapan namin kagabi ni Colleene. I open up ko nga kay Jorgelyn.
“Jorgelyn, may kukwento ako sayo.”
“Ano yun?”
“Magtatanong muna pala ko. Papaano pag na inlove ulit si Colleene?”
“Paanong nagmahal? Yung as in serious relation?”
“Oo.”
“Para sa akin, ayos lang. Napaka play girl na kasi nun. Pati yung mga sumeseryoso sa kanya nasasaktan. In short, pati yung feelings ng iba nasasaktan ng dahil sa pagiging play girl niya. Eh sayo ba?”
“Parehas na parehas lang tayo ng iniisip Jorgelyn. Alam mo ba nag shopping kasi kami. I cant remeber when eh. Pauwi na kami ni Colleene nun ng may makabangga siya. Napaka gwapo swear. Wala ka talagang mapipintas sa kanya. At mukhang mabait. Tas nung nag sleep over dito si Colleene na kwento niya sakin na yung naka bunggo niya sa mall eh mag business partner pala yung mga parents nila. Tas inaya nung cute guy si Colleene mag sine para makabawi daw. Nung unang na meet namin si Cute guy kala mo walang pakelam tong si Colleene pero simula nung nagkasama sila parang nagbago siya. Parang siya na naman yung dating Colleene. Feeling ko hindi malabong ma inlove ng todo ulit si Colleene. Paano pag nagmahal na naman siya ng sobra sobra? Paano pag dun na lang sa taong mahal niya iikot mundo niya?”
Nagkatingin kami ni Jorgelyn at sabay sabing...
“WAG NAMAN SANA...”
~~~~~~~~
A/N: Hello sa mga reader's ko dyan! Salamat sa pagbabasa ah :’)) By the way, bawal po muna magpa dedicate. Sorry. I hope na maintindihan niyo po. PLEASE VOTE AND COMMENT!!! Enjoyyy!Ü
-MIKKADIANO★★★