Sa May Hagdan (Short Story)

By ryonamiko

1.9K 201 64

"Hindi mo 'sila' basta makikita nang harapan unless gusto 'nila'. Pero andyan lang 'sila' sa paligid. Madalas... More

Important : Author's Note
Prologue
1
3
4
5
6
7
8
9
10
Final Chapter
Author's Note 2

2

146 17 4
By ryonamiko


Hindi na namin uli pinag-usapan ang tungkol sa sinabi ni Benjie last week.

Lamang, mas naging dahilan yun na lalong mawalan ng amor si Vicky dito. Hindi ko na lang pinaparating sa boyfriend ko yun, as usual.




"Hindi ka nakakatawa, Benjie!" badtrip na sikmat ni Vicky dito.

"Ano nama'ng mapapala ko kung gagawa ako ng kuwento?" salag nya. "Malay nyo naman, taga-kabilang street kaya naglalaboy. Mukhang pabaya ang nanay eh. Ang dumi nung uniform."

"O sya, o sya," sansala ko na at baka kung saan pa mauwi ang usapang ito. Halatang takot na si Vicky eh. Pati si Joey, parang nahahawaan na. "Alis na tayo. Para makauwi tayo agad."




May dahilan na ako sa ilang beses na umiingit ang swing door. Walang dapat ikatakot.

Kahit dun sa tatlong GRO, sinabi ko sa kanila yun, kapag nagkakatakutan sila.

"May nakapasok nga na batang gala dito. Si Benjie ko ang nakakita. Kaya lalong nasira yan. Wag na nga kayo," natatawang saway ko sa kanila nung isang weekend na nag-iinuman uli kami.

Post birthday party ni Glenda. Nagpainom sya sa boarding house. May ilang bisitang inimbita. Umuwi na nga lang yung iba. Maliban sa jowa nung tatlong GRO, may dalawang pares pang naiwan na magjo-jowa rin at isang lalaki. Jim ang pangalan.

Masuwerteng opening shift ako kaya nakatulong pa ako kahit papaano sa pagluluto nang ilang ulam na pulutan na rin. Tapos off ko pa kinabukasan kaya pwede akong magpuyat. Kinabukasan pa ng hapon ang date namin ni Benjie.

Wala pa si Vicky na closing shift ngayon. Wala rin si Joey dahil susundo nga. Simula nung insidente kay Benjie, nagpapasundo na ang bruha sa jowa nya kapag di kami sabay uuwi.

"Bakit? Ano ba'ng meron sa swing door na 'yan?" curious na tanong nung isang bisitang lalaki na BF nung Mika.

Ito ang ayoko. Yung magkakatanungan. Syempre may magkukuwento. Lalong magkakatakutan.

"Palagi nga kasing umiingit 'yang swing door. Dati naman, hindi," sagot ni Shiel.

"Tapos ito ngang jowa ni Rory, may inabutang bata na naglalambitin dyan last week. Eh walang kaming alam na batang nakatira dito sa street namin," gatong pa ni Rose.

"Hay naku! Umaga yun," pagpatay ko sa isyung gusto nilang palabasin. "Eh, may mga bata nga sa kabilang street, malamang taga dun. Lumabas nga raw sabi ni Benjie."

"Ay puta!"

Napamura si Glenda. Tumunog kasi uli yung swing door.

Natawa ako kasi lumabas dun si Nat.

"Ayan ang sinasabi ko eh. Tinatakot nyo'ng sarili nyo," magaan kong sermon.

Bumati si Nat kay Glenda. In-offer-an nila ito ng tagay.

"Ayooown!" pag-cheer namin.

Tinanggap nya kasi.

"Wala ka bang pasok?" tanong ko, although, nakapang-alis ito.

Umiling ito, "Wala. Pero may lakad sana ako. Ang tagal mag-reply nung kasama ko kung saan kami magkikita."

"Jowa, beh?" usisa ni Rose.

"Malapit na yatang maging ex," sabi na sinabayan nang mahinang tawa na may kapaitan.

"Ay syeet! Wag mo na siputin. Iinom na lang natin yan," si Glenda.

"Naku, Nat. Pag-usapan nyo yan," salo ko naman. "Ga'no na ba kayo katagal?"

Ikiniling nya ang ulo na tila nagkakalkula sa isip, "Mag-iisang taon, kung kasali yung malanding ugnayan pa lang."

Natawa kami. Cool naman pala itong kausap.

Di na nga sya umalis. O sa mas tamang salita, parang di na nag-text yung BF nya kung saan sila magkikita.

Naawa naman ako dito kasi halatang tinatago nya lang ang lungkot na nararamdaman sa pakikipag-inuman at pakikipagkulitan sa amin.

Ang nangyari, parang yun ang naging daan para malaman namin ang ilang bagay-bagay kay Nat.

Dun sya nagkuwento na bago pa lang sya sa Maynila. Pangalawang trabaho nya pala yung call center dito sa Metro Manila.

Laking Quezon ito at doon nagtapos ng pag-aaral.

"Dati akong teller sa isang rural bank sa amin. Nung una, ayos lang kahit mababa ang sahod kasi may trabaho din si Papang. Kaso, nung magkasakit at mamatay si Mamang, nabaon kami sa utang. Ayoko namang mahinto yung bunso namin sa pag-aaral. Dalawang taon na lang, may engineer na kami. Kaya pinayagan na 'ko ni Papang na dito sa Maynila magtrabaho."

Lampas isang taon pa lang ito sa Maynila. Sa isang medyo crowded at maeskinitang lugar daw sya dati umuupa. Maingay raw sa umaga kaya lang pinagtyagaan na nya since di kalakihan ang baon nyang pera nung mapadpad dito.

"Nung ma-regular na 'ko sa call center, saka ako lumipat sa maayos na paupahan. Kaso, sobrang pakialamera nung may-ari at tsismosa. Tapos, dito na."

Nagiging madaldal na ito sa standard nang pagkakaalam naming tahimik sya. Dala na rin siguro ng alak at sama ng loob sa boyfriend nya.

Nag-krik uli yung swing door, kasabay nang pagbukas ng maindoor.

Si Vicky at Joey.

Natawa kami.

"Air pressure, guys! Air pressure!" sabi ko.

Na-gets agad yun ni Vicky na kararating lang. Umirap ito tas biglang nanlaki ang mata nung makita si Nat sa sala.

"Aba, Nat! Welcome to the club!" ang bulalas.

Natawa na naman kami. Pero si Nat, saglit lang napangiti.

Napatingin sya uli sa swing nung mag-krik yun na di naman namin pinansin na.

"Nat, bakit?" tanong ko.

Walang emosyon ang mata nya nung tingnan ako, "Wala. Tara, tuloy na tayo."

"Akyat lang kami para magpalit," sabi ni Joey.

Wala pang tatlong minuto umakyat sina Vicky, nagpaalam ako sandali para magbanyo.

Pagbungad ko sa kusina, parang may nakita na naman akong gumalaw sa ilalim ng hagdan. Kinapa ko agad ang ilaw.

Napailing na lang ako pagkalat ng liwanag. Wala naman.

Tinakpan ko muna ang tatlong bandehado ng ulam sa mesa na kinukuhanan namin ng pulutan bago ako magbanyo.

Shocks! Ang dami ko na yatang nainom. Maliban sa ang dami kong inihi, medyo hilo na talaga ako.

Narinig ko na may mahina pero mabibilis na hakbang pababa sa hagdan.

"Victoria, kumain na kayo dyan. May kanin sa kaldero," malakas kong sabi.

Wala akong narinig na sagot. Baka di ako narinig.

Binuksan ko yung pinto papalabas ng banyo. Saglit lang yung umawang tapos parang may tumulak nun pasara sa kabilang side kaya sumara uli.

"Oy, sino yan? Para kang tanga!" natatawa ko pang sabi habang tinulak ko rin pabukas sa side ko.

Mga dalawang beses pa kaming nagtulakan bago bigla yung bumukas kaya napada ako sa kusina at yung paa ko nasa loob pa ng banyo.

"Gago naman oh!" napipikon kong sabi dahil naramdaman ko ang hapdi sa lulod ko.

"Oh, ano'ng nangyari sa 'yo? Lasing ka na?" si Vicky yun na natatawa.

Taka akong napatingin sa kanila ni Joey na nasa likod naman nya. Nasa pangalawang hakbang pa lang ang kaibigan ko pababa ng hagdan.

Tumayo ako na pinagpag ang tuhod at lulod kong nagasgasan sa paangat na dibisyong semento ng banyo at kusina.

"Sa'n ba kayo galing?" nakasimangot kong sabi.

"Ito, pababa pa lang."

"Eh sino yung..." bigla kong itinikom ang bibig ko.

Baka kung ano na naman ang isipin ni Vicky eh matakot. Babalik na naman ang sisi nya kay Benjie.

Sabay libot ng mata sa kusina. Walang nabago sa ayos nung tinakpan kong bandehado.

Tumikhim ako, "Kumain na kayo dyan. Tapos sunod kayo sa sala. Dala na rin kayo mamaya nang dagdag na pulutan," sabi ko na lang.

Pagbalik ko sa sala, inabutan ko silang nagkukuwentuhan. Si Nat, nakikisali sa diskusyon.

"Sino'ng nanggaling sa kusina?" singit ko pag-upo sa pwesto ko. "Lakas man-trip."

"Wala. Bakit, anyare?" si Rose.

"Eh binubuksan ko yung banyo, tinutulak pasara uli tapos biglang umalis. Para tuloy akong nanghuli ng palaka sa kusina," reklamo ko. "Nawala tuloy amats ko."

Nagtatawanan yung mga bisitang naiwan. Pero sina Shiel, Glenda at Rose, alanganin ang tawa.

"Tsk!"

Si Nat yun. Mahina lang pero umabot sa pandinig ko. Napailing pa nga nang tipid.

"Baka naman si Vicky?" sabi ni Rose.

"Hindi. Kabababa lang sa hagdan. Inabutan pa nga akong nakadipa sa sahig," natatawa kong sabi. "Putsa, buti gasgas lang inabot ng lulod ko."

Pinakita ko sa kanila ang namumulang parte ng binti ko malapit sa tuhod.

Tawanan uli ang mga bisita, pero hindi na talaga sina Rose.

"Baka lasing ka na, girl. Wala namang umaalis sa sala. Papaubos pa lang itong pulutan oh," sabi ni Mika, yung isang bisitang babae na nakanguso sa center table.

"E di sige. Kung ayaw umamin," pabalewala ko na lang na sabi.

"Puta!"

Napamura na naman si Rose.

Tumunog kasi ang swing door.

Nagtawanan na kami kasi lumabas na dun sina Vicky at Joey.

"Magbawas ka nga sa pagkakape, oy!" natatawang sabi nung isa nilang bisitang babae kay Rose. Sa pagkakaalala ko, si Liza.

"Kasi naman!" napapatapik pa sa dibdib nya.

"Oh bakit?" si Vicky na naupo sa tabi ko. "Ano'ng nangyari kay Rose?"

Di ko sya sinagot at matatakutin itong kaibigan ko, "Di kayo kumain?"

"Kumain na kami sa labas. Tinikman lang namin yung ulam," si Joey ang sumagot.

Tinanggap agad nila ang tagay na inabot sa kanila nung boyfriend ni Shiel.

"Ano'ng nangyari kay Rose?" ulit ni Vicky.

Ayoko na sanang pag-usapan kaso di ko naawat si Mika. Medyo matabil eh. Siguro gawa na rin ng alak.

Natahimik si Vicky sabay hawak sa braso ni Joey.

Ayan na nga ba'ng sinasabi ko!

"Wala yun," sawata ko sa tensyon kasi pati si Rose, halatang natatakot. "Baka di ko lang masyadong nabuksan yung bolt lock tapos nung itulak ko saka kumalas."

Pero sa sarili ko, di rin ako sold sa sinabi ko. Naiawang ko pa ang pinto eh. Mas naniniwala akong may isa sa kanila ang pina-prank ako kanina. Ayaw lang umamin since mukhang walang nakahalata na umalis sya sa umpukan.

Feeling ko yung Jim yun. Kanina kasi pasimpleng nagpapa-charming sa akin. Tinukso na nga kami isang beses pero sinabi ko agad na taken ako at loyal kay Benjie.

Di naman sya umubra kay Nat kasi halatang mas naka-focus ang babae sa problema sa jowang nagsasalawahan... well, base sa mga paminsang-minsang pagkakadulas nya mula pa kaninang sumali sya sa aming mag-inuman.

Kaso di na sila napigilang mag-usap tungkol sa mga multo at kung anu-ano pa.

"Ang alam ko sa mga ganyan, sa mga lumang bahay. Lalo na yung mga abandoned houses."

"Di ba nga yung White House at Teacher's Camp ba yun sa Baguio?"

"O kaya mga building."

"Sa sementeryo kaya, meron?"

"Meron yun. Ayaw raw nila sa maiingay na lugar."

"E di wala dito," singit ko. "Ang dami natin dito, tapos ayan, ang ingay natin ngayon."

"Eh hello, paano kung nasa trabaho tayo? Di wala ring tao dito," si Vicky.

"Baks, ibig mong sabihin, lahat ng bahay meron? Kasi maraming bahay sa Maynila, naiiwan na walang tao dahil busy ang mga nakatira, either sa school or sa trabaho," argumento ko.

Napanguso ang kaibigan ko, "Kunsabagay."

Medyo nakahinga ako nang maluwag. At least medyo napapalis ko na sa utak nya yung kung anong iniisip nyang nakakatakot.

Kaso nagsalita si Nat sa kalmado at tila napakasiguradong paraan, "Ganito kasi yan. Ang mga ganyang entities, narito rin kasama natin. Nasa ibang 'plane' lang sila."

"Ano'ng 'plane'? Airplane?" pa-joke na singit ni Jim.

Saglit na sumulyap si Nat sa swing door. Napatingin tuloy kami.

"Putris, Nat! Wag ka nga biglang sumusulyap dun," sabi ni Glenda.

Napangiti si Nat na tila may nalalaman or something tapos diretsong tiningnan si Jim, "Wag mong gawing joke ang mga ganyang bagay. Yung tinatawag na 'plane', uhm... mas maiintindihan nyo siguro sa term na dimension. Parang nasa iisang lugar lang tayo pero may 'something' na naghihiwalay sa uri nila sa atin. Only those you call people with open third eye can see them. Pero sa mga karaniwang tao..."

Nagkibit-balikat si Nat. Natahimik kaming lahat.

Putsa! Ako na di nagpapaniwala sa mga ganyan, parang gustong kilabutan sa simpleng paliwanag ni Nat lalo na nung idugtong nyang,

"Hindi mo 'sila' basta makikita nang harapan unless gusto 'nila'. Pero andyan lang 'sila' sa paligid. Madalas, hindi mo alam, nakikita mo na sila ... sa peripherals mo lang," kay Jim sya nakatingin nang hindi kumukurap.

Bigla kong naalala yung ilang beses kong nakita sa gilid ng mata ko parang may gumagalaw sa ilalim ng hagdan.

Ipinilig ko ang ulo ko.

Tss.

Ganito ba ang epekto ng alak? Nagiging matatakutin?

Ang paniniwala ko kasi, mas nakakatakot ang buhay kasi pwede ka nilang saktan at patayin. Kaya nga ako lumayas sa dati kong inuupahan at baka umabot pang ma-rape ang isa sa aming mga boarder dun. Eh kung ako matsambahan nung landlord naming manyak?

Hellooo! Hindi na' noh?! Di bale sana kung si Benjie ang mang-aaswang sa akin.

Gusto kong mapahagikhik sa kaberdehang naglalaro sa utak ko.

"Kalokohan!" sabay biglang sabi ni Jim at nung boyfriend nung Liza.

"Subukan lang magpakita sa akin nung ganyan. Baka ibalik ko sya sa 'plane' nya," sabi naman nung boyfriend ni Mika.

Napangiti si Nat at nagkibit-balikat uli, "Huwag kayong naghahamon nang ganyan. Baka patulan kayo."

"Di na uso ang ganyan sa Maynila, girl. Baka sa probinsya. Tulad sa inyo," magaan na komento ni Shiel.

Nagkibit uli ng balikat si Nat sabay sulyap sa swing door.

"Oy, Vicky!" untag ko kasi halatang natatakot na naman ito. "Kailangan na uli nating mamili. Marami tayong order. May interesado pa na nag-PM. Lampas kalahati na ang nakabayad."

Sadya kong iniba ang usapan. Buti at dun napunta ang usapan sa online selling business naming magkaibigan.

Maya-maya, "Ubos na pulutan. Kuha ka, babe."

Si Rose yun, sabay kalabit sa boyfriend nya. Parang nag-alangan ang lalaki. Patay nga kasi ang ilaw sa kusina.

"Ako na," boluntaryo ko sabay tayo.

Inabot agad sa akin ni Rose yung mangkok ng pulutan namin.

"Dalhin ko na yung bandehado, para di pabalik-balik," sabi ko.

"Sige. Yung kaldereta, girl," bilin ni Shiel.

Tumayo rin si Nat, "Samahan na kita. Parang hilo ka na eh."

Natawa ako nang walang tunog.

Paglampas ko sa swing door, bumalik agad ako.

Hawak ko na ang bandehado nang kaldereta.

Saka ako napaisip : Bakit hawak ko na ang bandehado eh di pa nga ako nakakalapit sa mesa? Bubuksan ko pa nga lang ang ilaw sa kusina.

Tapos muntik ko pang mabangga si Nat na nasa likod ko.

Walang emosyon ang mukha nya pero nakatingin nang lampasan sa akin, partikular sa likod ko.

Biglang nagtayuan ang balahibo sa batok ko.

Parang... parang ... may nag-abot ba sa akin ng bandehado?!

==================

Don't forget to comment and vote!


Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
39.6K 3.3K 52
မင်းကိုပိုင်ဆိုင်ခွင့်နဲ့ပတ်သပ်လာရင် ကံကြမ္မာကိုတောင်စိန်ခေါ်ပစ်မယ်ငယ်ငယ်
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...