Running Idol (Completed)

By sunnysea15

256K 3.2K 70

Fix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niy... More

Opening Note
Chapter I
Chapter I.I
Chapter II
Chapter II.I
Chapter III
Chapter III.I
Chapter IV
Chapter IV.I
Chapter V
Chapter V.I
Chapter VI
Chapter VI.I
Chapter VII
Chapter VII.I
Chapter VIII
Chapter VIII.I
Chapter IX
Chapter IX.I
Chapter X
Chapter X.I
Chapter XI
Chapter XI.I
Chapter XII
Chapter XII.I
Chapter XIII
Chapter XIII.I
Chapter XIV
Closing Note

Chapter XIV.I

10.3K 152 7
By sunnysea15

"Ano pa ba gusto mong pag-usapan natin?" tanong ni Sofia kay Nicholas nang masiguro na wala nang tao.

"Can you let me explain? You are already jumping into your nonsense conclusion without hearing my side," may halong inis na wika nito.

Bahagyang naningkit ang mata niya sa mga sinabi nito. Nonsense? Sa tingin nito ay nonsense ang nararamdaman niya na parang balewala lang siya dito?

Nagpameywang siya.

"You have a minute to explain yourself," tugon na lamang niya dito.

"Isa lang naman ang rason ko noong una kung bakit kita pinakasalan. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makuha ang mana ko sa lolo ko at para palaguin ang negosyo - iyon ang nasa isip ko buong buhay ko.Pero nang makasama kita, narealize ko na bakit di ko bigyan ang sarili ko nang chance na magseryoso. But it was too late.. to late that I've found myself already fallen for you. Kaya nang lumabas si Steffi, I felt a father for the first time. And I felt proud to have built a family..." simulang salita nito sa seryosong anyo.

After all these years, hindi pa niya talaga lubusang kilala si Nicholas. Nang mga oras na iyon na pag-uusap nila ng lalaki ay nalaman niya ang dahilan kung bakit hindi ito nagsesettled down sa isang relasyon.

His father is a womanizer and believes that woman is made to pleasure men. While his grandfather believes in a beauty of true love.

At dahil mas madalas nitong kasama ang ama ay naimpluwensiyahan nito ang lalaki nang mga paniniwala nito.

In order to break his beliefs, his grandfather created a to-do list to be accomplished by Nicholas. It made Nicholas to choose a woman to marry wisely.

Naniniwala ang lolo nito na magagawa nitong mapagbago si Nicholas. At nagawa nga nito.

"But you still bed a woman this past five years," akusa niya rito na walang ibang masabi.

Hindi niya namamalayan na ang isang minutong palugit na binigay niya rito ay umabot na ng halos kalahating oras.

Tumawa ito ng pagak. "At iyan ang pinaniniwalaan mo?"

Hindi siya tumugon bagkus ay nag-iwas siya ng tingin. Naniniwala naman kasi siya na kahit anong pagbabago ang nagawa ng isang tao ay babalik at babalik pa din ito sa pinag-ugatang gawain nito.

"I never bed a woman after you. You may think it's impossible but its true. Trabaho-bahay lang ako. Or at least trabaho-bahay-stalk lang ako," kibit-balikat nitong wika.

"Stalk?" tatango-tango niyang wika. "Yeah, stalking sexy girls," kung may himig man siya nang pagseselos ay hindi na niya iyon napansin.

"Yes. A sexy girl named Sofi. Do you happen to know her?" pilyong tugon nito.

"Wag mo nga ko lokohin," mahinang wika niya. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso dito kaya minabuti na lamang niya mapayuko.

Oo na, aaminin niya na medyo kinikilig siya sa mga sinasabi nito. Nararamdaman niya kasi ang patuloy na pag-iinit ng mukha niya.

Naramdaman niya pa ang paglapit nito. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang mukha niya dahilan upang magsalubong muli ang mga mata nila.

"Sofia," sumeryoso muli ang anyo nito. "I wouldn't chase you like crazy kung hindi ako seryoso saiyo. I love you Sofia. And I'm ready to settled myself with you for the rest of my life. Kalimutan na natin ang nakaraan. We might made mistakes but at least we learned from them. Magsimula tayo, Sofia. Marry me again,"

"Nicholas..." mahinang wika niya. Nabigla man ay mabilis din siyang nakahuma. Ngumiti siya ng pilya. "Hindi mo pa nga alam kung mahal kita eh,"

Nakita niya ang paglungkot ng reaksyon nito. Hindi niya alam kung nagpapanggap lang ba ito o  sadyang  nalungkot talaga sa sinabi niya.

She then tiptoed and brush his lips with hers so lightly. Kaagad din siyang humakbang papalayo dito pagkatapos upang makita ang reaksyon nito.

"Sinisimulan mo ako ah?" nakangiting wika nito. Nagulat pa siya nang hapitin siya nito papalapit at mabilis na sakupin ang labi niya.

Awtomatiko namang ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito at hinapit din ito papalapit sa kanya.

Nang mga oras na iyon ay wala  siyang pakielam kung nakikita sila nang mga tao sa bahay.

Hindi niya maipaliwanag pero nakakaramdam siya ng mumunting saya sa puso niya. Dahil ba muli silang nagkabalikan ni Nicholas? Dahil ba mabubuo na ang pamilya nila?

Tama nga ang sabi ng lalaki. Parehas lang silang nagkamali. Ang importante ay natuto sila sa mga pagkakamaling iyon.

**

One month after the marriage

"Bibilang ako ah?" sabi ni Nicholas habang nakatingin sa kamera.

Nasa studio room sila no'n sa kakabili lang niyang bahay sa Taguig. Pagkatapos nang kasal nila ni Sofia ay kaagad siyang bumili nang bahay. May apat na silid iyon. Ang isa ay ginawa nilang study room at ang isang naman ay ginawang dance studio upang pag-ensayuhan nila Steffi at Sofia nang pagsasayaw.

Tuluyan na ngang umalis si Sofia sa grupo nito. Pagkatapos ng formal resignation ay umuwi ito ng Pilipinas upang magfocus sa pagiging ina nito kay Steffi.

Inamin na rin niya kay Steffi na ang ina nito ay si Sofia. Inaasahan niya na di pa iyon maiintindihan ng anak. It turned out na natanggap nito agad ang babae. Siguro ay dahil sa namuong bonding nito. O di kaya ay masyado pa itong bata para makaramdam ng galit. Pero ang importante ngayon ay naisaayos na ang lahat.

"Ready ka na, Steffi," sabi pa ni Sofia sa anak.

Suot ni Steffi ang damit na iniregalo ni Sofia dito. Suot din ni Sofia ang damit nang gaya sa anak.

Binuksan na niya ang speaker at inilipat ang kanta sa isang korean song.

Nang iplay niya ang kanta ay nagsimula nang magsayaw ang mga ito.

Hawak naman niya ang cellphone habang kinukuhanan ang mga ito ng video.

Hindi niya naiwasang mapangiti. Who would have thought that these two can change his life forever? Mali ang itinanim sa kanya nang ama na ang mga babae ay pang kama lamang. Hindi. Higit pa doon ang mga babae. May kakayahan ang mga ito na baguhin ang isang tao -- at isa na siya sa magpapatunay niyon.

**

Muling inactivate ni Sofia ang mga social media accounts niya. Una na niyang in-activate ang Instagram niya.

Binago niya ang description nito. Kung dati ay nakasulat iyon sa korean words ngayon ay inilagay niya iyon sa english.

Mrs. Cuerdo • Proud Mommy of My Litte Angel: Steffi • Family Goals: Enjoy The Life

Nagsimula siyang magpost ng mga picture at video nila ni Steffi. Minsan naman ay ang  bonding moments nilang tatlo lalo na kapag nagbabakasyon sila out of town.

Binura niya ang mga post niya nang mga panahong nasa Yellow Daisy pa siya. Oras na para mag-move on siya at magsimula nang bagong buhay.

Maraming buwan na rin ang lumipas simula nang pumutok ang issue. Kabi-kabilaang network ang nais siyang kuhanan ng pahayag.

Binasag niya ang katahimikan sa isang sikat na awarding kung saan dumipensa sa kanya si Nicholas. Pagkatapos ang insidente ay  wala na siyang balita sa issue. Kahit pa nang bumalik siya sa GV Entertainment upang pormal na nagpaalam.

Tuluyan na nga niyang natanggap na hindi siya sa pagiging idol nababagay. Kundi sa buhay sa likod ng mga nagkikinangang ilaw at kamera - buhay kung saan kasama niya ang totoong fans niya - ang pamilya niya.

Umani nang mga positibong comments ang mga post niya. Minsan pa nga ay nasasama sa memes ang picture nila ni Steffi na mother and daughter goals daw.

Tila ba nakakabawi na siya mula sa mga pambabash.

Di niya naiwasang mapangiti. Sana ay una pa lamang ay nagpakatotoo na siya. Masarap sa feeling na natatanggap ka ng maraming tao dahil sa kung anong totoong ipinapakita mo. Pero ngayon? Hindi na iyon ang first priority niya. Wala na siyang pakielam kung magustuhan man siya ng mga tao o hindi.

Isinantabi na niya ang cellphone at sumalo na kina Steffi at Nicholas na noon ay abala sa paglalaro ng snake board game.

"O sino na ang titira?" nag-indian seat siya sa tabi nang mga ito.

"It's my turn!" sabi ni Steffi. Kinuha na nito ang dice at itinira.

Labis ang tawa nila nang matapat ito sa numero kung saan nakain ito ng snake.

Nakita niya ang pagsimangot nito.

"My turn," sabi naman ni Nicholas. Ganoon din ang nangyari dito.

Si Steffi naman ang tumawa dito. Napakamot naman sa ulo si Nicholas habang di mapigilan ang ngiti.

Hindi niya naiwasang tahimik na obserbahan ang sitwasyon nila. Lahat sila ay masaya na animo'y walang pinagdaanang problema.

Higit pa sa tilian ng mga fans niya ang tawanan ng dalawang ito sa harapan niya.

Ito na ba ang totoong kasiyahan?

Yes, it is indeed the true happiness..

++

THE END

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...