One Shot: 2 am Talks

By KissedByAngel

232 8 4

What could a simple 2 am conversation with a stranger do to my life? More

2 am Talks

232 8 4
By KissedByAngel

"Dios mio!" Nagkanda untog-untog ako sa loob ng aking sasakyan nang dumulas ang mga gulong nito sa basang daanan ng Loboc Manmade Forest.



Natigil ang sasakyan ko sa gilid ng daan sa tapat ng isang sharp right turn sign. Bumaba ako sa aking Trailblazer at sinubukang tignan ang makina, kahit wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay. Great! Sa gitna ng ala una y media ng madaling araw, masisiraan ako sa madilim at walang taong daanan. Hindi naman siguro galit sa'kin ang mundo para mangyari 'to, 'di ba? Sinubukan kong mag-abangan ng sasakyan sa daanan para mahingian ng tulong, pero mukhang maaga 'ata ang dalaw ng kamalasan sa'kin, walang dumadaan.



"Kailangan mo ba ng tulong, miss?" Lumingon ako sa isang matangkad na lalaki na bumaba sa kanyang Pajero Sport, bahagyang magulo ang buhok niya, at moreno ang kulay ng balat niya.

"Dumulas yung gulong ng sasakyan ko, eh, hindi naman ako marunong mag-ayos. Eh, ikaw? Kaya mo bang ayusin ang sira kong puso na dinurog niya? Bakit hindi ka sumagot, ha?" Makikita na ang ekspresyon sa kanyang mukha na bahagyang gulat at lumingon siya sa paligid.

"Ayusin na lang natin yung sasakyan mo. Doon tayo sa gasoline station, mas maliwanag 'dun." Wika naman niya at inayos na ang chain na ikokonekta niya sa sasakyan ko. Sumakay ako sa Trailblazer ko at sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya.


Nang marating namin ang gasolinahan, sarado na ang services, kaya siya na lang ang nag-ayos. Seryoso ang mukha niya at mukhang hindi siya ngumingiti, mukhang abala pa 'ata ko sa lalaking 'to, eh! Siya naman yung nag-alok, siya yung pumasok sa sitwasyong 'to, tapos hindi naman pala bukal sa loob niya?!


"Tapos na." Nakita kong pagtulo ng pawis niya mula sa ulo at bahagyang nadumihan ang damit niya sa pag-aayos ng sasakyan ko.

"Oh, buti naman pala naayos pa, eh yung puso ko, kailan naman kaya? Sige, thank you, ha! So, alis na ako, ah? Salamat." Pamamaalam ko sa kanya.

"Wait! Do you wanna eat?" Simple niyang alok, gusto kong tumanggi, pero biglang kumalam ang tiyan ko kaya pumayag na lang ako.


Biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan kaya pumasok na ako sa loob ng convenient store sa gasolinahan na ito. Natanaw ko ang lalaki na tumulong sa'kin na, na sa counter.


"'Eto yung ramen at juice mo. Okay lang ba 'yan sa'yo?" Napatingin ako dala niyang pagkain.

"Kapag ba sinabi kong hindi okay, papalitan mo ba?" Inirapan ko siya at kinuha yung ramen na dala niya.

"Ano bang meron sa lahat ng hugot mo? Akala mo ikaw lang? Hindi lang ikaw ang heartbroken dito." Kinuha niya ang alak na binili niya at agad uminom dito. Bahagya akong lumingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Oo, heartbroken rin ako at sa bawat hugot na sinasabi mo, pinapaalala mo lang lalo sa'kin ang lahat ng sakit." Uminom ulit siya ng alak at nilingon ako, na umiihip sa mainit na sabaw ng aking ramen.

"May 7, 2013, tandang-tanda ko ang araw na nakilala ko siya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, parang bumagal ang buong mundo, at parang naka inom ako ng isang baldeng kape sa sobrang kaba nang makita ko siya." Bahagya akong napalingon sa seryosong kwento niya. Ayokong i-bida nanaman ang lahat ng hugot ko sa kanya. Ngayon, alam ko nang nasasaktan rin siya, at ayokong maging insensitive.

"Matangkad, mapayat, maputi, at parang diyosa yung kagandahan niya. Sa bawat kurap ng mga nagnining-ning niyang mga mata, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Na sa bar kami 'nun, at kahit pa maraming babae sa paligid namin, siya lang ang tangi kong nakikita. Sa malakas na musika at tunog sa loob ng bar, boses niya lang ang tanging mga naririnig ko." Bigla akong napaisip sa mga sinasabi niya, pinapantasya rin kaya ako ni Kieffer kagaya ng pagpapantasya ng lalaking 'to sa ginugusto niya?

"Nang yayain niya akong magsayaw at magkahawak ang kamay namin, naramdaman kong para na akong na sa langit, sa malambot niyang mga kamay at mahalimuyak niyang amoy. Sa bawat galaw ng katawan niya sa harap ko, para bang naninigas ang aking katawan." Bahagya siyang napangiti sa mga sinasabi niya, nakikita ko sa mga mata niya ang sobra niyang pagmamahal sa babaeng binabanggit niya. Hindi naman pala masungit ang lalaking 'to, nadala lang pala ng salamin niya, well, hindi ko dapat siya hinusgahan.

"Naging malapit kami sa isa't isa. Madalas kaming nagkikita at naramdaman ko na ang unti-unting pagkahulog ng loob ko sa kanya at sa bawat pagkikita namin, ganun pa rin ang nararamdaman ko nung una kaming magkita. Palagi niya pa ring pinapabilis ang tibok ng puso ko. Palagi niya pa rin akong pinapakaba sa tuwing magkakalapit kami. Sa lahat ng nagustuhan ko, siya lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito." Perpekto na pala ang lahat, eh, anong nangyari? Bakit ngayon nasasaktan siya? Maraming mga tanong ang nabuo sa utak ko.

"Ano namang nangyari? Bakit nagkanda leche-leche yung relasyon niyo?" Diretsahan kong tanong, napawi ang bahagya niyang saya ng lungkot. Hindi muna siya sumagot sa mga tanong ko, huminga siya ng malalim bago niya ako tuluyang harapin muli.

"Career over love. Hindi na raw niya ako mahal, pero, sinabi niya na wala naman siyang iba? Hindi na niya raw naramdaman yung spark." Bahagyang naiba ang tono niya. Spark? Anak ng tupang spark 'yan!

"Spark ba kamo? Nawalan ng spark? Bakit nagbrown-out ba?" Tinaasan niya ako ng kilay at para bang nairita siya sa sinabi ko. Oops!

"Biro lang." Agad ko namang pinahabol bago pa siya magalit.

"Pumunta siya ng Australia, para ituloy ang modeling career niya 'dun. Masakit mang isipin na kinailangan naming malaya sa isa't isa, pumayag ako. Alam kong iyun ang ikakasaya niya... Pero, hindi ko naman inakala na distansya pala ang magdidikta ng pagmamahal niya sa'kin. Tawag lang ang naging daan niya ng pakikipag hiwalay sa'kin." Biglang napaso ang dila ko sa mainit na sabaw ng ramen. Ano?! Tawag lang?! Lumingon siya sa'kin at para bang naintindihan niya ang ekspresyon ng mukha ko.

"Oo, tawag lang. Sinubukan ko siyang kalimutan, kung kani-kanino ako naghanap ng kalinga na hindi niya binigay sa'kin, durog na durog ako nung mga panahong 'yon. Masasabing nanggamit ako ng iba, para lang makalimutan siya." Alam kong isang malaking katarantaduhan ang ginawa niya, pero hindi ko nagawang mainis sa kinukwento niya. Durog na durog siya nung mga panahong 'yun at, sinubukan niya lang na sumaya kahit wala ang babaeng minahal niya ng sobra.

"Naiintindihan kita." 'Yan ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko kinaya ang lahat ng sakit na dinulot sa'kin ng Maynila, kaya bumalik ako dito sa Bohol, ang comfort zone ko. Ikaw? Bakit parang naka wedding gown ka pa yata?" Iniikot-ikot ko ang daliri ko sa malaking bintana na kaharap ng kinakainan naming lamesa, bahagya itong basa dahil sa ulan at lamig. Napalingon ako sa sinabi ng lalaki.

"Kasal ko ngayon, at mukha naman sigurong alam mo na runaway bride ako, 'di ba?" Inirapan ko siya at bumalik sa paglalaro sa mga daliri ko sa bintana.

"Alam ko, hindi naman ako tanga. Ang ibigsabihin ko lang, bakit? Anong nangyari?" Ah, 'yun naman pala, hindi kasi inaayos yung pagtatanong. Bakit nga ba anong nangyari sa'min ni Kieffer at nagkanda leche-leche ang love story namin?

"Nagsasabihan na kami ng wedding vows 'nun. Habang nagsasalita siya ng vows niya para sa'kin, naka tingin siya sa mga mata ng ibang babae. Harap-harapan talagang ipamukha sa'kin na hindi siya nakuntento? At nagawa pa talaga ng babaeng 'yun na sumipot sa kasal namin?! Sa loob ng simbahan, sa harap ng altar, sa harap ng Diyos! Nakakapagtaka nga na hindi nasunog yung kaluluwa ng demonyitang 'yun, eh!" Inagaw ko sa kanya ang iniinom niyang beer at diniretso itong tinungga.

"Hindi ko na kaya! Mahal kita Kieffer, pero hindi ko kayang sa araw ng kasal natin, sa harap ng altar, sa harap ng pamilya at kaibigan natin, at sa harap ng Diyos, ibang babae yung sinasabihan mo ng mga panloloko mong pangako." Tumakbo ako at naramdaman ko ang hawak ni Mama sa braso ko.

"Anak, anong nangyayari?" Huminga ako ng malalim at nilingon ko si Mama. Pinilit kong huwag umiyak sa harap niya.

"Ma, akin na yung susi ng sasakyan ko." Matapang kong sinabi sa kanya.

"Anak, bakit? Anong nangyayari?"

"Ma, yung susi. Maniwala ka sa'kin, ma. Gago 'yang si Kieffer." Inabot sa'kin ni Mama ang susi ng Trailblazer ko at nagmadali akong umalis sa walang katuturang kasal na 'yun. Sa tagal ng pagkabuhay ko sa mundong 'to, deserve ko ba talaga ang one-sided love at maloko?

"Kalma lang." Sinubukan niya akong pakalmahin, pero papaano ako kakalma? Sa ganitong sitwasyon na dinurog ako ng pinaka mamahal kong lalaki. Pinigilan kong tumulo ang mga namumuong luha sa gilid ng akong mga mata.

"Sinubukan kong palagpasin ang lahat, nang mahuli ko silang naghahalikan sa bar, nagpanggap ako na walang nangyari, naisip ko na baka lasing lang siya, o baka inakit lang siya. Pero hindi nakuntento ang hayop, inatake nanaman ng kalandiang taglay! Niyaya niyang makipagkita yung babae sa kanya! Hindi ko nga alam kung dapat ba ko bang sundan si Kieffer o punerarya na dumiretso! Nang makapag file na ng death certificate nilang dalawa." Kinuha ko ulit ang beer niya at bahagyang nakiinom.

Lasing lang talaga si Kieffer 'nun, tsaka inakit lang siya ng malanding babaeng 'yun. Alam ko namang ako ang mahal niya, eh. Tsaka, malamang may importanteng lakad lang talaga 'to, hindi na—. Anak ng tupa! Naramdaman ko ang pagbuhos ng luha ko nang makita ko ang masayang fiancé ko na kasama ang babaeng kahalikan niya sa bar. Tinignan ko pa lang ang mata nilang dalawa, sigurado na ako. Sigurado na ako na matagal na akong ginagago ni Kieffer.

"Matagal mo na palang alam, bakit hindi mo binawi yung engagement niyo?" Napatingin ako sa sinabi niya, oo nga naman, bakit hindi ko naisip 'yun? Hindi ko nga ba naisip?

"Hindi ako bobo, pero pagdating sa pag-ibig, walang matalino, walang genius, lahat tayo tanga. Umasa ako, umasa ako na magiging maayos ang lahat, na baka pagdating sa kasal namin, matauhan na siya. Tinamaan kasi ako ng napaka galing na pana ni kupido, at kung kailan sanay na yung puso ko sa pana na binigay niya, bigla niyang dudukutin at babawiin. 'Yan tuloy, dinaig pa ang regla sa dami ng dugo." Kinuha ko sa panghuling beses ang beer na iniinom niya nang, naramdaman ko ang matinding pagbuhos ng luha ko. Inihiga ko ang ulo ko sa lamesa at pumikit.


Masakit ang ulo ko, at malamang ay may hangover pa sa mga nangyari kanina. Bahagya kong ibinuklat ang mga mata ko at bumungad sa'kin si Haring Araw. Nakakita ako ng isang napaka gandang rainbow sa kalangitan. Nang lingunin ko ang aking paligid, hindi ko na nakita ang lalaking nakausap ko kanina. Naikot na ng mata ko ang buong convenient store, at natigil ito sa cashier.


"Kuya, nakita mo ba yung lalaking kausap ko kaninang... bandang, 2 am?" Lumingon sa'kin ang cashier at bumungad ang malaki niyang ngiti.

"Ma'am, gising na pala kayo. Good morning po! Kakaalis lang po ni sir, at binayaran niya po itong kape para sa inyo." Kinuha ko ang kape at bumalik na sasakyan ko.


Naramdaman ko na parang may nakadikit sa baso ng kape na binili sa'kin ng lalaking kasama ko kanina. May note siyang iniwan para sa'kin?

"12 Nile St. :)"

Anong 12 Nile St.? Gusto niyang hanapin ko siya? Gusto niyang puntahan ko siya? Alam kong tanga ako, pero sa pag-ibig lang 'yun at alam kong sandamakmak na 12 Nile St. ang meron dito sa Pilipinas, at sa aling lupalop naman nito, dapat ko siyang simulang hanapin?

Babalik na ako sa Carmen, kinailangan ko lang ng taong makakaintindi sa'kin, at salamat kay Mr. 2 am sa pagdamay sa'kin. 'Eto na ang simula ng paglimot ko sa hayop na si Kieffer at sa lahat ng sakit na pinadama niya sa'kin.

Pitong buwan na simula nang hindi matuloy ang pinaka pinangarap kong kasal. Pitong buwan na nang iniwan ko si Kieffer. Pitong buwan na nang makausap ko si Mr. 2 am. Naging mas maayos na ang kalagayan ko ngayon, inaamin kong nakakaramdam ako ng matinding lungkot sa tuwing naaalala ko si Kieffer at ang lahat ng panloloko na ginawa niya sa'kin. Pero, salamat sa kanya, mas naging matatag ako, mas naging pursigido ako sa mga pangarap ko.

Ngayon ang alis ko papuntang Tagbilaran, kung saan ako nadestino sa trabaho, at kung saan ako maninirahan. Sa mga nakaraang buwan, hindi ko nilugmok ang sarili ko sa kalungkutan at sakit, nilibang ko ang sarili ko sa mga simpleng bagay at mas pinagbuti nalang ang trabaho, kaya heto ako ngayon, pupunta sa Tagbilaran dahil sa promotion na natanggap ko. Kinuha ng isang subdibisyon ang atensyon ko, habang iniikot ko ang lugar upang maghanap ng matitirahan, napansin ko ang isang street, na tinatawag na Nile. Hindi ko pa rin nalilimutan ang nakasulat sa note, kaya nang makita ko ang parteng ito, walang atubiling, kinuha ko ang lote, ang 13 Nile St.

Sa panahon ng pagtira ko dito, palagi kong inoobserbahan ang katabi kong bahay, ang ikalabing dalawang bahay. Ayokong magmukhang nakakatakot sa paningin ng mga kapitbahay, kaya hindi ko binalak na magtanong kung sino ang nakatira sa bahay na 'yon.

Papalabas na ako ng subdibisyon nang may pumasok na Pajero Sport, naalala ko nanaman si Mr. 2 am na may kaparehas na kotse. Pupuntahan ko sila Mama ngayon, selebresyon raw ito ng isang taon mula nang hindi natuloy ang kasal ko, at masaya na raw sila para sa'kin ngayon dahil naging maayos na ang kalagayan ko simula ng karumaldumal na kasal na 'yun.

Ang lakas naman ng ulan! Yung mga nilabhan at sinampay ko pala! Hala, lagot na! Tumakbo ako papunta sa labas na may dalang laundry basket para kunin ang mga damit na nababasa nanaman dahil sa malakas na ulan. April pa lang naman, ah? Pero ang lakas na agad ng ulan, ganito rin ang panahon 'nun, eh. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula nang hindi matuloy ang kasal ko.



"Akala ko ba hindi ka bobo at sa pag-ibig ka lang tanga? Bakit hindi ka gumagamit ng payong? Basa ka na tuloy. It's been two years, tanga ka pa rin." Lumingon ako sa lalaking nagsalita, nabitawan ko ang hawak kong laundry basket. Oh. My. Gosh. Siya? Si Mr. 2 am? Seryoso ba 'to? Oh, inaatake lang ako ng antok?

"Diyan ka nakatira?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa balat ko.

"Bumalik ako ng Maynila pagtapos nating mag-usap, pero tuwing April 18, yung araw na nagkausap tayo, bumabalik ako dito. Umaasa kasi ako." Siya yung nakasakay sa Pajero sport, nung nakaraang taon, yun yung araw na umalis ako para pumunta kila Mama! Lumapit siya sa'kin at inabutan ako ng note.

"'Wag magmadali para 'di magkamali, sabi nga nila, the best things in life comes to those who wait patiently."

"Nung nakita kita, sigurado na akong ikaw na ang papakasalan ko. Kung ano ang naramdaman ko nang makilala ko dati si Jenny, doble 'nun ang naramdaman ko nang makita kita. You came to me, kaso wrong timing, eh. Durog ako, at mas durog ka, pero ngayong nagkita na tayo, on the same date, on the same time, hindi ko na palalagpasin 'to. I'm Pierre de Rosales. You are?" Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa mga sinabi niya at hindi ko na namalayan ang malaking ngiting ibinigay ko sa kanya.

"I'm Dana Cojuangco, nice to meet you."


Tama nga ang sinasabi nila, kapag may sumaradong pinto, may bintana pa. Iniwan ako ni Kieffer, pero dumating si Pierre. Si Pierre na tumulong sa'kin. Si Pierre na isang beses ko lang nakausap. Si Pierre na hindi naman ako kilala, pero hinintay ako. Si Pierre na naging forever ko. Hindi ko inakala na dahil sa 2 am conversation, mahahanap ko ang taong nararapat para sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
958K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
96.1K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...