School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

752K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.

17K 373 64
By chufalse

June 19, CS242. Araw ng byernes at kasalukuyang lunch break sa Olympus university. Kahit hindi kasama ng magkakaibigan ang bagong reincarnation ni Rain ay masaya pa rin silang nagku-kwentuhan, kasama si Lina. Sa mga oras ding ito ay masayang kumakain sila Zazan, kasama ang mga bago nitong kaibigan.

Samantala, sa loob ng clinic. Pansamantalang iniwan nila Eimi at Krystine si Luke. Hindi pa sila kumakain ng tanghalian, kaya minabuti nilang kumain muna at bilhan na lang ng pagkain si Luke.

Nang makaalis na sila Eimi at Krystine ay bumangon na si Luke.

 

“Haaay salamat at umalis na din sila!” Sambit ni Luke.

 

“Kamusta ka na? *Fufufu.. Mukhang hindi yata maganda ang nangyayari sayo?” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

Agad napalingon si Luke sa may pinto ng clinic at doon ay nakita niya kung sino yung nagsalita.

“Mukhang ganong na nga.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Luke.

Ilang sandali pa ay lumapit na nga si Carl kay Luke at kalaunan ay nagsalitang muli.

 

“Kamusta sila master Hades, Zenon?” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

“Okay naman sila, pansamantala silang nakatira sa underground basement ng bahay. Hindi ba’t alam mo na ang bagay na yon? *Hahaha! Teka, ikaw nga pala, kamusta naman ang mga kaibigan ko?” Nakangiti muling pagkakasambit ni Luke.

*Hmmm.. Mukhang masaya naman sila makasama. Yun nga lang, mukhang galit pa rin sa’kin yung kaibigan mong si Mark.” Sambit muli ni Carl.

*Hahaha! Sa totoo lang ay natalo ka talaga niya, napanood na’min ni Ms. Eclaire ang naging laban nyo, kaya alam ko ang tunay na nangyari sayo nung tinamaan ka niya nung huli niyang pag-atake.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Luke.

*Hahaha! Inaamin kong natalo nga niya ako at salamat sa mga luha mo at napagaling agad ako non. Pero naging pabaya lang ako, kaya hindi na mauulit ang nangyaring yon. Hindi ko din inaasahan ang lakas at talino ni Mark, pagdating sa pakikipaglaban. Talagang napahanga niya ako.” Sambit muli ni Carl.

 

“Kahit ako din ay nagulat sa lakas na taglay niya ngayon. At kahit walang tulong nila master at ate ay mukhang na-master na din ni Mark ang limang elementong taglay niya.” Sambit muli ni Luke.

“Sa palagay ko ay tama ka nga. Maiba lang ako, ikaw ba ang nagpagaling sa mga pinsala niya nung araw na yon?” Sambit muli ni Carl.

*Uhm! Ako nga at salamat sa teleportation magic ni Ms. Eclaire, kaya ko nagawang painumin siya ng mga luha ko.” Tugon naman ni Luke.

 

*Kukukukuku.. Wag mong sabihing umiyak ka pa sa harapan niya nung makita mo siya?” Nang-iinis ang tono ng pagkakasambit ni Carl.

 

“Asa ka pa gago! Sa dami ng pinagdaan ko ay sobrang hirap na ang umiyak para sa’kin! Mga naipon kong luha ang ginamit ko syempre.” Inis na pagkakasambit ni Luke.

 

*Hahaha! Wag kang magalit! Alam ko naman ang bagay na yon eh! *Hahahah! Masayang pagkakasambit ni Carl.

Ilang sandali pa ay sabay napalingon ang dalawa sa may pinto, dahil nagbalik na sila Eimi at Krystine.

 

“Mabuti naman at gising ka na, Luke.” Nakangiting pagkakasambit ni Eimi.

Matapos magsalita ay sabay ng lumapit ang dalawa kila Luke at Carl.

“Hello, ako nga pala si Carl Culwen. Kaibigan ako ni Luke at katulad niya ay isa din akong transfer student dito. Nabalitaan ko kasing nawalan daw siya ng malay, kaya nagpunta ako dito.” Sambit ni Carl sa dalawa.

 

“Hello, ako nga pala si Krystine Verdandi, classmate ako ni Luke.” Magalang na pagkakasambit naman ni Krystine kay Carl.

 

“Eimi Vladimirs, kaklase din ako ni Luke.” Sambit naman ni Eimi.

 

“Kayo ba ang nagdala sa’kin dito sa clinic?” Tanong naman ni Luke.

 

*Uhm! Nawalan ka kasi ng malay kanina matapos kang tamaan ng suntok ni Sese.” Tugon naman ni Eimi kay Luke.

 

*Ahh! Naalala ko na, nasuntok pala ako! Lokong yon, hindi ba niya alam na isa akong tao!?” Galit na pagkakasambit ni Luke.

Sa mga oras na ito ay pinipilit ni Carl ang kaniyang pagtawa. Napansin naman siya ni Luke, kaya nainis siya dito ng konti. xD

“Wag ka ng mag-alala sa bagay na yon, ako na ang bahala sa kaniya. Maiba ako, kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?” Sambit muli ni Eimi kay Luke.

“Okay na ako. Nakakapagtaka nga at wala na akong nararamdamang sakit, parang hindi ako nasuntok.” Tugon naman ni Luke.

 

“Mabuti naman, agad ka kasing ginamot ni Krystine. Isa kasi siyang mythical shaman ng elf.” Sambit muli ni Eimi.

 

“Talaga? Whoa! Maraming salamat ah!” Sambit muli ni Luke.

 

“*Fuwahahahahahaha! *Buwahahahahaha! *Wahahahahahaha!” Malakas na pagtawa ni Carl.

Agad namang napalingon sila Eimi at Krystine kay Carl at nagtaka kung bakit ba ito malakas na tumatawa. Nabadtrip naman bigla si Luke dito. xD

“Bakit ka tumatawa?” Medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Eimi kay Carl.

*Ahah.. Sorry! Sorry! May naalala lang kasi akong nakakatawang bagay eh. Wag nyo na lang akong pansinin! *Buwahahahaha! Tugon naman ni Carl kay Eimi.

“Wag nyo na lang siyang pansinin. Ganyang talaga yan, kapag may naalalang nakakatawang bagay.” Medyo dismayado ang tono ng pagkakasambit ni Luke.

“Ganon ba? Eto nga pala, ibinili ka na na’min ng pagkain sa cafeteria.” Sambit naman ni Eimi kay Luke.

Matapos magsalita ay inabot na nga ni Eimi ang tinapay kay Luke. Tinanggap naman ito ni Luke at kalaunan ay nagpasalamat.

 

“Maraming salamat ah, Eimi.” Nakangiting pagkakasambit ni Luke.

Sa mga oras na ito ay biglang nag-blush si Eimi, dahil nakita nito ang matamis na pagngiti ni Luke sa kaniya. Bumilis din ang pagtibok ng kaniyang puso at biglang nakaramdaman ng kaba. xD

 

“Wa..wa..wa..walang anuman.. Si..si..sige mauuna na kami.. Tutal okay ka naman na eh..” Nanginginig ang tono ng pagkakasambit ni Eimi kay Luke.

Nagtaka naman si Luke kung bakit nagkaganon bigla si Eimi, samantala nahinto na sa pagtawa si Carl at tila gulat ang ekspresyon ng mukha nito.

“Sandali lang, Eimi.” Sambit ni Carl kay Eimi.

*Huh? Bakit?” Tanong naman ni Eimi.

 

“Wag mong sabihing may gusto ka na dito kay Luke?” Tanong ni Carl kay Eimi.

Sa mga oras na ito ay nagulat si Eimi at bigla ding namula ang buo niyang mukha. Namangha naman si Krystine sa kaniyang narinig. xD

 

“A..a..ano!? At bakit naman ako magkakagusto sa isang lampang taong yan!?” Natatarantang pagtugon ni Eimi kay Carl habang turo-turo si Luke.

Hindi na nagsalita si Carl at ngumiti na lang ito ng pagka-laki. Sa mga oras na yon ay nainis na si Eimi at dahil hindi na rin niya kaya ngayong tingnan si Luke ay hinila na niya si Krystine papalabas ng clinic.

At nang makaalis na ang dalawa.

“Carl!!!” Mabagal pero galit na pagkakasambit ni Luke.

Bigla namang kinabahan si Carl, matapos makaramdaman ng masamang aurang nagmumula kay Luke. At dahil dito ay nag-isip agad siya ng magandang sasabihin, upang ng sa ganon ay mawala agad ang galit nito sa kaniya. xD

 

“Ano na nga pala ang tingin mo dun sa isang freshman na bagong transfer din?” Mabilis na pagkakasambit ni Carl.

Matapos magsalita ni Carl ay biglang nawala yung masamang aurang nagmumula kay Luke at ilang sandali pa ay nagsalita na din ito.

*Hmmm.. Tungkol nga pala sa bagay na yan, nakwento na sa’kin yan ni Lina kagabi eh. Nagtataka tuloy ako kung ano ang pakay ng Zazan na yon sa pagsabi niyang siya ang ika-limang reincarnation ko.” Sambit naman ni Luke.

 

“Wag kang mag-alala, malalaman din na’tin ang tungkol sa bagay na yon.” Sambit muli ni Carl.

“*Uhm!” Tugon naman ni Luke.

“Pero maiba ako! *Pttt.. Nakakatawa yung mga sinasabi mo kanina nung nagpapanggap ka sa harapan nung mga kaklase mo! Kung nakikita mo lang sana ang sarili mo sa salamin kanina! *Buwahahahaha! Masayang pagkakasambit ni Carl.

Sa mga oras na ito ay biglang lumabas muli ang masamang aura ni Luke.

“Carl!!” Galit na pagkakasambit ni Luke habang mabilis na papalapit ang kaniyang kamao sa mukha nito.

*** SFX: BUUUUUUGS! ***

Agad tumilapon si Carl sa labas ng bintana at kalaunan ay naging isang bituin. xD

“Soooooooooooorry!” Sigaw ni Carl bago siya naging isang butuin! xD

*** SFX: Wiiiiiiink! ***

 

“Haaaay! Makabalik na nga sa classroom!” Sambit ni Luke.

Matapos magsalita ay nagsimula na ngang maglakad pabalik sa kanilang classroom si Luke at habang naglalakad ay kinakain na niya yung tinapay na binigay sa kaniya kanina ni Eimi.

Mapunta naman tayo sa kuta ng Yami clan.  Sa ngayon ay alam na nila Zilan at Zelin ang pagbabalik ni Rain, dahil agad itong ipinaalam sa kanila ni Selina. Sa mga oras namang ito ay kasalukuyang nag-uusap sila Tyki at Zilan.

 

“Patawad po kung nabigo man akong hanapin ni Zenon sa mundo ng mga tao.” Magalang na pagkakasambit ni Tyki kay Zilan.

“Nauunawaan kong mahirap ang misyong ibinigay ko sayo, pero wag mo na ‘yong isipin pa dahil nakita na na’min si Zenon.” Sambit naman ni Zilan.

“Ganon po ba? Mabuti naman po at nahanap nyo na siya? Kamusta na po ang kalagayan ni Zenon?” Tanong naman ni Tyki.

“Ayon kay Selina ay nagbalik ito sa Olympus university bilang isang transfer student. At ang pangalang ginagamit nito ngayon ay Zazan. Nagtataka lang ako kung bakit ang bilis namang lumaki ng ika-limang reincarnation ni Zenon.” Tugon muli ni Zilan.

 

*Hmmm.. Kung papahintulutan nyo po ako ay ako na po mismo ang aalam sa kung ano ang kalagayan ni Zenon ngayon.” Magalang muling pagkakasambit ni Tyki kay Zilan.

 

“Sige, ikaw na ang bahala. Pero uutusan ko din si Irish na samahan ka nito.” Sambit muli ni Zilan.

Ikinabigla ni Tyki ang kaniyang mga narinig, pero hindi niya ito ipanahalata.

 

“Ang tinutukoy nyo po ba ay si Irish Isenhart?” Tanong muli ni Tyki.

“Oo! Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nasa mundo ng mga tao, pero sa linggo ay babalik na siya dito sa loob ng travincial.” Tugon muli ni Zilan.

 

“*Tsk! Masisira ang mga plano na’min sa oras na makaharap ko ang Isenhart na yon. Dapat makaisip na ako ng paraan, para hindi nila malaman ang tunay kong pagkatao.” Sambit ni Tyki derekta sa kaniyang isipan.

“Mabuti naman po kung ganon. Kung wala na po kayong ipag-uutos ay sisimulan ko na ang pag-alam sa katauhan ng bagong Zenon.” Magalang muling pagkakasambit ni Tyki.

“Sige, makakaalis ka na.” Sambit naman ni Zilan.

Agad na ngang umali si Tyki matapos siya pahintulutan ni Zilan. Sa ngayon ay isang malaking problema ang kaniyang kakaharapin, dahil batid niya ang tunay na kapangyarihan ng isang Isenhart. Pero may naisip na siyang paraan para hindi malaman ang tunay niyang misyon at kinakailangan niya ang tulong ni Raziel Draken, para mangyari ito.

Samantala, sa loob naman ng opisina ni Zeus. Kasalukuyan itong may kausap na lalaki.

“Mukhang nagbalik na ang batang Zenon? Sa palagay mo ba ay magpapakita na ang iyong mga kapatid, Zeus?” Nakangiting pagkakasambit nung lalaki kay Zeus.

“Hindi ko pa alam, pero maghanda na kayo. Dahil nararamdaman kong malapit ng magsimula ang gyera sa pagitan na’ming tatlo.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Zeus.

*Fufufufu.. Umasa ka sa aming mga Isenhart. Sa ngayon ay pinapaikot na’min sa aming mga palad ang dalawang phoenix at ang kanilang clan, kaya wag ka ng mag-alala tungkol sa bagay na yan.” Nakangiti muling pagkakasambit nung lalaki kay Zeus.

“Aasahan ko ang bagay na yan, Kiel Isenhart.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Zeus.

Mapunta naman tayo sa labas ng travincial. May dalawang tao ang kasalukuyan ngayon naglalakad patungo sa travincial. Halos dalawang kilometro na lang ang layo nila ngayon dito.

 

“Master, ano na po ang plano na’tin sa oras na marating na na’tin ang Odin city?” Tanong ng isang babae sa kasama nito.

 

“Pupunta tayo sa Umi iruka shrine, at doon muna tayo pansamantalang makikituloy.” Nakangiti namang pagkakatugon nung matandang lalaki sa babae.

 

“Papaano naman po kung hindi nila tayo tanggapin?” Tanong muli nung babae.

 

*Hmmm.. Siguro sa kalye muna tayo matutulog ng ilang mga araw hanggang sa makahanap tayo ng matutuluyan.” Tugon muli nung matandang lalaki.

 

“Ano po!? Master naman eh! Hindi ka po ba nag-isip ng plano bago tayo nagpunta dito?” Inis namang pagkakasambit nung babae.

 

*Hah..hah..hah! Wag kang mag-alala Sophia, dahil natitiyak kong may maawa sa’tin don.” Masayang pagkakasambit naman nung matandang lalaki.

 

“Hindi po ba mas dapat akong mag-alala sa mga sinabi nyo?” Dismayadong pagkakasambit nung babae.

Pero ilang sandali pa ay biglang naging seryoso yung ekspresyon ng mukha nung matandang lalaki na napansin naman nung babae.

“Sophia makinig ka, sa oras na makarating tayo sa loob ng travincial ay doon na magsisimula ang ating misyon, at yon ay ang patayin si Zeus.” Seryosong pagkakasambit nung matandang babae.

“Opo, master Poseidon.” Magalang na pagkakasambit naman nung babae.

Mabalik naman tayo ngayon sa magkakaibigan. Tapos na ang kanilang klase at sa pagkakataong ito ay sabay-sabay ng lumabas ng campus ang magkakaibigan. Ngayon lang ito ulit nangyari magmula nung nawala si Rain.

 

*Oh! ano na ang plano na’tin?” Tanong ni Mark.

 

“Bakit hindi tayo pumunta sa bahay nila Rain, gusto ko na din kasing makita si Ms. Rachelle eh.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Tama-tama!” Pagsang-ayon naman ni David.

“*Uhm! *Uhm!” Walang emosyong pagsang-ayon din ni Alex.

“Pasensya na pero hindi pwede sa bahay ngayon. Marami kasing iniisip at ginawa si master ngayon, kaya ayaw niyang maistorbo.” Sambit naman ni Lina.

“Nabanggit din sa’kin yon ni lolo kagabi. Ang sabi niya ay wag na wag daw tayong pupunta sa bahay nila lola ngayon. Pero kung gusto na daw na’tin mamatay ng maaga ay pumunta daw tayo.” Sambit naman ni Aron.

 

“Mukhang ayoko ng makita pa si Ms. Rachelle ngayon.” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Selina.

 

“Ako din.” Pagsang-ayon naman ni Mark.

*Ahh! Ang mabuti pa ay don muna tayo sa bahay ko. Tutal ngayon lang naman ulit tayo nagkasama-sama eh.” Masayang pagkakasambit naman ni Annie.

Matapos magsalita ni Annie ay agad itinaas ni Alex ang kaniyang kanang kamay at kalaunan ay nagsalita na ito.

 

“Sang-ayon ako!” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

“Yey! Sasama si Alex my love!” Masayang pagkakasambit ni Annie.

“Mukhang wala na nga tayong pagpipilian pa.” Sambit naman ni Selina.

“Okay! Tayo na sa bahay nila Annie!” Masayang pagkakasambit naman ni Aron.

 

“Bakit parang excited ka yatang masyado, Aron?” Tanong naman ni David kay Aron.

“Syempre, gusto lang niyang makakain ng masarap sa bahay nila Annie!” Sambit naman ni Selina.

“Ganon na ba ako katakaw sa paningin mo?” Dismayado namang pagkakasambit ni Aron kay Selina.

*Hmmm.. Wait lang, Annie.” Sambit naman ni Selina.

Agad namang napatingin si Annie kay Selina at kalaunan ay tinanong na niya ito.

“Bakit?” Tanong ni Annie kay Selina.

“Wag mong bibigyan ng pagkain itong si Aron ah!” Sambit muli ni Selina kay Aron.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Aron matapos marinig ang mga sinabi ni Selina. Hindi naman nakuha ni Annie ang ibig sabihin ni Selina, dahil hindi nito narinig ang pinag-uusapan nila ni Aron. Subalit nung kinindatan na ni Selina si Annie ay doon pa lang nito nakuha ang ibig nitong sabihin sa kaniya.

*Ahh! Okay, okay. Sayang naman at nagbago na pala si Aron. Magpapaluto pa naman ako sa cook na’ming Floria. Pero hindi ko na masisisi si Aron kung nagbago na siya.” Sambit ni Annie.

Sa mga oras na ito ay napalunok na si Aron at ilang sandali pa nga ay umiiyak na itong nagsalita.

“Oo! Inaamin kong matakaw nga ako! At hindi pa rin ako nagbabago! *Huhuhu! Please bigyan nyo ako ng pagkain mamaya! *Huhuhu! Umiiyak na pagkakasambit ni Aron.

Nagtawanan naman ang magkakaibigan matapos makita at marinig ang mga sinabi ni Aron.

 

*Hahaha! Okay, okay! Wag ka ng ngumawa dyan!” Masayang pagkakasambit ni Selina kay Aron.

“Okay, tayo na sa bahay nila Annie!” Masayang pagkakasigaw ni Mark.

Matapos mag-usap ay sabay-sabay na ngang naglakad patungo sa bahay ni Annie ang magkakaibigan.

Samantala, nakita at narinig naman nila Luke at Carl ang naging pag-uusap ng magkakaibigan.

“Gusto mo ba silang sundan, Luke?” Tanong ni Carl kay Luke.

“Hindi muna siguro, tsaka mukhang balak na naman akong sundan ni Rein. Kanina ko pa siya napapansin hindi kalayuan sa’tin eh.” Sambit naman ni Luke.

*Hahaha! Malas mo naman, sige mauna ka na sa dorm na’tin at ako na ang bahalang sumunod sa mga kaibigan mo.” Sambit muli ni Carl.

“Sige at maraming salamat.” Sambit muli ni Luke.

Matapos mag-usap ay sabay na ngang lumabas ng campus sila Luke at Carl. At katulad ng inaasahan ni Luke ay muli siyang sinundan ni Rein, habang naka-invisible ito. Palihim namang sinundan ni Carl ang grupo nila Mark.

(Note: Sa ngayon ay hindi sa tunay na bahay nila nakatira itong si Luke. Sa isang dorm sila pansamantalang nanunuluyan at katabi lang ng mga kwarto nila ang kwarto nila Ryan at Mark. xD)

Samantala, mabalik tayo sa magkakaibigan, kasalukuyan silang masayang nag-uusap habang patuloy na naglalakad patungo sa bahay ni Annie. Pero mga ilang hakbang pa ay may nakita silang isang babae na nakaharang sa kanilang dadaanan. Sandali silang napahinto nung makaharap na nila ito.

“Kayo pala ang mga naging kaibigan ng kapatid ko.” Sambit nung babae sa magkakaibigan.

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan matapos marinig ang sinabi sa kanila nung babae. Nagtataka silang lahat, dahil wala silang ideya sa mga sinabi nito, kaya naman tinanong na ito ni Mark.

“Excuse me lang po, pero sino po ba kayo at sino po ang tinutukoy nyong kapatid?” Tanong ni Mark.

 

“Hindi na mahalaga kung sino man ako, pero ako ang nakakatandang kapatid ni June Swatzron.” Tugon nung babae kay Mark.

Labis na nagulat ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig at dito na sila biglang napaisip sa kung sino ba talaga ang babaeng nasa kanilang harapan.

 Chapter end.

Afterwords.

Hello, ako muli! hahaha! Sa ngayon ay Trice a week muna ang pag-update ko.. medyo nabibitin na kasi kayo eh, hahaha!  Pero this month lang to ah, kasi mauubos agad yung mga chapters na nasulat ko kung laging trice a week.. mahahaba naman kasi ang mga updates ko, kaya naman natitiyak kong sapat lang ang paghihintay diba? hehe :D

Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

eto po yung link.

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

 Susunod.

Chapter 5: April Swatzron.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 36.3K 102
Ang paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang ma...
5.1M 138K 78
Have you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of the Mitsus and one of the inheritors of i...
Code By AJ

Mystery / Thriller

60.9K 2.6K 60
Lies and deceptions. The tightly knotted mystery about their past. What should they believe? Can they solve the mystery surrounding them? Their adven...
2.4M 40.3K 41
WARNING. EVERYTHING IS WRITTEN 4 YEARS AGO SO EXPECT JEJE STYLE OF WRITING. I Don't have a plan to edit everything yet. Just reuploading this for the...