Indistinctly in Love: When do...

By stardusttears

831 73 95

IN LOVE KA? POSITIVE FIRST TIME? POSITIVE ANG TANONG, KANINO? Paano masasagot ni Stella ang huling tanong? More

Indistinctly in Love: When doubts reach the heart
ONE.
TWO.
THREE.
FOUR.
FIVE.
SIX.

SEVEN.

58 3 4
By stardusttears

Tama nga naman ang sabi nila. Ang bilis tumakbo ng oras. Kung ano yung laging pinag-uusapan ngayon, parte na ng History yan kinabukasan.

Gaya nalang ng nangyari kay Dog. Akalain mo, muntik siyang masagasaan ng sasakyan kahapon? Palibhasa kasi umaapaw sa yaman. 

Pero kahit half-askal, half-asbahay yung si Dog, sobrang mahal namin nun noh.

Natawa nga ako kasi tumawag pa sina Tricia at Vince kasi kinumusta yung aso. Pero at least, ok na siya ngayon :)

Speaking of History, naubusan ata ng magawa ang loka kaya inanyayaan niya akong gumala sa kanila. 

Wala daw kasi parents niya eh tapos naiinis siya sa aura na namamagitan sa kanila ng kuya niya XD

So ayun, sigaw ng sigaw kami habang pinapanood sa YouTube yung 'HISTORY' dance practice ng EXO.

Ewan ko kung bakit di pa kami nagsasawang manood nito kahit na ilang milyong beses na namin to pinapanood.

Eh kese nemen eng kyeeet nele eeh :3 LALO NA SI LUHAAAAAAN <3

AT SI KRIS DIN SIYEMPRE. Parehong crush na crush namin ni Tricia tong dalawang to. HAHA

"Ang ingay naman."

Bigla akong napatingin sa likuran namin. Si Vince pala, as always. Ayaw niya talaga ng KPop.

"ALAM MO PEEVES, TUMAHIMIK KA NALANG KASI DI NAMIN NARIRINIG YUNG KANTA EH."

away na naman? haaay.

"Ducky, ok na yan kahit mute. Di mo naman yan maiintindihan."

natatawa nalang talaga ako sa magkapatid nato eh. hahahahaa

"HOY VINCENT! KUNG AYAW MONG MAKINIG EH PWEDE BANG MIND YOUR OWN BUSINESS NALANG? BAKA NAMAN INSECURE KA LANG KASI WALA KANG BINATBAT KAY KRIS!"

naku eto na nga talaga oh.

"May pa-kris kris ka pa. para namang kilala ka niyan."

At talagang hininto muna ni Tricia ang pagplay ng video at hinarap yung kuya niyang relax lang na nakaupo sa sofa.

"EH BAKIT KUYA, KILALA KA BA NG CRUSH MO? AHH. ABNORMAL KA PALA KASI WALA KANG CRUSH!!!! ABNOY!!!"

HAHAHAHA napa-mental laugh naman ako nun. Ang galing talaga nilang mang-asar. Magkapatid nga naman.

"Hoy Kristella, hindi ako abnoy. At oo, kilala ako ng crush ko."

Tapos bigla nalang sumigaw si Tricia ng napakalakas. 

"TALAGA?? MAY CRUSH KAAAAA?" tapos tumakbo siya at tinabihan yung kuya niya habang hinahawakan yung mukha ni Vince.

"Oo nga eh. Umalis ka na. Para kang linta. Yucks."

"Eh kasi kuya, hindi ako makapaniwala. Salamat at hindi ka pala abnoy!"

tapos bigla siyang tumayo sa harap ng kuya niya at nag curtsy (tama ba spelling XD)

"Kagalang-galang, maaari ko bang malaman ang pangalan ng babaeng bumihag ng iyong puso?"

Para akong nanonood ng comedy movie dito ahh.

Tapos biglang sumagot si Vince.

"Ayoko nga. itanong mo kay Kristel oh."

HA?  SA AKIN?

Tapos bigla nalang akong tiningnan nung dalawa. Uhm, excuse me, labas ako dito ah!

"KRISTELLA? Alam mo?"

"HA? Ah, hindi eh. Promise. Wala akong alam. Promise talaga. Uy Vince wala ka namang binaggit ah." talaga naman oh, at nadawit pa ang pangalan ko ah.

"Di mo naalala?"

"Ha? Yung alin?"

"Wala. nakalimutan mo na siguro. Wag nalang."

Tapos pati si Tricia nalito na rin sa mga sinasabi ng kuya niya.

"KUYA. MAGTINO KA NGA. SINO BA KASI? TSAKA ALAM NI STELLA?"

"Makaalis na nga. Wag niyo munang i-play yung kanta habang nasa malapit pa ako kasi nakakadiri."

At umalis na si Vince. Natawa nalang kami ni Tricia sa mga nangyari.

"Pero loka, wala talagang naikwento si Kuya sayo?"

nag automatic flashbacking naman ako sa lahat ng mga memories ko kasama si Vince. Pero wala talaga akong maalala na may nabanggit siya eh.

"Wala talaga eh. Wala akong maalala."

WALA NGA BA? Nacurious tuloy ako. 

_________________________________

Almost 6pm na nung nakauwi ako sa bahay. Nabigla sina Papa kasi ang aga ko daw. Haha. Ewan ko ba dito sa dalawa. Bakit parang gustong-gusto nilang gumala ako.

At si dog naman, na-miss yata ako kaya nagbonding muna kami bago ako nag half-bath.

Nung nasa kwarto na ako, nabigla ako ng tumunog yung message tone ng cellphone ko.

Okay. Hindi talaga ako text person. Mas mahilig pa akong tumawag kasi nakakatamad magtext. 

Nung binasa ko yung message, galing kay Vince pala.

-Kristel

-Oy vince. Bakit?  ano kayang pakay nito.

-wala. Wala? haay ang ewan ng taong to.

-Ah ok. Sige. naku naman nakalimutan kong di pala ako unli. ayun tuloy yung 1o na load ko nakunan ko na. Waaa!

-Teka lang. nagtext na naman? Ba't ba kasi ayaw maging direct to the point.

-Oh bakit?

-Kilala mo ba yung crush ko?  Eto na naman tayo sa running joke of the day.

-Naku vince, wala kasi akong maalala na may binanggit ka eh. Di ko talaga kilala.

-Ahh. Buti naman. Sige. Tulog ka na. mabuti na-realize niya na rin na wala talaga akong maalala.

-Sige. Goodnight! Nagreply nalang din ako.

-Goodnight :)

Hah! Smiley. First time ata akong maka-receive ng ganito sa kanya ha. Iba ata mood niya ngayon. 

**********************

Pagpasok ko sa skwelahan, ang ingay-ingay ng lahat. Marami pa ata yung hindi pa nakamove-on sa mga nangyari sa achievement exam.

Kahit ako, hindi ko rin in-expect na magiging ganun ka hirap yung ibang parts, lalo na sa geometry na sobrang ayaw ko. Buti nalang...

Tapos dumating na yung homeroom teacher namin. Ngiting-ngiti pa siyang pumasok sa classroom.

At kami naman, laging naiiinis kasi ang sya-saya niya ata tapos kami stuck pa sa hirap ng test at nabitin sa weekend.

"Good Morning class!" bati ni Maam.

"I know iniisip niyo nakangiti ako ng masyado today. But why wouldn't I? You guys did great on the achievement test!"

Nagpokerface naman kaming lahat nun na para bang oh really maam?

"Okay, okay, it seems like you don't believe me. I'll just post the school and inter-city rankings."

tapos umangal naman kami dun. Maam naman. Please wag na noh.

Tapos napanganga naman ako sa nakita ko.

"Wow Kristella! Geometry Goddess in the Making!"

Grabe yung pang-aasar na natanggap ko. Akalain mo ba naman, dalawang mistakes lang?

Ayan tuloy, hindi ko alam kung papano mag-rereact. Alangan naman sabihin ko na di ako yung sumagot nun diba?

Dagdag naman ata sa perwisyo yan. Please. Wag naman sana kung ganon.

"Loka." tinabihan na ulit ako ni Tricia nung medyo kumalma na ang classroom namin.

"O bakit naman?"

"Rank 5 sa lahat ng third years? Tsaka Rank 11 sa buong City? WOAAAH. Ang proud pround ko na sayo!" sabi niya habang kinukunot yung pisngi ko.

"Aray naman no! Hindi. Tsamba lang yun. Ano ka ba. Para namang di pumasok sa Top 20 oh."

"Hahaha. Oo nga eh. Ewan ko bakit Rank 16 ako sa school. Pero paano eh rang 28 lang sa City-Wide. Bahala na! Sigurado masarap ulam namin mamaya. Hahaha!"

Ang totoo niyan, di ko naman talaga natingnan yung buong listahan kasi nga nagkakagulo pa kanina.

Masaya naman kami kasi kahit nahirapan talaga kami eh atleast di naman naging kulelat.

Si Harvey nga, grabe. Top 3 sa school tapos Top 5 naman City-wide.

Kaso absent siya eh. Di rin namin alam saan ang lakad nun. Sayang, siguro magtatalon-talon yun pag nalaman niya yung Rank niya.

Masaya ako kasi naging maaliwalas ang araw ko. 

Oo, hindi ako pumunta sa Caf C. Wala rin naman si Tricia, umuwi muna.

Ok, sige, gusto ko sanang puntahan si Basty. Kaso, alam ko namang Danger Zone ang Caf-C.

Masyadong maraming tao at natatakot ako baka anong iisipin nila.

"Hoy. Anlayo ng tingin ah." andito na pala yung katabi ko?

"Uy harvey. Hala bakit absent ka kanina? Uy congrats pala ah! Galing mo!"

"Hahahaha ano ka ba wag kang ma-intensify. O sige na. Salamat. Tsaka ano, sumkit yung ulo ko eh. Nakulangan ata sa weekend break.

Eh ikaw nga Ms. Natividad topnotcher din!"

At dahil maganda ang naging performance namin sa Achievement test ay walang teacher namin na pumasok buong hapon. YEEEEEES!

._. ang hirap pala pag buong hapon walang pasok. Naubos na ata namin lahat ng mind games. Yung iba natutulog na. 

Marami naman inilabas na yung mga gadgets nila at binugbog sa paglalaro. Eh alangan naman papuntahin namin yung teachers namin dito diba? Mas masaklap yun. HAHAHA

Kaya naman pagala-gala kami ngayon sa skwelahan kasama si Tricia at Harvey.

Madalas talaga naming sinasama ngayon si Harvey sa mga trip namin ng loka. Paano eh masayang kausap eh, parang beki. haha joke lang.

Inaayos ko nalang din y ung headphones ko para naman ma self-entertain ako habang naglalakad diba.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa. Ewan ko.

Bigla nalang huminto sa paglalakad si Tricia at Harvey. Hindi ko alam anong nangyari sa kanilang dalawa.

"Tricia! okay ka lang?" sabi ni Harvey. ha? ano daw?

"L-loka? uhmm." di naman makapagsalita ng maayos si Tricia.

Tapos nanghina ang buo kong kaliwang braso at napaupo ako sa may ground.

"ARAY."

Yun nalang ang nasabi ko nung hinawakan ni Tricia yung braso ko.

Dun ko nalang narealize na natamaan pala ako ng soccer ball habang naglalakad kami. 

agad naman akong tumayo noh. Pero pramis, ang sakit ha. Infairness, grabe yung  impact ng bola.

Nabigla naman ako nung may sumigaw sa likuran ko.

SI BASTY.

"Stella, sorry na oh. sorry talaga. Di ko naman sinadya eh. Seryoso, sorry na." at sa lahat naman talaga no, siya pa.

"Ay nako, okay lang yun. Di naman masyadong masakit eh." joke lang 101.

"Talaga?" tapos hinawakan niya yung braso ko.

"Aray! ano ka ba. wag mo nang hawakan ok lang to."

"eh hindi ka okay eh. gusto mo ihatid ka nila sa clinic?" ha? anong klaseng offer yun? 

"Okay lang ako.Swear. Sige punta na kami." inalalayan naman ako ni Harvey nun kasi si Tricia natameme pa ata kay Basty.

Natawa naman yung classmates namin nung nalaman nila yung nagyari. Sabi nila ang harsh naman daw magpapansin. 

Eh iniisip ko naman ayokong magalit kasi baka i-blackmail niya ako. Masira reputasyon ko. Di ko ata yan kaya.

Nung 4:30 na, nagmadali na ang lahat na umuwi. Si Tricia naman, ewan ko ba asan yun. May pupuntahan daw at umuna na daw ako kasi magpapahinga pa.

Bigla nalang akong kinabahan nung nakita ko si Basty sa may kanto.

Tapos sabi ng mama ko gwapo daw siya.

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
9.5K 561 21
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
14.7K 857 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
316K 21.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...