Mahal Ko Pa Rin Si Papa (One...

By MissErsheez

1.2K 50 36

"Papa... Sorry po kung wala akong kwenta. Sorry po kung pahirap ako sa inyo. Sorry po kung sagabal ako sa buh... More

Mahal Ko Parin Si Papa (One Shot)

1.2K 50 36
By MissErsheez

Copyright © 2014 MissErsheez. All rights reserved.

Bata pa lang ako, namulat na ako sa katotohanang hindi na anak ang turing niya sa akin.

"Ba't 2nd honor lang?! Pinapaaral kita hindi para maging salutatorian lang!"

"S-Sorry po, papa. T-Talagang magaling lang po kasi yung valedictor—"

"Yan! Lagi nalang yan ang rason mo! Di mo pa kasi aminin na bobo ka talaga!"

Bata pa lang ako, alam ko nang wala akong kwenta sa kanya.

"Oy ikaw! Tapos ka na ba sa gawaing bahay?"

"P-Po? H-Hindi pa po, papa—"

"Hindi ka pa tapos jan?! Wala kang kwentang tao!"

Bata pa lang ako, alam ko nang pabigat lang ako sa kanya.

"Nasasayang lang ang pera ng pamilya dahil sayo!"

"Sorry po, papa..."

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?!"

Dahil bata pa lang ako, hindi na niya ako mahal.

"Sana hindi na lang kita naging anak!"

Ano bang nagawa ko at ganito siya sa akin? Kasalanan bang nabuhay ako sa mundong ito bilang anak niya? Kung oo, bakit kailangan pang ipamukha na wala akong kwenta? Bakit kailangan pang pahirapan ako ng sobra?

Minsan, tinatanong ko ang sarili ko...

Masama bang humingi ni katiting ng pagmamahal mula sa kanya?

Ako nga pala si Mae Ann.

At ito ang aking kwento.

*****

"Oh? Tulala ka nanaman jan? Kung nagreview ka para sa nalalapit na entrance test mo? Kahit kailan talaga, napakatamad mo." Bungad sa akin ni papa pagdating niya ng bahay. Alas dose na ng madaling araw, pero nandito parin ako sa living room. Hinihintay ko kasi siyang dumating.

"Nandito ka na pala, papa. Nagluto po pala ako ng paborito niyong adobo—"

"Wala akong ganang kumain ng niluto mo dahil panigurado, wala nanaman iyong lasa." He said coldly.

Napayuko na lamang ako sa narinig ko at matamang tinitigan ang aking mga kamay na puno na ngayon ng bandaid. Nakailang paso kasi ako kanina dahil sa pagluto. Alam ko kasing late nanaman uuwi si papa dahil sa trabaho niya at baka nagugutom na siya kaya nagluto ako kahit na alam kong di ako magaling.

"Nasan ang kapatid mo?" tanong niya sa akin.

Ang tinutukoy niya ay si Neil, ang little step brother ko na limang taong gulang pa lamang. Hindi ko siya kadugo, pero para sa akin, kapatid ko siya. Sanggol pa lang siya nang makita siya ng aking papa sa kalsada at hindi na siya nagdalawang isip na kupkupin ito.

"Natutulog na po, papa." Magalang na sagot ko. Tulog na nga si Neil dahil napagod ito sa paglalaro kanina. Nasa business trip si mama kaya ako ang nag-aalaga sa kanya. Wala rin naman si manang dahil may sakit ang anak niya.

Buti pa si manang. Ang swerte ng anak niya dahil inaalagaan siya ng kanyang magulang. Samantalang ako, ni minsan hindi inalagaan ni papa.

"Pakibigay na lang ito sa kanya. Sabihin mo, pasalubong ko." Sabi nya sabay abot sakin ng isang grocery bag na puno ng mga pagkain. Mga tinapay, juice, candies, chocolates, at marami pang iba ang mga laman nito.

"Sweldo ko ngayon kaya binilhan ko siya ng mga pagkain. Alam ko kasing paborito niya ang mga iyan."

"Sige po, papa."

Hindi na ako nagulat dahil lagi namang may pasalubong si papa para kay Neil. Tuwing galing ito sa trabaho at kahit hindi pa siya nasu-swelduhan, lagi niyang binibilhan ng kung anu-ano si Neil. Pagkain, mga damit, mga laruan, at iba pa. Hindi na ako nagulat doon, dahil sanay na ako.

Inayos ni papa ang kanyang bag at nilagay ito sa sofa. Pumunta siya sa kusina at nakita kong tinignan niya ang lamesa. Nandoon ang niluto ko sa kanya. Nakatingin lang siya doon at hindi ko maiwasan ang hindi umasa. Umaasa akong uupo siya at kakain ng niluto ko para sa kanya. Pero hanggang tingin lang si papa. Kumuha siya ng tubig sa ref at ininom ito. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa hagdan.

Siguro ito na ang tamang pagkakataon para tanungin siya tungkol sa entrance exam ko.

"Um papa... Pwede bang makahingi ng kaunting pera? Gagamitin ko lang po para sa—"

"Gagastos ka nanaman? Hindi pwede. Kahit kelan talaga pabigat ka." Yun lang ang sinabi niya bago umakyat upang matulog.

Bakit ganoon?

Kaunti lang naman ang hinihingi ko. Pero bakit lagi niya akong pinagtitipidan? Wala ba talaga akong kwenta para sa kanya? Pabigat lang ba talaga ako? Nag-aaral naman ako ng mabuti. Sumusunod ako lagi sa mga utos niya. Hindi ko rin siya sinusuway. Tumutulong ako sa gawaing bahay. Lahat naman ginagawa ko.

Pero bakit ganito ang trato ni papa sa akin?

***

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang maglinis ng bahay. Hindi pa umuuwi si mama dahil nasa work pa siya. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Ayoko kasing nagmumuka akong zombie tuwing umaga dahil tiyak ay hindi iyon magugustuhan ni papa.

"Goodmorning po, papa." Nakangiti kong bati sa kanya habang prente siyang nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Hindi niya ako nilingon at patuloy parin siya sa pagbabasa ng dyaryo.

Ay oo nga pala. Mas importante pa sa kanya ang dyaryo kesa sa simpleng bati sa kanya ng kanyang anak. Sanay na ako, diba?

"Goodmorning, papa!" masiglang bati sa kanya ni Neil habang nagtatakbo palapit sa kanya. Lumingon sa kanya si papa at ngumiti ng malapad. Niyakap niya si Neil at masayang kinandong.

"Goodmorning, anak ko. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?" nakangiting sabi ni papa sa kanya.

Tumango si Neil at hinalikan si papa sa pisngi bago nagmamadaling pumunta sa kusina. Tumayo na rin si papa at sumunod kay Neil. Hindi niya ata napansin na nakatingin lang ako sa kanila dahil nilampasan lang niya ako bago pumasok ng kusina.

Sanay na ako. Ilang taon na niya itong ginagawa, kaya sanay na ako. Pero bakit ang sakit parin? Ang sakit kasi ni minsan ay hindi ko nakitang ganito si papa sa akin. Ang sakit dahil ni minsan ay hindi niya ako tinawag na 'anak ko'. Ang sakit dahil ni minsan ay hindi niya ako inalagaan noong bata pa ako kagaya ng pag-aalaga niya ngayon kay Neil.

Sanay na ako, diba?

Nilapitan ko sila sabay bigay ng parent's form. Kailangan ko kasi itong ipapirma sa kanya upang payagan ako ng school na magtake ng exam. Magcocollege na kasi ako sa pasukan kaya dapat makapasa ako sa university na gusto ko.

"Anong gagawin ko jan? Istorbo ka sa agahan namin. Mamaya na yan." Hindi niya man lang nilingon ang papel at binasa kung ano iyon.

"O-Okay po." Sabi ko sabay upo upang kumain na rin ng agahan. Gutom na gutom na ako dahil wala pa pala akong kain mula kagabi. Nakalimutan kong kumain dahil abala ako sa paghahanda ng ipapakain ko kay papa kagabi, na hindi rin naman pala niya kinain.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni papa.

"Po? Kakain po, papa." Magalang na sagot ko.

"Sinong nagsabi na kumain ka dito? Para kay Neil lang ang niluto ko! Gumawa ka ng sarili mong breakfast, hindi yung aasa ka sa akin. Ang tanda mo na pero wala ka paring alam sa pagluluto."

"Opo papa." Nakayuko kong sabi. "Sorry po. Akala ko kasi kasali ako sa..."

"Bakit naman kita isasali? Kaya mo na ang sarili mo."

Oo nga naman. Sanay na akong mag-isa. Kaya ko na ang sarili ko.

***

"Ate, gusto mo?" nakangiting tanong sa akin ni Neil habang nakaupo kami sa terrace. Kumakain siya ng tinapay na pasalubong sa kanya ni papa. Umiling ako, pero mapilit siya, kaya tinanggap ko na lang ang tinapay na binigay niya.

Tinuring ko na si Neil na parang isang tunay na kapatid. Napakabibo at napakabait niyang bata. Hindi siya marunong makipag-away at lagi siyang masiyahin at masunurin. Kaya kahit hindi kami magkadugo, mahal na mahal ko siya.

Kahit na mas mahal pa siya ni papa, kahit na mas inaalagaan pa siya ni papa, kahit na mas tinuturing siyang anak ni papa, mahal ko parin si Neil.

Masaya kaming nag-uusap ni Neil habang kumakain ng tinapay na binigay niya. Nagkukulitan kami ni Neil habang nagrereview ako. Tapos na ako sa pagrereview pero binabasa ko nalang ulit upang mas lalong tumatak sa isip ko. Gusto ko kasi talagang makapasa. Para naman maging proud na si papa sa akin.

"Neil, ano yan?" napatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si papa mula sa likuran ko. Lumapit siya sa amin at bigla akong hinila patayo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"Ba't mo kinakain yan? Para lang yan sa anak ko! Para lang yan kay Neil!" sigaw niya sa akin.

Para lang sa anak mo? Ako po ba, hindi mo anak?

"S-Sorry po, p-papa. Ibabalik ko nalang po." Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak.

"Wag ka ngang umiyak sa harap ko!" tinulak niya ako palayo sa kanya at humarap kay Neil. "Anak, pumasok ka na sa loob. Mainit dito sa labas, baka mapano ka pa."

"Pero papa, si ate..."

"Hayaan mo na lang siya jan. Wala namang kwenta yan eh."

***

"Wow, Mae Ann! Nakapasa ka sa university na gusto mong pasukan! At ikaw lang ang nakapasa kahit na lahat tayo ay nagtake ng exam! Congratulations!" masayang sabi sa akin ng mga kaklase ko. Napangiti ako sa mga sinabi nila.

"We're so proud of you!" they said in chorus.

"Thank you, classmates." Nakangiti kong sabi.

Ang saya kasi sa feeling na may mga taong proud sa'yo. Sabagay dahil pinaghirapan ko naman ang exam at ni minsan ay hindi ko binalak ang mangopya para lamang makapasa. Mabuti na lang at nakauwi si mama tatlong araw bago nagsimula ang exam at napirmahan niya ang aking parent's form. Si papa naman, sobrang busy sa trabaho kaya inuumaga na ng uwi. Minsan, hinihintay ko siya, pero madalas ay nakakatulog na lang ako sa sofa dahil sa paghihintay.

Nagmadali akong umuwi dahil gusto kong magcelebrate. Aba, ako lang yata nakapasa. Sa 300 na seniors sa batch namin, ako lang ang nakapasa sa university na iyon. Nakakaproud nga daw sabi ng mga guro, kaklase, at mga kaibigan ko eh.

Sana maging proud din si papa sa akin.

Pagdating ko ng bahay, walang tao. Pumunta ako sa kwarto ni Neil dahil baka natutulog lang siya, pero wala rin siya. Himala ata walang tao sa bahay? Friday ngayon at alam kong walang trabaho sila papa at mama. Nasaan kaya sila?

Umakyat na ako ng kwarto ko at dali daling nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na upang pumunta sa kusina. Tutal wala pa sila, susubukan ko nalang munang magluto. Gusto kong i-celebrate ang nangyari sa akin eh.

Habang nagluluto ako, tinext ako ni mama. Sabi niya uuwi daw sila mamaya. Napangiti ako sa nabasa ko. Excited na talaga ako! Excited na akong sabihin sa kanila ang magandang balita! Masaya kong tinuloy ang pagluluto.

***

Alas otso na ng gabi, pero wala parin sila mama.

Kanina pa lumamig ang mga pagkaing niluto ko. Napapangiwi naman ako sa sakit tuwing natatamaan ang mga sugat ko na puro paso. Nabuhusan kasi ang kaliwang kamay ko ng kumukulong tubig kanina at namamaga na ito ngayon, pero hindi ko nalang ito pinansin.

Konting hintay pa. Dadating na rin sila. Tiwala lang.

Napahikab ako nang bigla akong naalimpungatan. Nakatulog pala ako sa sofa. Pagtingin ko sa aking relo, ala una na pala ng umaga! Agad naman akong napabalikwas ng bangon. Lumabas ako ng bahay para tignan ang garahe, at napangiti ako nang makitang nandoon na ang sasakyan namin.

Ibig sabihin, dumating na sila papa!

Agad naman akong umakyat at pumunta sa kanilang kwarto. Alam kong hindi nila nilolock ang pinto dahil kay Neil. Minsan kasi ay doon natutulog ang kapatid ko tuwing nagkakaroon siya ng masamang panaginip. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang silipin kung nanjan na nga ba talaga sila.

Ay... Natutulog na pala.

Laglag ang mga balikat na pumasok ako sa aking kwarto. Hinayaan ko ang aking sarili na bumagsak sa kama at doon umiyak upang mailabas ang sama ng loob. Yung mga pagkain... Yung mga niluto ko...

Nasayang lahat.

***

Tanghali na ako nagising dahil na rin sa sobrang puyat. Sumasakit pa ang ulo ko dahil apat na oras lang ang tulog ko. Paglabas ko ng kwarto ko, isang malakas at masakit na sampal ang sumalubong sa akin.

"P-Papa?"

"Sinong nagsabi sa iyo na magsayang ka ng pagkain?!"

"P-Papa..."

"Sinong nagsabing magluto ka ng ganun karami? Ganyan ka na ba ka-patay gutom?! Kulang pa ba sayo ang pinapalamon namin?!" tinignan niya ako ng masama. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi ko tuloy napigilan ang pag-ayos ng aking mga luha.

"Ano?! Hindi ka magsasalita?! Wala ka talagang kwenta! Lahat na lang sinasayang mo!"

Agad naman ako nakaramdam ng yakap. Pag-angat ko ng aking mukha, nakita ko si mama na niyayakap ako. Nakatingin siya ng seryoso kay papa habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Ano ka ba! Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang anak mo! Wala namang ginagawang masama si Mae Ann eh!" sabi ni mama kay papa.

"At kinakampihan mo pa ang taong yan?!" sigaw naman ni papa sabay turo sakin na parang nandidiri.

"Mae Ann, pumasok ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito." Mahinang sabi sa akin ni mama sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Hanggang kailan mo ba kakampihan ang taong yan?!" galit na tanong ni papa habang nakatingin ng masama sa akin.

"Hindi siya basta na tao lang! My god! Anak mo siya! Kadugo mo siya!"

"WALA AKONG ANAK NA WALANG KWENTA!"

Bigla siyang sinampal ni mama na sobrang ikinagulat ko.

"WAG NA WAG MONG SABIHIN NA WALA SIYANG KWENTA! ANAK MO PARIN SIYA!"

Ang sakit. Buong buhay ko, tiniis ko ang lahat ng sakit. Buong buhay ko, sinanay ko ang aking sarili sa mga masasakit na salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Buong buhay ko, ininda ko ang lahat ng sakit na pinapadama niya sakin.

"S-Sorry po, papa. K-Kung sinayang ko ang mga pagkain..." nakayuko kong sabi. Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata dahil parang kutsilyo na tinutusok ang puso ko tuwing nakikita kong galit na galit siya sa akin.

Gusto ko lang naman pong magcelebrate kasama ninyo... Sorry po, papa...

"Anong magagawa ng sorry mo?! Nangyari na eh! Hindi mo ba alam na binili ko ang mga iyon para iluto sa nalalapit na birthday ng kapatid mo?! Pero dahil sayo, kailangan ko nanamang gumastos!" sigaw ulit ni papa sa akin.

At sa pangalawang beses, sinampal nanaman siya ni mama.

"Bakit ba ganyan ka sa sarili mong anak?! Kung tutuusin nga, siya ang kadugo mo, at hindi si Neil!"

"M-Ma... Tama na po..." niyakap ko si mama mula sa kanyang likuran habang patuloy parin na umiiyak. Buti na lang at natutulog pa si Neil ngayon. Ayokong marinig niya ang mga pinagsasabi nina mama at papa.

"Mas gugustuhin ko nalang na mamatay kaysa ituring siya na sarili kong anak."

Sobrang sakit. Hindi ko alam kung gaano kasakit, pero para sa akin, para akong sinaksak sa puso ng limang milyong beses dahil sa mga sinabi ng sarili kong ama. Ang sakit pala talaga kapag lumabas mula sa kanyang bibig ang mga bagay na iyon.

Humakbang ako palapit kay papa. Tinignan ko siya habang umiiyak. Nilakasan ko ang aking loob at tumingin sa kanyang mga mata. Mga mata niyang puno ng galit at pagkasuklam sa akin.

"Papa... Sorry po... Sorry po talaga kung palagi ko kayong nadidisappoint. Sorry po kung wala akong kwenta. Sorry po kung pahirap ako sa inyo. Sorry po kung sagabal ako sa buhay niyo. Sorry po kung wala na akong nagawang tama sa harap niyo. Sorry po kung laging problema ang dala ko. Papa, sorry po talaga. Sorry po kung naging anak niyo ako."

Pagkatapos kong sabihin iyon, patakbo akong bumaba ng hagdan habang umiiyak.

Lumabas ako ng bahay at napaupo sa kalsada habang walang tigil na umiiyak. Ang ganda naman ng bungad sa akin ng umaga ko. Naiiyak ako sa sobrang ganda. Tumayo ako at bumalik ng bahay. Ayokong mag-alala ang aking mga magulang dahil sa ginawa ko. Tama na yung kasalanan ko sa kanila.

Ayoko nang kamuhian pa ng sarili kong ama.

***

"O bakit ka nandito? Hindi ka nalang sana bumalik pa!" bungad sa akin ni papa pagpasok ko ng bahay. Magsosorry nanaman sana ako nang biglang dumating si Neil at niyakap si papa sa kanyang mga paa.

Napangiti naman si papa sa aking kapatid. "Anak, goodmorning."

"Goodmorning din po, papa!" masayang bati naman ni Neil. Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti.

"Ate, bakit wala ka kahapon?" tanong ni Neil sa akin.

"Ha? Ano bang meron kahapon?" Nagtataka kong tanong.

"Lumabas po kami ng bahay. Pumunta kami sa park!" nakangiting sabi ni Neil.

Ah.. Kaya ba wala sila kahapon? Kaya ba nalate sila ng uwi? Kasi galing sila sa park?

"May pasok kasi ako, Neil. " ngumiti na lang ako sa kanya kahit na gusto ko nang maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Sayang po. Sabi kasi ni papa, family day daw po eh. Dapat po sumama ka." sabi ni Neil.

"Ha? Eh--"

"Neil, anak, hindi na kailangan pang sumama ng ate mo. Masaya naman tayong tatlo kahapon diba? Okay na kahit wala ang ate mo." sabi ni papa.

"Oo nga, Neil. H-Hindi naman ako kawalan, diba papa?"

"Buti alam mo." Sabi ni papa.

Ngumiti na lang ako at nagpaalam nang aakyat sa kwarto ko. Ang sakit talaga. Pagpasok ko, nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ng kama ko. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya.

"Bakit po, ma?"

Napabuntunghininga si mama bago nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin, puno ng sinseridad ang kanyang mga mata.

"Anak, sorry kung ganun ang inasal ng papa mo ha. Intindihin mo nalang siya."

"Lagi naman po, ma. Lagi ko naman pong iniintindi si papa." sabi ko habang nakangiti. Sana hindi mahalata ni mama na kanina ko pa gustong umiyak ulit.

"Anak, pagpasensyahan mo na talaga ang papa mo. Alam kong nasasaktan ka. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, pero nandito naman ang mama, diba?" nakangiting sabi sa akin ni mama.

Tumango na lang ako. Kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang loob ko. Nandyan kasi si mama. Kahit na minsan lang kami magkasama, alam kong hindi niya ako sasaktan.

"Halika nga dito, payakap nga."

Lumapit ako kay mama at hinayaan siyang yakapin ako. Napapikit na lang ako dahil natatakot ako na baka pagmulat ko ng aking nga mata, hindi ko mapigilang umiyak.

"Mama will always be here for you because mama loves you."

"I love you too, mama."

***

Isang taon na ang lumipas, at masesecond year college na ako.

Maraming nagbago sa akin.

Si mama, nagtatrabaho na ngayon sa ibang bansa. Isa siyang chef doon. Si Neil naman ay mag-aaral na sa pasukan. Grade one na siya. Si papa naman, patuloy parin sa pagtatrabaho.

Pero iisa lang ang hindi nagbago.

Yun ay ang pakikitungo sa akin ni papa.

"Tanghali ka nanaman nagising! Wala ka paring pibagbago. Wala ka talagang kwenta!" sigaw sakin ni papa.

"Napuyat po kasi ako dahil sa trabaho ko, papa."

Nagtatrabaho kasi ako tuwing 8pm hanggang 11pm sa isang convenience store malapit sa subdivision namin. Part time job lang naman, pero okay naman ang sweldo. Kulang kasi ang perang binibigay sa akin ni papa para sa pag-aaral ko kaya naisipan kong mag part time job ngayong bakasyon.

Pumunta ako sa kusina para magluto. Hindi na kasi ako nagulat nang makitang walang ulam sa lamesa dahil sanay na ako. Hindi ako ginagawan ng breakfast ni papa, si Neil lang.

"Pupunta kami ngayon sa mall. Gusto mong sumama?" tanong sa akin ni papa matapos kong kumain ng agahan.

Agad namang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni papa.

"Opo, papa!" masaya at masigla kong sagot.

First time ito ah. Ngayon lang ako niyaya ni papa na sumama sa kanila sa mall. Napangiti na lang ako.

***

"Papa, gusto ko po ng toys!" masiglang sabi ni Neil habang buhat ni papa mula sa likuran.

Piggyback ride ang tawag doon, diba? Ni minsan kasi ay di ko naranasang buhatin ni papa kagaya ng pagbuhat niya kay Neil. Ang swerte talaga ni Neil.

"Sige, anak. Pumili ka lang jan. Bibilhin natin yan." nakangiting sabi ni papa.

Nandito kami ngayon sa Toy Kingdom, namimili ng mga laruan para kay Neil.

"Sir, 10, 975 pesos po lahat." sabi ng cashier.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa total amount na kailangang bayaran ni papa. Grabe! 25 pesos nalang, 11 thousand na! Ang swerte naman ni Neil. Buti pa siya ginagastosan ni papa.

"Papa, kain tayo ng ice cream!"

"Papa, laro tayo doon!"

"Papa, bili tayo ng damit ko!"

"Papa, bili tayo ng food!"

Lahat ng sinasabi ni Neil, ginagawa nila ni papa. Samantalang ako? Eto, buhat ang mga damit at laruang pinamili ni papa para kay Neil habang nakasunod sa kanilang dalawa. Kanina pa ako nangangawit, pero okay lang. Masaya na ako dahil nakasama ako sa kanila ngayon.

Kahit na tagabuhat lang ako.

***

Gabi na pero nandito parin ako sa labas ng bahay.

Hindi kasi ako makapasok dahil nakalock yung gate. Alas dos na ng umaga, wala na rin akong boses dahil kanina pa ako sigaw nang sigaw, pero di parin ako nakakapasok. Nalate kasi ako ng uwi dahil sa trabaho ko. Wala naman akong susi ng gate dahil naiwan ko kanina bago ako umalis ng bahay. Gusto ko ng maiyak pero di ko magawa dahil baka magmukha akong tanga dito.

"Hey, mish ganda! Shaan ka pupunta? Shexy mo ah!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig iyon. Pagtingin ko, may isang lasing na pagewang gewang na naglalakad palapit sa akin. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil sa takot.

Tinignan ko lang siya habang naglalakad siya palapit sa akin. Ang laki niyang tao. Kung tatakbo ako, panigurado ay mahahabol rin niya ako. Pero kung hindi ako kikilos, baka may mangyaring masama sa akin dito.

"Halika dito, shexy. Laro tayo." Nakangisi niyang sabi.

"W-Wag kang lalapit kundi sisigaw ako!" banta ko sa lasing, pero ngumisi lang siya. Lumapit pa siya sa akin at bigla akong hinawakan sa bewang. Niyapos niya ako! Gusto ko mang makawala, hindi ko magawa dahil ang higpit ng pagkakayapos niya sa akin!

"TU-TULONG---HMMPGH!"

Tinakpan niya ang aking mga bibig at mabilis akong hiniga sa tabi ng kalye! Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya.

"Wag kang maingay kundi malilintikan ka shakin!" sabi niya habang nanlilisik ang mga mata. Hindi tuloy ako makapagsalita dahil tila umurong ang dila ko sa sobrang takot.

"Ayosh! Shwerte ako shayo!"

Naramdaman ko ang mga luhang walang tigil sa pag-agos habang mahigpit niya akong hinawakan sa kamay. Gamit ang isa niyang kamay, Nilagay niya ang aking mga kamay sa itaas ng aking ulo. Samantalang pilit namang binubuksan ng isa niya pang kamay ang mga butones ng aking blouse.

TULONG! PLEASE TULONG!

Muntik na niyang mabuksan ang huling butones ng aking blouse nang buong lakas ko siyang sinipa sa kanyang pagkalalaki dahilan para mapairi siya sa sakit. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at gamit ang nakita kong bato, pinukpok ko ang kanyang ulo. Ilang ulit ko iyong ginawa hanggang sa wala na siyang malay.

Inayos ko ang aking sarili habang nakatingin sa lasing na ngayon ay wala nang malay. Dapat lang sa kanya iyan. Napakawalang hiya niya. Isa siyang demonyo.

"HOY ANO YAN?!"

Paglingon ko, nakita ko ang isang police car. Bumaba ang dalawang pulis at walang sabing pinosasan ako.

"Manong pulis, bakit po?! Inosente ako! Ako ang biktima!"

***

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin paglabas ko ng presinto.

Naluluha ako habang nakatingin kay papa na galit na galit sakin ngayon. Sinampal niya ako sa harap ng maraming tao dito sa police station.

"Walang kwenta kang babae! Bakit mo nagawa iyon?! Hindi mo ba alam na muntik nang mamatay ang lalaking pinukpok mo ng malaking bato sa ulo?!"

"P-Papa, ako po yung b-biktima!"

"At sumasagot ka pa ngayon?!"

Kinaladkad niya ako palabas ng police station at dinala sa parking lot. Hawak niya ako sa braso ng muli nanaman niya akong sinampal. Mas lalo akong naiyak sa sakit.

"Hindi mo dapat ginawa iyon sa lasing! Hindi ka namin pinalaki ng mama mo para manakit ng kapwa mo tao! Wala kang kwenta! Problema ka talaga sa buhay ko!"

Tahimik lang akong nakayuko habang umiiyak.

"Iiyak ka nanaman sa harap ko! Para ano? Para kaawaan kita? Ha! Pasalamat ka nga at nakalabas ka sa presinto! Magpasalamat ka sakin dahil ginawa ko ang lahat makalabas ka lang!"

G-Ginawa ni papa lahat? B-Bakit?

"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano! Ginawa ko yun dahil gusto kong maisalba ang pamilyang ito sa kahihiyan! Hindi mo na dapat sinaktan yung lasing eh! Yan tuloy! Pinag-uusapan na tayo sa buong village!"

Wala na siyang inisip kundi ang reputasyon ng pamilya niya. Paano naman ako? Paano naman ang kaligtasan ko?

"Bwisit ka talaga sa buhay ko! Kung hindi lang ako takot na mapahiya, hinayaan na sana kitang mabulok sa kulungan! Wala kang kwenta! Pabigat ka sa buhay ko! Pabigat ka lang sa pamilyang 'to!"

"Oo na, papa! Ako nanaman ang mali! Lagi naman, diba?" Naluluha kong sabi sa kanya dahilan para matigilan siya. Hindi umimik si papa dahil sa gulat. Nakatingin lang siya sa akin.

"Simula noong bata ako, ako nalang lagi ang mali. Wala na akong ginawang tama sa harap niyo. Kasi ano? Kasi wala akong kwentang anak!" Patuloy parin ang pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin kay papa.

"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan!"

"Wag mo rin po akong pagsalitaan ng ganito, papa! Lalong lalo na kung hindi ninyo alam ang buong storya!"

"Aba't---"

"Papa, muntik na akong ma-rape! Nagawa ko iyon dahil para sakin, iyon ang tamang gawin upang mailigtas ko ang aking sarili! Papa, akala ko mamamatay na ako! Masama na bang ipagtanggol ko ang sarili ko, papa?"

Napatulala si papa sa'kin.

"Palibhasa wala kayong pakialam sakin! Kalagayan ng ibang tao ang iniisip niyo at hindi ang kalagayan ng sarili niyong anak! Ay oo nga pala. Hindi niyo nga pala ako tinuturing na anak niyo! Kasi para sa inyo, isa lang akong hamak na walang kwentang tao!"

Hindi parin siya umiimik. Bakas sa mukha ni papa ang pagkagulat, pero wala akong pakialam. Kailangan kong mailabas ang lahat ng sama ng loob ko, lahat ng hinanakit ko, dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko.

"All these years, papa, ang tanging gusto ko lang makuha sa inyo ay ang pagmamahal niyo. Lagi kong hinihiling na sana maramdaman kong anak ang turing mo sa akin. Lagi kong iniisip na sana pala mas naging mabuti ako, mas naging magaling, para naman kahit papaano ay maging proud kayo sa akin. Lahat naman ginawa ko, papa. Pero bakit ganun? Kulang pa ba lahat, papa?"'

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ako nagrereklamo. Wala akong sinusumbat sayo noon pa man. Dahil umaasa ako na balang araw, baka magising ka sa katotohanan na mayroon ka pang isang anak. Na mayroon pang Mae Ann na nagmamahal sayo. Na hindi lang si Neil ang anak mo. Papa, umaasa ako. Araw-araw akong umaasa na baka anumang oras ay mahalin mo rin ako!"

"Mae Ann..."

"Pero masakit. Kasi kahit na buong buhay akong umasa, wala pala akong aasahan. Dahil hindi mo naman pala ako tinuturing na isa mong anak. At yun ang pinakamasakit, papa. Lagi niyo nalang iniisip ang kalagayan ng ibang tao pero ang sarili mong anak ay di mo magawang pagtuunan ng pansin. Lagi mo nalang pinagmumukha na wala akong kwenta. Siguro nga totoo yun. Wala nga talaga akong kwenta. Pero papa, natanong niyo na ba sa sarili niyo kung naging may kwentang ama kayo sa akin?"

"A-Anak..."

"Anak? Huwag niyo akong tawaging anak dahil buong buhay ko ay pinaramdam niyong hindi ko kayo ama!"

Mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Wala akong pakialam sa paligid ko. Hindi ako huminto sa pagtakbo kahit na naririnig ko ang boses ni papa na tumatawag sa akin.

"Anak, bumalik ka dito!"

Napahinto ako sa pagtakbo at kasabay noon ang isang napakalakas na tunog ng sasakyan. Sa sobrang lakas ay napapikit na lamang ako.

***

Dear Diary,

Birthday ko ngayon. Binati ako ng mga kaibigan ko, pati na rin ang ibang kamag-anak ko. Kinantahan ako ng birthday song ni mama habang sumasayaw si Neil. Masaya na sana ako, kaso hindi naalala ni papa na kaarawan ko. Hindi ako binati ng papa ko. Pero okay lang, mahal ko parin si papa.

"Doc, iligtas niyo po siya!"

"We'll do everything we can."

Dear Diary,

Graduation namin ngayon! Malapit na akong magcollege! Sobrang saya ko! Salutatorian ako! Niyakap ako ni mama at ni Neil. Lahat ng tao, proud sa akin. Maliban kay papa. Hindi niya matanggap na second lang ako. Ginawa ko naman lahat, pero wala, hindi siya proud sa akin. Ang sakit no? Pero okay lang. Mahal ko parin si papa.

"Mae Ann! Please gumising ka, anak..."

"Doc, gawin niyo lahat ng makakaya niyo!"

Dear Diary,

Ang lungkot ko. May sakit kasi si Neil ngayon. Sobrang init niya, diary. Nakita ko si papa, sobrang nagaalala. Araw-gabi, siya ang nag-aalaga sa kanya. Buti pa si Neil. Naramdaman niya ang pag-aaruga ng isang ama. Ako, wala. Hindi niya nga ako pinagtutuunan ng pansin, ang alagaan pa kaya? Pero okay lang. Mahal ko parin si papa.

"Doc, her pulse is getting slower!"

"Please, anak..."

Dear Diary,

Nasugat ang mga kamay ko dahil sa pagluto ko ng adobo na paborito ni papa. Kaso hindi niya kinain. Hinintay ko pa naman siyang umuwi kahit na inaantok na ako, pero sayang lang pala ang effort ko. Binati ko rin siya kaninang umaga, pero di niya ako pinansin. Si Neil lang na hindi naman niya tunay na anak ang lagi niyang napapansin. Pero okay lang. Mahal ko parin si papa.

"BP's going down!"

"Lumaban ka, anak... Please..."

Dear Diary,

Nakapasa ako sa entrance exam! Proud silang lahat sakin dahil out of 300 students sa school, ako lang ang nakapasa! Naghanda ako ng pagkain. Ako mismo nagluto. Gusto kong magcelebrate kami. Kaso may family day sila with Neil. Pinagalitan na nga ako ni papa, nasayang pa yung pinaghirapan ko. Pero okay lang. Mahal ko parin si papa.

"Anak, lumaban ka!"

"Doc, she's not responding!"

Dear Diary,

Ang sakit na ng mga ginagawa at pinagsasabi ni papa. Wala daw akong kwenta. Problema lang daw ako. Sana daw di nalang niya ako anak. Mamamatay daw muna siya bago niya ako ituturing na anak niya. Alam kong hindi ako special para kay papa. Alam kong wala siyang pakialam sa akin. Pero bakit ganun, diary? Mahal na mahal ko parin si papa. Kahit na hindi niya pinaparamdam sakin ang maging isang anak niya, kahit na ang sama ng pakikitungo niya sa akin, mahal ko parin siya. Kasi siya si papa. Diary, hanggang kailan itong sakit? Hanggang kailan ako magtitiis? Kailan ko kaya masasabi sa kanya na "Mahal rin kita, papa"? Alam kong hindi ko masasabi yun kung hindi niya sasabihing mahal niya ako. Kailan kaya mangyayari yun? Kapag namatay na ba ako, marerealize na ba niya na anak niya ako? Sana nga... Pero alam mo diary, kahit ganyan si papa, ayos lang. Lahat ng ginagawa niya, okay lang. Alam mo kung bakit? Kasi mahal ko parin si papa.

"Doc..."

"Hindi maaari! Hindi pwede!"

"I'm sorry, mister."

***

Ang saya sa pakiramdam. Ang gaan ng pagkatao ko. Nasaan ako? Ba't wala akong ibang kasama dito? Anong ginagawa ko dito? Nasaan si mama? Nasaan si Neil? Nasaan si... papa? Hinahanap rin kaya nila ako? Ba't ako nawawala?

"Anak..."

Anak? Papa God? Nasa langit na ba ako?

"Anak, nandito na ang papa... Anak, hindi mo kailangang mamatay para lang marealize kong anak kita... Nabasa ko ang iyong diary, anak sorry. Patawarin mo ako, anak."

Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko?

Bakit masakit ang buong katawan ko?

Bakit iba ang amoy dito? Bakit?

"Anak, please... Gumising ka na..."

Ano iyong naririnig ko?

Si papa ba iyon? Bakit ganito?

Bakit iba ang pakiramdam?

"Anak, nagmamakaawa ako sayo... Bumalik ka na sa amin. Anak... Imulat mo ang iyong mga mata... Please, anak..."

Papa? Totoo ba ito?

Hindi ba ako nananaginip?

Tinatawag mo akong anak mo?

"Mahal na mahal kita, Mae Ann. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, anak ko."

Gusto kong bumalik. Papa...

Nasaan ka? Gusto kitang makita.

Gusto kong makasama ka.

Gusto kong bumalik sayo.

Ayoko dito.

"Anak, maawa ka. Mahal na mahal ka ni papa. Bumalik ka na."

Tubig. May pumapatak na tubig.

Hindi. Mali ako. Hindi tubig, kundi luha.

Bakit ganito? Ayoko ng ganito.

"Anak, maawa ka. Magsalita ka. Anak, patawad. Mahal na mahal kita, anak."

Dahandahan ang pagbukas ng aking mga mata. Ayan siya. Nandito siya. Nandito si papa. Nakayuko siya habang humahagulgol. Si papa ba ito? Bakit siya umiiyak? Anong dahilan? Ba't di ko magalaw ang aking katawan?

"Anak, mahal na mahal kita."

Ang papa ko...

Nandito siya...

At mahal niya ako...

Ang saya ko...

Sobrang saya ko...

"Sa wakas, papa... Mahal mo na rin ako..." mahinang sabi ko habang nakangiti kay papa.

"A-Anak...? T-Totoo ba ito? Diyos ko, salamat po! Mae Ann! Gising ka! Buhay ka! Anak ko..." niyakap niya ako habang umiiyak siya. Ang saya ko... Niyayakap ako ngayon ng aking papa...

"P-Papa, pakiulit... Gusto kong marinig ulit... na mahal niyo ako..."

"Anak ko... Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, anak. Handa akong magbago para sa iyo. Anak, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Itatama ko ang lahat, Mae Ann, anak ko..."

"P-Papa... S-Salamat... S-Salamat dahil mahal niyo ako... Ang saya ko..."

"Anak ko..." mahinang sabi ni papa habang hawak ang aking mga kamay. Gusto ko siyang titigan, pero hindi ko na kaya...

"P-Papa, inaantok ako... Pwede na po ba akong matulog?"

"A-Anak... Wag naman, please..."

"S-Salamat dahil mahal niyo na rin ako, papa... N-Natupad na ang nag-iisang hiling ko... Pwede na po akong magpahinga..."

"A-Anak, hindi... Lumaban ka... Anak, marami pa akong pagkukulang sa iyo. Aalagaan pa kita, anak. Marami pa tayong gagawing magagandang alaala. Marami pa akong oras para alagaan at mahalin ka..."

"P-Papa... Diyan ka lang ha? Alagaan mo po si mama... Pati na rin si Neil... Mahal na mahal ko po kayo... Nandito lang po ako... Nandito lang po si Mae Ann..."

"A-Anak... Please... Wag mo kaming iiwan..."

"Salamat papa..."

"A-Anak..."

"...at mahal rin po kita."

Pinikit ko na ang aking mga mata. Ang saya ko.... Sobrang saya ko... Sa wakas, natupad na ang matagal kong nang inaasam. Sa wakas, nagkatotoo na ang hiling ko. Sa wakas, tinuring na niya ako bilang anak niya. Sa wakas, mahal na rin ako ni papa.

"Time of death, 8:21 PM."

Sa wakas, pwede na akong magpahinga.

*****END*****

Author's Note:

Emeghed. Bwisit daw ako sabi ng pinsan ko. </3 Bakit daw ganito ang ending? Hala... First time kong gumawa ng ganito. Nainspire kasi ako dahil sa nangyari sakin kahapon. Hindi po ito true story ha. Pero yan lang talaga nakaya ng "writing skills" ko, if ever man na meron. Ano pong masasabi niyo? Gash. Comment po kayo please. Ano pong reaction niyo? Pakiexplain, labyu. :*

-Ersh

PS: About sa cover, drawing po yan ni Mae.  :)


Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
439K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!