Chapter XLIII
Sweatshirt
Christmas vacation na! Wiiii! Totoo na 'to.
Nandito nga pala ako ngayon sa kapatagan. Nagpapractice ulit ako nang pagdadrive. Ngayon na daw yung last session ko eh. Five hours na kaming nagpapractice. Kailangan ko nang matapos ito ng maaga dahil darating na daw si Kuya sa bahay.
"Okay. Para sa last challenge, kailangan mong magdrive simula dun sa entrance pabalik dito sa exit." Sabi sakin ng driving teacher ko.
"Okay po teacher." Nag-umpisa na akong magmaneho.
After fifteen minutes...
"YEHEYYYYY!" Nagsisigaw ako sa loob ng sasakyan. Yes! Nagawa ko! Hahaha.
Napatingin naman ako sa aking teacher na sobrang lapad ang ngiti.
"Thank you, teacher!" I said happily.
"Para kang bata! Hahahaha! Anyway, welcome. Wala bang 'thank you' kiss diyan?" Sabi niya sakin habang nakanguso na wari bang nag-aabang ng halik.
"THANK YOU PUNCH WITH KICK, DO YOU LIKE?!" Sabi ko naman sa kanya sabay laki ng mata ko.
"Nah, thanks! Heto naman, di mabiro!"
"Hindi nga! Baka gusto mo eh?" He smirked. "Nga pala, maaga kayo bukas, kukuha kayo ng lisensya mo." Pagkakinig ko nun, nagningning ang mga mata ko.
"Talaga?!"
"Oo. Ang bingi mo! Umalis ka na diyan. Ako na ang magdadrive. Alam kong pagod ka eh."
"Ugh. Suplado!"
Pagkabalik ko sa bahay ay hindi ko inaasahan kung sino ang mga nasa loob. Kumpleto ang gang. Welcome party kuno daw ito ni Kuya.
"Oh! Bagong dating ang lovers! San kayo galing?!" Usyosong tanong samin ni Dominic
"Hindi mo ba alam, bro?" Sabay-sabay nilang sabi sa kanya.
"Ang alin?!" Sagot naman ni Dominic
"Na tinuturuan ni Enzo si Yvaughn na magdrive?" Sabay-sabay ulit nilang sabi. Magkakapera na kayo Uto Uto Gang. Hahaha.
"Hindi ko alam! Ang daya ha? Di ako ininform!" Sabi niya.
"Ganun talaga. HAHA." Sabi ko naman sa kanila sabay upo sa sofa. Bigla akong natauhan at napatingin kay....
"KOYAAAAAA! WELCOME BAAAAACKKK!" Sabay yapos sa kuya ko. Grabe! Nakalimutan ko na nandito nga pala siya. Naghagikgikan naman sila sa pagtawa.
"Akala ko hindi mo na ako papansinin." Sabi niya sakin.
"Nakalimutan ko eh. Hehehe. Gawa kasi ni Dominic! Ang ingay-ingay!"
"HAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman sila.
"Nga pala, bakit kayo nandito? Anong meron?" I asked them. Kanina pa akong nacucurious eh.
"Pupunta tayo bukas sa Disneyland of the Philippines." Woah?
"Enchanted Kingdom!" Excited namang sabi ni Adrian.
"Sinong kasama?"
"You know, the gang."
Sounds exciting.
"Paano ba 'yan, una na kami? Hinintay ka lang namin makauwi eh." Sabi ni Drew samin.
"Nakakatouch naman. Hahaha. Sige. Salamat. Ingat kayo!" Sabi ko naman sa kanila.
"Una na ako." Bulong sakin ni Enzo.
"Sige. Salamat teacher! Ingat kayo!" Sigaw ko sa kanila.
Pagkaalis nila ay kinamusta ako ni Kuya. Magkwento daw ako ng mga bagay-bagay at mga nangyari simula nung nawala siya. Kinwento ko sa kanya yung nangyari nung unang driving lesson namin. Tawa naman siya nang tawa. Sinadya niya daw hindi sabihin sakin na si Enzo yung driving teacher ko.
"Nga pala Kuya, napuntahan mo na ba si Reca?"
"Hindi pa nga eh."
"Whuuut?! Paano yan? Ni hindi ka nga din ata nagpaalam sa kanya nung umalis ka eh. Wala na nga din akong balita sa babaeng yun."
"Busy daw eh sabi ni Tita Rea kaya hindi ko na siya ginugulo." Naks naman.
"Ahh. Isurprise mo na lang bukas! Matutuwa yun!"
"Isasama ko nga siya bukas eh. Pati si Gelo din. Itext mo din pati si Petals." So, kumpleto nga ang barkada.
"Natext mo na ba sila?" Tanong ko kay Kuya.
"Oo. Sabi ko kita-kita na lang dito sa bahay. Ikaw na bahala magtext kay Reca at Petals."
Pagkatapos nun ay nagyaya na akong matulog. Tinext ko muna si Petals tapos si Reca. Sinabihan ko siya na mag-ayos siya bukas dahil gagala kami. Ayaw niya namang maniwala. Pero nung kunulit ko siya, bumigay din. Haha.
*****
"Saan ba tayo pupunta?! Anong meron?" Kanina pa akong kinukulit nitong katabi ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay namin. Kinaon ko kasi siya sa bahay nila.
"Makiride ka na lang." Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya.
Pagdating namin sa bahay ay puro lobo ang paligid. Pinapasok ko naman si Reca sa loob ng bahay. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka. Isusurpresa kasi siya ni Kuya. Babawi daw siya kay Reca. Hehehe.
Umakyat naman ako ng bahay at nagpalit ng damit. Kakukuha lang namin ni Kuya ng lisensya. Yehey! Official driver na ako!
After fifteen minutes ay lumabas na si Reca. Tuwang-tuwa siyang mangiyak-ngiyak na. Hindi niya daw kasi inaasahan na nandun na pala si Kuya. Akala niya daw, nagbreak na sila nang hindi niya alam. Shunga talaga nitong babaeng 'to. HAHAHA.
"Oh, ready na ba lahat?!" Sigaw ni Kuya saming mga kasama.
"Aye captain!" Sagot naman naming lahat.
Nag-umpisa na kaming umalis. Bale ganito ang seating arrangement namin sa van ni Kuya:
Kuya-Reca-Ako
Gelo-Enzo
Drew-Elijah-Petals
Dominic-Adrian
Habang papunta sa aming destination ay hindi maiwasan ang pagkukwentuhan.
"Alam niyo ba, bagay kami ni Dominic." Out of the blue namang sinabi ni Petals dahilan naman para maghagalpakan kami sa pagtawa.
"HAHAHAHAHAHA!" Pucha. LMAO.
"Yak! Maghulos-dili ka nga!" Sigaw naman sa kanya ni Dominic. HAHAHA!
Nakakaloka talaga 'tong mga 'to. Haha. Bigla akong nagulat nang may kumalabit sakin. Paglingon ko, si Enzo, nakangiti nang nakakaloko. Aba. Anong problema ng isang 'to?!
Biglang may nagvibrate.
From Enzo:
Alam mo, magugulatin ka.
Tumingin ako sa likod ko at tiningnan ko siya nang masama. Napatingin naman sakin si Gelo. Ngumiti naman ako. Pagkangiti ko kay Gelo ay bumalik ulit ako ng tingin kay Enzo at binelatan siya.
"Guys! Stop over!" Nagbabaan naman kaming lahat. Pagkababa ko ay dali-dali akong tumakbo sa CR. Kanina pa akong ihing-ihi eh.
"Pst! Saan ka pupunta?" Sigaw sakin ni Enzo.
"None of your business!"
"Ahh. Gets ko na. Tinatawag ka ni Mother Earth."
"Whatever!" Papasok na sana ako ng CR nang tinanong niya ako. "Flavor?"
"Anong flavor?!" Nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Frappe! May ineexpect ka bang ibang flavor? Bwahahaha!" Nakakainis talaga 'tong balugang 'to. =_____=
"Tse! Wala. Ayoko." Wala ako sa mood magfrappe ngayon.
"Okaay. T.O.M mo ata ngayon eh." At umalis na siya.
"T.O.M?!"
"Time Of the Month. Naturingang babae hindi alam. Tsk." Pagkatapos nun ay umalis na siya at nagpunta ng SB.
Pumasok na ako ng CR at nagwiwi. Hahaha. Nagsalamin muna ako bago lumabas. Nakasuot ako ngayon ng 3/4 at shorts plus Keds. Hehehe. Nasanay din akong magshorts. Suot ko din ngayon yung kwintas na may G-Clef. Napansin ko namang lahat sila ay nagbabaan sa sasakyan at nagbilihan ng mga pagkain. Huhuhu. Ako na nga ang Purita Mirasol.
Ako ang naunang sumakay. Nagsoundtrip na lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang wala ako sa mood kumain. Nakapikit na ako nang bigla na namang may kumulbit sakin. Grrr! Wala na 'tong ginawa kundi kumulbit nang kumulbit!
"ANG KULIT MO---- Ay sorry. Ikaw pala, Gelo. Hehehe." Napahiya naman ako dun.
"Okay lang. Hehe. Kamusta na? Long time no see!"
"Oo nga bestfriend eh. Mabuti naman. Ikaw?"
"Nahinga pa din." Ay ganun. "Hahaha. Ah, Yvaughn, oh." Inabutan niya ako ng CHUCKIE! Omaygad! Nagningning naman ang mga mata ko!
"Akin na lang?"
"Oo. Alam ko namang yan ang paborito mo pag bumabyahe tayo." Naaalala padin ni Gelo. Nakakatouch naman.
"Salamat Gelo!!!" Kinuha ko naman iyon at tinusok ang straw at uminom. "Welcome!" Bigla namang nagpasukan ang mga tao sa sasakyan.
Napatingin naman sakin si Enzo. Maya-maya, bigla na namang may nagtext.
From Enzo:
Chuckie? Di kaya sumabog ang tae mo niyan?
Sa di inaasahang pagkakataon ay bigla akong nasamid. Napakawalanghiya talaga nito. Buti na lang hindi ko naibuga. Kundi patay ako kay Kuya. =____=
"Oh Yvaughn? Ayos ka lang?" Tanong sakin nila Drew
"Oo." Bigla ko namang tinaas ang thumb ko para maassure sila na okay ako. Napalingon naman ako sa likod ko at tiningnan ko ulit siya nang masama.
"Mama! Pansin ko, kanina ka pang lumilingon at tumitingin nang masama kay Fafa. Anong meron?" Tanong ni Petals sakin dahilan naman para magtinginan sila saming lahat.
"Wala." Simple kong sagot.
"Namimiss agad ako." Sagot naman ni Enzo kay Petals
"Ang kapal mo naman!" Sigaw ko sa sasakyan.
"Ayieeeeee!!!" At nag-umpisa na namang magkantyawan ang lahat.
"Letse! Tumahimik nga kayo!" Sigaw ko naman.
Nagsitahimikan naman ang lahat. Pero yung iba hindi pa din nakuha sa sigaw ko, patuloy pa din sila sa paghahagikgikan.
Maya-maya ay nakarating na kami sa EK. Wow. Ang ganda talaga dito.
"Okay guys! Picture!" Sigaw ng aming official photographer na si Petals.
Pagkatapos ng aming picturan time ay pumasok na kami. Sagot ni Kuya ang entrance namin. Ang yaman talaga nito. Pagkapasok namin ay nagtinginan samin lahat. Hindi ko alam kung bakit. Nalaman ko na lang bigla nang may tumiling babae at sigaw nang sigaw na ang pogi daw ng mga nasa likod namin. Ahh. Ang UUG pala. Mga nakaporma eh. Tumakbo naman ako at tumabi kay Reca.
"Uy Reca, tabi tayo lagi ha kahit saan man tayo magpunta." Request ko sa kanya. Ang awkward kaya. Kami lang dalawa ang babae dito. Pansin niyo din ba?
"Sorry Yvaughn, balak daw kasi akong solohin ng Kuya mo eh. You know, matagal na kaming hindi nagkasama. Hahahaha!" HAHAHAHA. Ang kire ng babaitang are! Sige na nga. Naawa naman ako sa long distance relationship nila.
"Ang landiiii! Hahaha! Osiya sige. Ingat kayo ha!" Tumawa lang siya nang tumawa. Mamaya ay dumating na si Kuya at kinindatan ako. Kanya daw muna si Reca. HAHA.
Kanino na ako sasama? Hay.
"Hi Diyosa! Smile!" Nagulat ako nang biglang may nagflash na camera. Napakaluka talaga nitong baklang 'to!
"Hoy! Burahin mo iyan!!!"
"Ayoko nga! Ipapakita ko pa 'to kay Fafa eh!" Shiz!
"Oh, ba't ka nakabusangot diyan?" Nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Gelo.
"Gawa kasi ni Petals. Kinuhanan ako nang hindi ko alam." I smirked. "Oh, nga pala, mag-isa ka lang?"
"Oo eh. Alam mo na, solo flight? Hehehe." Sabi niya sakin.
*TING!*
"Alam ko na! Ikaw na lang ang buddy ko!" Sabi ko naman sa kanya sabay palakpak.
"Hoy Mama! Isusumbong kita kay Fafa! Nanlalandi ka kaagad!" Woah?!
"Hayaan mo siya. Huwag mo na lang siyang pansinin. Haha." Sabi ko naman kay Gelo.
"Ayos lang yun. Sanay naman ako. May mga kaibigan din kaming bakla kaya hindi na ako naninibago." Ahhh.
"Tarang magselfie? HAHA." Yaya ko sa kanya. Bigla ko namang kinuha ang monopad ko at nagselfie kaming dalawa ng bestfriend ko.
"Wow." Sabi niya. "Ipasa mo sakin yan ha?"
"Oh sure!"
"Yvaughn?"
"Bakit?"
"Gusto ko sanang malaman mo... na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Hindi pa din ako susuko."
Bigla naman akong napakamot sa ulo. "Ah eh----" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang may nagsalita.
"Hayan oh Fafa! Nanlalandi agad si Mama." Dumating si Petals kasama si Enzo. Itinuturo niya kaming dalawa ni Gelo.
"Hoy Petals?! Anong sinasabi mo diyan?!" Tanong ko sa kanya.
"Huli ka balbon, Monica! Akin na si Adrian! Ako ang The Legal Wife!" Sabi ni Petals samin. Hindi naman siya pinansin ni Enzo. Instead, naghagalpakan kami sa kakatawa. HAHAHAHA! Siya pala si Nicole. =___=
"What's funny?! Nakakainis kayo ha! Pinagkakaisahan niyo ako!" Pagwawala ni Petals. "Ganito na lang, kay Petals na lang ako sasama para walang gulo, okay?!" Sabi ko sa kanila.
"Unfair!" Sigaw nila Enzo at Gelo.
"Huh?!"
"Ang lupit talaga ng karisma mo, Diyosa! Mana ka talaga sakin. Ay alam ko na! Ganito na lang mga fafas! Tayong apat na lang ang magkakasama. Odiba? At least kasama niyo pa din si Mama." Sabi ni Petals kila Enzo at Gelo. Nagkatinginan sila. At pagkatapos ay pumayag na din.
"Okay! Ano munang sasakyan natin?"
Sabay-sabay kaming nagsalita:
"Anchor's Away!"-Gelo
"Flying Fiesta!"-Ako
"Up Up and Away!"-Petals
"Dodgem!"-Enzo
Whatdapak. Paano kami makakasakay niyan?
"Goodness gracious! Iba-iba pala tayo ng gusto! Alam ko na! Maiba siya ang masusunod!" Suggest ulit ni Petals.
"Okay!" Pumayag naman kami.
Pinagpatong-patong namin ang mga kamay namin at... "MAIBAAAAAAA TAYA!"
Nanalo si Enzo.
"Okay! Let's go to Dodgem!"
Nakapila kami ngayon sa Dodgem. Tutal kokonti lang naman ang mga taong nakapila ay mabilis kaming nakapasok sa loob. Naggroufie (WALEY. HAHAHA. GROUFIE= PANGMADAMIHAN. HAHAHAHA!) muna kaming apat gamit ang aking monopad. Hahaha. Pagkatapos ay pumili kami ng kanya-kanya naming bump car. Pagkatapos ay nagsignal naman yung si Kuyang operator.
Ang sarap magmaneho. HAHAHA. Palibhasa may experience na ako, hindi na medyo mahirap.
*BOOGSSSSH!*
Fuck! Sino kaya yung bumunggo sakin?! Pagkalingon ko ay si Petals, nakapeace sign. Naghanap naman ako ng aking pupuntiryahin. HAHA! Alam ko na!
Target: My driving teacher
Bigla akong sumugod kung saan nandun ang aking driving teacher. Bubungguin ko sana siya nang biglang may bumunggo sakin galing sa kaliwa. Uh-oh. Stranger.
Nakita ko naman ang itsura ni Enzo na ngiting tagumpay. Tawa siya nang tawa. "Baka mabukulan ka ulit ha? Ingat-ingat din pag may time!" I raised my eyebrow. Siya na nga.
Bigla naman akong binunggo ni Gelo. "Hoy! Igalaw mo naman yung sasakyan mo Miss! Agaw eksena ka sa gitna! HAHAHA!" Ay oo nga! Nakakahiya! Dito pa ako nakapwesto. Hihihi.
Maya-maya napansin ko namang nagkabungguan sila Gelo at Enzo. Mag-aaway na sana sila. Buti na lang biglang dumating si Petals.
"Hoy! Isusumbong ko kayo kay Mama! Laro-laro lang 'to tas sineseryoso niyo?! Sumbong ko kayo eh!" Sigaw niya dun sa dalawa. Hay. Buti na lang at tumigil na sila.
Pagkatapos ay natapos na ang time namin para sa Dodgem. Umalis na kami dun.
"Oh, saan naman ang next?" Tanong ni Gelo.
"Kayong tatlo ang magMaiba Taya, tapos next round na ulit ako." Sabi naman ni Enzo.
"MAIBAAAAA TAYA!"
This time, si Petals naman ang nanalo.
"Let's go to Up Up and Away!!!"
Nakasakay na kami ngayong apat sa isang hot air balloon, kuno. Groufie muna pag may time. HAHAHA! Noong una, mabagal lang ang pag-ikot, pero habang tumatagal, letse! Nakakahilo!
"WOOOOOOOOHHHH!"
Para namang baliw na sigaw nang sigaw ang bakla naming kasama. Samantalang si Enzo at Gelo ay nakapangalumbaba lang. Ako naman ay nakahalukipkip at ineenjoy ang hangin.
Pagkatapos namin sa nakakahilong mga hot air balloons ay nagBato Bato Pik naman kami ni Gelo.
"Bato Bato Pik!"
Nanalo ako! Yehey!
"Flying Fiestaaaaa!"
Pagkapila namin sa Flying Fiesta ay nagkita-kita kaming lahat. Coincidence nga naman. Nandito din silang lahat at nakapila. Hindi nga ako napapansin nila Reca at Kuya at busyng-busy sa pagtatawanan. Sila na. Niyaya ko muna silang magGroufie lahat. Thanks to my monopad at nagkasya kami. Hahaha.
"Okay, pasok na po."
Nagtatakbo naman ako papasok at pumili ng aking upuan. Darn! Namiss kong sumakay dito! Favorite ride ever!
"Oh dahan dahan pagsakay. Para ka namang bata eh." Sabi sakin ni Enzo. Tumabi pa sakin ang luko.
"Excited si Mama eh!" Sigaw naman ni Petals. Magkakalapit lang kaming lahat.
Maya-maya ay umikot na ito! Wiiiiiiiiii!!! Ang saraaaaaaap!!! Pumikit naman ako at inenjoy ang pagsakay dito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang masasayang oras ko. Awww. Tapos agad? Ang bilis naman.
Bumaba ako at umalis na doon sa pila. Naghiwa-hiwalay na ulit kami. Text text na lang daw mamaya.
"Fafa Gelo! Ano nga ulit yung sayo?" Tanong ni Petals dahil yun naman ang susunod naming sasakyan.
"Anchor's Away." Sabi ni Gelo.
WHUUUUUUUUUUTT?! ANCHOR'S AWAY?!
"Are you drop dead serious, dude?!" Tanong ko sa kanya. Naalala ko yung huli kong sakay dun. Nagkandasuka-suka ako. Ewwww.
"Oo. Naalala mo ba yung huli nating sakay dun?" Tanong niya sakin.
"Oo naman. Hindi ko malilimutan yun noh!"
"Tingnan mo si Mama oh, nakikipaglandian na naman." Kinig kong bulong ni Petals kay Enzo. Enzo smirked.
"Okay tara nang sumakay bago pa yan mauwi sa kwentuhan!" Yaya samin ni Petals at pumila na kami.
Habang nakapila kami ay nangangatog na ang tuhod ko. Same scenario din nung nakapila ako dito dati.
"Next!" Sigaw ni Kuyang operator.
Nagdali-dali kami sa pagtakbo. Gusto kong umupo dun sa gitna para hindi ko mafeel yung pagduyan. Kaso, ito namang mga kasama ko hindi nakaramdam.
"Hoy! Sigurado ka talagang diyan ka uupo? Wala kang katabi diyan bahala ka." Tanong naman sakin ni Enzo.
Lumingon ako at tiningnan kung saan sila nakaupo. Aba nga naman, talagang dun pa ang piniling upuan. Sa KALIKOD-LIKUDAN.
Nakabusangot naman ang mukha ko pagkaupo ko. Bale ganito ang seating arrangement:
Petals-Enzo-Ako-Gelo
Naggroufie muna kami habang nakasakay sa duyan. Hahaha! Maya-maya'y naramdaman na namin ang pagduyan! Holy sht! Noong una, mabagal lang, pero habang tumatagal...
"KYAAAAAAAAAHHHH!" Nangangatog na ang tuhod ko.
At hayan na nga ba, palakas nang palakas ang pag-ugoy ng duyan! WHATDAPAK!!!
Feel na feel talaga namin yung pag-ugoy ng duyan dahil nandito kami sa pinakalikod. Sheeeeet hayan na namaaaaaan!
"TANGINAAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw naman ni Petals at naghagalpakan lahat ng nakasakay. AHAHAHAHAHA! Grabe! First time ko lang makinig yung boses-lalaki niya! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Nawala tuloy ang takot ko dahil sa pasabog niya. AHAHAHAHAHA! Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob para buksan ang mga mata ko. Inenjoy ko na lang ang pagsalubong ng hangin. Wiiiiii!
Napatingin naman sakin ang katabi ko sa kaliwa.
"Okay ka na? Ang saya diba? HAHAHAHA."
"Oo. Gawa kasi ni Petals. HAHAHAHAHA." Sabi ko naman.
Maya-maya ay tumunog na ang malakas na tunog na nagpapahiwatig na patapos na ang oras niyo sa pagsakay.
Pagkababa namin ay nagyaya ulit akong magGroufie at ang background namin ay ang malaking ship. Pagkatapos ay clinaim namin ang picture namin dun sa booth. Ang kinuha namin ay yung nakanganga si Petals habang nakakapit kay Enzo. Kitang-kita naman sa mukha ni Enzo ang pagkabadtrip samantalang ako ay nakapikit at pokerface naman si Gelo. Ang saya diba? HAHAHAHA.
"Okaaay, pahinga muna tayoo." Suggest ni Petals na namumutla. Tinanong namin siya kung okay lang ba siya at kaya pa naman daw niya.
Naglakad-lakad muna kami sa Brooklyn at nagSelfie/Groufie habang naggagala. Napagdesisyunan na naming magnext batch of rides naman. 6:30PM na. Buti na lang 12MN ang sarado nito. Christmas vacay eh.
"The Grand Carousel!" -Petals
"EKstreme!" -Enzo
"Space Shuttle!" -Gelo
"Roller Skater!" -Ako
"MAIBAAAAAAA TAYAA!"
Yes! Nanalo ako!!! HAHAHA!
"Roller skater beybe!" At nagtatakbo na kami papunta dun.
Actually, pambata ang napili ko. Mini roller coaster pero pwede pa naman kaming sumakay. 10-second thrilling experience lang siya.
"Paano yan girl? By 2s lang?" Bulong sakin ni Petals
"Tabi na lang tayo!" I said.
Nagtabi kaming dalawa ni Petals samantalang sila Enzo at Gelo naman ang magkatabi.
Maya-maya'y bigla na itong umandar.
"UWAAAAAAAHHHHHH!" At sabay-sabay kaming nagsigawan. Paano ba naman biglang tumatagilid at napakabilis tumakbo. Hahaha. Pakinshet.
After ten seconds ay nagbabaan na kami sa exit. Tirikan halos lahat ng buhok namin. Para na akong si Sisang baliw. Hahaha.
Pagkaayos naming lahat ay nagmaiba taya ulit kami.
Holy shiz! Nanalo si Gelo. Ngiting tagumpay naman siya. "Space Shuttle tayo guys!" Sigaw niya. OMG. O___O
Nakapila kami ngayon sa Space Shuttle. Kitang-kita namin ang mga pagkadismaya nang mga sumakay dito. Nabigla kami nang makita namin ang UUG.
"Hoy! Ba't ganyan ang mga itsura niyo?" Sigaw ko sa kanila. Mga namumutla eh.
"Hu...wag na ka...yong sumakay diyan." Sabi samin ni Dominic.
"BWAHAHAHAHA!" Utas naman kakatawa si Enzo.
"Sige! Nasusuka na 'tong mga kasama namin eh. Babay!" Sabi naman ni Adrian at tuluyan na silang umalis.
"Oh em gee mga fafas! Tutuloy pa ba tayo diyan?!" Namumutlang tanong ni Petals.
"Kaya 'yan!" Sabi naman ni Enzo. "Ikaw? Kaya mo?" Tanong niya sakin.
"Ah eh.." Sa totoo lang, hindi ko alam.
"Kaya mo 'yan! Kasama mo naman ako eh." Hirit naman ni Gelo. Bigla kaming nagkatinginan ni Enzo. "Kakayanin ko!" Sigaw ko sa kanila. Susko, tulungan niyo po ako. Ngayon lang ako sasakay dito. Huhuhu.
Habang palapit nang palapit ang pila ay parang tatalon palabas ang puso ko. Nag-umpisa namang mangatog ang mga tuhod ko.
"Hoy! Kaya mo ba talaga?" Bulong sakin ni Enzo.
"Okay next na po!" Sigaw nung si Kuyang nagpapasakay.
"All is well." I said.
Nandito na kami at nakasakay na. Magkatabi kami ni Petals samantalang magkatabi naman sila Gelo at Enzo. Nagulat ako nang biglang may kumulbit sa kaliwa at kanang balikat ko. Hindi ko alam kung kanino ako unang titingin.
"Sige bro, ikaw muna." Kinig kong sabi ni Enzo kay Gelo.
Napalingon naman ako kay Gelo. "Kaya mo 'yan bestfriend!" I smiled. This time, kay Enzo naman ako napatingin.
"Friendly reminder, bawal ngumalngal." Bigla naman siyang tumawa. "Tse!"
"Awww. I'm so inggit naman! Dapat pala dinala ko yung jowa ko." Nagtawanan naman kaming apat.
Pagkatapos ay naramdaman na naming unti-unting umaatras ang aming sinasakyan. Ohmaygad.
"WAAAAAAAAHHHHHHH!" Pakinsheeeet!
"Hoy letse! Wala pa naman!" Sigaw sakin ni Enzo
Naatras na ang aming sinasakyan at pataas ito nang pataas. Nagtitilian at nagsisigawan na ang mga tao nung nakarating na kami sa highest point at biglang...
"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigawan ng mga tao! Pakinshet! Makabag-damdamin! Biglang nagrelease ito dahilan naman para mangatog ang tuhod ko. Huhuhu. Ayoko na.
"Ayoko na guyssss. Huhuhuhu." Malapit na akong maiyak.
"Anim na beses pa 'to Ateng! Huhuhu! Mamaya pa matatapos ang kalbaryo natin!" Maya-maya'y umulit na naman ang upside down experience namin. Haaaaay, pagkababa namin ay halos mamutla-mutla at masuka-suka na ako.
"Smile Yvaughn!" Putek! Stolen shot by Petals bading. =______=
"Hoy, ayos ka lang ba? Nasusuka ka ba?" Tanong sakin ni Enzo sabay pat sa likod ko. "Bwaak!" At hayun, nasuka na nga ako sa isang tabi. Nakakahiya. Nakita pa ni Enzo. Huhubels. Kadiri tuloy ako.
"Ewwww! So gross!" Sigaw ni Petals sakin.
"Tse! Sige, pupunta lang ako ng CR." Pumunta muna ako ng CR at dun nagkandasuka-suka. Holy sht. Buti na lang hindi na ako nahihilo. Alam kong pagkasuka ko ay mawawala na din 'to.
Naghilamos ako at nagmumog. Pagkalabas ko ng CR ay nakaabang si Enzo sa labas. May nilagay siya sa kamay niya at ipinahid sa ulo ko.
"Ano 'yan?!"
"Tumahimik ka na lang."
Naramdaman kong hinihilot na niya ako. Darn. Nakaramdam na naman ako ng body heat. HAHAHA. Deja vu?
"Okay na?"
"Salamat."
"Alam mo, muntik na akong maturn-off sayo. Pero imbis na maturn-off, naturn-on pa ako lalo." He grinned. =______=
"Ang sweet naman nung lalaking yun!"
"Kailan kaya ako magkakaboyfriend nang ganun?"
"Ang bait-bait pa, tapos ampogi pa!"
"With dimples pa, teh."
"Ang lucky naman ni girl!"
Kinig naming bulung-bulungan ng mga babaeng nakatingin samin.
"Ang swerte mo daw." Bulong sakin ni Enzo. Nagtayuan naman ang mga balahibo ko. Shiz. "Tara na?" At nagnod naman ako.
Dear girls, HINDI PA po ako maswerte. :)
"Okay! Okay ka na diyosa?" Concern na tanong sakin ni Petals
"Yes diyosa."
"Okay, bato bato pik na tayo Enzo!" Yaya naman niya
"EKstreme VS The Grand Carousel!"
Pagkatapos nilang magBato Bato Pik ay tumingin sila sakin. "What?!"
"Nanalo si...Enzo." Sabi ni Petals sakin.
"Oh eh di tara?" At niyaya ko sila sa pilahan ng EKstreme. Ayos na naman ang pakiramdam ko eh at saka masarap na din dun. Libreng view plus isang bagsakan na agad.
Tamang-tama, 7:30 na. Madilim at maganda ang view. Tanaw na tanaw ang kalawakan. 120 ft eh.
Pagkapunta namin sa pilahan ay nagulat kami nang makita ang barkada. Magkakasunod kami sa pila. Tamang-tama, 11 kami. 12 passengers ang kaya ng isang gondola.
"Next po." Sigaw ni Kuyang operator. Nagpapicture muna kami kay Kuyang operator saka sumakay. NagGroufie muna kami gamit ang aking monopad.
Nararamdaman na naming unti-unting tumataas ang gondola. Sabay-sabay kaming napaWOW nung malapit na kami sa tuktok. Ang ganda. Kitang-kita yung mga ilaw. Pinicturan ko yung view. Nagsisigawan naman yung mga tao sa baba, hudyat na ito na malapit na kami sa tuktok at...
"KYAAAAAAAAHHHHHH!!!" Nagsisigaw naman kami ni Reca at ang kasama naming bina-baeng si Petals. Naghagalpakan naman kami kakatawa nang makababa na kami.
"Babe, ayos ka lang?" Tanong ni Kuya kay Reca.
"Okay---" At hayun, nasuka na din si Reca.
Pinahiram muna ni Enzo si Kuya ng pain killer niya at tuluyan na kaming umalis.
"Grand Carousel na tayo guys." Sabi naman ni Gelo.
"Hay salamat po at maalwan naman ang aming sasakyan! Hallelujah!" Sigaw nitong si Petals at naghagikgikan kami.
Pagkatapos nang mahaba-habang pila ay nakasakay na din kami sa mga kabayo. At dahil kokonti na lang ang mga tao, nagpalipat-lipat ako ng aking upuan.
Naselfie din ako at nakipagGroufie sa kanila. Hahaha.
"Hoy, alam mo, sayo ako nahihilo hindi sa sinasakyan natin." Sigaw sakin ni Enzo.
"Sorry poooo." At napaupo naman ako dun sa parang Victorian sofa at sumandig.
"Suot mo pala yan?" Sabay turo niya sa kwintas ko.
"Oo. Kanina pa." I said.
"Ngayon ko lang napansin."
"Ang ganda diba?" Sabi ko sa kanya.
"Oo."
"Nasa nagdadala kasi 'yan." Sabi ko naman.
"Ahh. Pasalamat ka diyan sa kwintas kasi nadala ka." He chuckled.
"Whatever." Akala ko naman compliment na. Pang-aasar pa din pala. Psh.
Pagkatapos namin sa The Grand Carousel ay nagpahinga muna kami sa isang bench at kumain ng hotdogs.
"Okay ka na ba bestfriend?" Tanong sakin ni Gelo.
"Ah eh, oo!" Sagot ko naman. Weird. Bestfriend, huh?
"Pagoda na ang beauty ko, Ateng! Tapusin na natin 'to!" Yaya samin ni Petals.
"Ano pa ba ang gusto niyong sakyan? Halos nasakyan na natin lahat eh." Sabi ni Gelo.
"Wheel of Fate! At saka Rio Grande Rapids!" Request ko naman.
"Unahin muna natin yung Wheel of Fate." Sabi naman ni Enzo.
Nagpuntahan kaming lahat sa pilahan. Maya-maya ay kami na ang sasakay.
"Hay salamat naman at makakarelax din dito." Sabi ni Petals sabay upo.
Habang naikot ang ferris wheel ay nagseselfie ako.
"Hoy diyosa! Picture naman tayo diyan oh." Yaya ni Petals
"Tara!" At nagtabi kaming dalawa. Yung feeling na tumayo pa siya sa gondola namin para lang lumipat. =____=
Nagpicture kaming dalawa gamit ang aming mga different kinds of pose. HAHA! Maya-maya ay bigla ko namang niyaya si Gelo.
Nakailang shots din kaming dalawa. Maya-maya ay kinalabit naman ako ni Enzo.
"Ano?! Gusto mo din?!" Masungit ko namang tanong sa kanya.
"Sungit mo!" Sabi naman niya sakin.
"Awww! LQ!" Sigaw ni Petals. "Pagbigyan mo na si Fafa, Mama."
"Osige na nga. Ang lakas mo sakin eh." I said sarcastically. Aba, lumapit nga.
"9 shots lang ha? 3 seconds ang transition. Game!"
Hayun, iba't-ibang klase ng pose ang ipinamalas naming dalawa. Kinuha niya agad ang cp ko at ipinasa yung picture sa kanyang cp. He grinned.
"Groufieee!" Inilabas ni Petals ang monopad ko at nagpipicture kami. "Hoy baba na tayo! Tapos na!" At nagsibabaan naman kaming lahat.
"Oh, Rio Grande Rapids na tayo! Next time na lang yung Disc-O-Magic ha? Baka mamatay agad ako sa murang edad eh." Sabi ko naman sa kanila. Hindi ko ata yun kakayanin. Umiikot PLUS dumuduyan pa!
"Tumatawag ang Kuya mo." Sabi ni Enzo sabay abot ng phone niya sakin.
"Kuya?"
"Yvaughn, punta kayo dito sa Disc-O-Magic. Buong barkada daw, request ng mga uto-uto ko." Seryosong sabi ni Kuya. "Pero Kuya? Nagkandasuka-suka na kami kanina eh!" Pamimilit ko naman.
"Pretty please Yvaughn!" Kinig kong sigaw ni Dominic. "Hoy Dominic! Huwag mo akong mayabangan diyan ha! Ikaw nga 'tong halos mamutla na kanina!" Sigaw ko naman sa cellphone. "Osige na!"
"Sige. See you." At binaba na ni Kuya ang phone.
"Disc-O-Magic daw." I said with frustration.
Nandito na kaming lahat at nakapila. Haaay. Gusto ko nang magbackout. Enebeyen.
"Kayo na po." At pinasakay na kami ni Kuyang operator.
Nakasakay na kaming lahat at bigla na itong nag-umpisang dumuyan na parang sa Anchor's Away at umikot na parang Grand Carousel na kasing bilis naman ng Flying Fiesta. Clockwise then counterclockwise yung pag-ikot. Darn! Ang maladalawang minutong impyernong experience!
Pagkatapos nito ay bigla nang sumuko ang iba naming kasamahan. Napagpasyahan naming mamaya na muna kumain para naman hindi masayang at baka maisuka lang ng isa samin. Hahaha.
"I'm so dizzy!" Sigaw ni Petals.
"Rio Grande na tayo! Last na 'yan!" Yaya ko sa kanila. Naghiwa-hiwalay ulit kasi kami eh. Natira lang kaming apat. Nagpalit na kami ng mga tsinelas bago pa kami mabasa.
"I'm so egzoiteeeeed!" Sigaw ko. Isa din ito sa mga paborito kong rides.
"Game na."
Siyempre, bago pumila ay nagpicture muna kami dun sa harapan at umupo dun sa may raft.
"Kayo na po." Sabi ni Kuyang operator.
Pagkasakay namin ay inalon na kami. Wiiii! HAHAHAHA!
"OH EM GEE! ANG DAYAA! Bakit ako lang yung nababasa?!!!" Sigaw ni Petals at naghagalpakan naman kami sa kakatawa. Maya-maya'y ako naman ang nabasa! Whatdapak! Buti na lang ay kokonti lang ang nadamay sa shorts ko pero ang top ko ay basang-basa. Huhubels.
"BWAHAHAHAHA!" Kinig ko ang malakas na pagtawa sakin ni Enzo. Sa sobrang inis ko ay binasa ko siya. Hayan, bagay sayo. Hahahaha.
Pagkatapos ng malaanod na experience sa Rio Grande ay nagtakbuhan kami sa CR. Nakapasok na ako ng cubicle nang mapansin kong may nawawala sa gamit ko. Shit! Yung mga extra clothes ko!!!
Pagkatingin ko sa cp ko ay nakita kong nagtext si Mama.
From Ma:
Yung mga damit mo, iniwanan mo sa kama. Goodluck sayo.
Odiba? Ang kewl ng Mama ko noh? :3
Lumabas ulit ako ng CR. Daig ko pang sinakluban ng langit at lupa. Ang malas ko nga naman. Nakaisip ako ng magandang ideya! Bravo Yvaughn! You're so talino! HAHA!
To Reca:
Girl, peram naman ng extra clothes. Naiwan ko sa bahay yung akin. Huhuhu. T.T
Maya-maya'y nagreply siya.
From Reca:
Sorry girl, last ko na yung suot ko ngayon.
Awwww. Ang malas mo talaga ngayon, Yvaughn. May balat ka sa pwet today!
"Pst! Ba't di ka pa nagpapalit ng damit mo?" Nagulat ako nang bigla akong nilapitan ni Enzo sa labas ng CR. Buti pa siya nakapagpalit na. Haist.
"Ah eh... Kase... Ano.." Nauutal-utal kong sabi sa kanya.
"Ano?!"
"Na-naiwanan ko yung extra clothes ko sa bahay." Sabay tungo. Hay.
Napansin ko namang may kinukuha si Enzo sa bag niya. May inabot siya sakin.....
Huh?!
"Oh. Isuot mo muna."
"Ha?!"
"Sabi ko, ISUOT MO."
Bigla naman akong napanganga habang tinitingnan ang sweatshirt niyang hawak-hawak ko ngayon.
"Hindi ko kayang tiisin na makita kang halos mamatay na sa lamig. Ayoko 'ring makita ulit na masama ang pakiramdam mo. Kaya huwag ka nang makulit at isuot mo na 'yan." At pagkatapos nun ay tinalikuran niya ako.
Shiz. Hindi na mga unicorns ang nagwawala sa tiyan ko ngayon. This time, buong zoo na.
Pumasok ako sa isang cubicle sa CR. Hindi ko alam kung bakit inaamoy ko ngayon yung damit niya. Holy shiz, ambangooooo! Siya ata itong nagbubuhos ng pabango eh! Buti na lang hindi ko naiwanan ang mga undies ko at binukod ko ito sa mga extra clothes ko. Hinubad ko yung damit kong basang-basa at sinuot ang cosmic sweatshirt ni Enzo. Wow. Hashtag feeling comfortable. HAHAHAHAHA!
Medyo maluwag nga lang pero ayos na din 'to noh. Natatawa nga lang ako sa itsura ko ngayon kasi parang nakadress lang ako. Feeling swag! Hahaha! Thanks Enzo! =))
Ang sarap pala sa feeling magsuot ng damit panglalaki tapos siya pa yung nag-alok. Hihihi. Nagblush naman ako dun.
Pagkalabas ko ng CR ay biglang napatingin sakin si Enzo. Nagaabang pala siya dun.
"Sa-salamat Enzo!" Sabi ko naman sa kanya at niyapos ko siya nang mahigpit. Nagulat ako nang bigla kong makinig ang malakas na pagkabog ng puso niya. I can feel the beat of his heart. Akala ko, ako lang yung nakakaramdam ng ganun.
He feels the same way.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Ramdam ko yun. Pero after three seconds, naramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sa baywang ko. He hugged me back.
"Ang sweet naman!"
"Nakakainggit!"
"Di ba sila yung kanina?"
Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap ko. Sht. Nakakahiya. Maya-maya'y biglang lumapit samin si Gelo.
"Ah, Yvaughn, Enzo, masama daw ang pakiramdam ni Petals. Hindi na daw niya kaya. Uupo na lang daw siya sa bench."
"Sige, sasamahan ko na lang siya." Pagvovolunteer ko.
"Ah hindi na. Ako na lang ang sasama sa kanya." Sabi ni Gelo. Nagulat naman kaming dalawa ni Enzo at nagkatinginan. "Sige. Itetext na lang kita Yvaughn." At pagkatapos nun ay tuluyan na siyang umalis.
"May gusto ka pa bang sakyan?" Tanong sakin ni Enzo.
"Wala na eh. Ayoko na ulit mabasa. Hehehe." Sabi ko naman sa kanya.
"Pwes ako, meron pa." Bigla niya akong hinaltak at sinama kung saan kami pupunta.
[SWAN LAKE]
Nakapila kami dito ng kasama ko. Bakit dito?! Tiningnan ko kung ano yung ginagawa ng mga nakasakay sa swans. Ahh... Magpepedal pala.
"Next po." Sabi ni Ate at Kuyang operators na napatingin sakin. Dahil siguro sa suot ko.
Inalalayan ako ni Enzo sa pagsakay. Nandito na kami ngayon at nakaupo sa swan. Napakarelaxing pala dito. Ang sarap sa feeling.
"Bagay sayo." Out of the blue naman niyang sinabi. Napatingin naman ako sa kanya. "Ang alin?" At ngumuso siya at itinuro ang damit ko, ay este damit niya pala.
Naramdaman ko namang namula ako. Buti na lang at madilim na! Hindi na ako maaasar nito.
"Nga pala, heto yung extension nung regalo ko sayo." May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sakin ang isang infinity bracelet. Isinuot niya ito sa kaliwang kamay ko. Nang makita ko yung kanya ay ganun din. Magkaparehas kami.
"Thank you!" Sabi ko naman sa kanya.
"No worries." He said.
Maya-maya'y pinatigil nilang lahat ang rides, mag-uumpisa na daw kasi yung fireworks show eh. So ang tendency, napapunta kami dun sa maganda ang view para sa panonood ng fireworks. Nagumpisa nang magcountdown at...
10!
9!
8!
7!
6!
5!
4!
3!
2!
1!
At nag-umpisa nang magputukan at magpasiklaban ang mga fireworks sa kalawakan. Woooooow! Ang gandaaaa! Kinuha ko ang monopad ko at pinicturan ito.
"Enzo!" Bigla siyang lumingon at *click!*
"HOY! Bawal 'yan!" Pagpoprotesta niya sakin.
"According sa batas, walang nagsasabi na bawal 'tong ginagawa ko. Bleh!"
"Kulit mo!" Sabi naman niya sakin.
"Hoy! Picture naman tayo!" Yaya ko sa kanya. Monopad ang ginamit namin para kita yung background. "Yvaughn...."
Pagkalingon ko ay nagulat ako sa ginawa niya.
He kissed me on my forehead under the roaring fireworks.
"I love you, Yvaughn."
Naramdaman kong biglang kumawala ang mga hayop na nasa zoo sa tiyan ko.
After that scenario ay umalis na kami sa Swan Lake. Habang papunta sa aming meeting place ay daig ko pang naglalakad sa alapaap. Bakit ganito yung pakiramdam? Bakit ang sarap?
"Oh, nandito na pala sila." Sigaw ni Adrian sa labas
"WOAH DUDE! I smell something fishy here." At biglang umikot si Dominic sa harapan ko.
Yung suot ko.
"Kanino ka nakahiram?" Tanong ni Reca.
Bago pa ako makasagot ay may sumagot na para sa akin. "Pinahiram ko muna siya. Basang-basa kasi yung damit niya kanina eh." At nag-umpisa na silang maghiyawan at magkantyawan. Nakatingin naman sakin si Gelo. Shiz.
"Witwit!!!!" Sigawan ng UUG.
"Oh! At ano itoooo?!" Sabay turo ni Petals dun sa bracelet ni Enzo at tinuro niya din yung akin. "OMAYGAAAAAADDDD! Couple bracelet?! ANONG MEROOON?! May hindi ba kami nalalaman?!"
Sht! Couple bracelet? Kaya ba magkaparehas kami?!
"Wala kayong hindi nalalaman. Tara na." Sabi ko naman.
Pagkatapos ay nagakyatan na kami sa van. Yung iba ay pagod na. Samantalang yung iba naman ay energetic pa din. Tinext ko si Enzo.
To Enzo:
Hey. Thanks for the shirt and bracelet. Pwede bang tanggalin ko muna yung bracelet? Saka ko na lang isusuot?
Bigla naman siyang nagreply.
From Enzo:
No biggie. Okay lang. Hindi ko naman din intensyon yung 'couple bracelet'. Suot mo na lang pag tayo na. Hahahaha. #soonest
Kapal muks!
To Enzo:
Big W. :>
Nagstop-over muna kami at kumain sa isang kainan. Mga gutom na din kami eh.
Pagkarating namin sa bahay ay nagpaalamanan at nagpasalamatan kami sa isa't-isa. Nagbabay ako sa kanila lalo na kila Reca, Gelo at Petals. Nagenjoy daw sila ng sobra-sobra. Unforgettable ika nga. Pagkatapos ay nagkanya-kanya na kaming uwian.
Pagkauwi ay umakyat ako sa taas. Matutulog na sana ako nang biglang may nagtext.
From Enzo:
Iyo na lang yung damit ko. Souvenir. HAHA. Ge. Goodnight!
Haaaaaayyyy. Wala lang. HAHAHA.
To Enzo:
Ang dami ko ng utang sayo. Hahaha. Goodnight din! xx
Bigla kong kinuha ang iPod ko at nagpatugtog.
(MissCandyholic's Note: Pakiplay po nung nasa multimedia kung gusto niyo pong MAS kiligin. HAHA.)
♫♪NP: Smile ♪♫
Pagdating ng Chorus ay bigla akong nagsisigaw sa kwarto at sumabay sa pagkanta kay Uncle Kracker.
You make me smile like the sun,
Fall outta bed
Sing like a bird,
Dizzy in my head
Spin like a record,
Crazy on a Sunday night
You make me dance like a fool,
Forget how to breathe
Shine like gold,
Buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild
Oh, you make me smile
You make me smile, Enzo.
*****
MERRY CHRISTMAAAAAS!
Pasko na ngayon! Nagsimba muna kami tapos saka nagstay dito sa bahay. Ang bilis ng araw. Naalala ko tuloy nung nagSimbang Gabi ako at kasama ko ulit silang lahat. Kaso may twist. Kasama namin si Mama kaya hindi sila makapagingay. HAHAHA! Tapos, nagNoche Buena kaming tatlo nila Mama at Kuya kagabi. Ang saya diba? Tinext naman ako ng mga kaibigan ko kaninang 12 MN at binati ako ng 'Merry Christmas'. Nagreply din ako ng 'Merry Christmas'. Hahaha. Ang saya talaga pag Pasko.
Nagyaya silang magpunta ng Tagaytay. Ako daw ang driver. Hahaha. Sinasama namin si Ma pero ayaw niya. Haharapin niya daw kasi yung mga inaanak niya. Hahaha. So, kami lang ulit ang magkakasama.
Excited sila dahil ako ang magdadrive. Mga luko eh. Hahaha.
"Hoy Yvaughn! Baka 20,40 lang ang takbo mo! Aba! Mamaya pa tayo makakarating niyan sa Tagaytay." Loko sakin nila Elijah.
"HAHAHAHAHA!"
"Hoy, kaskasero yan, huwag kayo." Sabi naman ni Enzo.
At inumpisahan ko na ang pagdadrive. Bigla naman silang nagpalakpakan. HAHAHA! May mga sayad talaga. Maya-maya'y nakarating na kami sa Josephine at kumain. Tamang-tama pa naman ang view dun. Kitang-kita ang Taal Lake.
"YLo!" Sigaw samin ni Reca.
"Huh?" Napalingon naman ako.
"Picture naman diyan!" Sabi niya.
Pinicturan niya kami ni Gelo. Maya-maya'y si Petals naman ang sumigaw. "YZo! Come here!" At bigla niya naman akong hinaltak.
"Say YZo! 1,2,3.."
"YZo." Sabi naman ni Enzo.
What the---?! YLO and YZO?!
"YLo is the best! The best among the rest! Say go go! Fight fight YLo! FIGHT!" Pagchicheer ni Reca
"GOOOOO YZO! WE GONNA GO GO GO! WE GONNA FIGHT FIGHT FIGHT! WE GONNA WIN WE GONNA WIN WE GONNA WIN YVAUGHN'S HEART! WOOOOO! YZOOOOO!" Humirit naman itong si Petals with matching split at tumbling pa. HAHAHAHAHA! Utas naman kami kakatawa dito.
YLo VS YZo, huh?
"Nope. TReca is the best." Pahabol ni Kuya. HAHAHA.
---------------------------------------------------
Hello guyth! =)
Namiss ko kayo! Haha. Sorry sa matagal na update, naging busy lang si MissCandyholic nung mga nakaraang araw. Hope you understand. xx
Kung gusto niyo pong makita yung sweatshirt, nasa Multimedia po. Credits sa Google. Thank you. xx
Credits to Aira, para dun sa cheer. Haha. Alam mo yan.
Happy 3.5K reads! Thank you guiseee! :***
Be ready for the next chapters. :(