Kisses On Cheeks

By queenie_tyler

1 0 0

Kisses on cheeks, Back hugs, Sweet convos, Sweet smiles, Corny jokes, sweet dates. Yung feeling na ganyan yu... More

CHAPTER 1

Beginning

1 0 0
By queenie_tyler

"Okay class dismissed" Sabi ni Mr Del Ganio

Inayos ko ang nga gamit ko at nag-ready na papuntang library. Wala kasi akong klase mamaya dahil wala din namang prof ibinigay na niya yung task niya kahapon para ngayon at kailangan andun kami sa library para sa librong pag-aaralan namin.

"Aiglentine, sa library kayo ngayon hindi ba?" Tanong ni Felly

Tumango ako

"Kaklase mo doon si Xion?" Tumango ulit ako

"Paki bigay naman nito" inabot niya sa akin ang isang brown envelope

"Okay" umalis na agad ako pagkatapos magpaalam.

Naglakad ako sa hallway habang kinakapa ang naka-French braid na buhok ko. Natuwa ako dahil maayos pa ito.

"Miss! Excuse me!" May kanina pang sumisigaw nang ganon, Alam ko namang hindi ako iyon kaya hindi ko pinapansin.
Halos mapatili ako dahil may humila sa braso ko.

"I said miss excuse me. Can't you just turn your head to me?" Sabi ng lalaki sa isang matigas na ingles.
Ngayon ko lang napansin ako lang pala ang naglalakad sa hallway. Oo as in ako lang.

Pagtingin ko sa lalaki nagulantang ang mundo ko dahil si Zander Servinio ang humila at tumatawag sa akin. He's the president of student council here.

Napanga-nga nalang ako at biglang yumuko.
"Pres sorry , sorry talaga pres akala ko hindi ako yung tinatawag mo."
Nang i-angat ko ang ulo kong nakayuko. Nakita ko siyang naka taas ang gilid ng labi.

Pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil ayokong mapunta sa dean's office at masira ang reputansyon ko.

"Pres? Ano pong violation ko?" Nag-aalala kong tanong.
Andun parin ang killer smirk niya.

"Well kanina wala, I just want to talk to you pero ngayon parang meron na" kinabahan agad ako

"Well, anyways I'll just let you spare  this time. Miss Aiglentine Del Agatha right?"

Nagpakawala ako malalim na hininga, nabunutan ng tinik. Inayos ko ang salamin ko bago sumagot.

"Yup Pres bakit po?" Pres ang tawag ng karamihan sa kanya dito ang ibang kaibigan naman niya Zander lang pero kasi kagalang-galang talaga siyang tignan kaya mahihiya ang ahas na tuklawin siya at hindi tawaging Pres.

"I was stalking every students here in WCC for the past weeks. I was looking for a student that has a good reputation, good grades, strict and has a good manners" panimula niya. Naghintay ako ng iba pa niyang sasabihin bago sumabat

"Then I found you. Dean lister ka, top one lagi sa course mo and I'm glad na tahimik ka lang and look like some strict weirdo" tumawa siya ng bahagya sa huling salita.
Sumimangot nalang ako at naghintay pa ng ibang salita.

"I believe that you heard the news that Miss Danica Orion resigned as a secretary of mine because she's a graduating student and can't handle her time as a secretary so I decided to appoint a new one and that is you"

Napanganga ulit ako.

"But Pres? Pwede namang tumanggi diba?" Kinakabahan kong tanong

"Don't hurt my ego Miss Del Agatha besides kaya mo namang i-handle ang pagiging secretary at pagiging student anong problema?" nakabusangot niyang sabi

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero bastos naman iyon.

"Besides Miss Del Agatha may dagdag grades iyon don't worry" nakangiti niyang saad pero alam mo iyong ngiting may masamang balak iyon yon eh.

May dagdag grades, atsaka oo nga kaya ko naman iyong pagsabayin. Okay I'll accept this one. Pwede namang umalis pag naging toxic na eh.

"Okay then, I'll accept your offer Pres but I need to go kasi may library class kami today" tumango siya at binitawan ang kamay ko. Hindi ko napansin na nakahawak pala siya habang nag-uusap kami.

"Okay then, sa Monday magiging official ka ng secretary idadaos pagkatapos ng flag ceremony. Make sure na gumawa na ng speech mo okay?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Deal?" Dagdag niya
Kinuha ko ang kamay niya at marahang nakipag-shake hands

"Yup Pres bye I have to go" tumango siya.

Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa library. Nilapitan ko si Xion we're not close but still I need to give this brown envelope.

"Uhm excuse me Xion pinabibigay ni Felly" sabi ko

"Oh! Thanks Aiglentine" sabi niya ngumiti lang ako at tinalikuran sila.

Tumingin na ako ng libro para sa topic na na-assigned sa akin.

Secretary na ako ng SC sa school shucks. Dito  kasi sa school namin namely Willmere College of Christians ang President ng student council mismo ang mag-aappoint ng sarili niyang secretary. Tapos ang mga SC officers hangga't hindi pa sila graduated sa school na ito hindi sila matatanggal like si Jerome Lim siya yung treasurer dati pero gumraduate na kasi siya kaya mag-eelect nanaman sila this coming Monday din.

Bigla naman akong kinabahan. Pagkatapos kong gawin yung task ko, pinicturan ko iyon at sinend sa GC ng subject na ito. Ganon kasi ang sabi ni Mr Caltinomos. Na-seen niya agad at nagsend lang ng like emoji.

Umalis na agad ako doon iniwan ko muna sa locker room ang mga gamit ko at dumiretso sa rest room.

Pinasadahan ko ng tingin ang Dark blue coat ko inalis ko muna iyon dahil naiinitan ako. Naka sky blue long sleeves nalang ako. Inayos ko din yung dark blue skirt ko na hanggang tuhod ang haba.

Naglagay ako ng ka unting powder sa mukha at inayos ang salamin ko. Tinignan ko ang features ko. I have black eyes, pointed nose, thin lips, properly place cheeks, long brown straight hair na naka French braid and a fair skin. Sakto lang din ang height ko 5'4 pag walang takong 5'6 pag meron.

Lumabas na ako at dumiretso sa cafeteria. Tahimik akong umorder at tahimik din naman akong umupo sa lagi kong inuupuan.

Honestly speaking, hindi ako nakikipag-communicate kung hindi naman kinakailangan. Kaya ang resulta wala rin akong nakakausap sa school.

Nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain nang may tumabi at biglang umingay sa table ko.

Inangat ko ang tingin at inayos ang salamin ko.
Andito si Jennifer Uson, Jhon Mark Pineda, Mikael Fernandez, Helen Jamesmith. Sila ang mga SC Officers.
Inilipat ko ang paningin ko sa katabi ko si Pres naman ang narito.

"Zander? Kailangan dito talaga tayo uupo? Like gosh! Pwede namang sa usual spot natin" maarteng sabi ni Jennifer ang Vice president ng SC
Umupo siya sa tabi ni Pres at tinignan ako ng masama.

Ipinagwalang-bahala iyon Ni Pres at tinignan nalamang ako.

"Mind if we join you?" Tanong niya.
Narinig ko ang ilang kantyawan nila John Mark at Mikael samantalang si Helen nakatingin lang sa amin.

"Uhm not at all. Patapos na rin naman ako" sabi ko at ibinaling nalang sa pagkain ang atensyon.

"From now on lagi ka ng sasama samin sa lunch. You know? Meeting para sa school and on and on" sabi niya at naramdaman ko ang titig niya sa akin.

"Uh? Pero hindi panaman official ang pagtalaga sa akin kaya pwede naman sigurong huwag muna?" Nag-aalinlangan kong sabi.

"Tsk, ikaw na nga ang nilalapitan ayaw mo pa?" Masungit na sabi ni Jennifer

"Can't you just shut up please?" Mariin na sabi ni Pres. Nakita kong umigting ang panga niya at ang mga mata niya ay biglang dumilim.

Bumaling siya sa akin

"No. As soon as possible kailangan na tayong magkakasama palagi kahit next week pa iyong official dahil pag-uusapan na natin ang ceremony" paliwanag niya.

Tumango nalamang ako.

"So? Kailan ka gagawa ng speech?" Tanong ni Helen sa isang kaswal na tono.

"Maybe later?" Sabi ko

"Great then! Gusto mong tulungan kita?" Sabi naman ni Jhon Mark

"No. I can do it by myself" tanging saad ko

"Haha! Wala ka pala JM eh" pangungutya ni Mikael
Pabirong sinapak ni JM si Mikael

"Bibigyan kita ng ilang task kasi ayaw ng gawin iyon ni Miss Orion, ikaw na din ang nilagay kong pangalan sa iilang project na ginagawa namin at kailangan ng pirma mo iyon so after class pwede ka naman siguro dumaan sa SC office para kunin iyon"

"Uhm yup kaya naman"
Grabe wala pang opisyal na pagtatalaga sa akin may trabaho na agad ako.

"I should handle my time properly, hindi na ako maggagala this coming Wednesday" wala sa sarili kong sabi.

"Thinking out loud huh?" Bulong ni Pres

Ngumiti nalang ako.

"Gumagala ka pala Aiglentine? Hindi halata" sabi ni JM habang ngumunguya

"Maybe you should eat first before eating, I can't understand you fully. And yes, gumagala ako somewhere down the road" mahinang sabi ko habang nakapangalumbaba.

I can't help but not to act formal. Mukha naman kasi silang friendly except kay Jennifer na may galit ata sa akin.

"Haha, somewhere down the road? Sama naman kami ni Mikael minsan" sabi ulit ni JM

Ang iba ay kumakain lang habang ako hinihintay silang matapos nakakahiya naman kung basta ako umalis

"Ma-boboring lang kayo. Its a girl thing" sabi ko

"Tss Zander gusto mo pa ng food?" Malambing na sabi ni Jennifer

"Ayoko na" maikling tugon ni Pres

"Ano bang girly thing yan Aiglentine?" sabi naman ni Mikael

"Hmm? Book hunting" sabi ko

"Hindi naman boring iyon ah! Sama kami minsan" sabi uli ni JM

"Okay, pag may time" sabi ko nalang

"Ayos!" Nag-apir sila ni Mikael

"Wala ka bang nickname? Masyadong mahaba ang Aiglentine eh" sabi naman ni Mikael

Sasagot na sana ako pero biglang sumabat si Pres

"Stop bugging her and just eat your food" masungit niyang sabi

"Zander nakikipag-kaibigan lang kami" giit ni JM

Nagtitigan sila gamit ang matalim na mga Mata.

"Okay lang naman Pres and wala akong nickname" sabi ko kaya napatingin sila sa akin

Umirap si Jennifer sa akin at tumingin sa ibang lugar.

"Aiglentine? Maybe we should call her Len? What do you think?" Pambasag sa katahimikan ni Helen

"Oo maganda nga iyon!" Si Mikael naman ngayon

"Mas maganda iyong Bitch" bulong ni Jennifer na mukha namang hindi nila narinig. Ipinagsawalang Bahala ko nalang iyon.

"Len? I like it" sabi ko nalang

"Who made your hair Len?" Tanong ni Helen

"Ako lang" simple kong sabi

"Whoah! Can you fix  my hair too? Ganyan din gusto ko"

Tumawa ako at tumango

"Mamaya after class mo ah. Dadaan ka sa SC office diba?" Tumango nalang ako

"May extra sanrio pa naman ako kaya ayos lang" sabi ko

"Can you fix my hair too?" Maarteng sabi ni Jen

Napasinghap ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Tss never mind ayoko pala" maarte niyang sinabi

"Alis na ako" malamig niyang sabi pagkatapos hinalikan si Pres sa pisngi

"Bye babe" bulong niya

Sila pala? Ang galing naman nilang magtago ng relasyon.

"Tss" umigting ang panga ni Pres at matalim na tinignan si Jennifer.
Tumawa lang siya sa reaksyon ni Pres at umalis na.

Biglang lumapit sa akin si Helen at bumulong.

"Pasensya ka na kay Jennifer ah, ganon lang talaga iyon" sabi niya

"Naku, ayos lang naman" sabi ko at ngumiti.

"Sila ba ni Pres?" Bulong ko sa kanya
Tumawa lang siya at umiling

"Hindi?" Takang tanong ko

"Hindi sila, si Jennifer may gusto kay Zan si Zan naman may ibang gusto na ayaw niyang aminin sa amin" sabi niya

Tumango lang ako at ngumiti na rin.

Continue Reading

You'll Also Like

261K 29.9K 76
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
678K 34.9K 30
π“π‘πž π”π§πžπ±π©πžπœπ­πžπ 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
262K 19.7K 58
Archana have everything that a girl could wish for, studying in one of the top universities of India, she have everything a human ever need, loving p...
4.4M 276K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...