My Nerd Ex-Wife(Completed)

Von Pink_Butterfly1989

1.1M 20.4K 2.9K

Isang napapanahong kuwento. Kuwento nang isang babaeng inapi dahil sa kanyang hitsura ngunit babangon at sa p... Mehr

Obsession!
She Succeeded!
Rush Wedding Plan!
The Hot Scene!
Chasing My Wife!
HARAPAN(Girlfriend & Wife)
Temptation of Wife
TAPATAN(Expected Meet Up)
Kaibigan O Ka-Ibigan
PAKIRAMDAMAN!
HARAPAN(Kasintahan vs Kaibigan)
NAGKAALAMAN(The Truth Beyond)
Torn Between Two Lover
PILI(Kabit o Asawa)
UNDECIDED!
A Change Has Come!
The GODDESS & The NAGGER
Clash of Rivals
Return of the Goddess
Karma is a Bitch!
When Realization Hits
A Fight for a Rights!
LABANAN(karapatan, pag-ibig at anak)
My Ex-Wife is My Biggest Regret
My Ex-Wife AFFAIR with Me!
My Ex-Wife My Mistress
SCHEME!!
Despirate Move!
EXPIATION(Pagtakip Sa Kasalanan)
UNVEILING HER LIES!
PAGBUBUNYAG(Revelation)
PAGSISISI AT PAGTANGGAP
Your Marriage is A Lie!
The PROPOSAL
The Goddess Bride!

Cold Husband

62.1K 742 40
Von Pink_Butterfly1989





             Wala nang nagawa si Grae nang ipakasal siya kay Mia. Nahiya rin siyang tumutol dahil ang tiyahin na mismo ang nakiusap sa kanya. Kalat na kasi sa mga tao roon ang naganap sa kanila ng babae at nakakahiya daw kapag hindi niya ito pinakasalan. Hindi man niya mahal ang babae pero gagawin lang iyon maisalba lamang ang dignidad ng tiyuhin sa nasasakupan nito.



         "Huwag mong asahang ituturing kitang asawa dahil alam mong pilit ang lahat," matigas na wika habang naglalakad siya kasama ang babaeng papakasalan.


         Nakita niyang nag-iwas nang tingin ang babae sa kanya.

       "Kasal lang tayo sa papel. Iyan ang itatak mo sa isipan mo," dagdag pa nito at nahinto lang nang matapat na sila sa mismong harapan nang mismong tiyuhin na magkamasal sa kanila.


         Hindi iyon ang wedding day na pinangarap ni Mia. Imbes na kasiyahan ang bumalot sa kanya kundi kalungkutan. Tila gusto na niyang magsisisi sa lahat nang nagawa ngunit naroroon na siya. Ilang minuto na lang ay magiging asawa na niya ito.


        Tuluyan na ngang natapos ang kasal nila. Isang simpleng salu-salo lang sa bahay ng tiyahin niya ginanap ang reception nila. Sa totoo lang ay ayaw naman ni Grae ang mag-celebrate dahil wala naman dapat ipagdiwang sa araw na iyon.




        Bakas sa mukha ng lalaking mapapangasawa ang galit sa kanya. Ramdam na ramdam niya iyon kahit sinabi nitong 'I do' ng tanungin ito nang tiyuhin.

        Sa unang gabi nila ay isang malamig na Grae ang nakasama. Nahihiya man siyang pumasok sa silid na inuukupa nito ngunit kailangan dahil pinagpilitan nitong dapat ay magkasama na silang matulog dahil mag-asawa na sila.



        Pagpasok niya sa silid nito ay nakita niya ang ilang bag na nakahanda. Nakatayo lang siya sa may pintuhan dahil hindi nakita doon ang lalaki.


         Nang maya-maya ay bumukas ang pintuhan nang banyo at lumabas doon ang hinahanap. Tila hangin siya na dinaanan lamang.


        "Babalik na ako sa Manila bukas. Bahala ka kung sasama ka o hindi," walang emosyong saad nito.


        Tahimik siyang naupo sa gilid nang kama. Habang nakaupo naman ito sa kabilang gilid nang kama.


          "Sasama ako," mahinang turan niya. Ngunit wala siyang nakuhang kasagutan mula rito.


          "Sa baba ka matulog." Narinig na wika nito imbes na sagutin ang sinabi niya.

            Bigla ay nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Wala siyang nagawa kundi ang kunin ang unan at ang comforter na inihanda nito para ilatag niya sa ibaba.


        Hindi siya nagsasalita. Maingat ang mga galaw. Tinanggal ang salamin sa mata at nahiga patalikod sa kamang kinahihigahan nang asawa.

          'Ito na ba ang kabayaran nang aking kapangahasan,' bulong aa sarili sa pagkaawa.


            Malalim na ang gabi pero hindi makatulog si Grae. Dinig na niya ang mabining paghinga nang babaeng nasa lapag. Agad niya itong tinanaw. Nakatalikod ito sa kanya dahilan para hindi makita ang mukha nito.


          Medyo nahabag siya rito ngunit dapat lang ito sa kanya. Hindi niya alam kung papaano ipapaintindi sa kasintahang si Angelique ang lahat ng ito. Na sa pagbabakasyon niyang iyon ay bigla na lamang ay kinasal na siya.


        Nasa ganoon siya ng biglang gumalaw ito at napabaling sa kanya ang maamo nitong mukha. Hindi niya maiwasang mapasinghap ng makita ang magandang mukha na nagtatago sa isang malaki at makapal nitong salamin. Ang labing kay sarap halikan na bahagyang nakaawang pa.

         Gulong-gulo siya sa sandaling iyon. Kaya minabuting matulog na rin baka kung ano pang magawa na makapagpapalala sa sitwasyon niya.


         Kinabukasan ay nagpaalam na rin siya sa kanyang lola. Nagpasya na siyang sumama sa asawa niya sa Manila. Sabi kasi ang papa nito ay nakatira daw ang lalaki sa condo nito mag-isa. Mabuti na rin daw kapag sumama siya upang may mag-aalaga sa asawa niya. Naisip na iyon na rin siguro ang pagkakataong maipadama sa asawa ang kaniyang kahalagahan.


          Malawak ang condo ng asawa. May dalawang kuwarto. Maayos na kusina at sala.

         Pagpasok ay agad nitong binitawan ang dala nitong bag. At tinuro sa kanya ang silid na gagamitin niya.

         "Iyang silid na iyan ang iyo. At iyang kabila ang sa akin. Gaya ng sabi ko. Mag-asawa lang tayo sa papel kaya malaya kang gawin ang gusto mong gawin sa buhay mo at ganoon din ako. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ma-otoridad nitong saad.

          Napasinghap siya sa sinabi nito. Tila naumid na rin ang dila at hindi na nagsalita pa. Binitbit ang bag at nagpatuloy na sa kanyang silid. Sa silid ay muling bumuhos ang luha niya.

            "Huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak," hamig niya sa sarili. "Kailangan maging malakas ka. Ginusto mo ito kaya kakayanin mo." Bulong sa sarili.

           Tatlong oras na siya sa kanyang silid nang mapagpasyahang lumabas ng magulantang siya sa eksenang nadatnan paglabas.


         Halos hindi siya makakilos ng makitang halos mahubaran na ang babaeng kahalikan ng asawa.

         'Huwag kang iiyak,' muling paalala sa sarili.

          Nabigla rin ang mga ito nang makita siya. Napatigil sa kahalayang ginagawa.


         "I'm so...ry..." turan saka nagpatuloy sa pagtungo sa kusina.


         Narinig niyang nag-usap ang mga ito at siya ang topiko.


         "What!" Sigaw nang babae nang marinig ang sinabi ng asawa.

        "What is it again? Do I hear it clear? Asawa mo ang babaeng iyon. Grae, ako ang girlfriend mo tapos sasabihin mong asawa mo iyong.....iyong.....iyong nerd na iyon," inis na turan nang babae.


        "Calm down Angelique. Nothing to worry okay. I don't love her, napilitan lang ako kasi nalagay ako sa alanganing sitwasyon. Ayaw kong itaya ang reputasyon ng tiyuhin ko bilang alkalde ng lugar nila kaya napilitan kong pakasalan iyang si Mia." Dinig na paliwanag ni Grae.


         "So Mia pala ang pangalan ng nerd na haliparot na iyan. Don't tell me na may nangyari sa inyo kaya napilitan kang pakasalan siya," ani pa nang babae.


         "Hindi ko alam Angelique please. Ayaw ko nang balikan. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyong iyon," ani ni Grae sa kasintahan na hindi halos makapaniwala sa nagawa.

          "My God Grae. My Goooooddddd! Ipagpapalit mo na nga ako sa nerd pa." Singhal pa nito.

          Halos takpan na ni Mia ang tainga sa mga panlalait sa kanya nang babaeng kausap nang asawa.


          "I can't take this Grae. Nakakababa ng self confidence. Hindi ko matanggap na natalo ako nang isang werdong babae lamang."



           "Please Angelique, try to understand my situation. Magsasama kami pero hindi ibig sabihin noon na magsasama kami bilang mag-asawa. Ikaw ang mahal ko please," sumamo pa ng asawa sa babaeng kausap.


        Maya-maya ay wala na siyang narinig pa. Hanggang sa makaramdam siya nang presensiya sa kanyang likuran. Agad siyang lumingon at nakita ang babaeng kasama nang asawa kanina.

          Naka-short-short ito at hanging blouse. Seksi, maputi at maganda. Matalim ang titig nito sa kanya.


          "Maaaring kasal kayo ni Grae pero akin ang puso niya. Akin lang," anito sa kanya.

          Hindi na niya pinatulan ito. Umakto siyang walang narinig. Lalampasan na sana niya ito nang hawakan siya nito sa braso.

          "Kailanman ay hindi magkakagusto si Grae sa'yo. Itatak mo yan sa isipan mong malandi ka. Akala mo kung sinong maria clara. Iyon pala mas malandi pa sa higad," pangmamata nito sa kanya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig.

           Nang makawala siya sa babae ay nagpasya na siyang bumalik sa silid muli ay nadaanan ang asawang nakatingin lang din sa kanya.

          Pagkapasok sa kuwarto ay agad siyang dumapa sa kanyang kama at doon binuhos ang lahat nang sama nang loob.

             "Kasalanan mo ito. Kaya dapat kang magtiis," paninisi sa sarili.


              Araw-araw na ganoon ang kanilang gawain. Nakatira sa iisang bubong pero hindi nagpapansinan. Halos wala na siyang ginawa maghapon kundi ang hintayin ang lalaki kung kailan uuwi.

              Napapagod na siya at tila gusto na niyang sumuko. Hanggang sa napagpasyahan na lamang niyang maghanap nang trabaho. Para naman hindi siya mabagot.


               Pag-uwi sa bahay ay nabigla siya nang tumambad ang tatlong lalaking hindi kilala. Habang papalabas naman sa kusina ang asawang may bitbit ng tray ng alak.


               "Ohhhh! Bro, is she the one," tawang wika nang isa sa mga ito na tila ba kilala na siya nito.



                 "Hanep bro, nadali mo si manang," turan pa ng isa.


              Hindi na niya gusto ang mga sinasabi ng mga ito kaya mabibilis ang mga paang tinungo ang silid niya.


           Maging sa loob ng silid ay dinig na dinig ang mga panlalait sa kanya ng mga ito.

          Hanggang sa nakatulugan na lamang niya. Nagising siya sa pagkalam ng sikmura. Agad na sinipat ang orasan at nalamang alas dos na pala ng madaling araw hanggang sa napagpasyahan niyang tunguhin ang kusina.

         Paglabas ay nabungaran ang nagkalat na basyo ng beer. Wala na doon ang tatlong lalaking kasama ng asawa kagabi hanggang sa masumpungan ang mata ang asawang malapit ng mahulog sa sofa. Maaaring hindi na nito nagawa pang pumunta sa silid nito sa kalasingan.

         Maingat niya nitong tinulak pabalik sa sofa ngunit medyo may kabigatan ito. Kaya ginamit ang dalawang kamay para maagapan ito sa pagkakalaglag nito roon. Ngunit ng yumukod siya rito ay bigla naman siya nitong niyakap. Yakap na muling nagpakawala sa kanya sa kanyang katinuan.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.8M 22.6K 58
(Rated SPG) She thought she knew her limitations with alcohol but she's wrong and then she got drunk. She became wild and had her first sex with a to...
1.7K 123 46
What's more important, a promise you made with someone in the past or the one who you love in the present?
350K 4.6K 31
Try to get in to the flow of the story. This story is not suitable for young ages. It is a typical story which can be found out there. A story of mov...
92.2K 1.8K 36
The Women Series: One Greek Aphrodite Desiderio Hajik Andrew Desiderio ___________________________ STARTED: March 20, 2018 ENDED: February 10, 2022 S...