-Kai-
"Ma, Anong apelyido nina Tita Rome?" tanong ko sa nanay ko nung maabutan ko siyang nagluluto sa kusina.
"Bakit mo tinatanong?" balik tanong niya habang hawak pa yung sandok.
"Basta sagutin mo na lang... Po." napakamot ako sa ulo ko, kasi naman magbabalik tanong pa eh di na lang sumagot ng diretso.
"Aba... Kung makipagusap ka sa kin parang tropa mo ko ah. Nanay mo ko hoy."
"Eh bilis na kasi sagutin mo na lang.... Po."
"Ayokong sagutin, alamin mong mag-isa."
Hala ka?
"MA!"
"Tingnan mo to sinisigawan pa ko, batuhin kaya kita ng sandok diyan?"
"Sagutin mo na kasi yung tanong ko... Po"
"Ayoko nga, ikaw may gusto sa anak ni Rome edi ikaw umalam mag-isa. Kaya mo na yan Kai!" aniya at ningisihan pa ko. Aba naman.
"Ewan papasok na lang ako sa school... Po"
Nakakabugnot naman laking tulong na nagawa ng nanay ko eh no? Ibang klase talaga. Tsk.
Pagkarating ko sa school, as usual marami na namang babae, pusong babae at malapit ng maging babae ang nakatingin sa pagdating ko. Ganyan talaga kapag gwapo hindi ko na kailangang ulitin pero mas maganda na yung malinaw. I'm the best.
"Excuse me, uy excuse me. " napatigil ako sa paglalakad nung may kumalabit sa likod ko. Tiningnan ko siya.
"Ano bang ini-excuse me mo? Edi dumaan ka bakit kailangan mo pa mangalabit tsk." maganda sana siya kaso mukhang papansin.
"Ang sungit naman nito, may itatanong lang ako eh."
"Hindi mo ba ako kilala ha... Miss?"
"Hindi eh, pero mukhang sikat ka dito kasi maraming nakatingin sayo, sabagay gwapo ka rin naman---"
"Anong sabagay? Gwapo talaga ko no!" nabulag pa ata tong babaeng to hindi niya makita ng malinaw ang pinagkaiba ng may mukha sa gwapo. Tsk.
"Mahangin ka pala, o siya sige na hindi na ako aangal sa sinabi mo basta sagutin mo lang yung itatanong ko---"
"Ayoko." sagot ko agad sa kanya saka mabilis siyang tinalikuran. Mukhang bagong salta lang dito sa school eh ako agad nakita ah baka nag-transfer lang yan dito para magpapansin sa kin. Sabi na nga ba ang layo ng nararating ng kagwapuhan ko eh.
"Uy saglit lang naman kasi may itatanong lang naman talaga ako eh."
Sinundan niya ako. Nyeta naman oh.
"Ayoko nga at wala akong balak sagutin kung ano man ang gusto mong itanong--"
"Kilala mo ba si Krystal Mallari?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Ano uli yung narinig ko?
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga. " sabi ko.
"Hay mahangin na bingi pa, talento mo ba yan ha? Tss. Sabi ko kung kilala mo si Krystal Mallari!"
Galit pa ata siya ah. Ibang klase pero di nga ako nagkamali ng dinig. Hinahanap niya si Maangas na nerd.
"Hindi ko yun kilala kaya lubayan mo na ako."
"Hay ganun ba? Ano ba yan ang dami ko ng pinagtanungan wala man lang nakakakilala sa kanya? Sabi dito siya nag-aaral. Sikat yun nung elementary at high school kami kaya imposibleng di siya maging kilala dito."
Napatigil na naman ako sa sinabi niya pero napatawa rin ako bigla.
"Seryoso ka? Sikat!? Ah alam ko... Sikat sa kapangitan---"
"HOY ANG GANDA GANDA NON!"
"T-Teka sinisigawan mo ko? Ayos ka ah."
"Sinabi mo kasing pangit si Krystal eh ang ganda ganda non eh bulag ka siguro." nag pout pa siya na parang asar talong bata.
"Pfft. Baka ikaw ang bulag hindi mo makita ang pinagkaiba ng maganda sa pangit. HAHAHA!" ayan di ko na talaga mapigilang di mapatawa. laugh trip tong babaeng to eh.
"SINABI NG---Teka, sa reaksyon mo parang… parang kilala mo si Krystal ah!”
Natigil ako sa pagtawa, shet tinanggi ko nga palang kilala ko siya.
“Ah… hindi ko nga kilala yun sige bye—“
“HEP!!!!” humarang siya sa harap ko.
“Ano ba? Crush mo ba ko bat sunod ka ng sunod?”
“Ang kapal talaga… hoy Mr… Mr. Wind! Dalhin mo ko kay Krystal Mallari ngayon na!”
“Anong sinabi mo? Inuutusan mo ko?! Atsaka… HOY! ANONG MR. WIND SINASABI MO DIYAN? KAI ANG PANGALAN KO NARINIG MO? KAI!!!!!!”
Agang manira ng araw ng babaeng to.
“Ang hangin mo kasi eh pero oh sige Kai… Kai-yabangan, dalhin mo ko kay Krystal Mallari.”
At talaga naman! Kai-yabangan daw? Sinusubukan ako ng babaeng to ah!
“Hinahanap mo si Krystal Mallari?” sabi ko at tumangu-tango.
Tumangu-tango rin siya. “Yup, hinahanap ko siya ilang ulit pa ba?”
“Hinahanap mo talaga?”
“Oo nga kulit naman ng tae nito eh.”
“EDI HANAPIN MONG MAG-ISA MAY MATA KA NAMAN!” sinigawan ko siya na ikinabigla niya sabay karipas ng lakad.
“KAI-YABANGAN!”
Tang i---Hay nakakaasar ang kulit!
“ANO BANG PROBLEMA MO?! LUBAYAN MO SABI AKO EH!” sigaw ko uli sa kanya nung makalapit na naman siya.
“Dalhin mo nga kasi ako kay Krystal at hindi na kita lulubayan ngayon pa’t sinisiguro kong kilala mo siya halata sayo eh.”
“Manghuhula ka ba ha? Talent mo ba yan? Tsk.”
“Basta kapag dinala mo ako kay Krystal… pangako titigilan na kita. Hehe.”
Nagpa-cute pa raw langya naman oh.
“Ano ba kasing meron dun at hinahanap mo yun? Saglit tatawagan ko si Sehun.” As usual baka magkasama na naman sila. Mamaya pang 11 am ang klase namin eh kaya malamang malay ko kung nasaan yung nerd na yun.
“Kilala mo nga siya! Hahaha I knew it, siguro isa ka sa mga may gusto kay Krsytal no tapos niligawan mo siya tapos na-basted ka kaya bitter ka at hindi matanggap ng kagwapuhan mo kaya ayan tinanggi mong kilala mo si Krystal—“
Tinakpan ko ng isang kamay ko yung bibig niyang pinaglihi sa armalite.
“Nakakasuka ang mga pinagsasabi mo.” Sabi ko habang idina-dial ang number ni Sehun.
Baliw ata tong babaeng to, tingin niya kay Krsytal Mallari napakaganda pwe ha pwe.
-------------------------------
-Krystal-
Palabas palang ako ng bahay nung nagmamadali akong salubungin ng Mommy ko.
“Ano na naman ba yang suot mo! Magpalit ka nga!” bungad niya.
“Bakit po? Papasok na ako---“
“May gwapong binata na naghihintay sayo sa labas, manliligaw mo yun ano? Bilis, magbihis ka baka ma-turn off yun. Isa siyang Montague, bakit di mo sinasabi sa kin na may manliligaw kang isang Montague—“
“Manliligaw, Montague… Si Sehun?” gulat kong saad, paano kasi… Montague ang apelyido ni Sehun.
“Oo! Kaya magbihis ka ng maganda—“
“Ma! Si Sehun yun bakit kailangan ko magpalit?”
“Ayun nga eh, si Sehun Montague yun---“
“Kilala niya ako bilang ganito hindi bilang magandang Krystal na gusto niyo, kaya papasok na ako.” Giit ko at nilagpasan na ang nanay ko, narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko na siya nilingon. Nagmamadali akong lumabas para lang mabigla.
Nandun nga si Sehun sa labas ng gate namin, at mukhang sinusundo ako.
“S-Sehun?”
“Hi Krystal, tara sa school?” sabi niya at binuksan yung pinto ng kotse niya.
Alangan akong lumapit sa kanya. “Ah… anong ginagawa mo dito?”
“The obvious, sinusundo ka kaya tara na.” Sabi niya at ngumiti.
Ilang ko rin siyang ningitian. Tapos ay pumasok na sa kotse niya, di nga sinusundo niya ko? Bakit? Simula na ba ng panliligaw niya? Di pa nga ako pumapayag ah…
“Ah Krystal, siguro nabigla kita nung sabihin ko sayong gusto kitang ligawan. Baka nailang ka rin sa kin bigla—“
“Uy hindi ah, kailangan ko lang talaga ng oras para mag-isip.” Depensa ko, pero iniwasan ko siya ah nagtago pa nga ako kasama si Kai--- ang sinungaling ko.
Nakita kong napangiti siya pero yung tingin niya nasa daan pa rin.
“Hindi mo naman kailangan madaliin eh, willing akong maghintay pero wag mo sana akong iiwasan. Okay?” sinulyapan niya ko saglit.
“Ah… yung totoo kasi Sehun nahihiya ako sayo, bakit kasi ako pa? Ano kasi eh…”
“Lagi mo na lang kasi iniisip yung sasabihin ng iba, basta ikaw ang gusto ko. Argh, masyado ba akong rush? Ngayon ko lang kasi to naramdaman. Yung feeling na gusto kita laging nakikita, nakakausap, nakakasama… I know there’s something.”
“Baka naman natutuwa ka lang sa kin.”
“Is that what you think? Basta liligawan kita at papatunayan ko sayo ang feelings ko kaya sana pumayag ka.”
I can feel the sincerity in him. Tama nga si Kai jackpot na ako kay Sehun pero kasi… ayokong samantalahin yung feelings niya.
“You know, I like you Sehun but not in a very special way at this time.”
“I know, I can feel it, you just see me as a friend at this moment.”
“Sehun…”
“But, let me give you a warning Krystal… I will make you fall in love with me.”
Napatingin ako sa kanya, nakatingin din siya sa kin pero mabilis din niyang ibinalik ang tingin niya sa daan. Bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko. Fall in love with him…
Bigla naman din nag-ring ang cellphone niya. Kinabit niya ang ear piece at sinagot yun. Nangunot noo pa nga siya eh.
“Kasama ko siya, bakit? Ganun ba, Sige ite-text kita kapag nasa school na kami.” Pagkatapos ay binaba niya na ang tawag at sinulyapan ako. “Madalas kang hinahanap sa kin ni Kai ah. Ano kayang meron?”
Si Kai ang tumawag? Hinahanap na naman ako?
“Baka gawa nung sa Statistics namin…”
“Bakit may atraso na naman siya sayo?”
“Ah… wala naman.” Di ko na sasabihin kay Sehun no, teka pinagtatakpan ko si Kai sa kalokohan niya? Kung tutuusin malakas ako kay Sehun eh pero syempre ayoko naman mag-away sila dahil sa kin.
Ilang saglit pa ay nasa school na kami.
“Krystal tandaan mo yung sinabi ko sayo ah.” Sabi ni Sehun habang naglalakad kami palabas ng parking lot.
“Yeah, should I be ready?” biro ko sa kanya.
“I’ll surprise you.” Sabi niya at nag-wink sa kin. “Call it Seducing Krystal Mallari.”
“Di ba parang ako pa nga ang nang-seduce sayo?”
“Nu ka ba, kinuha mo ang puso ko ng di mo namamalayan.”
“Okay.” Sabi ko at tinawanan siya, pero sige na nakakilig yun.
Ilang saglit pa ay natunaw ang ngiti ko nung Makita ko si Kai na papalapit, may kasama pa siyang babae—nanlaki ang mga mata ko.
“OH AYAN AYAN ANG KRYSTAL MALLARI NA IKAMAMATAY MO KAPAG DI MO NAKITA!” sigaw ni Kai.
Tinitigan ako nung babaeng kasama niya, aalis na sana si Kai pero mabilis na nahigit ng babae yung braso niya.
“Sigurado ka bang siya?” tanong nung babae kay Kai. S-Si Nana…
“Mukha ba akong nagjojoke ha? Ano nakita mo ng pangit?! Sabi sayo bulag ka eh---“
“Tara nga!” hinila niya si Kai
“T-Teka!”
Nakamasid ako sa kanila habang palayo sila. Sinulyapan pa ako uli nung babaeng kasama ni Kai na walang iba kundi si Nana… yung best friend ko nung elementary hanggang high school.
“Krystal?”
Napatingin ako kay Sehun.
“Okay ka lang? mukha ka kasing shock—“
“O-Okay lang ah, ano…”
“Kilala mo ba yung babaeng kasama ni Kai?”
“H-Hindi, ngayon ko lang siya nakita.”
“Nakasunod ka kasi ng tingin sa kanila eh… o kay Kai lang?”
Napatawa ako bigla, kay Kai?
“Ano bang sinasabi mo? Teka nagseselos ka agad? Grabe ka Sehun ah, kung may gusto man akong habulin ng tingin ikaw na lang kesa sa mayabang mong bestfriend.” Sabi ko at inaya siya paalis.
“Akala ko tinitingnan mo si Kai eh, Sehun lang ah okay? Kung may magugustuhan ka mang iba… mas matatanggap ko kung hindi si Kai yun.”
“Imposibleng magustuhan ko yun no.”
“Sabagay, imposible na ngang magkabati kayo nun magkagustuhan pa kaya. Tara di mo pa klase diba? Panoorin mo muna akong maglaro.”
Ningitian ko siya saka sumama sa kanya paalis, saka ko na iisipin si Nana at kung bakit siya nandito.
-Kai-
“BITAW NGA!” tumigil ako nung masyado na kaming malayo at muka na niya akong dadalhin sa tagong lugar tapos ire-rape, anong malay ko baka pinagnanasaan na ko nito? Talaga naman oh.
“HINDI NAMAN YUN SI KRYSTAL MALLARI EH!” sigaw niya na naman sa kin.
“YUN ANG KRYSTAL MALLARI NA HINAHANAP MO DITO KAHIT TANUNGIN MO PA YUNG MGA KAKLASE NAMIN IPAGLABAN MO HANGGANG SCHOOL DIRECTOR!”
Nyeta nito sigaw sigawan pa ko. Tsk.
“Teka.” Bigla siyang may hinalungkat dun sa dala niyang bag pack. “Ito, ito yung hinahanap kong Krystal Mallari.”
Napatigil ako nung magpakita siya ng picture. Dalawang babae na yung isa ay mukhang siya at yung isa ay si… Krystal… Krystal… Mallari?
Inagaw ko yung hawak niyang picture at maiging tiningnan. Kinuha ko pa yung wallet ko at ipinagkumpara yung picture na yun sa stolen shot niya na pic sa wallet ko. Nyeta si Krystal na dream girl ko to ah!
“HOY ANONG PANGALAN NIYA ULIT?” tanong ko.
“Hays, Krystal nga. Krystal Mallari! Sabi ko dalhin mo ko sa kanya eh!”
Si nerd, yung babaeng gusto ko… pareho na ng pangalan, tinitirhan, pati apelyido? Kung di ka pa tanga Kai mapagtutugma mo na… iisa sila. Shit.
Bigla akong tumakbo.
“KAI-YABANGAN HOY YUNG PICTURE KO!”
Di ko siya pinakinggan, may kailangan akong alamin na ilang araw ng naglalaro sa isipan ko.
AN: Next chapter: The Girl I Hate is the Same Girl I Love
New Character: Nana of After School as Nana HAHAHA! Effort ko magpangalan no pfft. Okay move on to TGH typing haha. Matatapos na yun eh and this is dedicated to tentenenen… Coleenderella thanks for reading :)
PS: Sensya sa spaces ewan ko diyan haha ung MS word kase