MY ANGEL

By gelapooot

7.2K 117 69

Maraming pangako ang napapako. Maraming mga tao na dadaan sa buhay natin, at mawawala din. Lahat ng bagay ay... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 5

203 6 0
By gelapooot

*Dismissal time*

Ken's POV

Hay sa wakas! Uwian naaa!! Makakasama ko na ulit si Mac. :D ops! No no no. Wala akong gusto sa kanya.. Sadyang masaya lang ako pag kasama siya. Di ko nga alam kung bakit eh. O.o

So eto na 'ko.. Naglalakad papuntang parking lot. Sabi kasi ni Mac dito ko na daw siya hintayin. Tagal naman non. -__-

"Ken! Sorry kung natagalan ah." hinihingal pa. Tumakbo siguro 'to

"Okay lang. Bakit hinihingal ka? Saan ka ba nanggaling?" 

"Sa locker ko. Kinuha ko lang yung notebook ko."

"Ahh. Oh ano? Tara na? :)"

"Tara."

Christy/Mac's POV

"Tara." Pumasok na kami sa kotse niya. Waaaaw. Ang ganda sa loob. O.O Di ko alam tawag sa kotse niya eh. Sorry naman. -___- Me pagka ignorante sa kotse lelang niyo. =)) Anywa, leche. Halatang mayaman tong si Ken. Pano na kaya pag dating namin sa bahay niya?

Tahimik lang yung biyahe. Ang awkward. o.o

"Uhm, san ka nakatira?"

"Sa bahay. San pa ba?"

Lintek. Pilosopohan ba? Nakakainis tong unggoy na to -.- Ako na nga yung nag isp ng topic para mawala yung awkwardness, tatarayan pa ko. 

"Che. Nagtatanong ako ng maayos ah!"

"Makikita mo rin naman mamaya."

"Oo na." -___-

So ayun, ng awkward nanaman. Halatang nag-coconcentrate siya sa pag-ddrive eh.

In-on ko yung radyo. Okay lang naman siguro no? Ang tahimik masyado eh. Di ako sanay.

NP: Out Of My League

"Waaa! Ang cute ng song na to!" :""">

Biglang naalog yung kotse (NAALOG? =))))) )

"Ano ba yan! Kelangan sumigaw?! Muntik na tayong mabunggo oh. Tsk."

Ayan, nagalit pa tuloy si Ken. Sorry po!

"Sorry naman."

"Tss."

Pumasok na kami sa Corinthian Gardens Subdivision

Ang lalaki naman ng mga bahay dito. Mas malaki pa samin. O.O Di kami ganon kayaman pero, may company ang family namin kaya, keribells na rin. Pero yung mga bahay dito parang mansyon lang ang dating eh.

Pumasok na kami sa malaking gate.

"We're here."

O_____O -Ako

-______- -Ken

"Anlaki ng bahay niyo!

Waaa. Nakaka-amaze naman. Malaki din naman ng onti yung bahay namin pero 'tong bahay ni Ken, parang palasyo. O.O Okay, eksaherada ka na, Mac. OA na masyado. -.-

Hehe, pero seryoso ang laki. Ang ganda din. 

"Ano ba? Tutunganga ka nalang ba dyan mag-hapon o magppractice na tayo?" -Ken

"Ay. Oo nga pala." ^___^ 

Pumasok na kami sa loob. At syempre, kung kabigha-bighani yung labas aba eh, mas lalo na yung loob. May malaki pa silang Tv. Parang wala naman masyadong nanonood -__- Oh well, mayaman eh. Ano magagawa mo? =))

Ako naman, parang nawawalang tuta lang na sunod ng sunod kay Ken.

*LAKAD. LAKAD. LIKO. AKYAT. LAKAD.*

Pumasok kami sa isang kwarto. Kay Ken siguro to.

AY HINDI GRABE. -__-

Weh. Korny.

Oo sige, awayin pa ang sarili.

"Hoy." -Ken

"Oh?"

"Memorize mo na yung kanta?"

"O'naman! Favorite song ko ata yon!"

Proud na proud eh no? Hahaha.

"Okay, game. Let's start."

Kinuha niya yung gitara niya sa isang sulok. Wooow. Ang ganda. Parang bago. Alagang alaga siguro. Walang gasgas eh. Ang kiniiiis. *__*

Samantalang yung gitara ko, ilang beses na nabunggo. Hindi pa nga gaanong gamit eh. =)) Lagi kasing may humihiram tsaka nagpapaturo ako sa mga kaklase ko. Sorry naman me pagka pabaya ako eh. tsaka medyo slow learner. Di ako matuto-tuto xD Ayaw tuloy ako bilhan nila Mama ng bago. :P

"Bago?" Tanong ko sa kanya

"Alin? Tong gitara ko?"

"Hindi, yung kamay mo. Captain hook, istatue?" Ako naman mamimilosopo! Kala mo ikaw lang ah. -___-

"Korny mo! Hindi, mag dadalawang taon na to sakin. Bakit?"

"Weh?! Di nga. Parang di mo naman nagagamit."

"Maingat lang talaga ako sa mga bagay na importante sakin."

"Ahhhhh." Hmm, ganon ba kaimportante yang gitarang hawak niya? Ako nga wala pang isang taon yung gitara ko, puro gasgas na. xD

"Game na" -Ken

Nagsimula na siyang mag-strum. Leche! Na-starstruck pa ata ako. Ang cute niyang tignan. o.o

*Mentally slaps head*

HOY MAC! Itigil mo na yang kalandian mo. Andito ka para mag practice! Tsaka, wala pa kayong isang linggo magkakilala, cute na agad? PBB TEENS?!

"Hoy ano ba? kanina ka pa dapat nagsimula. Nag dday-dream ka nanaman, ano? Na-distract ka nanaman sa ka-gwapuhan ko."

Nginitian niya ko na nang-aasar

"Ang hangin mo no? Ito na. Take two."

Nag simula siya ulit tumugtog. Halaaaa. Nahihiya ako.

"Teka!" -Ako

"Ano nanaman ba?" -___-

"Di pa ko readyyyy." Ops, wag gm -__- =))))

"Anong di pa ready? Baliw ka ba? Kakanta ka lang eh."

"Nahihiya akoooo." =3=

"Tigilan mo nga ako. Tayong dalawa lang naman eh. Tsk. Take three! Pag nag inarte ka pa dyan, ihahampas ko na tong gitara sayo."

Ay ganon? kala ko ba iniingatan niya gitara niya? Sadistang unggoy! -.-"

"Eto na! Ehem! Ehem!" -Ako

Nag strum na ulit siya for the third time. Daming delay no? Sorry na po. Nahihiya lang talaga ako kumanta sa harap ng kumag na to. Pag pumiyok pa ko baka pag tawanan ako eh.

What day is it

And in what month?

This clock never seemed so alive

Nag simula na kong kumanta. Kinakabahan parin ako.

I can't keep up, and I can't back down

I've been losing so much time

Waaah. Ito na, chorus na.

Cause it's you and me

And all of the people with nothing to do

Nothing to lose

And it's you and me

And all the other people

And I don't know why

I can't keep my eyes-

Okay na sana eh. Kaso biglang..

'Of *hik* you.'

Napatakip ako sa bibig ko. LECHUGAAAAAS! Ba't ako sininok? Ampangit nung tunog! Panira. Na fefeel ko na yung kanta eh!

"Pfft! BWAHAHAHAHAHAH!!! Seriously?? HAHAHAHAHHAHA!!" 

Sabi na eh. Pano pa kaya kung pumiyok ako? Mas malala pa dyan. Jusmiyo. Nakahawak na siya sa tyan oh. Halos mag lupasay na siya sa kakatawa. -__-

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"Babaw mo men. Ano, kaya pa? Sige, tawa lang. Take your time. *hik*" -___-

Ang babaw din ng isang to ah.

"Sige. HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Halasiya. Nabaliw na ata. Pero infairness ah, ang cute niya pag tumatawa. Namula yung pisngi niya.

AYAN KA NANAMAN MAC HA. PUMI-PBB TEENS KA NANAMAN.

Sorry na!

"Okay, okay. I'm done. Pfft! HAHAHAHAH!! Okay, seriously I'm done.

"Weh? Meron pa yan eh. Sige lang ipagpatuloy mo pa."

"Ewan ko sayo! Uulan pa ata dahil sa boses mo oh! Sinamahan mo pa ng sinok!" 

*hik*

"Oh, ayan nanaman! HAHAHA! Uminom ka nga ng tubig!"

"Ewan *hik* ko sayo! Ang yabang mo, Di naman siguro ganon ka *hik* pangit boses ko no? Maka-tawa ka pa parang umutot ako. Oo na. Mag-antay ka dyan kukuha ako ng tubig." -____- 

Lumabas ako ng kwarto niya at hinanap yung kusina sa baba. Anlaki naman kasi ng bahay niya. Mawawala pa ata ako dito.

Ken's POV

Fine, I was lying when I told her na uulan dahil sa boses niya. -_- actually, para nga siyang anghel eh. Nakaka-kalma yung boses niya. Yun lang ata maganda sa babaeng to eh. Kung nakita niyo lang itsura niya nung bigla siyang sininok. Soooo priceless! Sabihin niyo nang mababaw ako, pero seryoso, ang fail. Anlaki pa nung mga mata niya! HAHAHAHA!

Pumasok na siya sa kwarto na nakabusangot yung mukha.

"Anyare sayo?" Tanong ko

"Wala!" 

"Anong wala? Tignan mo nga yang mukha mo! Ayusin mo nga, pwede nang panakot sa daga yan oh."

"Leche ka! Eh kasi naman yung matanda dun sa baba!"

Huh? Ahh, baka yung mayordoma dito (head maid chorva xD)  May pagka masungit pa naman yon BWAHAHAHA!

"Oh, anong sabi?"

"Akala niya nag-aapply akong katulong. Sinabihan ba naman akong walang galang! Nagtatanong lang ako kung saan makakinom ng tubig eh!"

"Weh? HAHAHA! Pinagkamalan kang katulong? Chura mo kase!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo no?! Nakakainis ka talaga!"

Halasiya. Nagttantrums na. Para talagang bata. hahaha. Nakakatuwa siyang pag-tripan. Alam mo yung tipong, ambilis niya maniwala or mauto tsaka mainis?

"Pikon ka masyado? Oh nakainom ka naman ba? Wala na sinok mo oh.

"Hinde! Nawala yung sinok ko sa sobrang takot! Ang sungit niya kayaa." T___T

Ano ba yan? Para siyang kinakawawang bata.

"Ang babaw mo naman. "

Totoo naman kase. -__-

"Wow ah. Nagsalita ang hindi."

Psh. Iba naman yun no! 

Umupo siya sa kama sa tabi ko.

"Magaling ka ba mag gitara?"  

Tinanong niya ko. Para siyang bata na nag-aayang makipag laro.

"O'naman! Ako pa." (wink)

Bakit? Angal ka? Totoo naman eh. May award pa nga ako!

"Psh. Yabang mo talaga no? Peroooo."

"Ano? Magpapaturo ka?

"Ha? Ah.. Eh.. Oo sana?"

Nginitian niya ko. Parang baliw talaga to.

"Yun lang pala eh. Mani lang yan."

Pinahawak ko sa kanya yung gitara

"Ayusin mo hawak mo dyan ah. Mas mahalaga pa yan sa buhay mo!"

"Anong mas mahalaga? Balibag ko pa to sayo eh."

"Ikaw na nga nagpapaturo!"

"Oo naaa!"

Parang bata talaga to. -__-

Lumapit ako sa tabi niya. Kinuha ko yung mga dalir niya at pinuwesto sa mga strings.

"Yang chord na yan, G. Tandaan mo yung posisyon ah. Mag strum ka nga."

Nag strum siya. Maayos naman yung tunong. Btw, anlambot ng kamay niya. Parang nakakatakot tong turuan eh. -__- magka kalyo pa siya.

Psh. Like I care. Natural lang yon sa nag gigitara.

"Waaah! Nakakatuwa! Natandaan kooo."  *clap clap clap*

Haay, parang bata. Pero kung sungitan ka, daig pa yung principal sa school Weirdo talaga.

Christy/Mac's POV

Takteng yan. -__- di pa rin ako makaget-over dun sa pagsinok ko kanina. Anak ng tipaklong na nagd-dougie naman kasi. Ayos na sana eh. -__- hays.

Anyways, nagpaturo ako sakanya na mag-gitara. Halata naman kasing magaling to.

Lumapit siya sakin tapos tinulungan niya ako na ayusin yung fingers ko sa gitara niya. Mas mahal pa daw sa mahal yun. O'diba? Gets niyo yun? hahaha. Muntanga lang eh. Maski ako, di gets. =))

"Yang chord na yan, G. Tandaan mo yung posisyon ah. Magstrum ka nga." Sabi niya sakin.

Akalain mo? Kahit halatang sanay na siya mag-gitara, nakakagukat na malambot parin kamay niya.

Ha? teka, erase. PBB teens nanaman ang peg ko? Umayos ka nga, Mac! Head bang nalang tayo! Kfly! Joke yon. -__-

"Waaah! Nakakatuwa! Natandaan kooo."  *clap clap clap*

Sa sobrang saya ko, napatalon ako at napayakap sakanya. Halatang nagulat siya kasi nakataas pa din kamay niya.

Napatitig din siya sakin. Ganun din naman ako. Nagamit ko yung time na yun para i-admire este matingnan yung mukha niya.

Brown eyes, mahabang pilik mata, rosy cheeks, kissable lips. Mas gwapo pala siya sa malapitan...

TAKTE?! ANO YUNG SINABI KO?! Huhu. Bakit ganun? Taktekuls lang ah. Ba't may kuryente? Ano yun? O.o

Naramdaman ko na namula ako kaya kumalas ako agad. Shemay. Anong ginawa ko? -.-

"Uhh.. Ano.. uh.. Sorry." Sabi ko

Napahawak naman siya sa batok niya na nahihiya din. 

"Uhh.. Ayos lang. Tara kain na muna tayo sa baba."

Sabi niya tapos lumabas na siya

Haaaayyyy. Ano ba yun! Ang galing mo, Mac! Yakap agad? -.-" Bahala na nga. Sumunod na din ako sakanya.

Ken's POV

"Uhh.. Ano.. uh.. Sorry." 

Aish! Hindi ko alam gagawin ko. Napahawak nalang ako sa batok ko. Ang awkward kasi. -.-"

"Uhh.. Ayos lang. Tara, kain na muna tayo sa baba." Inaya ko nalang siya kumain. Yun nalang yung paraan para mawala yung awkwardness eh.

Pagkatapos naming kumain, sabi ni Mac uuwi na daw siya.

"Hatid na kita. Gabing gabi na oh. Delikado na."

"Nako, wag na. Nakakahiya naman eh."

"Wag kang magalala, wala to. Sige na, pumayag ka na." Nginitian ko lang siya. 

"Uhh.. Sige, salamat."

-

Hello poooo. =)) Medyo mahabang ud ulit. xD Kalahati nung Pov ni Mac, gawa ni Dane (batmanbabyy09) tas kalahati nung kay Ken gawa naman ni Joyce (JoyceJoyceJoyce) Thank you sa kanila. hohoho, di ko magagawang maayos tong chapter na to eh. Ayuun. Thank you sa mga nagbabasa. Mag vote naman kayooo. Paramdam naman kayo dyan! =)))) Support support din. xD

Dedicated nga pala to Kay Dane, kasi tinulungan niya kami. :* Sa mga may interes, basahin niyo story niya "Our Rollercoaster ride love story ♥" gondo :-bdbdbd

Vote & Comment! >:)<

Continue Reading