Medyo naligaw ligaw si Alex kasi hindi naman talaga nya kabisado kung saan ang park eksakto. Pero nakarating din naman sya dito. Tamang-tama. Maraming tao sa park.
Kampante syang walang mangyayaring masama sa kanya dahil marami ngang tao. Maaga pa rin naman. Wala pang alas 5 nang makarating sya. Kaya matyga syang naghintay para sa kausap nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naramdaman ni Dawn ang paglapat ng likod nya sa malambot nyang kama habang patuloy pa rin silang naghahalikan ni Richard.
Naglalakbay na ang mga kamay ni Richard sa katawan nya. Mula sa makikinis nyang hita, paakyat ito ng paakyat hanggang sa umabot ito sa dibdib nya.
Napaungol naman sya nang iginalaw ni Richard ang kamay nya sa ibabaw nito.
Hindi pa rin napuputol ang kanilang halik. Palalim parin ito ng palalim. Mas lalong nagiinit ang kwarto dahil sa ingay na gingawa nila.
Pinutol ni Richard ang halik nila. Pero bumaba lang ang halik nya sa leeg ni Dawn. Hinahalikan nya ito. Sinisipsip at kinakagat.
Napapasabunot na lang si Dawn kay Richard habang umuungol.
Inalis na ni Richard ang t-shirt ni Dawn. At akmang tatanggalin na ni Richard ang bra nya nang magsalita sya.
Dawn: Chard.. W-wag m-muna nga-yon.
Napayuko naman si Richard.
Dawn: S-sorry.
Richard: O-okay lang yun. Sige. Magbihis ka na.
Inayos na ni Dawn ang sarili. Si Richard naman ay umayos ng upo sa kama. Pagtapos ay umupo si Dawn sa tabi ni Richard.
Richard: Anong nangyari kanina?
Sumeryoso ang tono ni Richard. Hindi naman makatingin ng diretso si Dawn kay Richard.
Dawn: Uhmm.. Babe, tuloy ba tayo mamaya? D-diba sabi mo magdadate tayo?
Iniba nya ang usapan. Ayaw nya kasing pagusapan ang nangyari.
Richard: Dawn. Hindi mo pa ako sinasagot. Anong nangyari kanina?
Napalunok naman si Dawn. Seryoso pa rin n katingin sa kanya si Richard. Matagal bago nakasagot si Dawn. Iniisip nya munang mabuti kung sasabihin na nya ba talaga ang ginagawa sa kanya ni Anton.
Pero sa tingin nya. Ito na ang tamang panahon para malaman nya ang lahat.
Dawn: Y-yung totoo?
Richard: Yung totoo. Lahat. Ano ang ginawa sayo ni Anton?
Dawn: S-sinaktan nya a-ako.. tsaka..
Richard: Tsaka?
Dawn: G-gi.. ginahasa.
At tumulo ang mga luha sa mga mata nya. Si Richard naman ay nabigla. Ang alam lang kasi nya ay sinasaktan sya ni Anton pero hindi ang panggagahasa.
Richard: Ano?! Ginawa nya yun?!
Galit na galit si Richard.
Richard: Yung saktan ka nya. Tinitiis ko kahit pati ako nasasaktan. Pinlamapas ko! Pero yung gahasain ka nya?! Ang kapal talaa ng mukha nya!
Hindi na napigilan ni Richard at sinuntok nya ang pader. Dumugo ang kamay nya pero parang wala lang syang naramdaman. Samantalang si Dawn naman ay nagulat sa ginawa ni Richard.
Dawn: Chard.. Kumalma ka lang..
Richard: Paano ako kakalma?! Eh binaboy ka nung gagong yun! Pang-ilang beses na nyang ginawa ito sayo?!
Dawn: P-pangalawa.
Napayuko si Dawn.
Richard: Pangalawa?! Pangalawang beses na to?! Bakit hindi mo agad sinabi?
Dawn: N-natatakot ako Richard. S-sabi nya sakin na kung magsusumbong daw ako kahit kanino, g-gagawan nya dawng masama si Alex.
Richard: Wala na ba syang alam na ibang pangblackmail? Lagi na lang yan.
Dawn: Hindi ka ba natatakot?
Richard: Pwede naman nating padagdagan ng bodyguard yang si Alex.
Dawn: Masyadong makapangyarihan si Anton. Baka walang kalabanlaban yang mga body guard kung sakali.
Richard: Dawn. Walang mangyayari kung pangungunahan ka ng takot.
Dawn: Ewan ko. Naguguluhan ako Chard.
Richard: Poprotektahan ko naman kayong dalawa ng anak natin eh.
Hinalikan nya sa noo si Dawn.
Richard: Wag kang matakot. Diba sabi ko nga sayo. Nandito na ako. I'll protect you.
Nginitian sya ni Dawn at hinalikan sya sa labi.
Dawn: Salamat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Saktong alas 5 na. Kalahating oras na syang naghihintay. Wala pa rin ang kausap nya. Okay lang. Inisip nya. Maaga lang talaa syang dumating sa tagpuan nila.
Marami pa ring tao sa park. Paglipas ng 10 minuto. Nakita na nya ang kausap nya. Nilapitan nya ito.
Alex: You're 10 minutes late. Oh well. Nice seeing you again Mr. Lagdameo.
Anton: Ikaw pala yung kausap ko sa telepono kanina. How rude you are Ms. Gomez. Tinuruan ka ba ng magulang mo ng salitang respeto?
Alex: Tsk! Respect! Big word! Sino kaya sa ating dalawa ang walang respeto?!
Tinaasan nya ng kilay si Anton at pinag-ekis ang kamay.
Anton: At kung kausapin mo ako. Parang kabarkada mo lang ako. Wala kang modo.
Alex: Walang modo? Haha! Ako?! Walang modo?! Hahaha! May sense of humor ka din pala Anton! Haha!
Anton: Teka! Anton? Yan lang ang tawag mo sakin?! Walang tito?! O kung anong paggalang?
Alex: Tito?! Haha! At bakit naman kita tatawaging tito?! Haha!
Anton: Dahil asawa ako ng mama mo. At dapat ginagalang mo ako.
Alex: Wait. Wait lang. Hahaha! Tama ba ang rinig ko!? Asawa mo si mommy?! Haha! Oh my gosh! Kasi the last time I checked, yung asawa dapat dun, minamahal. Ginagalang. Nirerespeto. Pinapahalagahan. At higit sa lahat inaalagaan!
Anton: Anong gusto mong palabasin?!
Alex: Mr. Congressman. Matagal na po naming alam na sinasaktan nyo yung mommy ko!
Anton: Oh. Anong pakielam mo?!
Alex: May pakielam naman ako. Kasi ako lang naman yung anak nya ng babaeng sinasaktan nyo.
Anton: Oo nga. Ikaw nga yung anak ng asawa ko at ng kabit nya.
Alex: Pwede ba?! Can you quit calling my mom your wife?! Hindi bagay.
Anton: Hindi bagay?! Pwes wala akong pakielam kung bagay o hindi bagay. Dahil sa mata ng Diyos at mata ng tao. Mag-asawa kami. Kasal kami kaya okay lang na tawagin ko syang asawa ko.
Alex: Right. Marriage. That thing. A simple ceremony. Lasts an hour or so. Vows, that are meant to be broken, just like promises. Rings. That are just piece of gold or silver that is worn as a sign of LOVE. So tell me, does hurting my mom, symbolize LOVE?! I'd take no for your answer. Alam nyo, Mr. Lagdameo. Ang tanging nagpapabisa lang sa kasal ay ang pagmamahal nyo sa isa't isa. Hindi ang kung ano mang salita sa harap ng altar. O kung anumang basbas galing sa pari. Kung wala ang pagmamahal. Balewala din ang kasal.
Anton: Wow ha! Very impressive. Pero sorry to tell you. But all of the things you said was wrong. Marriage. You dont know what you're talking about. Kung ang talagang ang definition ng marrigae ay ang sinasabi mo. Bakit may mga batas pa?! Mga batas na nagsasabing bawal nang magkarelasyon sa iba ang nakatali na.
Alex: Ganyan ka naman eh! Mukha kang batas! Palibhasa pulitiko ka. Ano ba talagang silbi ng batas kung paiikutin nyo lang mga pulitiko sa kamay nyo iyon?!
Anton: Ano nga ba ang silbi ng batas? Eh, ito lang naman ang umiikot, nagpapatakbo at sinusunod ng bansa kung saan ka nakatapak.
Alex: Aanuhin ko ang batas kung sa amin lang na ordinaryong mamamayan epektibo? At kayong mga may kapangyarihan ay hindi sinasakop ng batas? Parang okay lang sa inyo na luamabag sa batas. Nalulusutan nyo lang din naman.
Anton: Sorry ka na lang kung ganun. May kapangyarihan ako. Ikaw wala. Napapaikot ko ang batas. Kaya kong baloktarin ang buong istorya nang sa ganon ay lahat ay umayon sa gusto ko.
Alex: Ang sama mo!
Tumulo ang luha na kanina pa pinipigil ni Alex.
Anton: Well, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero sa huli, talo kayo. At ako ang mananalo. Tandaan mo yan ha? Mauna na ako. May mas importante paakong gagawin.
At umalis na si Anton. Naiwan si Alex sa may park. Umupo sya sa bench.
Alex' P.O.V.
Ang unfair naman nitong mundo na ito. Porket may kapangyarihan sya, makokontrol na nya lahat. Nakakabwisit talaga yung taong yun!
End Of P.O.V.
Nagulat si Alex nang may mag-abot sa kanya ng panyo. Nabigla sya nang makita ang lalaking nagbigay ng panyo.
Alex: Ikaw?!
Nginitian sya ng binata at sabay umupo sa tabi nya. Umusog naman sya sa kabilang dulo ng bench.
Rave: Miss. Di mo ba tatanggapin yung panyo? Nangangawit na din kasi yung kamay ko eh.
Alex: Marami kami nyan sa bahay! Tsaka kung nangangawit na yung kamay mo, edi ibaba mo na! Ang babaw naman ng problema mo!
Inirapan nya ito at saka tumingin sa malayo. Bumubuhos pa din ang mga luha nya.
Rave: Uy. Sorry.
Lumapit sya kay Alex at sya na mismo ang nagpunas ng mga luha nito gamit ang panyo.
Alex: Oy! Anong ginagawa mo?!
Rave: Pinupunasan yung mga luha mo. Ako na lang ang gagawa kung ayaw mo.
Alex: W-wag na! Akin na lang yung panyo. Ako na ang magpupunas!
Binigay naman ni Rave ang panyo. At pinunasan ni Alex ang mga luha nya. Tumayo naman si Rave at inalok ang kamay nya kay Alex.
Rave: Gusto mo ipasyal kita?
Alex: Wag na! Baka iligaw mo pa ako dito!
Rave: Eh. Hindi kita ililigaw. Liligawan kita.
Alex: Hahahaahaa!! Ang dami mong alam! Hahahaa!
Umupo naman si Rave sa tabi nya at napakamot sa ulo. Napahiya kasi sya nung tawanan sya ni Alex. Habang si Alex naman ay halos mamatay na sa kakatawa. (Ang babaw lang ng kaligayahan niya! Haha!)
Maya-maya ay tumigil na din sa kakatawa. Nakita nya naman na tahimik na nakaupo si Rave.
Alex: Ay. Sorry. Uy. Sorry ah! Kasi naman. Ang baduy naman nung sinabi mo. Haha!
Rave: Ah. Ganun ba. Sorry. Hehe! Okay lang. Atleast napatawa kita.
Alex: Ano nga palang ginagawa mo.dito?
Rave: Dito ako nakatira.
Alex: Ikaw lang mag-isa?
Rave: Eih. Syempre kasama yung mommy ko tsaka daddy ko.
Alex: Ahh. Saan yun?
Rave: Malapit lang dito.
Alex: Ahh.
Rave: Lika na. Iuwi na kita.
Alex: Ha?!
Rave: Ibig kong sabihin. Hahatud na kita sa inyo.
Alex: Wag na. Kabisado ko naman na ang daanan.
Rave: Madilim na. Gabi na. Baka mapano ka pa.
Alex: Kaya ko naman na ang sarili ko.
Rave: O, sige. Basta kapag may sumalubong sayong babaeng nakaputi tsaka mahaba ang buhok. Dun sa pangalawang kanto. Wag kang sasama ha.
Alex: (O.O) B-babaeng n-nakaputi?!
Rave: Oo. Kasi nung isang araw. May babaeng nawala. Sabi nung nakakita. May kumuha daw na babaeng nakaputi dun sa dalaga. Maganda pa naman daw yung dalaga. Kasing ganda mo.
Alex: A-aahh. Eh. P-pwedeng s-samahan mo na lang ako?
Tinignan muna ni Rave ang cellphone nya bago sumagot.
Rave: Ah. Sorry. Kasi pinapauwi na ako ng mommy ko.
Alex: H-ha? E-eh. S-sige.
Sabay silang tumayo ni Rave. Si Alex naman ay nanginginig ang mga tuhod at di makatayo ng maayos dahil sa sinabi ni Rave.
Rave: Bye! See you again.
Alex: S-sige. Salamat. I-ibabalik ko na lang yung p-panyo kapag nalabahan na.
Rave. Sige.
Naglakad na palayo si Rave. Napalunok naman si Alex. Hindi nya talaga kabisado ang daan papunta sa kanila. At natatakot din sya dun sa ikinwento ni Rave.
Dahan-dahan lang ang mga hakbang nya. Naluluha na sya.
Alex: Mommy!! Tulong! Huhu!
Mahina nyang sabi.
Alex: Bakit kasi ngayon pa nalowbat yung phone ko eh. Huhuhu!
Ilang hakbang pa. May sumulpot sa likod nya at ginulat sya.
Rave: Boo!
Alex: Waaaaaaaaaaaaah!
Rave: Hahaha! Lika na. Hatid na kita.
Alex: Walang hiya ka! Hindi nakakatawa yung ginawa mo!
Rave: Ay. Sorry.
Alex: Che! Sorry sorry ka dyan!
Rave: Ay. Sige. Uwi na talga ako ah.
Alex: H-hindi. W-wag. H-atid mo na ako please!
At naglakad na sila papunta sa bahay nila Alex. Maya-maya ay nakarating din sila dito.
Rave: Sige. Mauna na ako.
Alex: Teka. Ayaw mo bang pumasok sa loob?
Rave: Okay lang ba?
Alex: Malamang. Magtatanong ba ako kung hindi okay?
Rave: Hehe! Sabi ko nga.
At pumasok na sila. Nakita nila na nasa sala ang lahat. Si Dawn. Richard. Juliana at Cleo.
Dawn: San ka galing anak? At sino yang kasama mo?
Alex: Eh. Galing po ako sa park. Nagpahangin lang po. Sya po si Rave. Hinatid nya lang ako.
Rave: Ah. Hehe! Good Evening po. Good evenibg tita Cleo.
Cleo: Oh! Good Evening Rave. Thank you sa paghatid dito sa apo ko.
Rave: Ahh. Apo nyo po pala si Alex.
Alex: Magbibihis lang po ako.
Naiwan si Rave sa baba.
Richard: Rave. Right? Parang narinig ko.na yang pangalan.
Dawn: Yeah. I just cant remember kung saan.
Richard: Naalala ko na. Diba ikaw yung nagtext sa anak ko ng 3 ng madaling araw?
Rave: Ahh.. Ehh.. O--
Alex: Lika na Rave! Hatid na kita palabas.
Richard: Wait. Kinakausap ko pa sya.
Cleo: Why dont we talk about this over dinner?
Rave: Baka ho hanapin ako ng parents ko. Di po kasi nila alam na nandito ako.
Cleo: Dont worry. Tinext ko na sila. I told them na you'll just have your dinner here. They said it's okay.
Rave: Makakatangi pa po ba ako? Haha!
At umupo na sila sa dining table. Magkatabi si Juliana, Alex at Rave sa isang side ng table.
Si Cleo ay nakaupo sa gitna. (basta yung nasa gitna. Hindi sa gitna ng table ah! Basta sa gitna! Hahaha! Yung walang katabi. xD)
At. As usual. Magkatabi sila Richard at Dawn sa kabilang side ng mundo este table.
Richard: Balik tayo sa tanong ko kanina. Diba ikaw yung nagtext sa kanya ng 3am dati?
Rave: P-po? Ah. E-eh. O-opo.
Richard: Bakit may I love you dun sa text?
Alex: Daddy!
Richard: What? Nagtatanong lang naman ako.
Rave: A-ah. Mr. Gomez. M-magpapaalam lang po s-sana ako. P-pwede ko po bang l-ligawan si Alex?
Alex: (O.O) Nakuu! Gutom lang yan! Kumain ka na lang!
Rave: No. Seryoso po ako.
Richard: Hijo. Hindi ba't masyado ka pang bata?
Rave: Opo. Pero gusto ko po talaga ang anak nyo.
Alex: (O.O)
Siraulo talaga 'to! Sabi ni Alex sa isip nya.
Richard: Pwede naman.
Nagulat naman sila dahil pumayag si Richard.
Alex: Daddy!
Richard: I see no reasons naman para pigilan ko sya.
Alex: Tsk!
Tapos ay inirapan nya si Rave. Natapos na silang kumain. Umuwi na din si Rave.
-------------------
Yow! Oh?! SPG?! xD Bitin ba?!
~JustCallMeLea
~JustCallMeGradiva