My Grumpy Amore

By simply_sensei

1.9K 48 4

Meet Jonathan Reid Yu Perre... Mr. TALENTED 17 years old Give him a pen... he will surely captivate your hear... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19 Hany ( Loving him was Red)
Kabanata 20 JON (You don't Know you're Beautiful!)

Kabanata 18 JON

48 3 0
By simply_sensei

A/N:

 Sorry po, late update.

“HAPPINESS [is] ONLY REAL WHEN SHARED” 

― Jon Krakauer, Into the Wild

***Jon’s P.O.V.***

 So, Mr. Perre, do I make myself clear?” si Dean Arevalo.

“Yes, Sir. Thank you very much.” I shook our dean’s  calloused hand. Yeah, a sign of a very hardworking man. I do admire him for that.

“Mr. Villanueva and Ms. Martinez, I entrust  into your hands the safety of these young men and women. Remember, they’re  my pride and joy.”  Nakatawang sabi ni Dean kina Sir at Miss pero alam ko, behind his smile… is a threat.

“Yes, sir. You can count on us.” Panabay na sabi ng aking mga profs.

Everything is set.  YES!  Wala nang urungan ang swimming/outing .  Yes! In fact, he gave us a two-thumbs up for the good outcome of our project. No wonder, my professors were wide-smiled.        All credits were theirs!  It was their idea, but of course! Brilliant minds… definitely.

After that,  the leader of each group and I talked for a well-coordinated  plan. That swimming/outing will take place at Batangas City and that will be a week from now.  After our much-awaited… mind boggling…Thesis ‘ Defense. 

 We did an ocular inspection of that place and our standard was highly met.

Beyond the lush vegetation are  crystal clear water, clean beachfront, comfortable and wide spaces for different ball games,  comfortable cottages, tight security and a welcoming ambience, who could say no to that!

I’m so excited. Never in my teen life that I get  too excited to go to a certain place. Ngayon lang… kasi mayroon nang dahilan para ako sumaya. (^_^) Yes, I have my friends but iba parin ang may  inspirasyon! Wow! Ako ba ‘to? Cheesy-much sabi nga ni Chris!

But  before that, I have to finish my thesis and see to it that I will finish and defend it with flying colors! I have to go to  National Bookstore first, naubusan na ako ng supply para mai-print ko na ang remaining chapters. When I got there, many girls were flocking on a certain spot.                   Yes, the Fiction section… Romance… to be specific.  Curiosity kills the cat man, I decided to take a peep. WATTPAD stories!  They were holding a small book with cute caricatures on them.             New kind of books probably. I’m a certified book-lover. I have nothing against Romance, but hey guys… I prefer mystery books  and non-fiction books.

When they noticed me, I  said hi and smiled a little. Napakamot  ng ulo ng konti. Tsismoso pa ata ang labas ko nito ah. I noticed that they suddenly have this reaction, (O-O)  (O^O) (^_^)!                   Ah-uh, it’s time to fly man. Bakit kaya ganun reaction nila. Kakahiya ah.

Malapit na ako sa bond paper section nang marinig ko ang impit nilang tilian. Napatingin ako sa kanilang way…wait almost all of the people inside looked at their way… teenagers! Napapailing na lang ako sa kanila. Nang mapadako ang tingin nila sa akin ay… I saw them blushed. Napahiya siguro! Napangiti na lang ako ng konti. Ah… It’s such a good thing to be young!

After buying, I decided to take a snack. Since light lang ang breakfast ko kanina. When I’m almost done with my burger and fries at KFC, someone caught my eye. I hurriedly gulped the remaining iced tea and walked out. I let my eyes scanned the area to proved that I was not dreaming!

There she was! My Hany!

She’s with her family… laughing at something. Her father ( Mang Ricky) had his arms wrapped around his wife( Aling Lora) lovingly while Hany had her arm looped on Inigo’s .  A picture of a happy family. A certain feeling enveloped my heart… I miss Ate Yngrid and dad suddenly. With what I saw, parang gusto ko rin nang ganoon.

Sana we will be able to have such bonding like theirs. When was the last time we had that bonding? Come to think of it… parang nasa grade 8 pa ata ako nun ah. Before dad got too busy. Too busy to visit his own son… too busy to even call his own  son… too busy to even say hi! Oh, Man! Nasa College na ako ngayon!  How time flies! Matagal na din kaming parang walang pakialamanan sa isa’t-isa. Siguro kung hindi ko nararamdaman ang love  and care sa akin ng ate ko, malamang parang super ALONE na talaga ako. Man! I got too emotional na ah! Ipinilig-pilig o ang aking ulo. I came out of my reverie when somebody bumped me.

“Oh, sorry.” an old woman said.

“Okay lang po.”

Muli kong hinabol ng tingin sina Hany. They were seated near  the fountain of that mall. I approached them.

“Hany.”tawag ko na ikinalingon nila. Wala sina Inigo at ang father niya.

“”Uy, Jon!” si Hany na nakangiti at as usual  suot niya ang famous BLUSH niya. He! He! He!

“Kamusta po.” Sabi ko sa nanay niya na halatang nagulat sa pagsulpot ko.

“Okay lang, iho. Namamasyal ka rin? Nasaan ang mga kasama mo?” tanong ng nanay niya na palingon-lingon sa may likod ko.

“Mag-isa lang po ako. Bumili lang po ako ng gagamitin ko para sa thesis ko.” Nakangiti kong sabi sabay pakita ng aking binili sa National.

“Ah ganun ba?”patangong sabi ng nanay niya.

“Tapos ka na ba sa thesis mo, Hany?”

“Ah… Oo. Review-hin ko na lang ulet para… para ready na ako sa pagde-defend natin.”

“Family Bonding po?”

“Oo, iho. Minsan lang naman ito. Bonding-bonding din pag may time.” Nangingiting sabi ng nanay ni Hany na parang teen-ager lang  ang hirit.

“Kuya Jon!” I smiled when I heard Inigo’s voice. He was holding popcorns on his arms.

“Uy, Inigo!” bati ko sa kanya.

“Magandang  umaga po.” Bati ko sa kanyang  father na may dalang tatlong supot  na take-out sa KFC.

“Magandang umaga naman. “ sabi ng father niya.

“Kuya, may bonding din kayo ng family mo?” tanong ni Inigo na pasimpleng siniko ni Hany.”Bakit? Masama bang magtanong? Sakit nun ate ha.”

Napatingin si Hany sa akin na parang humihingi ng pasensya. May alam na din siya siguro ng konti about sa family  ko.

“Ok lang, Hany.” Sabi ko sa kanya. “Wala kaming bonding, Inigo. Busy sila sa business eh.” Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam na parang napapahiya ako o naaawa ba ako sa aking sarili dahil wala palagi sila sa tabi ko.

“Ah, ganun ba iho. Pasensya ka na sa binata ko ha. Medyo matanong.” Sabi ng father ni Hany na binigyan ng pasimpleng tingin si Inigo. Napatungo naman ang huli.

“Saan pa ang punta mo, iho?” sabi ng nanay ni Hany.

“Pauwi  na po.”sagot ko.

“Kung hindi ka naman nagmamadaling umuwi, Jon eh baka gusto mong makigulo sa amin. Manonood kami ng sine. Itong misis ko kasi at si Hany ay pinilit kami nitong si Inigo para manood ng “Starting Over Again”. Paborito kasi nitong dalawa si Piolo. Gusto sana namin ng action movie eh kaso nanalo sa bidding itong nanay nila. Wala na akong nagawa. ” Natatawang sabi ng father ni Hany sabay kabig sa nanay niya na humilig pa sa balikat. I can see the love in their eyes.

Nabigla ako sa sinabi ng father niya. Parang  nawala ang kaba ko sa kanya. Alam kong istrikto amg father niya kaya I never expected this from him. Napatingin ako kay Hany na halatang nabigla rin.

“YES!!!!! Pumayag ka na kuya para may kasama kami ni Ama sa pagtaklob ng aming mga tenga kapag kinilig na sina ate at nanay.” Sabi ni Inigo na ikinatawa naming lahat.

“O, ano Jon. Okay ba lang ba sa iyo? Baka may gagawin ka pa sa inyo at nakaka-abala  kami.” sabi ni Hany.

“ Okay na okay sa akin! Sige, Inigo, samahan ko kayo ni Sir sa pagtaklob ng ating mga tenga kapag kinilig na sila. Ha! Ha! Ha! ” sabay high five ko kay Inigo na ikinasimangot ni Hany.  Natatawa lang sa aming tatlo ang mga parents nila. Parang bumaha ang kung ano sa dibdib ko. I will never forget this day.

Not only because Hany’s with me but It felt so good to belong  to a family. Hindi man akin… pero  dahil sa mainit nilang pagtanggap sa akin… para na rin akong may pamilya.

“Kung ganoon ay halina na kayo. Mabuti nang maaga-aga tayo sa bilihan ng tickets kasi alam kong dadagsa na iyang mga iyan maya-maya lamang.” Si Nanay niya.

Sabay-sabay kaming lumakad sa may ticket booth. I was about to pay the tickets myself when Hany’s father stopped me.

“Hayaan mo na akong magbayad iho. Sagot ko na ito.” Nakangiting sabi ng father niya sabay tapik sa balikat ko.

“Sige po. Pero sagot ko po ang lunch natin paglabas natin mamaya. Pwede po ba, Sir?” giit ko kasi nahihiya na talaga ako. Napatigil nang konti ang father niya at tumingin sa akin. Kinabahan na naman ako.

“Sige, pero hati tayo sa pagbabayad. Malakas kumain si Hany eh. ” sabay kindat ng father niya kay Hany.

“Ama!!!!!!!!!!!!!” namumulang sabi ni Hany sabay pout. Ayun na naman ang pout niya! Haisssttt!

“Anak, sadya ka namang malakas kumain  ah. Hindi mo ba siya nakikitang kumain sa canteen, Jon?”dagdag asar pa ng nanay niya.

“Nay!!!!!!!”si Hany.

“Ate, wag ka nang mahiya kay kuya. Mabuti na yung malaman niya na para kang may anaconda diyan sa tiyan mo. Para handa lagi si kuya. Baka maubusan si kuya ng budget kapag ikaw ang kasama niya!” kantyaw pa ni Inigo sabay apir ulet sa akin. Sinimangutan niya kaming dalawa na lalo naming ikinatawa.

“Wag kang mag-pout.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit? Masama?” pataray niyang sabi.

“Hindi, cute ka nga eh. Basta ‘wag kang magpout.” Giit ko.

“Aywan ko sa iyo.” sabi niya sabay alis sa tabi ko. 

“Hey, wag ka namang magalit sa akin.” Sabay lapit ko ulet sa kanya.

“Aba, naman. Ang aga ng LQ ah!” si Inigo.

 “LQ ka dyan!” si  Hany.

“O…O… tama na iyan. Hany, umayos ka at binibiro ka lang naman eh.” Sabi ng nanay niya.

“Nay, ako anak mo.”

“Alam ko kaya alam ko ‘yang tampu-tampuhan mong ganyan  pag may time. Pasensya ka na Jon sa dalaga ko ha.”

“Ok lang po.” Sabi ko.

Lumapit na sa amin ang father niya hawak ang mga cinema card pass at ang receipts ng tickets. Tinulungan ko na ding silang magbitbit ng mga supot at popcorns. We fell in line. Una parents ni Hany, si Inigo, si Hany at ako.

Marahan ko siyang tinapik sa kanyang balikat. “Uy, galit ka ba? Sorry na.”

Lumingon siya sa akin nang medyo nakangiti na. “Hindi naman ako galit sa’yo.  Asar lang.

Kasi naman po,pag bawalan mo ba naman akong mag-pout. Alam  mo bang isa iyon sa walang bayad na pwede nating gawin sa mundo?”

“Oo naman. Kaya lang…”

“Kaya lang?

“Basta.  Wag kang sumimangot o mag-pout kasi … kasi… mas maganda ka ‘pag nakangiti ka. O..Oo tama. Tama… yun ang dahilan.” Sabi ko.

“Sige na nga, bati na tayo.” Nakangiti niyang sabi na kasama ang kanyang prominent na blush! Ang cute!

Nakahinga ako nang maluwag dun ah.  Kasi naman, paano ko bang sasabihin sa kanya na kaya ayokong makikitang nag-popout siya ay… ay… baka mahalikan ko siya! Man! Here I go again. Nakaka-tempt kaya yun.  Baka ako masampal nito ah o kaya mabugbog ako ng tatay nya.

 Naku! So, Jon, control yourself ha!

 Nang makapasok kami sa loob, ay inaalalayan ko si Hany sa pag-akyat kasi dami din niyang bitbit.

Nang mapatingin ako sa kanyang magulang ay nakatingin pala sila sa amin. Napangiti ako na parang nahihiya kasi hawak ko ang kamay ni Hany. Baka akalain nila ay dumada-moves na agad ako. Hindi ah. Gentleman  lang talaga ako! Aheeemmm! I examined their reactions… ok naman. Mukhang pasado naman ang ginawa ko. Nakangiti ang nanay niya samantalang ang tatay niya ay tumango lang.

Hay… kakakaba ah!

Nang makahanap na kami ng upuan ay kagaya ng aming posisyon sa pagpila ay ganoon din ang aming pwesto sa pag-upo:

 Ako-----Hany---- Inigo----Nanay-----Tatay

First time kong makipag-bonding sa  family ng aking nililigawan. Iba pala ang pakiramdam.

Parang bawat  moves ko ay dapat ko munang pag-aralan. Mahirap nang ma-bad shot! Pero wala naman sila dapat ipag-alala dahil good boy ako.

Iba din pala ang feeling na makasama  sa isang family bonding… masarap… Masaya… parang nababawasan ang pagka-miss ko sa aking family.

At lalong iba ang feeling na makasama ang taong mahalaga sa iyo nang ganito kalapit. Halos magbungguan na ang aming mga siko at balikat. Parang  kinikilig  ako… parang bumabaha ng tuwa ang aking puso. Oh, man! Iba na ito!

Nang magsimula na ang palabas ay napapatingin ako kay Hany. Bakas sa mukha niya ang saya.

 Napaka-expressive ng kanyang mukha. Bakas sa mukha niya ang kilig kay Piolo at Toni.

Binunggo ko ang kanyang siko. “Uy, etong panyo oh.”

“Di ko pa iyan kailangan. Mamaya na lang ‘pag nakakaiyak na.”

“Hindi yan para sa luha.”

“Eh, para saan?”

“Dyan sa drool mo oh. Huwag mong katitigan si Piolo at baka magalit na si Toni.”natatawa kong sabi.

Nandidilat na hinipo niya ang may tagiliran ng kanyang bibig. “Wala naman ah! Ikaw talaga! Pulos ka kalokohan! Manood ka na lang! Kainis ito!” sabay hampas sa balikat ko.

“Uy, ang sweet nila. Karinyo-brutal agad ate!” si Inigo. Nagkatawanan na naman kaming dalawa ni Inigo.

 “Magtigil ka at kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mong bata ka!” si Hany.

“At saka mas gwapo ata ako kay Papa P mo. What do you think, Inigo? Hmmmm….”sabay porma kong Mr. Pogi.

“Tama ka dyan Kuya. Mana ako sa iyo parehas tayong singkit. Palitan mo na lang ang ate ko.” Pagbibiro ni  Inigo.

“Hmmm… pwede… pero pwede mo na rin akong maging kuya di ba?” pagsakay ko sa biro ni Inigo.

“Oo nga ano. Ate! Sagutin mo  na agad si kuya. Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Boooom! Karaka-raka! “

“Heh! Magtigil ka, Vice-ganda!” galit na si Hany!

“Mga bata, wag maingay at makulet.” Si nanay niya na nakatawa sa amin.

“Opo.” Sabay-sabay naming sagot.  Nagkatinginan kaming tatlo at napangiti habang muli naming itinutok ang aming tingin sa screen.

Nagsimula na kaming kumain nang sa pagkuha ko ng popcorn na nakalagay sa pagitan namin ni Hany ay nahawakan ko ang kanyang kamay. Uy, di ko iyon sinasadya ha. Nagkataon lang talaga.  Kumakabog ang dibdib ko ah. Ramdam ko na parehas kaming natigilan. Nanlalamig din parehas ang aming mga kamay.

Salamat popcorn ha. Hulog ka ng langit sa akin.

“Kamay ko.” Sabi ni Hany.

 “Ha?”

 “Sabi ko po, ang kamay ko. Baka akalain mong popcorn yan.” Nangingiti niyang sabi.

 “Ah… so…sorry.”  Sabay bitaw ko sa kamay niya.

 “Okay lang.”

May love scene sa movie pero napaka-wholesome at nakakatawa… pero nang tingnan ko  si Hany ay… nakatungo ito at nakatakip sa mga mata ni Inigo ang mga kamay nito. Nagkatinginan kami ng nanay niya at sabay kaming natawa.

 “Jon, bata pa mga anak ko ano?”

 “Opo nga.” 

 “Tama yang ginawa mo Hany. Bawal yan sa’yo. Bata ka pa.”sabi ko sa kanya.

 “Heh! Ikaw rin, dapat takpan yang mga mata mo at bata ka pa rin!” sabay takip niya sa mata ko.

Natatawa kong tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko. At… hindi ko na binitawan. Pinipilit niyang alisin… pero… lalo kong hinhigpitan! Akin na muna ito Hany.  

“Pahiram muna, pwede?” sabi ko.

“Ikaw talaga! Pwede ba muna akong mag-isip?”

 Nalungkot naman agad ako sa sinabi niya.Pero ok lang kasi kahit parang isang minute lang iyon ay masaya na akong maramdaman na hawak-kamay kami.  Unti-unti kong binibitiwan ang kanyang  kamay nang…

Nang…

Nang….

Nang...  siya na mismo ang   humawak sa kamay ko at hinigpitan pa niya iyon!

“Ok na, nakapag-isip na agad ako. Pwede mo na itong hiramin. Pero pag binalik mo dapat kasama ka na ha!” Sabay kindat niya sa akin.

Napanganga naman ako. “Ayaw mo?” tanong niya.

“Hinde. Gustong-gusto!” sabi ko. Kakatuwa itong babaing ito. At napakabilis mag-isip! Pang-Guiness!

“Joke lang. May bayad ang paghiram ng may kamay ng may kamay ha!”

“Oo ba! Anong bayad? Kiss gusto mo?”

“Gago! Bawal iyon at bata pa ako. Saka ko na sasabihin, kaya may utang ka sa akin ha.”

“Oo, basta ikaw. Nanginginig pa!”

“Ngeee! Nood na nga lang tayo, Bossing!” sabay kaming napatawa.

Hay Hany! Simpleng hirit mo, bentang-benta sa akin!  Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ko eh. Gayang-gaya ko na ang mga sinasabi ng akig mga classmates!  Wala na! Pasensya na at HOOK na HOOK na kay Hany!

Chick-flick is not on my favorite movie list but nagustuhan ko ang kwento nito. Nang andun na sa part na kaylangan nang magpaalam ni Piolo kay Toni… ay naramdaman kong humigpit ang tangan sa akin ni Hany. Napatingin ako sa kanya. Tahimik na din siyang umiiyak. Nadala na rin siya sakwento. Napapailing na lang ako sabay pahid ko sa kanyang luha. Napatingin siya sa akin at napapahiyang tumungo.

“Ang  baduy ko ano?”

“Di ah! Cute ka nga eh. Cute ka palang umiyak, Nanay Dionisia!”

“Heh! Ikaw talaga. Akin na nga yang kamay ko, anak!”

“Anak?”

“Eh di ba, sabi mo ako si Nanay Dionisia, eh di ikaw si Manny Poohquiao!”nakasimangot pero natatawa namang humirit ang loka!

“Hindi na. Ikaw na si Izza.”

“Yoko kay Izza. Un ang pinili ni Papa P.”

“Ikaw si Izza kasi ako na ngayon si Piolo. Ayos ba?”

“Hmmm… pwede. Pwedeng-pwede!”

“Yuck! Ang chessy ninyong dalawa! Kadiri kayo!” si Inigo.

Nagkatawanan na lang kami.  Napapailing na lang ako ditto kay Hany. Kanina umiiyak, ngayong nasa ending na kami ng movie… pag hinde sumisigaw ay kinikilig at ito pa… anlakas tumawa! Cute! Additional ganda points sa akin!

 Nang matapos ang movie ay magkakapit –kamay pa rin pala kami. Nang malapit na kami sa Aristocrat...ang  napiling kaninan namin sa lunch ay napatingin sa  kamay naming dalawa ang kanyang parents

.Nang mapansin namin ay sabay kaming napabitaw. Napakamot ako sa may batok ko samantalang siya ay napatungo na lang at napakapit kay inigo. napapiling na natatawa  ang parents niya at si inigo sa reaksyon namin.

 Nang maka-order na kami ay masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian.

Masaya ako na nakasama ko sila. Masaya ako kasi kasama ko si Hany! Nang hinihintay namin ang bill… hinawakan ko muli ang kanyang kamay at pinisil iyon… tanda ng pasasalamat ko sa ganitong pagkakataon. Thank You po Jesus!

A/N:

You don’t choose your family. They are God’s gift to you, as you are to them.                         ~Desmond Tutu

Continue Reading

You'll Also Like

639K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
613K 15.6K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.7M 72.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...