Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1

Epilogo 1.2

2.2K 108 115
By FilipinoFiction

Napahinto si Luna sa narinig.

May tumawag ba sa akin? Tanong niya sa sarili sabay lingon. Nakita niya ang mga estudyanteng nagbibiruan na nakasunod sa kaniya.

"Maayong hapon, Ma'am Mina," bati ng matangkad na estudyante ng mapaharap siya rito.

"Maayong hapon, Barry," nakangiting sagot ni Luna. Biglang naghiyawan ang mga kaklase ng binatilyo at ito'y napakamot sa kalbong ulo.

Sa tuwing makikita ni Luna si Barry – ang labing-pitong taong gulang na estudyante na nasa ika-anim na baitang pa lamang – isa lang ang kaniyang naaalala... si Isko. Sapagkat ang katangiang pisikal ni Barry ay hindi nalalayo kay Isko.

Tila ba nahiya si Barry sa pangangantiyaw ng mga nakababatang kaklase kung kaya't bigla na lang siyang nagpaalam kay Luna at lumiko sa kabilang daanan. Ang mga kasama niya'y nagtatawanang sumunod sa kaniya.

Muling nagpatuloy sa paglakad si Luna yakap ang ilang pirasong libro sa kaniyang kaliwang kamay. Maingat siyang tumawid sa kalsada at narating niya ang kabilang kalye ng maayos. Ngunit dahil sa pagbangga sa kaniya ng mga batang nagtatakbuhan sa gilid ng daan, nabitiwan niya ang mga hawak na aklat.

Grabe naman itong mga batang ito, dito pa talaga naglalaro sa gilid ng kalsada. Hindi na natakot sa mga sasakyang dumaraan, Inis na sabi ni Luna sa sarili.

Yumuko siya at isa-isang dinampot ang mga gamit. Mabuti na lang at hindi makipot ang suot niyang uniporme, kung hindi nahirapan na siya sa pagyuko.

Sa kaniyang pagtayo, matapos makuha lahat ng gamit, napatulala na lamang siya ng hindi inaasahan. Sa kabilang panig ng kalsada, nakita niya ang isang pamilyar na mukhang nakatitig sa kaniya.

I... Isko? Buong pagtataka niyang tanong sa isipan. Ang mga mata niya'y nakapako sa binatang nakatayo't nakangiti.

Lumukso ang kaniyang puso, at biglang bumilis ang pintig nito nang makita niya ang binatang tumawid ng daan.

Hala, papunta na siya sa akin! Ramdam ni Luna ang biglang paghilab ng sikmura dahil sa kaba. Parang gusto tuloy niyang magbanyo bigla.

Humugot ng isang malalim na hinga si Luna upang mapakalma ang sarili, at saka tiningala ang binata na tumayo sa kaniyang harapan.

"I... Isko?"

"Ako nga," masayang tugon ni Isko. Ang mga kamay niyang urong sulong ay tila ba gustong dumapo sa mga pisngi ni Luna.

"Pa... paanong?..."

"Mahabang kuwento," tugon ni Isko sa hindi maituloy na tanong ni Luna. "Teka, saan ba ang tungo mo? Ihahatid na kita. Pwede ko bang dalhin ang mga gamit mo?" Inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa harapan ni Luna.

"Ah," usal ni Luna, at iniabot niya kay Isko ang mga bitbit ng walang pagtutol.

"Kailangan ba nating sumakay ng jeep?" tanong ni Isko habang inaayos ang mga librong buhat. "Luna?"

"Ha?" biglang kinurap-kurap ni Luna ang mga mata at umiling-iling. Ginigising niya ang sarili sa pagkabigla sa nangyayari.

"Sasakay ba tayo ng jeep?" muling tanong ni Isko, hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Saglit na napatitig si Luna sa mamula-mulang labi ni Isko. Muling nagbalik sa kaniyang alaala ang unang halik. Bagama't hindi iyon ang halik na kaniyang pinangarap, hindi niya maitatanggi na iyon ay isang alaalang hindi niya malilimutan.

"Ah, hindi. Maglalakad lang tayo," sagot ni Luna. Sa paghugot niya ng malalim na hinga upang kalmahin muli ang sarili, napansin niya ang tila ba nahihiyang ngiting sumilay sa mukha ni Isko.

"Ah pasensiya na, Luna. Amoy pawis na ata ako," nahihiyang wika ni Isko.

"Ha?" biglang sagot ni Luna. "Naku hindi kita inaamoy, pasensiya na." Sumilip ang kiming ngiti sa kaniyang mukha. Nahihiya niyang inalis ang paningin sa binata. "Dito nga pala tayo," sabi niya sabay talikod kay Isko. Mabilis siyang naglakad palayo sa pangunahing kalsada at tinahak ang daan patungo sa kabilang kalye.

Mabilis rin ang pagsunod sa kaniya ni Isko. Ramdam ni Luna ang pagsisikap ni Isko'ng makatabi siya habang naglalakad, ngunit dahil sa dami ng mga taong nakakasalubong, walang nagawa si Isko kun'di sumunod na lamang sa likuran ni Luna.

Nang marating nila ang kalyeng hindi gaanong abala, mabilis na tumabi si Isko kay Luna at sinabayan ito sa paglakad.

"Uhm... kumusta ka na nga pala?" nahihiyang tanong ni Isko.

"Ah, maayos naman na simula nung natulungan kami ni Santi," sagot ni Luna. "Paano mo nga pala ako nahanap?" Biglang siyang huminto sa paglakad at hinarap si Isko. Bigla niyang napansin ang malaking pilat sa sentido ng binata. Doon, naalala niya ang kasalanang ginawa niya rito. Nalungkot ang kaniyang puso. Nais sana niyang humingi ng tawad sa hindi niya sinasadyang pananakit sa binata. Ngunit dahil sa hindi inaasahang sagot ni Isko, bigla na lamang nawala sa isipan niya ang paghingi ng tawad.

"Ah, kay Tina ko nalaman kung nasaan ka."

"Kay Tina?" buong pagtatakang tanong ni Luna. "Paanong?..."

Ipinaliwanag ni Isko ang tungkol sa pag-uusap nila ni Tina ukol sa kinaroroonan niya. Ngunit imbes na maliwanagan si Luna ay lalu pa siyang naguluhan. Kung kaya't minabuti ni Isko'ng simulan muna ang paliwanag tungkol sa umpisa ng pagkakaibigan niya sa apat na kaibigan ni Luna, hanggang sa pagtatapat ni Sir Santi kay Tina tungkol sa kinaroroonan ni Luna, hanggang sa desisyon niyang puntahan ito sa Iloilo.

"Simula ng malaman kong narito ka, hindi na ako mapakali," sabi ni Isko. Sinabayan niya ang mabagal na paglakad ni Luna. "At inabot din ako ng ilang araw bago kita natunton. Tumawag nga ako kagabi kina lola at Juan para magsabing hindi pa ako makakabalik ng Maynila. Ang usapan kasi namin ay babalik na rin ako roon sa ikalimang araw."

Biglang naalala ni Luna ang napanood sa telebisyon – isang taon na ang nakalipas. Ang paglapit nina Isko at Aling Bising sa awtoridad upang makuha si Juan sa pangangalaga ni Aling Angela ay naging isang malaking balita. Lubos ang pagkagulat ni Luna ng malamang si Aling Bising (na may-ari ng kantinang kinakainan nilang magkakaibigan malapit sa Unibersidad) ang lolang tinutukoy ni Isko.

Tinutukan ng mga tao ang kuwento tungkol sa nakakagambalang tradisyon sa kanilang barrio. Kani-kaniyang kumento ang lumutang. Napakarami ang nagalit. Halos isumpa ng lahat ang mga salarin sa kanilang mga nagawa. Mayroon din namang pangilan-ngilan na pilit inuunawa ang sitwasyon ng mga taga-barrio. Hindi rin nawala ang mga kumentong piniling ipagdasal na lamang ang mga buhay na ibinuwis sa bukirin. At ang iba nama'y awa na lamang ang tanging nasabi.

Noon, naisip din nina Luna'ng lumapit sa pulisya upang makuha si Lino sa pangagalaga ni Aling Angela, ngunit hindi nila nagawa dahil sa maselan niyang kalagayan. Nagdadalang tao siya noon, at hirap siya sa kaniyang pinagbubuntis. Malayo ang Visayas sa Luzon, at hindi niya magawang magbiyahe ng malayo dahil sa maselang kundisyon. Hindi rin naman magawang umalis ni Nina ng mag-isa at iwan siya. Natakot si Nina'ng ipagkatiwala si Luna sa iba dahil siya na lang ang natitirang pamilya niya't kadugo nito. Kung kaya't napagdesisyunan ng magkapatid na pansamantalang ipaubaya na lamang si Lino sa kasalukuyang nangangalaga sa kaniya. At susubukan na lang nila itong kunin sa panahong kaya na nila.

"Kumusta na nga pala ang kapatid at lola mo?" tanong ni Luna.

"Maayos naman sila," masayang tugon ni Isko. "Nasa Maynila sila ngayon, sa kantina ni lola. Doon tumutuloy ang lola sa tuwing may pasok. Umuuwi lang ng Laguna kapag bakasyon."

Biglang naglaro sa isipan ni Luna ang maaaring naging reaksyon ni Mang Tonio sa kulungan nang makitang buhay si Aling Bising. Siguro'y labis ang pagkagulat non at galit sa ginawang panlilinlang sa kaniya ng pamilya ni Isko. At marahil, labis din ang kaniyang poot sa ginawang pagtataksil sa kaniya ni Karding nang ibunyag ng kapatas sa balita ang detalye tungkol sa pinlano nilang dalawang pagpapaalis kay Isko sa barrio upang maangkin ang ari-arian ng pamilya nito, at ganoon din ang pagkamatay ng mga magulang ni Isko sa utos ni Tonio.

Inakala ni Karding na sa ginawa niyang pagbubunyag, makukumbinsi niya ang kapulisan na kunin siyang pangunahing testigo laban kay Tonio at sa mga kasamahan nito. Ang kusa niyang pag-amin sa mga nagawang krimen ay inakala niyang magiging susi upang mailigtas ang sarili sa pagkakakulong. Ngunit dahil sa napakalaking krimen na nagawa niya, hindi pinayagan ng awtoridad ang kaniyang hiling na maging testigo.

"Siya nga pala, Luna," biglang sumeryoso ang tinig ni Isko. "Noong kinuha nga pala namin si Juan sa barrio, pinilit kong gumawa ng paraan para makuha rin si Lino."

Napahinto muli sa paglalakad si Luna at biglang napatingin sa katabi. Nanlaki ang mga mata niyang naghihintay na ipagpatuloy ni Isko ang sinasabi.

"Gustong sumama sa akin ni Lino nung nakita niya ako. Gustuhin ko man, hindi ako pinagbigyan ng mga pulis at DSWD na isama siya. Hindi raw legal na kunin ko siya dahil hindi naman kami magkamag-anak. Mas may karapatan daw si Aling Angela dahil siya'y malayo ninyong kamag-anak."

Ang munting pag-asang sumilay sa mukha ni Luna ay biglang naglaho sa narinig. Malungkot niyang ibinaling ang paningin sa dinadaanang kalye at nagpatuloy sa mabagal na paglakad.

"Pero dahil sa kaso ni Mang Tonio, at sa marahas na tradisyon sa barrio. Hindi raw makakabuti para kay Lino ang manatili roon. Kung kaya't kinuha siya ng DSWD, at ngayon ay nasa pangangalaga na nila si Lino," dagdag ni Isko.

Lumukso ang puso ni Luna. Pakiramdam niya'y naging mabait ngayon sa kanila ang tadhana.

"Ibig-sabihin," nakangiting humarap si Luna kay Isko. "Nasa maayos na kalagayan si Lino. At kung makikipag-ugnayan kami sa DSWD, maaari naming makuha ang kapatid ko?"

"Oo, Luna. Ganoon nga," nakangiting sagot ni Isko.

Sumigla ang pakiramdam ni Luna sa narinig. Sa muli nilang paglakad, pakiramdam niya'y nakalutang ang kaniyang mga paa sa lupa.

"Narito na tayo," sabi ni Luna nang sila'y huminto sa tapat ng isang maliit na apartment. Kumatok siya sa pinto. Hindi nagtagal ay binuksan iyon ng isang maliit na babaeng nasa edad kwarenta karga ang isang sanggol na nasa limang buwang gulang.

"Hello, Fran!" masayang bati ni Luna sa sanggol na nagpapadyak ang mga paa sa ere ng makita siya. "Teka lang at mag-aalcohol lang ang nanay ha?"

"Ay, Mina. Pwede ba akong umuwi muna?" biglang tanong ng babaeng may karga sa sanggol. Marahan niyang inaalis sa kamay ng sanggol ang kulot niyang buhok na hinihila nito. "Nagtext kasi yung anak kong panganay. Dumating na raw kasi sa bahay ngayon yung kamag-anak namin."

"Ah ganun ba. Osige, Aling Sening. Sabihin ko na lang mamaya kay ate pagdating niya na umuwi muna kayo."

"Babalik din naman ako kaagad. Sa susunod na araw narito na uli ako. Salamat ha?"

Mabilis na pumasok si Luna sa bahay. Inilapag ang bag sa lumang sofa at kinuha ang alcohol na nakapatong sa lamesitang malapit sa bintana. Nang kinuha niya ang sanggol, agad namang umalis si Aling Sening.

"May anak ka na pala," mahinang sabi ni Isko.

Nilingon ni Luna si Isko na nakatayo sa may pintuan. Nakita niya ang ngiti sa labi ng binata at lungkot sa mga mata nito.

"Naku pasensiya na, Isko. Nakalimutan na kitang asikasuhin," paumanhin ni Luna na nakatayo malapit sa sofa karga ang sanggol. "Halika, pumasok ka. Maupo ka."

Tumuloy si Isko sa loob. Ngunit imbes na umupo, inilapag lang niya sa sofa ang mga bitbit na libro at saka humarap kay Luna at sa anak nito.

"Nag-asawa ka na pala," halos bulong na sabi ni Isko. Bagama't seryoso ang kaniyang mukha, walang bahid ng galit o inis ang kaniyang tinig.

"Ah," sambit ni Luna. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Isko. "Uhm, siya nga pala, Isko," iniharap niya ang sanggol kay Isko. "Si Framina, anak ko." Nakangiti siyang tumingala kay Isko.

"Ang ganda naman ni Framina," mahinang sabi ni Isko sabay himas sa manipis na buhok ng bata.

"Ipinangalan ko siya sa pangalan ng tatay niya – Francisco. At sa pangalan ko – Lumina."

"Si Francisco Santiago ba ang tinutukoy mo?" may bahid ng lungkot ang tanong ni Isko.

"Hindi si Santi ang ama ng anak ko. Si Francisco Magtanggol..."

Bumilis ang tibok ng puso ni Luna ng makita ang reaksyon ni Isko.

"A... ako..." namilog ang mga mata ni Isko nang siya'y magsalita. "Paanong?..."

"Noong gabi nung huli tayong nagkita," hindi na itinuloy pa ni Luna ang nais sabihin. Batid niyang naiintindihan na ni Isko ang gusto niyang ipaalam dito.

"Luna..."

Ramdam ni Luna ang nag-uumapaw na emosyon ni Isko. Naluha na lamang siya ng makita ang luhang nangilid sa mga mata ng binata.

Lubos ang kasiyahan ni Luna nang marahang hawakan ni Isko ang ulo ng sanggol at ito'y halikan. Matapos iyon ay banayad nitong kinabig si Luna sa kaniyang tabi. Naglapat ang kanilang mga labi at si Luna'y maligayang pumikit.

* * *

Ito ang kuwento ni Luna... Ang pag-ibig ni Isko... At ang misteryong bumabalot sa...

Lihim ng Lunangayin.

Wakas

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
133K 4.1K 34
Nang mamatay ang 3rd husband ni Nikki, naintriga ang magkaibigang Althea at Jozel. Pinagchismisan nila ito. Dito nila malalaman na nakamamatay ang ch...
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
33.5K 987 14
Bata pa lamang siya, alam na niyang may mali sa kaniyang pamilya. Mas naging kahina-hinala pa nang matuklasan niyang konektado ang buhay niya sa isan...