Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.2

Epilogo 1.1

1.5K 67 12
By FilipinoFiction

Makalipas ang mahigit isang taon.

Habang nakatayo si Isko sa labas ng maliit na kantina malapit sa gate ng Graciano Lopez-Jaena Elementary School, pinagmasdan niya ang mga batang estudyante na sunud-sunod na naglabasan ng paaralan. Tumila na ang mahinang ambon sa hapong iyon. Kani-kaniyang sundo ang mga magulang na nakaabang sa labasan.

Alisto ang mga mata ni Isko na nakapako sa mga unipormadong staff ng paaralan na nagsisilabasan. Nang makita niya ang pamilyar na babaeng kaniyang hinahanap, lumukso ang kaniyang puso. Bumilis ang pintig nito at lumawak ang ngiti sa kaniyang mukha. Ang pagod sa tatlong araw niyang paglilibot sa bayan ng La Paz upang hanapin ang babae ay bigla na lang naglaho nang masilayan ang mukha nito: Ang simpleng hitsurang napakaganda sa kaniyang paningin.

Mula sa kaniyang pwesto, nakita niya ang paglapit ng isang may edad na matabang lalaki sa babaeng kaniyang pinagmamasdan. Biglang kumunot ang noo ni Isko nang idikit ng lalaki ang mukha nito sa tainga ng babae. Animo'y isang paalam na halik ang iginawad ng lalaki bago siya muling pumasok sa gusali ng paaralan.

Siya kaya yung sinasabi ni Tina'ng Sir Santi? inis na tanong ni Isko sa isipan.

Muling pumasok sa isipan ni Isko ang mga napag-usapan nila ni Tina bago siya nagdesisyong umalis ng Maynila.

Ang hindi inaasahang pagkakaibigan nina Tina, Marvin, Sabel, Randy at Isko ay nagsimula noong nakaraang taon ng Hulyo. Sa pamamagitan ni Lola Bising, maayos na naipakilala niya si Isko sa mga kaibigan ni Luna.

Noong kumalat ang balita sa pahayagan tungkol sa marahas na tradisyon sa Lunangayin, nadiskubre ng apat na magkakaibigan ang tungkol sa ugnayan nina Isko't Aling Bising. Nakita nila ang paglabas sa telebisyon ng mag-lola nang sila'y humingi ng tulong sa kapulisan upang kunin ang kapatid ni Isko'ng si Juan sa pangangalaga ni Aling Angela. Ang paglapit nina Tina, Marvin, Sabel at Randy kay Aling Bising upang makidalamhati sa sinapit ng kanilang pamilya ay naging daan upang mabuksan ang pagkakaibigan ng lima.

"Isko!" tawag ni Tina pagkabungad sa kantina ni Aling Bising.

Abala si Isko sa pagliligpit ng mga pinagkainan sa mahabang lamesa. Hindi na gaanong matao sa kainan dahil dapit-hapon na't marami na ang nagsipag-uwian na mga estudyante sa Unibersidad na hindi kalayuan sa kanilang tindahan.

"Oh, ikaw pala, Tina. Anong meron? At bakit mag-isa ka lang?" tanong ni Isko. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at hinarap si Tina na tumapat sa wall-fan na malapit sa kaniyang pwesto. Nagpahangin ang dalaga na para bang init na init.

"Nagpapa-xerox pa sila d'yan sa labas. Susunod na lang daw dito," sagot ni Tina na sumusunod sa pag-ikot-ikot ng electricfan. "Siya nga pala. May magandang balita ako. Alam ko na kung nasaan si Luna."

Nabigla si Isko sa sinabi ng dalaga. Hindi makapaniwala na sa hinaba ng panahong pananahimik ng pangalang Luna ay muli na naman niya itong narinig.

"Anong sinabi mo?" kunot-noong pag-uulit ni Isko.

"Nitong hapon lang, bago kami mag-uwian, nung pumasok ako sa faculty, naabutan kong may kausap si Sir Santi sa telepono." Huminto si Tina sa pagsasalita't tumalikod sa electricfan at pinahanginan ang likod.

"Ha? Eh ano naman ang kinalaman niya kay Luna? Akala ko ba nagresign na 'yang Sir Santi n'yo nung Marso, eh bakit nariyan pa siya ngayon?" inis na tanong ni Isko. Sa tuwing naririnig niya ang pangalang Sir Santi, kumukulo ang kaniyang dugo.

Noong Marso, bago ang bakasyon, habang naghahapunan ang apat na magkakaibigan sa kantina ni Aling Bising, narinig ni Isko ang pag-uusap nila tungkol sa paglipat ni Sir Santi sa Iloilo. Si Sir Santi na guro nila sa Matematika na di umano'y may malaking pagtingin kay Luna. Kaya naman sa tuwing mababanggit ang pangalan ng guro, hindi maiwasang mayamot ni Isko.

"Oo, hindi na siya nagtuturo ngayon sa University dahil Vice Principal na siya sa isang Elementary School sa probinsya. Bumalik lang siya rito ngayong pasukan dahil sa utos ng aming University Head Registrar. Hindi ko alam kung ano yung issue eh. Pero yun nga," sabi ni Tina sabay tigil sa pagsunod sa elecricfan. "Narinig ko siyang kausap si Luna sa telepono."

"Ha?" buong pagtatakang nasambit ni Isko.

"Hindi niya alam na pumasok ako ng faculty. May file kasi akong inilagay sa table nung isa naming instructor. Eh mag-isa lang siya non, nakatalikod pa. Kaya hindi n'ya napansing may ibang tao na pala sa paligid n'ya," hinawi ni Tina ang mahabang buhok at ito'y ipinusod. "Maliwanag na narinig ko ang pangalan ni Luna kaya naman hindi muna ako umalis doon at pinakinggan ko pa ang pag-uusap nila. Sabi ni Sir Santi, pauwi na raw siya ngayong gabi, kaya 'wag na raw mainip si Luna't magkakasama na raw sila. At halos malaglag nga ang panga ko sa pagkabigla nung tawagin niyang baby si Luna. Kung titingnan, pero ayaw ko sanang isipin, pero kasi parang... may relasyon na yung dalawa," pag-aalangang wika ni Tina.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Lumukot ang mukha ni Isko. "Baka nagkakamali ka lang ng dinig. Hindi yun si Luna." Pigil ang galit sa kaniyang tinig.

"Si Luna 'yon!" pagpipilit ni Tina. "Kinumusta pa nga niya kami kay Sir Santi."

Nanlaki ang mga mata ni Isko.

"Malinaw ang dinig ko nung sinabi ni Sir Santi'ng, 'Maayos naman sina Tina.' Ibinalita pa nga niya ang pagiging campus figure ngayon ni Sabel dahil sa pagkapanalo n'ya sa Inter-School Swimming Competition."

Hindi maliwanag kay Isko ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Magkahalong kaba, pagdududa, saya at selos ang sabay-sabay na emosyong naglalaro sa kaniyang dibdib.

"Pero hindi rin nagtagal ang pag-uusap nila dahil naputol ang linya. Siguro nawalan ng signal," pagpapatuloy ni Tina. "Napatulala na nga lang ako non sa pagkabigla, kaya nagulat si Sir Santi nang makita niya akong parang estatwang nakatitig sa kaniya pagharap niya sa'kin. Tapos ayun..."

"Anong ayun?" inis na wika ni Isko sa bitin na kuwento ni Tina.

"Ibig kong sabihin, nagsimula na siyang magpaliwanag nung inusisa ko siya tungkol sa mga narinig ko. Ayaw pa nga niya magsalita nung una, pero dahil sa kakulitan ko, napilitan siyang magsalita. Alam niyang hindi ko siya titigilan kanina kaya nagbigay na rin s'ya ng ilang impormasyon tungkol kay Luna. Pero tingin ko rin, siguro naisip rin ni Sir na ipagtapat na rin ang maayos na kalagayan ni Luna para mawala na rin ang pag-aalala naming magkakaibigan sa kaniya. Mahigpit niya lang akong binilinan na wala raw dapat ibang makaalam ng tungkol kay Luna kun'di kaming apat lang nina Sabel," paliwanag ni Tina. "Sabi ni Sir Santi, nasa Iloilo raw si Luna. Noong nakaraang taon pa raw humingi ng tulong si Luna sa kaniya. Kaya naman pala bigla siyang pumunta ng Iloilo non at nag-absent ng dalawang linggo. Bale nagpalipat-lipat muna raw sina Luna at kapatid niya sa ibat-ibang lugar sa Visayas bago sila napuntang Iloilo. Nung nahirapan na raw ang magkapatid sa paghahanap ng maayos na trabaho, doon daw naisipan ni Luna'ng humingi na ng tulong kay Sir Santi. Di mo na itatanong, si Sir Santi kasi ay taga Iloilo kaya hindi na nakapagtatakang sa kaniya humingi ng tulong si Luna kung doon nga sila napadpad. Bukod pa roon, halata naman ang malaking pagkagusto ni Sir Santi kay Luna kaya siguradong hindi mapapahiya si Luna kapag lumapit siya kay Sir."

Bagama't hindi maitanggi ni Isko sa sarili ang selos, pilit niyang inunawa ang kalagayan ng mahal niyang si Luna.

Napag-alaman niya mula kay Tina ang pagtulong ni Sir Santi upang makakuha ng maayos na trabaho si Nina, gayun din si Luna. Ayon rito, ang magkapatid daw ay kasalukuyang naninirahan sa La Paz, Iloilo, at si Luna ay nagtatrabaho bilang isa sa mga staff sa Elementary School sa La Paz. Hindi nga lang alam ni Tina kung saang school dahil hindi na rin nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Sir Santi ukol dito.

Hindi inaasahan ni Isko ang dami ng bilang ng Elementary School doon. Kaya naman nahirapan siya sa paghahanap kay Luna. Tatlong araw din siyang naglibot sa lugar at nagtanong-tanong sa mga eskwelahan bago natunton ang kinaroroonan ni Luna.

Bagama't pilit na sumisiksik sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Tina ukol sa hinala nito sa relasyon nina Luna at ng guro nito, hindi pa rin nawala ang kaniyang pagnanais na makitang muli si Luna. Ang nais ni Isko ay marinig mula sa mga labi ng dalaga ang katotohanan. Kung mapag-aalaman niya mula kay Luna na iyon ay totoo, siya na mismo ang kusang lalayo. Kahit masakit, mamarapatin niyang magpalaya para sa ikaaayos ng buhay ng minamahal.

Lumalakad nang papalayo si Luna ng matauhan si Isko sa kaniyang kinatatayuan, at maalala ang tunay na pakay niya sa pagpunta sa lugar na iyon: Naroon siya hindi lang para makita si Luna. Naroon siya para makaharap at makausap ang mahal na dalaga.

Nagmadali si Isko sa paghabol kay Luna. Halos hawiin niya ang mga estudyante at ang mga sundo nila sa kaniyang dinadaanan.

Kung kailan ka naman nagmamadali oh, saka ka sasalubingin ng mga tao. Tumabi naman kayo, pakiusap! Iyon na lamang ang nasabi niya sa isipan dahil sa pagkayamot.

Palayo na ng palayo si Luna, samantalang siya naman ay pabagal ng pabagal dahil sa pagdagsa ng mga estudyanteng sumasalubong sa daanan niya.

"Luna!" biglang sigaw ni Isko ng malakas sabay hinto. Napayuko siya't halos maitukod na ang mga kamay sa sementong daanan nang muntikan na siyang matisod sa paanan ng barrier na bakal.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 123 3
Princess Lim fulfilled her Lolo's mission to become the leader and rank 1 gangster in the Philippines. But a peculiar phenomenon happened during thei...
55.5K 1.2K 15
BABALA: "Mag-ingat Ka Sa Lugar Na Iyon!" Author: Mart25 My Original Paranormal,Mystery/Thriller Story.
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
43.6K 860 22
"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT...