The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 37: Father and Son

2.2M 53.7K 14.4K
By blue_maiden

JEYDON

Minulat ko 'yong mga mata ko. Bumungad agad sa 'kin 'yong ilaw sa kisame. Nabalot ako ng takot nang mapagtanto ko na nasa hospital na naman ako. Ayoko sa lugar na 'to. Binabalik lang ng lugar na 'to lahat ng masasakit at mapapait na alaala ko.

"Anong nararamdaman mo?" Lumingon agad ako sa kanan ko para makita ko siya. "May masakit ba?" Nanlaki 'yong mata ko.

"Sabihin mo, panaginip na naman ba 'to?" Napangiti siya nang bahagya sa sinabi ko. "Totoo bang nandito ka ulit sa tabi ko?"

"Weirdo ka talaga 'no? Ano bang tingin mo sa 'kin ha? Multo?" Ngayon tumawa naman siya pagkatapos ay kinurot niya nang mahina 'yong pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit kaya ibig sabihin, hindi nga ako nananaginip. "O ayan, hindi na ba panaginip para sa 'yo ang lahat?"

"Ano bang nangyari? Bakit nasa ospital na naman ako?" Parang mas lalo lang sumasakit 'yong ulo ko kakaisip.

"Nahimatay ka kanina habang kasama mo sina Kuya. Dinala ka nila agad dito tapos tinawagan ako ni Kuya para sabihin na nandito ka." Inalala ko 'yong mga pangyayari kanina. Sumakit bigla 'yong ulo ko pagkatapos ay nagdilim na 'yong paligid. Tapos biglang nandito na ako sa ospital. "Okay ka na ba?"

"Oo, ayos na ako. Gusto ko nang umalis dito." Binalak kong umupo pero biglang sumakit 'yong ulo ko.

"Hanggang ngayon ba matigas pa rin 'yang ulo mo? Magpahinga ka nga muna." Napakamot na lang siya ng ulo. "Aish! Pasaway na pusa 'to."

"Narinig ko 'yon ah!" sigaw ko.

"E di narinig mo! Pasaway ka naman talaga e, kaya ka napapahamak." Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay natahimik kaming dalawa. "Pwede mo pa rin naman akong maging nurse, di ba? Katulad ng dati? Kahit as a friend na lang."

Bigla akong natigilan. Oo nga pala, pareho na kaming nag-let go. Hanggang sa pagiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Para akong tanga kasi bigla na lang akong nasaktan. Ano bang problema ko? Ito naman 'yong gusto ko.

"'Wag na, wala ka namang kwenta mag-alaga e," pang-aasar ko. Gusto ko lang siyang asarin. Minsan lang naman pwedeng mangyari 'to e.

"Wow ha? Kaya pala ako 'yong nagpapagaling sa 'yo dati?" Napangiti ako. Kahit naman hanggang ngayon, ikaw pa rin. "'Wag na nga. Ang choosy mo." Bigla siyang nagtaray sa 'kin.

Gustung-gusto kong tumawa pero kailangan ko na pigilan 'yong emosyon ko. Ayoko nang maging malapit pa ulit kami. Ayoko na mapalapit pa ulit sa 'kin si Candice at sa huli, masasaktan lang siya. Tama na 'yong nag-let go na kaming dalawa.

"Bakit ka ba nandito?" Nagulat siya sa tanong ko.

"Ah kasi... si Kuya... sabi niya kasi pumunta raw ako rito." Para siyang nawala saglit sa sarili niya. "Papunta rin ako sa bahay ninaa Lucas kasi dumating galing Korea 'yong pamilya niya. Dumaan muna ako rito kasi nasa airport pa sila."

Nainis ako bigla sa sarili ko. Ang gago ko para ipagtabuyan siya. Alam kong nagmamalasakit pa rin siya sa 'kin kaya siya nandito pero ano 'tong ginagawa ko? Isa pa, nakaramdam ako ng selos kay Shawn. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to dahil wala na akong karapatan kay Candice. Ako naman 'yong nagtulak sa kanya papunta kay Shawn. Ang gago ko talaga. Wala akong kwenta.

"Sige, aalis na rin ako. Nandito pa sina Kuya. Tatawagin ko lang sila." Tumayo siya pagkatapos ay lumabas agad siya ng kwarto. Hindi ko man lang siya napigilan.

Napatingin na naman ako sa ilaw na nasa kisame. Naisip ko ulit 'yong katangahan na ginawa ko. Siya na 'yong lumalapit sa 'kin pero ako 'tong taboy nang taboy sa kanya palayo. Nasaktan na naman ba siya sa ginawa ko? Kailangan ko lang naman 'yon gawin dahil mamamatay na ako at hindi na siya magiging masaya pa sa 'kin. Ang gusto ko lang naman sa simula pa lang ay 'yong maging masaya siya.

Hindi ko na napigilan na umiyak. Siguro dahil sa inis at sakit. Inis sa sarili ko at sakit na makita si Candice na tuluyan nang lumalayo sa 'kin.

"Jeydon?" Boses ni Troy. Kasunod niya si Marky pero si Charles, wala pa. "Okay ka na ba?"

"Kailan ba ako hindi naging okay?"

"Kanina!" sigaw niya. ''Wag ka nga mag-feeling na malakas ka, ugok." Sa ekspresyon ng mukha niya, gusto niya akong batukan.

"Anong sabi ng doktor? Kailan daw ako mamamatay?" Pagkasabi ko pa lang no'n, kita ko na agad sa kanila 'yong pagkainis. Alam ko naman na ayaw nilang mawala ako pero ayon 'yong katotohanan na kailangan naming tanggapin.

"Excited ka na bang mamatay?" inis na sabi ni Marky pero dahil siya si Marky, mahinahon pa rin siya. "Maghintay ka lang. May tamang panahon diyan at swerte ka na magtatagal ka pa."

Biglang akong napatingin sa kanya. Magtatagal? Anong sinasabi ni Marky?

"Masamang damo ka, ugok, kaya hindi ka pa mamamatay." Nagulat ako sa reaksyon ni Troy. Nakangiti na siya ngayon. Bigla akong naguluhan. May kailangan ba akong malaman?

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

Bumukas 'yong pinto. "Nasabi niyo na ba?" tanong ni Tanda.

"Nasabi ang ano?" nagtataka kong tanong. Nakatayo silang tatlo sa harap ko. Nagkatinginan pa sila at parang nagtuturuan pa kung sino 'yong magsasalita. 'Bawal paghintayin ang gwapong katulad ko. Ano ba 'yon?"

"May sasabihin kami," simula ni Troy. Gusto ko siyang batukan.

"Obvious bang alam ko? Ano nga 'yon? Naiinis na ako." Naging seryoso sila.

"Jeydon, walang taning 'yong buhay mo. Hindi ka pa mamamatay dahil wala kang brain cancer."

Natulala ako sa sinabi ni Marky. Hindi ko maipasok sa isip ko 'yong mga pinagsasasabi niya. Para isang malaking biro pero hindi nakakatawang biro 'yon. Bigla tuloy akong natawa. "Alam ko tapos na 'yong April Fools." Tumawa pa rin ako pero silang tatlo, napakaseryoso pa rin ng mukha.

"Jeydon, hindi kami nagbibiro. Wala kang cancer at lalong walang taning 'yang buhay mo," pagpipilit ni Charles.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ngayon pa lang unti-unting pumasok sa isip ko na totoo lahat ng mga sinasabi nila. Natahimik lang kaming lahat.

Paano mangyayari na wala akong cancer at walang taning ang buhay ko? Imposible naman na magkamali 'yong neurologist namin. Napakagaling niya at hindi pwedeng magkamali 'yong mga result na pinakita niya.

"Gaano ba kayo kasigurado na wala nga talaga akong cancer at walang taning 'yong buhay ko?" Kahit medyo masakit pa 'yong ulo ko, pinilit ko nang tumayo. "Tangina naman. 'Wag niyo na akong paasahin sa wala. Kung mamamatay ako, then so be it. Ready na akong harapin si kamatayan."

"May brain tumor ka pero hindi 'yon malignant kaya hindi siya cancerous. Kailangan lang daw ng operasyon para maalis 'yon at gumaling ka. Para sa 'kin, naniniwala ako sa sinabi ng doktor. Pwede naman tayo magpa-second opinion pero alam ko na pareho lang 'yong magiging resulta. Wala kang cancer, Jeydon."

Kilala ko si Kie. Matalino siya. Kung sa tingin niya totoo na wala akong cancer, maniniwala ako sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sinabi sa 'min ng doktor na 'yon na may cancer ako at may taning na 'yong buhay ko. Dalawa kami ni Dad na kausap niya no'n. Hindi siya pwedeng pumalpak lalo na sa harap ni Dad dahil isa kami sa may-ari ng ospital na 'yon.

Sandali, parang may mali.

"Jeydon, tingin ko kailangan mong kausapin 'yong daddy mo tungkol dito."

Then it hits me. Para siyang puzzle na unti-unting nabubuo sa isip ko. Kaya ba palaging kausap ni Dad 'yong neurologist ko? Kaya ba ayaw niyang ipakita sa 'kin nang buo 'yong mga test result? Kaya ba ayos lang sa kanya na 'wag na akong magpa-chemo? Kaya ba gano'n na lang kadali para sa kanya na tanggapin 'yong kondisyon ko?

Ayokong isipin na niloko ako ni Dad, na may ginawa siyang hindi maganda pero hindi ko maiwasan. Sana wala, sana wala siyang kinalaman sa lahat ng 'to kasi hindi ko na alam kung anong magagawa ko. Maayos na kami kaya natatakot akong masira na naman kami. Hindi ko tuloy mapigilan na mabalot ng kaba.

Sandali kong naisip si Candice. "Alam na ba ni Candice 'yong totoo?"

"Hindi pa namin nasasabi sa kanya," sagot ni Charles. Mabuti na lang.

"Kailangan kong puntahan si Dad."

Inalis ko lahat ng mga nakakabit sa katawan ko. Wala akong pakialam sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong kausapin si Dad, gusto kong tuluyan na maliwanagan. Gusto kong malaman 'yong totoo.

"Hindi ka pa magaling, Jeydon. Magpahinga ka muna," inawat ako ni Troy pero hindi ako nagpapigil. "Jeydon, ano ba?!"

"Hayaan niyo na ako! Kailangan kong malaman 'yong totoo!"

Lumabas agad ako ng kwarto. Nagmadali akong umalis. Pumara agad ako ng taxi pauwi sa 'min. Habang tumatagal, mas nadaragdagan lang 'yong paghihirap ko.

Parang ayokong tanggapin 'yong katotohanan. Masakit na isa lang pala 'yong kasinungalingan.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa office ni Dad.

Bago pa man ako makapasok, nakita ko na 'yong pintuan na bukas at may narinig din akong boses sa loob.

"Tito Dave, itigil niyo na 'to. Hindi ba kayo naaawa kay Jeydon? Sobra na siyang nahihirapan!" sigaw ni Kim. Hindi muna ako pumasok sa loob para mapakinggan ko 'yong pinag-uusapan nila. "Anong klase ba kayong ama? Nagawa niyong lokohin pati sarili niyong anak?"

"Kim, ginawa ko 'yon para kay Jeydon. Ginawa ko 'yon para maghiwalay sila ni Candice. Kilala ko 'yong anak ko. Alam kong makikipaghiwalay siya kay Candice. Tama naman ako, hindi ba?"

Totoo nga, isa lang 'yong palabas.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko. May kung anong mabigat akong naramdaman. Puno ako ngayon ng galit na para akong bulkan na gustong sumabog. Paano niya nagawa na lokohin ako?

"Hindi mo ba nakita na pabor sa 'yo lahat ng mga ginawa ko? Wala na sila ni Candice at pwedeng pwede na kayo ni Jeydon. Nasa sa 'yo na lang kung papaano mo makukuha ulit 'yong anak ko. Kim, ikaw ang gusto ko para kay Jeydon at hindi si Candice. Hindi ko hahayaan na maging parte ng buhay namin ang anak ng taksil kong kaibigan."

Naramdaman ko na lang na may mga luha na pala na pumapatak galing sa mata ko. Hindi ko kayang ipaliwanag 'yong nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobrang galit at inis.

"Tito Dave, hindi 'yon fair kay Jeydon! Ayoko siyang makuha nang gano'n. Tama na! Sasabihin ko na kay Jeydon 'yong totoo!

"No, Kim. Hindi ito pwedeng malaman ni Jeydon." Hindi ko na matiis kaya pumasok na ako sa loob.

"Huli ka na, Dad. Alam ko na 'yong lahat." Parehong nanlaki 'yong mga mata nila no'ng nakita nila ako. "Lahat ng 'to, pakana mo lang pala." Hindi pa rin tumitigil 'yong mga luha sa mata ko.

"Jeydon, hayaan mo akong mag-explain."

"Explain?! Ano pang explanation 'yong kailangan ko ha? Ginago mo ako, Dad!" Nahihirapan akong huminga dahil sa galit.

"Ginawa ko 'yon para sa 'yo! Para mapabuti ka!"

"Mapabuti?" Lumapit ako sa kanya. "Ginawa mong miserable 'yong buhay ko!" Kinuha ko 'yong kwelyo ng damit niya. Gustung-gusto ko siyang suntukin. "Alam mo ba kung gaano na ka-miserable 'yong buhay ko?! Wala nang kwenta 'yong buhay ko! Wala na dahil iniwan na ako ni Candice! Iniwan na ako ng babaeng pinakamamahal ko! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?! Parang namatay na rin ako e!" Nakahanda na 'yong kamao ko para suntukin siya pero pinigilan ko 'yong sarili ko.

Napaupo na lang ako sa sahig. Sobrang sakit na ng ulo ko pero walang wala 'yon sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Tanginang buhay 'to! Pati sarili kong tatay, ginago ako!" Hindi ko na napigilan na umiyak nang tuluyan.

Halo-halong emosyon na 'yong nararamdaman ko. Inis, galit, at pagkasuklam. Ang bigat sa pakiramdam.

"Jeydon, tumigil ka na!"

Tumayo ako para harapin ulit siya. "Ikaw ang tumigil!" Pakiramdam ko ay nagdidilim na 'yong paningin ko. "Lumayo ka sa 'kin baka ano pang magawa ko sa 'yo!"

Lumapit sa 'kin si Kim. "Jeydon, maghunos-dili ka." Tinulak ko siya palayo sa 'kin.

"Hunos-dili? Nagpapatawa ka ba, Kim? Paano ako kakalma sa lahat ng nalaman ko? Niloko ako! Ginago ako! At ikaw, pinagkatiwalaan kita pero niloko mo rin ako!"

"Jeydon, patawarin mo ko. Hindi ko naman gustong lokohin ka."

"Kalokohan! Niloko niyo akong lahat! Magsama-sama kayo!"

Lumabas agad ako ng office ni Dad pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko. Kumuha agad ako ng bag tapos nag-impake ako ng mga gamit ko. Wala na akong dahilan para manatili pa rito. Hindi ko na kayang tumira sa iisang bahay kasama si Dad.

Biglang bumukas 'yong pinto ng kwarto ko. Pumasok silang lahat—si Mom, si Ate, si Jayshin, si Kim, at si Dad.

"Jeydon! Anong nangyayari? Bakit nagbabalot ka ng mga gamit mo?" Lumapit sa 'kin si Mom para pigilan ako pero hindi ako nagpaawat. "Saan ka pupunta?"

"Aalis na ko sa bahay na 'to, Mom. Hindi ko na kayang tumira kasama si Dad." Lahat sila ay napatingin kay Dad.

"Ano na naman bang ginawa mo sa anak natin, Dave?"

"What I did was for him. Maiintindihan din ni Jeydon ang lahat." Nagpintig 'yong mga tenga ko sa sinabi niya. Para sa 'kin? Gago ba siya?

"What you did was just for your own sake!" Wala na akong pakialam kung pagmataasan ko pa siya ng boses. Hindi ko na kayang kontrolin 'yong galit na nararamdaman ko. "Wala kang kwentang ama!"

Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay sinuntok niya ko. Napahiga ako sa sahig at pagkahawak ko sa labi ko, dumudugo siya.

"Dave, ano ba!" Inawat siya ni Mom pero hindi siya nagpaawat. Tumayo siya sa harapan ko.

"Wala kang karapatan na sabihin 'yan sa 'kin na ama mo! Ako 'yong bumuhay at nagpalaki sa 'yo! Kung wala ako, wala ka! Ganyan ba kita pinalaki?! Wala kang galang! Wala kang respeto sa 'kin!"

Tumayo ako tapos tumayo ako sa harap niya. Tiningnan ko siya nang mata sa mata.

"Respect is for those who deserve it, not for those who demand it." Pinikit ko panandalian 'yong mata ko para ma-control ko 'yong sobra-sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. "Dahil sa lahat ng ginawa mo, lahat ng natitirang respeto ko sa 'yo, nawala."

"Kilalanin mo kung sinong kinakausap mo. Ama mo pa rin ako!"

"'Yon nga e! Ama kita pero nagawa mo sa 'kin 'to! Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa?!" Napaupo ulit ako. Hinawakan ko 'yong ulo ko. Sobrang sakit na. "Sinabi mong may cancer ako at may taning na 'yong buhay ko. Alam mo ba kung gaano kahirap na tanggapin 'yon? Alam mo ba kung gaanong trauma 'yong naramdaman ko? Kung gaano kasakit na araw-araw mong iniisip kung hanggang kailan ka na lang tatagal sa mundong 'to?! Tapos isang araw, malalaman ko na palabas lang pala lahat ng 'yon para lang mapaghiwalay kami ng taong mahal ko?! Tangina! Parang gusto kong mamatay na lang!"

Tumayo ako pagkatapos ay kinuha ko 'yong mga gamit ko.

"Jeydon, saan ka pupunta?" pag-awat sa 'kin ni Noona. "'Wag kang umalis."

"Mianhe... aalis na ako sa bahay na 'to at hindi na ako babalik pa."

"Sa oras na umalis ka sa bahay na 'to, lahat ng mana mo, mawawala. 'Yong credit cards mo, bank accounts, at lahat ng properties mo ay iho-hold ko." Natawa na lang ako. Tingin niya ba, matatakot ako roon? "Kalimutan mo na rin kaming pamilya mo, lalo na ako na ama mo dahil hindi na kita ituturing na anak."

"Gawin mo lang kung anong gusto mo."

Humarap ako sa kanya. Tiningnan ko ulit siya sa mga mata niya. "Simula ngayon, hindi na rin kita ituturing na ama. Kakalimutan kong tatay kita at simula ngayon, wala na akong ama."

Tumalikod ako sa kanilang lahat.

"Hyung! Don't leave!"

Hindi ko pinakinggan 'yong mga pagpipigil nila. Hindi ko na talaga kayang makisama pa kay Dave Lopez. Mas gugustuhin kong maging mahirap kaysa mabuhay na kontrolado lahat ng galaw ko. Nagmadali akong umalis ng bahay.

Kinuha ko 'yong kotse na binigay sa 'kin ni Marky. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Simula ngayon, mag-isa na lang ako. I'm on my own.

Walang credit cards, walang bank accounts, walang apartments at condo. Lahat ng luho na meron ako, wala na. Ang aasahan ko na lang 'yong sarili kong pera na hindi naman gano'n kalaki. Ito na siguro 'yong panahon na mararanasan ko kung paano maghirap at mabuhay nang independent.

Napahinto ako, kinuha ko 'yong phone ko pagkatapos ay pinanood ko 'yong video ko kasama si Dad.

"Jeydon, paglaki mo, ano ang gusto mong maging?"

"I want to be just like you, Dad!"

"Good boy. I know that in time, ikaw na ang papalit sa 'kin. I love you, Jeydon."

Hindi ko na naman napigilan na umiyak. Bakit kailangan na humantong lahat sa ganito? Tanginang buhay 'to. Mahal ko siya pero ngayon, wala na lahat ng pagmamahal ko. Kinamumuhian ko siya at nasusuklam na ako kahit tawagin man lang siyang ama. Binura ko 'yong video na 'yon at lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya.

Nagpasya muna ako na pumunta sa bahay nina Shawn. Gusto ko lang makita si Candice. Nanatili lang ako sa kotse ko at naghintay.

Naghintay ako ng tatlong oras bago ko nakitang lumabas si Candice kasama si Shawn. Ang saya niyang kasama si Shawn. Nakita ko ulit 'yong mga ngiti niya.

Gusto kong maging masaya pero shit, ang sakit. Sobrang sakit. Ngayon pang nalaman ko na hindi naman pala ako mamamatay. Na wala naman palang kwenta lahat ng sakripisyo ko. Na pwede naman pala na hanggang ngayon ay kami pa rin—masaya. Para ko siyang pinamigay nang gano'n na lang sa iba.

Kung hindi lang sana 'yon nangyari.

"Sana ako pa rin 'yong nasa tabi mo. Sana tayo pa rin, Candice... Sana ako pa rin 'yong mahal mo. Sana lahat ng 'sana' matupad." Napangiti ako habang umiiyak. "Candice, mahal na mahal kita e... Sana bumalik ka na sa 'kin..."

Napahawak ako nang mahigpit sa manibela ng kotse ko. Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Pareho na kaming nasaktan at pareho na kaming nag-let go. Pareho na naming tinalikuran ang isa't isa.

Pinaandar ko 'yong kotse ko.

"Candice, kung talagang tayo ang para sa isa't isa, alam ko na pagtatagpuin pa ulit tayo ng mapaglarong tadhana. Ngayon, magpapaalam muna ako sa 'yo. Aayusin ko muna 'yong sarili ko. Sana pagbalik ko, hindi pa huli ang lahat..."

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako magsisimula pero kailangan kong ayusin 'yong buhay ko. Kailangan ko nang matuto na tumayo sa sarili ko.

I'll be gone, but I will be back...

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
8.6K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...