Mika’s POV
“Kainin mo na kasi ‘to yougurt. Ang payat payat mo na oh”
Tinitingnan ko si Reed habang sinusubuan si yougurt niya
Naman.Buti nga nagkabalikan na din ‘tong dalawa
Andito pala kaming tatlo sa opsital
Okay naman daw si Ann sabi ng mga doctor
Mga pasa lang tsaka sugat pero di naman daw masyado malakas yung pagkabugbog sakanya nung mga hinayupak na nangidnap sakanya
Bestfriend din pala ni lolo yung may-ari ng ospital na ‘to kaya napakiusapan ko na wag ipaalam kahit kanino yung tungkol kay Ann
Mahirap na. Baka daw makaabot sa magulang ni Ann
Buti nga di naman pala totoo na umuwi yung mga magulang niya nung Sunday.
Hai. Isang linggo lang ba talaga yung nakalipas? Parang isang taon eh >.<
“Busog na nga kasi ako chuckie”
“Eh di mo pa naman ‘to nauubos. Ubusin mo na yougurt. Please?”
Tapos pinipilit niyang ipasok sa bibig ni Ann yung kutsara
Si Ann naman nakatikom na ang bibig
“M-mm” umiling iling siya
“Hai. Sige na nga. Inumin mo na’tong juice” kinuha niya yung orange juice na nakalagay sa table na katabi lang ng bed tapos inabot sakanya
Ngumiti si Ann tsaka ininom yung juice
Napailing nalang ako
Balik na talaga sila sa dati.
Linalanggam nanaman sila eh.
“Hoy! Bago pa man ako magmistulang pader na linalanggam dito, aalis na ako” sabi ko sakanilang dalawa habang tumatayo
“Ahy bhez!Anjan ka pala. Hehe”
Kita niyo na? Initsapwera ako eh. =_____=
“Hehe. Pasensya na Mik ha. Namiss ko lang talaga ‘tong yougurt ko” kinurot niya yung pisngi ni “yougurt” niya
Iiiihhh
Nagkakagoose bumps ako sa dalawang ‘to
“Ang cheesy niyo na. Sige na. Ingatan mo nalang yang bestfriend ko Reed” sabi ko sakanila tapos naglakad na papuntang pintuan
“Naman. Di ko na ‘to pakakawalan eh. Safe na safe ‘to sakin” inakbayan niya si Ann
“Ang sweeettt naman ng chuckie ko. Ingat bhez! Love you!”
Napailing ulit ako tsaka binuksan ang pintuan
“Geh.Salamat.”
Lumabas na ako ng ospital
Nangangati na talaga ako dun
Brrrr
“Ako yougurt walang love you?” narinig kong sabi ni Reed
Tsk tsk
*************************************************************************************
Nag taxi ako papunta ng Gaitlin Academy
At eto ako ngayon, papunta na sa taas
Pagdating ko naman sa may suite namin, andun si Ethan nakatambay
Eh? Ano ginagawa nito dito?
“Oh? Bakit andito ka?” tanong ko habang binubuksan ang pinto
“Walang magawa eh. Tsaka namiss kita” sagot niya
“Wushu.Namiss daw. Pasok ka na muna kaso magulo dito” sabi ko sakanya
Maglilinis kasi ako ngayon
Sabi ko naman sainyo diba na ang kalat kalat na dito sa kwarto kasi wala na akong time para maglinis these past few days.
“Woah! Parang binagyo dito ah” sabi niya
“Tsk. Sabi ko naman sayo diba na ang gulo” Linagay ko ang bag ko sa table ng living room tsaka kinuha yung mga libro tsaka roll ng mapa na nakalagay sa sofa
“Ano ang ginagawa ng mapa ng town natin jan?” tanong niya
“Wala. Tiningnan ko lang kung naandito yung lake na pinagdalhan mo sakin”
Galing ko magpalusot noh?? Mwahahaha.
“Natural anjan eh mapa nga ng lugar nito eh -__-“ binara ako
Walang ya.
“Eh sa ngayon ngayon ko lang nakita yun. Psh. Pakialam mo ba”
Umupo siya dun sa sofa tapos naglakad ako papunta ng kwarto para ilagay sa cabinet itong map tsaka ibalik ‘tong mga libro sa book shelf
“Mika kukuha ako ng pagkain!” sigaw niya
“Nagpaalam ka pa! May magagawa pa ba ako?! Kaw lang naman ang nakakaubos niyan eh!” sagot ko
“At least nagpaalam pa diba?” narinig kong sagot niya
Hah. Sige, kumain ka lang. May bayad yan.Hahaha.
Lumabas akong dala-dala yung basket ng labahan ko
Tumingin naman siya
“Yuck! Ilang araw na ba yan at ang dami na?” tanong niya
“Tch. Pakialam mo ba?! Kumain ka nalang nga jan. Tutulungan mo pa ako maglinis”
Di ko na inantay yung sagot niya at bumaba na ako para pumunta sa laundry room namin
Hinabilin ko kay Manang Rosa yung mga labahan ko tsaka umalis na
Pagdating ko naandun na si Ethan sa lababo at naghuhugas. Naman.Hehe. Sineryoso ang sinabi ko. Palibhasa seryoso naman talaga yun. Haha
“Ano nakain mo at di ka ata nagreklamo ngayon?” tanong ko sakanya
“Gusto mo bang tinutulungan kita o ayaw?”
“Tsss. Sino bang engot ang aayaw magpatulong?”
Linigpit ko yung mga box ng pizza na naandun pa sa mesa, tsaka yung Styrofoam, yung mga can ng soda at linagay sa basurahan
Grabe. Bakit nga di ko man lang nalagay ang mga ‘to sa basurahan? Tsk Tsk
“Bakit ang kalat dito? Nawala lang si Ann”
“Aish. Busy masyado. Wag ka nang tanong ng tanong”
“May bayad ‘tong ginagawa ko!” sigaw niya kasi andito na ako sa sala at inaayos yung mga nakalagay sa cabinet kasi ang gulo nan g nakalagay
“Kumain ka na nga!”
“Kulang pa yun!”
“Whatever! Bilisan mo nalang jan at ang dami pang kalat dito”
Inayos ko yung mga picture frame, figurines tsaka inalis yung mga di dapat nakalagay dun.
Pagkatapos kinuha ko yung mga nakakalat sa sahig at linagay sa dapat paglagyan
Minamop ko na yung tiles ng makita ko si Ethan pumasok sa living room
“Ba’t ang tagal mo?” tanong ko
“Inayos ko na ang magulo mong kusina. Magpasalamat ka nalang” umupo siya sa sofa at pinagmasdan ako
Di nalang ako umimik
Ilang minuto lang ng kakatingin niya sakin, nagsalita na siya
“Di ko akalaing makikita ko ang prinsesa na naglilinis” sabi niya
Tiningnan ko siya at tinaasan ng isang kilay
“Kala mo naman sakin? Tsaka imbis na umupo ka jan, punasan mo nalang yung glass door tsaka mga bintana”
“grabe naman ‘to kung makautos” he mumbled
Pero sinunod niya ako
Hehe.
Ang bait niya noh?
Ganyan naman talaga yan si Ethan. Kahit reklamo ng reklamo, sinusunod pa rin niya yung mga sinasabi ko. Kaya nga mahal ko yan eh. Pero wag kayo maingay. Haha.
1 hour ang nakalipas, ang linis linis na ng kusina, living room tsaka balcony
May kwarto pa >.<
Nagstretch stretch ako ng katawan. Kapagod maglinis eh. Ngayon lang naman ulit ako nakapaglinis ng ganito. Kapagod.
“Oh. Inom ka muna” inabutan niya ako ng juice
“Salamat :)”
“Kung lagi ka nalang kaya nagiismile ng ganyan” sabi niya
“Para lagi ka mainlove sakin?” biro ko
Naglakad kami papuntang kusina at hinugasan ko yung baso na ginamit namin
“Sigurado ka talagang mahal kita noh?”
“Kaw palang nagsabi niyan”
Naramdaman kong lumapit siya sakin tsaka hinug ako. Nakatalikod ako sakanya so you know na kung pano, right?
Shete. Yung puso ko nakikipagkarera naman >.<
“Naniwala ka naman?” bulong niya
Nagkakagoose bumps ako ng di oras sa lalaking ‘to
“Uy! Amoy na kaya ako pawis”
Inalis niya yung pagkayakap tsaka kinurot yung pisngi ko
“Oo nga. Amoy ka na pawis. Buti pa ako mabango pa”
Asar.
Sinabi ko bang yakapin niya ako?
Hmpf.
“Ewan ko sayo. Tara sa kwarto. Marami pang lilinisin dun”
Pumunta naman kami sa kwarto
Wala na naman nakakalat na mga damit dito kasi naandun na lahat sa labahan kaya safe :P
Pumasok ako pero di siya sumunod kaya tiningnan ko siya sa likod
“Ano na? Di ka pa papasok?” tanong ko
Aba at namumula.Hahaha.
“Pati ba dito magpapatulong ka?” tanong niya
“Duh?!Tsaka bakit ba parang kamatis ka nanaman.Wala naman akong gagawin sayo.Hahaha!”
Nagsimula na ako mag-ayos
Siya sa book shelf, ako sa cabinet. Marami kasi nakalagay dito na di niya dapat makita.
Ethan’s POV
Sira talaga ‘to si Mika.
Kitang lalaki ako papapasukin ako sa kwarto niya.
Kami lang pating dalawa dito. Aish.
Wag na nga marumi ang isip. Walangya.
Baka asarin nanaman ako nito.
Ang init init nanaman kasi ng mukha ko.
Tsss
Nag-aayos ako ng mga libro dito sa book shelf niya
Daming libro eh.
Nabasa na kaya niya ‘to lahat?
Kumpleto siya sa Harry Potter tsaka ano ‘to… Vampire Academies?
Eto maganda. Hunger Games. Kumpleto din siya hanggang Mocking Jay.
Ang adik lang sa libro eh.
Itatayo ko sana yung isang libro dun… Winterhaven ata title nun… nang biglang may nahulog sa sahig
Di naman niya napansin.Tsaka ako naman talaga ang kukuha nito.Ako ang nakahulog eh.Ano ba yan.
Yumuko ako at inabot ang… kwintas?
Teka lang… parang familiar… nakita ko na ‘to dati…
“Ethan? Anon a ginagawa mo?” narinig kong tanong niya
Nagmadali akong tumayo at tinago yung kwintas
Di ako magnanakaw ha! Eh kasi nabobother talaga ako ng kwintas na’to. Saan ko nga ulit ‘to nakita?
“Hoy!”
Natauhan naman ako dun
“S-sorry. Pagod lang. Tapos na dito” sabi ko sakanya
Ngumiti naman siya tsaka lumabas na kami ng kawarto niya
“Ako na nga lang mag-aayos dun. Madali lang naman yun. Ipagluluto nalang kita ng lunch” sabi niya sakin
“Marunong ka ba magluto?”
Baka kasi hindi ko makain eh =_______=
“Kala mo sakin?! Dun ka na nga sa sala. Ipagluluto na nga kita”
Ahy. Nagtampo na. Hehe.
Linapitan ko siya. Ganda ganda talaga niya kahit pawisan. Tsaka di naman talaga siya amoy pawis. Haha.Ang bango pa nga niya. May naliligaw na buhok sa mukha niya kaya tinuck ko sa may tenga niya.
“ Nagtatampo ka na niyan?” tanong ko
Ang pula pula na niya. Haha.
“Psh” inirapan niya ako